Month: December 2016

NEGOSYO, NOW NA!: 400th Negosyo Center

Mga kanegosyo, binuksan noong ika-22 ng Nobyembre ang Negosyo Center sa Marikina City.

Espesyal ang nasabing Negosyo Center dahil pang-400 na ito sa buong Pilipinas, dalawang taon mula nang maisabatas ang Republic Act No. 10644 o ang Go Negosyo Act.

Espesyal ang Go Negosyo Act dahil ito ang kauna-unahang batas ko bilang senador noong 16th Congress. Ito’y bahagi ng aking adbokasiya na tulungan ang micro, small and medium enterprises sa buong bansa.

***

Naipasa ang Go Negosyo Act noong kalagitnaan ng 2014. Nang matapos ang taong iyon, limang Negosyo Center ang ating naitatag, na karamihan ay pinopondohan pa ng pribadong organisasyon.

Nang maisama na sa pambansang budget ang pagtatayo ng Go Negosyo, nasa 144 ang nadagdag dito noong 2015 at mahigit 200 ngayong 2016.

Ngayon, regular item na ito sa budget ng Department of Trade and Industry (DTI) at sa mga susunod na taon ay matutupad na ang hangarin ng batas na maglagay ng Negosyo Center sa bawat munisipalidad, siyudad at lalawigan sa buong bansa.

***

Bunsod ng mabilis na pagdami ng Negosyo Center, marami ang nagtatanong kung ano ba ang sikreto ng tagumpay ng programang ito.

Isa lang ang sagot ko. Matagumpay ang Negosyo Centers dahil sa tuluy-tuloy at matibay na pagtutulu­ngan sa pagitan ng lehislatura at ehekutibo kasama na ang pribadong sektor.

 

Dahil maayos ang batas, may pondong inilaan para rito ang lehislatura, batay na rin sa kahilingan ng ehekutibo.

Sa parte naman ng DTI, buong-buo ang kanilang pagtanggap sa Negosyo Center at ginawa nila itong isa sa kanilang prayoridad na programa.

Sa pamamagitan ng Negosyo Center, mayroon nang frontline service ang DTI na tutugon sa panga­ngailangan ng micro, small at medium entrepreneurs.

Sa tulong ng 400 Negosyo Centers, may pupuntahan nang sentro ang ating mga maliliit na negosyante para makahingi ng tulong, kahit saan pa sila sa bansa.

***

Maliban sa tulungan ng dalawang sangay ng pamahalaan, susi rin sa tagumpay ng Negosyo Centers ang pribadong sektor at non-government organizations na walang pagod na tumutulong sa ating MSMEs.

Masaya naman tayo sa ibinalita ng DTI na aakyat sa 420 ang bilang ng Negosyo Centers bago matapos ang 2016.

***

Nagpapasalamat din tayo sa suporta ni Marikina Mayor Marcy Teodoro sa pagtatayo ng Negosyo Center sa kanyang siyudad.

Ayon kay Mayor Marcy, malaki ang maitutulong ng Marikina Negosyo Center upang mapalakas pa ang industriya ng sapatos kung saan tanyag ang siyudad.

Maliban pa rito, sinabi ni Mayor Marcy na malaki rin ang magiging papel ng Negosyo Center sa mga estudyante ng entrepreneurship sa Pamantasan ng Marikina.

Bukas din ang Marikina Negosyo Center sa mga negosyante mula sa mga kalapit siyudad na nais humingi ng tulong upang mapalago pa ang kanilang ikabubuhay.

***

Upang malaman ang pinakamalapit na Negosyo Center sa inyong lugar, magtungo sa https://www.bamaquino.com/gonegosyoact/negosyo-center-tracker/.

Bam backs PNP’s efforts to clean ranks of scalawags

Sen. Bam Aquino expressed support behind the efforts of the current Philippine National Philippine (PNP) leadership in cleaning its ranks from corrupt policemen, particularly those involved in illegal drugs.

“Napakahalaga talaga ng ating paglilinis sa ating hanay kasi kayo ang frontline at importanteng may tiwala ang tao sa ating frontliners. Kapag nakita ang PNP dapat alam nila mapagkakatiwalaan,” said Sen. Bam during the hearing of the Committee on Public Order and Dangerous Drugs joint with Justice and Human Rights on the killing of Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr.

According to PNP chief Director General Ronald dela Rosa around 1-2 percent of policemen are involved in illegal activities, most especially in the proliferation of prohibited drugs and the campaign to clean the PNP of scalawags within its ranks is on-going

“Progressive ang pagpasok ng information kaya dahan-dahan din ang pagpasok ng information,” said dela Rosa.

Sen. Bam also assured the PNP chief that the Senate will help the PNP’s efforts to get rid of bad eggs in the organization through legislation.

 “Ano ang kailangan niyo mula sa Senado upang malinis niyo ang mga ranggo,” asked Sen. Bam.

 Dela Rosa urged the Senate to restore the PNP’s control over training institutions of policemen.

“Nakikita ko very crucial iyong development ng pagpasok ng pulis lalo na sa kanyang moral foundation,” said dela Rosa.

 “Kami lang ang police organization sa buong mundo na iyong police, hindi PNP naghahawak ng training. Paano namin ma-inculcate ang values at discipline na gusto naming mangyari,” he added.

Dela Rosa also wants the authority to appoint chief of police or provincial director be given to the PNP, eliminate the use of prepaid cellphones and implementation of national ID system.

“Dapat postpaid na lahat para registered kung sino iyong gumagamit ng cellphone dahil iyan ginagamit sa krimen,” said dela Rosa, making it easier for police to identify and arrest criminals.

Bam to DepEd: Ensure payment of teachers before Christmas

Sen. Bam Aquino called on the Department of Education (DepEd) to ensure that it will be a merry Christmas for thousands of public school teachers by expediting the release of their unpaid salaries and other benefits.
 
“Nais ko pong ipakiusap na madaliin sana ang paglabas ng suweldo, bonus at iba pang benepisyo na nakalaan para sa ating mga guro upang maging maligaya ang pagdiriwang nila ng Pasko, kasama ang kanilang mga mahal sa buhay,” said Sen. Bam, chairman of the Committee on Education, in his letter to DepEd Secretary Leonor Briones dated December 2, 2016.
 
The senator made the move after receiving information that some teachers have yet to receive their salaries and bonuses. 
 
“Batid ko na ang iba ay kulang pa ng requirements ngunit marami sa kanila ay kumpleto na ang mga dokumento at naghihintay na lang sa paglabas ng suweldo,” said Sen. Bam, whose office has already helped some teachers obtain their salaries and bonuses.
 
“Lahat tayo ay naghahangad ng magandang Pasko para sa ating pamilya at mahal sa buhay. Wala nang gaganda pa kung maipagdiriwang natin ito nang walang anumang alalahanin sa ating isipan,” he added.
 
As chairman of the Committee on Education in the 17th Congress, Sen. Bam is pushing for the enactment of laws that will provide teachers with additional support and incentives.
 
According to Sen. Bam, these support and incentives will make teaching in public schools attractive for teachers.
 
The senator is currently working on a bill that will provide teachers relocation allowance, hazard pay and health care insurance.
 
Sen. Bam also filed Senate Bill No. 173 or the Free Education for Children of Public School Teachers Act.
 
If passed into law, free education in state universities nationwide will be given to children of public school teachers in all levels, whether they want to pursue baccalaureate degrees or short-term training course.
 
The measure will provide full subsidy program that covers 100 percent of the tuition fee and other miscellaneous expenses necessary upon the enrollment of the student in a state college or university.
 
Aside from additional benefits for teachers, Sen. Bam also wants to improve the working environment of public school teachers by addressing backlogs in classrooms, improving facilities, and giving all public schools access to the internet and online educational materials.

Bam hopes nat’l broadband plan will boost PH internet infra

Sen. Bam Aquino hopes that the government’s national broadband plan will help leapfrog the country’s current internet infrastructure.
 
Sen. Bam said newly-created Department of Information and Communications Technology (DICT) will present its national broadband plans to the Committee on Science and Technology, which he chairs, on Dec. 6.
 
“I’m hopeful that it will be a good proposal and that we can leapfrog the current infrastructure,” Sen. Bam said in a media interview.
 
Sen. Bam expects the DICT to present different options on the national broadband plan: use the current infrastructure, put up its own system or find other methodologies to connect.
 
“We have to know how much it will cost and what are the benefits of each option. It all boils down to cost-benefit analysis,” Sen. Bam said. “I will be cautious and wait for them to present properly.”
 
“We have to work on solutions that will give the public cheaper, better quality internet for the long term,” he added.
 
According to Sen. Bam, other stakeholders will also have a chance to scrutinize and propose changes that will fine-tune the DICT’s plan.
 
“Hopefully, we will be able to come to a consensus on what we need to do to be able to improve our internet infrastructure,” Sen. Bam said.
 
Sen. Bam also invited the National Telecommunications Commission to the hearing to inquire about the status of new players that will help improve the  competitive landscape.
 
In the 16th Congress, Sen. Bam spearheaded several hearings on the slow and expensive Internet service in the country.
 
As chairman of the Committee on Science and Technology in the 17th Congress, he has filed several bills that will improve internet quality in the Philippines.

BIDA KA!: Itigil na ang ‘no permit, no exam’ policy

Mga bida, isa sa madalas ireklamo ng mga magulang at estudyante ay ang tinatawag na “no permit, no exam” policy na ipinatutupad ng ilang paaralan.

Sa ganitong sistema, pinagbabawalan ng paaralan ang isang estudyante na kumuha ng pagsusulit kung walang permit dahil hindi bayad sa tuition fee o iba pang bayarin.

Isa sa mga estudyanteng ­nakaranas nito ay lumapit sa ating tanggapan upang iparating ang kanyang hinaing.

Ayon sa estudyante, nakahanda na ang pambayad niya sa tuition ngunit nagkaroon ng biglang emergency ang kanyang pamilya at nagamit ang pera.

Sa kabila ng pangakong babayaran ang tuition sa takdang panahon, hindi pa rin pinakuha ng pagsusulit ang estudyante bunsod ng kawalan ng permit.

Resulta, na-delay ang computation ng grade ng estudyante. Nakumpleto lang ito nang makapag-special exam siya matapos bayaran ang utang.

***

Matutuldukan na ang ganitong patakaran kapag naisabatas ang inihain kong Senate Bill No. 1235, na layong gawing iligal para sa anumang eskuwelahan na pigilan ang estudyante na makapag-exam dahil sa hindi nabayarang tuition fee at iba pang bayarin.

Ang aking paniwala, bakit kailangang pigilan ang isang estudyante na makakuha ng exam dahil sa utang kung posibleng bayaran ito ng kanyang pamilya sa malapit na hinaharap.

Kapag naisabatas ito, hindi na maaaring pagbawalan ng mga paaralan na makakuha ng pagsusulit ang mga estudyanteng hindi bayad ang tuition at iba pang bayarin o bigyan sila ng hiwalay na schedule ng exam na iba sa kabuuan ng mga estudyante.

Sa panukala, hindi na rin puwedeng obligahin ng paaralan ang isang estudyante na kumuha ng special permit para makakuha ng exam mula sa mga opisyal ng eskuwelahan bago ang pagsusulit.

Sakop ng panukala ang pribadong elementary schools, pribadong high schools, public at private post-secondary technical-vocational institutes at pampubliko at pribadong Higher Education Institutions (HEIs), kabilang ang local colleges at universities.

***

Pagmumultahin ng P20,000 hanggang P50,000 ang opisyal o empleyado ng paaralan na lalabag sa kautusan.

Saklaw nito ang deans, coordinators, advisers, professors, instructors, principals, teachers at iba pang indibidwal na mapatutunayang lumabag dito.

Bilang proteksiyon sa mga paaralan, kailangang magbigay ang magulang o legal guardian ng estudyante ng promissory note, na naka-address sa paaralan, kung saan nakasaad ang halaga at petsa ng bayad.

***

Mahalagang matiyak natin na hindi maaantala at maaapek­tuhan ng anumang utang ang pag-aaral ng estudyante.

Naniniwala tayo na sa tulong ng edukasyon, mas malaki ang pagkakataon ng mga Pilipino na umasenso.

Mangyayari lang ito kung protektado ang kapakanan ng ating mga estudyante para tulungan silang makatapos sa pag-aaral.

Scroll to top