Month: July 2015

Bam: Charge Negligent Gov’t Employees Ormoc City Ferry Tragedy

Negligent government employees must also be held accountable for allowing the ill-fated M/B Kim Nirvana to leave port despite being overloaded, Senator Bam Aquino stressed.

“While we welcomed swift action against the captain, ship operator and crew of the ferry that capsized off Ormoc City, erring government employees must also charged for their failure to ensure the safety of passengers,” Sen. Bam said.

 “Government employees in the area are as culpable as the captain, operator and crew of M/B Kim Nirvana for the death of 61 people. They should also be held responsible for this incident,” added the senator. 

On Saturday, authorities have filed multiple murder charges against the owner Joge Bung Zarco, boat captain Warren Oliverio and 17 crew members of M/B Kim Nirvana.

The Philippine Coast Guard has already relieved two of its personnel – Fidel Blanco and John Sabado – for allowing the vessel to leave port despite being overloaded. However, the two were not charged.

“Hindi puwedeng kapitan, may-ari ng barko at mga tauhan lang ang papanagutin sa pangyayaring ito.  Dapat tiyakin na lahat ng may responsibilidad at kasalanan ang siyang mapapanagot at maparusahan,” Sen. Bam said.

Earlier, Sen. Bam reiterated his call to investigate the seaworthiness of maritime vessels in the country in the wake of this recent sea tragedy.

As early as May 2014, Sen. Bam has filed Senate Resolution No. 652, calling for the investigation on the seaworthiness of maritime vessels to ensure their safe and efficient operations and avoid maritime accidents.

However, the resolution gathered dust and was never heard by the appropriate Senate committee.

In his resolution, Sen. Bam emphasized that the national government has the duty to implement positive measures that can alleviate, if not resolve, the recurring maritime accidents over the past decades.

“Magpapatuloy ang ganitong sistema kung papayagan nating makaligtas sa asunto ang mga tauhan ng pamahalaan na may tungkulin na tiyaking ligtas ang pagbiyahe ng ating mga kababayan,” he stressed.

Congress Ratifies Youth Entrepreneurship Act

Both houses of Congress have ratified the Youth Entrepreneurship Act, seen as an effective tool to address the growing number of jobless young people in the country, which currently stands at 1.32 million.

“With its imminent passage into law, the government can now meet the challenges of youth unemployment head on,” said Sen. Bam Aquino, chairman of the Committee on Youth, and Trade, Commerce and Entrepreneurship.

“The passage of this law only shows that the government is serious in addressing youth unemployment, which I consider as a growing epidemic that should be looked into immediately,” added the senator.

In their latest report, the Philippines Statistics Authority (PSA) and National Statistics Office (NSO) said that there are 1.32 million youth from ages 15 to 24 years old as of January 2015.

“This is unacceptable because we have a lot of promising youth whose talents are going down the drain because of lack of employment and entrepreneurial opportunities,” said Sen. Bam.

Sen. Bam said that European countries have provided billions of Euros worth of loans for the youth to help them start their own businesses.

The measure aims to change the public school curriculum and paradigm, as it creates financial literacy modules in all levels of Philippine education, to inclucate a culture of enterprise development among the Filipino youth.

“This Act has the potential to revolutionize our mindset as a people from wanting to be an employee of a company to being a boss of their own enterprise,” Sen. Bam emphasized.

The Act also provides would-be youth entrepreneurs access to financing, training, market linkages, and other means of support that will help them run and develop their own business.

BIDA KA!: Negosyo, Hataw Na!

Mga Bida, nitong nakaraang mga linggo, kabi-kabila ang ginawang inagurasyon ng Negosyo Center sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kamakailan, nagtungo ako sa Daet sa Camarines Norte at Batangas City para pangunahan ang pagbubukas ng tatlong Negosyo Center doon.

Maliban dito, sunud-sunod din ang inagurasyon ng Negosyo Center sa Bataan, Baguio City, Benguet, Tabuk City, Lagawe, Bontoc, Pagadian, Alaminos City, Agusan del Sur at Ozamis City.

Ito’y dagdag pa sa mga naunang binuksan sa Cagayan de Oro, Iloilo City, Aklan, Bulacan, General Santos City, Butuan and Albay.

Mga Bida, kung inyong naaalala, ang Go Negosyo Act ang unang batas na naipasa natin sa ating termino, kung saan magtatayo ng Negosyo Center sa bawat probinsya, siyudad at munisipalidad sa bansa.

Sa tulong ng Negosyo Center, maiuugnay ang mga negosyante, lalo na ang maliliit, sa mas malalaking merkado at mga nagpapautang, at magkakaroon ng pinasimple at pinag-isang business registration process, na magpapabilis ng proseso sa pagtatayo ng negosyo.

Sa taya ng Department of Trade and Industry (DTI), aabot sa 55 Negosyo Centers ang nakatakdang buksan sa pagtatapos ng linggong ito.

Bago magpalit ng taon, inaasahan ng DTI na aabot sa 140 Negosyo Centers ang bubuksan, higit pa sa unang target na isandaang centers sa 2015.

***

Mga Bida, nakakatuwa rin na sa bawat binubuksang Negosyo Center o maging sa workshop na ginagawa ng aming tanggapan, may natutuklasan tayong mga kuwentong magsisilbing inspirasyon at gabay ng sinumang nais magnegosyo.

Mula nang buksan ang Negosyo Center sa Cagayan de Oro, na siyang kauna-unahan sa Pilipinas, dinagsa na ito ng napakaraming negosyante.

Sa unang buwan pa lamang nito, mahigit 500 kliyente na ang napagsilbihan nito, kahit na wala pa itong masyadong patalastas na nagawa.

***

Noong binuksan natin ang Negosyo Center sa Kalibo, napag-alaman natin na limang porsiyento lang ng mga produkto at iba pang pangangailangan ng mga beach resort sa Boracay ang kinukuha sa lalawigan.

Karamihan sa mga produktong ginagamit o ibinebenta sa Boracay ay mula pa Cebu, Bohol at iba pang kalapit na lalawigan. Ang iba nga, inaangkat pa mula sa mga kalapit-bansa natin sa Southeast Asia.

Ito ang isa sa mga hamon na kakaharapin ng Negosyo Center na binuksan sa nasabing lugar – ang iugnay ang mga produkto ng lalawigan sa mga malalaking negosyo sa Boracay. Kung magagawa ito, kikita ang mga negosyo ng mga Aklanon, magkakaroon ng mas maraming trabaho roon at uunlad ang buong ekonomiya ng Aklan!

***

Sa workshop sa La Union, naimbitahang speaker si Cat Patacsil ng social enterprise na First Harvest, at tinalakay niya ang kanyang karanasan sa paghahanap ng honey bilang pangunahing sangkap ng kanyang negosyo.

Pagkatapos, nilapitan siya ng mga kinatawan mula sa lalawigan ng Benguet, na siya palang pinakamalaking producer ng honey sa bansa. Pinag-usapan nila kung kayang tapatan ng produksyon ng mga taga-Benguet ang pangangailangang honey ng First Harvest.

Naiugnay natin ang isang negosyo at supplier para magtulungan sa produksyon ng peanut butter. Panalo ang nangyaring ito para sa lahat!

***

Ang huling kuwento natin ay tungkol sa mainit na pagtanggap ng mga Bicolano sa mga Negosyo Center na ating binuksan sa Daet.  Pumunta tayo roon para buksan ang dalawang Center – isa sa siyudad ng Daet, at ang isa ay para sa buong probinsya ng Camarines Norte.

Lalo pang napukaw ang interes ng mga taga-Daet nang igawad ng Small Business (SB) Corporation ang P1 milyong loan sa isang negosyante na nagbibiyahe ng iba’t ibang produkto.

Isa lang ito sa mga serbisyong makukuha ng mga negosyante sa Negosyo Center.

Mayroon tayong iba’t ibang microfinance institutions na handang makipagtulungan upang magbigay ng puhunan sa maliliit na negosyante sa napakababang interes nang walang collateral.

Kasalukuyan nating iniipon ang listahan ng mga nakabukas nang Negosyo Center at ilalagay namin ito, kasama ng kanilang mga address at numero sa www.bamaquino.com.

Mga Bida, ngayong nagkalat na at patuloy pang nadadagdagan ang Negosyo Centers sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, asahan pa ang pagdami ng mga kuwentong magbibigay sa atin ng inspirasyon, gabay at maging aral sa ating pagnenegosyo!

First Published on Abante Online

BIDA KA!: Planot plataporma, hindi porma

Mga Bida, halos isang taon pa bago maghalalan pero ngayon pa lang, mainit na ang usapin ukol sa mga posibleng kandidato sa 2016.

Marami na ang nakaabang sa kung sino ang patok sa mga survey. Pati karaniwang tao ay naging instant political analyst na rin sa pagtantiya sa tsansa ng bawat kandidato.

Sa araw-araw, laman ng mga pahayagan at pinag-uusapan sa radyo at telebisyon ang tungkol sa mga tatakbo sa karera para sa Malacañang. Ramdam na ramdam na talaga ang simoy ng pulitika sa bansa.

Ang nakakalungkot dito, sa sobrang pagtutok ng media sa mga isyung kinakaharap ng mga posibleng kandidato, baka nakakalimutan natin na kailangang pag-isipang mabuti kung sino ang iboboto natin sa 2016 batay sa kung ano ang magagawa nila para sa ating bansa.

Mapapansin na karamihan ng ulat na lumalabas sa media ay nakatuon lang sa mga kontrobersiya at isyu ukol sa isang posibleng kandidato. Mabenta kasi sa publiko ang mga ganitong balita.

***

Mga Bida, mas maganda siguro kung ihain na natin ang mga katanungan sa ating mga kandidato.  Hikayatin natin ang mga manunulat at reporter na humingi na ng mga plano para sa mga nag-iisip na tumakbo.

May kakayahan kaya siyang ipagpatuloy ang malaking pag-angat ng ekonomiya ng bansa at ang kaunlarang ito ay mai­babahagi pa niya sa mas maraming Pilipino?

Sa pagpasa ng Philippine Competition Act, kaya ba niyang tumayo laban sa mga mapang-abusong negosyo, kartel at mga magmamanipula ng mga presyo ng bilihin para matiyak na matibay ang ating mga merkado?

Kaya ba niyang bigyan ng nararapat na kapangyarihan ang pulis at ating sandatahan para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa ating mga komunidad?

Kikilos ba siya para maresolba ang tumataas na bilang ng walang trabaho sa bansa upang maiparamdam ang kaunlaran sa mas nakararaming Pilipino?

Mabibigyang solusyon ba niya ang pagtaas ng mga kaso ng maagang pagbubuntis at pagkalulong ng kabataan sa droga?

Imbes na tutukan ang imahe o tumingin sa personalidad ng isang kandidato, makagaganda para sa taumbayan kung magtatanong na tayo kung ano ang kinabukasang naghihintay sa atin sa bagong pamahalaan.

Mahalagang malaman ito upang matiyak na tuluy-tuloy ang pag-unlad na tinatamasa ng bansa kahit magpalit pa ng administrasyon.

Kaya, mga Bida, huwag tayong mag-atubiling tanungin ang mga sinasabing tatakbo bilang pangulo kung ano ang kanilang maiaalay para sa bansa.

***

Sa limang taon ng kasalukuyang gobyerno, masasabi na malayo na ang narating ng Pilipinas.

Mula sa pagiging “Sick Man of Asia,” tayo na ang kinikilala bilang ikalawang pinakamalakas na ekonomiya sa rehiyon.

Milya-milya na rin ang naabot natin pagdating sa giyera kontra katiwalian at sa pagsusulong ng mabuti at matapat na pamamahala.

Masasayang lang ang lahat ng ito kung hindi natin titiyakin na may kakayahan ang mga susunod nating pinuno na ito’y ipagpatuloy o ‘di kaya’y higitan pa.

Kaya higit pa sa personalidad, simulan na nating tanungin ang mga tanong na siyang makabubuo ng mga plano ng mga kandidato para sa ating kinabukasan.

Sa pamamagitan nito, mas makakapamili tayo ng karapat-dapat na susunod na mga pinuno ng bansa. Tandaan, kinabukasan natin at ng bansa ang nakataya sa ating magiging pasya!

 

First Published on Abante Online

NEGOSYO, NOW NA!: Dear Kanegosyong Bam

Mga Kanegosyo, maraming maraming salamat sa pagtingkilik ng ating kolum tuwing Lunes. Ginagamit natin ito para sagutin ang inyong mga katanungan tungkol sa pagnenegosyo.

Sisikapin nating matugunan ang mga tanong na ipinapadala ninyo upang mabigyan namin kayo ng gabay o tips sa buhay pagnenegosyo.

***

Kanegosyong Bam,

Kailan magkakaroon ng training center sa Butuan City? Balak po kasi naming umuwi sa Butuan ngayong taon. Sa ngayon po ay naririto kami sa San Pedro, Laguna. Salamat po. — Clarita

***

Kanegosyong Clarita,

Magandang balita! Binuksan kamakailan lang ang Negosyo Center sa Butuan City. Ito ay matatagpuan sa CARAGA DTI Office sa ika-apat na palapag ng D&V Bldg. sa JC Aquino Ave., Butuan City.

Manang Clarita, isa sa mga serbisyong ibinibigay ng Negosyo Center ay training para sa mga nais magsimula ng negosyo.  Nais ng training na ito na magabayan ang ating mga kababayan tulad ninyo sa mga mahahalagang kaalaman sa pagtatayo ng sariling negosyo.

Maliban sa training, mabibigyan din kayo ng payo sa tamang lokasyon, ibebentang produkto o serbisyo, kung saan makakakuha ng pautang at iba pa. Mahalaga na may makausap tayong dalubhasa na siyang gagabay sa atin tungo sa tagumpay.

***

Kanegosyong Bam,

Good morning. Puwede ba akong manghingi ng tulong? Isa akong biyuda at isang stroke patient na may maliit na tindahan kaso walang puhunan. Patulong naman sa aking sari-sari store. — Gina ng Montalban

***

Kanegosyong Gina,

Magandang araw din sa inyo. Hanga ako sa ginagawa ninyong pagsisikap na kumita para may maipantustos sa inyong pamilya sa kabila ng kalagayan ng inyong pangangatawan.

Sa kasalukuyan, Aling Gina, may mga microfinance institution (MFI) na nagbibigay ng pautang na may mababang interes at walang kolateral sa inyo sa may Rodriguez, Rizal.

Maaari ninyong puntahan ang ASA Philippines Foundation, Inc. na makikita sa No. 683 B. Manuel St., Geronimo, Rodriguez, Rizal. Maaari silang matawagan sa numerong 0922.897,7626.
May sangay rin ang Center for Agriculture & Rural Development, Inc. (CARD) sa Rodriguez na makikita sa No. 9 Talisay St., Brgy. Burgos. May landline sila na puwedeng pagtanungan (02)997.6669.

Mas mainam na lumapit sa mga microfinance kung ihahalintulad sa sistemang 5-6. Aabot sa 20% ang buwanang interest sa 5-6, samantalang nasa 2.5% lamang ang patong ng MFIs sa kanilang mga pautang sa isang buwan.

Maaari rin silang magbigay ng mga payo at iba pang business development services tulad ng training at education mo­dules sa mga maliliit na negosyanteng tulad ninyo para mas mapalago natin ang ating kabuhayan.

— Kanegosyong Bam

 

First Published on Abante Online

The K to 12 challenge

As we welcome a new school year, we are reminded of our need to constantly improve the quality of education for Filipinos across the country.

Aligned with this goal is the Enhanced Basic Education Act of 2013 or Republic Act No. 10533, which was signed into law on May 15, 2013 and resulted in the implementation of the K-12 Basic Education Program.

The last country in Asia with a 10-year pre-university cycle, the Philippines is one of only three, along with Angola and Djibouti, stuck in a 10-year basic education system.

Far from being a quick fix to our laggard status, the K to 12 program was carefully studied and designed by both private and public education stakeholders based on research from other countries and our own local successes and failures in education.

Many would agree that actualizing the K-12 system in the Philippines would result in more young Filipinos equipped with the necessary knowledge, skills and attitudes to enter the workforce.

And even though there are those that disagree and question whether or not we should transition to a K to 12 education system, this article is not about that.

The challenge we face now, in my view, is not whether we should or shouldn’t, but whether we can or can’t.

Are we ready to bring the K to 12 vision of progressive and transformative education to reality? Are we ready with classrooms and infrastructure to accept 2 more grade levels? Are we ready with the curriculum to move our education system to the world-class standard we have long been aspiring for?

To be fair to the Department of Education (DepEd), they have made progress in terms of infrastructure and curriculum development.

The backlog of 66,800 classrooms in 2010 was addressed with DepEd building over86,478 classrooms from 2010 to 2014 with plans to build over 40,000 more this year.

The shortage of 145,827 teachers in 2010 was addressed with DepEd hiring over 128,000 teachers from 2010 to 2014 with over 39,000 more to be hired this year.

Increased budget

But what about the 25,000 or so teaching and non-teaching staff that will be displaced once the K-12 program is completely implemented? DepEd reports that there will be at least 30,000 teaching positions in public senior high schools open for hiring, not to mention the need for principals and other non-teaching staff.

A P12-billion Tertiary Education Transition fund is also in the pipeline to offer grants, scholarships, and financial assistance to displaced employees so they may be qualified to continue working in the field of education.

With more classrooms and more teachers, congestion in our public schools has gone down and this is evidenced by the big reduction in schools that employ a two, three, even four-shift system. When in 2011, 21.24% of our elementary schools resorted to shifting, only 3% utilized a shifting system in 2014.

(Writer’s Note: Most of the schools that fall under the 3% are located in the National Capital Region (NCR) where DepEd has no more space or land to expand schools and build new facilities.)

Looking at these figures, we can clearly say that tremendous improvements have been made. But, to be frank, not a lot of our citizens know that DepEd has hit these numbers in the last 5 years. In fact, when I go around schools, students still ask me why the government keeps cutting the budget for education.

In truth, we’ve actually increased the budget by over 200% from 2010 to 2015, from P174.75 billion to P364.66 billion.

These gains we have had in the past years put into perpective the ability of DepEd and our education stakeholders to make necessary preparations and improvements in the condition of education across the Philippines. These small victories should give us reason to believe in our ability to overcome challenges in improving the quality of Philippine education, or at least dispel any doubts about our capability to perform.

But the truth of the matter is, even with these numbers facing us, there is so little trust in the government’s ability to implement major reforms. And from the feedback of some of our countrymen, a number of Filipinos don’t believe we can get this done by 2017.

Definitely, there are legitimate concerns that demand solutions. Definitely, a lot of work still needs to be done. Definitely, there will be unforeseen challenges along the way. It will definitely not be easy.

But the good news is, we still have time. There is an entire year before the full nationwide implementation of the K-12 Program and the performance of DepEd thus far gives us enough reason to trust that we can get this done together.

Now is the time for our communities to get involved. Now is the time for the private sector to offer their expertise and resources. Now is the time for all of us to get behind a program that will empower our youth with knowledge and skills that can propel them and their families to live better, more comfortable, and more meaningful lives.

Now is not the time to hit the brakes on a national reform we desperately need and have been working towards for the past years. Now is not the time to prematurely declare that we cannot make it happen. We have a year to implement this major education program and DepEd has asked for our help (For concerns and suggestions, email action@deped.gov.ph or call (02)636.1663 / (02)633.1942.)

For those who believe that we need to improve our educational system in the Philippines, this is our chance. We must not miss another opportunity to raise the level of our education to one that is world class. Let us support DepEd in creating a better, more robust, more effective, and more progressive education system for our young Filipinos through the K to 12 Basic Education Program.

First Published on Rappler.com

Bam on Fake Rice, SIM Card Registration and Purisima’s Dismissal (From Status Update Program)

On Fake Rice

“Nakita ko iyong picture. Actually, mukhang hindi siya mukhang bigas dahil parang foam ang dating. Ito po ay gawa sa patatas, kamote at mas nakakabahala, may plastic.

Si NFA administrator Renan Dalisay, sabi naman niya, binibigyan na niya ng pansin ang fake rice galing China. Hot rice ang tawag dahil smuggled daw po ito. Kailangan tayong mag-ingat.

Sa ating mga negosyante, huwag tayong gumawa ng mga gawaing makakasama sa ating customer.

Ang ibang gawain kasi diyan, hinahaluan mo ng smuggled na bigas kasi mas mura siya. Ang benta mo mas mataas kaya lumalaki ang margin mo kapag naghahalo ka ng smuggled, mas kikita ka.

Pero, unang-una illegal po iyan. Pangalawa, nakakasama po iyan sa ating mga magsasaka, kasi sila po ang nahihirapan.

Pangatlo, baka hindi ninyo po alam kung saan galing ang bigas na iyan, baka fake rice na iyan. Wala pa nga tayong balita kung ito’y nakakasama. Ang sabi lang, may fake rice. Kung may plastic po iyan, hindi po iyan mabuti sa ating katawan.

Para sa mga negosyante po natin, mga rice traders po natin, siguraduhin na ang ibinebenta natin ay tama at tapat sa ating namimili.

Susuportahan po natin ang imbestigasyon pero mas mahalaga na makuha natin ang datos mula sa NFA, kung tonelada ang pumasok o baka sako-sako lang. Alamin ho natin.

Para sa ating mga kababayan, kapag may nakita tayong fake rice, i-report po natin.”

On SIM Card Registration

“Alam ninyo ho, ang SIM card registration kasi, matagal na itong pinag-uusapan. Iyong nagtutulak nito sa Senado, si Senator Sotto. Kinukuwento niya sa sakin, tayo na lang sa iilang bansa na hindi nagpapa-register ng SIM card.

Para kay Cong. Biazon at Sen. Sotto, malaking bagay ang security. Kasi itong mga SIM card, hindi registered, ginagamit sa scam. Sometimes, ginagamit iyan sa transaction na illegal or the use of burner phone.

Sometimes naman ho, kapag mayroong nangyaring masama o may kinalaman sa krimen, kailangang mahanap ho ang mga SIM card.

Ang sabi naman po ni Cong. Biazon at Sen. Sotto, form lang ito. Pangalan, may ID, para alam mo kung kanino nabenta ang SIM.

Of course, sasabihin ng sari-sari store o tiangge, pakokolektahin ninyo kami ng pangalan at ita-transmit pa natin iyan.

 Kailangan ho nating balansehin, kung ano ang mas mahalagang bagay, iyong makuha natin ang security or iyong magkaroon ng extra process.

Tingin ko naman, kung maayos ang paggagamitan mo nito, ano ba naman na ilagay mo ang pangalan mo at magpakita ka ng ID. Hindi naman ho ganoong kasama.

Ang mahalaga lang ay nire-register po ito. Probably po, pag-uusapan natin ito sa Senado. Kung may mapeperhuwisyo nito, iyong nagtitinda at telcos dahil kailangan ng database.

Ang maganda naman dito, kung mayroong krimen at scam, agad-agad nating malalaman kung saan galing at nabenta ang  SIM card na iyan.”

On the Dismissal of Purisima, 10 other PNP Officials

 “Ito’y dahil sa kontrata sa courier service na Werfast.

Maraming nagtataka kung bakit ganoon daw. Ang isa pa pong lumabas, sa desisyon nila, hindi pa daw nakarehisto noong panahong nagawa ang kasunduan sa Werfast.

Nirehistro lang ito noong Agosto, e Mayo ang kanilang pirmahan. Mayroon talagang kataka-taka sa transaksyong ito.

 Ako po, kitang-kita naman natin na napaka-busy ni Madam Ombudsman. Hindi siguro natutulog si Madam Ombudsman.

Sabi ko nga, ang mga babae ang mas matatapang sa ating bansa.”

Bam Reiterates Call to Probe Seaworthiness of Maritime Vessels

Senator Bam Aquino has renewed his call to investigate the seaworthiness of maritime vessels in the country in the wake of the recent sea tragedy that claimed the lives of 36 people in Ormoc City.

“I reiterate my call to investigate whether our maritime vessels are seaworthy. Huwag na nating hintayin maulit pa ang nangyari sa Ormoc bago tayo mag-imbestiga at gumawa ng reporma,” Sen. Bam stressed.

As early as May 2014, Sen. Bam filed Senate Resolution No. 652, calling for the investigation on the seaworthiness of maritime vessels to ensure their safe and efficient operations and avoid maritime accidents.

However, the resolution gathered dust and was never heard by the appropriate Senate committee. 

“Mahalagang malaman natin kung ligtas pa bang gamitin ng ating mga kababayan ang mga sasakyang pandagat upang wala nang magbuwis pa ng buhay sa mga ganitong uri ng insidente,” the senator stressed.

In his resolution, Sen. Bam emphasized that the national government has the duty to implement positive measures that can alleviate, if not resolve, the recurring maritime accidents over the past decades.

“It should give appropriate emphasis on the seaworthiness of our vessels and must demonstrate stronger commitment in the effective implementation of the laws in order to safeguard the safety of the public,” Sen. Bam said. 

“Dapat nating siguruhin na tinutupad ng mga may-ari ng mga sasakyang pandagat ang kanilang papel na tiyaking ligtas ang biyahe ng ating mga kababayan,” Sen. Bam said.

7 Dahilan Kung Bakit Ka Laging Na F-Friendzone

By Lis7avengers

 

Ngayong palapit na ang Filipino-American Friendship Day, alalahanin natin ang pitong dahilan bakit hindi natutuloy sa mabungang pagmamahalan ang iyong mga da moves at nananatili ka sa friend zone!

 

1. Ang labo mo kasi, pre! Baka naman hindi malinaw sa type mo na type mo nga siya talaga. Mahirap kasing mag-assume! Mas mabuti na i-clarify ang iyong balak. Lakasan ang loob at magbigay ng single, meaningful rose o di kaya i-harana mo siya in private. At the very least, sabihan mo siya ng “I really really really really really really like you,” kahit sa text lang. Mag-isip na ng creative na da moves para ipakita at sabihing gusto mo siya!

ireallylikeyou

2. Masyado kang ma… ba… gal. Maraming naghihintay ng “perfect timing” o ng lakas ng loob bago ibahagi ang nilalaman ng puso. Marami na ring naunahan ng ibang Casanova o napagsawaan ng pinapahintay niyang crush. Don’t wait too long! Life is short. Kung hindi ka aamin ngayon, kailan pa? Ika nga ni Jordan, JUST. DO. IT.

ligaw

3. Puro na lang group HOHOL. Uso pa ba ang torpe ngayon?! ‘Wag naman laging group date! Ok lang iyon kung sa simula ngunit para alam niya na siya’y natatangi sa iyong puso, yayain siya sa one-on-one HOHOL. Pag-successful, yayain mo na mag… date!

torpe 

4. Masyado ka yatang mabait… sa lahat. Mahalaga na alam niyang special siya sa iyo. Kung mabait (o malandi) ka sa kaniya pero mabait (o malandi) ka rin naman sa iba, hindi na ‘yan aasa at maghahanap na ng iba. Hindi ba’t, we all want to feel special?

bobongquote

5. Hindi ka nagpapa-miss. Hindi porke’t may unlimited text ka ay itotodo mo na ang pangungulit sa crush mo. Nakaka turn-off rin ang umaapaw na messages, lalo na kung wala naman siyang oras mag-reply. Magparamdam ka paminsan-minsan at kung madalas ang reply niya sa iyo, ay doon ka na makipag-converse. Kung hindi, baka i-block ka lang ni future-beh.

waitingforyourtext

6. Takot ka sa “touch barrier.” Isa sa kaibahan ng pagiging friends at more-than-friends ay ang touch barrier. Dapat respetuhin ang personal space ng iyong tinitipuhan, pero kung may opening naman ay subukan mong i-holding-hands! Simulan ‘in private.’ Kung unahin mo in public, baka mapahiya ka lang sa harap ng mga tao. LOL.

 breezymoves

7. Hindi ka niya type. Masakit man tanggapin, minsan, hindi lang tayo ang type ng ating type. Ok lang iyan! Ganoon talaga. At least alam mo na. Huwag ka na mag-aaksaya ng panahon at pera. ‘Wag na rin mag-aksaya ng luha! Sabayan na lang si Beyonce, “To the left! To the left!”

bakit hindi ka crush ng crush mo

Na-friend zone ka na din ba? Kung oo, for sure nakarelate ka sa Lis7ahan na ito. I-share mo na rin sa amin ang mga experiences mo, at maging contributor sa next na friendzone Lis7ahan ng Lis7avengers! Mag-e-mail sa team.bamaquino@senado.ph!