Bam on Grace Poe and RESCYouth Act (Interview after Hearing)

On Grace Poe as Possible 2016 LP candidate

 

Right now, dumadaan din sa proseso ang partido. The President has also said na very soon, the party will decide on who the standard bearer will be.

 

I think it’s just right na kausapin ang iba’t ibang tao. Kailangan lang sigurong antabayanan kung ano ang magiging desisyon.

 

As party member, of course, we look at the different processes na kailangan. Very soon. Sooner than you think, lalabas na rin ang final decision of the party.  Ang hanap natin ay iyong best for the country. Ang mahalaga riyan, kung sino ang magpapatuloy ng reporma.

 

Sisiguraduhin na hindi tayo babalik sa napakaraming corruption in the past. We just really need to look at the options and all the alternatives.  Very soon, once this is decided, we can really start moving forward already.

First of all, I think Secretary Mar Roxas is still the presumptive candidate of the party. But palagay ko mahalaga rin na i-explore ang lahat ng possibilities, kasi kung tutuusin may proseso naman iyan, and even sa senatorial slate, all the positions I think, will have to go through the process also.

Ngayon, it’s time to really go and ask all of these people who want to run kung ano ba talaga ang mga plano nila. What do they really want for the country?

 

I think we’re too focused sa personalities. I think ang mahalaga, alamin natin kung ano ba talaga ang mga plano nila para sa ating sa bansa.

 

I don’t think that we’re asking that question. Ano ba ang gusto nilang gawin para sa bansa? Ano ba ang reporma na gusto nilang itulak? Palagay ko, iyon ang kailangang malaman, hindi lang ng partido, ‘di lang ng presidente kundi pati ng taumbayan.

 

We’re less than a year from the elections, people aren’t even asking kung ano ba ang plataporma ng mga presidentiables na ito. Palagay ko mahalaga na malaman natin kung ano ba ang gusto nilang gawin sa bayan at doon tayo magdesisyon.

 

Q: Bakit presumptive candidate si Roxas?

 

The process is still ongoing. So that’s why it’s still presumptive at wala pang final decision ang partido. Of course, he’s someone who I think has been talked about for a long time, obviously, he’s part of that very short list.

 

Q: Hindi pa ba sapat na itapat siya ng partido kay Binay?

 

Palagay ko, ang sagot sa tanong na iyan, mare-resolve iyan in a couple of weeks. The party is still undergoing this process at kapag nakapagdesisyon na talaga ang partido, malalaman natin kung sino ba talaga ang lalaban sa kung kanino.

 

At this point, it’s all speculation. I think ang taumbayan natin, need to start asking the question, ano ba ang repormang gusto nating maitulak, ano ba ang gusto nating baguhin at sino ba ang magpapatupad noon?

 

We’re not asking those questions enough. Sayang naman ang pagkakataon natin  na tanungin iyong mga tanong na iyon.

 

Kasi kung puro Binay ba, si Grace Poe ba o si Mar Roxas ba, tanungin natin kung ano ba ang madadala nila sa ating bayan. Ano ba ang kaya nilang gawin para sa Pilipino?

 

If we start having that discussion, mas magiging mayaman ang diskusyon natin.  Iyon ang palagay ko na mas mahalagang tanong.

 

On inclusion of NYC Commissioner to the NDRRMC

 

We’re hoping na mapasa natin ang RESCYouth Act as soon as possible. Marami na ring activities ang mga kabataan pagdating sa disaster preparedness.

 

Palagay ko naman, there will be little or no opposition to this bill so we’re hoping that we can have this passed soon.

 

Tamang tama na malapit na rin ang rainy season, so palagay ko if we can get this bill passed, we can already include the youth sa planning processes natin sa mga iba’t ibang councils.

 

Kung mapapansin mo ang bill na isinusulong natin, we are adding a representative of the youth in every council sa national and local levels.

 

Ang mga kabataan, very active na sila. Sila rin iyong no. 1 volunteer, sila ang unang-unang pumupunta kapag may rescue, unang-unang kasama sa rehabilitation. Nakita naman natin na kahit sa disaster preparedness, kasama rin sila.

 

Kaya it’s really time na ilagay rin ang mga kabataan sa ranggo ng nagpaplano ng disaster management.

 

All of the resource speakers, I think, supported the bill, even DILG, the local governments that were here, ang Climate Change Commission and of course, the National Youth Commission.

 

I’m hoping that we can pass this bill as soon as possible and magawa na natin iyong probisyon na ang mga kabataan ay mayroong espasyo sa mga council natin na may kinalaman sa disaster management.

 

Sa national will be the chairman of the NYC. On the local level, it will be chosen by the local government units.

 

Right now, ang mga different LGUs natin, katrabaho nila ang mga kabataan but usually as volunteers. We want to raise that participation, gawin nating kasama sa planning process.

Scroll to top