Other Issues

Sen. Bam: Protect commuters and drivers, no jeepney phase-out in March 2019

The Department of Transportation (DOTr) and the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) both committed that there will be no phase-out of public utility jeepneys (PUJs) come March 2019. 
 
“Lahat, pati komyuter, talo sa planong phase-out sa Marso. Kung mawala ang ating mga jeepney, wala ring masasakyan ang ating mga kababayan. Tulungan natin ang mga driver na mag-modernize, imbis na tanggalin lang ang kanilang trabaho’t kabuhayan ng kanilang pamilya,” said Sen. Bam. 
 
“Plano niyo sanang bawiin ang ang prangkisa ng mga jeep sa Marso, ngunit hindi man lang kinunsulta o tinanong ang transport sector. Gawin natin ito ng tama, huwag muna ituloy itong phase-out,” added Sen. Bam, referring to the Memorandum Circular released by DOTr and LTFRB. 
 
During the hearing of the Committee on Public Services on the issue of jeepney modernization, LTFRB head Martin Delgra and DOTr Undersecretary Tim Orbos gave their commitment to Sen. Bam Aquino that the phase-out in March will not push through. 
 
Earlier, Sen. Bam filed a public utility vehicle (PUV) modernization bill with the support of the National Confederation of Transport Union (NCTU), Sentro, ACTO, and Philippine Advocates for Transport Convergence. 
 
In his Senate Bill No. 2056, Sen. Bam seeks to make jeepneys safer and more efficient for commuters and the environment, while ensuring the livelihood of drivers and their families. 
 
“Nais natin umunlad at umasenso ang mga sistema ng jeepney at tricycle, bus at tren sa bansa – at naniniwala akong may kakayahan tayong gawin ito. Ngunit kailangan din natin siguraduhin na sa programang ito, walang masasagasaang Pilipino,” said Sen. Bam. 
 
If passed into law, jeepneys will be tested based on road-worthiness and financial assistance will be given to owners who need to upgrade their jeepneys. Drivers that wish to shift careers will also be given sufficient compensation.

Sen. Bam Aquino on the 6.7 percent inflation rate in September

Hindi na makahinga ang mga Pilipino sa sobrang paghihigpit ng sinturon.

Siyam na buwan nang tuluy tuloy ang pagtaas ng inflation rate ng bansa. May krisis na tayo sa bigas at taas presyo. Kailangang kailangan na ng aksyon mula sa gobyerno.

Magtulungan po tayo. Unahin natin ang roll-back at suspension ng excise tax sa petrolyo at tiyaking may abot kayang bigas sa ating mga palengke.

Itigil na ang away at turuan. Pabigat lang iyan at hindi mapapagaan ang pasanin ng taumbayan na nalulunod na sa taas ng presyo ng bilihin.

Sen. Bam pushes Senate probe on culture of violence, killing of mayors

senator wants to look into the recent killings and attacks against local government officials in different parts of the country, following the assassination of several mayors and vice mayors in the past months.

“Manindigan na tayo laban sa kultura ng karahasan sa ating bayan. Pamilyang Pilipino ang naiiwan at nasasaktan sa alitan at patayan,” said Sen. Bam.

“Hindi sagot ang mala-martial law na patayan at intimidasyon sa mga problema ng bayan,” Sen. Bam added.

In his Senate Resolution No. 901, Sen. Bam Aquino called on the Committee on Public Order and Dangerous Drugs, chaired by Sen. Panfilo Lacson, to look into these killings that have caused grave concern, fear, insecurity, and distress in the general populace.

 With some of the attacks happening in broad daylight, Sen. Bam said the killings of local leaders underscore the growing culture of impunity and escalating violence that threatens to permeate Philippine society today.

 Sen. Bam underscored the need to investigate these killings to assure the public that the government is capable of maintaining peace and order and protecting the lives of the Filipino people.

“Ngayong pati sa city hall mismo pinapatay ang matataas na opisyal ng gobyerno, mahalagang malaman natin kung kaya pa ba ng pamahalaan na protektahan ang mga ordinaryong Pilipino,” said Sen. Bam.

On July 2, 2018, Mayor Antonio Halili of Tanauan City, Batangas was shot dead during the weekly flag raising ceremony in front of the city hall. The next day, Mayor Ferdinand Bote of General Tinio, Nueva Ecija was killed in an ambush in Cabanatuan City. Both incidents happened in broad daylight.

On July 7, 2018, Vice Mayor Alexander Lubigan of Trece Martires, Cavite was killed in an ambush, while Vice Mayor Al-Rashid Mohammad Ali of Sapa-Sapa, Tawi-Tawi was shot dead in an ambush on July 11, 2018.

On Sept. 5, 2018, Ronda, Cebu mayor Mariano Blanco III was shot dead inside his own office.

Carmencita Navarro, wife of Bislig City Mayor Librado Navarro, was killed by a lone gunman on Sept. 15, 2018, while she was walking at the Poblacion’s Baywalk. The victim was expected to run for Bislig mayor in the 2019 elections.

 Just recently, Sudipen, La Union Mayor Alexander Buquing was killed in an ambush in the municipality of Bangar. Buquing was the 11th mayor killed during the Duterte administration.

Sen. Bam has also filed resolutions looking into the killings of several youths in the hands of police and the attacks against religious leaders.

Sen. Bam on Duterte’s statement on EJKs

Sa likod ng biro, may katotohanan na hindi katawa-tawa.  

Tulad ng sakit ng pamilya na naiwan ng pinatay.  

Tulad ng pag-target sa mahihirap na komunidad imbis na mayayamang drug lord.  

Tulad ng pagkulong sa mga kritiko ng gobyerno, habang malaya ang mga korap na nagpapasok ng toneladang droga sa ating bansa.  

Panahon nang harapin ang katotohanan sa War on Drugs at iwasto ang kultura ng karahasan at patayan na bumabalot sa ating bayan.

Sen. Bam’s speech after endorsement as LP senatorial candidate

Mga kaibigan unang una Magandang Umaga sa ating lahat! Mga kaibigan iniisip ko kanina ang pangyayaring ito ay parang ibang iba para sa amin na matagal na dito sa partido. Kaya naisip ko na itong Liberal Party mayroong tatlong L na siyang sumasagisag rin sa araw natin ngayon.

Ang unang L natin ay “Laylayan”. Bago ang 2016 tinest namin ito, hindi alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang laylayan. Pero noong tumakbo si VP Leni at dala-dala niya ang nasa laylayan ng lipunan ngayon, lahat ng Pilipino alam na ang ibig sabihin ng laylayan. Bakit mahalaga ang unang L na iyon? Mahalaga iyon dahil yung partido natin, yung samahan natin, yung oposisyon ang siyang nakatutok sa totoong pangangailangan ng ating bansa. Ang partidong natin, ang oposisyon, ang siyang nakatingin ano ba ang kailangan ng nasa laylayan ng lipunan.

Sa aking limang taong pagiging Senador umiikot tayo, marami tayong nakakausap, nandiyan si Melvin Castro mula sa TarlacAgricultural University ano ba ang kwento niya? Gumigising siya 3amkada araw at namimitas ng mangga doon sa bukid kung saan siya nakatira, dalawa na ang anak niya pero college student pa rin siya. Pagdating ng 5am naggigisa ng bagoong, by 6am nagbebenta na ng mangga’t bagoong sa labas ng gate ng TAU (Tarlac AgriculturalUniversity) pagdating ng 8amstudent siya sa loob ng TAU. Ang ang sabi ni Melvin? Sabi niya “Senator Bam itong libreng tuition iyan ang nakapagtawid sa akin kaya naka-graduate po ako”. Si Melvin Castro ngayon ay isa ng guro at mayroon nang kinikita para sa kaniyang pamilya.

Nakatutok tayo sa pangangailangan ng taumbayan. Noong nakaraang dalawang linggo kasama ko si VP Leni, nasa Zamboanga kami at pumunta kami doon dahil nakita namin sa Zamboanga a few weeks ago umabot ng P75 per kilo ang bigas, at bumalik si VP Leni doon sinamahan ko siya para macheck ang palengke kung magkano na, bumaba naman sa P52 pero mataas pa rin. Yung katabi ko doon si Allan, si kuya Allan isang tricycle driver ano ang sabi ni kuya allan? “Senator Bam, Mam Leni apat kami sa aming pamilya pero ang pinaghahatian namin ay kalahating kilo ng bigas sa isang araw”. Apat na tao kalahating kilo ng bigas pinaghahatian nila, kaya kami, tayo dito, ang binibigyang pansin natin yung talagang mabigat sa taumbayan, yung talagang pangangailangan ng taumbayan, kung ano yung hinaharap nila sa kanilang araw araw na buhay. Iyon ang binibigyan natin ng pansin at kailangan natin ng isang grupo na tututok sa mga totoong problema at magbibigay ng solusyon dito sa mga problema ng mga nasa laylayan ng lipunan.

Ang pangalawang L ay “Laban”.  Dahil yung mga taong nandito, marami pang taong nanunuod, at mga online, ay handa pong lumaban. Lumaban para sa ating mga kababayan, lumaban sa makapangyarihan, lumaban para sa tama sa ating lipunan.

Hindi kayo pupunta dito kung hindi kayo handang lumaban. Yung salitang “laban”, makasaysayan po yan sa ating lipunan. Kapag nilalabas natin ulit ang salitang laban, ibig sabihin niyan ay hanggang sukdulan.  Kaya itong laban na ito, aaminin ko ay hindi magiging madali. Uphill climb ito para sa oposisyon pero naniniwala ako na gaya ng lahat ng naging laban sa ating bansa, kung nagkakaisa ang Pilpino, nagkakaisa ang mamamayan at hindi tayo nagpapatakot kung kaninuman, kahit anong laban ay kakayanin nating manalo at magtagumpay.

Ano na ang pangatlong L? Ang una ay Laylayan, ang pangalawa ay Laban, ang pangatlo ay para sa mga millenials: syempre, Love!

Hindi pwedeng mawala ang Love. Bakit? Ano po ang nagbubuklod-buklod sa atin dito? Isang tao po ba? Si VP Leni po ba? Hindi! Si PNoy po ba? Hindi! Kami po bang mga kandidato? Hindi rin! Nandito tayong lahat dahil nagmamahal tayo sa ating bayan.

Lahat tayo ay nagmamahal sa ating bayan. Alam nating maraming hinaharap at pinagdadaanan ang mga kababayan natin. Marami sa kanila ay naghahanap ng liderato, naghahanap ng mga masasandalan, naghahanap ng mga solusyon. Tayong lahat dito, sa pagmamahal natin sa ating bayan, yan ang magdadala sa atin sa tagumpay. Ang isang napakahalagang isipin natin ay hindi lang tayo ang nagmamahal sa ating bayan, maraming maraming Pilpino ang nagmamahal sa ating bayan. Baka ngayon lang, hindi lang maintindihan ang mga nakikita sa social media. Baka kaya natakot na dahil marami nang nakitang namatay sa kanilang baranggay. O baka tumahimik na lang dahil mas mabigat ang mga pang-araw-araw na problema ng ating bayan. Pero lahat tayo ay nagmamahal sa ating bayan. Kailangan natin silang maabot. Yung “Makinig Project” ni Senator Kiko nandyan yan, ang ating kakayanan na mag reach-out, kumausap, magkumbinsi, katukin natin ang bawat kapitbahay natin, bawat komunidad, bawat baranggay. Ipakita natin ang pagmamahal sa ating bayan at sabay-sabay nating tulungan ang lahat ng mga kandidato ng partido Liberal sa susunod na taon.

Laylayan, Laban, Love!

Isang napansin ko pa yung tatlong initial list ng kandidato: Aquino, Tañada, Diokno. Ano ang pagkakaparehas? Unang-una, lahat ay may kapamilya na naging senador. Pangalawa, lahat po ay nakulong din! Si Tito Ninoy, 7 years 7months. Si Ka Pepe, 2 years. Si Ka Taning, 2 weeks. Lahat yan nakulong. I hope yung pagkakaparehas namin sa 2019, hindi kami makukulong. Sana lahat kami ay magtagumpay! Sa mga susunod na linggo, dadami pa ang mga mababanggit na kasama ng LP at Opposition Coalition. Sanamatulungan natin silang lahat.

Para sa aking mga kasama dito sa initial list, hihilingin natin yung tulong nating lahat. Nakikita naman natin na tayong lahat ay nahuhuli sa survey. Hindi ako natatakot sa mga numerong yun. Ibig lang sabihin, kailangan pa tayong magtrabaho. Hindi tayo pwedeng makuntento na tayo-tayo lang ang mga kausap natin. Kailangan mag reach out tayo. Lahat naman tayo may kamag-anak, may kaibigan, at may officemate na tingin natin kaya naman natin makumbinsi. Ganun dapat.

Pero ngayong araw na ito, gusto ko lang i-highlight yung dalawa nating kasama. Palakpakan po natin, isang batikang youth leader, iniidolo namin noon sa Sanggunian, naging magaling na Kongresista, magaling na legislator, kailangan nating ibalik sa lehislatura, walang iba kundi si Congressman Erin Tañada! Pangalawa, huwag nating kakalimutan na kahit di siya napunta sa gobyerno, matagal na siyang naglilingkod sa ating bayan. Isang abogado ng mahihirap, tumutulong sa mga mahihirap na walang pambayad sa abogado, Chairman ng Free Legal Assistance Group, Dean ng La Salle Law School, palakpakan natin ang isang taong napakatapang at handang-handang lumaban sa panahon na ito, Atty. Diokno!

Mga kaibigan, ang laban na ito ay hindi magiging madali. Alam niyo po iyan, alam din namin yan. Pero sabi ni VP Leni lagi, “sa dulo ng lahat, ang mananaig ay katotohanan at kabutihan.” Ang mananaig sa dulo ng lahat ay ang handang magtrabaho para sa ating bayan. Tulong-tulong tayo sa susunod na taon. Tulong-tulong tayo na katukin ang mga bahay ng ating mga kasama sa barangay at ipakilala natin ang mga kandidato ng Partido Liberal.

Maraming maraming salamat po at magandang araw sa ating lahat. Thank you very much.

Two Aquinos split opposition votes in Pulse survey

The first time two Aquinos were included in the Pulse Asia Survey resulted in a divided choice for voters, leading to a drop for Sen. Bam Aquino.

From being the only opposition candidate among the top 12 in past surveys, Sen. Bam dropped from the Magic 12 in the recent survey conducted from Sept. 1 to 7.

His cousin, actress Kris Aquino, was recently included in the survey and ranked similarly to Sen. Bam.

“Pagtulong sa ating mga kababayan ang mas mahalaga sa usaping ito. Ngayon na lumalabas na isa lang sa amin ang dapat tumakbo next year, pag uusapan at paghahandaan namin ito,” said Sen. Bam.

“Naniniwala pa rin ako na pagdating ng eleksyon, maghahanap ang mga kababayan natin ng mga senador na may sariling isip at handang ipaglaban ang mga programang ikabubuti ng taumbayan. Naniniwala ako na lalabas ito sa boto ng mga Pilipino sa 2019,” added Sen. Bam, principal sponsor of the free college law.

Sen. Bam: Hindi sagot ang Martial Law, diktadurya sa problema ng ating kababayan

Sen. Bam Aquino addressed the Senate and insisted that Martial Law will never be a solution to the pressing problems of the country.

“Hindi naging sagot ang Martial Law noon, at lalong hindi siya sagot ngayon,” said Sen. Bam in his privilege speech. “Malubha pa rin ang sakit ng taumbayan, at lalong tumitindi ang kahirapan.”

In nine years under Martial Law, Sen. Bam said there were 3,320 victims of extrajudicial killings, 34,000 cases of torture, 70,000 cases of illegal detention, 75,730 cases of human rights violations and debt of around P395 billion, which is equivalent to more than P3 trillion in today’s money.

“Hanggang ngayon, binabayaran pa rin natin ang utang ng Marcos Regime, habang pumipila ang mga Pilipino para sa bigas na may bukbok at nalulunod po sa gastos ang napakaraming mahihirap na pamilya,” Sen. Bam said.

Sen. Bam said Martial Law is not the solution to the country’s pressing problems, including high prices of food, such as rice, and rampant killings of local officials, priests and even young people.

“Kawalan ng epektibong plano, kawalan ng political will, at kawalan ng puso ng mga lingkod bayan at puso para sa mahihirap ang mga sanhi ng krisis natin ngayon,” said Sen. Bam.

“Ngunit hindi Martial Law ang sagot dito, at mas lalong hindi ang isang diktadura,” Sen. Bam pointed out, adding that the government must simply act on the concerns of the Filipinos to solve these problems.

Sen. Bam has filed Senate Bill No. 1798 or the Bawas Presyo Bill, which aims to suspend the excise tax on fuel under the TRAIN Law when the average inflation rate surpasses the annual inflation target over a three-month period.

According to Sen. Bam, the immediate passage of the law will also stop the scheduled P2 additional excise tax on petroleum products under the TRAIN Law in January 2019.

Sen. Bam calls for passage of Bawas Presyo Bill amid rising fuel prices

Sen. Bam Aquino renewed his push for the passage of his Bawas Presyo Bill, following the fresh round of increase in prices of petroleum products.

“Kumilos na tayo. Hindi pwedeng nganga lang ang gobyerno sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis,” said Sen. Bam, alluding to the latest round of oil price increase on Tuesday.

”Huwag nating kalimutan na may responsibilidad tayo sa bayan, lalo na’t tumitindi ang hagupit sa publiko ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin,” added Sen. Bam.

Sen. Bam said the government should consider Senate Bill No. 1798 or the Bawas Presyo Bill as one of the options in solving the rise in prices of goods and services due to the Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

“Hanggang walang ginagawa ang pamahalaan, lalong malulunod ang taumbayan sa mataas na presyo ng bilihin. Kailangan nang kumilos ang pamahalaan,” said Sen. Bam, one of four senators who voted against the ratification of the TRAIN Law.

Sen. Bam’s Bawas Presyo Bill aims to suspend the excise tax on fuel under the TRAIN Law when the average inflation rate surpasses the annual inflation target over a three-month period.

Passing the measure is crucial as it will stop the second round of increase in excise tax on petroleum products under the TRAIN Law in January 2019, according to Sen. Bam.

Aside from pushing for the enactment of the Bawas Presyo Bill, Sen. Bam also called on the government to fully implement the social mitigating measures under the TRAIN Law to alleviate the burden of the public, especially the poor.

Among them are the unconditional cash transfer program, Pantawid Pasada Program and the 10-percent discount on NFA rice.

Sen. Bam to gov’t: Bilhin ang ‘Storm Damaged Palay’

Sen. Bam Aquino urged President Duterte to order the National Food Authority (NFA) to purchase Storm-Damaged Palay (SDP) from farmers in areas devastated by Typhoon Ompong as a way to help them and the families get back on their feet.

“Sana po tugunan ng Pangulo ang hinaing ng mga magsasaka at kanilang mga pamilya,” said Sen. Bam, referring to the farmers who have failed to harvest their crops before the onslaught of Typhoon Ompong.

“Utusan sana niya ang NFA na bilhin ang SDP. Tulungan natin ang mga kababayan nating magsasaka,” added Sen. Bam.

Sen. Bam said the move will give farmers a chance to recoup their capital used for purchasing rice seeds, fertilizer and other inputs.

The senator said buying SDP is not new to the NFA since the agency has done it in the past. However, the price is dependent on the quality specification, such as moisture content, purity, discolored and damaged grains.

Sen. Bam said the government can use the President’s Social Fund or the Calamity Fund, which are both under the Office of the President, to fund the initiative.

“Unahin sana ng administrasyon ang mga nasasagasaan at napipinsala. Masyado nang maraming Pilipino ang nalulunod sa mataas na presyo ng bilihin,” Sen. Bam stressed.

Earlier, Sen. Bam also urged the government to work together to mitigate the effects of Typhoon Ompong on the prices of goods in affected areas.

As one of four senators who voted against the ratification of the Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, Sen. Bam has been working to lessen the effects of the government’s tax reform program in the prices of goods and services.

The senator filed Senate Bill No. 1798 or the Bawas Presyo Bill to suspend the excise tax on fuel under the TRAIN Law when the average inflation rate surpasses the annual inflation target over a three-month period.

Sen. Bam stressed the need to enact his measure into law, saying it will stop the second round of increase in excise tax on petroleum products under the TRAIN Law in January 2019.

Sen. Bam to NFA: Paghandaan ang bagyo, bumawi sa taumbayan

The National Food Authority (NFA) will have a chance to redeem itself by ensuring the sufficient supply of rice in areas that are expected to be hit by typhoon Ompong, according to Sen. Bam Aquino. 

“Tiyakin ang kaligtasan ng ating mga kababayan at siguruhing hindi magugutom ang mga nasalanta,” said Sen. Bam. 

“Dapat nang bumawi ng NFA sa kapalpakan ng kanilang administrador. This is an opportunity for NFA to step up in serving our countrymen,” added Sen. Bam, referring to the blunders of NFA administrator Jason Aquino that affected the supply of affordable rice in the market.

President Duterte is looking for Jason Aquino’s replacement after he asked to be relieved from his post.

Sen. Bam said the NFA must ensure that there is enough stock of rice in warehouses located in areas that will be affected by the typhoon. 

“Gamitin ang teknolohiya at mga harvester para tulungan ang mga magsasaka. Buksan ang mga warehouse sa mga magsasakang kailangang protektahan ang kanilang ani,” said Sen. Bam. 

Super typhoon Mangkhut, which will be known as Ompong when it enters the Philippine Area of Responsibility, is expected to pack 200 to 220 kilometers per hour of wind. It is expected to pass through Cagayan province, Batanes and Babuyan Group of Islands before heading to Taiwan. 

On Monday, Sen. Bam delivered a sponsorship speech for Senate Bill No. 1211 or the Philippine Space Act as chairman of the Committee on Science and Technology. 

Sen. Bam said the measure, if enacted into law, can strengthen the country’s mitigation and response to natural calamities and disasters. 

The measure is aimed at beefing up existing government programs on disaster prevention, including the National Disaster Risk Reduction and Management Council’s disaster risk management, PAGASA’s astronomical science programs and National Mapping & Resource Information Agency’s satellite information gathering.

Scroll to top