Sen. Bam Aquino’s Interview during the Destruction of Uncertified Christmas Lights at DTI

QUESTION: Ano po ang role ninyo sa activity na ito?

ANSWER: Ako kasi ang Chairman ng (Senate) Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship so we have oversight function sa Department of Trade and Industry (DTI).

Throughout the year, aside from helping our micro and small entrepreneurs, isang lagi rin namin ginagawa ay ang consumer check, of course with Usec. (Victor) Dimagiba and Secretary Greg (Domingo).

This time, ang nakikita natin ay iyong mga substandard Christmas lights. Dinudurog po siya rito, sinisira dahil hindi po ito safe sa ating mga bahay.

Kailangan tingnan po ang tamang sticker at dumaan sa tamang proseso para alam nating safe ang mga ito para sa ating mga bahay.

Ito po, iyong mga nakita nating substandard, walang tamang ICC sticker at kung makikita po ninyo, talagang marupok po ito at hindi talaga tamang gamitin para sa ating mga bahay

Q: Sir sa policy lang, paulit-ulit po kasi iyong problemang ito. Even if every year po ini-inspect po natin. From the policy side, ano po ang puwede nating gawin?

 A: From the policy side, pinag-uusapan namin ni Undersecretary Dimagiba, baka kailangang itaas ang penalties sa mga retailers na nagbebenta.

Last year, nag-check din tayo ng Christmas lights. This has to be a partnership between the public and government.

It won’t fully work kung panay confiscating lang ng DTI. Kailangan ang mamimili maging mapanuri rin sa binibili, tsini-check ang kanilang binibili kung akma sa kanilang mga bahay.

Q:  May proposal po ba kung gaano kataas ang penalties?

A: We’re discussing it now.  In fact, magkakaroon ng amendments sa Consumer Protection Law next year.

 

Scroll to top