Month: July 2016

Bam welcomes President Duterte’s EO on FOI

Senator Bam Aquino lauds President Duterte’s Executive Order (EO) implementing the Freedom of Information (FOI), saying it is a “welcome development in the fight for transparency and good governance”. 

“We believe wholeheartedly that this Executive Order will aid in the fight against corruption,” said Sen. Bam.

In the 16th Congress, Sen. Bam was among the senators who pushed for the enactment of the FOI into law, passing it on third and final reading. 

However, it did not come to fruition as the House failed to come up with its own version of the measure. 

In the 17th Congress, Sen. Bam has filed a measure entitled the People’s Freedom of Information Act seeking to institutionalize the FOI into law. 

“This is a bold step in the right direction, and hopefully, the legislature can follow the President’s lead and institutionalize this into a law as well,” the senator added.

Bam wants businesses to give spare food to poor

A senator wants food-related businesses to donate their spare food to food-distribution charities or “food banks” to provide food security to our poorest Filipino families while also addressing food waste.

 “Sa taas ng presyo ng bilihin at presyo ng pagkain ngayon, hindi makatarungan na maraming nasasayang na pagkain,” said Sen. Bam Aquino as he filed Senate Bill No. 357 or the Zero Food Waste Act.

 In his measure, Sen. Bam wants to “ultimately end the cycle of having food end up in the trash instead of stomachs”.

 Sen. Bam submitted the measure days after the Social Weather Stations (SWS) released its 2016 first-quarter report, indicating that the number of families that experienced involuntary hunger rose to 3.1 million from 2.6 million in the last quarter of 2015.

 According to SWS, the total hunger rate accelerated to 13.7 percent during 2016’s first quarter from 2015’s fourth quarter of 11.7 percent.

 The measure seeks to create a National Anti-Food Waste Scheme, with the Department of Social Welfare and Development (DSWD) as coordinating agency between food businesses, such as food manufacturers, supermarkets, restaurants, cafeterias, and hotels, and food banks.

 The scheme will set guidelines and standards for the collection, storage, and distribution of edible food donated to food banks. It will also promote linkages between food banks and LGUs to create a community-based food distribution system for the food insecure.

 It will establish a Self-Sufficiency Program that provides the food insecure with skills training on managing food banks and livelihood programs to avoid dependence on donations.

 Food-related businesses will shoulder the costs of transporting edible food waste from business location to the food bank’s warehouse or distribution center and ensure its good condition upon arrival.

 If enacted into law, the penalty of prision correccional will be imposed on any individual, private or public, who deliberately makes food waste unfit for consumption.

 Sen. Bam said the same penalty is applicable to private or public actors who prevent the redirection of edible food waste to food banks or inedible food waste to waste management and recycling enterprises.

 In addition, Sen. Bam said the measure will push private individuals and their local governments to participate in a segregation campaign to have food waste readily available for recycling into fertilizer or compost.

Bam hopes Duterte’s SONA includes plans for employment, poverty reduction

Apart from his intensified campaign against illegal drugs, President Duterte can lay down a clear plan on how he will address the country’s other pressing problems, such as employment, education and poverty reduction, in his first State of the Nation Address (SONA) on July 25.

“President Duterte can discuss important topics that matter to the lives of Filipinos like education, employment and poverty reduction,” replied Sen. Bam when asked in a television interview about his wish list of issues that should be discussed by Duterte in his SONA.

“He can talk about the West Philippine Sea issue as well. These are things, I think that people will be very interested in,” added Sen. Bam, chairman of the Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship.

“We need to ensure that prices are stable and more importantly, that Filipino families have the wherewithal to address their most basic needs.”

In the recent Pulse Asia’s Ulat ng Bayan survey conducted from July 2 to 8, Filipinos want the new Duterte administration to prioritize three economic issues.

These are increase in prices of goods (68 percent), creation of jobs (56 percent) and implementation of pro-poor initiatives (55 percent). Around 48 percent of Filipinos mentioned fighting criminality as the fourth most pressing concern.

In the 17th Congress, Sen. Bam has filed several measures that will help end contractualization in the labor sector, provide free college education, and boost the government’s poverty reduction program. 

Sen. Bam Aquino filed Senate Bill No. 174 or the End Endo Act that seeks to eliminate the unjust “Endo” (end contract) practice in the country.

The measure will put a stop to fixed term employment or hiring of workers based on a limited and fixed period without regularization so more Filipinos are assured of job security and steady compensation.

The senator also filed Senate Bill No. 177 that pushes for free tertiary education in all State Universities and Colleges (SUCs) for all students.

He also filed the Trabaho Center in Schools Bill (Senate Bill No. 170) and the Abot Alam Bill (Senate Bill No. 171).

In his Trabaho Center in Schools Bill, Sen. Bam wants to create a job placement office or Trabaho Center to assist Senior High School graduates who opt to find employment and help them find those opportunities.

The Abot Alam Bill will create a comprehensive national framework designed to achieve the government’s aim to provide education for each and every Filipino, particularly out-of-school youth (OSY).

The bill seeks to institutionalize the highly successful Abot Alam convergence program led by the Department of Education and National Youth Commission.

BIDA KA!: Isang Simpleng Parangal sa ating Big Brother

Mga bida, isa sa mga hinahangaan at tinitingala kong personalidad ay si dating Education Sec. Bro. Armin Luistro, isa sa pinakamasipag na miyembro ng Gabinete sa nakaraang administrasyon.

Nagsimula si Bro. Armin bilang religion teacher sa De La Salle Lipa noong dekada otsenta. Mula noon, umangat siya sa posisyon at naging pinuno ng walong institusyon ng De La Salle bilang pangulo at CEO ng De La Salle Philippines (DLSP).

***

Noong 2010, sa unang pagkakataon ay sumabak si Bro. Armin sa paglilingkod sa gobyerno nang italaga siyang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Agad napasabak sa mga hamon si Bro. Armin. Sinalubong siya ng katakut-takot na problema, gaya ng kakulangan na 61.7 milyon sa libro, 2.5 milyon sa upuan, 66,800 silid aralan at 145,827 guro.

Maliban pa rito, si Bro. Armin din ang naatasan sa preparasyon at paglalatag ng kontrobersiyal na K to 12 Program.

***

Hindi naman nagpatinag si Bro. Armin sa mga gabundok na problema na sinalo ng Aquino government na kailangan niyang tugunan.

Hinarap niya ang mga problemang ito para na rin sa kapakanan ng milyun-milyong estudyante sa buong Pilipinas.

Sa gitna ng batikos sa kanyang bawat kilos at galaw, epektibo at tahimik na nagampanan ni Bro. Armin ang tungkulin.

Sa isang panayam kay Bro. Armin bago siya bumaba sa puwesto, sinabi niyang nabura ang backlog sa silid aralan nang makapagpatayo ang ahensiya ng 118,000 bagong classrooms mula 2010 hanggang 2016.

Maliban dito, may 66,000 pang classrooms ang kasalukuyan nang itinatayo kaya aakyat sa 185,000 ang silid aralan na naipatayo sa ilalim ng dating administrasyon.

Nasolusyunan din ang kakulangan sa guro sa pagkuha ng mahigit 258,000 guro mula 2010 hanggang 2016.

Isinulong din ni Luistro ang pagpapaganda ng pasilidad, paglalagay ng internet at ICT at makabagong modules para mapaganda ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Pinangunahan din ni Luistro ang maayos na pagpapatupad ng K to 12 Program, kabilang ang pagsisimula ng unang batch ng Grade 11 noong Hunyo.

Nabawasan din ng halos kalahati ang bilang ng out-of-school youth sa bansa sa pamamagitan ng Abot Alam Program.

Dahil nakita kong epektibo ang nasabing programa, isinumite ko ang Senate Bill No. 172 o ang Abot Alam Bill upang maipatupad ito sa buong bansa.

Kapag naisabatas, tutugon ito sa pangangailangan ng mga kabataang Pinoy na may edad pito hanggang 24 na hindi nag-aaral sa paglikha ng programa na magbibigay ng edukasyon sa bawat Pilipino, lalo na ang out-of-school youth (OSY).

***

Naisip ko na bakit hindi ipinagmamalaki ni Bro. Armin ang kanyang mga nagawa.

Pero naalala ko ang kanyang binanggit noon na ito’y tungkulin natin bilang lingkod-bayan at hindi dapat mag-antay ng anumang kapalit at mga papuri dahil ito’y para sa pangangailangan at kapakanan ng taumbayan.

Maliban pa rito, palagi ko ring naririnig na sinasabi ni Bro. Armin na kahit maraming batikos sa pagganap niya ng tungkulin na makapaglingkod sa kapwa, lalo siyang napapalapit sa Diyos.

Ang tagumpay ni Bro. Armin sa kabila ng mabigat na hamon ay nagbibigay sa akin ng inspirasyon upang pagbutihin pa ang paglilingkod sa taumbayan.

Umaasa tayong marami pang Bro. Armin ang lilitaw at magsisilbi sa pamahalaan.

Article first published on Abante Online

 

Bam: Cha-cha must examine other important aspects of 1987 Constitution

CEBU CITY — Sen. Bam Aquino prefers constitutional convention (con-con) as means to amend the 1987 Constitution, adding the action must be a “genuine process” where other important provisions of the Charter will be thoroughly examined, in addition to federalism.

 “Sang-ayon po ako sa constitutional convention. I’m open to federalism pero kapag binukas kasi natin ang Constitution, hindi lang po iyan puwede for one aspect. Lahat po ng aspeto, kailangang suriin,” said Sen. Bam during a radio interview here.

 He added, “Once we open up the con-con, sana po it goes through a genuine process of assessment kasi 30 years na rin po ang ating Constitution. How do we update our Constitution? Ano ang pinaka-akma na sistema at istruktura sa ating bansa in the 21st century?”

 Sen. Bam believes the Charter’s economic provisions, term limits to local officials, among others already mentioned, need to be revisited, reviewed and updated to be attuned to the present situation.

 “I think ang three-year term ng local officials natin, masyado pong maikli. As we know, most of the reforms na kailangan ng bansa, takes six to ten years,” he explained.

 In the 16th Congress, Sen. Bam said congressmen also tried to introduce amendments to the economic provisions of the Constitution but it didn’t take off.

 A constitutional convention is a process where the people elect delegates, who will study proposals to amend or revise the Charter. The amendments drafted by the delegates must be approved by the people in a referendum.

 While he is open to a shift to federal form of government, Sen. Bam said some local officials have recently expressed apprehensions over the move.

 “Pagdating po sa federalism, bukas po tayo diyan pero iyong ibang governors na nakausap ko, marami rin silang tanong,” said Sen. Bam.

 “Another basic question is, how much will it cost? Will this mean new taxes? Will it mean new bureaucracy kasi kung magkaka-regional governments tayo, parang may next layer na naman tayo ng burukrasya,” he added.

 However, Sen. Bam trusts that the upcoming House and Senate leadership will allow the process to move properly.

 “Itong lahat po, pag-uusapan, hihimayin, dadaan sa proseso ng pag-uusap. I’m hoping lang na di po iyan magtagal ng 3 or 4 years. Sana po maybe 1 year o 1 year and a half, tapos na po iyong proseso,” said Sen. Bam.

Bam: Include PH delegation to Hague in bilateral talks with China

Sen. Bam Aquino on the PLDT, Globe anti-trust issue

It’s unfortunate that a legal battle has ensued even before the Philippine Competition Commission (PCC) has made a decision. Now we wait for the proper judicial process to take its course.

Ultimately, the landmark Philippine Competition Act was created to benefit our citizens. In the end, we need to make sure that Filipino consumers have access to improved internet services.

BIDA KA!: Makilahok sa SK elections

Mga bida, umpisa bukas (Biyernes) hanggang ika-30 ng Hulyo, gagawin ang pagpapatala para sa eleksiyon ng mga bagong opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa Oktubre 31.

Kung ikaw ay mamamayan ng Pilipinas, residente sa barangay na iyong tinitirhan ng hindi bababa sa anim na buwan at 15 anyos ang edad ngunit hindi sa 30 taon ang edad sa araw ng halalan, maaari kang magparehistro at makaboto sa SK.

Sa mga interesado, maaaring magtungo sa tanggapan ng election officer ng Commission on Elections (COMELEC) sa siyudad o munisipalidad kung saan kayo nakatira at doon magpatala.

Maaari ring bumisita sa website ng COMELEC para sa karagdagang impormasyon. (comelec.gov.ph)

***

Dati, ang SK ay kilala lang sa pagpapaliga ng basketball, beauty contest at iba’t ibang proyekto na hindi mabisa sa pag­hubog sa kabataan.

Nakakalungkot ding sabihin na may mga sitwasyon na ang SK ay nagsilbi ring ‘breeding ground’ sa katiwalian ng ilang mga opisyal.

Ito ang dahilan kung bakit isinulong natin, bilang chairman ng Committee on Youth, ang pagreporma sa SK sa pamamagitan ng batas, na ngayo’y kilala na bilang SK Reform Act o Republic Act No. 10742.

Bilang co-author at co-sponsor ng RA 10742, nais nating burahin ang negatibong impresyon sa SK at gawin itong daan upang tulungan ang mga kabataan na maging produktibong miyembro ng lipunan.

Excited na ako para sa darating na SK elections, dahil dito unang masusubukan at maipatutupad ang mga pagbabago na isinulong natin sa ilalim ng nasabing batas.

***

Isa sa malaking pagbabago sa SK ay ang pagpapataas ng edad ng mga opisyal na maaaring tumakbo. Mula sa dating 15 hanggang 17-anyos, ngayon nasa 18 hanggang 24-anyos na ang puwedeng kumandidato.

Layon nito na bigyan ng legal na karapatan ang mga opisyal na pumirma sa mga kontrata at magkaroon ng pananagutan sa kanilang mga pagkilos, kung nagkaroon man ng pag-abuso o anomalya.

Sa batas na ito, mula 15 hanggang 30 anyos ang maaaring lumahok sa SK elections matapos nating iayon ang depinisyon ng kabataan na nakasaad sa iba pang mga batas.

Maliban pa rito, matitiyak na may kakayahan ang mga bagong SK official dahil kailangan nila sumailalim sa mandatory training programs bago manungkulan.

Habang ginagampanan nila ang bagong tungkulin, may mga nakalinyang iba pang training program na magbibigay sa kanila ng dagdag na kaalaman.

Sa ilalim ng batas, itatatag ang Local Youth Development Council (LYDC), isang konseho na susuporta sa SK at titiyak na mayroong aktibong partisipasyon ng mga kabataan.

Ang LYDC ay bubuo ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang youth organizations sa komunidad gaya ng student councils, simbahan at youth faith groups at community-based youth groups.

***

Ngunit ang pinakamahalagang aspeto ng batas ay ang tinatawag na anti-dynasty provision. Sa kasaysayan, ito ang kauna-unahang batas na mayroong probisyon na lumalaban sa mga dinastiya sa bansa.

Sa probisyong ito, hindi na puwedeng tumakbo sa anumang SK position ang pamilya o kamag-anak ng sinumang halal na public official — mula national, provincial, city/municipality at barangay levels — hanggang sa tinatawag na second degree of consanguinity and affinity.

Sa tulong nito, mabibigyan ang mas maraming kabataan na maglingkod sa kapwa nila kabataan sa pamamagitan ng pagtakbo sa SK.

Kung kayo ay student leaders ngayon sa inyong eskwelahan, youth leaders sa non-government organization, mga kabataang lider sa ating simbahan, pag-isipan po nating tumakbo sa SK.

Samantalahin natin ang pagkakataong ito. Ma­ging bahagi tayo sa malaking pagbabagong ito sa sistema na magbibigay lakas at tututok sa kapakanan ng mga kabataan.

Sayang din ang mapangahas na batas kung wala ring tutugon sa hamon nito na baguhin ang sistema.

Sabi nga natin, ang uso ngayong kataga dahil kay President Duterte ay “Change is Coming”. Sana nga maging ganap ang change na mangyari sa ating SK.

Article first published on Abante Online

 

Bam on the decision of the Permanent Court of Arbitration

Congratulations to the Philippine delegation that worked on our case and all our countrymen who stood by our claim over the West Philippine Sea!

 Hindi madaling makipagtunggali sa bansang mas malaki at mas malakas sa atin, ngunit kailangang maging matapang.

 This decision provides the best chance for the Philippines to have a favorable outcome in any future multilateral or bilateral talks. Alas natin ‘to!

 The international tribunal has backed our claim and it’s clear that China must comply as a member of the community of nations.

 

Bam: Strengthen juvenile delinquency facilities

Instead of lowering age of criminal liability to nine years old, a senator urges the government to focus on strengthening the country’s juvenile centers to make it more effective in rehabilitating youth offenders.

 “Bakit hindi na lang palakasin ang Juvenile Delinquency Facility. Pondohan po natin, siguraduhin na kaya talagang ma­rehabilitate yung mga bata,” said Sen. Bam Aquino, chairman of the Committee on Youth, in a radio interview.

 In fact, Sen. Bam pointed out that one of the best juvenile facilities in the country is in Davao City, where President Duterte was a former mayor.

 “Kung tutuusin, mayroon namang pong track record ang ibang mga facility na may kakayahan silang mag-rehabilitate. May mga na-meet na po tayong mga batang kalye na na-rehabilitate, lumabas, bumalik sa eskwelahan, nakapag-graduate, nag-aaral at ngayo’y nagtatrabaho,” the senator stressed.

 Sen. Bam issued the pronouncement in response to Cong. Pantaleon Alvarez’s position that his bill lowering the age of criminal liability to nine years old is focused on rehabilitation and not punishment.

 “Masyado po yang marahas. Palagay ko, kapag kapanahunan ng debate, puwede namang maghanap ng compromise o maghanap ng paraan na hindi maperwisyo ang mga bata pero iyong goal na maging mas malakas tayo sa paglaban sa krimen, ma­achieve pa rin natin,” he said.

 Under the Juvenile Justice and Welfare Act, if a child taken into custody is fifteen (15) years old or below, the child can be either released to its parents or be referred to a youth care facility or “Bahay Pag-asa”.

 A child who is above twelve (12) years of age up to fifteen (15) years of age and who commits specific crimes shall be deemed a neglected child under Presidential Decree No. 603, as amended, and shall be mandatorily placed in a special facility within the youth care facility or ‘Bahay Pag-asa’ called the Intensive Juvenile Intervention and Support Center (IJISC).

 These crimes are parricide, murder, infanticide, kidnapping and serious illegal detention where the victim is killed or raped, robbery, with homicide or rape, destructive arson, rape, or carnapping where the driver or occupant is killed or raped or offenses under Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) punishable by more than twelve (12) years of imprisonment.

 

Scroll to top