7 Modern Pinoy Book-et List sa #BuwanNgAkdangPinoy

Isang tulog na lang, “Ber” months na! Pero bago iyon, may pabaon sa inyo ang Buwan ng Mga Akdang Pinoy na ipinigdidiriwang tuwing Agosto.

Para sa mga bookworm na nagpapaka-stranded sa local coffee shop ngayong tag-ulan at tag-baha, narito ang pitong makabagong libro at komiks na sariling atin!

 

1.Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tábon (Edgar Calabia Samar). Sa librong ito pwedeng makisama sa adventure ni Janus na isang certified online gamer. Sa paglalakbay ni Janus, makikilala niya si Joey at tutuklasin niya ang misteryong kakabit ng kanyang kinahumalingang laro – ang TALA online sa bayan ng Balanga.

janus_silang

 

2. Mga Tambay sa Tabi-Tabi: Creatures of Philippine Folklore (Ilustrador ng Kabataan). Ang mga engkanto, multo, at aswang ay mga personalidad na tumatatak sa alaala ng kabataang Pinoy. Madalas silang ginagamit na panakot ng nanay mo tuwing ayaw mong matulog. Pasukin ang mundo ng kababalaghang Pinoy na isang mahalagang parte rin ng kulturang Pilipino.

OLYMPUS DIGITAL CAMERA

3. Mga Tala sa Dagat (Annette Acacio Flores na isinalin ni Nanoy Rafael). Sa gitna ng malawak na dagat, sundan ang isang kuwento ng pamilyang mangingisda na ang tadhana’y nakatali sa mga malalaki at malalim na alon. Sa kuwentong ito, mas lalo nadidiin ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan natin. 

mag tala sa dagat

4. ABNKKBSNPLAKo?! (Bob Ong). Bumalik-tanaw tayo kasama ni Bob Ong sa kanyang trip down memory lane. Ipapaalala niya ang karanasan ng bawat Pilipino sa loob ng klasrum. Matanda man o bata ay tiyak na matutuwa sa kuwentong ito. Sa gitna ng nakakatawang hirit, mapapaisip ka rin – bakit nga ba tayo nag-aaral at para saan nga ba ang edukasyon? 

abnkkbsnplako

5. Guardians of Tradition (Mae Astrid Tobias, Rommel Joson, at Renato S. Rastrollo). Tuklasin ang napakayamang kulturang Pilipino sa mga kuwento nina Ginaw Bilog, Lang Dulay, Uwang Ahadas at marami pang iba na mga nagawaran ng Gawad sa Manlilikha ng Bayan. Nilalaman nitong libro ang mga tradisyon sa sining, musika, akda, at sayaw ng ating mga ninuno.  

guardians of tradition

6. Ang Subersibo (Adam David at Mervin Malonzo). Lahat tayo’y pinagbabasa ng Noli Me Tangere pagdating ng high school kaya’t kilalang-kilala natin si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin. Pero ano kaya ang kuwento sa likod ng kanyang pagkatao at ano ang nagtulak sa kanya na pasukin ang buhay filibustero? Alamin sa librong ito.

Ang Subersibo

7. 12:01 (Russell Molina). Balikan natin ang taong 1976 noong idineklara ang Batas Militar sa Pilipinas. Sa 12:01, isang graphic novel, sina Neal, Joy, Edgeboy at Lily ang magpapakita sa atin kung paano nga ba talaga ang buhay noon at ano ang tunay na ibig sabihin ng Batas Militar.

12-01book

Scroll to top