It’s World Social Media Day! According to studies, the Philippines ranks no. 1 in terms of time spent on social media. At dahil diyan, dapat lang na mas maging responsable tayo sa paggamit ng social media, di ba? Huwag basta-basta maniwala sa mga nababasa online. Think before you click and spread love not hate. Peace!
1. Check the label. Sa dami ng naglipanang fake news websites, i-check muna ang pangalan at URL o link ng news source. Kapag may extra letter o number sa pangalan ng source, aba eh maghinala ka na! Maraming websites ang nagpapaganggap na legit news websites pero kung susuriing mabuti, ginagaya lang nila ang interface at URL ng website upang makapang loko.
2. Read before you share. Huwag basta-basta mag like, comment or share ng mga juicy articles na nababasa sa Facebook at Twitter. If it’s too funny or too weird to be true, basahin at intindihin muna ang buong article bago i-share o mag comment. Sabi nga nila – G.I.Y.F. – Google is Your Friend! Kapag hindi sigurado, i-Google mo.
3. Keep out! Hindi lang sa totoong buhay dapat maging “nice”, sa social media din. Iwasan ang mga Facebook group at pages na nakaka-violate at discriminate ng pagkatao. Respeto lang! Peace!
4. Do not enter! Hindi lang sa pag-ibig maraming manloloko at manggagamit, pati na sa world wide web. Huwag click ng click sa mga kung anu anong websites, lalo na yung kahina-hinala, baka mavirus ka pa!
6. Quality over quantity. Magbasa ng mga balita online at maghanap ng kalidad na mga journalist, huwag umasa sa headline, hirit at dami ng followers. Remember, popularity is not credibility.
7. Be real. Kung paano ka in real life, dapat ganun ka din sa social media. Pag-isipan ng maigi bago mag-post. Sa dinami dami ng fake na nagkalat, kailangan ng mundo ang mga nagpapakatotoo at authentic. Stay real, Philippines!
5. Care before you share. Sa dali at bilis ng pag-post sa social media, minsan nakakalimutan natin pakinggan ang puso bago mag-share ng saloobin. Huwag na tayo dumagdag sa dami ng away at pananakot online. Mag-ingat at piliting maging understanding. Magshare ng mga magagandang bagay at pampa GV. ‘Wag lang puro nega, why not spread mega-love and happiness to your online friends!
Recent Comments