Columns

NEGOSYO, NOW NA!: Direct Selling

Mga Kanegosyo, kamakailan lang ay naging panauhin natin sa programang ‘Status Update’ sa RMN Manila DZXL 558 si Thomanny Tan, ang may-ari ng sikat na Fern-C, na isang negosyong direct selling, na siyang usung-uso ngayon.

Ayon kay Thomanny, sa kanyang pag-iikot sa iba’t ibang bahagi ng bansa para ipakilala ang produkto ng kanyang kumpanya, marami siyang nakikilalang nasunog na sa direct selling o networking.

Lahat ng kuwento ng kabiguan ay narinig niya nang lahat  mula sa mga nagsara o ‘di kaya’y na­luging kumpanya, hindi mabentang produkto hanggang sa mga nata­ngayan lang ng kanilang pinaghirapang ipon.

Nanghihinayang siya sa pangyayari dahil para sa kanya, ang direct s­elling ang unang tikim sa pagnenegosyo na maa­aring gamiting hakbang tungo sa pag-asenso.

***

Kaya sa aming pag-uusap, nasabi niya na pagdating sa mga miyembro ng Direct Selling Association of the Philippines (DSAP), dalawang bagay ang kailangang tingnan  kung mayroong produkto at kung paano kumikita ang kumpanya.

Unang-una, tingnan kung may produkto ba ang kumpanya  kung ito ba’y mapakikinabangan at sulit ang halaga. Kung walang produkto at pera-pera lang ang pinapaikot, marahil hindi iyan lehitimong direct selling company.

Pangalawa, mahalaga na ang paraan para kumita ay dapat dahil sa benta at hindi dahil sa recruitment fees. Mahalaga ito, mga Kanegosyo, dahil sa huli, kung recruitment ang nagpapataas ng kita, ito’y isa ring dahilan para pag-aralan pang mabuti ang kumpanya.

***

Kailangang maging handa ang mga may-ari ng kumpanya na makilala ang mga nais maging bahagi nito at kailangang transparent sa lahat ng transaksyon.

Pagdating sa mga pagpupulong, sana ay ang may-ari mismo ang siyang humaharap sa mga nais sumali at nagtata­lakay ng mga detalye ng negosyo.

Upang lalo pang makumbinsi ang mga nais sumali sa Fern-C, binibigyan sila nina Thommany ng Diamond Tour, kung saan iniikot nila ang mga gustong sumali sa kanilang pabrika hanggang sa kanyang opisina.

Ito’y upang maipakita na subok at matibay ang kanilang kumpanya kung saan maaari silang kumita nang sapat sa kanilang ikabubuhay.

***

Mga Kanegosyo, sa kuwentong ito napagtagumpayan niya ang buhay sa direct selling. Ngunit, gaya ng ibang negosyo, ang direct selling ay hindi instant negosyo.

Kailangan pa ring pagkayuran, pagpaguran at bigay todo para magtagumpay, negosyong direct selling man iyan o ibang uri.
Ang maganda lang diyan, may tulong na ang kumpanya pagdating sa product development, training at paraan ng pagbenta.

Ngunit sa huli, nasa atin pa rin kung bagay sa atin ang direct selling o hindi. Nasa atin pa rin kung kikita sa ganitong uri ng negosyo o hindi.

Gamitin ang 8-point system ng DSAP upang matiyak na totoo ang papasuking direct selling company. Tawagan sila sa (02)638.3089 o bisitahin ang kanilang website sa http://dsap.ph!

***

Mga Kanegosyo, tuluy-tuloy tayo sa pagsagot sa inyong mga katanungan.  Mag-e-mail lang sanegosyonowna@gmail.com, mag-iwan ng mensahe sa fb.com/BenignoBamAquino, o makinig tuwing Miyerkules, 11:00 am – 12:00 pm sa RMN Manila DZXL 558 sa ating programang ‘Status Update’.

Pangarap natin ang inyong tagumpay sa inyong pagnenegosyo!

What is newsworthy?

A few months ago, a tito of mine asked me about what we have been working on in the Senate.

I told him about the Negosyo Centers being put up around the country and we discussed the challenges and implications of the Philippine Competition Act – 30 years in the making and now, finally, ratified and waiting for the President’s signature.

My uncle was surprised to hear of the reforms we were busy working on.  He asked, “Why haven’t I heard of about any of these on the news?”

I teased that he should be more tech-savvy and make a Facebook account so he could like my page and get updates on his virtual newsfeed.

Indeed, the Internet is a great equalizer that allows us to pick and choose what to see, read, and share. We can find any sort of information online, from conspiracy theories to the cutest cat videos. The only question is: what are you interested in?

But, truth be told, while it has been a struggle getting our policies and advocacies out in mainstream media, an even bigger challenge is getting the public interested in the policy discussion.

Since the corruption scandal erupted last year, our headlines seem to be hijacked by Napoles and the PDAF scandals, Makati City Parking Building II investigations, the Mamasapano tragedy and the BBL, and, more recently, survey results and the 2016 elections.

Even on the Internet,where we curate our own personal newspaper, people seem disinterested in anything but the scandals,complaints, fights, and government slip-ups.

While these issues are worthy of attention, we need to fuel our desire to move the discussion further into the much-needed reforms and systemic changes.

Take the news on the potential candidates for the 2016 elections as an example.

No one is asking questions about their vision, goals, and dreams for the country and how they hope to achieve them.

The country is growing leaps and bounds economically while making significant strides in curbing corruption within the government. How will they distribute this wealth throughout the sectors and continue the battle against corruption?

There have been landmark bills passed into law under the current administration, from the K-to-12 basic education program and the RH Act to the opening up of our ports to foreign ships and the Philippine Competition Act. How do they ensure these are implemented well?

Where do they stand in the Mindanao peace process and the Anti-Discrimination Act filed in Congress? How do they hope to unite the country, instill tolerance among our people, and bolster human rights in the Philippines?

We have yet to ask these questions.  But will the answers even be considered newsworthy?

Media outlets, including online and social media, will give the readers what they clamor for. It is our likes, shares, comments, re-tweets, and hash tags that will determine the headlines. Our collective chatter will define what is newsworthy.

The Filipino people have peacefully rallied for their rights against an intimidating dictator and have cried for a change in system, reinstating democracy.We have pushed for justice against the most powerful in our country including sitting Philippine presidents and even a Supreme Court chief justice. We have even called for a change in entrenched systems, successfully abolishing the PDAF.

Is it then too far to hope for our countrymen to seek for concrete, detailed platforms, and sophisticated policies among our leaders?

We have the power to influence the narrative of the 2016 elections.

We can ask our presidentiables questions about their stance on controversial issues. We can demand a concrete platform detailing the policies and programs they wish to put in place to create a better future for the country. We can even hold them to their word and police their administration once they are elected into office.

With our voices and with our votes, we can endeavor to shape the future of our country.We can steer our country in the direction of unyielding public service, inclusive progress, and prosperity for all.That would, truly, be newsworthy.

 

First Published on Manila Bulletin

Trahedya sa Ormoc City

Mga Bida, muling natuon ang pansin ng sambayanan sa isyu ng kaligtasan ng mga sasakyang pandagat sa bansa sa paglubog ng M/B Kim Nirvana noong nakaraang linggo sa karagatan ng Ormoc City.

Sa huling bilang, 61 ang namatay sa nasabing trahedya, na isinisisi sa overloading ng mga pasahero at kargamento. Kamakailan, sinampahan na rin ng kasong kriminal ang mga may-ari, kapitan at 17 crew ng M/B Kim Nirvana.

Subalit hindi matutuldukan ang usapin sa pagsasampa ng kaso. Sa halip, manganganak pa ito sa mas malaki at mas mahalagang isyu.

Sa nangyari, muling lilitaw ang mga katanungan ukol sa kaligtasan ng mga barko, lantsa, roro at iba pang uri ng sasakyang pandagat na nagdadala ng mga pasahero’t kargamento sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

***

Sa tala ng Maritime Industry Authority (MARINA), sa huling bilang noong 2013, nasa 8,112 sasakyang pandagat ang bumibiyahe sa bansa.

Sa nasabing bilang, 4,837 o 60% ay passenger vessels, na karamiha’y motor banca gaya ng lumubog na M/B Kim Nirvana. Nasa 2,291 naman ang cargo ships at 795 ang tankers at tugboats.

Ang nakababahala rito, ang average na edad ng passenger vessels na bumibiyahe sa labing-apat na pangunahing ruta sa bansa ay nasa 30 taon na.

Nakaranas na rin ang bansa ng maraming trahedya sa karagatan. Sino ba naman ang makakalimot sa paglubog ng M/V Doña Paz noong 1987 kung saan nasa 4,000 katao ang namatay? Nananatili ito sa ating kasaysayan bilang “worst maritime disaster” sa kasaysayan ng mundo.

Isang taon ang nakalipas, 389 na pasahero ang patay nang lumubog ang sister ship ng M/V Doña Paz na M/V Doña Marilyn matapos maipit sa bagyong Unsang. Noong 1998, 150 pasahero naman ng M/V Princess of the Orient ang nasawi matapos itong lumubog habang bumibiyahe patungong Cebu.

Maliban sa malalaking trahedya, may mga maliliit ding insidente sa karagatan, gaya ng M/B Sunjay noong 2006 sa Leyte na ikinamatay ng 16 na katao.

Noong 2006 din, lumubog ang M/B Leonida II sa karagatan malapit sa Surigao City kung saan 19 na katao ang namatay.

Sa trahedyang kinasangkutan ng M/V Catalyn-D at M/V Blue Water Princess noong 2007, nasa 16 na katao naman ang nasawi.

***

Mga Bida, ang mga nakalipas na trahedyang ito ang nagtulak sa akin na maghain ng resolusyon noong Mayo 2014 na humihingi na imbestigahan ang kaligtasan ng mga sasakyang pandagat sa bansa.

Layon ng imbestigasyong ito na alamin kung ipinatutupad ng mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan ang mga kaila­ngang hakbang upang matiyak na hindi na mauulit pa ang mga nakalipas na trahedya.

Sa imbestigasyong ito, aalamin din kung tumutupad ang mga kumpanyang nagmamay-ari ng mga sasakyang pandagat na naglalayag sa iba’t ibang parte ng bansa sa mga ipinatutupad na patakaran sa mga pantalan.

Sa kasamaang-palad, nalunod lang ito sa pila ng mga resolusyon at hindi dininig ng kaukulang komite ng Senado.

***

Magsilbi sanang “wake-up call” ang nangyari sa Ormoc City sa atin para seryosohin ang pagsilip sa kaligtasan ng mga sasakyang pandagat na nagdadala ng mga pasahero sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Panahon na para tiyaking nasusunod ang mga umiiral na patakaran sa mga pantalan, gaya ng pagbabawal sa overloading ng pasahero at kargamento, gayundin sa disenyo ng mga bangkang naglalayag, para sa kaligtasan ng lahat.

Sampahan na rin kung may mga tiwaling opisyal ng pamahalaan ang nagkulang sa pagpapatupad ng mga patakaran. Dapat managot ang lahat ng may kasalanan lalo na’t napakaraming buhay ang nawala.

Dapat na ring paigtingin o magpatupad ng mga pagbabago sa kasalukuyang sistema sa pagtukoy kung ligtas bang maglayag o hindi ang isang sasakyang pandagat upang maiwasan na ang ganitong uri ng insidente sa hinaharap!

 

 

First Published on Abante Online

What is newsworthy?

A few months ago, a tito of mine asked me about what we have been working on in the Senate.

I told him about the Negosyo Centers being put up around the country and we discussed the challenges and implications of the Philippine Competition Act – 30 years in the making and now, finally, ratified and waiting for the President’s signature.

My uncle was surprised to hear of the reforms we were busy working on.  He asked, “Why haven’t I heard of about any of these on the news?”

I teased that he should be more tech-savvy and make a Facebook account so he could like my page and get updates on his virtual newsfeed.

Indeed, the Internet is a great equalizer that allows us to pick and choose what to see, read, and share. We can find any sort of information online, from conspiracy theories to the cutest cat videos. The only question is: what are you interested in?

But, truth be told, while it has been a struggle getting our policies and advocacies out in mainstream media, an even bigger challenge is getting the public interested in the policy discussion.

Since the corruption scandal erupted last year, our headlines seem to be hijacked by Napoles and the PDAF scandals, Makati City Parking Building II investigations, the Mamasapano tragedy and the BBL, and, more recently, survey results and the 2016 elections.

Even on the Internet,where we curate our own personal newspaper, people seem disinterested in anything but the scandals,complaints, fights, and government slip-ups.

While these issues are worthy of attention, we need to fuel our desire to move the discussion further into the much-needed reforms and systemic changes.

Take the news on the potential candidates for the 2016 elections as an example.

No one is asking questions about their vision, goals, and dreams for the country and how they hope to achieve them.

The country is growing leaps and bounds economically while making significant strides in curbing corruption within the government. How will they distribute this wealth throughout the sectors and continue the battle against corruption?

There have been landmark bills passed into law under the current administration, from the K-to-12 basic education program and the RH Act to the opening up of our ports to foreign ships and the Philippine Competition Act. How do they ensure these are implemented well?

Where do they stand in the Mindanao peace process and the Anti-Discrimination Act filed in Congress? How do they hope to unite the country, instill tolerance among our people, and bolster human rights in the Philippines?

We have yet to ask these questions.  But will the answers even be considered newsworthy?

Media outlets, including online and social media, will give the readers what they clamor for. It is our likes, shares, comments, re-tweets, and hash tags that will determine the headlines. Our collective chatter will define what is newsworthy.

The Filipino people have peacefully rallied for their rights against an intimidating dictator and have cried for a change in system, reinstating democracy.We have pushed for justice against the most powerful in our country including sitting Philippine presidents and even a Supreme Court chief justice. We have even called for a change in entrenched systems, successfully abolishing the PDAF.

Is it then too far to hope for our countrymen to seek for concrete, detailed platforms, and sophisticated policies among our leaders?

We have the power to influence the narrative of the 2016 elections.

We can ask our presidentiables questions about their stance on controversial issues. We can demand a concrete platform detailing the policies and programs they wish to put in place to create a better future for the country. We can even hold them to their word and police their administration once they are elected into office.

With our voices and with our votes, we can endeavor to shape the future of our country.We can steer our country in the direction of unyielding public service, inclusive progress, and prosperity for all.That would, truly, be newsworthy.

 


First published on Manila Bulletin

 

 

BIDA KA!: Negosyo, Hataw Na!

Mga Bida, nitong nakaraang mga linggo, kabi-kabila ang ginawang inagurasyon ng Negosyo Center sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kamakailan, nagtungo ako sa Daet sa Camarines Norte at Batangas City para pangunahan ang pagbubukas ng tatlong Negosyo Center doon.

Maliban dito, sunud-sunod din ang inagurasyon ng Negosyo Center sa Bataan, Baguio City, Benguet, Tabuk City, Lagawe, Bontoc, Pagadian, Alaminos City, Agusan del Sur at Ozamis City.

Ito’y dagdag pa sa mga naunang binuksan sa Cagayan de Oro, Iloilo City, Aklan, Bulacan, General Santos City, Butuan and Albay.

Mga Bida, kung inyong naaalala, ang Go Negosyo Act ang unang batas na naipasa natin sa ating termino, kung saan magtatayo ng Negosyo Center sa bawat probinsya, siyudad at munisipalidad sa bansa.

Sa tulong ng Negosyo Center, maiuugnay ang mga negosyante, lalo na ang maliliit, sa mas malalaking merkado at mga nagpapautang, at magkakaroon ng pinasimple at pinag-isang business registration process, na magpapabilis ng proseso sa pagtatayo ng negosyo.

Sa taya ng Department of Trade and Industry (DTI), aabot sa 55 Negosyo Centers ang nakatakdang buksan sa pagtatapos ng linggong ito.

Bago magpalit ng taon, inaasahan ng DTI na aabot sa 140 Negosyo Centers ang bubuksan, higit pa sa unang target na isandaang centers sa 2015.

***

Mga Bida, nakakatuwa rin na sa bawat binubuksang Negosyo Center o maging sa workshop na ginagawa ng aming tanggapan, may natutuklasan tayong mga kuwentong magsisilbing inspirasyon at gabay ng sinumang nais magnegosyo.

Mula nang buksan ang Negosyo Center sa Cagayan de Oro, na siyang kauna-unahan sa Pilipinas, dinagsa na ito ng napakaraming negosyante.

Sa unang buwan pa lamang nito, mahigit 500 kliyente na ang napagsilbihan nito, kahit na wala pa itong masyadong patalastas na nagawa.

***

Noong binuksan natin ang Negosyo Center sa Kalibo, napag-alaman natin na limang porsiyento lang ng mga produkto at iba pang pangangailangan ng mga beach resort sa Boracay ang kinukuha sa lalawigan.

Karamihan sa mga produktong ginagamit o ibinebenta sa Boracay ay mula pa Cebu, Bohol at iba pang kalapit na lalawigan. Ang iba nga, inaangkat pa mula sa mga kalapit-bansa natin sa Southeast Asia.

Ito ang isa sa mga hamon na kakaharapin ng Negosyo Center na binuksan sa nasabing lugar – ang iugnay ang mga produkto ng lalawigan sa mga malalaking negosyo sa Boracay. Kung magagawa ito, kikita ang mga negosyo ng mga Aklanon, magkakaroon ng mas maraming trabaho roon at uunlad ang buong ekonomiya ng Aklan!

***

Sa workshop sa La Union, naimbitahang speaker si Cat Patacsil ng social enterprise na First Harvest, at tinalakay niya ang kanyang karanasan sa paghahanap ng honey bilang pangunahing sangkap ng kanyang negosyo.

Pagkatapos, nilapitan siya ng mga kinatawan mula sa lalawigan ng Benguet, na siya palang pinakamalaking producer ng honey sa bansa. Pinag-usapan nila kung kayang tapatan ng produksyon ng mga taga-Benguet ang pangangailangang honey ng First Harvest.

Naiugnay natin ang isang negosyo at supplier para magtulungan sa produksyon ng peanut butter. Panalo ang nangyaring ito para sa lahat!

***

Ang huling kuwento natin ay tungkol sa mainit na pagtanggap ng mga Bicolano sa mga Negosyo Center na ating binuksan sa Daet.  Pumunta tayo roon para buksan ang dalawang Center – isa sa siyudad ng Daet, at ang isa ay para sa buong probinsya ng Camarines Norte.

Lalo pang napukaw ang interes ng mga taga-Daet nang igawad ng Small Business (SB) Corporation ang P1 milyong loan sa isang negosyante na nagbibiyahe ng iba’t ibang produkto.

Isa lang ito sa mga serbisyong makukuha ng mga negosyante sa Negosyo Center.

Mayroon tayong iba’t ibang microfinance institutions na handang makipagtulungan upang magbigay ng puhunan sa maliliit na negosyante sa napakababang interes nang walang collateral.

Kasalukuyan nating iniipon ang listahan ng mga nakabukas nang Negosyo Center at ilalagay namin ito, kasama ng kanilang mga address at numero sa www.bamaquino.com.

Mga Bida, ngayong nagkalat na at patuloy pang nadadagdagan ang Negosyo Centers sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, asahan pa ang pagdami ng mga kuwentong magbibigay sa atin ng inspirasyon, gabay at maging aral sa ating pagnenegosyo!

First Published on Abante Online

BIDA KA!: Planot plataporma, hindi porma

Mga Bida, halos isang taon pa bago maghalalan pero ngayon pa lang, mainit na ang usapin ukol sa mga posibleng kandidato sa 2016.

Marami na ang nakaabang sa kung sino ang patok sa mga survey. Pati karaniwang tao ay naging instant political analyst na rin sa pagtantiya sa tsansa ng bawat kandidato.

Sa araw-araw, laman ng mga pahayagan at pinag-uusapan sa radyo at telebisyon ang tungkol sa mga tatakbo sa karera para sa Malacañang. Ramdam na ramdam na talaga ang simoy ng pulitika sa bansa.

Ang nakakalungkot dito, sa sobrang pagtutok ng media sa mga isyung kinakaharap ng mga posibleng kandidato, baka nakakalimutan natin na kailangang pag-isipang mabuti kung sino ang iboboto natin sa 2016 batay sa kung ano ang magagawa nila para sa ating bansa.

Mapapansin na karamihan ng ulat na lumalabas sa media ay nakatuon lang sa mga kontrobersiya at isyu ukol sa isang posibleng kandidato. Mabenta kasi sa publiko ang mga ganitong balita.

***

Mga Bida, mas maganda siguro kung ihain na natin ang mga katanungan sa ating mga kandidato.  Hikayatin natin ang mga manunulat at reporter na humingi na ng mga plano para sa mga nag-iisip na tumakbo.

May kakayahan kaya siyang ipagpatuloy ang malaking pag-angat ng ekonomiya ng bansa at ang kaunlarang ito ay mai­babahagi pa niya sa mas maraming Pilipino?

Sa pagpasa ng Philippine Competition Act, kaya ba niyang tumayo laban sa mga mapang-abusong negosyo, kartel at mga magmamanipula ng mga presyo ng bilihin para matiyak na matibay ang ating mga merkado?

Kaya ba niyang bigyan ng nararapat na kapangyarihan ang pulis at ating sandatahan para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa ating mga komunidad?

Kikilos ba siya para maresolba ang tumataas na bilang ng walang trabaho sa bansa upang maiparamdam ang kaunlaran sa mas nakararaming Pilipino?

Mabibigyang solusyon ba niya ang pagtaas ng mga kaso ng maagang pagbubuntis at pagkalulong ng kabataan sa droga?

Imbes na tutukan ang imahe o tumingin sa personalidad ng isang kandidato, makagaganda para sa taumbayan kung magtatanong na tayo kung ano ang kinabukasang naghihintay sa atin sa bagong pamahalaan.

Mahalagang malaman ito upang matiyak na tuluy-tuloy ang pag-unlad na tinatamasa ng bansa kahit magpalit pa ng administrasyon.

Kaya, mga Bida, huwag tayong mag-atubiling tanungin ang mga sinasabing tatakbo bilang pangulo kung ano ang kanilang maiaalay para sa bansa.

***

Sa limang taon ng kasalukuyang gobyerno, masasabi na malayo na ang narating ng Pilipinas.

Mula sa pagiging “Sick Man of Asia,” tayo na ang kinikilala bilang ikalawang pinakamalakas na ekonomiya sa rehiyon.

Milya-milya na rin ang naabot natin pagdating sa giyera kontra katiwalian at sa pagsusulong ng mabuti at matapat na pamamahala.

Masasayang lang ang lahat ng ito kung hindi natin titiyakin na may kakayahan ang mga susunod nating pinuno na ito’y ipagpatuloy o ‘di kaya’y higitan pa.

Kaya higit pa sa personalidad, simulan na nating tanungin ang mga tanong na siyang makabubuo ng mga plano ng mga kandidato para sa ating kinabukasan.

Sa pamamagitan nito, mas makakapamili tayo ng karapat-dapat na susunod na mga pinuno ng bansa. Tandaan, kinabukasan natin at ng bansa ang nakataya sa ating magiging pasya!

 

First Published on Abante Online

NEGOSYO, NOW NA!: Dear Kanegosyong Bam

Mga Kanegosyo, maraming maraming salamat sa pagtingkilik ng ating kolum tuwing Lunes. Ginagamit natin ito para sagutin ang inyong mga katanungan tungkol sa pagnenegosyo.

Sisikapin nating matugunan ang mga tanong na ipinapadala ninyo upang mabigyan namin kayo ng gabay o tips sa buhay pagnenegosyo.

***

Kanegosyong Bam,

Kailan magkakaroon ng training center sa Butuan City? Balak po kasi naming umuwi sa Butuan ngayong taon. Sa ngayon po ay naririto kami sa San Pedro, Laguna. Salamat po. — Clarita

***

Kanegosyong Clarita,

Magandang balita! Binuksan kamakailan lang ang Negosyo Center sa Butuan City. Ito ay matatagpuan sa CARAGA DTI Office sa ika-apat na palapag ng D&V Bldg. sa JC Aquino Ave., Butuan City.

Manang Clarita, isa sa mga serbisyong ibinibigay ng Negosyo Center ay training para sa mga nais magsimula ng negosyo.  Nais ng training na ito na magabayan ang ating mga kababayan tulad ninyo sa mga mahahalagang kaalaman sa pagtatayo ng sariling negosyo.

Maliban sa training, mabibigyan din kayo ng payo sa tamang lokasyon, ibebentang produkto o serbisyo, kung saan makakakuha ng pautang at iba pa. Mahalaga na may makausap tayong dalubhasa na siyang gagabay sa atin tungo sa tagumpay.

***

Kanegosyong Bam,

Good morning. Puwede ba akong manghingi ng tulong? Isa akong biyuda at isang stroke patient na may maliit na tindahan kaso walang puhunan. Patulong naman sa aking sari-sari store. — Gina ng Montalban

***

Kanegosyong Gina,

Magandang araw din sa inyo. Hanga ako sa ginagawa ninyong pagsisikap na kumita para may maipantustos sa inyong pamilya sa kabila ng kalagayan ng inyong pangangatawan.

Sa kasalukuyan, Aling Gina, may mga microfinance institution (MFI) na nagbibigay ng pautang na may mababang interes at walang kolateral sa inyo sa may Rodriguez, Rizal.

Maaari ninyong puntahan ang ASA Philippines Foundation, Inc. na makikita sa No. 683 B. Manuel St., Geronimo, Rodriguez, Rizal. Maaari silang matawagan sa numerong 0922.897,7626.
May sangay rin ang Center for Agriculture & Rural Development, Inc. (CARD) sa Rodriguez na makikita sa No. 9 Talisay St., Brgy. Burgos. May landline sila na puwedeng pagtanungan (02)997.6669.

Mas mainam na lumapit sa mga microfinance kung ihahalintulad sa sistemang 5-6. Aabot sa 20% ang buwanang interest sa 5-6, samantalang nasa 2.5% lamang ang patong ng MFIs sa kanilang mga pautang sa isang buwan.

Maaari rin silang magbigay ng mga payo at iba pang business development services tulad ng training at education mo­dules sa mga maliliit na negosyanteng tulad ninyo para mas mapalago natin ang ating kabuhayan.

— Kanegosyong Bam

 

First Published on Abante Online

The K to 12 challenge

As we welcome a new school year, we are reminded of our need to constantly improve the quality of education for Filipinos across the country.

Aligned with this goal is the Enhanced Basic Education Act of 2013 or Republic Act No. 10533, which was signed into law on May 15, 2013 and resulted in the implementation of the K-12 Basic Education Program.

The last country in Asia with a 10-year pre-university cycle, the Philippines is one of only three, along with Angola and Djibouti, stuck in a 10-year basic education system.

Far from being a quick fix to our laggard status, the K to 12 program was carefully studied and designed by both private and public education stakeholders based on research from other countries and our own local successes and failures in education.

Many would agree that actualizing the K-12 system in the Philippines would result in more young Filipinos equipped with the necessary knowledge, skills and attitudes to enter the workforce.

And even though there are those that disagree and question whether or not we should transition to a K to 12 education system, this article is not about that.

The challenge we face now, in my view, is not whether we should or shouldn’t, but whether we can or can’t.

Are we ready to bring the K to 12 vision of progressive and transformative education to reality? Are we ready with classrooms and infrastructure to accept 2 more grade levels? Are we ready with the curriculum to move our education system to the world-class standard we have long been aspiring for?

To be fair to the Department of Education (DepEd), they have made progress in terms of infrastructure and curriculum development.

The backlog of 66,800 classrooms in 2010 was addressed with DepEd building over86,478 classrooms from 2010 to 2014 with plans to build over 40,000 more this year.

The shortage of 145,827 teachers in 2010 was addressed with DepEd hiring over 128,000 teachers from 2010 to 2014 with over 39,000 more to be hired this year.

Increased budget

But what about the 25,000 or so teaching and non-teaching staff that will be displaced once the K-12 program is completely implemented? DepEd reports that there will be at least 30,000 teaching positions in public senior high schools open for hiring, not to mention the need for principals and other non-teaching staff.

A P12-billion Tertiary Education Transition fund is also in the pipeline to offer grants, scholarships, and financial assistance to displaced employees so they may be qualified to continue working in the field of education.

With more classrooms and more teachers, congestion in our public schools has gone down and this is evidenced by the big reduction in schools that employ a two, three, even four-shift system. When in 2011, 21.24% of our elementary schools resorted to shifting, only 3% utilized a shifting system in 2014.

(Writer’s Note: Most of the schools that fall under the 3% are located in the National Capital Region (NCR) where DepEd has no more space or land to expand schools and build new facilities.)

Looking at these figures, we can clearly say that tremendous improvements have been made. But, to be frank, not a lot of our citizens know that DepEd has hit these numbers in the last 5 years. In fact, when I go around schools, students still ask me why the government keeps cutting the budget for education.

In truth, we’ve actually increased the budget by over 200% from 2010 to 2015, from P174.75 billion to P364.66 billion.

These gains we have had in the past years put into perpective the ability of DepEd and our education stakeholders to make necessary preparations and improvements in the condition of education across the Philippines. These small victories should give us reason to believe in our ability to overcome challenges in improving the quality of Philippine education, or at least dispel any doubts about our capability to perform.

But the truth of the matter is, even with these numbers facing us, there is so little trust in the government’s ability to implement major reforms. And from the feedback of some of our countrymen, a number of Filipinos don’t believe we can get this done by 2017.

Definitely, there are legitimate concerns that demand solutions. Definitely, a lot of work still needs to be done. Definitely, there will be unforeseen challenges along the way. It will definitely not be easy.

But the good news is, we still have time. There is an entire year before the full nationwide implementation of the K-12 Program and the performance of DepEd thus far gives us enough reason to trust that we can get this done together.

Now is the time for our communities to get involved. Now is the time for the private sector to offer their expertise and resources. Now is the time for all of us to get behind a program that will empower our youth with knowledge and skills that can propel them and their families to live better, more comfortable, and more meaningful lives.

Now is not the time to hit the brakes on a national reform we desperately need and have been working towards for the past years. Now is not the time to prematurely declare that we cannot make it happen. We have a year to implement this major education program and DepEd has asked for our help (For concerns and suggestions, email action@deped.gov.ph or call (02)636.1663 / (02)633.1942.)

For those who believe that we need to improve our educational system in the Philippines, this is our chance. We must not miss another opportunity to raise the level of our education to one that is world class. Let us support DepEd in creating a better, more robust, more effective, and more progressive education system for our young Filipinos through the K to 12 Basic Education Program.

First Published on Rappler.com

Regaining public trust

The major slump in trust and sincerity ratings experienced by the Senate during the corruption scandals last year makes Senate President Franklin Drilon’s current standing as one of the most trusted government officials a legitimate cause for celebration.

The latest Pulse Asia surveys put Senate President Franklin Drilon in the top three most trusted government officials in the Philippines.

In a recent interview, he attributed this turnaround to the hard work of the Philippine Senate – senators and their staff who have been working assiduously since the PDAF scandal last year.

Once, during the height of the scandal, young leaders visiting the Senate asked me, “How can the Senate regain the trust and faith of the nation?”

My answer was, “The only way to regain the trust of our fellow Filipinos was to work hard and provide policies that will benefit the majority of Filipinos.”

On our second year in the Philippine Senate, we were able to successfully push for three major bills that have now been ratified and are awaiting the President’s signature.

One measure is the Youth Entrepreneurship Act, which incorporates financial literacy training and entrepreneurial courses in the curriculum of elementary, secondary, and tertiary schools across the country and gives promising young Filipinos access to grants and financing, mentoring, and training on enterprise development.

Furthermore, a youth entrepreneurship fund shall be made to cater to youth entrepreneurs in the country.

Training in financial literacy and entrepreneurship can equip students with the mindset and the skills to start businesses, which would have them create more jobs instead of compete for them.

This is a means to reduce the alarming number of unemployed youth, reported to be at 1.32 million as of January this year.

A second major policy awaiting the President’s signature is the Foreign Ships Co-Loading Act.

Finally, foreign vessels will no longer be limited to one port in the country and shall be allowed to pick up cargoes to be exported or drop off foreign cargoes for import in various ports around the Philippine islands.

This rudimentary amendment hopefully drives down shipping and logistics costs ultimately shouldered by consumers like you and me.

That drop in shipping expense can be used by our Filipino entrepreneurs to improve the quality of their products, expand their services, innovate, and bring prices down.

At the end of the day, it is the Filipino consumer who reaps the benefits of the Foreign Ships Co-Loading Act.

The third and biggest win for our team is the Philippine Competition Act, a measure that also benefits both consumers and business owners alike.

Three decades in the making, the Philippine Competition Act has finally been ratified and, hopefully, will be signed into law in the next few months.

The last country from the ASEAN-5 to establish a competition law, our country will finally have a judicious policy that penalizes cartels, abuse of dominant positions and anti-competitive agreements.

Once enacted into law, this measure will create a level playing field for all businesses, start-ups, micro, small, medium, and even large businesses.

With more products and services to choose from, companies will be forced to improve product quality and, at the same time, drive prices lower.

These three policies will improve financial literacy among Filipinos, cultivate a culture of entrepreneurship, and ensure a stable, fair, and healthy business environment for all businesses.

We worked tirelessly to move these measures forward in the hopes of ushering in an era of inclusive economic growth, an era where no Filipino is left behind.

Hopefully, these three new policies will continue the momentum of regaining trust in our institution; trust we should continue to build in the next administration and beyond.

 

First Published on Manila Bulletin

BIDA KA!: Sama-samang pag-angat

Mga Bida, muli na namang napatunayan na may magandang resulta kapag nag-uusap-usap at magkatuwang na sinusolusyunan ng dalawa ang isang problema imbes na mag-away at mag-iringan lamang.

Ganito ang nangyari sa isyu sa lupaing kinatatayuan ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) sa Agham Road sa Quezon City.

Humigit-kumulang 34 na taon nang nakapuwesto ang PCMC sa nasabing lupain. Subalit sa panahong iyon, hindi sa kanila ang lupain at nakikitira lamang sila rito.

Matagal na sanang napasakamay ng PCMC ang lupa ngunit hindi natupad ang kasunduan sa pagitan ng Department of Health (DOH) at National Housing Authority (NHA) noong 1992.

Sa nasabing kasunduan, ipinagpalit ng DOH ang 5.9 ektar­yang lupain nito sa Cebu para sa 6.4 ektaryang lupain ng NHA sa Quezon City, kung saan ang PCMC.

Subalit isang bahagi lang ng kasunduan ang naipatupad nang ibigay na ng DOH ang lupain sa Cebu at naipamahagi na ng NHA ito bilang bahagi ng kanilang socialized housing para sa ating mga kababayang Cebuano.

Ngayon naman, pinursige na ng DOH ang paghahabol sa lupain sa Quezon City para sa PCMC, ngunit gusto naman ng NHA na bayaran sila batay sa halaga ng nasabing ari-arian noong 2003.

Alalang-alala ang mga pasyente, nars at mga doktor ng PCMC na baka anumang araw ay paalisin sila ng NHA sa lupain.

Kaya halos araw-araw ay nagra-rally ang mga taga-PCMC upang mabigyan ng solusyon ang problema.

***

Nang malaman natin ang problema, agad tayong naghain ng resolusyon upang maimbestigahan ang nasabing isyu.

Sa mga unang pagdinig, nagmatigas pa ang dalawang panig. Ngunit sa patuloy na pag-uusap, pagpapaliwanag at pakikinig sa isa’t isa, nagkasundo na sama-samang kikilos para sa kapa­kanan ng libu-libong batang Pinoy na nakikinabang sa de-kalidad na serbisyo ng ospital.

Matapos ang ilang pagpupulong, nakabuo ng isang memorandum of agreement (MOA) ang DOH, PCMC at NHA para sa paglilipat ng titulo ng lupa sa PCMC at gagawan ng paraan ang mga kailangang bayarin sa susunod na mga taon.

***

Sa ginawang MOA signing kamakailan, ilang mga batang pasyente ang personal na nagpasalamat sa pamamagitan ng pag-abot ng bulaklak at mensaheng nakasulat sa kapirasong papel.

Sa kanilang mensahe, nagpasalamat ang mga pasyente sa sama-samang pagkilos ng lahat upang maibigay na sa PCMC ang inaasam nitong titulo ng lupa.

May dalawa pang bata ang nag-alay ng awitin para sa mga panauhing dumalo sa MOA signing. Kitang-kita sa mata ng mga munting anghel ang kasiyahan ngayong mananatili na ang PCMC sa kasalukuyan nitong kinatatayuan.

Napakita natin na kayang masolusyunan ang mga problema ng ating bansa kung tayo ay nagtutulungan at bukas na nakiki­pag-usap sa isa’t isa.

Kaya pala nating isantabi ang ating mga pagkakaiba-iba at magkaisa para sa kapakanan ng ating mga kababayan!

 

First Published on Abante Online

Scroll to top