Month: January 2017

Sen. Bam on SSS pension increase, survey and SC decision on martial law

Transcript of media interview

 

On SSS pension increase

 

Sen. Bam: Nagulat rin kami na mayroon palang increase in premiums na ipapataw sa 34 million Filipinos. Dalawang milyon po kasi iyong SSS pensioners natin at sumuporta naman tayo sa pag-increase ng pension nila. 

Pero I think marami ring nagulat, pati na rin ang business community, iyong mga employer nagulat sa pagtaas ng premium na 1.5 percent.

 Aminado naman tayo na maliit lang ang 1.5 percent pero pag sinuma mo iyon, malaking bagay pa rin iyan.

 I think nagsabi ang SSS na ngayon pa lang sila magk0-consult sa employers at magko-contribute dito.

 Palagay ko kasi, ang kailangang gawin diyan, itaas ang efficiency ng pagkolekta ng kontribusyon, hindi iyong pagtaas ng premium ng mga miyembro.

 Ang alam ko, it’s up to the SSS to do that but titingnan na rin natin kung ano iyong tingin ng iba nating mga kasama.

 Marami po sa mga senador, nagtulak po nito at ang alam ko, ang pinakagusto nila, itaas ang efficiency ng pagkolekta.

 Gusto ko ring malaman sa SSS kung ito ba’y isang scheme na hindi mapeperhuwisyo ang kanilang kaban at iyong kanilang kakayahan na maipagpatuloy ng pagpo-provide ng pensiyong ito sa ating bayan.

 Siguro kailangan din nating tingnan ang mga numero. Sana ang SSS, makinig sa konsultasyon sa employers at employees organizations dahil medyo nagulat din ako na mayroon ganong palang pagtaas ng premium na parang hindi napag-uusapan noon.

 I think iyong mga pinag-uusapan noon ay pagtaas ng pensiyon na walang kasabay na pagtaas ng premium, bagkus iyong pagtaas ng efficiency sa koleksiyon.

 

On Pulse Asia survey on Martial Law

 

Sen. Bam: Tingin ko diyan, ang taumbayan natin naghahanap na ng bagong solusyon.

 I think nandoon pa rin ang mga problema natin. Mga problema sa drugs, problema sa terorismo pero malinaw sa survey na iyan, na ang mga Pilipino naghahanap na ng bagong solusyon, na huwag na tayong bumalik sa mga gawain na nakasama naman sa ating bayan.

It’ a complete rejection of this type of leadership, that type of governance na masyadong nakakiling sa violence o nakakiling sa martial rule.

 Ang taumbayan natin naghahanap ng bagong solusyon, hindi na iyong mga nagawa natin noon na nakasama sa ating bansa.

Nagbabago-bago rin iyong statement niya. May statement siya na hindi niya gagawin ang martial law pero mayroon din siyang naging statement na tatanggalin ang congressional approval doon sa Constitution.

 Sana pakinggan tayo ng Malacanang. Matapos na ang usapang ito. Clearly, kitang kita naman, 74 percent iyong mayorya ng taumbayan, ayaw na ng martial rule at naghahanap ng bagong solusyon sa mga problema natin.

Ang mahirap kasi, kapag may problema, parang iyon lang lagi, doon lang bumabalik lagi, na ang lang solusyon lang sa problema natin, magkaroon ng increased military presence, increased police presence, maging mas istrikto, maging mas harsh.

 Parang iyon na lang lagi ang mga solusyon na ibinibigay sa atin. I think iyong taumbayan, habang naghahanap sila ng lunas sa mga problema, naghahanap din sila ng bagong solusyon mula sa gobyerno.

 

On change in Senate leadership

 

Sen. Bam: To be honest, I have not heard of those. Wala namang usapan o chatter among the senators. So, I guess being in a political atmosphere, highly politically charged ang mga ganyang lumalabas-labas, but I think it’s just a rumor and walang veracity sa kuwentong iyan.

 

On SC decision on appeal on Marcos burial

 

Sen. Bam: I think they’re standing by their decision. Ang sabi ko nga, hindi na talaga legal ang pag-appreciate sa mga nangyari during the Marcos burial issue. Magiging historical na talaga iyan.

 History will judge these times na nilibing natin ang isang diktador sa Libingan ng mga Bayani.

 

 

NEGOSYO, NOW NA!: Hindi lang pang-negosyo, pang-legal pa

Mga kanegosyo, mali­ban sa mga isyung may kinalaman sa negosyo, nahaharap din ang ating micro, small at medium enterprises sa mga problemang legal.

Mula sa isyu ng business permit hanggang sa mga regulasyon ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, maraming kinakaharap na isyung legal ang ating MSMEs.

Madalas, ang mga maliliit na negosyante ay walang kakayahang magbayad ng abogado para ikonsulta ang ganitong uri ng problema.

Ang nakakalungkot, may mga okasyon na ang problemang ganito ay nagiging hadlang sa pagsisimula ng isang negosyo o ‘di kaya’y dahilan ng pagbagsak ng kanilang ikabubuhay.

***

Pero hindi na kaila­ngang mag-alala pa ang ating mga kanegosyo dahil malapit na ring magbigay ng tulong legal ang mga Negosyo Center sa buong bansa.

Ito’y matapos pu­mirma sa isang kasunduan ang Department of Trade and Industry Regional Operations Group (DTI-ROG) sa MyLegalWhiz, isang online-based l­egal platform na makapagbibigay ng tulong legal sa ating MSMEs.

Sa MyLegalWhiz, maaaring magtanong ang business counse­lors sa Negosyo Centers ng impormasyon na may kinala­man sa batas ng Pili­pinas at magpatulong sa paggawa ng mga kontrata na kailangan ng MSMEs.

Ayon kay MyLegalWhiz founder Atty. Dexter Feliciano, malaking tulong para sa kanila ang pagsilbihan ang libu-libong entrepreneurs sa pamamagitan ng Negosyo Centers.

Ang grupo ay mara­ming abogado na makatu­tulong sa pagsagot sa napakaraming isyung legal na kinakaharap ng MSMEs.

 

Umaasa ang grupo na mabibigyan ng sapat na kaalaman pagdating sa mga isyung legal ang ating MSMEs na makatutulong sa kanilang matagumpay na pagnenegosyo.

***

Upang malaman ang pinakamalapit na Negosyo Center sa inyong lugar, magtungo sa https://www.bamaquino.com/gonegosyoact/negosyo-center-tracker/.

Bam proposes one nurse in every public school

Sen. Bam Aquino has filed a measure seeking to employ at least one registered nurse in every public school to provide students access to basic health care services and open employment opportunity to Filipino nurses.

 “Our students and our teachers should have quick access to basic health care and assistance in schools,” said Sen. Bam in Senate Bill No. 663.

 “Having a nurse in every school emphasizes the value of health, nutrition and well-being as part of the formation of our Filipino children. And with over 45,000 public schools, we create more meaningful jobs for our nurses,” he added.

 Sen. Bam pointed out that nurses are as important as other support personnel in the school system as they attend to the physical and mental-health needs of students, spearhead programs to promote nutrition and contribute health-related content in the curriculum.

 “Sa iilang paaralan, ang mga guro pa po natin ang nag-aalaga ng mga batang may sakit o nasusugatan. A nurse in every public school will safeguard the well-being of the students and faculty by attending to health-related issues and accidents,” he said.

 The measure mandates the Department of Education and the Department of Health to employ at least one registered nurse in every public school.

 The nurse will be responsible for improving the delivery of public health care services and providing relevant and timely education on wellness, hygiene, sanitation and other health safety measures to public school students.

 Nurses employed will receive a monthly stipend equal to salary grade 15, consistent with the mandatory minimum entry-level pay for government nurses under Republic Act No. 9173, otherwise known as the Philippine Nursing Act of 2002.

BIDA KA!: Libreng internet sa pampublikong lugar

Mga bida, bukod sa Pagkaing Pinoy Para sa Batang Pinoy Act at Trabaho Centers in Schools Act, tumayo rin tayo bilang sponsor ng Senate Bill No. 1277 o ang “Free Internet Access in Public Places Act” bago natapos ang sesyon ng Senado kamakailan.

Ang Senate Bill No. 1277 pinagsama-samang bersiyon ng iba’t ibang panukala, kabilang na ang ating Senate Bill No. 1050, na layong lagyan ng koneksiyon ng internet ang lahat ng pampublikong paaralan upang makatulong sa pag-aaral ng mga estudyante.

Layunin po ng panukalang ito na lagyan ng libreng koneksiyon sa internet ang lahat ng national at local government ­offices, public schools, public transport terminals, public ­hospitals at public libraries.

Bilang chairman ng Committee on Science and Techno­logy, pinangunahan po natin ang pagdinig ng mga nasabing panukala at pagbalangkas sa bersiyon nito na isinumite kamakailan sa plenaryo.

***

Sa mga paunang pagdinig, nabatid na nasa 52.6 percent lang ng mga Pilipino ang may access sa internet service. Napakalayo nito kumpara sa Singapore, na may 81.3 percent at sa Malaysia na may 68 percent.

Hindi katanggap-tanggap ang ganitong sitwasyon dahil napakahalaga ng internet sa buhay ng mga Pilipino.

Maraming umaasa sa internet sa pag-aaral, sa trabaho at sa pakikipag-usap sa mga mahal sa buhay, maging dito man sa Pilipinas o sa ibang bansa.

Mahalaga ang internet sa mga anak para makausap ang kanilang mga ama na nasa ibang bansa para humingi ng payo.

Importante ang internet sa mga call center agent dahil ito ang nag-uugnay sa kanila at kanilang mga kausap sa ibang bansa.

 

Para sa freelancers, ito’y kailangan para makausap ng maayos ang kliyente at mapadala ang hinihinging trabaho.

Para sa negosyanteng Pinoy, ito’y nagagamit sa pagbe­benta ng gamit o paghahanap ng mga bagong supplier.

Para sa maraming walang trabaho, malaking tulong ang ­internet upang sila’y makakita ng trabaho online.

Para sa mga guro at para sa mag-aaral, ang internet ang pinanggagalingan ng research, ng learning materials, at mga bagong modules.

Kaya mahalagang maisabatas ang libreng internet sa mga pampublikong lugar upang mabigyan ang mas maraming ­Pilipino ng access sa internet. Sa ilalim ng panukalang ito, aatasan ang Department of Information and Communications Techno­logy (DICT) na pangasiwaan at palawigin ang plano para sa nasabing programa.

Bibigyan din ng panu­kala ng kapangyarihan ang DICT para mapabilis ang proseso para sa aplikasyon ng permits at certificates para sa pagtatayo ng kailangang imprastruktura at kagami­tan, sa tulong ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at local government units.

Sa paglalagay ng mabilis at de-kalidad na inter­net sa mga pampublikong lugar, mabubuksan ang mas maraming posibilidad para sa pagpapaganda ng ating buhay at pagpapalakas ng relasyon ng pamilya at ­komunidad.

Sa suportang nakuha ng panukala mula sa mga kapwa ko senador, tiwala akong maisasabatas ang panukalang ito sa lalong madaling panahon.

NEGOSYO, NOW NA!: Nasa 425 na tayo!

Mga kanegosyo, maganda ang pagsasara ng taong 2016 pagdating sa ating adbokasiyang tulungan ang micro, small and medium enterprises sa bansa.

Sa huli naming pag-uusap ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Mon Lopez, ibinalita niyang nasa 425 na ang Negosyo Centers sa buong Pilipinas.

Nahigitan pa nito ang unang pangako sa atin ng DTI na 420 Negosyo Centers bago matapos ang 2016.

Napakagandang bali­ta nito lalo pa’t sa pagtatapos ng 2014, nasa lima lang ang naitatag na Negosyo Center, na karamihan ay pinopondohan pa ng pribadong organisasyon.

Ngayong regular item na ito sa budget ng DTI, unti-unti nang natutupad ang hangarin ng Republic Act No. 10644 o ang Go Negosyo Act na maglagay ng Negosyo Center sa bawat munisipalidad, siyudad at lalawigan sa buong bansa.

Ang Go Negosyo Act ang kauna-unahang batas ko bilang senador noong 16th Congress.

***

Ilang beses na nating nabanggit sa kolum na ito na isa sa mga hadlang sa pagnenegosyo ay ang kawalan ng pagkukunan ng capital.

Ganito ang problema ni Romel Canicula, may-ari ng Southeastern Fiber Crafts, na gumagawa ng Geonets mula sa coco fiber.

Nagsimula ang ope­rasyon nito noong 2011 may 3 decora­ting m­achine operators, 12 t­winers at 6 weavers.

 

Subalit dahil sa limi­tadong kapital, mabagal ang naging pag-angat ng kumpanya.

Ito ang nagtulak kay Romel na lumapit sa Negosyo Center sa Camarines Sur at humingi ng tulong para sa dagdag na kapital.

Sa tulong ng Negosyo Center at Small Business Guarantee Finance Corp (SB Corp), nabigyan si Romel ng pautang na P800,000 na walang kolateral bilang dagdag sa kanyang puhunan.

Sa pamamagitan naman ng Shared Service Facilities (SSF) program ng DTI, nabigyan naman ang mga supplier ni Romel ng 130 twining machines at 65 units ng steel handlooms.

Maliban pa rito, tinu­lungan din ng Negosyo Center si Romel pagdating sa marketing at iba pang diskarte sa pagnene­gosyo.

Ngayon, mula sa 10,000 square meters, umakyat ang produksiyon ni Romel patu­ngong 30,000 square meters ng geonets kada buwan noong 2015.

Sa inisyal na 12 t­winers, umakyat na ito patungong 130 habang mayroon na siyang 65 weavers mula sa dating anim. Umabot na rin sa siyam na barangay sa munisipyo ng Malinao ang produksiyon ni Romel.

Dahil sa tagumpay na ito ni Romel, tinanghal siya bilang Bicolano Businessman of the Year sa Halyao Awards 2015 sa Naga City.

***

Upang malaman ang pinakamalapit na Negosyo Center sa inyong lugar, magtungo sa https://www.bamaquino.com/gonegosyoact/negosyo-center-tracker/.

Scroll to top