Author: teambam

Bam on Next PNP Chief, DPWH, Kentex Tragedy, Torre de Manila, VP (Transcript of Interview)

On the Next PNP Chief

“Ang pipiliin po rito ay siyang base sa qualifications, track record, and merits of the candidate and the assessment of the president, mahalaga po iyan.

Wala namang masama kung talagang alam mong mabuti iyong tao at magaling pero mag-klaro yung basehan; very clear kung ano yung reason sa pagpili ng ating next PNP Chief. Napakahalaga po ng posisyong iyan. 

 Iyong ating taumbayan, especially dito sa Metro Manila, napakataas ng Peace and Order sa kanilang listahan ng mahahalagang bagay sa buhay.”

On DPWH’s New Image
“Noong early 2000s, Iyong DPWH parang kakapit niyan yung corruption. Pag sinasabi, ay nako iyong daan na iyan ay dapat 1KM, bakit parang wala pang 100 meters?

I will give credit where credit is due, ang laking bagay po ng tinatrabaho ni Secretary Babe Singson. 

Sabi niya, lahat ng pako ganito lang dapat ang presyo, lahat ng semento ganito lang ang presyo, lahat ng kahoy ganito ang presyo kahit ikaw ay nasa Region I or Region X, or XI or kung saan man, standardized ang presyo ng mga materyales.

Parang 30% less, 25-30% less, ang mga presyo ng mga proyekto ngayon dahil na-standardize iyong mga presyo.

Marami tayong natipid, kasi tayo po iyong nagbabayad niyan eh. Taxpayers’ money iyan; there was a time, mga 2012 or 2013, laging sinasabi ni PNoy, o buti pa ‘tong si Sec. Babes naka-save na naman ng 200 Million, ng 300 Million pesos kasi maganda iyong sistemang ginawa niya.

On Kentex Tragedy

“Grabe kasi ‘tong  sunog na ito, maraming namatay, napakalaki noong sunog. Palagay ko, wag na nating payagan ang mga tragedy. 

Huwag na nating hintayin magka-tragedy ulit bago tayo gumalaw.  Tayo na mismo -iyong mga korporasyon diyan, mga factory, tayo na mismo ang manigurado na safe para sa ating mga manggagawa.

On Torre De Manila

“To be fair kahit sa DMCI kung may permit sila dapat, may funding sila para ma-refund nila iyong mga taong bumili. Kung may permit sila , at talagng maayos iyong pagkuha ng permit.

Kasi ngayon nagtuturuan na si Mayor Lim tsaka si Mayor Erap. Sino ba talaga ang may kagagawan niyan ‘di ba? Hindi na natin pag-uusapan kung saan tayo pumapanig, but definitely kung ang isang kumpanya, kumuha ng tamang permit tapos siningil, hindi naman magandang siya iyong i-penalize riyan ‘di ba.

Kung wala kang tamang permit or may nangyaring magic sa permit, ibang usapan iyon. Pero kung tama iyong permit, para din naman sa businesses ‘di ba, pagiging fair na dumaan ka sa tamang proseso and then eventually wala.

We agree, sabihin na nating hindi talaga maganda na nasa likod siya ni Jose Rizal, sabihin mo nang we agree. Pero may building na riyan, and hindi lang iyong pinanggastos diyan kasi gagastos pa para tanggalin yan.

Ang tanong sino ang gagastos niyan?

Kung ikaw ay isang negosyante, dumaan ka sa tamang proseso ng pagkuha ng permit, tama ba na mawalan ka ng pera? Or ikaw ay isang namili at binenta ito sa merkado at binili mo iyan pero hindi mo naman in-occupy, tama ba na mawalan ka ng pinaghirapan mong pera? Medyo hindi rin fair diba?

Hintayin natin ang Supreme Court.  Magiging landmark case iyan. Kasi, in the future, pag ang gobyerno pinatigil ka sa iyong negosyo dahil sa iba’t-ibang mga dahilan, valid reasons, kasi hindi naman natin sinasabing hindi valid iyong dahilan.

 For valid reasons napatigil ka, iyong reparation mo sino ang magbabayad?”

VP’s Resignation

“It was just a matter of time. Kasi ‘di ba pag ikaw ang tumatayong leader ng oposisyon, hindi mo na makukuha yung basbas ng presidente, iba na iyong kanyang pinagpipilian, tama na siguro na nasa kabilang panig ka na talaga diba.

Huwag na nating lagyan masyado nang maraming malisya iyong nangyari. It was just a matter of time.”

Bam on 2016 Presidentiables, Anti-Discrimination & Philippine Competition

Mini Press Conference, 23 June 2015

 

On the Philippine Competition, Foreign Ships Co-Loading  and Youth Entrepreneurship Acts

“Mayroon tayong tatlong batas na na-sponsor at na-author na handa na for signing ni Presidente. And we’re hoping bago po yung SONA mapirmahan po ito. Iyong una po diyan at pinakamahalaga ay ang Philippine Competition Act na siyang longest running bill ngayon po sa ating Kongreso.  More than 25 years na po itong naghihintay na maipasa. 

This will finally prohibit cartels, abuses of dominant position tsaka anti-competitive agreements, lahat ng mga nang-aabuso sa ating merkado, nagpapataas ng bilihin ng presyo ng ating mga bilihin. 

Iyong pangalawa po riyan ay ang pagpayag na pumasok po iyong ating foreign ships handling import and export cargos sa iba’t-ibang mga port sa ating bansa.  Isa rin ho itong mahalagang batas dahil pagginawa ho natin ‘to, bababa rin po yung costs ng logistics sa Pilipinas.  Alam ho natin na iyong presyo po ng bilihin natin, malaking porsyento po niyan nasa logistics costs so hopefully bababa rin po yung presyo ng ating bilihin sa batas na iyan.

Iyong pangatlo naman ay ang Youth Entrepreneurship Act at isa po itong malapit na malapit sa aking puso. Alam ho natin na marami pong kabataan ang walang trabaho at nahihirapan po na makipag-engage sa negosyo, so this act will, hopefully, will address youth unemployment sa ating bansa

So we’re hoping po na itong tatlong napakahalagang batas na siya pong sinulong po natin will be signed before the SONA at maging batas na po ito pagdating po ng taong ito.”

Q: Sir, iyong Philippine Competition Act, gaano po katagal sir yung bill na ‘to?

“Well, alam ninyo ‘no naging contentious po ito kasi ito po yung lumalaban sa mga monopolyo, sa mga abuso na malalaking kumpanya at sa mga anti-competitive agreement.

So throughout the years, there’s been a strong lobby against this bill, but this time talagang nakita naman po natin na nagtulungan iyong Kongreso at Senado, and finally we have this landmark bill passed in 2015.”

Q: Sir, how will it affect status quo like the current state of the industry in the Philippines?

“Unang-una iyong mga cartels natin.  Recently, iyong onion and garlic cartels na nakita natin na nag-manipulate ng presyo at nagtaasan po.  Finally may batas na nagsasabi na iyong ginagawa po nila ay siyang mali talaga at pwede silang makulong sa pagmamanipula ng mga presyo ng bilihin.

Pangawala, the Philippine Competition Commission, which will be created through this Act, can look at different industries and puwedeng magbigay ng mga suggestions o reforms, kung paano mas magiging competitive iyong mga industries na ito.”

Q: Sir how will you prove?

“Mayroon namang case law diyan throughout the rest of the world, and that’s already a standard sa ibang mga bansa. In fact, if you look at our neighboring countries, marami sa kanila mayroon nang competition policy.

Europe and the US, mayroon na sila niyan for the past 50, 60, 70 years. So there is already case law na pwedeng tumulong sa ating Philippine Competition Commission para ma-prove kung ano po iyong manipulated prices or ano yung cartel-like behavior.

Marami naman pong examples sa buong mundo. But I think yung mahalaga is that finally, we have a body na puwedeng tumingin sa isang industriya at sabihin, kulang iyong kumpetisyon diyan or hindi fair.

 Kailangan iyong mga penalties or kailangan ng mga bagong reporma sa mga industriyang iyan para mas maging patas yung laban para sa ating mga negosyante.”

Q: Off-hand, ano yung mga industries na ito? Mayroon ba kayong in mind? 

“Well the cartels I think are quite clear, na sa maraming agricultural products kitang-kita na may nagmamanipulate ng prices natin.

In the past couple of weeks some people have pointed to industries na kulang ang competition like the telecommunications industry for example where we only have two major players.

The Philippine Competition Commission can actually look at that industry and say, “Kailangan ng mas maraming kompetisyon diyan, kailangan mas healthy iyong ating markets para mas maraming pinagpipilian iyong ating mamamayan.”

So it affects all industries. At kung ang isang industriya natin healthy ang competition, you will see that prices will go down and quality goes up.”

Q: Paano nangyari na nakalampas kayo dun sa 25 years? I’m sure maraming naglo-lobby.

“Yeah, marami namang naglo-lobby but I think nalagpasan ito dahil the Speaker, the Senate President, and the President all really pointed to this bill as one of the priority measures.

Ang ekonomiya natin nag-mamature, nag-poprogress. Kailangan na natin ng ganitong klaseng mga patakaran, mga regulasyon, rules, rules of the game, para mas maging patas iyong laban para sa ating mga negosyante,.

We have the best economy in the ASEAN now pero wala tayong competition policy. So it’s one of those things na kung gusto talaga natin mag-modernize at mag-move forward as a country, isa ito sa mga batas na kailangan talaga natin.”

Q: Sir, may penalty yan under the admin?

“Yes, meron siyang administrative penalty which are your fines, and meron siyang criminal penalties also. So depende dun sa gawain ‘no, kung ito ay criminal in nature or just administrative.”

Q: Sinong mag-hehead, sir?

“Wala pa, kailangan i-appoint and siguro iyon ang susunod na babantayan pagkatapos itong pirmahan. We need to make sure na yung mga ma-aappoint sa Philippine Competition Commission ay mga taong may integridad, may kapasidad tsaka kaya talagang panindigan yung needs and desires of our consumers.”

Q: Sir, what happens to an industry, like Telco, for example? Paano palalawakin anng competition?

“We need to make sure that players can come in. Iyong pagpasok ng mga players depende yan sa regulation, sa rules, maybe even incentives, kung kinakailangan.

Looking at an industry and determining kung kulang iyong kumpetisyon will be the job of the commission. If they determine na kulang nga ang kumpetisyon, gagawa sila ng recommendations how to have that industry open up and allow more players to come in.”

Q: Sir, under the bill, bawal na yung mga no-players bibili ng big time kumpanya?

“May probisyon diyan about mergers. Kung ang merger ay makakabawas sa kumpetisyon sa merkado in a great way, in a substantial or unreasonable way, then pwedeng ipagbawal yung merger na iyon.”

Q: Sir, hindi po ba parang redundant na may trabaho na yung DTI tsaka SEC?

“Actually wala silang competion mandate. So the DTI is usually about consumer complaints, SEC naman is looking at the nature of your business. But specifically kumpetisyon, wala pa talagang body in the Philippines na naka-focus diyan.”

Q: Sir, saan papasok yung penalties sa mga cartel lang?

“Anti-competitive agreements, which kung cartel tayo we agree na itataas natin iyong presyo, hindi tayo maglalabas ng produkto. That’s prohibited and the abuses of dominant players.  Pag hindi mo pinapayagan iyong maliliit na pumasok, if you block them prior to entry, that can be fined also.”

On the Vice President’s Resignation

Q: Sir, yung resignation ni VP Binay do you think dapat sumunod narin yung ibang cabinet members na tatakbo?

“Iyong pag-resign nasasa iyo yan.  Hindi ko naman papangunahan iyong iba. In the case of Vice President Binay, I think its time has come for him to resign.

Kasi kung tutuusin naman he’s already been representing himself as the opposition, so palagay ko leading up to the elections next year, this is already something to be expected.”

On Sen. Grace Poe’s Plans

“You have to ask her kung ano ang magiging desisyon niya. As far as the party is concerned, we’re still undergoing the consultation period and trying to find out kung ano iyong mga best combination para sa ating bansa.

But right now, I think the choices of the party are all good choices, all people who want to continue the reforms and will be good for the country. Kung tungkol sa mga plano ni Grace, I think you should ask her.

The party owes it to the people to find the best and the brightest for the Filipino people.”

Q: Kahit outside the party?

“Yes, yes. We need to find the best and the brigthest for our people.

Mahalagang malaman natin kung  ano bang gagawin nila para sa ating bansa.  Lagi nating pinag-uusapan kung sino iyong okay, sino iyong hindi, sino iyong gusto nating iboto.

No one’s asking the question that hasn’t been asked. Hindi pa tinatanong: “Ano bang gagawin nila para sa ating bansa, ano bang plano nila?”  I mean whether it’s VP Binay, Sec. Roxas, or even si Sen. Poe.

No one’s been asking that question. Ako, tanggalin mo yung pagiging senador, bilang isang botante, iyon ang gusto kong malaman.

Ano bang gagawin nila para sa atin? What type of presidency will they provide for our people?”

On Sec. Mar Roxas

“Sec. Mar is the presumptive candidate of LP, pero palagay ko mahalaga rin na talagang tingnan, hanapin kung sino ba ang mga pinakamagagaling at pinakamabubuti.

Sino ba ang mga taong ito na kayang dalhin ang ating bansa to the next level? I think it’s just right that the party goes through this process. But I’m happy naman to say that na mga lumalabas na mga pangalan seem to all be the type who will really bring our country forward.”

On Anti-Discrimination

Q: Speaking of the laws, are you still willing on pursuing bills on anti-discrimination?

“We’ve been pushing for the anti-discrimination law. Matagal na naming tinutulak iyan. We’re hoping we can get more support for this bill.

This bill is not just on transgender, it actually includes religion, race, socio-economic standing, age – lahat ng mga posible maging dahilan kung bakit ka mag-didiscriminate sa iyong kababayan o sa mga ibang tao. 

We hope to make it outlawed at talagang prohibited na. Kasi sa palagay ko iyong kultura naman natin is one where we’re open, we’re tolerant, and we’re respectful of each other’s beliefs and each other’s lifestyle. 

Hopefully mapasa po natin ang batas na ito. Hindi ko siya napasa ngayong second year ko, maybe next year, with the support of the people we can have it passed.”

BIDA KA!: Sama-samang pag-angat

Mga Bida, muli na namang napatunayan na may magandang resulta kapag nag-uusap-usap at magkatuwang na sinusolusyunan ng dalawa ang isang problema imbes na mag-away at mag-iringan lamang.

Ganito ang nangyari sa isyu sa lupaing kinatatayuan ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) sa Agham Road sa Quezon City.

Humigit-kumulang 34 na taon nang nakapuwesto ang PCMC sa nasabing lupain. Subalit sa panahong iyon, hindi sa kanila ang lupain at nakikitira lamang sila rito.

Matagal na sanang napasakamay ng PCMC ang lupa ngunit hindi natupad ang kasunduan sa pagitan ng Department of Health (DOH) at National Housing Authority (NHA) noong 1992.

Sa nasabing kasunduan, ipinagpalit ng DOH ang 5.9 ektar­yang lupain nito sa Cebu para sa 6.4 ektaryang lupain ng NHA sa Quezon City, kung saan ang PCMC.

Subalit isang bahagi lang ng kasunduan ang naipatupad nang ibigay na ng DOH ang lupain sa Cebu at naipamahagi na ng NHA ito bilang bahagi ng kanilang socialized housing para sa ating mga kababayang Cebuano.

Ngayon naman, pinursige na ng DOH ang paghahabol sa lupain sa Quezon City para sa PCMC, ngunit gusto naman ng NHA na bayaran sila batay sa halaga ng nasabing ari-arian noong 2003.

Alalang-alala ang mga pasyente, nars at mga doktor ng PCMC na baka anumang araw ay paalisin sila ng NHA sa lupain.

Kaya halos araw-araw ay nagra-rally ang mga taga-PCMC upang mabigyan ng solusyon ang problema.

***

Nang malaman natin ang problema, agad tayong naghain ng resolusyon upang maimbestigahan ang nasabing isyu.

Sa mga unang pagdinig, nagmatigas pa ang dalawang panig. Ngunit sa patuloy na pag-uusap, pagpapaliwanag at pakikinig sa isa’t isa, nagkasundo na sama-samang kikilos para sa kapa­kanan ng libu-libong batang Pinoy na nakikinabang sa de-kalidad na serbisyo ng ospital.

Matapos ang ilang pagpupulong, nakabuo ng isang memorandum of agreement (MOA) ang DOH, PCMC at NHA para sa paglilipat ng titulo ng lupa sa PCMC at gagawan ng paraan ang mga kailangang bayarin sa susunod na mga taon.

***

Sa ginawang MOA signing kamakailan, ilang mga batang pasyente ang personal na nagpasalamat sa pamamagitan ng pag-abot ng bulaklak at mensaheng nakasulat sa kapirasong papel.

Sa kanilang mensahe, nagpasalamat ang mga pasyente sa sama-samang pagkilos ng lahat upang maibigay na sa PCMC ang inaasam nitong titulo ng lupa.

May dalawa pang bata ang nag-alay ng awitin para sa mga panauhing dumalo sa MOA signing. Kitang-kita sa mata ng mga munting anghel ang kasiyahan ngayong mananatili na ang PCMC sa kasalukuyan nitong kinatatayuan.

Napakita natin na kayang masolusyunan ang mga problema ng ating bansa kung tayo ay nagtutulungan at bukas na nakiki­pag-usap sa isa’t isa.

Kaya pala nating isantabi ang ating mga pagkakaiba-iba at magkaisa para sa kapakanan ng ating mga kababayan!

 

First Published on Abante Online

NEGOSYO, NOW NA!: Packaging at Marketing

Mga Kanegosyo, sa ating lingguhang programa sa radyo na “Status Update,” iba’t ibang negosyante ang ating itinatampok at binibigyang pagkakataong maikuwento ang kanilang karanasan sa pagnenegosyo.

Ang kanilang mga kuwento tungo sa tagumpay ay bukas-loob naman nilang ibinabahagi sa ating programa para na rin sa kapakanan ng mga nais magsimula ng negosyo.

Isa sa mga naging panauhin ng programa ay si Archie Valentin, isang batang negosyante na nakilala natin sa isang pagtitipon ng Pasay Youth Council.

Sa ating kuwentuhan sa kanya, nalaman nating nagsimula siyang magnegosyo noong nasa elementarya pa lamang siya.

Gamit ang naipong P200 mula sa kanyang baon, nagbenta siya ng bukayo na gawa ng kanyang lola.

Mula roon, kumita siya ng P700 kada linggo sa pagbebenta nito sa mga kaklase, na naging sapat para punuan ang pangangailangan sa pag-aaral.  Pinatikim niya muna ang kanyang produkto upang malaman nila ang masarap na lasa ng produtko.

Kahit marami na siyang mamimili, nais pa rin niyang magkaroon ng sariling tatak na negosyo.

Nagkataong ipinamana sa kanya ng mga tita ang negosyo nilang empanada, na itinuloy naman niya. Dito niya sinimulan ang Archie’s Empanada.

Sa tulong ng mga kaibigan, unti-unting nakilala ang kanyang produkto. Ngayon ay nakaabot na ito sa iba’t ibang bahagi ng mundo, maging sa Japan, Amerika at Singapore.

***

Mga Kanegosyo, ayon kay Archie, ang pinakamahirap na aspeto ng kanyang mga negosyo ay ang gumawa ng sariling pangalan at pagpapakilala nito sa merkado.

Una, napakahalaga raw na dapat de-kalidad ang produkto. Sa kanyang karanasan, napakasarap ng bukayo ng kanyang lola kaya marami ang bumibili dati. Napakasarap din ng kanyang empanada, na dinalhan kami noong nakapanayam natin siya.

Bukod dito, mga Kanegosyo, binigyang diin din niya na ang marketing sa pagnenegosyo ay kasinghalaga ng kalidad ng produkto.

Walang sawa niyang pinag-uusapan ang kanyang mga produkto sa mga kaibigan at kliyente. Ibinunga nito ang pagbubukambibig din ng kanyang mga mamimili at sila na mismo ang nagsasabi sa iba na masarap ang kanyang empanada!

Pinalitan din niya ang kanyang packaging, na siyang bahagi sa marketing at pagbebenta ng kanyang produkto.

Sa una, sampung piso lang ang benta niya sa empanadang nakabalot lang sa plastic. Nang gawin niyang karton ang lalagyan ng empanada, nagmukha itong sosyal kaya naibebenta na niya ito ng kinse pesos bawat isa.

Mga Kanegosyo, ayon sa kanya, kahit nagmahal nang kaunti ang kanyang produkto ay mas dumami naman ang bumili. Sulit daw na inayos niya ang kanyang packaging ng empanada dahil gusto ng mamimili na maayos na nakapakete ang produkto.

Ginamit din niya ang social media para patuloy na pag-usapan ang kanyang produkto at maibenta ito sa mas malaking merkado.

Sabayan natin ang ating de-kalidad na produkto at serbisyo ng magandang packaging at kaakit-akit na marketing strategy upang mas mapansin ng mamimili ang ating negosyo!

 

First Published on Abante Online

Bam on the Philippine ICT (Keynote Speech at the National ICT Summit 2015)

“I think everyone here knows the importance of the Internet, the importance of ICT in our country, it’s a connection to our economic growth, its connection, of course, in supporting our SMEs. 

I think the advocacy of pushing for Internet, and then actually the title of this forum says it all, “Ugnayan para sa Kaunlaran.” 

If you listen to the speeches of the President, the Secretaries, and some of us in the Senate, we always hear two things – inclusive growth and tuwid na daan. In fact, I think, those two phrases are the two most repeated phrases of this administration. 

The tuwid na daan, which is a push for good governance, and of course inclusive growth, which is a push, such that a growth, our economic growth doesn’t just benefit those in Metro Manila or Cebu or Davao, but would benefit the majority of Filipinos. 

You look at ICT as the great provider, as the great leader. Earlier we talk about the SMEs, how further developed and supported through the right ICT infrastructure. 

When you look at where our country is and when you look at where poverty is, we sometimes look at poverty as lack of access, a lack of access to markets, a lack of access to grocery services. 

But more and more, I think it’s also a lack of access to good quality Internet infrastructure.  The more we progress as a country, the more the world develops, where it’s developing now.

So before we able to really push for Internet in all areas of the Philippines, I think it goes hand in hand with our push for inclusive growth. 

Earlier, Secretary talked about the one store project, where just by putting that supplier all through the net, they were able to access markets.  Take note, that probably, less at least cost to them, they didn’t have to put up a store in a mall in Metro Manila, they nearly have to go online, post their products there and immediately, they were able to find the market. 

The Internet is truly a great equalizer, and when you talk about that in commerce, it’s probably one of the best platforms for our SMEs now. 

I think a lot of SMEs are still looking for cheap capital, but second to cheap capital would probably be that access to markets. That access to markets can be done through to the Internet. 

So when we talk about inclusive growth, it’s impossible not to talk about the Internet as well. As we push for inclusive growth, we need to put these, also, as one of the indicators of how we can achieve inclusive growth and earlier, I was whispering to Sec. Montero, maybe it’s time that we see the Internet in our mega plans, the Philippine National Plan, because we do have a Philippine Development Plan.

I was asking, “Sec., mayroon ba riyang tungkol sa Internet?”  Sabi niya, so far wala pa. We need to put something specific in the Philippine Development Plan with regard to the Internet.

The second is tuwid na daan.  I was reading this article in my phone this morning, and it’s from Forbes.com.  It was a foreign journalist talking about the drop of corruption in the Philippines.  It cited two things, on why it takes dropping of corruption in the Philippines. 

The first he said was, well because, President Aquino, is unlike, the previous presidents, is not willing to play ball when it comes to corruption.

His second reason was, “but maybe even more than that, is the exposure of social media in the Philippines.” 

He points two things on why corruption has been going down, one is, as a major policy push from the president and from the secretaries, and two, is because social media has permeated all of our lives. 

These days, if you see, a congressman, a senator, a mayor, or someone related to them, you know, driving a fancy car, or doing things which are untoward, or unbecoming of their position, you can rest assure, it will be in Facebook and Twitter in a few minutes. 

To be frank, that vigilance, I think, has also stopped corruption. I mean, kung noon nga po ‘di ba, sa mga ibang ahensya, hihingan ka ng pera, lantaran, eh ngayon ilabas mo lang iyong cellphone mo, kinakabahan na iyong gustong humingi sa’yo.

It does make a good point that in our push for tuwid na daan and push for good governance, you know at the end of the day, yes, leadership’s important but it’s also important that the people are involved.

The people are involved should be enabled through ICT.  They’re enabled through social media. They’re enabled through technology, to be as vigilant and to be as participative in the tuwid na daan

So seeing how important it is, for those two standards, I think it’s really time that we make that important sustained push for bearing ICT in the Philippines. 

We did improve, in the World Economic Forum Index, we went from 78 to 76.  Umakyat naman po tayo from 2013 to 2014, but I think all of us here are looking for the leap.  We’re not looking for a two spot increase, we’re looking for a leap that pushes us up in the future. 

So recently, we were able to pass the Philippine Competition Act. This has been the longest running bill in Congress. The first time it was filed was at the 8th Congress, which is about 25 years ago.  But just a few weeks ago, we were able to pass it.

I just found out that today how the Feldman Gray Commission, which will be the counterpart of the Philippine Competition Commission in the Philippines fined Apple for 415 million dollars for anti-competitive practices. 

Maybe, the Philippine Competition Commission can also do that when it is finally created.  They will be able to police our markets, outlaws anti-competitive behaviors, cartels and abuse of dominant positions.

Where we are now, 5 years of good economic growth and another 7 to 10 years of high economic growth, perhaps we might be up at edge of being in the middle income in economy already.

Malapit na po tayo and having that, being in that position, being in that demographic suites far from growth can go have a best economy in the ASEAN, being the second best economy in Asia, next to China.

Currently, sabi ko, this Philippine Competition Act, is a long stance act because how can you enter the big leagues, how can you enter the status of being in middle income economy without even having the right competition policy?

It’s a basic foundation for all of the modern and developed economies. Alangan namang tayo po, we will enter that status without this foundation of law. 

In the same way, I look at that Internet infrastructure in the same way where any with middle-income status we’re becoming, you know, we already are. 

It’s so hard to put more heads, can you imagine, we’re entering this level already and our Internet is the slowest in the ASEAN.  It doesn’t make any sense for me.

Improving our Internet infrastructure and pushing for better IT should be our priority.

The only promise I can give is that we’re committed to make sure that the developments and advancement in this industry is something we will not let go of.

Maraming salamat po! Magandang araw po sa inyong lahat!”

Regime changer

No longer is the game of business an exclusive domain of the big, the swift, the strong or those close to the wielder of authority.
    
A new regime  where all – big or small, weak or strong, rich or poor, obscure or famous, favored or shunned – would have an equal opportunity to compete and succeed has just been established not only as  an executive policy of the current administration but by an operation of law.
    
This means the new operating principle and its general guidelines would have a long-term or permanent impact on the way business is conducted in the country.
    
This, would, in turn, foster investor confidence and translate into capital inflows for the country, leading to sustained economic growth and  national development.        
    
And so we join stakeholders, led by the Department of Justice, in welcoming  the long-awaited approval of the Philippine Competition Act, a landmark legislation that would level the playing field for all types of businesses.
    
In a statement, Justice Sec. Leila de Lima lauded Sen. Bam Aquino and Rep. Dakila Carlo Cua for their energy and dedication to work for the passage of the bill, which gathered dust for almost 25 years in the legislative mill.
    
Sen. Bam, chairman of the Senate Committee on Trade, Commerce, and entrepreneurship, was the main author and sponsor of the measure, which is expected to be signed into law by President Aquino.
    
“The passage of this landmark measure materialized through the collective efforts of the Senate and House and the full support of private stakeholders,” Aquino said, adding that private stakeholders, such as the PCCI and the ECCP, were consulted in the crafting of the measure to ensure that the bill would be pro-business, pro-poor and pro-consumer.

 

CONTINUE READING ON JOURNAL.COM.PH

 

 

BIDA KA!: Trabaho, Negosyo, Tiwala

Mga Bida, sa huling survey na inilabas ng Pulse Asia, si Senate President Franklin Drilon ang lumabas na pinakapinagkakatiwalaang pinuno ng pamahalaan.

Nabanggit din ni SP Drilon ito noong nakapanayam niya si Karen Davila.  Nabanggit niya na dahil sa tuluy-tuloy na trabaho ng buong Senado, kaya niya nakamit ang rating na ito.

Noon pa man, ilang beses na na­ting sinasabi na upang muling makuha ang tiwala ng taumbayan, kailangan na­ming mga senador na ipagpatuloy ang pagtatrabaho sa gitna ng mga iskandalo upang mas mapaganda ang buhay ng ating mga kapwa Pilipino, lalung-lalo na ang ating mga kababayang naghihirap.

***

Kaya naman, sa gitna ng ingay-pulitika kaugnay ng nalalapit na halalan, patuloy pa rin ang pagtutok ng ating opisina sa mga panukalang magpapatibay sa ating ekonomiya at makakatulong na makaahon sa kahirapan ang ating mga kababayan.

Mabigat ang mga ito para sa isang bagong senador, pero dahil mahalaga ito para sa taumbayan, tinutukan ito ng inyong lingkod.

Kamakailan, inaprubahan ng dalawang sangay ng Kongreso ang tatlong mahahalagang panukala at naghihintay na lang ng pirma ni Pangulong Noynoy Aquino upang maging mga batas.
Kapag naging batas, malaki ang maitutulong nito sa paglago ng ating kabataan at maliliit na negosyante, mabawasan ang bilang ng walang trabaho at sa paglakas ng ekonomiya ng bansa.

Una, naratipikahan na ang Youth Entrepreneurship Act, na la­yong tugunan ang lumalaking bilang ng kabataang walang trabaho sa bansa.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) at National Statistics Office (NSO), may 1.32 milyong kabataang may edad mula 15 hanggang 24-anyos ngayon ang walang trabaho.

Sa nasabing panukala, magtuturo na ng financial literacy at pagnenegosyo sa ating mga eskuwelahan upang masimulan na ang kultura ng pagnenegosyo sa ating bansa.

Pangarap natin na lalo pang  dumami ang mga nagnenegosyo sa ating mga kababayan habang lumalago ang ating bansa, at mainam na simulan na ito habang bata pa.

***

Ikalawa, inaasahan sa Foreign Ships Co-Loading Act na maka­tutulong na mapababa ang presyo ng shipping ng mga produkto sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa ilalim ng nasabing panukala, papayagan na ang mga dayuhang barko na galing sa international ports na dumaong sa iba’t ibang pantalan sa bansa para magbaba at magsakay ng kargamentong in-import at ie-export.

Sa gayon, wala nang double handling na gagawin at mumura ang presyo ng logistics sa bansa.

Alam ninyo, mga Bida, ang malaking bahagi ng presyo ng bili­hin ang napupunta sa logistics kaya inaasahan namin na bababa ang halaga ng produkto sa merkado.

***

Huli, humigit-kumulang na 25 taon din itong nabimbin sa Kongreso, pero sulit naman ang paghihintay ngayong naipasa natin sa Kamara ang Philippine Competition Act.

Sa tulong nito, magkakaroon ng patas na pagkakataon ang lahat ng negosyo, mawawala ang lahat ng mga cartel, mga nag-price fixing, nagtatago ng supply upang tumaas ang presyo, iba pang anti-competitive agreements at abuso ng malalaking kompanya.

Mga Bida, kapag may nang-aabuso sa merkado, ang talo riyan ay ang mga mamimili. Nawawalan sila ng pagkakataong pumili ng produkto, nagmamahal ang presyo ng bilihin at nahihirapang makapasok ang bagong mga kompanya na maaaring magbigay ng mas magandang serbisyo at produkto sa merkado.

Sa batas na ito, bababa ang presyo ng bilihin, mas marami nang pagpipilian at mas maraming innovation na makikita ang mga mamimili sa merkado.

Susuportahan din nito ang ating maliliit na negosyante, ha­yaan silang lumago at magbigay ng maraming trabaho para sa ating mga kababayan.

Mga Bida, maraming salamat sa inyong tuluy-tuloy na suporta. Patuloy tayong maghahain ng mga panukala para sa kapaka­nan ng nakararaming Pilipino!

***

Para sa reaksyon o suhestyon, mag-email sa bidakacolumn@gmail.com o mag-iwan ng mensahe sa www.facebook.com/BenignoBamAquino.

***

Subaybayan si Sen. Bam Aquino sa kanyang bagong radio show, Status Update, tuwing Miyerkules, 11:00 am – 12:00 pm, sa RMN Manila DZXL 558.

 

First Published on Abante Online

 

 

7 Tips Kung Paano Kumita Online

Ilang oras sa isang araw ang nilalaan mo para mag-stalk sa Facebook, magpa-cute sa Twitter, at magpost ng mga #selfie at #ootd sa Instagram? Alalahanin: Time is money. Explore mo na rin ang mga iba’t ibang paraan upang kumita ng extra online!

 By: ListAvengers

1. Magturo at Magtutor. Kung may sapat na kakayahan o kaalaman sa mga napapanahong paksa, bakit hindi mo subukang magturo online? In demand din ngayon ang mga online English teachers at tutors. Magtraining at magtutor kahit ilang oras lang kada linggo at, tulad sa pelikulang English Only Please, baka mahanap mo pa ang Derek Ramsay ng buhay mo!

BONUS: Maaaring bisitahin ang RareJob Home-based English Online Tutorial para sa possible online teaching career.

 englishonlyplease

2. Magmanage ng social media accounts. Isa sa mga nagiging trend ngayon ay ang paggawa ng mga kumpanya ng sariling FB page, Twitter at Instagram accounts. Paraan nila ito para icommunicate ang mga messages, announcements, promos o mga updates. Sa halip na i-check bawa’t minuto kung ilan na ang nag-like ng post mong mega drama o i-stalk ang ex mo, magmanage ka na lang ng mga social media accounts ng iba – brand man o celebrity!

socialmediamanager

3. Maging blogger. Ang hobby na ito ay puwede maging source ng income! Magsulat ng mga makatotohanang karanasan, magbigay ng travel tips, magreview ng mga pagkain o damit, o di kaya ay magdocument ng mga kaganapan sa inyong lugar. Ilan lamang iyan sa mga puwedeng laman ng iyong blog. Sumali rin sa mga blogger groups tulad ng Nuffnang Philippines upang makakuha ng tips, makilala ang iba pang mga bloggers, at makakuha ng advertisers para kumita!

 filipinobloggers

4. Magfreelance. Sino ba ang hindi ma-eengganyong kumita ng extra?  Bukod sa iyong official na trabaho, puwede mong gamitin ang iyong mga skills para rumaket online. Bisitahin ang website na E-lance o di kaya naman Odesk, at magbrowse ng mga online jobs na pasok sa kakayahan o schedule mo. Ang maganda rito ay ikaw ang sarili mong boss at may kontrol sa oras mo. Siguraduhan lang na huwag gawin ang raket during office time at matatapos mo ang lahat ng commitment na makuha mo!

BONUS: The 15 Best Freelance Website To Find Jobs

freelancejobs

5. Magdevelop. Hindi lang feelings ang puwedeng madevelop, pati website! Imbis na gumastos sa panliligaw, kumita ka na lang bilang isang developer na taga-design o taga-maintain ng website. Kung wala pang programming skills, nag-ooffer ang TESDA ng vocational course para dito. Go! Go! Go!

webprogrammer

6. Maglaro. Marami ang naa-adik sa mga online games gaya ng Clash of Clans o DOTA. Sa computer shop man o sa sariling bahay, marami ang naglalaan ng oras para makapaglaro ng mga ito.  Gamitin ang oras sa paglalaro para magpakadalubhasa at sumali sa mga e-sports competitions. Ilan sa mga competition na ito ay nag-ooffer ng mga premyong pera na puwedeng ipunin at gamitin pang-tuition o panggastos sa mga bayarin sa bahay. Gawing inpirasyon ang TeamRave na kilala na sa buong mundo.

esports

7. Magbenta. Simulan na ang matagal-tagal mo ng inaasam na negosyo. Magsimula sa maliit lang muna. Para walang gastos sa renta at tao, magbenta na lamang online gamit ang iba’t ibang platform. Puwedeng simulan muna sa Facebook kung wala pang sapat na puhunan para sa website. Magbenta ng mga kung anu-anong items tulad ng damit, pagkain, gamit sa bahay o gadget, siguraduhin lang na may market ang ibebenta mong mga produkto. Marami na ring mga Pilipino ang umangat ang estado ng buhay dahil sa pagbebenta online. 

BONUS: Bukod sa Facebook, maaaring magbenta ng inyong mga produkto sa OLX o Ebay.ph

onlineselling

Kung mayroon kayong naiisip na lis7ahan at nais maging miyembro ng Listavengers, mag-e-mail sa team.bamaquino@senado.ph!

Bam on Price Fixing and Cartels (‘Umagang Kay Ganda’ Interview)

Q: Pag pinag-uusapan ang Fair Competition, ang isip ng tao, blue market economy. Pang-karaniwang tao ito?

Sen. Bam: Well actually, ang Philippine Competition Act, pasado na ito. Hinihintay na lang iyong pirma ni Presidente. This is actually a landmark bill. Ito ang isa sa pinaka-landmark bill ng 16thCongress.

Sabi nga nila, longest-running bill in Congress. Almost 25 years na itong nakabimbim sa Kongreso. Sabi nga ng maraming eksperto, dapat after World War II pa ito naipasa. Because of vested interest, hindi ito mapasa-pasa.

Finally, napasa natin ito. So we’re very proud of this bill. We’re hoping mapirmahan na ito ng Presidente. Ang lalabanan ito, mga kartel, mga abuses of dominant players. Pabor talaga ito sa ating taumbayan, especially iyong mga namimili.

Q: Ano ang pakinabang ng mga sasakay sa tricycle ngayon, pupunta sa palengke diyan sa panukalang iyan?

Sen. Bam: Unang-una alam naman natin na may nagmamanipula ng presyo ng bilihin. Of course ang pinakasikat diyan ang garlic at onion. 

Mga iba’t ibang mga negosyante, mag-uusap-usap, o hindi muna tayo maglalabas ng mga produkto, pataasin natin. Pagtaas ng presyo, babanatan natin iyong merkado. That’s called price fixing.

Sa ating bansa, hindi malinaw ang batas na nilalabag nila. With this law, pag napasa na ito, malinaw na malinaw puwede mo silang kasuhan ng price fixing among competitors.

Iyong isa pa riyan, iyong tinatawag na abuses of dominant position. Iyong malalaking kumpanya hindi pinapayagan ang mga maliliit na pumasok sa merkado. Kanya-kanyang girian iyan, kanya-kanyang box out iyan.

Kaya for certain industries, kakaunti ang players diyan, kakaunti lang ang mga kumpanya. Alam natin na kapag kakaunti lang ang kumpanya, mataas ang presyo, hindi maganda ang kalidad. That’s also now prohibited.

Q: Kung ano lang ang ibigay ng negosyante, iyon lang ang tatanggapin…

Sen. Bam: Iyon ang monopolyo, wala kang choice. But if itong malalaking players naman, kung lahat sila, patas-patas ang laban, level playing field, whether malaki ka o maliit ka, puwede kang makipagsabayan sa merkado, pabor iyon sa mga tao.

Ang third, iyong tinatawag na mergers and acquisitions. Kapag may malalaking kumpanya, nagsasanib sila, the Philippine Competition Commission, na binubuo ng Philippine Competition Act, puwede silang magsabi na hindi puwedeng magsama ang mga kumpanyang iyan.

Kapag nagsama iyan, masyadong mako-concentrate ang kapangyarihan sa merkadong iyan. You cannot merge. So very powerful ang mabubuong opisina ng Philippine Competition Act, ang Philippine Competition Commission.

Sa ibang bansa, normal iyan e. Kumbaga competition policy is already normal in all the rest of the world. Tayo po, huling-huli tayo dito. Finally, kapag naipasa po ito, masasabi nating nakikipagsabayan na tayo sa buong mundo.

Q: Dito po sa Southeast Asia, pang-ilan tayo doon sa nagkaroon ng competition policy.

Sen. Bam: If I’m not mistaken, tayo ang isa sa pinakahuli. Iyong last na nagkaroon ng competition policy was Malaysia in 2012. But if you look at Europe and the US, 20s, 30s, 40s, 1940s pa iyong kanilang competition policy.  Iyong Japan actually had their competition policy after World War II.

So talagang panahon na magkaroon na ng polisiyang ito. Malabanan natin ang kartel, malabanan natin ang abuses ng mga monopolyo at masiguro nating fair ang merkado sa ating namimili.

Q: Ilang araw na lang ang hinihintay natin bago ito pirmahan ng Pangulo?

Sen. Bam: I’m hoping mapirmahan ito bago ang SONA. Because I think maganda itong i-announce during the State of the Nation. Nakakatawa nga e, itong bill na ito ang pinaka-importanteng bill na hindi alam ng mga tao.

Hindi po talaga siya napag-uusapan but we worked very hard for this bill. Iyong bicam po nito, apat na araw, over 30 hours ng deliberations.  Napakatagal po at napakahirap buuin, but we feel once this bill is passed, pabor po ito sa maliliit na negosyante at pabor sa ating namimili.

Q: Malapit sa sikmura. Maraming salamat Senador Bam Aquino.

BIDA KA!: Kabataan kontra kalamidad

Sa 2013 Climate Risk Index, una ang Pilipinas sa pinakama­tin­ding naapektuhan ng kalami­dad kasunod ng pagtama ng bagyong Yolanda na pumatay nang mahigit 6,000 katao at sumira ng ari-ariang aabot sa $18 billion.

Maliban pa sa bagyo, nakaamba rin ang banta ng malakas na lindol sa bansa. Kamakailan lang, inilabas ng Philippine Ins­titute for Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang Valley Fault Atlas na naglalaman ng mapa kung saan dumadaan ang West Valley Fault sa Greater Metro Manila Area.

***

Sa gitna ng mga nagdaang trahedya at kalamidad sa ating bansa, nakita natin ang ambag ng kabataang Pinoy tuwing may kalamidad.

Mula sa rescue operation, pamamahagi ng relief goods hanggang sa pagbibigay ng iba’t ibang uri ng tulong sa mga biktima ng sakuna at kalamidad, nagbubuhos sila ng oras at lakas para makatulong sa mga kababayan.

Sa Cauayan City, Isabela, ang Red Cross Youth and Junior Rescue Team ay nakagawa ng Disaster Management eco-rafts mula sa recycled plastic bottles na kanilang ipinamahagi sa mga nakatira sa malapit sa ilog at mga lugar na madalas bahain.

Tuwing may bagyo at umaakyat ang tubig, ginagamit ang mga eco-raft na ito ng mga pamilya roon upang makaligtas sa anumang sakuna.

Mahalaga na may alam at kasanayan ang ating mga kababayan sa basic life support, first-aid training at rescue ope­rations lalo na sa panahon ng sakuna. Naranasan ito mismo ng Hayag Youth Organization ng Ormoc, Leyte.

Isinagawa nila ang “Langoy Para sa Kaluwasan” program na isa nilang advocacy sa disaster preparedness. Noong tamaan ng bagyong Yolanda ang Ormoc, lahat ng miyembro ng Hayag na tinuruang lumangoy ay naligtas sa delubyo.

Ang Rescue Assistance Peacekeeping Intelligence Detail o RAPID ay malaki rin ang naitulong kung saan itinuturo nila ang emergency response, first aid, bandaging, evacuation at iba pang kaalaman at kasanayan na kakailanganin tuwing may sakuna.

Ang mga nagtapos sa RAPID ang mga ilan sa first res­onders noong bagyong Yolanda, lindol sa Bohol at pati sa lumubog na barko sa Cebu kung saan isinigawa ng mga trai­nees ang kanilang natutunan na cardiopulmonary resuscitation o CPR na natutunan upang mailigtas ang sanggol na walong buwan pa lamang!

Napakarami na ngayong mga youth group na nagtuturo ng mga kasanayang ito at kumukuha ng mga volunteer para mas maparami ang may kaalaman sa disaster response and rescue — mula sa Hayag Youth Organization sa Ormoc, Leyte, sa Rescue Assistance Peacekeeping Intelligence Detail (RAPID) sa Cebu hanggang sa Muntinlupa Junior Rescue Team at The Responders sa South Central Mindanao.

***

Ngayong higit kailanman, kailangan natin ang tulong ng sektor ng kabataan — mula sa edukasyon, rescue, response, relief at rehabilitasyon — sa posibleng pagtama ng kalamidad.

Dahil subok nang kasama ang mga kabataan sa panahon ng kalamidad, oras na para kilalanin at pagtibayin ang kanilang mahalagang papel pagdating sa disaster risk reduction and management.

Ito’y sa pamamagitan ng inihain kong RESC­Youth Act of 2015, na la­yong palakasin pa ang antas ng partisipasyon ng kabataan at isama sila sa pagpaplano at pagha­handa para sa pagdating ng anumang kalamidad.

Layon ng panukala na isama ang National Youth Commission (NYC) chairman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Kasabay nito, isasama rin ang kinatawan ng mga kabataan sa Regio­nal Disaster Risk Reduction Management Council (RDRRMC).

Umani ng suporta ang panukalang ito mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG), local government units (LGUs), NDRRMC at NYC.

Ayon sa kanila, mahalaga na isama ang mga kabataan mula sa pagpaplano hanggang sa pagsasakatuparan nito.

Sa tulong ng kabataang Pinoy, mas magiging handa tayo sa anumang kalamidad na tatama sa bansa!

 

First Published on Abante Online

Scroll to top