Sen. Bam Aquino is confident that Congress will allot the necessary budget for the free education in state colleges and universities and local colleges and universities once the measure is enacted into law.
“The Majority and Minority are committed to fund this revolutionary initiative,” said Sen. Bam, principal sponsor and co-author of the Universal Access to Quality Tertiary Education Act in the Senate.
“Upon its ratification last week, Sen. Loren Legarda, Chairman of the Committee on Finance, committed to fund this as well,” said Sen. Bam, who estimated the annual budget for free tertiary education to be between P50 to P53 billion.
The senator is also confident that Malacanang will support the measure, being a major reform for education and poverty alleviation in the country.
The Senate and the House have both ratified the bicameral conference committee report. It will now be transmitted to Malacanang for President Duterte’s approval.
If passed into law, education in SUCs, LUCs and vocational schools under the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) will be virtually free, with the government shouldering tuition, miscellaneous and other fees.
Another salient feature of the measure is the loan program, where students can apply for financing for other education expenses.
Sen. Bam said the loans will be tied up to Social Security System (SSS) and Government Service Insurance Systems (GSIS) payments to ensure that funds for student loans will not be depleted.
“Ito’y isang paraan upang masiguro na makokolekta ang bayad sa ibinigay na loan ng gobyerno sa ating mga estudyante,” Sen. Bam said.
If passed by June or July, Sen. Bam said students will benefit from the law starting the second semester of school year 2017-18.
Sen. Bam defended the measure in plenary debates and interpellation during his stint as chairman of the Committee on Education.
Sen. Bam was also the co-chairman of the Senate delegation to the bicameral conference committee, together with new Committee on Education chairman Sen. Francis Escudero. Other members of the Senate panel were Sens. Sherwin Gatchalian and Ralph Recto.
Mga bida, bago ako naging senador at social entrepreneur, ako’y tumayo bilang student leader noong ako’y nag-aaral pa. Bilang student leader, ipinaglaban namin ang karapatan at kapakanan ng mga kapwa estudyante.
Kaya nang umupo ako bilang chairman ng Committee on Education sa pagsisimula ng 17th Congress, ginawa kong prayoridad ang mga panukalang nagsusulong ng kapakanan ng mga mahihirap nating estudyante.
Isa sa mga panukalang inihain ko ay ang Senate Bill No. 177, na layong magbigay ng libreng tuition sa mga estudyante sa state universities and colleges (SUCs).
Kapag naisabatas ang panukala, ito’y katuparan ng matagal kong pangarap noong ako pa’y student leader.
***
Noong Lunes, lumapit na sa katotohanan ang pangarap na ito matapos aprubahan sa bicameral conference committee ang pinal na bersiyon ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act.
Sa bahagi ng Senado, tinutukan namin ang pagbibigay ng libreng tuition sa state universities and colleges at ito ang lumabas sa aming bersiyon.
Napaganda pa ang panukala nang isama ang bersiyon ng Kamara, kung saan nililibre na rin ang iba pang bayarin gaya ng miscellaneous fee.
Ibig sabihin nito, halos libre na ang edukasyon sa SUCs pati na sa local universities and colleges o LUCs.
Oras na maratipikahan ng bawat sangay ng Kongreso, ito’y ipadadala na sa Malacanang para sa pirma ni Pangulong Duterte.
***
Maraming estudyanteng nangangailangan ang matutulungan ng panukalang ito kapag naging batas.
Isa na rito si Ronald Kenneth Corpus, na kumukuha ng Bachelor of Science in Civil Engineering sa Nueva Ecija University of Science and Technology. Isa si Ronald sa ating mga nakausap sa pagdalaw namin sa iba’t ibang SUCs sa buong bansa.
Si Ronald ay may kakaibang kondisyong medikal kung saan unti-unting kinakain ang kanyang joint at ligament.
Sa kanyang kondisyon, hirap siya kumilos kaya wala siyang magawa kahit gustuhin man niyang magtrabaho.
Kailangan ni Ronald ng therapy ngunit hindi ito kaya ng kanyang ina, na nagtatrabaho lang sa school canteen.
Pinagkakasya lang ng kanyang ina ang kinikitang dalawandaang piso kada araw sa pangangailangan sa bahay at sa pag-aaral ni Ronald at isa pa niyang kapatid.
Sa ngayon, nagbabayad si Ronald at kanyang kapatid ng tig-P7,000 bawat semester o kabuuang P14,000.
Sa tulong ng panukalang ito, ang nasabing halaga ay magagamit nila sa ibang bagay, tulad ng pagpapagamot ni Ronald at sa iba pang mahalagang pangangailangan ng pamilya.
Magiging malaking tulong din ito kay Janice Jaranilla, isang AB English student sa Pangasinan State University.
Maliban sa gastos sa pag-aaral, problema rin ni Janice ang araw-araw na pamasahe dahil sa kanyang kondisyon bilang person with disability (PWD).
Umaabot sa isandaang piso bawat araw ng gastos ni Janine sa pamasahe at limandaang piso kada linggo naman sa pagkain. Ulila na si Janine at umaasa lang sa kapatid na taga-Bolinao para sa kanyang gastusin sa pag-aaral.
Nakakatanggap si Janine ng P2,000 kada semester mula sa tanggapan ng mayor bilang ayuda sa kanyang pag-aaral.
Ito’y mapupunta na lang sa kanyang gastusin sa pamasahe at pagkain kung malilibre na ang kanyang pag-aaral sa SUC. Malaking gaan din ito sa kanyang kapatid na may sarili ring pamilya na binubuhay.
***
Dalawa lang sina Ronald at Janice sa maraming matutulungan ng panukalang ito.
Sa pamamagitan nito, magkakaroon sila at marami pang kagaya nilang nangangailangan ng pagkakataon para makaahon sa kahirapan sa pamamagitan ng edukasyon.
Magsisilbing daan ito upang makakuha sila ng magandang trabaho na malaki ang kita na magbibigay ng magandang kinabukasan sa kanila at sa kanilang mga pamilya.
Sen. Bam Aquino called on concerned government agencies to implement a law that prioritizes the welfare and safety of children during conflicts and disasters amid the ongoing clash between government troops and the Maute group in Marawi City.
The senator was referring to the Republic Act 10821 or the Children’s Emergency Relief and Protection Act. He was the co-author of the measure during his time as chairman of Committee on Youth in the 16th Congress.
“Ang pinaka-kawawa talaga sa mga sakuna at labanan ay ang mga bata. We passed this law to ensure they are protected,” said Sen. Bam.
“May mga batang nawawalan ng tahanan at may mga nakakasaksi sa karahasan. Alagaan natin sila, tiyakin na sila’y ligtas at ibigay ang lahat ng kanilang pangangailangan,” he added.
Sen. Bam said the Department of Social Welfare and Development is mandated by law to enforce an emergency program for children during disasters and conflicts.
“We must ensure that this law is fully implemented as it prioritizes the children during these times of armed conflict,” Sen. Bam stressed.
Sen. Bam made the pronouncement after the United Nations Children’s Fund reported that a child was killed while 50,000 have been displaced in the Marawi conflict.
Republic Act 10821 provides utmost priority to children during and after every disaster as they are the most vulnerable and are worst affected during disasters such as earthquakes, volcanic eruptions and flash floods and areas of armed conflicts like Marawi City.
It also establishes child-centered training to disaster first responders, teachers, psychologists and other volunteers in disaster recovery, relief and rehabilitation, with special modules for different stages of children and youth development.
It mandates the Department of Social Welfare and Development (DSWD) to formulate a Comprehensive Emergency Program for Children and local government units to integrate the said program in their development and Local Disaster Risk Reduction and Management (LDRRM) plans and budget.
“The law also provides for immediately heightened comprehensive measures by DSWD and the AFP to protect women and children from sexual violence and abuse in the affected areas,” said Sen. Bam.
Recent Comments