Month: September 2018

Sen. Bam on Duterte’s statement on EJKs

Sa likod ng biro, may katotohanan na hindi katawa-tawa.  

Tulad ng sakit ng pamilya na naiwan ng pinatay.  

Tulad ng pag-target sa mahihirap na komunidad imbis na mayayamang drug lord.  

Tulad ng pagkulong sa mga kritiko ng gobyerno, habang malaya ang mga korap na nagpapasok ng toneladang droga sa ating bansa.  

Panahon nang harapin ang katotohanan sa War on Drugs at iwasto ang kultura ng karahasan at patayan na bumabalot sa ating bayan.

Sen. Bam to gov’t: Make affordable rice available, accessible to poor Filipinos

Sen. Bam Aquino wants to ensure that poor Filipinos are priority in the distribution of NFA rice, following the government’s move to sell affordable rice in supermarkets.

“Maganda ang hangarin ng pamahalaan na paramihin ang outlets ng bentahan ng NFA rice at isama ang mga supermarkets,” said Sen. Bam.

“Pero dahil limitado ang NFA rice at napakamahal pa ng commercial rice, mahalaga na matiyak na makikinabang ang pinakamahihirap nating kababayan na isa o dalawang beses na lang ang pagkain ng kanin kada-araw,” added Sen. Bam.

Sen. Bam said the initiative will be for naught if the NFA rice will not be accessible to poor Filipinos who are already burdened by high prices of food and other goods.

“Siguraduhin na mayroong murang bigas sa mga pangunahing pinagbibilhan ng mahihirap nating kababayan. Baka maubos ang pinagkakasyang pera sa pamasahe papunta sa mga supermarket,” stressed Sen. Bam, who is pushing for the full implementation the 10-percent discount on NFA rice under the Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Under the TRAIN Law, Sen. Bam said the government is mandated to provide poor families 10-percent discount when they purchase NFA rice from accredited retail stores, up to a maximum of 20 kilos per month.

In addition, Sen. Bam is calling for the enactment of his Senate Bill No. 1798 or the Bawas Presyo Bill that will help ease the burden of poor Filipinos on high prices of food and other goods.

Sen. Bam’s Bawas Presyo Bill aims to suspend the excise tax on fuel under the TRAIN Law when the average inflation rate surpasses the annual inflation target over a three-month period.

Passing the measure is crucial as it will stop the second round of increase in excise tax on petroleum products under the TRAIN Law in January 2019, according to Sen. Bam.

Aside from pushing for the enactment of the Bawas Presyo Bill, Sen. Bam also called on the government to fully implement other social mitigating measures under the TRAIN Law, such as the unconditional cash transfer program and the Pantawid Pasada Program.

Sen. Bam on issues hounding teachers

Hinihimok natin ang DepEd at GSIS na tugunan ang lumalalang problema ng loans ng ating mga guro.

Kasama po ang mga guro sa napakaraming Pilipino na nalulunod na sa taas presyo. Bigyan naman natin sila ng ginhawa.

Sa aming pakikipag-diyalogo sa Teachers Dignity Coalition, nagkasundo kaming pagtulungan ang pagpapabuti ng kalagayan ng ating mga guro.

Habang palapit ang World Teachers’ Day sa October 5, pakinggan natin ang mga guro sa kanilang mga hinaing.

Oras nang ipakita natin na nakikinig ang gobyernong ito sa ating mga mahal na guro at handa tayong tumulong. 

Sen. Bam to Admin: Solusyunan ang taas-presyo imbis na gipitin ang oposisyon

Rather than focus on persecuting the opposition and its critics, Sen. Bam Aquino said the government should address the high prices of food and other goods that burden poor Filipinos.

“Tama na po ang panggigipit sa oposisyon. Taas-presyo ang tunay na kalaban,” said Sen. Bam, referring to the recent arrest of Sen. Antonio Trillanes.

“Nakakaubos yan ng oras ng mga nasa gobyerno na dapat sana gumagawa ng paraan na tugunan ang malalaking problema ng bayan,” added Sen. Bam.

Sen. Bam said the government should wield its power to solve the high prices of food by certifying as urgent his Senate Bill No. 1798 or the Bawas Presyo Bill.

“Kung kaya ng gobyerno na ikulong si Sen. Trillanes, i-certify urgent ang end endo, bakit hindi nila i-suspend pagtaas ng buwis sa petrolyo?” asked Sen. Bam, adding that there will be another increase in the excise tax on petroleum products this January 2019.

Sen. Bam’s Bawas Presyo Bill aims to suspend the excise tax on fuel under the TRAIN Law when the average inflation rate surpasses the annual inflation target over a three-month period.

Passing the measure is crucial to stop the second round of increase in excise tax on fuel under the TRAIN Law.

Aside from pushing for the enactment of the Bawas Presyo Bill, Sen. Bam also called on the government to fully implement other social mitigating measures under the TRAIN Law, such as the unconditional cash transfer program, Pantawid Pasada Program and the 10-percent discount on NFA Rice.

“Huwag natin kalimutan ang taumbayan. Nalulunod na sila sa taas presyo habang nakatutok ang administrasyong Duterte sa away pulitika at pananahimik ng oposisyon,” Sen. Bam pointed out.

Sen. Bam’s speech after endorsement as LP senatorial candidate

Mga kaibigan unang una Magandang Umaga sa ating lahat! Mga kaibigan iniisip ko kanina ang pangyayaring ito ay parang ibang iba para sa amin na matagal na dito sa partido. Kaya naisip ko na itong Liberal Party mayroong tatlong L na siyang sumasagisag rin sa araw natin ngayon.

Ang unang L natin ay “Laylayan”. Bago ang 2016 tinest namin ito, hindi alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang laylayan. Pero noong tumakbo si VP Leni at dala-dala niya ang nasa laylayan ng lipunan ngayon, lahat ng Pilipino alam na ang ibig sabihin ng laylayan. Bakit mahalaga ang unang L na iyon? Mahalaga iyon dahil yung partido natin, yung samahan natin, yung oposisyon ang siyang nakatutok sa totoong pangangailangan ng ating bansa. Ang partidong natin, ang oposisyon, ang siyang nakatingin ano ba ang kailangan ng nasa laylayan ng lipunan.

Sa aking limang taong pagiging Senador umiikot tayo, marami tayong nakakausap, nandiyan si Melvin Castro mula sa TarlacAgricultural University ano ba ang kwento niya? Gumigising siya 3amkada araw at namimitas ng mangga doon sa bukid kung saan siya nakatira, dalawa na ang anak niya pero college student pa rin siya. Pagdating ng 5am naggigisa ng bagoong, by 6am nagbebenta na ng mangga’t bagoong sa labas ng gate ng TAU (Tarlac AgriculturalUniversity) pagdating ng 8amstudent siya sa loob ng TAU. Ang ang sabi ni Melvin? Sabi niya “Senator Bam itong libreng tuition iyan ang nakapagtawid sa akin kaya naka-graduate po ako”. Si Melvin Castro ngayon ay isa ng guro at mayroon nang kinikita para sa kaniyang pamilya.

Nakatutok tayo sa pangangailangan ng taumbayan. Noong nakaraang dalawang linggo kasama ko si VP Leni, nasa Zamboanga kami at pumunta kami doon dahil nakita namin sa Zamboanga a few weeks ago umabot ng P75 per kilo ang bigas, at bumalik si VP Leni doon sinamahan ko siya para macheck ang palengke kung magkano na, bumaba naman sa P52 pero mataas pa rin. Yung katabi ko doon si Allan, si kuya Allan isang tricycle driver ano ang sabi ni kuya allan? “Senator Bam, Mam Leni apat kami sa aming pamilya pero ang pinaghahatian namin ay kalahating kilo ng bigas sa isang araw”. Apat na tao kalahating kilo ng bigas pinaghahatian nila, kaya kami, tayo dito, ang binibigyang pansin natin yung talagang mabigat sa taumbayan, yung talagang pangangailangan ng taumbayan, kung ano yung hinaharap nila sa kanilang araw araw na buhay. Iyon ang binibigyan natin ng pansin at kailangan natin ng isang grupo na tututok sa mga totoong problema at magbibigay ng solusyon dito sa mga problema ng mga nasa laylayan ng lipunan.

Ang pangalawang L ay “Laban”.  Dahil yung mga taong nandito, marami pang taong nanunuod, at mga online, ay handa pong lumaban. Lumaban para sa ating mga kababayan, lumaban sa makapangyarihan, lumaban para sa tama sa ating lipunan.

Hindi kayo pupunta dito kung hindi kayo handang lumaban. Yung salitang “laban”, makasaysayan po yan sa ating lipunan. Kapag nilalabas natin ulit ang salitang laban, ibig sabihin niyan ay hanggang sukdulan.  Kaya itong laban na ito, aaminin ko ay hindi magiging madali. Uphill climb ito para sa oposisyon pero naniniwala ako na gaya ng lahat ng naging laban sa ating bansa, kung nagkakaisa ang Pilpino, nagkakaisa ang mamamayan at hindi tayo nagpapatakot kung kaninuman, kahit anong laban ay kakayanin nating manalo at magtagumpay.

Ano na ang pangatlong L? Ang una ay Laylayan, ang pangalawa ay Laban, ang pangatlo ay para sa mga millenials: syempre, Love!

Hindi pwedeng mawala ang Love. Bakit? Ano po ang nagbubuklod-buklod sa atin dito? Isang tao po ba? Si VP Leni po ba? Hindi! Si PNoy po ba? Hindi! Kami po bang mga kandidato? Hindi rin! Nandito tayong lahat dahil nagmamahal tayo sa ating bayan.

Lahat tayo ay nagmamahal sa ating bayan. Alam nating maraming hinaharap at pinagdadaanan ang mga kababayan natin. Marami sa kanila ay naghahanap ng liderato, naghahanap ng mga masasandalan, naghahanap ng mga solusyon. Tayong lahat dito, sa pagmamahal natin sa ating bayan, yan ang magdadala sa atin sa tagumpay. Ang isang napakahalagang isipin natin ay hindi lang tayo ang nagmamahal sa ating bayan, maraming maraming Pilpino ang nagmamahal sa ating bayan. Baka ngayon lang, hindi lang maintindihan ang mga nakikita sa social media. Baka kaya natakot na dahil marami nang nakitang namatay sa kanilang baranggay. O baka tumahimik na lang dahil mas mabigat ang mga pang-araw-araw na problema ng ating bayan. Pero lahat tayo ay nagmamahal sa ating bayan. Kailangan natin silang maabot. Yung “Makinig Project” ni Senator Kiko nandyan yan, ang ating kakayanan na mag reach-out, kumausap, magkumbinsi, katukin natin ang bawat kapitbahay natin, bawat komunidad, bawat baranggay. Ipakita natin ang pagmamahal sa ating bayan at sabay-sabay nating tulungan ang lahat ng mga kandidato ng partido Liberal sa susunod na taon.

Laylayan, Laban, Love!

Isang napansin ko pa yung tatlong initial list ng kandidato: Aquino, Tañada, Diokno. Ano ang pagkakaparehas? Unang-una, lahat ay may kapamilya na naging senador. Pangalawa, lahat po ay nakulong din! Si Tito Ninoy, 7 years 7months. Si Ka Pepe, 2 years. Si Ka Taning, 2 weeks. Lahat yan nakulong. I hope yung pagkakaparehas namin sa 2019, hindi kami makukulong. Sana lahat kami ay magtagumpay! Sa mga susunod na linggo, dadami pa ang mga mababanggit na kasama ng LP at Opposition Coalition. Sanamatulungan natin silang lahat.

Para sa aking mga kasama dito sa initial list, hihilingin natin yung tulong nating lahat. Nakikita naman natin na tayong lahat ay nahuhuli sa survey. Hindi ako natatakot sa mga numerong yun. Ibig lang sabihin, kailangan pa tayong magtrabaho. Hindi tayo pwedeng makuntento na tayo-tayo lang ang mga kausap natin. Kailangan mag reach out tayo. Lahat naman tayo may kamag-anak, may kaibigan, at may officemate na tingin natin kaya naman natin makumbinsi. Ganun dapat.

Pero ngayong araw na ito, gusto ko lang i-highlight yung dalawa nating kasama. Palakpakan po natin, isang batikang youth leader, iniidolo namin noon sa Sanggunian, naging magaling na Kongresista, magaling na legislator, kailangan nating ibalik sa lehislatura, walang iba kundi si Congressman Erin Tañada! Pangalawa, huwag nating kakalimutan na kahit di siya napunta sa gobyerno, matagal na siyang naglilingkod sa ating bayan. Isang abogado ng mahihirap, tumutulong sa mga mahihirap na walang pambayad sa abogado, Chairman ng Free Legal Assistance Group, Dean ng La Salle Law School, palakpakan natin ang isang taong napakatapang at handang-handang lumaban sa panahon na ito, Atty. Diokno!

Mga kaibigan, ang laban na ito ay hindi magiging madali. Alam niyo po iyan, alam din namin yan. Pero sabi ni VP Leni lagi, “sa dulo ng lahat, ang mananaig ay katotohanan at kabutihan.” Ang mananaig sa dulo ng lahat ay ang handang magtrabaho para sa ating bayan. Tulong-tulong tayo sa susunod na taon. Tulong-tulong tayo na katukin ang mga bahay ng ating mga kasama sa barangay at ipakilala natin ang mga kandidato ng Partido Liberal.

Maraming maraming salamat po at magandang araw sa ating lahat. Thank you very much.

Sen. Bam: Quality education for all, key to prosperity in PH

Sen. Bam Aquino renewed his commitment to work on access to quality education for every Filipino and emphasized the important role that teachers play in achieving this goal.

“Kaya ipinaglaban at itinulak namin ang libreng edukasyon sa state universities and colleges (SUCs) at dagdag scholarship sa mga private university dahil naniniwala kami na napakahalaga ng edukasyon,” said Sen. Bam in his speech at the Carl Balita Review Center Ultimate Finale Coaching at the Philippine Arena in Bocaue, Bulacan.

“Ang isang mahalaga sa pagpapaunlad ng bayan ay edukasyon. Education for all. Mahalaga na mayroon kang dalang armas na edukasyon,” added Sen. Bam, principal sponsor of Republic Act 10931 or the Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Sen. Bam then underscored the role of teachers in the further improvement of the quality of education in the country and in nation building

“Bilang senador, nakita namin na ang pinakamahalagang aspeto ng edukasyon ay ang ating mga guro. Batay sa pag-aaral, ang antas ng edukasyon sa isang bayan ay nakasalalay kung gaano kagaling at kasaya ang mga guro,” said Sen. Bam.

 “Kaya makakaasa po kayo sa tulong mula sa amin sa Senado para sa mga guro para sa lalo pang pagpapaganda ng kalidad ng edukasyon sa bansa,” added Sen. Bam.

Sen. Bam pushed for the passage of Republic Act 10931 during his term as chairman of the Committee on Education in the 17th Congress.

Republic Act 10931 provides free tuition and miscellaneous fees to students in state universities and colleges (SUCs), local universities and colleges (LUCs) and TESDA-run vocational schools.

Furthermore, the law allows students of both public and private college and universities can also apply for scholarship grants and student loans.

Earlier, Sen. Bam reminded SUCs that collection of mandatory and miscellaneous fees from students is illegal with the implementation of RA 10931.

Sen. Bam to SUC students: You have the right to free tuition and miscellaneous fees

Sen. Bam Aquino reminded students from state universities and colleges (SUCs) that the collection of tuition and miscellaneous fees is illegal.

“Isang taon na mula nang maisabatas ang Free College Law. Sa ilalim nito, karapatan niyong hindi magbayad ng tuition at miscellaneous fees sa SUCs,” said Sen. Bam, principal sponsor of Republic Act 10931 or the Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

During dialogue with different sectors, Sen. Bam has received reports that some SUCs are still collecting miscellaneous and other mandatory fees from students.

“Kahit mayroon nang batas, may naririnig pa rin tayong ilang SUCs na hindi sumusunod dito at patuloy ang paniningil ng mga bayarin na hindi na dapat pang kinokolekta mula sa mga estudyante,” Sen. Bam insisted.

During the Commission on Higher Education’s budget hearing, Sen. Bam warned SUCs against collecting fees from students.

“If there are mandatory fees still being collected by the schools, that is illegal now,” said Sen. Bam.

In addition, Sen. Bam called on the government to fully implement the Free College Law, saying it should not deprive poor students a chance at a better life through education.

“Prayoridad dapat ang edukasyon. Ito ang susi sa kaunlaran ng pamilyang Pilipino,” said Sen. Bam, adding that the Free College Law will provide poor families respite from the high prices of goods and services.

“Lalo na ngayong matindi and pagtaas ng presyo, bigyan ng ginhawa ang mga Pilipino,” added Sen. Bam, who worked for the measure’s passage during his time as chairman of Committee on Education in the 17th Congress.

Republic Act 10931 provides free tuition and miscellaneous fees to students in state universities and colleges (SUCs), local universities and colleges (LUCs) and TESDA-run vocational schools.

Also, the law allows students of both public and private college and universities can also apply for scholarship grants and student loans.

Two Aquinos split opposition votes in Pulse survey

The first time two Aquinos were included in the Pulse Asia Survey resulted in a divided choice for voters, leading to a drop for Sen. Bam Aquino.

From being the only opposition candidate among the top 12 in past surveys, Sen. Bam dropped from the Magic 12 in the recent survey conducted from Sept. 1 to 7.

His cousin, actress Kris Aquino, was recently included in the survey and ranked similarly to Sen. Bam.

“Pagtulong sa ating mga kababayan ang mas mahalaga sa usaping ito. Ngayon na lumalabas na isa lang sa amin ang dapat tumakbo next year, pag uusapan at paghahandaan namin ito,” said Sen. Bam.

“Naniniwala pa rin ako na pagdating ng eleksyon, maghahanap ang mga kababayan natin ng mga senador na may sariling isip at handang ipaglaban ang mga programang ikabubuti ng taumbayan. Naniniwala ako na lalabas ito sa boto ng mga Pilipino sa 2019,” added Sen. Bam, principal sponsor of the free college law.

Sen. Bam: Hindi sagot ang Martial Law, diktadurya sa problema ng ating kababayan

Sen. Bam Aquino addressed the Senate and insisted that Martial Law will never be a solution to the pressing problems of the country.

“Hindi naging sagot ang Martial Law noon, at lalong hindi siya sagot ngayon,” said Sen. Bam in his privilege speech. “Malubha pa rin ang sakit ng taumbayan, at lalong tumitindi ang kahirapan.”

In nine years under Martial Law, Sen. Bam said there were 3,320 victims of extrajudicial killings, 34,000 cases of torture, 70,000 cases of illegal detention, 75,730 cases of human rights violations and debt of around P395 billion, which is equivalent to more than P3 trillion in today’s money.

“Hanggang ngayon, binabayaran pa rin natin ang utang ng Marcos Regime, habang pumipila ang mga Pilipino para sa bigas na may bukbok at nalulunod po sa gastos ang napakaraming mahihirap na pamilya,” Sen. Bam said.

Sen. Bam said Martial Law is not the solution to the country’s pressing problems, including high prices of food, such as rice, and rampant killings of local officials, priests and even young people.

“Kawalan ng epektibong plano, kawalan ng political will, at kawalan ng puso ng mga lingkod bayan at puso para sa mahihirap ang mga sanhi ng krisis natin ngayon,” said Sen. Bam.

“Ngunit hindi Martial Law ang sagot dito, at mas lalong hindi ang isang diktadura,” Sen. Bam pointed out, adding that the government must simply act on the concerns of the Filipinos to solve these problems.

Sen. Bam has filed Senate Bill No. 1798 or the Bawas Presyo Bill, which aims to suspend the excise tax on fuel under the TRAIN Law when the average inflation rate surpasses the annual inflation target over a three-month period.

According to Sen. Bam, the immediate passage of the law will also stop the scheduled P2 additional excise tax on petroleum products under the TRAIN Law in January 2019.

Sen. Bam to SUCs: Collecting mandatory fees is now illegal

Sen. Bam Aquino cautioned state universities and colleges (SUCs) from collecting fees from students amid the implementation of the Free College Law.
 
“If there are mandatory fees still being collected by the schools, that is illegal now,” said Sen. Bam during the budget hearing of the Commission on Higher Education.
 
“Mag-ingat sila sa kinokolekta nila kasi nasa batas iyan. If it is a mandatory fee, that should not be charged to the students,” added Sen. Bam, principal sponsor of Republic Act 10931 or the Universal Access to Quality Tertiary Education Act.
 
Sen. Bam made the pronouncement after receiving complaints from students and parents about mandatory fees being collected by SUCS despite the implementation of the free college law.
 
“May natatanggap pa rin tayong reklamo ukol sa di makatwirang paniningil na ginagawa ng ilang SUCs. Di na ito dapat ginagawa,” said Sen. Bam, also the vice chairman of the Committee on Education.
 
Republic Act 10931 provides free tuition and miscellaneous fees to students in state universities and colleges (SUCs), local universities and colleges (LUCs) and TESDA-run vocational schools. 
 
Also, the law allows students of both public and private college and universities can also apply for scholarship grants and student loans.
 
The measure was languishing in the legislative mill for years before it was passed during Sen. Bam’s time as chairman of the Committee on Education in the 17th Congress.
Scroll to top