Transcript of media interview after the Senate hearing of the Committee on Education on Martial Law Education
Sen. Bam: Unang una, iyong mga textbook mismo may problema na. The textbook we showed earlier, although ito iyong nire-replace ng bagong curriculum, talagang walang nakalagay tungkol sa pagnakaw ng panahong iyon, walang nakalagay tungkol sa tens of thousands na kinulong, the thousands na pinatay.
We’re happy that DepEd is undergoing the change in curriculum at sabi nga nila, ipapakita nila ang mas complete picture. Palagay ko kasi, ang lumang textbook natin, ayaw ipakita iyong mga masamang nangyari sa ating bansa.
Maybe it’s human nature that we don’t want to face the ugliness of our history. Ngayon, Secretary Briones herself said na itong curriculum change, sisikapin nila na buo iyong picture, mas makikita ng mga kabataan natin iyong downside ng Martial Law, which of course, is the corruption and human rights abuses.
Palagay ko, kung andiyan ang pundasyon ng kaalaman [ng kabataan], mas madali nilang susuriin ang nakikita nila online.
Kung mayroon silang foundation of what is right, what is wrong, ano iyong nangyari, ano iyong hindi nangyari, pag online na sila ay mas may kakayahan silang suriin kung ano talaga iyong nangyari o hindi.
It starts with our educational system. Palagay ko doon talaga magsisimula.
Maganda rin na nasabi ni Sec. Briones na hindi lang itong parte ng ating kasaysayan ang kanilang ni-review. The whole history ni-review. One of the other senators mentioned about the human rights abuses of the Americans. We talked about human rights abuses in other administrations and of course, iyong panahon ng Martial Law.
Magandang pangitain ito na mayroong mga pagbabago tayong makikita at iyong mga textbook natin na kulang-kulang, sana talagang palitan natin at mabago na talaga siya.
Q: After 44 years, alarmed ka ba na nakakalimutan na ang Martial Law?
Sen. Bam: Hindi lang siya nakakalimutan, nababago iyong ating kasaysayan. Iyon iyong mas nakakabahala na tila sinasabi na ang panahon ng Martial Law, walag namatay, walang kinulong, walang tinorture.
In fact, the textbook that I read from noong unang part ng hearing, kung babasahin mo iyon, parang napakasaya ng panahon ng Martial Law.
Nakakahiya sa mga tao gaya ni Sec. Briones. Siya mismo Martial Law victim. Siya mismo nahirapan noong panahong iyon.
It’s a disservice and a slap in the face for those victims na parang kinakalimutan natin ang masamang nangyari noong panahon.
Sometimes, we just have to face the fact na may masamang nangyari sa ating kasaysayan. Kung kinakalimutan natin iyan, we’re bound to repeat the same mistakes.
Q: Sabi ni Sec. Briones, the transition takes time. How soon you want to see the changes?
Sen. Bam: Technically itong curriculum change, 2013 pa ito. Ongoing pa iyong transition. This year, because of the transition, hindi maituturo gamit ang textbook ang Martial Law sa ating mga estudyante. It won’t be taught because it belongs in the old Grade 6 curriculum. Dahil may transition, hindi talaga siya maituturo this year.
Sa ibang mga eskuwelahan, iyong mga teachers ang nagkukusa na maglabas ng sariling learning materials. In fairness to those teachers, they’re doing their best to teach about it but with all of these transitions that are happening, may mga pagkukulang na kailangang punuan.
Alam naman iyan ng DepEd but we’re hoping that in the years to come, itong curriculum na mas kumpleto, mas naipapakita iyong masasamang nangyari din, iyon iyong gamitin sa ating mga eskuwelahan.
Q: Hindi po ba kayo naa-alarm sa efforts online to revise history, lalo na pagdating sa Martial Law?
Sen. Bam: That’s one of the reasons why na siniguro natin na mayroon tayong hearing about Martial Law education. May efforts online pero kung iyong mga eskuwelahan, kumpleto naman iyong tinuturo tungkol sa Martial Law, iyon ang talagang panlaban natin diyan. The NHCP, si chairperson Diokno herself said, historical fact na ang mga bagay-bagay na ito. Hindi na ito disputable. We have laws already talking about the atrocities of Martial Law. Natatakot ba tayo o nahihiya na pag-usapan ang masasamang bagay sa ating kasaysayan? Palagay ko, kailangan nating harapin iyan so we won’t repeat the mistakes of the past at iyong ating bayan din, makita natin na buo ang ating kasaysayan. Wala tayong kinakalimutan na mga bagay bagay.
Q: May efforts iyong online groups to make people aware na medyo niloko daw sila. Iyong mga tinuro sa kanila, like the Aquino family, change history in their favor…
Sen. Bam: Alam mo. Sabihin mo iyan sa mukha ng mga Martial Law victims. Tell it to them. Tell it straight to their face na hindi sila na-torture, hindi sila kinulong, hindi namatay iyong mga taong namatay, namatayan. Sila mismo. The list is quite long. Sabi nga ni Sec. Briones, baka hindi lang iyan 70,000. Baka more than 70,000 pa iyan because hindi pa nailalagay iyong mga victims in the Visayas and Mindanao. We owe it to them to be able to talk about these atrocities.
Q: Nabanggit po sa hearing sa Germany mayroong law to make sure na magtuturo ng holocaust…
Sen. Bam: Mayroon na tayong batas niyan. Iyon iyong isang bagay na ni-raise ko during the hearing. Our Martial Law Victim Reparation Act of 2013, Section 27, nakalagay doon na kinakailangan na iyong ating CHED at DepEd, pag-usapan iyong mga nangyari noong Martial Law, the atrocities para hindi na ito maulit uli.
It’s already in our laws, kailangan lang talaga itong i-implement nang maayos.
Recent Comments