Malugod na tinanggap ni Sen. Bam Aquino ang balitang umangat ang antas ng positibong pananaw (“optimism”) ng karamihan ng mga Pilipino, ayon sa isang survey na ginawa ng Social Weather Station (SWS). Dagdag ng senador, isa itong pagkakataon para sa gobyerno na paigtingin pa ang mga programa nitong lumalaban sa kahirapan.
Ayon kay Sen. Bam, “Magandang balita para sa gobyerno ang mataas na optimism ng mga kababayan natin. Pinapakita nito na ramdam ng taumbayan ang mga programa natin, lalo na para sa mahihirap.”
“Pero hindi tayo puwedeng maging kampante. Kailangan pa nating tutukan ang marami sa ating mga social programs tulad ng pabahay at CCT para maiahon ang pinakamahihirap nating mga kababayan. Bukod dito, kailangang siguruhing may trabaho at hanapbuhay ang mga Pilipino para tuluyan na silang makaangat mula sa kahirapan.”
Ilan sa mga sususugan ni Sen. Bam sa Senado ay ang pagbibigay ng suporta para sa mga pinakamaliliit na negosyo, pagtulak sa youth entrepreneurship para matugunan ang youth unemployment.
“Malaki ang hamon sa ating gobyerno, pero sa pagtutulung-tulong ng gobyerno at ng pribadong sektor, kaya nating labanan ang kahirapan.”
Recent Comments