Listahan

7 Tips for responsible use of social media for Filipinos

It’s World Social Media Day! According to studies, the Philippines ranks no. 1 in terms of time spent on social media. At dahil diyan, dapat lang na mas maging responsable tayo sa paggamit ng social media, di ba? Huwag basta-basta maniwala sa mga nababasa online. Think before you click and spread love not hate. Peace!
1. Check the label. Sa dami ng naglipanang fake news websites, i-check muna ang pangalan at URL o link ng news source. Kapag may extra letter o number sa pangalan ng source, aba eh maghinala ka na! Maraming websites ang nagpapaganggap na legit news websites pero kung susuriing mabuti, ginagaya lang nila ang interface at URL ng website upang makapang loko.
2. Read before you share.  Huwag basta-basta mag like, comment or share ng mga juicy articles na nababasa sa Facebook at Twitter. If it’s too funny or too weird to be true, basahin at intindihin muna ang buong article bago i-share o mag comment. Sabi nga nila – G.I.Y.F. – Google is Your Friend! Kapag hindi sigurado, i-Google mo.
 
3. Keep out! Hindi lang sa totoong buhay dapat maging “nice”, sa​ social media din. Iwasan ang mga Facebook group at pages na nakaka-violate at discriminate ng pagkatao. ​Respeto lang! ​Peace!
4. Do not enter! Hindi lang sa pag-ibig maraming manloloko at manggagamit, pati na sa world wide web. Huwag ​click ng click sa mga kung anu anong websites, lalo na yung kahina-hinala, baka mavirus ka pa!
6. Quality over quantity. Magbasa ng mga balita online ​at maghanap ng kalidad na mga journalist, huwag umasa sa headline, hirit at dami ng followers. Remember, popularity is not credibility.

 

7. Be real. Kung paano ka ​in real life, dapat ganun ka din sa social media​. Pag-isipan ng maigi bago mag-post. Sa dinami dami ng fake ​na​ nagkalat, kailangan ng mundo ang mga nagpapakatotoo at authentic. Stay real, Philippines!

 

5. Care before you share. Sa dali at bilis ng pag-post sa social media, minsan nakakalimutan natin pakinggan ang puso bago mag-share ng saloobin. Huwag na tayo dumagdag sa dami ng away at pananakot online. Mag-ingat at piliting maging understanding. Magshare ng mga magagandang bagay at pampa GV. ‘Wag lang puro nega, ​why not spread mega-love and happiness to your online friends! 

7 na bago sa UAAP Season 79

UAAP Season na naman! Sa katunayan, last week ay nagsimula na ang pinakabagong season na pinangunahan ng host na UST. Tiyak na magiging usap-usapan na naman ang men’s college basketball sa mga darating na araw dahil nagbalik na din ang senior basketball competition. Narito ang ilan sa mga bagong aabangan sa UAAP court sa darating na mga araw .

 

1.New courtside reporters. Hindi pa man naglalabas ng complete line up ang mga schools na kasali sa UAAP, ipinakilala na ang mga courtside reporters na syang tututok at sasama sa bawat laban ng basketball team ng mga schools. Karamihan sa kanila ay nagbabalik lang pero meron pa ring fresh faces na pwedeng abangan ng mga fans tulad nina Denice Dinsay ng Ateneo at Bea Escudero ng DeLa Salle.

UAAPReporter

2.New rules. Change has come pati na rin sa UAAP. Ilan sa mga bagong rules ng UAAP basketball ngayong season ay ang pagtanggal sa thrice to beat advantage sa sinumang team na makaka-sweep ng eliminations round. Ang finals ay best-of-3 pa rin. Bukod pa dito, isang adjustment din na maeexperience ng mga fans ay ang pagkanta ng school hymn, BAGO magsimula ang laro.

School Hymn (Arvin Lim) 

3.New Players. Every season, ang mga new players o mga rookies ang di pwedeng mawala sa mga basketball team. Tuwing may gagraduate na role player, pinaghihirapan din ng bawat school ang makarecruit ng mga talents na pupuno at magpapalakas ng kanilang pwersa sa court. Ilan sa mga pwedeng abangang rookies ay sina JV Gallego (NU), Jerrick Ahanmisi (AdU), Aljun Melecio (DLSU), Shaggy Almond (ADMU), Javi Gomez de Llaño (UP) at marami pang iba.


newuaapplayers

4.New coaches. Isa sa mga exciting na pagbabago sa season na ito ay ang mga beterano nang UAAP coaches na gagabay sa bagong school na nagrecruit sa kanila. Si Coach Bo Perasol na nakilala bilang Ateneo coach ang bagong leader ng UP squad. Si Franz Pumaren na seasoned coach ng DLSU dati, ay ang negdevelop ng bagong Adamson team at si Coach Aldin Ayo naman na nagbigay ng trophy sa Letran sa NCAA, ang gagawa ng mga plays sa DLSU ngayong season. Exciting di ba?

 uAAPcoach

5.New(ly) improved players. Bukod sa mga rookies, inaasahan din sa court ang mga old and experienced players na paniguradong nagimprove mula last season. Marami sa kanila ang sabik ng ipakita ang pinakabagong version nila at the same time ay magtake on ng role as leaders ng kani kanilang team. For sure sabik din ang mga fans sa pagbabalik nina Jeron Teng (DLSU), Raymar Jose (FEU), Jett Manuel (UP), Louie Vigil (UST), Thirdy Ravena (ADMU), Papi Sarr (AdU), Alfred Aroga (NU), at Bonbon Batiller (UE)

improvedplayers 

6.New MVP. Sino nga ba sa mga college ballers ang magsstand out sa lahat sa katapusan ng season 79? Sa dame ng mga experienced players na magbabalik, mahigpit ang magiging kompetisyon. Sa mga huling season, usually hindi galing sa champion team ang pinaparangalang MVP. Maiba kaya to this year o di kaya naman patuloy itong magiging trend? Dadalhin ba ng mapipiling MVP ang kanyang team sa championship? Abangan nating lahat!

UAAP2016MVP

7.New Champion! Alam naming maaga pa para masabi or matanong ito pero ilang sports analysts na ang nagsabi na magkakaroon ng bagong UAAP champion this year. DLSU ang isa sa mga nakikita nilang may potential na makakuha ng korona pero hindi ito sapat na dahilan para maliitin ang ibang teams. Palagi namang may mga surprises sa mga nagdaang season at for sure gagawin ng defending champions na FEU Tamaraws ang lahat para protektahan ang kampeonato

lasalle versus FEU

7 Modern Pinoy Book-et List sa #BuwanNgAkdangPinoy

Isang tulog na lang, “Ber” months na! Pero bago iyon, may pabaon sa inyo ang Buwan ng Mga Akdang Pinoy na ipinigdidiriwang tuwing Agosto.

Para sa mga bookworm na nagpapaka-stranded sa local coffee shop ngayong tag-ulan at tag-baha, narito ang pitong makabagong libro at komiks na sariling atin!

 

1.Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tábon (Edgar Calabia Samar). Sa librong ito pwedeng makisama sa adventure ni Janus na isang certified online gamer. Sa paglalakbay ni Janus, makikilala niya si Joey at tutuklasin niya ang misteryong kakabit ng kanyang kinahumalingang laro – ang TALA online sa bayan ng Balanga.

janus_silang

 

2. Mga Tambay sa Tabi-Tabi: Creatures of Philippine Folklore (Ilustrador ng Kabataan). Ang mga engkanto, multo, at aswang ay mga personalidad na tumatatak sa alaala ng kabataang Pinoy. Madalas silang ginagamit na panakot ng nanay mo tuwing ayaw mong matulog. Pasukin ang mundo ng kababalaghang Pinoy na isang mahalagang parte rin ng kulturang Pilipino.

OLYMPUS DIGITAL CAMERA

3. Mga Tala sa Dagat (Annette Acacio Flores na isinalin ni Nanoy Rafael). Sa gitna ng malawak na dagat, sundan ang isang kuwento ng pamilyang mangingisda na ang tadhana’y nakatali sa mga malalaki at malalim na alon. Sa kuwentong ito, mas lalo nadidiin ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan natin. 

mag tala sa dagat

4. ABNKKBSNPLAKo?! (Bob Ong). Bumalik-tanaw tayo kasama ni Bob Ong sa kanyang trip down memory lane. Ipapaalala niya ang karanasan ng bawat Pilipino sa loob ng klasrum. Matanda man o bata ay tiyak na matutuwa sa kuwentong ito. Sa gitna ng nakakatawang hirit, mapapaisip ka rin – bakit nga ba tayo nag-aaral at para saan nga ba ang edukasyon? 

abnkkbsnplako

5. Guardians of Tradition (Mae Astrid Tobias, Rommel Joson, at Renato S. Rastrollo). Tuklasin ang napakayamang kulturang Pilipino sa mga kuwento nina Ginaw Bilog, Lang Dulay, Uwang Ahadas at marami pang iba na mga nagawaran ng Gawad sa Manlilikha ng Bayan. Nilalaman nitong libro ang mga tradisyon sa sining, musika, akda, at sayaw ng ating mga ninuno.  

guardians of tradition

6. Ang Subersibo (Adam David at Mervin Malonzo). Lahat tayo’y pinagbabasa ng Noli Me Tangere pagdating ng high school kaya’t kilalang-kilala natin si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin. Pero ano kaya ang kuwento sa likod ng kanyang pagkatao at ano ang nagtulak sa kanya na pasukin ang buhay filibustero? Alamin sa librong ito.

Ang Subersibo

7. 12:01 (Russell Molina). Balikan natin ang taong 1976 noong idineklara ang Batas Militar sa Pilipinas. Sa 12:01, isang graphic novel, sina Neal, Joy, Edgeboy at Lily ang magpapakita sa atin kung paano nga ba talaga ang buhay noon at ano ang tunay na ibig sabihin ng Batas Militar.

12-01book

Farewell, Dear Summer: 7 Dapat Gawin Para Maka Move On From Summer

Kahit may pabaon pa na summer heat, hindi na natin madedeny ang pagdating ng tag-ulan. Ngayon na back to school season, oras na para salubungin ang darker clouds at cuddly weather… Pero bago nun, mag-goodbye muna tayo sa minamahal nating bright and shiny summer! Ito ang pitong paraan para maka-get over sa summer sepanx!

 

 

1. Shift.  Tapusin na ang habit ng one to sawang pagpupuyat. Time to shift your body clock to normal. For sure mababawasan na ang late night gimik with the barkada ngayon na may pasok na. Move on to being the early bird from being a night owl. Tulog din ng maaga at agahan  ang gising para naman makaiwas sa morning rush na – for sure! – sisira sa good mood mo.

sleepy student

2. Indulge.Tapos na ang summer at ang mga beach getaways kaya’t tigilan na rin ang Project: Abs. Go ahead, indulge sa mga paborito mong canteen meals at rainy day comfort food. Kainin ang lahat ng flavors ng ice cream habang nanunod ng mga paboritong mong pelikula at TV series. Most importantly, appreciate your body type, it adds to your confidence. Pak!

work out meme3. Mag-budget para happy si wallet. Paniguradong sunog ang bulsa mo o kaya ng parents mo nung magpunta ka sa Boracay at kung anu-anong summer trips. Now is the time na bumawi sa piggy bank mong nangangayayat na. Save a part of your allowance para naman hindi ka laging dependent sa mga magulang mo tuwing may kailangan kang bilhin para sa school project. 

saveup

4. Mag “Goodbye Summer” cleaning.  Kung may spring cleaning, mag “Goodbye Summer” cleaning ka naman. Ayusin ang cabinet na parang napagiwanan na ng panahon sa gulo. Itabi na ang swim suits at sun block at ihanda ang iyong payong, bota at mga pananggalang sa ulan. Kung may mga damit at gamit ka namang hindi na napapakinabanagan, mas mabuting i-donate na lang sila sa mga nangangailan. Nakatulong ka na, matutuwa pa ang nanay mo dahil nabawasan ang kalat mo sa kwarto.

 

messybedroom

5. Mag-focus. Minsan mahirap talaga maka move on sa isang masayang summer… Pero wake up and smell the coffee! Pasukan na kaya’t tigilan na ang pag day dream tungkol sa next destination with friends. Bagkus ay mag focus muna sa mga lessons ni teacher kung ayaw mong mabato ng eraser.

daydreamingsaklase

6, Magreminisce. Mag emote habang tinitingnan sa iyong cellphone at Facebook ang inyong masasayang alaala sa pool at dagat. Gawin itong inspirasyon to work harder para sa mas bonggang summer next year. At least you always have something to look forward to agad.

lookingatphone

7. Magsimula muli.Kalimutan na ang mga ala-alang nag-iiwan ng kirot sa iyong puso. Masaya man o malungkot ang naidulot sa iyo ng tag-init, iniwan mang nanlalamig ang iyong puso, ’tis the season to start fresh and begin with a clean slate. Try something new this time or go back to your old habits with a bigger motivation. Kung ano man yan, push mo lang!

moveon

 

 

 

Kung mayroon kayong naiisip na Lis7ahan at nais maging miyembro ng ListAvengers, mag-e-mail sa team.bamaquino@senado.ph!

 

 

NBA Finals 2016: 7 Dahilan Bakit Mananalo ang Warriors or Cavaliers

NBA Finals na naman, siguradong exciting ang magaganap na labanan dahil ito ay rematch ng nakaraang finals.

May pambatong team ka na ba? Kung wala pa, eto ang ilan sa mga dahilan kung bakit mag-cha-champion ang…

 

… Cleveland Cavaliers!

 

  1. Kumpleto ang Triple Threat. Noong nakaraang taon, binuhat mag-isa ni LeBron James ang Cavs sa NBA Finals dahil wala sina Kevin Love at Kyrie Irving. Pero ngayon ay injury free na sila at sabay nang makakacontribute sa opensa at depensa.

Cavaliers Big 3

 

 

  1. Triple Shooting.Maliban sa triple threat, poproblemahin din ng Warriors and 3-point shooting average ng Cavs lalo na si J.R. Smith, na kilala bilang 3-point specialist. Sa tulong ni Smith, luluwag ang depensa sa shaded lane at mabibigyan ng pagkakataon sina Love, James at Tristan Thompson na gumawa ng puntos sa loob ng paint.

JR Smith

 

 

 

  1. Center of Attention. Sa height na 6-11, hindi pangkaraniwang sentro si Channing Frye ng Cavs dahil kaya rin nitong tumira sa labas ng arc. Dahil dito, malaking problema para sa Warriors kung paano siya babantayan.

channing fry

 

 

  1. Powerful ang #Hugot. Paniguradong hindi poproblemahin ng Cleveland ang pagrerely sa iba pang players at reserba dahil naririyan sa bench sina Matthew Dellavedova, Richard Jefferson at Iman Shumpert na kilala ding masipag gumawa kapag nasa loob na ng court.

shumpert_dellavedova and jefferson

 

 

  1. Sabik dahil nagbalik. Paniguradong nangingibabaw sa side ng Cavs ang eagerness at will for redemption. Dahil sa rematch na ito, mabibigyan sila ng pagkakaton na kunin ang kampeonato na ipinagkait ng Warriors sa kanila last year. Hindi pa nakakatikim ng kampeonato EVER ang Cavs sa NBA kaya di lang sila gutom, they are starving for the win.

cavs

 

  1. Meron silang “King”. Haters gonna hate pero si Lebron James lang naman ang isa sa mga nangunguna sa attack points. Ang 4-time MVP na pride ng Cleveland ay 24.6 points per game ang average at 7.0 assists. Siguradong matatakot ang sinumang babangga!

lebron james

 

 

  1. Fresh Start. Isa sa mga bago sa Cavs ngayong taon ay ang kanilang coach. Simula ng pumasok si Coach Tyronn Lue, nakita na din ang mas improved ball movement sa laro ng Cleveland. Mukhang mas nageenjoy din sila sa kanilang laro. Bagong coach at bagong strategy para sa dati na nilang kalaban. Isa yan sa mga baon ng Cavs ngayong finals.

tyronn lue 

 

… GOLDEN STATE WARRIORS!

 

  1. Unanimous “MVP”. Paniguradong si Steph Curry ang magdadala ng laro ng Golden State Warriors sa finals.  Matatandaang muntik na silang malaglag sa Western Conference ng makausad sa 3-1 advantage ang OKC. Pero pinatunayan ni Steph ang pagiging MVP, kaya naman dinala nya ang team nya sa 3 straight wins para makabalik sa NBA Finals.

steph curry

 

 

  1. Splash Brothers. Hindi lang si Steph ang standout sa warriors, hindi pwedeng kalimutan ang other half ng lethal na splash brothers na si Klay Thompson. Dahil sa tandem nila, nabura lang naman ng Warriors ang 72-win record ng Chicago Bulls nang tapusin nila ang regular season na may record na 73-9.

klay thompson

 

 

  1. Green Defense. – Mabisa ring sandata ng Warriors ang power forward na si Draymond Green, na muling napasama sa All-Defense first team ng NBA ngayong taon. Alalahanin natin na di lang nakakasalalay sa puntos ang panalo, sa galing ng depensa rin. Pero matinik din si Draymond sa opensa dahil kayod-kabayo ito kapag nasa loob na ng court.

draymond green

 

 

  1. Andre the Giant. Kilala si Andre Iguodala bilang scorer sa kanyang career sa Denver Nuggets at Philadelphia 76ers ngunit nagsakripisyo na maging sixth man nang mapunta sa Warriors. Nagbunga naman ang sakripisyo ni Andre dahil sa malaki niyang papel kapag ipinapasok na siya ni coach Steve Kerr, lalo na sa depensa. Remember, sya ang last Finals MVP!

andre iguodala

 

 

  1. Role players. Maliban kina Curry, Thompson, Iguodala at Green, may iba pang maaasahang players ang Warriors, tulad nina Harrison Barnes, Andrew Bogut, Shaun Livingston at Mareese Speights. Kapag pinagsama sama ang pwersa ng lahat ng role players na ito, hindi malabong mag back to back ang panalo ng Warriors.

 

 

 

bogutbarnes

 

 

  1. Less “Boos”, More “Boost”. Tinapos ng Golden State ang regular season na may league-best 73-9 record para makuha ang top seeding at homecourt advantage sa kabuuan ng playoffs. Dahil sa homecourt sila maglalaro, paniguradong maboboost ang confidence nila at mahihiya ang sinuman sa audience na sisigaw ng “Boo” tuwing makakapuntos.

goldenstatewarriorsfans

 

 

  1. Finals? Been there done that! Nagawa na nila dati kaya malaki ang tyansang magagawa nila uli. Halos sila pa rin ang team at coach na sumabak sa nakaraang NBA Finals na nakasungkit ng kampeonato kaya experienced na sila sa labanang ito.

goldenstatewarriors

 

 

 

7 na Libangan para sa mga Single ngayong Araw ng mga Puso

Ngayong palapit nanaman ang araw ng mga puso, magsisilabasan ang pagka senti (kung sawi) at romantiko (kung wagi) sa usaping pag-ibig ng mga Pilipino. Dadagsa ulit ang mga nagbebenta ng roses at chocolate at tila lahat ng makakasalubong mo ay may ka-holding-haands! Ngunit huwag mag-alala, kahit single ka pa. Ito ang pitong puwedeng gawin para masaya rin ang Valentine’s niyo!

 

1. Mag-karaoke. Wala na sigurong sasarap pa sa pagbirit ng mga kantang sumasakto sa feelings! Ilabas ang bitterness, happiness, at hopefulness sa pagkakaraoke. Huwag kalimutan isingit ang Tita Whitney classic na Where do Broken Hearts go. Malay mo sa susunod mong destination makita mo na ang “The One” mo.

1 karaoke

 

2. Maki-family bonding. Isang couple lang siguro ang di magrereklamo sa pag “third wheel” mo ngayong Valentine’s Day… ang mga magulang mo! Hindi lang sa wala silang angal, for sure manlilibre pa sila. Since Sunday papatak ang Valentine’s Day – family day rin ito! Ba’t hindi magbonding kasama ang buong pamilya? Sila naman talaga ang first love mo diba?

2 fam bonding

3. Ilabas ang pagmamahal para sa Pilipinas. Ang love for country ay love pa rin naman. Mag-isa man o may kasamang tropa, ba’t hindi mag-volunteer para sa mga campaign ng sinusuportahang kandidato. O di kaya sa mga grupong sumusubaybay sa mga kampanya at pag-boto? For extra inspiration, libutin ang National Museum at Luneta para maalala ang makulay na kasaysayan ng Pilipinas!

3 love for country

4. Magpaka-hottie. Siguro naman ay walang magdadate sa gym o sa parlor ngayong Valentine’s Day kaya free na free ito para sa mga singles! Pag walang significant other, focus on yourself na muna at maging healthy, happy, at hottie! Love yourself on Valentine’s Day!

4 magpa hottie

5. Hanapin ang “The One”. Hottie ka na? Handa ka ba talaga? Eh di hanapin na si soulmate! Sa simbahan, youth org, study group, sa political campaign, o sa mga katabi mo sa traffic… You never know when or where you’ll meet the one for you. Maglibot at manatiling bukas sa kapalaran! Huwag mahiyang ngumiti o mag-Hello. Is it me your looking for?

5 the one

6. Humugot kasama ang mga kapwa singles. Get the single gang together! Maraming happenings na hindi candlelight dinner. Ba’t hindi manood ng ibang taong humuhugot ng feelings? May spoken word performance si Juan Miguel Severo sa February 14 at 300 pesos lang ang entrance!

6 hugot

7. Dedma lang. Sa totoo lang, Valentine’s Day is just another day, kaya chill lang. Tumambay sa bahay. Manood ng TV. Magbasa ng libro. Dedma lang ang mga single sa traffic at mayhem sa Araw ng mga Puso!

7 dedma

 

7 Alas ng Gilas Pilipinas para Manalo sa FIBA Asia

By ListAvengers

 

Kamakailan, inilabas na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang final line up ng Pilipinas para sa darating na 2015 FIBA Asia Championship, na magsisilbing qualifying para sa 2016 Rio Olympics.

Marami ang nalungkot dahil hindi kasama sa final line up si Jordan Clarkson ng Los Angeles Lakers dahil sa conflict sa schedule. Gayunpaman, malaki pa rin ang chance ng Philippine team na makuha ang torneo at makatutuntong sa una nitong Olympic appearance mula noong 1972.

Ito ang pitong dahilan kung bakit posible tayong maging kampeon sa FIBA Asia:

 

  1. Manong Brigade. Pinatunayan nina Asi “The Rock” Taulava at Dondon “Cebuano Hotshot” Hontiveros na mayroon pa silang ibubuga. Ilan lamang sila sa nagdala sa Pilipinas ng makasungkit ito ng silver sa kakatapos lang na Jones Cup. Sa kabila ng kanilang edad, makakapagbigay sina Taulava (42) at Hontiveros (38) ng consistent production at veteran leadership na kailangan ng team.

hontiveros_taulava

  1. Sneaky Castro.Ngayong retirado na si Jimmy Alapag, sasandal ang koponan kay Jason “The Blur” Castro, na sinasabing pinakamabilis na point guard sa Asya. Sa katatapos lang na Jones Cup, malaki ang papel na ginampanan ni Castro. Isang patunay ang pagiging bahagi ng Mythical Five.

jasoncastro

  1. Unleash the Beast.Bagito man sa international basketball events, naging malaki ang kontribusyon ni Calvin “The Beast” Abueva sa Gilas dahil sa kanyang energy at hustle sa rebounding at depensa. Maganda siyang suporta sa isa pang agresibong player sa team na si Marc “Pinoy Sakuragi” Pingris.

calvin abueva

  1. Andray the Giant.Kahit medyo overweight mula nang magbalik galing China, unti-unti nang bumabalik ang porma ni Andray Blatche na nakatulong sa Pilipinas para makuha ang second-place finish sa 2013 FIBA Asia Championship. Tiwala naman si coach Tab Baldwin na manunumbalik ang liksi at lakas ni Blatche bago magsimula ang mga games. Iba pa rin talaga pag may maasahang big man sa laban.

andray blatche

  1. Bald Move.Isa sa malaking hakbang ng Gilas kamakailan ay ang pagkuha kay Tab Baldwin, kapalit ni Chot Reyes, bilang head coach. Magandang move ito lalo pa’t malawak na ang karanasan ni Baldwin sa pagko-coach sa mga bigating teams sa Asia at Oceania, gaya ng New Zealand, Malaysia, Jordan at Lebanon.

tab baldwin

  1. Terrence Exellence. Maituturing na pinakamalaking revelation si Terrence Romeo sa Jones Cup, kung saan nakuha niya ang paghanga, hindi lang ng mga Pinoy fans, kundi pati na rin ang mga Taiwanese basketball aficionados. Madalas din nyang ginugulat ang mga nanunuod kapag pumapasok ang mga tira nya sa harap ng maraming bantay. Aasahan ng Gilas ang consistent at excellent clutch plays ni Romeo sa FIBA Asia Championship.

terrenceromeo

  1. Puso.Ito ang nagsilbing puwersa sa Gilas para sa second-place finish sa 2013 FIBA Asia at ito rin ang magiging sandata natin for sure sa parating na FIBA Asia Championship. Paniguradong maraming Pinoy fans ang dadagsa sa China, pero hindi din magpapahuli ang mga nasa sa Pilipinas na inaaasahang tututok sa bawat laro at laban ng Pilipinas!

labanpilipinas

Ang 2015 FIBA Asia Championship ay gaganapin sa Wuhan China mula September 23 hanggang October 3. #GilasPilipinas #Puso #PinoyPride

 

Mayroon din ba kayo lis7ahan na gustong ishare sa amin? Mag-email lang sa team.bamaquino@senado.ph!

7 Paraang Panlaban sa Kainipan at Kabaliwan Habang Trapik

By: Lis7Avengers

 

Walang pinipiling biktima ang traffic ngayon sa Metro Manila, mapa-commuter ka man o nagdadrive, paniguradong na-irant mo na sa Facebook at Twitter ang kasindak-sindak na experience mo.

Doble pasakit din kapag naabutan ka pa ng rush hour sa kalye. Kaya naman, habang ikaw ay nakatigil sa EDSA, o usad pagong sa C5, heto ang 7 suhestiyon para labanan ang kainipan at kabaliwan habang trapik!

 

 

  1. Tahakin ang mabilis na daan. Subukin ang iba’t ibang ruta patungo sa trabaho, eskwelahan o kung saan ka man madalas pumunta. Gawin ito hanggang sa mahanap mo ang perfect na daan, iyong mabilis at kaunti lang ang hassle sa kalsada. Ang goal ay makarating sa destinasyon nang wala masyadong init ng ulo, o stress na sisira sa araw mo.

EDSA highway

 

 

alternateroute

  1. The more, the many-er! Magsama ng mga friends at positive vibes sa commute o drive. Pumasok nang sabay sabay, o i-try mag carpool. Makakamura ka na sa gas, makaka-bonding mo pa ang mga kasama mo. Kung sakali mang maipit pa rin sa traffic, at least may kausap ka at hindi ka na nagmomonologue. Malay mo, ito rin ang magiging tulay sa puso ng crush mo. Yihee, isakay mo na siya!

carpooling

 

 

  1. Magnilay-nilay! Sa tagal ng pagka-tengga habang rush hour, ang daming nasasayang na oras. Pero maaari pa namang maging productive at gumawa ng mga to-do list, Christmas list, o sarili mong Lis7ahan. Para mas less na ang gagawin sa pupuntahan, magtrabaho na din while on the road. Sumagot ng email o mga text ni boss habang nakatigil. Puwede ring alalahanin ang mga life experiences at gawin itong inspirasyong sa paggawa ng mga tula o hugot statements. Dahil ang EDSA, minsan highway, madalas parking lot.

emoteinisdethecar

 

 

  1. Magpaka-sweet! Tawagan ang iyong mga mahal sa buhay at kumustahin. Mag-reconnect sa mga dating kaibigang hindi mo na nakakasama, siguraduhin lang na hindi ka naka-toka sa manibela. At kung talagang sweet ka, makisali sa mga initiative na tumulong sa mga PNP Highway Patrollers! Puwedeng mamigay ng tubig, mamon, o face mask – basta hindi pang-merienda nila pag nahuli ka!

textinginsidejeepney

 

 

  1. Maki-rockandrolltotheworld! Sa dami ng mga banda at musikero sa mundo, hindi ka mawawalan ng bagong music discoveries. Kung commuter ka, put your headphones at iwanan muna sandali ang masalimuot na mundo sa gitna ng traffic. Makinig at mag-moment to the tune of your favorite songs. Kung nagdadrive naman, chance mo ng bumirit ng Mariah o maki-head bang kasama ang Parokya. Siguraduhin lang na your eyes are on the road kapag nag-green light na.
rockandroll

Source: Autoparts Blog Warehouse

  1. Huwag pasaway. Lahat tayo napeperwisyo ng trapik. Huwag ka nang dumagdag pa sa pagkayamot ng iba. Sundin ang batas trapiko, tumawid sa tamang tawiran, pumila nang tama, at magbigayan – with a smile!

HPG EDSA

 

 

  1. Maging bahagi ng solusyon. Higit sa mga reklamo, ang kailangan natin ngayon ay solusyon. Kung mayroon kayong sagot sa problema ng traffic congestion, ibahagi sa aming Facebook page. Huwag mag-alala, uusad din tayo, at may pag-asa pa. Tulong-tulong sa pagsulong, friends!

HPG-Group-meeting

Kung mayroon kayong naiisip na Lis7ahan at nais maging miyembro ng Listavengers, mag-e-mail sa team.bamaquino@senado.ph!

 

7 Things to Do during Cuddle Weather (besides Cuddling)

Heto na naman po at nakapila na ang mga bagyo na papasok sa Pilipinas kaya uso na naman ang “cuddle weather!” Sugod sa ulan, lusong sa baha, tengga sa trapik, at tiis sa mahahabang pila ang drama ng karamihan sa panahon na ito pero imbes na mainis, pwedeng i-enjoy ang masarap mong tulog sa gabi mag-isa man o may katabi. Bukod diyan, narito ang mga puwede pang gawin maliban sa pag-cuddle.

By ListAvengers

 

  1. Mag-reminisce. Malamig ang hangin at tahimik ang paligid maliban na lang sa pagpatak ng ulan sa bubong ng bahay. Perfect na timing ito para magpaka-senti. Tumingin ng lumang photo album at magbasa ng nalimutan nang love letters. Puwede mo ring balikan ang sinulat mong New Year’s resolution, i-check kung nagagawa mo pa rin ba ang mga ito. Kung hindi na, at least na-remind ka na pwedeng bumawi pag tumila na ang ulan.

 reminicingintherain

  1. Magrelax. Medyo delikado ang lumabas tuwing umuulan o bumabagyo, kaya naman manatili na lamang sa bahay. Mag-chill sa kama at sofa at manuod ng mga pelikula at TV series. Mag-movie marathon-all-you-want hanggang sa mawala ang stress na matagal ng bumabagabag sa iyo. Kung hindi mo trip manuod, puwede rin namang bawiin ang mga nawala mong tulog. Ang importante, ma-relax ka.

watchingtv

  1. Maging bookworm.Alam mo bang nakakabagal ng brain-aging ang mental stimulation? Posible pa itong makapigil sa Alzheimer’s o Dementia pagtanda! Ngayong tag-ulan, ba’t ‘di magbasa ng libro o mga online articles. I-update ang sarili sa mga nangyayari sa bansa at sa buong mundo! Maraming benepisyo ang pagbabasa sa overall well-being ng tao. Bonus pa ang karagdagang talino!

rainy_books

  1. Magpalipas oras sa kusina. Sinigang, bulalo, kansi, champorado… Iilan lang ito sa mga masarap kainin kapag panahon ng pag-ulan! Ba’t hindi sanayin ang sarili na magluto at magpaturo ng mga family recipe sa iyong nanay o lola. Malay mo, may natural talent ka pala sa kusina. Kung wala, makontento ka na lang sa pagtikim ng mga luto nila.

bulalo

  1. Maglinis at mag-donate.Umuulan nang malakas sa labas. Mabagal ang Internet connection. Palabo-labo ang signal ng TV. Paano pa kaya kung mag-brownout? Galugarin mo na lang ang iyong kuwarto at bahay at mag-ayos ng gamit! Lahat ng hindi na napapansin, bakit hindi na lang i-donate? Siguradong maraming mga librong pambata, laruan, damit, sapatos, pati school supplies na hindi na napakikinabangan. Sayang, i-donate mo na lang!

messyroom

  1. Magplano.Since marami kang oras magmuni-muni, bakit hindi mag-isip ng maliit na negosyong puwedeng pagkakitaan. Uso ang bentahan ng mga raincoat, rain boots, payong, at iba pang waterproof na kagamitan. Maglista ng bucket list at matagal mo ng mga pinapangarap sa buhay. Bukod sa paglilista, iplano mo na rin kung paano magiging makakatotohanan ang mga pangarap na ito.

businessplan

  1. Tumulong sa paghahanda para sa mga delubyo.Lumevel up na tayo ngayon! Sa halip na maghintay ng trahedya, pinaghahandaan na natin ito. Dumarami na ang mga grupong involved sa disaster risk reduction at rehabilitation. Mag-umpisa sa social media at Twitter. I-follow at jumoin sa mga disaster resilience groups at i-share ang mga post. Puwede ka rin lumevel up at mag-volunteer, mag-training, at tumulong! Alalahanin lang din ang sariling kaligtasan bago pa man bumida sa rescue at relief operations!

rescueph

 

 

 

Kung mayroon kayong naiisip na lis7ahan at nais maging miyembro ng Listavengers, mag-e-mail sa team.bamaquino@senado.ph!

 

 

7 Paraan Para Mas Maging Mabenta ang Inyong Produkto

By Lis7avengers

Patuloy na ang paglaganap ng pagnenegosyo sa bansa bilang isang alternative source ng kita. Ang iba pa nga ay nagnenegosyo on the side kasabay ng pagiging empleyado. Kasinhalaga ng quality ang tama at patok na pagbebenta ng produkto at serbisyong inyong inaalok.  Ito ang 7 suggestions para mas mamarket pa ang inyong products and services!

1. Study your Target Market. Isa ito sa mga aspetong kadalasang nakakalimutan ng mga negosyante. Tanungin muna ang sarili: Sino nga ba ang gusto nating bentahan? Kapag nasagot na ang tanong na ito ay mas mapapadali na ang pagbebenta dahil pwede nang magfocus sa kung ano ang gusto at interes ng inyong posibleng consumer. Kung hair loss treatment ang ino-offer ninyo, baka hindi akmang ibenta sa mga college students ang produkto ninyo.

filipinoconsumer

2. Offer Free Taste/Experience. Alam naman natin na anumang libre ay tatangkilikin. Kaya kung nagsisimula pa lang at di pa ganoon kakilala ang inyong produkto o serbisyo, baka kailangan mo ng kaunting patikim. Maglaan ng kaunting budget para rito, mag-invite ng mga kaibigan, bloggers at kapitbahay na ma-experience ang ino-offer ninyo. Isipin ninyo na lang na best marketing pa rin ang “word of mouth,” kaya pag nag-enjoy at nagustuhan nila, hindi lang sila bibili, paniguradong ipagkakalat din nila ito sa iba.

producttasting

3. Improve your packaging. Para sa mga product-based na negosyo, mahalaga ang tip na ito. Umiwas na sa mga plain na plastic na lalagyan at hindi mabasang label. Gawing kaaya-ayang tingnan ang inyong mga produkto kapag nakadisplay na ito. Gumamit ng kakaiba o unique na packaging para isang tingin pa lang, mae-engganyo na ang mga taong bumili. Hindi kailangang mahal ang materyales na gagamitin, basta pinag-isipan at creative, puwedeng puwede na!

nicepackaging

4. Maximize the Internet/Social Media. Ayon sa Internet and Mobile Marketing Association of the Philippines (IMMAP), halos kalahati na ng ating populasyon ay online noong 2014. Gawing accessible ang inyong negosyo sa pamamagitan ng social media at Internet. Gumawa ng website, Facebook page, Twitter at Instagram account para maipakita ang inyong produkto at serbisyo. Siguraduhin lang na may tututok sa pagma-maintain ng mga accounts na ito. Bukod sa libre o mura lang ang mga platform na ito, madali pa itong gamitin.  Maski sa cellphone mo, makakapagmarket kayo nang todo!

onlineshops

5. Create Promos. Dahil ginamit mo na din naman ang social media sa pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa iyong negosyo, palakihin lalo ang reach at following sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga promos para sa iyong consumer. Kunwari, mamigay ng souvenir items kapag malaki/madami ang in-order nilang produkto. Puwede ring magpa-contest o magbigay ng discount paminsan-minsan. Ang maganda sa promo ay kayo ang may kontrol sa mechanics at mga ipapapremyo.

onlineshopping

6. Explore Crowdfunding. Narinig na ninyo ba ang konseptong ito? Ito ay ang paghahanap ng funding para sa isang negosyo sa tulong ng donasyon mula sa grupo ng mga tao. Puwedeng bigyan ng reward / produkto ang mga taong magpe-pledge na magdo-donate sa inyong negosyo. Alternatibong paraan ito para makakuha ng dagdag na kapital. Bukod dito, puwede rin itong gamiting paraan para mai-market ang isang produkto at serbisyo. Sa crowdfunding, puwede mong mas maipakilala sa mas maraming tao ang inyong produkto/serbisyo. Sa Pilipinas, isa ang The Spark project sa mga gumagawa nito.

Additional info: http://www.rappler.com/move-ph/87257-crowdfunding-future-businesses-philippines

spark project

7. Use your USP. Unique Selling Proposition – Ito ang ikinaiba o ikinabuti ng inyong produkto/serbisyo laban sa ibang kakumpitensiya.  Bukod sa target market, kailangan mo ring matukoy ang inyong USP. Para mas makatulong, puwedeng sagutin ang tanong na: Bakit produkto ninyo ang bibilhin nila at hindi produkto ng iba? Kadalasan din itong naihahambing sa “added value” ng produkto. Ibida ang USP kapag nagbebenta. Halimbawa, lagyan ng pampaputi ang inyong puto para may kakaibang effect pag kinain. Pwede mo ring i-label itong Puto-thione! Oh di ba!

USP

Kung nais mo pa ng karagdagang tips, huwag mag-alinlangang pumunta sa pinakamalapit na Negosyo Center sa inyong lugar.  Mayroon din ba kayong ibang suggestion sa pagma-market ng produkto? Huwag mahiyang mag-share sa team.bamaquino@senado.ph!

Scroll to top