Lubhang naapektuhan ang kakayang bumili ng publiko, lalo na ang mahihirap, dahil sa biglaan at hindi maipaliwanag na pagtaas ng presyo ng bawang, bigas at iba pang pangunahing bilihin.
Kaya kaisa ako sa panawagan ng Senate President na imbestigahan ang ugat ng biglaang pagtaas ng presyo at magbalangkas ng mga solusyon upang agad na matugunan ang problema at mapagaan ang pasanin ng mamimili.
Dapat gawin ang lahat upang malaman kung nagkaroon ng sabwatan sa pagitan ng market players na nauwi sa artipisyal na kakulangan ng supply at pagsirit ng presyo. Ang sinumang mapatutunayang nagmanipula sa presyo at supply ay dapat papanagutin sa batas.
Handa ang Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship na pangunahan ang imbestigasyon.
Recent Comments