Month: September 2017

Bam on PNP: May tinatago ba sila?

May tinatago ba sila?

Sen. Bam Aquino raised this question regarding the Philippine National Police (PNP) as he called on the organization to be transparent about its operations by showing spot reports to the Senate and to reporters.

  “Last hearing, Gen. Ronald Dela Rosa agreed that the PNP has nothing to hide kaya nagtataka tayo kung bakit ayaw ibigay ng ilang tauhan niya ang spot reports sa media,” said Sen. Bam.

Sen. Bam was referring to reports that members of media were not given access to spot reports, citing a new directive from Camp Crame.

“Kung wala silang tinatago, dapat nilang ipakita ang mga ito sa media,” said Sen. Bam, adding that journalists are responsible enough to handle confidential information contained in the spot reports.

In addition, Sen. Bam said the PNP’s directive to withhold spot reports from the media contradicts President Duterte’s push for transparency through the Freedom of Information (FOI) in government.

 Also, Sen. Bam expects Gen. Dela Rosa to comply with his earlier commitment that he will give senators a copy of the PNP’s spot reports, especially on cases of alleged extrajudicial killings and deaths outside police operations.

 “Itong spot reports, nagpapatunay kung meron talagang kababalaghan na nangyayari o wala kaya mahalaga na makuha namin iyan sa aming imbestigasyon. We still expect that the PNP will submit them to the Senate as promised,” Sen. Bam emphasized.

Earlier, Sen. Bam called on the government to suspend Oplan Double Barrel and rethink this bloody drug war, which has claimed thousands of lives since its implementation last year.

NEGOSYO, NOW NA!: Mentor Me Program

Mga kanegosyo, sa anumang larangan, mas malaki ang tsansang magtagumpay kapag na­big­yan ng tamang payo at gabay.

Sa sports, gumaganda ang performance ng isang atleta sa tulong ng isang magaling na coach.

Sa trabaho, mas nagi­ging epektibo ang isang empleyado kapag nakakakuha ng tamang gabay sa boss.

Ganito rin sa pagne­negosyo. Sa aking karanasan bilang social entrepreneur, mas malaki ang tsansa ng isang negosyo na magtagumpay kapag nabibigyan ng tamang payo at kaalaman ang may-ari nito.

Noon, malaking tulong na para sa amin ang makakuha ng payo mula sa mga taong may ma­lawak nang karanasan sa pagnenegosyo.

Madalas, subok na kasi ang mga payo na kanilang ibinibigay dahil ito’y batay sa kanilang personal na karanasan.

Mula sa kanilang hirap ng pagsisimula ng negosyo, sa mga sinuong na pagsubok hanggang sa magtagumpay, marami tayong makukuhang aral na magagamit natin sa ating sariling negosyo.

***

Kaya naman sa ating Negosyo Centers, nagbibigay sila ng kahalintulad na serbisyo na tinatawag na Mentor Me Program.

Layunin ng Mentor Me Program na bigyan ng sapat na kaalaman ang ating mga papausbong na mga negosyante mula sa personal na karanasan ng mga matagumpay na negosyante mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ang Mentor Me Program ay kinapapalooban ng serye ng modules kung saan itinuturo sa mga bagong negosyante ang kailangang kaalaman sa pagnenegosyo upang magtagumpay.

Kung minsan, pati nga mga matatagal nang negosyante ay dumadalo rin sa Mentor Me Program bilang refresher course at para makakuha rin ng mga dagdag at bagong kaalaman sa pagnenegosyo.

***

Isa sa mga dumalo at nakinabang sa Mentor Me Program ng Negosyo Center ay si Terence Neil Padrique, may-ari ng The Lemon Company na naka­base sa Cebu City.

Sa hangaring mapalago ang negosyong pagtitinda ng lemonade, nagpasya si Padrique na mga sumali sa Mentor Me Program na i­binigay ng Negosyo Center sa siyudad.

Mapagbiro ang tadhana, ayon kay Padrique, dahil isa sa mga mentor sa seminar na kanyang dinaluhan ay ang kakum­pitensiyang si Bunny Pages, ang may-ari ng Thirsty, isa sa matagum­pay na fruit shake business sa lalawigan.

Sa pagsisimula ng seminar, biniro pa siya ni Pages na mahigpit na kakumpitensiya. Sa kabila­ nito, hindi nag-atubili si Pages na ituro kay Pad­rique ang kanyang nala­laman pagdating sa fruit shake business.

Hindi naman nagsisi­ si Padrique sa kanyang pagdalo sa seminar dahil marami siyang natutuhan mula kay Pages.

Aniya, isang napaka­laking karangalan ang matuto sa ilalim ni ­Pages. Ayon pa kay Pad­rique, itinuturing niya ang Thirsty bilang ‘big brother’ at si Pages bilang ‘mentor’.

***

Maliban sa semina­r na ibinigay ni ­Pages, dumalo pa si Padrique sa 13 iba pang learning modules na layong turuan sila ng mga tamang hakbang para mapalaki ang kanilang negosyo.

Maliban pa rito, natuto rin si Padrique ukol sa pagbubuwis at iba pang batas kung saan kulang ang kanyang kaalaman.

Hindi naman nasa­yang ang natutuhan ni Padrique sa Mentor Me Program dahil nagkaroon siya ng dagdag na kumpiyansa para palawakin pa ang kanyang negosyo.

Sa ngayon, may anim nang stalls si Padrique sa tatlong malls sa Cebu at Mandaue City.

Sa tulong ng kaala­man na nakuha kay ­Pages, nais ni Padrique na pasukin ang malala­king unibersidad at mga business centers sa Cebu sa mga susunod na buwan.

***

Higit sa 600 na ang mga Negosyo Center sa Pilipinas salamat sa Republic Act No. 10644 o Go Negosyo Act, ang kauna-unahan kong naipasang batas bilang senador.

Layunin nitong mag­lagay ng Negosyo Center sa bawat munisipalidad, siyudad at lalawigan sa buong bansa upang suportahan ang mga Pilipino na nais magsimula ng sariling negosyo o tulu­ngang mapalaki ang kasalukuyan nilang negosyo.

Upang malaman ang pinakamalapit na Negosyo Center sa inyong lugar, magtungo sa https://www.bamaquino.com/gonegosyoact/negosyo-center-tracker/.

***

Mga Kanegosyo, kung may tanong kayo sa pagnenegosyo, mag-e-mail kay Kanegosyong Bam sa negosyonowna@gmail.com o mag-iwan ng mensahe sa fb.com/BenignoBamAquino.

Ugaliing makinig tuwing Miyerkules, alas-dos hanggang alas-tres ng hapon sa DZRH 666 sa programang “Go Negosyo sa Radyo” kasama si Cheska San Diego. Ang programa’y sa kagandahang loob ng Go Negosyo at MBC.

Pangarap namin na magkaroon kayo ng kabuhayan sa pamamagitan ng pagnenegosyo!

Sen. Bam: People, not the President, should choose next barangay, SK leaders

Let the people and the youth elect their barangay leaders.

Sen. Bam Aquino made this call as he criticized efforts to allow President Duterte to appoint barangay officer-in-charge once the barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections are postponed.

“We stand firmly against appointing barangay officials. These leaders should represent the people, serve the people and not to be indebted to Malacanang,” said Sen. Bam.

 “We must uphold our democracy and respect the right of the Filipino people to vote and elect their barangay leaders,” added the senator.

 The lawmaker insisted that the people’s right to choose their leaders through the ballot is a foundation of our democracy that lawmakers must recognize and respect.

 “Even if we hold over the current officials before the next elections, at least they have the mandate from the people,” said Sen. Bam.  

But Sen. Bam wants the barangay and SK polls to push through this October, saying it is long overdue, most especially the implementation of Republic Act 10742 or the SK Reform Act.

 “The last SK election was seven years ago. Since then, we’ve reformed the SK and even included an anti-political dynasty provision. I would personally want to see the SK elections push through to empower our youth leaders,” said Sen. Bam.

 As a former student leader and former chairman of the National Youth Commission, Sen. Bam has long advocated for the welfare of the Filipino youth through several legislations, including RA 10742, which he pushed as co-author and co-sponsor during his time as chairman of the Committee on Youth in the 16th Congress.

 The law adjusts age limit of SK officials from 15-17 to 18-24 years old, making them legally capable of entering into contracts and be held accountable and liable for their actions.

The law also requires SK officials to undergo leadership training programs to expose them to the best practices in governance and guide their development as leaders.

 The new law also mandates the creation of the Local Youth Development Council (LYDC), a council that will support the SK and ensure the participation of more youth through youth organizations.

The LYDC will be composed of representatives from the different youth organizations in the community – student councils, church and youth faith groups, youth-serving organizations, and community-based youth groups.

Sen. Bam elated by all-out support for free college education

Sen. Bam Aquino welcomed the government’s all-out support for the full implementation of the law providing free education in state colleges and universities, local universities and colleges (LUCs) and vocational schools under the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

“We are happy with the government’s promise to go all-out in implementing this law for the benefit of Filipino students, especially those who are poor and underprivileged,” said Sen. Bam, referring to Republic Act 10931 or the Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

“Natutuwa tayo at kaisa natin ang pamahalaan sa hangaring hanapan ng kailangang pondo para sa epektibong pagpapatupad ng batas na itinuturing na napakalaking reporma sa edukasyon sa bansa,” added Sen. Bam, the principal sponsor and co-author of the measure in the Senate during his stint as chairman of the Committee on Education.

Budget Secretary Benjamin Diokno expressed confidence that the P51 billion needed in the first year of implementation of the law can be sourced from the 2018 national budget. Diokno added that President Duterte is committed to implement the law by finding the needed budget for it.

Senate Finance Committee chairperson Loren Legarda also committed to find the necessary space in the 2018 budget for the implementation of RA 10931.

“Mahalagang mabigyan ng karampatang pondo ang batas na ito upang matupad ang layunin nitong mabigyan ng pagkakataon ang mas maraming Pilipino na makatapos ng kolehiyo at magkaroon ng magandang kinabukasan,” stressed Sen. Bam.

The law provides free education to students in SUCs, local universities and colleges (LUCs) and TESDA-run vocational schools. Aside from tuition fees, the government will shoulder miscellaneous and all other mandatory fees.

Scholarship grants will be made available to students of both public and private college and universities. It also provides a new and improved student loan program, where students can apply for financing for other education expenses.

In addition, students taking post-graduate studies can avail of the new and improved student loan program and scholarships under the law.

The measure was languishing in the legislative mill for years before it was passed during Sen. Bam’s time as chairman of the Committee on Education in the 17th Congress. This was Sen. Bam’s 19th law in his four years as senator.

Sen. Bam calls on gov’t to end brutal killings, rethink drug war

Sen. Bam Aquino condemned the brutal killing of a 14-year-old teenager as he called on the government to suspend and rethink its bloody war against illegal drugs.

“Kasuklam-suklam ang pag-torture at pagsaksak ng 30 beses sa isang katorse anyos,” said Sen. Bam, referring to the number of stab wounds inflicted on Reynaldo de Guzman, whose body was discovered in Gapan, Nueva Ecija.

“We call on the administration to suspend Oplan Double Barrel and rethink this bloody drug war,” added Sen. Bam.

De Guzman was the last person seen with 19-year-old Carl Arnaiz on Aug. 17. On that night, Arnaiz was killed in Caloocan City. Police claimed that allegedly exchanged gunfire with policemen after a taxi driver claimed that the 19-year-old robbed him at gunpoint.

Ten days later, Arnaiz’s body was found in a morgue in Caloocan. De Guzman’s body was discovered nine days after Arnaiz’s body was found.

 Sen. Bam urged the Philippine National Police (PNP) and the Department of Justice (DOJ) to ensure those behind the brutal murder of De Guzman are caught, tried and imprisoned.

 “We call on all our countrymen to stand up against this culture of violence. We must put an end to all these killings,” said Sen. Bam.

BIDA KA!: Pagbangon ng Marawi

Mga Bida, nagkaroon ako ng pagkakataong bumisita sa Marawi City para pangunahan ang pagbubukas ng kauna-unahang Negosyo Center sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ilang araw bago nangyari ang pagsala­kay ng Maute group sa siyudad.

Nang ako’y magtungo roon, makikita mo sa mukha ng mga resi­dente ang bakas ng pag-asa na magkakaroon na ng katuparan ang kanilang pangarap sa tulong ng Negosyo Center sa siyudad.

Napakalaki ng potensiyal ng Marawi City bilang susunod na sentro ng kabuhayan at negosyo sa ARMM. Umasa rin tayo na makatutulong ang Negosyo Center sa lalo pang mabilis na pag-unlad ng siyudad.

***

Ngunit nangyari ang hindi inaasahan. Pumutok ang kaguluhan sa siyudad sa pag-atake ng grupong Maute.

Kasabay ng pagsira ng mga bomba at mga bala sa mga gusali at iba pang imprastruktura sa lugar, kasamang nadurog ang pangarap na mas magandang buhay ng mga taga-Marawi.

Ang siyudad na dati’y puno ng potensiyal sa pag-unlad, ngayo’y nagkadurug-durog na bunsod ng halos walang humpay na bakbakan.

Ito ang napakalaking hamon na kinakaharap ng pamahalaan at ng Special Committee on Marawi City Rehabilitation na binuo ng Senado upang maibangon ang siyudad mula sa pagkakalugmok. Ang inyong lingkod po ay napabilang sa komite bilang miyembro mula sa minorya ng Senado.

Noong Martes, nagpulong sa kauna-unahang pagkakataon­ ang komite upang masimulan na ang paghahanda para sa napakalaking aming kakaharapin sa mga susunod na buwan kapag nagwakas na ang kaguluhan sa Marawi.

***

Sa pulong ng komite, ilang pagkilos ang ating inirekomenda upang matiyak na magiging epektibo ang mga gagawing pagkilos sa mga susunod na linggo at mga buwan.

Bilang miyembro ng minorya, nangako tayo ng buong ­suporta sa mga pagkilos ng pamahalaan kaugnay ng muling pagbangon ng Marawi.

Apat na mahalagang rekomendasyon ang ating inilahad sa komite na alam kong makatutulong upang mapabilis ang pagbalik sa normal ng buhay ng mga taga-Marawi.

Una, naniniwala ako na kailangan ng sama-samang pagkilos ng lahat upang matiyak ang mabilis na pagbalik sa normal ng buhay ng mga taga-Marawi.

Dahil karamihan ng mga dumalo ay bahagi ng national­ agencies, hiniling ko rin na kumuha ng mga totoong kinatawan mula sa Marawi City, gaya ng opisyal ng local government unit (LGU) o miyembro ng NGO. Mahalagang mari­nig ang boses nila sa pagbuo at pagpapatupad ng mga plano.

Ikatlo, inirekomenda ko rin na magsagawa ng pagdinig sa Marawi City upang magkaroon ng malinaw na ideya at maranasan kung ano ba talaga ang nangyayari sa siyudad.

Sa ganitong paraan, magkakaroon ang komite ng ideya kung ano ang mga kailangang gawin upang maibangon ang Marawi.

***

Ikaapat, at sa tingin ko na pinakamahalaga, ay kung magkakaroon ba ng mekanismo kung saan susuportahan ng pamahalaan ang mga may-ari ng pribadong ari-arian na nasira sa operasyon ng militar laban sa Maute group.

Sa ngayon, wala kaming makitang probisyon na nagbibigay­ ng tulong sa mga kababayan nating may nasirang ari-arian.

Sa parte naman ng Department of National Defense (DND), pinag-aaralan na rin nila ang aspetong ito.

Kung hindi, kailangan pa nating alamin kung dapat bang magpasa ng batas upang mabigyan ng sapat na tulong ang mga pribadong tao na nawalan ng ari-arian dahil sa bakbakang ito.

Malaking trabaho ang nakatakdang harapin ng komite kapag idineklarang tapos na ang labanan sa Marawi.

Subalit sa sama-sama pagkilos ng lahat ng sektor, mas madali ang ­trabaho at mapapabilis ang pagbangon ng Marawi City.

Sen. Bam: Support for Marawi City homeowners still lacking

Sen. Bam Aquino urged the government to assist owners of private properties destroyed during the Marawi conflict as part of its efforts to rehabilitate the war-torn city.

The senator issued the call during the initial hearing of the Special Committee on Marawi City Rehabilitation, of which he is a member for the minority.

 “Napansin ko sa mga footage na karamihan sa mga nawasak sa labanan ay mga pribadong ari-arian. Dapat nating siguraduhin na may mekanismo ang pamahalaan para magbigay ng suporta sa mga may-ari ng pribadong ari-arian na nasira sa labanan,” said Sen. Bam, who is looking into possible legislation to address the issue.

“Wala kaming mahanap na probisyon that allows for government support for damaged private property para sa ating kababayang nawalan ng tirahan dahil sa combat operations,” he added.

 The Department of National Defense (DND) said its legal support group is looking into the legality of extending assistance to owners of private properties.

“For government offices and public schools, I am confident we can find funding and rebuild quickly. Ngunit kailangan rin nating tulungan ang mga kababayan nating nasiraan ng bahay at kabuhayan,” Sen. Bam insisted.

During the hearing, Sen. Bam underscored the minority’s full support for the government’s efforts to rehabilitate Marawi City as soon as the conflict is over.

“This is one of those efforts where we need to work together to ensure that the benefit of our countrymen can be felt,” said Sen. Bam.

 The senator also wants to invite officials from the local government unit (LGU) of Marawi and members of a non-government organization in the area to serve as voice and check and balance in the planning and implementation stages.

 Sen. Bam also emphasized that the committee might visit Marawi City when the fighting stops in the area for a closer look at the extent of the damage in the area and to determine the pressing needs that needs to be addressed first.

There are currently 359,680 internally displaced persons (IDPs) or 78,466 displaced families due to the conflict in Marawi.

Sen. Bam: Give clear directive not to kill minors and unarmed suspects

Sen. Bam Aquino called on Philippine National Police (PNP) Chief Ronald Dela Rosa to issue a clear and unequivocal directive to the police force not to kill unarmed suspects and to end the indiscriminate killing of minors. 

“A clear, definitive directive from the top na nagsasabing mali pumatay ng suspects na hindi nanlalaban, mahalaga iyon sa kapulisan,” said Sen. Bam after the hearing of the Committee on Public Order on the killing of Kian Delos Santos, who was killed during an anti-drug operation in Caloocan City.

 Police claimed that Kian fired at the policemen, forcing them to fight back. However, CCTV footage from the barangay showed that two policemen were seen dragging Kian to the alley where he was killed.

Another teenager, Carl Angelo Arnaiz, was killed by Caloocan City policemen after he allegedly robbed a taxi driver. However, forensic examinations showed that Arnaiz was handcuffed and was on his knees when he was shot two to three times in the chest.

By punishing policemen involved in the killing of Delos Santos and Arnaiz, Sen. Bam said it will send a strong signal that their unlawful acts will not be tolerated.

 “Kailangan bantayan ang mga kasong ito. The resolution of these two cases should send a clear signal to the rest of the police force that these unlawful acts will not be supported by the Senate or by the police hierarchy,” Sen. Bam stressed.

 “Maraming nakabantay sa mga kasong ito. Nakabantay talaga tayo kung magpapatuloy pa ang mga operations na ganito, kung may mamamatay pa ba. Gusto nating matigil na ang patayan,” added Sen Bam.

During the hearing, Sen. Bam asked Gen. Dela Rosa if there’s a pattern of killing in the PNP with the recent deaths of Delos Santos and Arnaiz.

 The top PNP official vehemently denied the existence of a pattern, saying the police have arrested 120,000 drug suspects alive.

  “The Senate is supportive of the war on drugs and arresting 120,000 criminals involved in drugs is appreciated, but killing of unarmed suspects is still a problem,” said Sen. Bam, adding that a clear directive from the top is a start.

Sen. Bam: Let’s not put BBL in the backburner

While it was not included in the priority reforms during the Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC), the Bangsamoro Basic Law (BBL) should still be pursued as it can help bring peace in Marawi and the whole of Mindanao, according to Sen. Bam Aquino.
 
“Wala man ang BBL sa mga inilatag na prayoridad na panukala, huwag natin ito isantabi. Magsisilbi itong daan upang maabot ang matagal nang inaasam na kapayapaan sa Mindanao,” said Sen. Bam.
 
Sen. Bam is a member of the Senate Special Committee on Marawi City Rehabilitation, which will conduct its initial hearing Tuesday.
 
Recently, the Bangsamoro Transition Commission (BTC) submitted to President Duterte a draft of the revised BBL However, the President did not raise the BBL during the last LEDAC.
 
“I hope we can still push for this reform for our countrymen in the Bangsamoro region,” stressed Sen. Bam, “Let’s pass the best possible version of the BBL and establish peace and prosperity in the region.”
 
The senator also underscored his belief that the BBL can help fight terrorism, rebellion and crime through peace and development and education and jobs.
 
“Sa tulong ng BBL masusugpo natin ang matagal nang problema sa Mindanao, lalo na ang terorismo at rebelyon sa pamamagitan ng kaunlaran, trabaho at edukasyon,” said Sen. Bam.
 
In his first four years as senator, Sen. Bam has pursued jobs, education and livelihood opportunities for Filipinos through the Go Negosyo Act, Universal Access to Quality Tertiary Education Act and Youth Entrepreneurship Act.
 
“Naniniwala tayo na kapag nabigyan ng pagkakataon upang makapag-aral, makapagtrabaho at magnegosyo ang ating mga kababayan, madali tayong makakaahon sa kahirapan at magkakaroon ng magandang kinabukasan,” said Sen. Bam.

NEGOSYO, NOW NA!: Patok ang tulong ng Negosyo Center business counselors

Mga kanegosyo, noong panahon ko ­bilang social entrepreneur, ma­ra­ming beses din ­tayong humingi ng abiso at ­tulong sa ibang mga negosyante.

Napakalaking tulong talaga kung mayroon kang mapagtatanu­ngan na naranasan din ang pinagdadaanan mo.

Kaya hindi matatawa­ran ang tulong na hatid ng mga business coun­selor ng Negosyo Centers sa ating mga kababayan o mga organisasyon na nais makapagsimula ng bagong negosyo.

Napakahalaga ng ka­nilang mga tulong at payo, na kung susundin ng ating mga ­kababayang lumalapit sa ­Negosyo Centers, ay makatutu­long upang maging ma­ta­gumpay ang itatayo nilang negosyo.

Isa sa mga susi ng tagumpay sa pagnenegosyo ay ang pagkakaroon ng bukas na isip sa mga payo at suhestiyon mula sa mga taong sanay na sa ganitong larangan.

Ang kanilang mga payo ay bunga ng pag-aaral habang ang iba nama’y mula sa pansarili nilang karanasan sa pagnenegosyo kaya masasabing ito’y subok na.

Sa ating kolum nga­yon, itatampok natin si Jocelyn Gracilla, na ­tubong Cabiao, Nueva Ecija.

***

Halos kalahati ng kanyang buhay ay napunta lang sa pagtatrabaho bilang ­empleyado.

Nang mapagod na sa araw-araw na kapapasok sa opisina at paggawa ng pare-parehong trabaho, nagpasya si Jocelyn na magtayo ng sariling nail salon at spa.

Nang mabalitaan na mayroong Negosyo ­Center sa kanilang lugar, agad dumalo si Jocelyn sa isang seminar ukol sa entrepreneurship at BMBE orientation.

Sa Negosyo ­Center, nilapitan siya ng ­business counselor na si Manolet Caranto, kung saan ­sinabi niya ang kanyang planong magtayo ng isang nail salon at spa.

Nagturo si ­Manolet sa Alternative Learning System bago pumasok bilang clerk sa lokal na pamahalaan ng Cabiao. Pagkatapos nito, nag-­apply siya sa Negosyo Center-Cabiao bilang business counselor.

Nakita ni Manolet ang potensiyal na pumatok ang planong negosyo ni Jocelyn kaya pinayuhan muna siyang iparehistro ito sa Department of Trade and Industry (DTI) at sa Business Permit and Licensing Office ng ­Cabiao.

Sa tulong ng business counselor, naiparehistro ang Celine Nail Salon and Spa bilang Barangay Micro Business Enterprise (BMBE).

Ilang araw ang nakalipas, nakuha niya ang BMBE Certificate of Authority na inisyu ng DTI-Nueva Ecija.

Bumalik si Jocelyn sa Negosyo Center at nagpatulong naman sa business counselor sa pag­gawa ng business proposal upang makautang ng puhunan.

Kasama ang business counselor, binuo nila ang business proposal na nagustuhan naman ng kaibigan ni Jocelyn kaya siya pinautang ng puhunan upang masimulan ang negosyo.

Ginamit ni Jocelyn ang kapital upang umupa ng malaking lugar para sa kanyang negosyo, Ang natira naman ay pinam­bili niya ng mga kaila­ngang gamit ng kanyang nail salon at spa.

Hindi naman nagkamali si Jocelyn sa piniling negosyo dahil pumatok ito sa kanyang mga kababa­yan sa ­Cabiao.

Sa araw-araw, hindi na­wawalan ng customer si Jocelyn kaya regular ang pasok ng kita para sa kanya at mga tauhan ng nail salon.

Sa ngayon, nagpaplano si Jocelyn na mag­lagay ng iba pang sangay ng Celine Nail Salon and Spa sa iba’t ibang bahagi ng Nueva Ecija.

Sa kabila ng tagum­pay, patuloy pa ring bumibisita si Jocelyn sa Negosyo Center at regu­lar ang pagsangguni sa business counselor ukol sa operasyon at iba pang problema na kinakaharap ng kanyang negosyo.

Scroll to top