Transcripts

Sen. Bam speaks about his memories of Ninoy Aquino during the late senator’s birthday

(Sen. Bam’s speech during commemoration of Ninoy Aquino’s birthday in San Manuel, Tarlac)

 

Ang kuwento po ni Ninoy Aquino ay isang kuwento ng pagbabago. Ako po ay ipinanganak noong 1977. Kaunti lang po ang oras ko na nakasama ko si Tito Ninoy. Noong ako ay pinanganak, siya ay nakakulong sa Fort Bonifacio. Yung mga panahong nakasama ko siya at madalian lang kasi bibigyan lang kayo ng kaunting oras para makasama yung mga nakakulong. Ang kuwento sa akin ng aking mga magulang ay kapag dinadala daw ako sa Fort Bonifacio, ang sasabihin ni Tito Ninoy ay: “Paul at Melanie, iwan niyo na si Bam dito para may kasama naman ako!” Sabay iiyak naman ako at sasabihing, “Ayoko po, gusto ko pong umuwi.” Iyan po ang experience ko kay Tito Ninoy.

 

Noong namatay siya noong 1983, ako po yung isa sa mga nagsalita sa entablado, 6 years old pa lang po ako noon. Umikot po kami sa buong Pilipinas noong 1983 kasama ang aking lola. Nagsalita kami sa mga protesta laban sa pagkamatay ni Ninoy Aquino at laban sa Martial Law. Yun po ang simula ko bilang speaker sa entablado. Habang tumatanda, laging binabanggit ng mga tao na kamukhang kamukha ako ng Tito ko. Kahit nung nagpunta ako dito, “Uy si Sen. Bam, kamukhang kamukha ni Ninoy.” Totoo po iyan. Because of that, naging malalim sa akin ang buhay ng aking Tito Ninoy. Inaral ko po ang buhay niya. Masasabi ko na idolo ko siya kahit hindi ko siya nakilala nang matagal.

 

Para sa akin, ang buhay ni Ninoy Aquino ay matingkad. Sadly, hindi ito napag-uusapan sa ating panahon sa eskwelahan at sa media. Ang napag-uusapan lang ang kanyang pagkamatay. Ang hindi napag-uusapan kay Ninoy Aquino ay ang kanyang pagbabago dahil ang kuwento ni Ninoy ay isang kuwento ng pagbabago. Dito po ako nakakarelate. Mahirap makarelate dun sa kanyang pagkamatay kasi wala naman sa atin dito, ay gustong mamatay. Kahit gaano pa kalakas ang ating pagmamahal sa bayan at handa tayong mamatay, palagay ko wala sa atin ang may gustong mamatay ngayon. Nakakarelate ako sa kuwento ng pagbabago. Dahil noong siya ay kinulong, ang tawag sa kanya noon ay “Wonder Boy”, number one Senator, at Presidentiable. Isa pong tradisyonal na politiko si Tito Ninoy noon. Siya ay ambisyoso – may ambisyon na maging presidente.

 

Noong siya ay kinulong ng 7 years at 7 months, may panahon ng solitary confinement din. May panahon na wala siyang makitang pamilya. Talagang naubos po si Ninoy Aquino. Sabi niya, “I started from the beginning.” Noong siya ay nakulong at wala nang makausap, nawala lahat ng suporta, nawala lahat ng media, nawala lahat ng kapangyarihan, doon niya nahanap ang kanyang pagmamahal sa Diyos, at sa kanyang pamilya. At doon niya nahanap muli ang kanyang pagmamahal sa kanyang bayan. Kung makikita po ninyo ang Ninoy Aquino bago siya makulong, at pagkataon niya makulong, may pagbabago talaga. Lumalim ang kanyang pagiging pinuno ng kanyang bansa. Lumalim ang kanyang pagmamahal sa bayan. Kung noon, ang pagmamahal sa bayan lamang ay makakamit sa pagiging Senador o pagiging Presidente, pagkatapos niya makulong, ang kanyang pagmamahal sa bayan ay  nandun na sa pagsasakripisyo at pag-aalay ng kanyang sarili nang buong buo.

 

Ngayon pong birthday ni Ninoy, huwag nating kakalimutan na ang kanyang pagkamatay ay hindi lang dahil nabaril siya. Iyan po ay dahil sa napakalalim niyang pagmamahal sa ating bayan na mas ginusto niyang umuwi kahit na baka makulong at mapanganib ang kanyang buhay kaysa sa manatili sa Amerika na mapayapa naman at ligtas. Ganyan ang pagmamahal niya. Handa niyang harapin ang anumang pagbatikos, pagkakulong, at panganib basta makasama niya tayo dito sa ating bayan. Of course, noong siya ay bumalik noong 1983, siya ay pinatay. Kaya ang kuwento ni Tito Ninoy ay isang kuwento ng pagbabago. Isang kuwento ng paghahanap muli ng totoong mahalaga sa ating buhay – pagmamahal sa pamilya, pagmamahal sa Diyos, at pagmamahal sa ating bayan. Napakalalim na kahit ano ay handa nating ibigay para sa ating mga minamahal.

 

Sana po, ang kabataan natin ay marinig iyan. Kasi kapag tinatanong ko po sila kung sino si Ninoy Aquino, ang sagot po ay nila ay “Yung nasa 500 po!” o kaya naman “Ang tatay po ni Kris!” Hanggang doon na lang. Kaya sana, tayo na nandito ngayon, yung mga senior na buhay na buhay noong 80s, ay ibahagi ang kanyang kuwento. Na kung paanong ang ating mga lingkod-bayan noon ay hindi lang nandiyan upang palakpakan, kundi nandiyan para ialay ang sarili para sa ating bayan. Yun po sana ang ikwento natin sa ating mga apo. Palagay ko, marami sa mga lider ngayon ay takot na takot at hindi makapagsalita. Nakita natin na si Ninoy Aquino ay hindi natakot na makulong at mapanganib ang buhay dahil napakalalim ng kanyang pagmamahal sa Diyos at sa bayan. Iyon sana ang maging paalala natin sa araw na ito.

 

Si Tito Ninoy, palaging nagpaparamdam sa akin. Noong 2012, bago ako tumakbo sa Senado, nakatanggap ako ng isang award na “Ten Outstanding Young Persons of the World” noong December 2012. By that time, naka-file na po tayo pero hindi pa nagsisimula ang kampanya. Ang award ay ibibigay sa Taiwan. Pagdating ko doon, dinala ako ng organizer sa hotel. Noong palapit na ako sa napakalaking hotel na Grand Hotel, ang sabi ko sa organizer, “This looks very familiar.” Ang sabi niya sa akin, “Oh Bam, that’s where your uncle stayed before he went to the Philippines.” Doon po siya nagstay bago lumipad pabalik ng ating bansa. Kaya pala pamilyar sa akin kasi nakikita ko ito sa mga picture. Paglapit ko sa front desk, sabi sa aking noong manager “We know the room of your uncle!”. Alam nila yung room noong August 21 at dumiretso siya sa airport papunta sa Pilipinas. Mayroon daw silang plaque doon sa kuwarto na iyon, baka gusto ko daw puntahan. But there’s a guest in the room so baka hindi ako payagang pumasok. Pero pumunta po ako doon sa kuwarto, kinatok ko at walang sumasagot kaya inisip ko walang tao. Paglingon ko, may lumapit na Koryano at lumapit sa akin “Yes? This is my room.” So inexplain ko na my uncle stayed in this room before he was killed in the airport. “Can I go inside?” Pinayagan niya ako at nakita ko yung desk kung saan siya huling nagsulat, yung kama kung saan siya huling natulog at nag rosaryo, yung balkonahe kung saan na-picturan siya na nakatingin sa malayo kasi alam niya na ang buhay niya ay magbabago pag-uwi niya sa ating bansa.

 

Noong gabi, nagkaroon na po ng awarding sa Ten Outstanding Young Persons of the World. Yung intermission number ay isang Chinese Opera na may Chinese instruments. Ang kanilang tinugtog ay puro Chinese songs. Yung pinakadulo, sinabi ng organizer “For the last song of this Chinese-Taiwanese Orchestra, we are going to share with you a Western Song.” Ang kanta na tinugtog nila ay “Tie a Yellow Ribbon”. Iyon ang tinugtog ng orchestra noong event na iyon. Sa lahat ng kinanta nila, sa lahat ng kanta na pwede nilang tugtugin sa Grand Hotel kung saan nagstay ang tito ko, ang tinugtog nila ay “Tie a Yellow Ribbon”. Sabi ko nga, “Nagpaparamdam yata si Tito Ninoy.”

 

Ngayon po, ang pagpaparamdam niya ay hindi na ganyan ka supernatural. Ang pagpaparamdam niya ay simple lang. Kapag tayo ay nasa Senado, pinaglalaban natin ang kapakanan ng ating mga kababayan. Pinaglalaban natin ang edukasyon, ang mahihirap sa ating bansa na makaranas ng kaunting yaman ng ating bansa, pinaglalaban natin yung mga magsasaka, yung mga mahihirap na nagiging biktima ng karahasan, doon po nagpaparamdam si Tito Ninoy sa akin. Ang sinasabi niya, “Gayahin mo ako – yung katapangan at pagmamahal sa bayan. Huwag kang mawawala sa landas. Gayahin mo ako.” Kaya sa aking opisina, may malaking picture doon. Siya lang ang may malaking picture doon. Araw-araw pinapaalala ko sa aking sarili na kailangan natin ng mga pinuno na nagmamahal sa Diyos, sa ating pamilya, at sa ating bayan. Matapang at hinaharap ang lahat ng kailangang harapin para sa ating mga kababayan at mamamayan. Iyon po ang pagpaparamdam ni Ninoy Aquino sa aking pang araw-araw na buhay. Sana sa inyong pang araw-araw na buhay, maramdaman niyo ang kanyang pagmamahal at pagsakripisyo sa ating bansang Pilpinas.

 

Bilang pagtatapos, gusto ko ishare sa inyo ang isang maikling video mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation. Naisip ko na magandang magtapos gamit ang salita mismo ni Ninoy. Marami po tayong nakita pero ito ay isang 5-minute short video – Ninoy Aquino on his own words. Sa kanya mismong salita, makikita natin ang kanyang pagmamahal sa bayan, sa Diyos, sa pamilya, at sa ating lahat.

 

Maraming salamat po sa inyong lahat!

Bam on voting NO to 150-day ML extension

Humindi po ako sa extension na 150 days dahil sa tingin ko po, ang nararapat na extension ay 60 days lamang.

Tatlong tanong po ang naging paggabay sa akin upang makaabot sa desisyong ito. Unang una, makakaantala ba ang paglimita sa 60 days sa operations ng AFP at sa ating mga sundalo. Clearly Mr. President, hindi naman ito makakaantala sa kanila at buo naman ang suporta natin sa AFP from the beginning.

 Hindi lang po sa moral, hindi lang po sa budget kundi pati sa mga batas na kailangang amyendahan para matulungan po sila.

 Pangalawang tanong, ano ang nais ng 500,000 internally displaced Filipinos na nasa ibang siyudad at sa mga evacuation centers. Sa aking pagkaalam, gusto na nilang bumalik sa kanilang bahay.

 Ang tingin ko po, ang rehabilitation ay mas mainam na gawin sa ilalim ng civilian authority at hindi po sa ilalim ng Martial Law.

 Pangatlo, at siguro po pinakamahalaga sa ating desisyon ngayong hapong ito. Ang 60-day limitation ba ay makatutulong sa pagtaguyod ng demokrasya sa ating bansa? Ang sagot ko po diyan oo.

Unang-una, itinataguyod ang nararapat na check and balance ng co-equal branches of government na executive and legislative branch. Pangalawa, Congress will be able to fulfil its mandate and responsibility given to it in the Constitution in shorter intervals.

Mr. President, the presence of Martial Law in our country today puts our democracy in an unusual and unstable situation. Ngayon po na mayroon tayong Martial Law, hindi po ganoon katibay ang kinatatayuan ng ating demokrasya. Kaya po, ang pagpapasyang kailangang gawin natin, tayo ba ay magpapalakas sa ating demokrasya o tayo po ba ay gagawa ng mga desisyon na posibleng makapaghina dito. Siyempre po boboto tayo sa pagpapalakas at pagpapatibay ng ating demokrasya dahil mahirap na pong masanay.

Sen. Bam on the situation in Marawi and the declaration of Martial Law in Mindanao

(transcript of media interview)

Currently kailangan natin suportahan ang AFP sa lahat ng kanilang operations. On going pa po ang operations. Hindi pa po natatapos. That should be foremost. Yun yung pinakamahalaga that we support our troops sa kanilang pagsugpo sa lawless elements na ‘to.

Pangalawa, siguraduhin po natin na ang mga kababayan natin sa lugar, ay matulungan at mabigyan ng proteksyon. Sa pagkakaalam ko po, madami nang nage-evacuate ngayon at kailangan po nila ng tulong at pagkalinga mula sa gobyerno at mula sa iba’t iba pang mga grupo.

On his recent trip to Marawi

Actually, I was there nung Friday at nagbukas kami ng 508th Negosyo Center in Marawi. the first negosyo center in ARMM. Everybody was so hopeful na yung pagtulak ng pagnenegosyo, trabaho, could really lead to peace. Kaya talagang heartbreaking itong nangyayari na to.

Yung mga kasama namin na military, mga kasama namin na negosyante at local government officials, lahat nagsabi na itong pagtulak ng mas magagandang trabaho, mas magandang pagnenegosyo sa mga kapatid nating Muslim, will eventually lead to peace. So itong nangyayari ngayon, it’s really heartbreaking. Because the people there, want peace, want progress. Gusto nila ng magandang buhay para sa kanilang lugar.

Instead, ang nakukuha po nila, ay isang battle zone na hindi po tama at dapat po maitigil na.

Eto pong move of declaring Martial Law in Mindanao, meron naman pong constitutional processes dyan and we hope that these constitutional processes would be followed.

There’s a report that needs to be given to Senate and Congress and then meron pag sangayon o pag tutol po dyan na mangyayari. Right now we’re hearing reports from the AFP na under control na po yung situation. So kailangan nating i-assess ang lahat ng yun sa ating determination about Martial Law.

Q. Walang common stand ang minority, particularly LP dito sa declaration ng Martial Law?

Right now I think ang pinakamahalaga is masuportahan natin yung troops at matulungan natin ang ating mga kababayan. We don’t want to get into something political habang tuloy tuloy yung putukan.

At the end of the day, we have a constitutional process. Meron po tayong proseso sa ating constitution. Yung Martial Law po na dineclare nung 70s, iba na po yung Martial Law ngayon because meron na pong checks and balances na nakalaan sa ating constitution.

Yung mga karapatang pantao, di po yan nawawala, di po nawawala ang civilian courts, hindi po nasu-suspend ang writ of habeas corpus ng basta basta. We have a constitutional mandate.

But again, right now, yung pinakamahalaga po ngayon, ay matigil na tong firefighting, masugpo yung ating lawless elements at maprotektahan ang ating mga kababayan.

I think before we get into politics, before we get into this legal ramifications, yun yung pinaka mahalaga at this point.

Yung atin pong mga kababayan dun, we’ve heard reports na mga eskwelahan, mga religious places ang tinatamaan. And people are in fear. Di sila makalabas sa kanilang mga bahay. We need to make sure that our countrymen are protected. Yun yung pangunahin po sa lahat at sinusportahan po natin ang ating armed forces.

Q. Okay ba na buong Mindanao for 60 days?

We want to know the reason for that. There have been news reports left and right but there will be an official reason once the report is provided to Congress and the Senate. Gusto po nating malaman kung bakit ganun yung scope. Gusto rin ho natin malaman kung ano po yung plano nila sa dami ng araw na ide-declare po ang Martial Law.

Again, it’s a little too soon in fact, I’m not even sure if the president is here already. Kung wala pa siya dito, so maga-assessment pa po yan. Magkaka-security briefing pa yan at magkaka-report.

Hopefully, by the time that he arrives, tapos na po yung situation. Because again, the AFP has said that they’re continuously gaining ground. As of this morning, nagsalita po ang AFP social media account na under control na po, may iilang lugar na lang na may sporadic gunfire. We’re hoping that in a few hours, masasabi po natin na ligtas na po ang Marawi at ligtas na po ang Lanao del Sur.

Ang reports po namin ay nage-evacuate na yung mga tao. There is a massive movement already happening. This can be checked. At palagay ko ang mahalaga nakaabang po ang gobyerno natin na tulungan sila. Kung meron pong lumilikas dahil po sa karahasan, dapat po handa ang gobyerno na tulungan sila at palagay ko naman gagawin naman yan.

So at this point, sila po yung pinakamahalaga. Mahalaga po na matigil yung putukan, mahalaga na ang AFP po natin masuportahan at mahalaga po na mabigyan ng tamang ayuda ang ating mga kababayan.

Sen. Bam on CA secret voting, lobby money, secret cell, Napoles acquittal

Transcript of Sen. Bam’s media interview

 

On Secret Voting Process

 

Ngayong araw pong ito, magffile po kami ng isang resolution sa Commission on Appointments kung saan pinapa-review po natin yung secret voting process. Mukhang isa po itong proseso na nung una, tingin po ng mga members ay makabubuti pero pagkatapos nung confirmation ni Secretary Lopez parang may mga question dun sa kinalabasan ng boto. So maganda ho sigurong ireview ito at sa madaliang panahon, tignan kung kailangan po itong imodify o baguhin. 

Well, unang una may mga question pagdating dun sa final count at dun sa mga public pronouncements ng ibang mga kasama natin. Dun sa mga hindi pagtutugmang ganoon, kailangan ho sigurong ireview ulit yung secret voting process. Marami rin ho sa publiko na nagsabi na parang hindi ho ata maganda na hindi alam kung ano ang talagang boto namin.

 After all, bilang mga representante ng taong bayan, yung mga boto po namin yung isang rason kung bakit po kami nandito so maganda ngang ireview po ito ulit, tignan ulit ng Commission kung nararapat pa yung ganitong proseso. Not only for the next couple of secretaries na ihahain pero, for the years to come. Kung dapat ba talagang magkaroon ng secret voting process o dapat mas transparent po yung proseso. 

 May gentleman’s agreement o may agreement among the members na kung ano yung kakalabasan ng secret voting, yun rin yung ica-carry during the plenary. At sumunod naman tayo dun sa usapang ‘yon. Pero pagkatapos ng mga news reports, parang lumalabas na merong hindi sumangayon dun sa agreement dahil iba iba rin yung mga lumalabas  dun sa publiko o sa media ng aming mga boto. So palagay ko panahon na nga para ireview yung secret voting process and we’ll push for a more transparent process sa CA.

Mukhang may lumalabas na may nagsinungaling talaga kase hindi po tumutugma yung mga boto at sa palagay ko, yung mas mahalaga, di na kung alamin o imbestigahan kung sino po yung di nagsasabi ng totoo. Ngunit, baguhin natin yung proseso para talagang di na maulit yung ganitong pangyayari.

I think right now, it’s important to review. Some of my colleagues have their concerns pagdating sa physical safety, pagdating sa public pressure or yung lobby, sabi nga po nila. But we have to weigh that with the process which has to be transparent and where were accountable for our votes. 

 Again, hindsight is 20-20 at kinailangan ngang mangyari itong nangyari kay Secretary Lopez para maisip nga na may problema itong prosesong ito. At the time, the reasons of physical safety, and taking us away from the pressures of the different lobby groups seemed to be a good idea but after the vote of Secretary Lopez, parang lumalabas nga na kailangan tong ireview ulit. 

That’s a discussion I wish to have with my fellow members of the CA. Ireview natin, pagusapan kung ano talagang nangyari, obviously there was a huge fallout from it. Iweigh natin yung mga rason kung bakit ito nilagay to begin with at ‘yung mga drawbacks which is the lack of transparency.

 Again, di lang to para sa mga susunod na cabinet secretaries pero sa mga taon na dadating pa. At the end of the day, yung mga boto po namin, ‘yan yung isang rason bakit kame nilagay dito, because of our votes. Yung mga decision namin sa mga bagay-bagay at palagay ko kailangan accountable nga kami sa aming mga boto. Now kung pagmo-modify ay babaguhin ang isa or dalawang provision or tatanggalin ito talaga, yun siguro kailangan pagusapan ng mga miyembro ng CA. 

The minority is fully supportive of this. I have talked to some members of the majority and they agree na panahon na nga na ireview ito. Pagusapan, even before the next vote for the remaining secretaries. 

 Sa totoo lang, di ko alam kung pwedeng i-divulge yung prosesong yan. Basta ang mahalaga siguro is may botohang nangyari, di mo alam kung ano yung boto ng isa’t-isa. Even among each member. The only thing we’re allowed to do is to talk about our own vote. Yun lang talaga yung pwede mong sabihin. Of course, kung may iba namang nagsabi na rin publicly, pwede mo na rin sigurong pagusapan ‘yun. But at the end of the day, ang bawat isa sa amin, in general, di rin talaga namin alam ‘yung boto ng isa’t-isa. So I don’t want to cast doubt or aspersions on my fellow members pero pag sinuma mo na, yung mga nagsalita at yung kinalabasan ng boto, meron talagang hindi pagkakatugma. So kailangan talaga ‘tong ireview at tignan ulit. Maybe we can push for a more transparent process. Palagay ko ‘yun yung hinahanap ng taong bayan. 

 At that time na pinagusapan, that seemed like a good reason. In fact may mga ibang miyembro rin na nagsalita tungkol sa physical threats na itong secret voting will save us from any physical threats na kakalabasan nung aming boto. Those are valid concerns pero meron ding concerns in terms of transparency and accountability at palagay ko kailangang i-weigh ‘yun sa isa’t isa that’s why we’re calling a review of this process. 

That has been raised by some members in the past to the public. But again, ako kasi ang tingin ko, yung transparency and accountability mahalaga. At ‘yung boto namin, sa kahit anumang batas, kahit anumang decision, yan yung rason kung bakit kame nandito, diba? So I think it’s important that we push for transparency but we do need to weigh those concerns by some of the members of the CA. 

 

On Lobby Money

 

It’s not my issue, to be frank. Wala naman nagoffer sa’kin ng pera sa totoo lang at bumoto kame para kay Sec. Lopez this might be raised by other members of the CA who felt bad that that was raised in the public.

May lobby na nangyari, noh. Personally wala namang perang inoffer sa’kin sa totoo lang. But of course lobbying on both sides. Yung mga pro-environment groups or pro-Gina groups, nagpadala ng position papers. Yung mga laban sa kanya nagpadala rin ng mga position paper so definitely, there was a lot of lobbying. ‘Di naman po masama ‘yun. Kahit ho sa internet maraming lobbying kung paguusapan natin whether someone is for or against at gusto nilang ipaalam sa mga representante nila nangyayari talaga yan. Now kung may perang involved, yun po yung illegal at hindi maganda. Pero on my part, I can say that no money was offered to us. 

 In fairness to the other members of the CA, wala po tayong naririnig na may perang umikot. In fairness to them. Again, kanya-kanyang boto kame dito eh. We all have our votes, we all have our decisions, but at the end of the day, kailangan panindigan namin yung mga desisyon na ‘yun. Kung no, no. Kung yes, yes. 

 I’m not sure. We have a very short window left. I think tatlong linggo na lang ‘yung session natin. So they’ll be tackled soon enough but hopefully matapos namin at the soonest possible time. 

You have to ask member of the CA who voted no. Sila yung apektado dun sa statement ni President Duterte na ‘yun. Kame naman na pumabor kay Sec. Lopez, di kami apektado sa statement na ‘yan.

 

On Secret Cell

 

So we filed a resolution looking into the secret cell. Gusto ho nating malaman unang una na naitigil na ang ganitong gawain. Wala po ibang secret cell sa ating mga ciudad and that it’s clear na yung paggawa ng isang secret cell ay mali.

In fairness kay Gen. Albayalde, he explained to us that they have already done a thorough investigation but pinaka-pakay ko sa kanya is dapat maging malinaw yung PNP sa kanilang response sa pagkakaroon ng pagaabusong ganyan. Dapat clear ang mga ganyan klaseng bagay, mali. Hindi dapat tinutularan, hindi dapat inuulit. Dapat maitigil. That was really our discussion earlier in my office in preparation for the hearing. Na maging malinaw sila sa kung ano yung tama at mali, wag nilang pagtakpan yung mga mali at magkaroon ng aksyon. Hindi lang yung parang papalampasin lang tapos parang wala na lang.

Hinahanap natin sa PNP yung tamang response. Pag may mga grave abuses na nakikita tayo sa harap natin. He also mentioned about yung holistic approach towards the drug war. Na hindi lang pwedeng enforcement, dapat meron ding on the prevention side, meron din dun sa panghuli ng mga drug addicts at drug pushers. At sinabi naman natin sa kanya, we’re very willing to support that. Pero kailangan maging malinaw sila sa kanilang mga gustong gawin dito sa laban ng ating bansa sa droga. 

Yung isa ring napagusapan namin is whether tumutugma ba yung kanilang investigation at yung investigation ng CHR and it seems hindi pa sila naguusap at hindi pa sila nagkakaroon ng palitan ng kuro-kuro tungkol sa mga inbestigasyon na ginagawa nila so the hearing might be a chance for them to actually face each other at mag-exchange ng kanilang mga datos na kanilang naimbestiga. 

So it was a very productive meeting and probably, during the hearing, mapaguusapan pa natin yung ibang mga naimbestigahan nila tungkol sa Secret Cell. 

 

 

Q. Bakit kailangan maging malinaw ang patakaran, is it because of the statements made by Dela Rosa?

Yes. Because kung ang mga statement mo ok lang basta hindi na-torture o basta walang kotong, ok lang magka-secret cell. Mas nakakagulo iyan sa taumbayan. We have to be definite kung ano ang mali o kung ano iyong tama dito.

We’re expecting from the PNP, the leadership and the institution, to be very clear na pag may abuses, kailangang itigil yan, at ang mga perpetrators niyan whether kasama sa kapulisan o hindi, dapat managot. That’s the minimum na hinahanap natin sa kanila. Of course, ang hinahanap natin totoong reporma and it goes beyond just dismantling secret cells. Ang hinahanap natin plano talaga na iyong incarcerated, nasa tamang facilities. I agreed with Gen. Albayalde na kawawa talaga ang facilities natin, umaapaw ng tao. In fact sabi nga niya, talagang deplorable ang conditions.

I also shared with him na if there is a proper request to the Senate and Congress at this point that the drug war is practically the main program of the government, kung may hingin silang pondo para diyan, I’m sure bibigay yan. If all the request for drug rehab, for facilities and mga kagamitan na kailangan nila, parang ibinigay naman sa 2017 budget.  

Maybe they have another chance sa 2018 budget na magrequest sila na ayusin ang facilities. Again, ang haba ng range ng reforms na kailangang gawin and again, at the minimum, ang pinaka-basic diyan is masabi man lang na mali ito, hindi na ito uulitin and everybody at fault will be penalized. At the maximum, I think, is to move for genuine change and reforms by looking at how to tackle this problem more holistically tsaka mas nasasakupan ang iba’t ibang aspeto ng problemang ito. 

 

Q: Schedule niya wala pa?

Sen. Bam: Wala pa but Sen. Lacson has said that maybe in the following weeks we’ll have the hearing.

Q: Si Bato po ba kasama sa hearing o si Albayalde lang?

Sen. Bam: Dapat kasama rin si Gen. Dela Rosa. In fact I was hoping pati inmates kasama. Kasi may conflicting reports na may nagsabi that they mentioned that there was extortion. Ngayon naman daw nag-recant na sila. Gusto kong marinig sa kanila kung ano ang kuwento.

We’ll make that request to the committee on public order. Usually, you provide the request when there’s a date already.

 

On Napoles Acquittal

Itong pag-acquit kay Janet Napoles, it’s clearly a sign of our times. Nakakabahala, nakakakaba ang mga pangyayaring iyan na ang isang taong convicted na, masabi nating one of the biggest masterminds of one of the biggest scams that we’ve ever seen, napawalang sala sa una niyang kaso. Nakababahala talaga siya.

May ibang abogado na nagsasabi na dahil napawalang sala siya, baka humina ang testimonya ni Benhur Luy. Iyon naman talaga I think ang main, one of the big evidences sa plunder case. I hope hindi manghina ang kanyang plunder case dahil sa nangyaring acquittal kay Napoles.

I think again, it leaves many of us scratching our heads. Nagkakamot na lang tayo ng ulo sa pangyayaring ito. Hindi mo maintindihan ang mga pangyayaring ito. I hope it will not weaken the plunder case against her kasi sa totoo lang, the fact na nakakulong ang isa sa biggest masterminds o isa sa mga nagkasala sa taumbayan, isang mabuting bagay iyan sa ating bansa.

Ngayong napawalang sala siya, it’s terribly unfortunate na nangyari iyon.

Ako naman I’ve always held the stance na kapag ginawa mo ang pagkakasalang iyan, kailangan ka talagang managot. Whoever you are, whatever your party is, kung ginawa mo iyan, kailangang managot ka. That has to be way that we tackle this issue kasi kung selective ang mga pangyayari, whether before or ngayon, talagang humihina ang ating justice system.

Siguro naman, we can tackle that issue while the mastermind or one of the biggest players here is in jail o habang naka-convict siya sa unang kaso. I don’t think na kailangan siyang ipawalang sala para makasuhan ang iba.

Malacanang mentioned that there was no deal struck with her or walang mga usapang ganyan. Tingnan natin kung ano iyong mga mangyayari sa mga susunod na statement niya.

 

Q: Do you believe what the Palace said?

Sen. Bam: You have to take the statement at face value. Again, siyempre at this point, napawalang sala na siya, talagang you know, she can be used in that way. You take their statement at face value. You’d like to believe na walang secret deal na nagawa.

 On Sen. Alan Peter Cayetano’s UN presentation

I didn’t see Sen. Cayetano’s presentation so I won’t comment on that. Let me just say na 45 out of 47 countries making a formal request for us to truly investigate this, siguro wake up call na iyan sa atin. Naghahanap ang buong mundo ng accountability on our part. If the request is to have a formal investigation happen, we should grant that request. Kung walang tinatago ang ating bayan, dapat nating payagan na magkaroon ng imbestigasyon dito.

On oversight committee for intelligence fund

Palagay ko, while unang-una we’re one of the minority representatives of the committee, we support the chairman, Sen. Honasan, in the investigation of the intelligence funds.

Mahalagang malaman natin na maayos nga ang paggamit ng ating intelligence funds. Of course, pera iyan ng taumbayan and secondly, hindi iyan under COA so hindi niya na-audit kaya mahalagang malaman natin na tama nga ang paggamit nito.

On UN rapporteur investigation

At the minimum siguro, kung 45 out of 47 nagsasabi na importante ang isyung ito at kailangang imbestigahan, I think it is incumbent upon us to allow this investigation to happen. The administration has always said na wala silang tinatago so payagan na nating mangyari ang imbestigasyong ito na unencumbered, na malaya silang mag-imbestiga.

If I’m not mistaken, the request is to allow the rapporteur to conduct an investigation. Kung iyon ang request, bakit natin hihindian.

The ball is in the court of the administration. There is a formal request provided to us. Ano ang sagot natin doon?

May conditions tayong sinama to the invitation to the rapporteur, which was magdedebate sila in public ni President Duterte at mayroon siyang under oath na sa totoo lang, hindi naman yata pangkaraniwan. That’s a unique invitation, may imbitasyon pero may kondisyon.

I think the request is to allow her to do the investigation na malaya siya, walang mga ibang mga kondisyon. During these investigations, kasama naman ang gobyerno diyan kapag nag-i-investigate ng ganyan.

If 45 out of 47 countries, if this is the request. Why shouldn’t we grant this request at payagan na malayang imbestigahan ang pangyayari sa ating bayan.

On appointment of retired Gen. Roy Cimatu as DENR Secretary

I hope that Gen. Cimatu will be as passionate as Sec. Lopez. Sana ipaglaban niya ang kalikasan na sing-sigla at sing-lakas ni Sec. Gina.

Transcript of Sen. Bam’s questions during hearing on SPO3 Lascanas’ testimony

Sen. Bam: Maraming salamat, Mr. Chairman. Marami po sa mga tanong, natanong na. Marami po sa mga detalye, nasa affidavit na at na-mention na kanina. So, I just want to ask, Mr. Chairman, a few loose ends and then later on my questions will be for the PNP as well.

So, una pong tanong. Nasabi niyo po iyong PHP 100,000 na allowance. Ilang years niyo po nakukuha iyang PHP 100,000 allowance na iyan?

SPO3 Lascanas: Siguro mga 20 years na po, your honor.

Sen. Bam: Paano po iyan binibigay sa inyo?

SPO3 Lascanas: Every month po. Nakasobre lang po iyon tapos pumipirma kami, Ako, partikular na PHP 50,000 iyong pinirmahan ko. Lumobo lang ito dahil binigyan ako ng quota na kung hindi ako nagkakamali mga sampu o labingdalawang tao na mayroon itong PHP 5,000 monthly – 7,000 monthly at my disposal.

Ang ginawa ni Sonny, nagbigay ako ng mga pangalan ng tao, so nagbigay ako ng mga fictitious names. Iyong iba is sa mga pangalan ng relative ko, siguro mga dalawa o tatlo.

The rest is puro fictitious ito.

Sen. Bam: Ito pong fictitious names, binigay niyo po iyan kay Sonny Buenventura at siya po iyong nagbibigay sa inyo ng sobre na PHP 100,000. That’s your testimony?

SPO3 Lascanas: Yes.

Sen. Bam: Cash po ito?

SPO3 Lascanas: Cash po.

Sen. Bam: So wala itong bank account, bank transfer o kahit anumang paraan na ma-te-trace natin ang perang ito?

SPO3 Lascanas: Wala po. May pinirmahan lang ako na yellow receipt.

Sen. Bam: OK. Anong nakalagay po doon sa resibo? Blanko lang po?

SPO3 Lascanas: Hindi. Pangalan ko. May pirma sa akin. Tapos iyong amount, PHP 50,000.

Sen. Bam: Tapos nagbibigay rin kayo ng mga pangalan na pinipirmahan – ikaw na rin siguro iyong pumipirma?

SPO3 Lascanas: Hindi. Mayroon extra na dalawang yellow receipt na pinipirmahan ko lang pero walang amount.

Sen. Bam: Walang amount? Blanko.

SPO3 Lascanas: Blanko.

Sen. Bam: Sino pong nag-fi-fill-up ng amount? Si Buenaventura na po?

SPO3 Lascanas: Hindi ko alam. Baka siya.

Sen. Bam: OK. Mayroon po kayong kopya ng mga resibong iyan?

SPO3 Lascanas: Wala po.

Sen. Bam: Wala kayong kopya? Ni isa, wala kayo?

SPO3 Lascanas: Wala po.

Sen. Bam: OK. Na-mention niyo po si Sonny Buenaventura. Siya po ba’y active pa o hindi na po?

SPO3 Lascanas: Retired na po, your honor.

Sen. Bam: Retired na rin? Siya po laging binabanggit po ninyo. Ano po ba ang kanyang kinalaman niya sa operations po ninyo?

SPO3 Lascanas: Siya po ang ano namin – siya po ang tagabigay ng reward, bayad bawat may tumba then sa allowance ang tawag namin doon ay “tuwak”.

Sen. Bam: Mas mataas po siya sa inyo?

SPO3 Lascanas: Opo. Kasi siya po ang direkta kay Mayor Rody.

Sen. Bam: Sino pa po ang nasa ganoong level?

SPO3 Lascanas: Si Jim Tan po.

Sen. Bam: So mas mataas pa si Jim Tan sa inyo?

SPO3 Lascanas: Level din kami. Siya kasi ang maraming – may mga players na hawak.

Sen. Bam: Doon ho sa na-mention niyo kanina na structure ng inyong grupo mayroon pong na-mention na Buenaventura. May na-mention pong Jim Tan. May na-mention na – kayo po – na-mention niyo po ang sarili ninyo. Mayroon pa bang ibang tao na ka-level ninyo o mas mataas po sa inyo?

SPO3 Lascanas: Kung ka-level namin po is wala.

Sen. Bam: Mas mataas?

SPO3 Lascanas: Ang mataas is si Sonny lang.

Sen. Bam: Iyon na po iyon? Iyon na po iyong kabuuan sa tingin mo, or sa inyong salaysay, ng DDS?

SPO3 Lascanas: Sa pagkakaalam ko lang po sa circle lang namin.

Sen. Bam: Na-mention mo kanina may tatlong grupo. Ito ba’y isang grupo lang? Or iyan na ho iyong lahat ng grupo?

SPO3 Lascanas:  Tatlo po ito. Dahil mayroong Rebel Returnees Association from Agdao. Ang handler po dito is si SPO4 Ben Laud. And then ang team leader po nila is si Cris Lanay. Dito naman sa Rebel Returnees ng Agdao is ang handler po dito is si Ludy Pagidupon. Iyong police handler is si SPO3 Teodoro Pagidupon. Mayroon namang Rebel Returnees from Mandong area. Ang handler din dito is si SPO1 Jim Tan.

Sen. Bam: Iyan na po ang kabuuan?

SPO3 Lascanas: Iyon ang pagkakaalam ko lang. Noong 2002, 2003 nag-spread po itong mga death squad noong inadvisan ni Sonny na every station commanders ng city proper ng Davao city na magtayo ng sariling death squad.

Sen. Bam: Sinasabi niyo every station commander may sarili silang grupo?

SPO3 Lascanas: Gumawa ng sariling death squad iyong every station commanders. Kumbaga nagkaroon na kami ngayon ng kumpetensiya. Kasi dati solo lang namin.

Sen. Bam: Pero kayo po hindi kayo base sa isang istasyon, central po kayo?

SPO3 Lascanas: Pangalan po namin, naka-assign po kami sa malalayong istasyon pero hindi po kami required na mag-report. Noong nadissolve na ang heinous crime, doon pa rin kami nag-istambay.

Sen. Bam: So technically, nasa may station kayo pero hindi ho kayo nag-re-report sa mga station na iyon?

SPO3 Lascanas: Hindi na po kasi mayors boys kami kumbaga.

Sen. Bam: OK. Mamaya tatanungin ko sa PNP kung ano iyong gagawin nila ngayon na may ganitong klaseng impormasyon, Gen. Marquez. Later, I will ask you.

Pati po iyong CHR tatanungin ko rin kung ano iyong magiging – what your response will be to these  allegations.

Sen. Kiko: Mr. Chairman, just very quickly, ilan ang istasyon? Sabi niyo bawat istasyon. Ilan ang istasyon?

SPO3 Lascanas: Ng city proper?

Sen. Kiko: Yes.

SPO3 Lascanas: Sta. Ana Police. San Pedro Police. Talomo Police. Sa-sa Police. Buhangin Police considered na rin sa city proper.

Sen. Kiko: 11 stations.

Sen. Bam: OK. Mr. Lascanas, so mayroon kayong grupo – sinasabi mo nga na more than 200 na iyong napatay mo. Iyong nasalaysay niyo po na mga maybe 7 or 8 today, pinili niyo po iyong mga hindi drug pusher at saka drug addict. Tama po iyon?

SPO3 Lascanas: Kami din po, your honor.

Sen. Bam: Mayroon ho kayo today iyong kinwento niyo kaninang umaga. Mga pito po iyon o mga walo na insidente. Iyon po iyong hindi mga drug pusher o drug lord o drug addict. Tama po?

SPO3 Lascanas: Opo, kasama na po rito ang mga Pala case, ang Patasaha, Bersabal.

Sen. Bam: Opo, I think nasa records naman po. Hindi niyo po kinwento iyong 200 pa na napatay pa. Gusto ko pong malaman kasi itong 200 – hindi niyo na po siya naisalaysay. Wala po siya sa inyong affidavit. Itong 200 mga kriminal po iyan?

SPO3 Lascanas: Halos po.

Sen. Bam: Ano po sila? Anong range po nila? Drug lord? Drug pusher? Drug addict? Palabuy-laboy? Ano po sila? Anong klaseng tao po sila?

SPO3 Lascanas: Halo po ito. May mga holdapper. May mga snatcher lang. Kasi iyon pong about sa mga drugs, depende po iyong mga ma-supply ni Sonny sa amin na pangalan through dito sa mga input ng barangay officials.

Sen. Bam: So nagbibigay po ng input iyong barangay official, hinahanap po ninyo, at pinapatay po ninyo?

SPO3 Lascanas: Opo.

Sen. Bam: Iyong pagpatay po ninyo, paano po? Ito ba’y riding-in-tandem? Hinahanap niyo po sa gabi? Ano po iyong paraan?

SPO3 Lascanas: Depende po sa weakness ng target. Pero usually dati riding-in-tandem. Pero iyong iba nakukuha naming buhay pinapacking na.

Sen. Bam: Ano po iyon?

SPO3 Lascanas: Pinapacking-tape ang mukha tapos itapon na lang.

Sen. Bam: Pinapacking-tape iyong mukha tapos tinatapon doon sa quarry?

SPO3 Lascanas: Hindi po. Iyong dinadala namin sa quarry iyong malakas ang habol. Minsan na-identify iyong isa sa mga operatives so hindi dapat makita iyong patay kasi makasuhan iyong operatiba. Dapat missing siya.

Sen. Bam: OK. So ito pong 200 na napatay po ninyo alam niyo po bang mali iyong ginagawa ninyo o tingin niyo po tama iyong ginagawa ninyo noong panahong iyon?

SPO3 Lascanas: Iyong mga panahong iyon, iyong mindset ko po is pagkaganitong mga klaseng tao, dapat na mawala na kasi perwisyo po. Maraming naperwisyo nila because ang mindset ko, na-adopt ko rin ito dito sa mentor ko na si Major Macasaet.

Pero naging mayor si Mayor, na-adopt na rin naming lahat kasi in-adopt din niya iyong ganung klaseng system. Ang tawag namin noong araw po, salvaging.

Sen. Bam: Salvaging?

SPO3 Lascanas: Yes.

Sen. Bam: So, itong 200 na napatay po niyo na kriminal, ang tingin niyo naman po, ok lang iyon?

SPO3 Lascanas: Sa akin po, ok po.

Sen. Bam: Kaya lang through the course of those years, may mga nadawit rin kayo na collateral damage, mga inosente, sabi niyo po kaaway sa pulitika na sa tingin ho ninyo hindi karapat-dapat na ma-salvage?

SPO3 Lascanas: Opo, pero na-motivate po kami doon sa reward system.

Sen. Bam: Ano po iyong reward system?

SPO3 Lascanas: Iyong pinapapatay na may presyo. Halimbawa kay Jun Pala.

Sen. Bam: So iyong reward hindi lang sa kriminal? Sinasabi mo iyong reward pati sa hindi kriminal?

SPO3 Lascanas: Opo, your honor.

Sen. Bam: Kasi, ilang taon ito. Mga 25… 20 plus years ito, noh?

SPO3 Lascanas: Mga ganoon po, your honor.

Sen. Bam: At what point, anong panahon iyong hindi na kriminal iyong napapatay ninyo?

SPO3 Lascanas: Iyong iba po hindi ko matandaan pero kung latest…

Sen. Bam: Hindi latest.. Iyong una. Kasi iyong tanong ko diyan, OK. Ibigay na natin na sa tingin mo, tama iyong ginagawa mo. Para maubos iyong kriminal, patayin na lang natin sila. Ipacking-tape iyong mukha. Itapon sa laot. Or ilagay sa quarry. But at some point, hindi na iyan kriminal. Tama, di ba? At some point, hindi na iyan kriminal.

At that point hindi mo naisip, mali na itong ginagawa ko?

SPO3 Lascanas: May mga panahon po na pumapasok iyan. Minsan pinag-usapan namin. Pero because of our loyalty to Mayor Rody, na-set-aside na po iyan namin.

Sen. Bam: OK. Loyalty o pera? Excuse me.

SPO3 Lascanas: Kasama na po.

Sen. Bam: Kasama na?

Sen. Kiko: Very quickly, with your permission, doon sa 200 na ikaw mismo ang pumatay, ilan ang reward mo roon? Lahat may reward?

SPO3 Lascanas: Halos po may reward. Pero kadalasan po…

Sen. Kiko: So, sa 200, sabihin mo, what? 180, may reward? 190? At saka magkano?

SPO3 Lascanas: Usually po tig-20.

Sen. Kiko: PHP 20,000? So, sa 200, tig-20 thousand per kill?

SPO3 Lascanas: Usually, ganoon. Kapag hindi masyado high-profile…

Sen. Bam: So umabot rin ng isang milyon iyan, Mr. Lascanas?

SPO3 Lascanas: Sa Pala case, iyon ang malaki.

Sen. Bam: Milyun-milyon na?

SPO3 Lascanas: Milyun-milyon iyon.

Sen. Bam: Ito iyong tanong ko. Paano niyo po ni-reconcile iyong mga killings po na iyan? Anong nakalista sa libro? Ano iyong nilagay ninyo? Death under investigation? Death by vigilante? Legitimate police operation? Paano niyo po nasara iyong mga kasong iyan? O, hindi na siya umabot sa libro?

SPO3 Lascanas: Iyong sa likod po ng pulis?

Sen. Bam: Opo.

SPO3 Lascanas: Wala po. Kadalasan po noon is usually kung palabas na ano legit ang operations pero pinaplantingan namin and then kung iyong… lalo na kung may pending pa na warrant-of-arrest, mas madali iyon.

Sen. Bam: So, pinapalabas niyo na legitimate iyong police operations?

SPO3 Lascanas: Yes, pero iyong iba naman is iniiwanan na.

Sen. Bam: Ano po?

SPO3 Lascanas: Iyong iba, iniiwanan na.

Sen. Bam: Iniiwanan, meaning wala lang? Missing?

SPO3 Lascanas: Hindi. Iba rin iyong missing. Iba din iyong baril na lang. Iba din iyong iwanan na siya.

Sen. Bam: So, ano po iyong kunwari, napatay niyo, iniwan ninyo, may magrereport po niyan?

SPO3 Lascanas: Mayroon po.

Sen. Bam: Babalik po iyan sa inyo?

SPO3 Lascanas: Opo.

Sen. Bam: Pagbalik po sa inyo, paano niyo po siya – ano po ang nakalagay sa inyong records o sa report po ninyo?

SPO3 Lascanas: Hanggang blotter lang po.

Sen. Bam: Hanggang blotter. So under investigation?

SPO3 Lascanas: Opo.

Sen. Bam: So pinapalabas niyo na legitimate iyong police operations?

SPO3 Lascanas: Yes pero iyong iba naman iniiwanan na.

Sen. Bam: Ano po?

SPO3 Lascanas: Iyong iba iniiwanan na.

Sen. Bam: Iniiwanan meaning wala lang? Missing?

SPO3 Lascanas: Iba din iyong missing, iba lang iyong barilin lang namin tapos iwanan na siya.

Sen. Bam: Siyempre, kunyari, napatay niyo, iniwan niyo. May magre-report po niyan.

SPO3 Lascanas: Meron po.

Sen.Bam: Babalik po iyan sa inyo.

SPO3 Lascanas: Opo.

Sen. Bam: Pagbalik po sa inyo, ano po ang nakalagay sa inyong records o sa report niyo?

SPO3 Lascanas: Hanggang blotter lang po.

Sen. Bam: Under investigation?

SPO3 Lascanas: Opo. Noong araw walang word na ganun, death under investigation.

Sen. Bam: Wala pong term na ganun, basta naka-blotter na lang. Iyong iba missing na lang?

SPO3 Lascanas: Iyong iba missing.

Sen. Bam: Sa PNP po, Gen. Marquez narinig niyo po ang sabi ni Mr. Lascanas. Marami sa amin dito nagsabi baka kailangan ng corroborating evidence kaya nagtatanong tayo tungkol sa paper trail pero puro cash naman. Mamaya tatanungin ko ang CHR tungkol sa quarry kung ano po ang mangyayari sa quarry.

Kayo po, mayroon kayong ganitong information, over 200 ang pinatay, ano po ang inyong action?

Gen. Marquez: With this, marami kaming iso-sort out dito dahil sa mga records na nakikita namin sa PNP, doon sa PRO 11 especially, mga unsolved po ang kaso.

In fact, nakalagay dito ang conclusion ay cannot proceed with the case dahil walang gustong mag-testify. Puro po ganon.

Marami po tayong maso-solve dito ngayon because of that statement. Pero iso-sort out natin ang statement niya at then kung ano ang nasa records.

Sen. Bam: So iso-sort out niyo po ang statement ni Mr. Lascanas, i-che-check niyo sa records niyo kung may ebidensiya pa, i-che-check niyo kung may corroborating. Kasi kanina na-mention ni Chairman Lacson, na mayroong person of interest, hindi naman siya nawala. He was just there.

Some of these cases, will they be reopened? What will happen to these cases?

Gen. Marquez: Kapag hindi pa po nag-prescribe, iyon po ang ipa-priority namin. We will be creating a probably a special investigation task group dahil marami po ito. In fact, na-surprise kami, he was talking about 200 to 300. Itong folder ko, hanggang K lang ito. Therefore, marami pa pala.

Idi-dig up po natin ang mga records nito and then ima-match natin, then maghahanap tayo ng corroborating evidence.

Sen. Bam: Gen. Marquez, currently iyong deaths under investigation, libu-libo iyon. The faster we can investigate kung ano talaga ang sitwasyon sa mga pagpatay na iyon, the faster we can say kung ito ba’y gawa ng vigilante, baka ito’y hindi naman drug-related. Ano ba ang status ng deaths under investigation?

Gen. Marquez: As of March 3, we don’t actually call it DUI, we call it murder or homicide cases. From July 1 last year, 5,400 na po ito, total number of victims, 5843, iyong mga murder cases na iniimbestiga ngayon, 4,023. Iyong filed in court, 1,377.

Sen. Bam: Ito pong 4,023, maganda pong malaman natin kung ano iyong kinahinatnan po nito. I had a previous report provided to my office, may love triangle, may personal death. Pero iyong lumalabas kasi, dahil mabagal ang imbestigasyon, ang lumalabas, lahat iyan puwedeng drug-related. Puwede, it’s possible until we find out kung ano talaga ang kuwento.

Lumalabas po na 90 percent, dahil mabagal ang imbestigasyon, puwedeng gawa iyan ng vigilante group.

Ano po ang komento natin sa lumabas na human rights watch report na wala daw vigilante group. That was direct indictment of the PNP. Meron po kayong komento doon?

Gen. Marquez: May na-find out po tayo, kagaya ng isang particular case, na na-check point natin, may dala-dalang bangkay na may dalang packaging tape. Na-find out natin na sindikato rin ang involved.

Sen. Bam: At least there is one case na may indication tayo na sindikato po ito?

Gen. Marquez: Opo.

Sen. Bam: Lumalabas po sa kuwento ni Mr. Lascanas is that, this is the same story of the Jee Ick Joo case, mayroon talagang grupo within the PNP na gumagawa po ng ganito. That’s why the priority the past couple of weeks ay paano linisin ang ating PNP.

Nasabi natin whether drugs iyan, ang sabi ni Sec. Aguirre international syndicate, o ito po mukhang gun for hire o hitmen for hire, kailangan talagang linisin iyan, Gen. Marquez?

Gen. Marquez: I agree with you your honor.

Sen. Bam: Tapos na po ba ang proseso ng paglilinis natin o di pa po tapos?

Gen. Marquez: Actually po, ginawa po nating separate campaign. Tinanggal po natin sa double barrel iyong internal cleansing. Ngayon, two-pronged approach nap o ang ginagawa natin.

Kanina, nag-relaunch na tayo ng double barrel at saka iyong tokhang.

At the same time, mayroon tayong separate internal cleansing campaign.

Sen. Bam: Mr. Lascanas, kayo po sa kapulisan, just to be fair to the PNP, lahat po ba in the region, alam iyang ginagawa niyo o may grupo lang talaga kayo?

SPO3 Lascanas: Sa grupo lang po namin, your honor.

Sen. Bam: Ilang porsiyento iyon ng kapulisan in Davao City or sa region?

SPO3 Lascanas: Small group lang po.

Sen. Bam: Iyong iba, hindi alam ang ginagawa niyo?

Lascanas: Hindi nila alam. Hindi rin po ito alam ng higher up ng PNP.

Sen. Bam: Hindi talaga alam o nagbubulag-bulagan?

SPO3 Lascanas: Personal ko lang pong pagkaalaman kasi kami po ang gumagawa. This is the side effect of the campaign of Mayor Rody. Nagiging enterprising na po ang mind namin.

Sen. Bam: My last question is for the CHR. Narinig niyo na po ang pangyayari ngayong araw na ito. This is the biggest EJK cases or a testimony or a confession regarding EJKs in the past maybe 10 years, 12 years, kayo na po ang magsabi. 200 deaths isang tao lang po iyan, isang grupo lang po iyan within the structure.

The first question, ano po ang gagawin niyo with this information?

Second question, ano po ang gagawin niyo sa quarry. Babalikan niyo po ba ang quarry? Ito kuwento pa lang ito at di ko alam kung may ibang magko-corroborate ng kuwento, but we’re looking for other evidence, may katawan, may paper trail, iyon naman siguro talaga ang trabaho ng kumite.

Let me ask CHR, ano po ang gagawin niyo with this information.

CHR: I would answer the second question first.

As a matter of fact in 2009, former chair De Lima actually went there incognito with some of our investigating team but they were not able to enter the premises because they were not allowed or there were security issues.

This attempt was not done with coordination with any of the security forces because they did not want to compromise their security by notifying the security forces there, because they suspected the police were involved in this cases.

They did attempt and because the security issues, they were not able to succeed going up the quarry site.

In the light of this new revelations, we will make another attempt, we will make arrangement to secure our people. We understand that this is a major security issue on our personnel.

We did attempt, Mr. Chairman, to visit the quarry but we just did not have enough resources to secure ourselves.

Sen. Bam: Apart from the quarry, will you investigate the confession or the testimony mentioned by Mr. Lascanas?

CHR: We recognize that this is a big development and this is an open case. If you will notice Mr. Chair, in our resolution dated 28 June 2012, the finding was limited to the failure, first there was a pattern of killings, and second there was a failure on the part of the local government to investigate this killings and third, it was recommended that the Ombudsman investigate the possible administrative and criminal liability of local officials, including the PNP for such failure to investigate.

But this was an indirect attribution to the possible liability of the local government. However, the two new witnesses that appeared, Mr. Matobato and Mr. Lascanas, would seem to point to a more direct involvement because this is not just only a matter of failure on the part of the local government but it would seem that the operations were being directed by some officials. In view of these developments, the CHR will be conducting and calling on these witnesses and requesting their affidavits.

By the way, in the resolution of June 2012, we did already make a recommendation that perhaps Congress should revisit the law giving supervision to the local government over the PNP. We recommended that maybe this policy or law should be revisit.

Transcript of Sen. Bam’s Senate media interview

On field trip tragedy

 

Sen. Bam: Sumusuporta kami sa CHED at sa LTFRB sa kanilang imbestigasyon sa nangyaring trahedya.

 Alam ho natin napakahirap nito sa pamilya ng mga nasalanta. Our hearts go out to the families, especially the parents of the youth who were killed in this accident.

 Mahalagang maimbestigahan natin at malaman natin ang mga repormang gawin sa guidelines. Malaman din natin kung mandatory ba ito o voluntary nga ba talaga.

 We will support the investigation of CHED and LTFRB and we will be filing a resolution to look into the matter sa ating Committee on Education.

 Probably by next week or next, next week, gusto nating alamin, unang-una, kung ano talaga ang nagyari at kung anong reporma ang dapat gawin upang maging safe ang out-of-school activities sa ating kabataan.

Nagsabi na rin po ang CHED na ang mga waiver na iyan ay balewala. Gusto nating malaman kung ano talaga ang bisa ng waiver. But even with waivers, hindi ibig sabihin niyan, hindi mo na gagawing pangunahin iyong safety ng mga bata.

Gusto nating malaman ang patakaran diyan and also sa pagkakaroon ng field trips. We agree in general na mahalaga ang ganitong klaseng activities but it must be done in a safe environment na alam natin na ligtas ang mga kabataan natin.

 Hindi naman kami naghahanap kaagad-agad ng blame dito sa bagay na ito. Ang mas gusto nating tutukan ang reporma sa ating guidelines upang mas masiguro natin na hindi na maulit ang ganitong trahedya.

Alam niyo, naibalita po iyan na may threat na ibabagsak. Definitely, tutol po tayo diyan. Kahit anumang dagdag gastos na mga activities, dapat po talaga optional at hindi siya part ng iyong grado.

 Gusto po nating makita iyan at maimbestigahan. Again, the committee will support CHED and LTFRB in its investigation.

Hopefully makahanap tayo ng mas magandang guideline for the future habang alam ho natin, nakapasakit nito sa pamilya ng nasalanta, we also want to make sure the rest of the public na hindi ito mauulit.

 

On SPO3 Arthur Lascañas

 

Q: Narinig niyo ba iyong presscon tungkol kay Lascanas?

 

Sen. Bam: Well, a number of us have already said that we will support the Committee on Public Order. Susuportahan po natin si Senator Lacson sa kanyang pagdinig doon sa isyu na ito. And as I said in my statement previously, kailangan ipakita sa Senado na impartial kami at independent. Kailangan pong ipakita na transparent ang proseso at payagan ho natin na mangyari iyong hearing  and then from there we can see kung totoo nga ba iyong sinasabi ni SPO3 Lascañas.

 

Q: May nagsasabi na dapat siyang ma-charge ng perjury.

 

Sen. Bam: Palagay ko. Yes. Alam mo kung under oath ka, at nagsabi ka ng isang bagay tapos binaliktad mo, you are liable for perjury.

So yes, under oath, sasabihin niya na nagsinungaling siya then, yes, he is liable for perjury.

But sa palagay ko ngayon, that’s the least of his concerns. Kasi umaamin siya sa murder. Umaamin siya sa mas mabibigat na mga bagay. Hindi lang sa perjury. Kumbaga, kung umaamin ka na sa pagpatay ng napakaraming tao, iyong pag-amin mo sa perjury, palagay ko, maliit na bagay na lang.

 

Q: Iyong pag-amin niya Sir, so how about iyong credibility niya?

 

Sen. Bam: Iyon iyong kailangan nating malaman. Tayo naman dito, sanay sa imbestigasyon. We can tell kung ang isang tao ay credible o hindi. We’ve had hearings on the BI, the Bureau of Immigration cases. We’ve had hearings on the Jee Ick Joo cases. Sa bawat hearing may mga nagsasalita and it’s up to the senators, the media and the public to determine kung totoo nga iyong sinasabi ng tao o hindi. Many times, kino-call-out namin kapag nagsisinungaling. But there are a few times kapag palagay na namin, nagsasabi ng totoo, kino-call-out din namin na mukhang totoo.                       

 

On Andanar’s allegations of paid media

 

Sen. Bam: Well, alam mo, let’s begin with the USD 1,000. Kayo kaharap ko kayo mga Senate media, ni isa sa inyo may nagsabi na may nag-offer ng USD 1,000.

Wala naman, di ba?  Wala.

So palagay ko mahalaga na i-check ni Sec. Andanar ang kanyang sources kasi baka nalilinlang din siya. Baka iyong kanyang source mismo, misinformation ang pinanggagalingan kaya tuloy nagsasabi siya ng mga bagay-bagay na hindi naman totoo.

Oo, sinabi nga niya na walang tumanggap pero kahit iyong offer man lang. Ni isa sa mga tao dito nagsabi na totoo iyon. At mahalaga na i-call-out natin iyan kasi hindi naman rin tama na kung anu-ano lang iyong sasabihin.

Sasabihin may intelligence report o may source pero wala namang nag-ve-verify. Wala namang sumasang-ayon sa report na iyon.

 So, palagay ko po iyong source mismo ang nagsabi na may offer. Wala namang nangyari talaga. Baka iyong source na iyon ang nagsabi na may destabilization plot sa Sabado na palagay ko, hindi rin iyon totoo.

 

On Andanar’s refusal to apologize to Senate media

 

Q: Iyong refusal, Sir, to apologize…

Sen. Bam: Well, alam mo, iyong… kami naman dito whether elected or appointed officials, sometimes nagkakamali talaga. At kapag nagkakamali ka, dapat aminin mo rin na nagkamali ka. Mag-apologize ka.

Iyong pagsabi kasi na may nag-offer ng USD 1,000 sa media dito sa Senate, it casts a doubt on the integrity of the whole PRIB, lahat kayo dito.

At alam kong masakit iyon. Nag-statement na kayo. Nagsabi na rin kayo wala naman talaga nag-offer.

Palagay ko, what Sec. Andanar can do is to check his sources. I-double-check niya instead of casting doubt on the media and the opposition, check his sources.

And kung malaman niya na talagang wala namang ganoong offer, talagang huwag na siyang maniwala sa source niya. And mag-apologize siya sa senate media.

 

Q: I-reveal na lang niya iyong source niya?

 

Sen. Bam: Well, iyan ang panawagan ng ilan sa inyo dito na i-reveal na lang niya iyong source para malaman natin kung pinupulitika ba iyong mga gawain dito sa Senado o hindi.                       

 

On Sen. De Lima’s call for Cabinet to declare Duterte unfit 

 

Q: Do you agree for them to go as far as that?

 

Sen. Bam: Well, that’s really up to them. Sa kanila iyan. I doubt that will happen because the Cabinet is the family of the President, kung tutuusin pero more than the officials, mas mahalaga kaysa sa amin na mga opisyales ang taumbayan dapat iyong magsalita doon.

Nakakatakot talaga considering na anraming patayan na nangyayari sa ating bansa. Maraming intimidation at harassment na nangyayari online and offline. Pero ang mahalaga espsecially now na inaalala natin ang panahon na tumayo at tumindig ang taumbayan na huwag nating kalimutan, that’s part of the Filipino fabric. Iyong magsabi, magsalita, tumindig kapag may mga bagay-bagay na sa tingin natin mali naman. 

 

On February 25 “ouster” plot

 

Sen. Bam: Well, alam mo, iyan naman iyong dati nang linya ng ating administrasyon kapag tumututol ka kahit sa iilang mga polisiya. Pinapalabas na plotter ka. In fact, maraming beses, napagbintangan na rin ang aming partido niyan.

But kailangan siguro nilang ihiwalay. Ano iyong destabilization plot, ano iyong part of the democratic process.

Palagay ko kasi, baka hindi sanay na may tumututol sa mga polisiya na hinahain nila sa taumbayan.

 We have a lot of policies na mabibigat na dinidiscuss ngayon. Iyong death penalty, iyong lowering the age of criminal liability, iyong ating constitutional changes.. At palagay ko, iyong ating Senate needs to fulfil its role in history na maging lugar kung saan may debate, may talakayan, may pakikipag-usap sa mga tao na iba ang pananaw.

And again, hindi dahil tumututol ka sa mga polisiya, agad-agad ay nanggugulo ka.

This is part of our democratic process. Kailangan pangalagaan natin iyong espasyo na lahat sa atin dito kayang magsabi ng gusto nating sabihin, na hindi tayo na-ha-harass at hindi tayo nababansagan na coup plotter tayo. 

Transcript of Sen. Bam’s questioning during BI scandal hearing

Sen. Bam: Simple lang po ang mga tanong ko but I’d like to bring back the events to the night of the 26th at 27th kung kailan nagkaroon ng palitan ng pera. Previously we had asked Atty. Robles and Argosino kung ano iyong version nila ng kuwento. Iyong version nila, may bribery na nangyari. Hindi nila hiningi iyong pera. Nag-materialize iyong pera. Nasabi naman ni Mr. Sombero na siya iyong nagdala ng pera but in their point-of-view, wala silang hiningi, dumating iyong pera and inuwi nila.

Again, according to them dahil may imbestigasyon.

Kay Mr. Sombero, he was very clear kanina na mayroong extortion attempt. Mr. Sombero, you were very clear earlier. Tatlo ho kasi iyong parties dito.

You have the associate commissioners, you have Sombero and you have the Jack Lam associates.

Gusto kong matanong si Mr. Yu, since mukhang kayo rin po ata ang nasasabing nagmamando ng mga tao. Ano iyong version ninyo?

Was there an extortion attempt? Was there a bribery attempt? Ano po sa tingin ninyo ang nangyari?

Alex Yu: Extortion attempt.

Sen. Bam: Extortion attempt. So, iyong sinasabi ninyong magbabayad ng bail, alam niyo na hindi talaga iyon bail.

Alex Yu: Alam namin, para sa bail. Eh, walang nagyayari afterrwards.

Sen. Bam: When you say bail, ibig mo bang sabihin, pormal na bail o iyong tinatawag na bail para lang ma-release iyong mga workers.

Alex Yu: Pagkaalam ko bail pagka-release ng workers.

Sen. Bam: Hindi siya official na bail. Alam niyo naman iyon?

Kasi may extortion. Sabi mo may extortion. Extortion equals illegal. I just want to clarify and I don’t know if Atty. Fortun wants to say a few words here.

Alam niyo na may iligal na nangyayari nung hiningan kayo ng pera.

Alex Yu: Your honor, hindi po namin alam na may iligal na nangyayari at the time kasi noong time na iyon, nagkakagulo na. So since nandiyan naman ang immigration, nasa Fontana din sila tulad ng sinabi ko kanina, pagkakaalam namin doon na mag-be-bail kasi nandoon na ang mga tao, eh.

Sen. Bam: OK, so gusto kong klaruhin ha.

Ang kuwento ba ninyo ay on the night of the 26th nung pinag-usapan iyong release ng pera na hindi iyon iligal, is that your story right now? You’re under oath, ha!

Alex Yu: Yes, your honor.

Sen. Bam: So, walang tumulong sa inyo na abodago? Sec. Aguirre, may I ask for your help here?

Wala naman hong bail na binibigay sa hotel? Wala naman pong bail na binibigay na personal?

Sec. Vitaliano Aguirre: Wala po. And actually, it should be paid to the Bureau of Immigration.

Sen. Bam: Opo. But wala hong transaction na bail na ligal na ginagawa in a casino, in a hotel, at midnight. Wala hong ganoon? Definitely.

Sec. Vitaliano Aguirre: Wala po. Siguro puwede mangyari iyon kung iyong perang kukuha sa bail ay kukunin sa ibang lugar. But the payment of the bail should be before immigration.

Sen. Bam: And definitely, pag nagbayad po, mayroong resibo iyon? May patunay na nagbayad kayo?

Sec. Vitaliano Aguirre: Definitely, po.

Sen. Bam: OK. Kina-clarify ko lang. Iyong bail na sinasabi ho ninyo, hindi talaga iyan bail. That was an extortion attempt. Sabi nga ho ni Mr. Sombero, extortion attempt. So alam mong iligal. Kayo ho ba, alam niyo na iligal iyong paglabas ng pera na PHP 50 million?

Alex Yu: Hindi rin ho. Nagtiwala kasi kami doon sa, unang-una, Next Game iyong nag-approve, hindi kami. Humiram lang ang Next Game sa amin, inaprubahan nila, pinaliwanag lang sa kanila nila Wally, sila Alex. Kinonsulta naman nila roon sa Next Game. Kasi siyempre, si Wally, inintroduce ni Gigi Rodriguez, na siyang nagbigay ng permit sa Next Game. So nung pagbigay ng permit, si Wally inintroduce nila, sila nagbigay. Nagtiwala kami sa kanila. Iyong Next Game.

Sen. Bam: Gusto ko tanungin si Mr. Yu. Just to clarify, for the record. Sabi mo kanina extortion. At that moment na sinabi ni Mr. Sombero, maglabas kayo ng PHP 50 million na goodwill, iyon po ata iyong term na ginamit, alam niyo po ba na iligal iyon o hindi?

Alex Yu: Hindi po.

Sen. Bam: Kailan niyo, sa inyong salaysay na iyon, na sinasabi ninyo na alam niyong iligal na iyon?

Alex Yu: Iyon, around ano na, 28. Ganoon.

Sen. Bam: Mayroon bang nag-advice sa inyo? Because you know, Mr. Yu, parang ang hirap paniwalaan. Mga professionals naman kayo. Hindi naman kayo mukhang bago sa ganitong negsosyo. Para sa aming lahat, magbabayad ka ng PHP 50 million, sa kalagitnaan ng City of Dream at 2:00 AM, sa mga commissioner, na walang resibo. Wala ho ata ditong magsasabi na mukhang ligal po iyong gawaing iyon. You must have thought twice about it na hindi kaya iligal ito, ini-extort tayo.

Are you saying right now na – I want to ask Mr. Yu – are you saying right now that at that moment, tingin mo, ligal iyon?

Alex Yu: Because of Wally is helping us, eh. Siyempre, iyong tiwala namin, lahat nasa kanya.

 

Sen. Bam: Wally is not a government official. Mr. Sombero is a former PNP Colonel. But you’re not a current… Mr. Sombero, are you a current government official? Hindi, noh?

 

Wally Sombero: I am already retired, Mr. Chair.

 

Sen. Bam: So you are completely of a private citizen. Your nature is completely of a private citizen?

 

Wally Sombero: Correct, Mr. Chair.

 

Sen. Bam: So, bakit kayo magtitiwala kay Wally, na sasabihin niya na hihingi siya ng pera at sa tingin ninyo ligal iyon?

 

Alex Yu: Iyong CEZA kasi iyong nag-introduce sa kanya so iyong tiwala namin and nag-go signal din iyong sa Next Game. Sila rin kasi may kuha ng lisensiya.

 

For us naman, eh, nanghiram lang sa amin, iyong pera.

 

Sen. Bam: Nanghiram, but in your testimony kanina, si Mr. Jack Lam iyong nagsabing ikalat iyong perang iyan para ibayad kay Wally para ma-bail iyong mga Chinese workers.

 

Wala hong abogado ang nag-advise sa inyo na iligal iyang ginagawa ninyo, at that time, on the night of the 26th and the 27th. Mayroon po ba?

 

Alex Yu: Wala po.

 

Sen. Bam: Atty. Fortun, were you already in the employ of Jack Lam at that time?

 

Atty. Fortun: No, Mr. Senator. I only came in on December 1 when Mr. Charlie Ang brought me into that meeting.

 

Sen. Bam: So, iyong desisyon na maglabas ng pera was between…? Sinu-sino po iyong nag-decide na maglabas ng pera?

 

Atty. Fortun: If I remember, your honors, it was really just the decision of the people who were involved in that meeting.

 

Sen. Bam: At that moment? I’m sorry, Attorney, kasi you weren’t there. So let me ask Mr. Ang, you also weren’t there? Wala ka rin noon noh?

 

So, Mr. Yu, sinu-sino iyong mga nag-decide? Si Mr. Ng, ikaw, at saka si Mr. Lam? Tama?

 

Alex Yu: Yes, opo.

Sen. Bam: And at any point, hindi niyo napag-usapan, parang iligal ito ah?

 

Alex Yu: Wala. It didn’t cross our mind.

 

Sen. Bam: It did not cross your mind? Na iyong paglipat ng pera sa mga BI, iligal?

 

Alex Yu: Hindi, kasi, iyong, tawag dito… iyong Next Game ang nagpapa-ano.. sila iyong nagmamadali, at nag-aapura.

 

Sen. Bam: But next game is also… who owns Next Game?

 

Alex Yu: Foreigner, eh.

 

Sen. Bam: Ah, so Mr. Lam does not own Next Game?

 

Alex Yu: No.

 

Sen. Bam: Who owns…? Mr. Ang, are you a part of Next Game also?

 

Atong Ang: Hindi kami Next Game. Sa Fontana kami. Nag-re-rent lang sila sa amin. Ang dami kasing mga ganyang mga foreigner na kumukuha ng lisensya sa First Cagayan, North Cagayan, not CEZA. First Cagayan at North Cagayan.

 

Sen. Bam: Kanina kasi nasabi niyo na si Jack Lam iyong nagsabing maglabas ng pera. At nasabi niyo rin kanina na si Jack Lam, iyong pera ni Jack Lam iyon.

 

Atong Ang: Pera namin.

 

Sen. Bam: Pera ninyo?

 

Atong Ang: Pera ng corporation.

 

Sen. Bam: Ng mga corporation? Na pagmamay-ari rin ni Jack Lam iyong iba?

 

Atong Ang: Your honor, hindi iyun kay Jack Lam. Iyong kay Jack Lam Jimei lang iyon. Pero iyong involved doon mga Taiwanese at saka Filipino group.

 

Sen. Bam: Iyong Lucky Titanium? And pagmamay-ari ba ni Jack Lam iyan? Mayroon siyang shares?

 

Atong Ang: No. Pagka-associate lang po.

 

Sen. Bam: In short, kayo ang inutangan para maglabas ng pera.

 

Atong Ang: Yes, kasi nag-le-lease sila sa amin. May mga deposit sila sa Fontana so puwede namin silang bigyan.

 

Sen. Bam: Ikaw, Mr. Ang matagal ka na rin sa ganitong klaseng negosyo. You’ve been in hearings hearings before. Dumaan na rin kayo sa mga court cases. Hindi niyo naisip na mukhang iligal yata itong hinihingan kami ng pera. Magbabayad kami si kalagitnaan ng City of Dreams?

 

It never crossed your mind?

 

Atong Ang: Unang-una, noong magkagulo, 24 or 25, 26, hindi pa kami ang in-charge diyan. Iyon pang Next Game. So nung kailangan na ng mga pera na, doon pa lang kami pumapasok, eh.

 

Sen. Bam: OK. So your story right now, for the record is, on the 26th, sa tingin niyo hindi iligal iyong ginagawa ninyo. Mr. Yu, for the record.

 

Alex Yu: Hindi po.

 

Sen. Bam: OK. Mr. Sombero, kayo po, nasabi ninyo, alam niyong iligal ang nangyayari. There was an extortion attempt that was happening. Bakit po iyong first reaction ninyo ay magbayad kaagad?

 

Why was that your first reaction? So, nasabi niyo na sa inyong affidavit, hiningan kayo ng pera. Ano ba iyong atin dito, etc. etc. Bakit po ang una niyong napiling gawin, ay humingi ng pera at bayaran kaagad sila?

 

Wally Sombero: Mr. Chair, with due respect, hindi po ganoon ang istorya. Hindi po ako nagbayad. Pinarating ko lang po.

 

Mr. Chair, alam ko po na hindi kay Jack Lam iyon. Alam ko po kay Next Game iyon. Ang Next Game po ay CEZA-licensed. Lahat po ng North Cagayan ay member po ng organization. Any locators under North Cagayan is obligado akong tulungan.

 

Sen. Bam: OK, time-out.

 

Mr. Sombero, unang-una nasabi niyo na kanina, alam niyong may extortion na nangyari. So alam niyong iligal ang paghingi sa inyo ng pera?

 

General po kayo noon o Colonel kayo noon. Kliyente niyo po sila.

 

Wally Sombero: Hindi ko po kliyente.

 

Sen. Bam: OK. They’re your partners.

 

Wally Sombero: Not even.

 

Sen. Bam: Anong iyong relationship niyo sa grupo ni Jack Lam?

 

Wally Sombero: Iyon pong sa Fontana, may umuupa sa kanila, iyong Next Game.

 

Sen. Bam: Your relationship to them?

 

Wally. Sombero: I have no relationship with them, your honor.

 

Sen. Bam: Eh, ikaw iyong lumapit sa kanila, eh.

 

Wally Sombero: Hindi po ganun ang istorya, your honor.

 

Sen. Bam: I’m sorry, Mr. Sombero, at least be clear.

 

Nagkaproblema sa Fontana, Mr. Ang. Tumawag iyong president ng CEZA, kausapin niyo si Sombero, baka makatulong siya. Tama?

 

Atong Ang: Hindi po CEZA, First Cagayan.

 

Sen. Bam: Sorry, First Cagayan.

 

Tinawagan niyo siya, “Mr. Sombero, can you help us?”

 

Atong Ang: Tumawag po si Gigi. Tumawag kay Mr. Norman. Dahil humihingi ng tulong iyong Next Game. So ang Next Game naman, siyempre, wala silang ano rito, sa grupo na namin humingi, kay Jack Lam na.

 

So, ang nangyari, ang inintroduce niya si Wally. Dahil si Wally ang may connection sa mga ganyan, eh.

 

Sen. Bam: So, si Wally nga sa tingin ninyo ang tutulong sa inyo sa problemang ito?

 

Atong Ang: Hindi din. Siyang inintroduce nung nagbigay ng lisensiya.

 

Sen. Bam: Yes, so what relationship do you have with Mr. Sombero? Siya iyong tumutulong sa inyo?

 

Atong Ang: Well, Jack Lam, hindi niya kilala si Wally talaga. Totally, hindi. Kilala ko man si Wally, matagal na kaming magkakilala pero hindi kami nagkakausap ng mga ganyan.

 

Sen. Bam: Is he your consultant?

 

Atong Ang: No.

 

Sen. Bam: Is he your agent?

 

Atong Ang: No.

 

Sen. Bam: Is he your representative?

 

Atong Ang: No, wala talagang…

 

Sen. Bam: So, anong relationship ninyo?

 

Atong Ang: Inintroduce lang siya nung North Cagayan para kausapin lang niya which is na air out naman niya ang mga taga-immigration. Naipaliwanag naman niya kay DOJ, kay Secretary DOJ kung ano iyong problema.

 

Sen. Bam: In short, siya iyong nag-aayos ng problema?

 

Atong Ang: Sometimes, may mga tao na marunong na ganyan. So, I think nagtiwala siguro iyong Next Game sa kanya.

 

Sen. Bam: OK. So, Mr. Sombero, ano ang relationship mo sa grupo ni Jack Lam?

 

Wally Sombero: I have no relationship with the group of Jack Lam.

 

Sen. Bam: Ano iyong relationship mo sa Next Game?

 

Wally Sombero: I have no relationship with Next Game, except they are the locator of North Cagayan. And all North Cagayan locators are my also my members.

 

Sen. Bam: So, bakit mo ginagawa ito? Kung wala ka namang relationship kay Jack Lam, ano iyong papel mo dito, Mr. Sombero? What is your role here?

 

Wally Sombero: Mr. Chair, salamat po sa tanong. Ako po ang presidente ng AGSPA. Ang AGSPA po ay Asian Gaming Service Provider with the advocacy platform of helping these providers and educating the government that there is a big revenue coming from this area.

 

Sen. Bam: So, ang ibig mong sabihin, because of your role in that organization, gusto mong ayusin iyong problema?

 

Wally Sombero: Mr. Chair, with due respect, hindi po ayusin, ipakilala at ipaliwanag ang kultura ng industriya na hindi po ito online gaming.

 

Sen. Bam: Mr. Sombero, let me stop you there. Nasagot mo na rin naman iyan kanina. Noong panahon, according to your affidavit, hiningan na kayo ng pera. Bakit iyong first reaction mo, puntahan iyong grupo ni Mr. Lam at humingi ng pera?

 

Textmate mo si Justice Aguirre, si Secretary Aguirre. Bakit hindi ka nagsumbong kay Sec. Aguirre?

 

Isa kang pulis. Bakit wala kang sinabihan na kapulisan? Na may nangyayaring krimen?

 

I don’t know. Kaya lang, Mr. Morente, kilala mo ba si Mr. Sombero? Do you know of him? Or does he have you number?

 

Comm. Morente: No, sir. I don’t know of him.

 

Sen. Bam: But definitely, may number ka ni Secretary. Bakit hindi mo sinumbong si Argosino at si Robles agad-agad?

 

Why didn’t you do what I would think the natural reaction is of somebody na inosente dito?

 

Bakit iyong first reaction mo, puntahan kaagad iyong Lam group at humingi ng pera.

 

Wally Sombero: Mr. Chair, thank you for the question. Ang pulis oepration po hindi ganun kabilis. Wala pa akong nakikitang crime. Kaya nga po inexpose ko ito noong magkaroon ng pera. Ako po ang nag-expose, eh.

 

Sen. Bam: Mr. Sombero, according to the Lam group, ikaw iyong nagsabi kung magkanong ilalabas na pera.

 

Is that right, Mr. Yu?

 

Sino iyong nagsabi kung magkano, kanino bibigay, saan ibibigay?

 

Alex Yu: Si Mr. Sombero, po.

 

Sen. Bam: So, according to them, are you saying hindi totoo iyon? O totoo iyon?

 

Wally Sombero: Totoo po iyon. Pero hindi po ganun ang pananaw ko. Ang pananaw ko, isang business decision nung time na iyon na nag-ne-negotiate. Wala pa akong nakikitang crime doon. Kasi walang pera, eh. Walang ano lahat. Kaya nga po sa COD ko dinala para ma-document kung mayroon man magkakaroon ng bigayan.

 

Ito po ang dahilan ng lahat kaya may ebidensiya. May CCTV. Alam na alam kong mayroon.

 

Sen. Bam: OK, I have a question. Kung nasabi mo kanina walang kinalaman naman si Sec. Aguirre. Textmate mo siya. Bakit hindi mo sinumbong kay Sec. Aguirre?

Or even kay Commissioner Morente, or kahit sino man?

 

Bakit hindi ka nagsabi “They are trying to extort money para maayos ang problemang ito”. Imbis, pumunta ka kay grupo nila Jack Lam at humingi ka ng PHP 50 million. Wala kang pinagsumbungan. Ni isang tao.

 

Wally Sombero: Wala ho akong hinihinging PHP 50 million. Iniimpormahan ko lang sila. Sila rin po ang nag-decide noon kasi ang alam na usapan, may usapang bail. 

 

Alam mo, isa pong business decision on the part. Hindi kay Jack Lam galing iyong pera. Hindi rin po siya ang Next Game. At nandoon po ako bilang isang organization na gusto kong i-save ang industriya.

 

Sen. Bam: Mr. Sombero, kanina iyong business decision naging pay-off eventually, if I’m not mistaken. Sabihin na natin, iyong pay-off.

 

Iyong pay-off na iyan, alam mong iligal. You were a former police officer. Alam mong may nangyayaring masama. Wala kang pinagsumbungan. Kasi kung sinabi mo sa akin, “I texted right away Comm. Morente, Sec. Aguirre. Sinabihan ko agad sila. There is an extortion attempt.”, baka maniwala kami na talagang wala kang kinalaman dito but bakit iyong dulo ng iyong actions is that you eventually facilitated iyong pagpasok ng pera kina Argosino at kina Robles?

 

Wally Sombero: Mr. Chair, thank you for that question again. You are a senator and I am a policemen. I have a different perspective in this.

 

Sen. Bam: Sige po, go ahead.

 

Wally Sombero: That’s the reason why I document it. That’s the reason why I coordinated to Gen. Calima. We need an evidence. We have planned for the entrapment operation on November 30.

 

Iyon po ang dahilan. Alam kong safe iyong pera because it was covered by CCTV.

 

If I really wanted to make this transaction safe, I will do it outside, not in COD.

 

Sen. Bam: So, ang sinasabi mo, Mr. Sombero, is mag-e-entrapment ka. Ang kuwento rin ni Argosino at ni Robles, mag-e-entrapment rin sila.

 

Ine-entrap niyo iyong sarili ninyo?

 

Wally Sombero: Mr. Chair, ayun pong nangyari sa COD, nang 1:00 am – 6:30 am, wala pong extortion. Wala pong bribery. It’s a pay-off. Dinocument ko po siya. Nakadocument siya sa CCTV para tumibay iyong ebidensiya.

 

Kasi po dinala ko nga po sila sa COD. Hindi ko kinuha iyong pera sa Fontana na pinapa-pickup nila sa akin.

 

Hindi po ako ang humingi ng pera.

 

Ako lang po ay tinitingnan ko iyong perspective na tumibay ang ebidensiya. I cannot do that if I do it in somewhere.

 

That’s why I brought them to COD. Wala kasing pera doon. Sabi nga ni Alex, “Wala kaming pera diyan.”

 

Sen. Bam: Pero nagkaroon ng pera eventually kasi nakakalat na ng PHP 50 million. So hindi totoong walang pera doon. May pera doon, nakahanap ng pera. Now, totoo nga na may CCTV doon. Nahuli nga ang mga pangyayari. Sorry, Mr. Chair. I know I’m out of time. Just as a last point, General Calima, at what point po nasabi ni.. do you agree with Mr. Sombero’s affidavit and testimony? Do you agree na entrapment procedure nga po ito at pinaalam po niya sa inyo?

 

Gen. Calima: Your honor, iyong unang pagbigay ng PHP 50 million, wala pa akong personal knowledge doon. Iyon na lang second demand nila na another PHP 50 million. Doon po ako nagkaroon ng personal knowledge.

 

Sen. Bam: So you’re saying na itong pangalawang pagkuha ng PHP 50 million, you’re agreeing with Mr. Sombero na entrapment nga ito?

 

Gen. Calima: We planned for an entrapment pero due to off-time, tapos Sec. Aguirre was already in public announcing that there is this bribery attempt so hindi na po natuloy iyong mga..

 

Sen. Bam: Sorry, last question, General Calima. Nabanggit ba ni Mr. Sombero sa iyo na may PHP 50 million na, na nag-exchange hands noong sinabi niya sa iyo na gusto niyang magkaroon ng entrapment?

 

Gen. Calima: Opo. Nung brinief niya po ako tungkol sa nangyari.

 

Sen. Bam: And what is your persuasion here? According to Argosino and Robles, they were being bribed. According to Mr. Sombero, they were being extorted. According to sina Mr. Lam, they were also being extorted. Eventually, nalaman nila.

 

Kayo po, ano po ang kuwento ninyo?

 

Was it an extortion? A bribery? Ano, ho?

 

Gen. Calima: Klarong-klaro naman po na this is an extortion attempt. Napunta na nga sa kanila iyong PHP 50 million. And iyong pangalawa po again, it’s very clear. Nasabi na rin po nila na naka-speaker phone na ito iyong demand ng another PHP 50 million, that they were really demanding for that PHP 50 million in coded terms na Five Folders.

 

Sen. Bam: So, in short, you stand by Mr. Sombero’s testimony?

 

Gen. Calima: Yes.

 

Sen. Bam: Is that the position of BI, Commissioner Morente?

 

Comm. Morente: I support the actions of Gen. Calima, your honor. Because he cleared with me the conduct of the entrapment operations.

 

Sen. Bam: So, kayo rin po, you agree with Mr. Sombero, Comm. Morente?

 

Comm. Morente: I do not agree, your honor. But I support the action taken by Gen. Calima when he was asked to help in the entrapment operations.

 

Sen. Bam: At any point, Mr. Commissioner, hindi kayo nasabihan ni … we established hindi kayo nasabihan ni Commissioners Robles and Argosino. Nasabihan po kayo ni Sir Sombero o ni Gen. Calima before all of this came out in the media?

 

Comm. Morente: Your honor, ang nag-inform po sa akin, si Gen. Calima.

 

Sen. Bam: Thank you, Mr. Chairman.

Transcript of Sen. Bam’s questions during Korean slay hearing

Sen. Bam: Maraming salamat, Mr. Chairman. I have three sets of questions, iyong SPO3 Sta. Isabel, at Ms. Marissa at later sana kung mayroong oras para po sa widow po ni Mr. Jee Ick Joo.

So, tanungin ko lang sana si Ms. Marissa. Iyong araw po na pinuntahan kayo ng tatlong pulis, ano iyong una nilang sinabi nila sa iyo kasi hindi po malinaw sa akin kung ito’y tokhang talaga o kinidnap lang ba talaga si Mr. Jee at ikaw? Or naghanap ba sila ng pera doon sa bahay? Or noong pagpasok po ba may nabanggit sila tungkol sa illegal drugs?

 

Marisa Morquicho: Noong nasa kusina po kasi ako noon. Bale, iyong bahay po nila is kusina, sala, diretso po. Noong pagpasok ko po doon sa kusina, may nakita po akong lalaki na nagbubukas po ng drawer doon sa sala tapos po nagtanong po ako. Sabi ko, “Bakit po? Ano po iyong hinahanap bakit ninyo dito sa loob?”

 Sabi niya po mga pulis daw po sila. Pulis daw po siya, may hinahanap silang shabu.

 

Sen. Bam: So, noong una nilang pagpasok, ang sabi nila naghahanap sila ng shabu.

 

Marisa Morquicho: Ang tao lang po noon, isa lang po ang nakita ko, si SPO 3 Sta. Isabel.

 

Sen. Bam: So, siya iyon? Siya iyong nakita mong naghahalungkat ng mga cabinet?

 

Marisa Morquicho: Opo, siya po.

 

Sen. Bam:  Mr. Rafael Dumlao, sinabi niyo kanina walang official operation ang PNP kay Mr. Jee Ick Joo.

 

Atty. Rafael Dumlao:  Wala po.

 

Sen. Bam: Tama ba iyon? Well, wala na si Gen. Dela Rosa. Maybe Gen. Marquez. Tama po iyon? Walang operations to surveil Mr. Jee Ick Joo?

 

Gen. Marquez: Yes, your honor. Because according to the report of AIDG, there was no OPLAN on that or case operation plan and there was no prior coordination or approval from the director.

 

Sen. Bam: So para lang malinaw, Marissa, ang boss mo, walang kinalaman sa droga.

 

Marisa Morquicho: Hindi ko po alam, Sir, kasi kapapasok ko lang po doon.

 

Sen. Bam: So, wala kang alam kung mayroon o wala.

 

Marisa Morquicho: Wala po.

 

Sen. Bam: Pero doon sa panahon na nandoon ka, wala ka namang nakita.

 

Marisa Morquicho: Wala po.

 

Sen. Bam: Mr. Sta Isabel, iyong operations ba na iyan ay sanctioned? Mayroon bang official operations sa pagkakaalam mo, ang PNP?Ang alam ko po Sir mayroon po dahil may pre-ops pong ginawa si Col. Dumlao. Pirmado po ng mga officers din po namin.

 

Sen. Bam: So, sinasabi mo may dokumento na nakalagay na i-surveillance si Jee Ick Joo?

 

Ricky Sta. Isabel:  Wala po akong nakita, iyong pre-ops lang po.

 

Sen. Bam: Kaya nga. So ang pre-ops mo ay dokumento.

 

Ricky Sta. Isabel: Opo.

 

Sen. Bam: So, mayroon ba talaga noon?

 

Ricky Sta. Isabel: Mayroon po. Pirmado po ng mga staff po ng AIDG.

 

Sen. Bam: Nakalagay iyong pangalan ni Jee Ick Joo na i-surveillance?

 

Ricky Sta. Isabel: Hindi po. Ibang pangalan po ang nakalagay po.

 

Sen. Bam: Paano mo masasabi na si Jee Ick Joo iyong gustong i-surveillance.

 

Ricky Sta. Isabel:

Actually Sir, iyong utos po sa amin ni Atty. Rafael Dumlao ay si Albert Chua po ang huhulihin at saka iyon po iyong binigay niyang warrant. Albert Chua po ang nakalagay sa warrant.

 

Sen. Bam:

Sino si Albert Chua?

 

Ricky Sta. Isabel:

Ayan po ang target ni Atty. Dumlao dahil mayroon po siyang mga information po roon at saka may holdings po siya doon at nandoon po iyong mga tao niya doon na nag-aantay rin sa Region III.

 

Sen. Bam:

Linawin ko lang ha. Si Mr. Jee Ick Joo, hindi naman siya si Albert Chua?

 

Ricky Sta. Isabel:

Opo.

 

Sen. Bam:

So, ang sinasabi mo ba mistaken identity iyong pagpasok niyo sa bahay nila?

 

Ricky Sta. Isabel:

Kaya nga po hindi po ako pumayag noong makita ko na iyong Albert – iyong si Jee Ick Joo iyong … sinama ko na po iyong mga dalawang tao na pinasama sa akin ni Atty. Dumlao na galing sa AIDG.  Kaya nga po noong nakita ko, dahil sinundan po naming papunta po sa gasolinahan dahil naflat-an po siya ng sasakyan. Noong nakita ko po na hindi siya iyong subject namin sa picture, hindi po ako pumayag na kunin po iyon.

 

Sen. Bam:

Teka lang, ha. Ang sinasabi kasi ni Marissa, ikaw mismo ang humahalungkat ng cabinet sa bahay ni Mr. Jee Ick Joo.

 

Ricky Sta. Isabel:

Your honor, hindi na po natin maalis po iyan dahil naturuan na po ng AKG iyan para po mabaon po ako at saka at hindi na po mapahiya si Chief PNP.

 

Sen. Bam:

Mr. Dumlao, mayroon po bang official operations kay Mr. Chua?

 

Atty. Rafael Dumlao:

Wala po, your honor.

 

Sen. Bam:

So, sinasabi mo, wala rin iyang Albert Chua. Si, Col. Ferro – mayroon po bang operations kay Jee Ick Joo?

 

Col. Ferro:

Sir, wala po Sir.

 

Sen. Bam:

Si Albert Chua?

 

Col. Ferro:

Sir, generic po kasi iyong name na iyan so may mga target kami na similar.

 

Sen. Bam:

Albert Chua, sa Friendship Village, sa Angeles?

 

Col. Ferro:

Ah, wala po Sir.

 

Sen. Bam:

So, sinasabi mo na itong sinasabi nitong si Sta. Isabel – fictitious iyan?

 

Col. Ferro:

Yes, Sir.

 

Sen. Bam:

So, Ricky, unang-una ang claim siyempre ni Marissa nandoon ka. Sinasabi mo wala ka doon.

 

At what point mo nakita si Marissa at si Mr. Jee Ick Joo? Sa kuwento mo.

 

Ricky Sta. Isabel:

Nakita ko na po iyan noong gabi na ipasakay po sa akin si Atty. Dumlao para ipapatay po at itapon ko po.

 

Sen. Bam:

Para ipapatay?

 

Ricky Sta. Isabel:

Opo.

 

Sen. Bam:

So, sinasabi mo na sinabihan ka ni Atty. Dumlao na patayin si Jee Ick Joo?

 

Ricky Sta. Isabel:

Hindi po. Si Marissa po.

 

Sen. Bam:

Na patayin si Marissa?

 

Ricky Sta. Isabel:

Opo.

 

Sen. Bam:

Anong naging reaksyon mo?

 

Ricky Sta. Isabel:

Nagulat po ako kung bakit po ako iyong gagawa dahil hindi naman po ako kasama sa nasabi nilang operations.

 

Sen. Bam:

Mayroon bang ibang tao na pinapatay sa iyo sa iyong tingin ang mga kasama mo sa PNP?

 

Ricky Sta. Isabel:

Wala po.

 

Sen. Bam:

Ito po iyong first time?

 

Ricky Sta. Isabel:

Kung saka-sakali, ito po iyong first time.

 

Sen. Bam:

Ok. So naghiwalay kayo ni Marissa. Sinasabi mo doon mo lang siya nakita.

 

Ricky Sta. Isabel:

Opo. Noong sinakay na po siya sa akin, para itapon siya para patayin siya pero ang ginawa ko po hindi ko po sinunod iyong utos ni Atty. Dumlao.

 

Sen. Bam:

Ni-release mo?

 

Ricky Sta. Isabel:

Binigyan ko pa po siya ng pera.

 

Sen. Bam:

Iyong PHP 1,000?

 

Ricky Sta. Isabel:

Opo, pamasahe at pangkain niya po.

 

Sen. Bam:

Marissa, tama iyong kuwentong iyon?

 

Marisa Morquicho:

Binigyan niya po ako ng PHP 1,000 pamasahe.

 

Sen. Bam:

Anong sinabi niya sa iyo noong ni-release ka niya?

 

Marisa Morquicho:

Sabi niya po papakawalan ka namin kasi wala ka namang kasalanan at saka mabait naman kami. Sabi niya pong ganoon. Tapos bibigyan ka namin ng pamasahe, PHP 1,000. “Saan ka ba uuwi?” sabi niya pong ganoon.

 

Sen. Bam:

Anong lugar po iyan, Marissa?

 

Marisa Morquicho:

Hindi ko po alam, Sir kung saan ako binaba noon.

 

Sen. Bam:

Quezon city?

 

Marisa Morquicho:

Kasi po Sir, noong ibinaba na ako sa sasakyan sabi nila pinaupo po ako at sabi magbilang daw po ako ng sampu bago tanggalin ang piring. Tap

​o​s noong binaba na po ako, nakaupo ako ,nagbilang po ako sampu at saka ko tinanggal iyong piring ko. Tapos nakita ko po iyong place parang kanto na liblib. Walang mga tao.

 

Sen. Bam:

So, kung naka-blindfold ka, nakita mo ba talaga si Ricky Sta. Isabel?

 

Marisa Morquicho:

Doon na po ako nila napiringan po sa may iyong isang compound po ng pasyalan.

 

Sen. Bam:

So, iyong car ride ninyo, wala kang blindfold?

 

Marisa Morquicho:

Wala po.

 

Sen. Bam:

Katabi mo si Mr. Jee Ick Joo?

 

Marisa Morquicho:

Hindi po. Nasa likod po.

 

Sen. Bam:

Nasa likod siya?

 

Marisa Morquicho:

Opo.

 

Sen. Bam:

Ok. Iyong kinikuwento ni SPO3 Sta. Isabel na ginamitan siya ng .45, nakita mo ba iyon?

 

Marisa Morquicho:

Hindi ko na po alam iyan kasi inilipat nga po ako sa ibang sasakyan.

 

 

Sen. Bam: Ang kuwento mo nandoon siya?

 

Sta. Isabel: Nandoon pa po nakapiring po.

 

Sen. Bam: So hindi rin niya nakita. So nakawala ka na. Ricky, pulis ka, may kidnapping na nangyayari. Tapos sabi mo ni-request ka na patayin mo ang isa sa mga kasama mo, alam mo naman mali iyon di ba?

 

Sta. Isabel: Tama po.

 

Sen. Bam: So hindi mo nga siya pinatay, ni-release mo nga siya.

 

Sta. Isabel: Opo.

 

Sen. Bam: Pagbalik mo noong nakita mo sila ulit, patay na si Mr. Joo.

 

Sta. Isabel: Opo.

 

Sen. Bam: At any point, hindi mo ba naisip, mali ito.Tigil natin ito, hindi ito part ng aking trabaho bilang pulis.

 

Sta. Isabel: Tama po. Wala po akong magagawa dahil ang alam ko po sir, legitimate operation po iyong utos ni Atty. Dumlao.

 

Sen. Bam: Ito rin ang tanong ni Sen. Risa kanina,

​ ​hindi ko rin maintindihan. Legitimate operation, pero pinapapatay sa inyo ang tao. Paano naging legitimate iyon?

 

Sta. Isabel: Kaya ko nga po hindi ginawang patayin iyong babae, kaya ko nga po p

​i​nakawalan po siya dahil alam kong mali po.

 

Sen. Bam: Nakakailang operations ka na sa AIDG?

 

Sta. Isabel: Pangalawa pa lang po ang sama ko na iyan. Ang unang operation ko po sa Binan, Laguna, iyong relatives po ni Robin Padilla, noong pag-assault po namin doon, naiposas ko ang lalaki allegedly asawa po ng pinsan ni Robin Padilla.

 

Noong naposas ko na po, nakadapa po at itatayo ko, bigla pong binaril ng isang opisyal po kaya nagulat ako, napamura ako.

 

Pumunta ako kay Atty. Dumlao, sabi ko nagmura ako, bakit ganito ang ginawa nito, biglang binaril e nandon ako. Kamuntik po akong matamaan, hindi ko alam na coronel pala iyon.

 

Sen. Bam: Umangal ka kasi baka ka matamaan at hindi dahil pinatay ang tao?

 

Sta. Isabel: Hindi po. Bukod po roon, siyempre ano na po iyon dahil nga nagulat ako biglang binaril, e ang alam ko hulihan lang iyon.

 

Sen. Bam: Anong pangalan ng operations na iyan o sino iyong inoperate diyan?

 

Sta. Isabel: Ano po ni Robin Padilla iyon sa Binan, Laguna, iyon po ang first na kasama ko sa  operation.

 

Sen. Bam: Mayroon po bang ganyang operation. Maybe we can ask Col. Ferro.

 

Col. Ferro: Mayroong operation sir pero ang sinasabi niya ay kasinungalingan. It was service of search warrant and based naman po doon sa mga testigo natin, sa pagpasok doon sa vicinity ay properly conducted po ang pag-serve ng search warrant.

 

Nagkaroon lang ng shootout kasi nanlaban po iyong involved. Iyon pong taong iyon ay very notorious…

 

Sen. Bam: So patay ang taong iyan?

 

Col. Ferro: Patay po.

 

Sen. Bam: So you are confirming na may ngang nangyari sa Binan, mayroon ngang patay pero sinasabi mo nagsisinungaling siya doon sa nakaposas na pero binaril.

 

Col. Ferro: Sa tingin ko po kasi obvious naman po sa simula pa lang talagang nagsisinungaling siya. Kasi kung alam niya na may nangyari sa Korean national, dapat po it took 3 months para malaman natin. Hindi sila nagsabi sa akin ng katotohanan.

 

Sen. Bam: Pero kino-confirm mo na ang Binan nangyari nga iyan pero not the way he said it.

 

Col. Ferro: Yes sir.

 

Sen. Bam: So Ricky, pangalawang operations mo ito. Iyong una, may binaril, may pinatay, according to you. Itong pangalawa hindi ka na nagulat o nagulat ka ba noong inutusan kang pumatay?

 

Sta. Isabel: Nag-react po ako na, bakit ganito, bakit ako pa ang magdadala ng patay na babae e huli nila iyan.

 

Sen. Bam: Nag-react ka kasi sa iyo pinagawa. Hindi ka nag-react dahil mali ang nangyayari, dahil may kinidnap kayo?

 

Sta. Isabel: Wala na po akong magagawa roon kasi officer po siya at lawyer po iyan. Alam ko po tama ang ginagawa niya dahil lawyer po siya.

 

Sen. Bam: Eventually, nasa Gream kayo, ilan na ang pina-cremate niyo sa Gream?

 

Sta. Isabel: Sir first time lang po iyong nautusan ako ni Atty. Dumlao na i-assist po sila doon, samahan sila.

 

Sen. Bam: Hindi ka rin nagulat sa pangyayaring iyon na pinapa-cremate sa iyo ang katawan? Alam mo namang mali iyon.

 

Sta. Isabel: Talagang alam ko po mali iyon kaya lang wala akong magagawa PNCO lang po ako, tauhan lang po ako.

 

Sen. Bam: Atty. Dumlao, para lang fair. Baka gusto mong magbigay ng statement.

 

Atty. Dumlao: Unang una po sir, kung titingnan po natin ang relasyon ng may-ari ng funeral parlor at saka siya, they go way, way back po.

 

Sen. Bam: Magkapitbahay pa siguro sila sa Caloocan, hindi naman?

 

Atty. Dumlao: Hindi ko po alam sir pero bale po lumalabas

​na​ mentor po niya iyon, mahabang panahon po sila nagsama sa Caloocan, lalo na po noong siya ay nasa Caloocan police. Hindi po ako na-assign ng Caloocan.

 

Sen. Bam: Atty. Dumlao, si Gen. Dela Rosa na mismo ang nagsabi na mukhang hindi lang naman ito isang tao, mukhang grupo ang gumagawa nito, so anong statement mo diyan.

 

Atty. Dumlao: Actually isa po iyan sa aking inaalam kasi noong narinig ko po ang sinabi ni Villegas na may kasama sila na hindi kilala, iyon po ang naging focus ko po. Pati po iyong ransom bago po ako ma-restrictive custody, pinipilit ko pong alamin e hindi ko na po nasundan iyong pagkakataon na iyon.

 

Sen. Bam: Col. Ferro, gaano kataas si Atty. Dumlao sa AIDG, ano ba ranggo niya?

 

Col. Ferro: Sir he is the team leader of special operations unit.

 

Sen. Bam: Ilang team leader mayroon ang AIDG?

 

Col. Ferro: There are several, kasi sir mayroon tayong special operating unit, mayroon tayong special investigation unit at inter-agency unit.

 

Sen. Bam: Anong kanyang powers and responsibilities. Kumbaga puwede ba siyang magsagawa ng operasyon na sarili niya?

 

Col. Ferro: Hindi po siya puwede sir na mag-conduct ng operation na sarili niya. Kailangan niyang mag-subject sa procedure natin.

 

Sen. Bam: So itong mga nangyari, sinasabi mo na wala iyan sa official AIDG function?

 

Col. Ferro: Yes sir.

 

Sen. Bam: Pero nangyayari ito?

 

Col. Ferro: Ito po’y isang isolated case since July up to this time, ito lang ang incident na nakita natin na wala po silang binigay na information sa atin kasi isa pong policy ng kapulisan is you should keep your commanders informed all the time. They violated the cardinal rule of informing their bosses.

 

Sen. Bam: Mukhang hindi siya isolated case because si Mr. Chua said earlier, lumabas sa kanilang grupo, marami na ring na-raise. I think in the papers, sinabi 11 cases reported to you of using the tokhang for ransom?

 

Mr. Chua: Yes your, honor.

 

Sen. Bam: I think si Gen. Dela Rosa sabi niya may mga umabot din sa kanya, so hindi siya isolated case.

 

Colonel Ferro: Sa AIDG, sir. Sa unit ko sir ito yung kauna-unahang nagkaroon ng ganyang

pong pagbaliwala sa ating sinusunod na procedure.

Sen. Bam: So general kanina po namention ninyo na may mga gumagawa nito. Sa bawat

hearing po natin laging akong nagtatanong, “Mga ilang porsiyento ng kapulisan yung

posibleng involved?” Last time sabi niyo po 2 percent.  Yun parin po ba ang statement ninyo,

na yung scallywag o yung gumagawa ng ganitong bagay? Kasi po talagang hindi lang

nakakahiya noh? Pero talagang karumaldumal yung mga pangyayari, grabe talaga.

Two percent lang po ba talaga?

 

Gen. Bato:   Less than 2 percent, your Honor kung pagbasihan naming yung records, your

Honor. If I may your honor, basahin naming ‘tong record namin your honor.

Recapitulation of PNP personnel with administrative cases, period covered January 1, 2016 to December 31, 2016.

Status of case dropped/unclosed: 140.

Case dismissed/exonerated: 58       

Dismissed from the service: 11

Demoted: 1

Suspended: 10

Reprimanded: 6

Restricted: 2

Total resolved cases: 228

While for the pending cases, your honor.

Under pre-charged investigation we have 238.

Under summary hearing procedure we have 659

A total of 893 pending case, your Honor. For a grand total of 1,121, your Honor.

So, hindi pa ‘to naka-one percent sa aming 165,000 PNP personnel, your Honor.

 

Sen. Bam: So hindi pa ‘yan 1 percent, general pero priority niyo po ito. Masasabi mo bang kasing priority nito ng war on drugs na linisin ng PNP? Kasi sa totoo lang po, self defeating noh kung hindi ho natin ma-aksyunan at malinis – matanggal yung mga ganitong klaseng gawain. Parang humihina po yung kalakasan natin dito sa war on drugs.

 

General Bato: Right now, your Honor, hindi lang kasing tindi. This is one step higher sa ating war on drugs yung internal cleansing na gagawin, your Honor.

 

Sen. Bam: Thank you for that General.

 

General Bato: Thank you, Sir.

 

Sen. Bam: Kumbaga yung priority ng PNP ngayon ang yung hindi na maulit muli ang ganitong mga bagay?

 

General Bato: Yes, your Honor.

 

Sen. Bam: Ano ang aksyon na gagawin ninyo? Actually, ito din yung pinag-uusapan ni Sen. Ping. Anong aksyon ang dapat mong gawin? Is it the filing of cases? Kasi yung kay Superintendent Marcos hanggang ngayon wala paring criminal charges na naka-file. Is it the filing of causes?

 

Ano yung main action point natin? Kasi nangyayari po ito at nangyari ‘yun sa loob ng Crame. Napakalapit po sa mga facilities po ninyo. Yung kay Superintendent Marcos sa loob ng kulungan. Alam ko na may nagpag-usapan rin tayo sa loob rin may pinatay pero na-charge na po ‘yun ng murder, diba? Kung hindi ako nagkakamali yung dalawa.

Ano pong gagawin niyo para maayos po ito?

 

General Bato:

Your Honor as advised by Usec. Co, your Honor, we have started it already. We will form a very strong counter intelligence unit within the PNP to monitor all the erring and scallywag policeman, your Honor. Kailangan ma-check namin po silang lahat before pa sila gagawa ng krimen, your Honor dapat meron na kaming ginawang measures para hindi sila makagawa ng krimen. Just like tanggalin namin sila lahat.

 

For example, yung AIDG tsaka yung anti-kidnapping group, klaruhin namin yung mga miyembro dapat talaga malinis, na walang record. So i-rereview po namin yan, your Honor at tatanggalin po namin yung mga may propensity to commit crime, your Honor.

 

Sen. Bam: Bakit ho sa tingin ninyo very brazen yung mga ginagawa nila? Parang walang takot. Isipin niyo may pinatay sa loob ng Crame, pinasok sa kulungan, binaril yung in custody. Sa tingin po ninyo bakit parang walang takot yung mga bagay na ‘to? Kasi yung yung hindi ko maintindihan. I mean, ngayon po na matindi yung focus sa PNP, diba parang walang takot yung mga taong ito?

 

General Bato: Your Honor, baka kung pwede lang, baka mas maganda tanungin natin yung Santa Isabel kung bakit ganun siya katapang? Bakit niya ginawa yung sa loob ng kampo, your Honor?

 

At tsaka si Dumlao, your Honor.

 

Sen. Bam:

 

Pakisagot ho. ‘Di na kayo nahiya sa loob niyo ng Crame ginawa ‘yan?

 

Ricky Sta. Isabel:

 

Your honor, wala po akong ginawang masama sa loob ng Crame.

 

Tanging tinatanim po sa isip namin ni Atty. Dumlao, alam ni Director iyan. Alam ni Chief iyan. Hindi ko po alam kung sinong chief, basta…

 

Sen. Bam:

Tinatanggi mo kasi iyan, noh. Maybe in the next hearing kapag nandito na si SPO4 Villegas na naka-witness ng mga pangyayari, puwede niyang sabihin.

 

Hindi ko na siguro kailangang tanungin si Atty. Dumlao. Ang sasabihin mo hindi naman iyan nangyari, Supt. Dumlao. 

 

Atty. Rafael Dumlao: Sir, wala po akong personal knowledge po sa may ginawa nila. Hindi ko po alam ang ginawa nila noon.

 

Sen. Bam: Ito nalang, Ricky. Iyong pagpatay sinasabi mo wala ka. Pero sa kidnapping nandoon ka. Iyong pagdakip kay Jee Ick Joo at kay Marissa, nandoon ka.

 

Bakit ang tapang ninyo?

 

Ricky Sta. Isabel: Sir, kung mabibigyan po ako ng pagkakataon na… kumpleto po ako. Mayroon po akong mga voice recording na maintindihan niyo po ang buong kuwento kung bakit po nangyari po iyan, Sir.

 

Sen. Bam: We’ll leave it to the Chairman kasi 47 seconds left na lang ako. Pero sagutin mo na lang si General Dela Rosa.

 

Kasi, sinasabi mo wala ka sa patayan pero nandoon ka sa kidnapping. Bakit ang tapang mo sa kidnapping? Alam mo ito iyong focus ngayon ng gobyerno, iyong war on drugs, tapos gagawin mo iyan?

 

Ricky Sta. Isabel: Sir, wala rin po ako roon sa sinasabing kidnapping po, Sir.

 

Sen. Bam: Pero nakita mo sila, eh. Nandoon ka eh, sinabi sa iyo, patayin mo si Marissa. So alam mong may nangyayaring masama.

 

Ricky Sta. Isabel: Noong gabi na lang po, Sir.

 

Sen. Bam: Let’s say, alam mo iyon. Sabi mo sa Binan pinatay iyong katabi mo. Bakit ang tapang ninyo? Ginagawa niyo iyan?

 

Ricky Sta. Isabel: Hindi po ako iyong bumaril. Nagposas lang po ako roon sa Binan po. Sila po iyong matapang, Sir.

 

Sen. Bam: Pero nandoon ka eh. Sinumbong mo ba iyan sa superior mo?

 

Ricky Sta. Isabel: Alam po nila po iyon dahil kanila pong project po iyan. Eh, bago lang po ako sa AIDG Sir. Bale, dalawang buwan pa lang po ako.

 

Sen. Bam: So, sinasabi mo na alam ni Supt. Dumlao iyan?

 

Ricky Sta. Isabel: Lahat po, Sir, kung mapapakinggan niyo iyong recording.

 

Sen. Bam: Tanungin ko na lang ulit. Ito iyong tanong ni General Dela Rosa. Bakit ang kapal ng mukha niyo, ginagawa niyo iyan?

 

Ricky Sta. Isabel: Sir, sa totoo lang ang puso ko nasa pulis pero hindi ko po ginagawa iyan. Kahit kailan po hindi po ako gumawa ng masama sa pulis.

 

Sen. Bam: Wala ka ngang ginawa pero nandoon ka naman noong may ginagawang masama. Wala ka din namang ginawa pagkatapos noon.

 

Ricky Sta. Isabel: Sir, nag-iisa lang po ako. Tao po nila lahat iyan ni Atty. Dumlao iyong mga kasama niya kaya wala rin po akong ma-a-ano dahil bago lang po ako noon. Wala po akong magagawa kundi sumunod sa instruction niya po.

 

Sen. Bam: Siguro, General Dela Rosa, si SPO4 Villegas baka sa susunod makapagbigay rin ng magandang testimonya tungkol sa mga bagay-bagay.

 

Sa tingin niyo po, sabi niyo, tanungin sila, pero sa tingin niyo, bakit ganyan pa rin?

 

Gen. Dela Rosa; Your honor, my presumption is that before pa ako nag-chief of PNP baka ginagawa na nila ito, your honor. Kaya ganito sila ka-hustler. Ganoon nalang ka-galing. Pati pag-cremate, alam na alam na kung paano gawin.

 

At knowing na, sabi ni Dumlao, mentor daw niya iyong may-ari ng funeral parlor na dating pulis na kasamahan niya sa Northern Police District na naging Barangay Kapitan ngayon, baka matagal na itong ginagawa your honor kaya ganoon na lang sila kalakas ang loob gawin itong mga bagay na ito.

 

They succeeded in these before so akala nilang kayang-kaya nating gawin ito ngayon. Eh, ngayon nabulabog ito, sabi nila “first-time”. Ako, I don’t have the facts pero you are asking me about my feelings bakit ganoon na lang sila kalakas ang loob at katapang. At alam naman na talaga nila na kapag nahuli sila, ako mismo. Gustong-gusto ko nang sakalin ito, your honor. Pardon me. Pero bakit nila ginawa iyan?

 

I cannot imagine your honor bakit ganoon. Baka nasilaw sa pera pero kung nasilaw sa pera hindi mo naman iyon madadala sa langit ang pera na iyan kahit ano pang gawin nila.

 

Sen. Bam:

General, siguro iyong pinaka-challenge sa atin and tamang-tama mawawalan na rin ako ng oras. Kailangan ipakita natin na hindi na ito puwedeng palampasin 

 

So kailangan ho talaga, speedy resolution of cases. Hindi lang slap on the wrist, hindi lang demotion o dismissal.

 

Kailangan ho, kasuhan talaga. Iyong mga taong involved, kung saan man ‘to umabot, kailangan they should be brought to justice talaga and I think iyon po talaga ang pinakahinahanap ng taumbayan rin sa kasong ito.

 

Sen. Bam on SSS pension increase, survey and SC decision on martial law

Transcript of media interview

 

On SSS pension increase

 

Sen. Bam: Nagulat rin kami na mayroon palang increase in premiums na ipapataw sa 34 million Filipinos. Dalawang milyon po kasi iyong SSS pensioners natin at sumuporta naman tayo sa pag-increase ng pension nila. 

Pero I think marami ring nagulat, pati na rin ang business community, iyong mga employer nagulat sa pagtaas ng premium na 1.5 percent.

 Aminado naman tayo na maliit lang ang 1.5 percent pero pag sinuma mo iyon, malaking bagay pa rin iyan.

 I think nagsabi ang SSS na ngayon pa lang sila magk0-consult sa employers at magko-contribute dito.

 Palagay ko kasi, ang kailangang gawin diyan, itaas ang efficiency ng pagkolekta ng kontribusyon, hindi iyong pagtaas ng premium ng mga miyembro.

 Ang alam ko, it’s up to the SSS to do that but titingnan na rin natin kung ano iyong tingin ng iba nating mga kasama.

 Marami po sa mga senador, nagtulak po nito at ang alam ko, ang pinakagusto nila, itaas ang efficiency ng pagkolekta.

 Gusto ko ring malaman sa SSS kung ito ba’y isang scheme na hindi mapeperhuwisyo ang kanilang kaban at iyong kanilang kakayahan na maipagpatuloy ng pagpo-provide ng pensiyong ito sa ating bayan.

 Siguro kailangan din nating tingnan ang mga numero. Sana ang SSS, makinig sa konsultasyon sa employers at employees organizations dahil medyo nagulat din ako na mayroon ganong palang pagtaas ng premium na parang hindi napag-uusapan noon.

 I think iyong mga pinag-uusapan noon ay pagtaas ng pensiyon na walang kasabay na pagtaas ng premium, bagkus iyong pagtaas ng efficiency sa koleksiyon.

 

On Pulse Asia survey on Martial Law

 

Sen. Bam: Tingin ko diyan, ang taumbayan natin naghahanap na ng bagong solusyon.

 I think nandoon pa rin ang mga problema natin. Mga problema sa drugs, problema sa terorismo pero malinaw sa survey na iyan, na ang mga Pilipino naghahanap na ng bagong solusyon, na huwag na tayong bumalik sa mga gawain na nakasama naman sa ating bayan.

It’ a complete rejection of this type of leadership, that type of governance na masyadong nakakiling sa violence o nakakiling sa martial rule.

 Ang taumbayan natin naghahanap ng bagong solusyon, hindi na iyong mga nagawa natin noon na nakasama sa ating bansa.

Nagbabago-bago rin iyong statement niya. May statement siya na hindi niya gagawin ang martial law pero mayroon din siyang naging statement na tatanggalin ang congressional approval doon sa Constitution.

 Sana pakinggan tayo ng Malacanang. Matapos na ang usapang ito. Clearly, kitang kita naman, 74 percent iyong mayorya ng taumbayan, ayaw na ng martial rule at naghahanap ng bagong solusyon sa mga problema natin.

Ang mahirap kasi, kapag may problema, parang iyon lang lagi, doon lang bumabalik lagi, na ang lang solusyon lang sa problema natin, magkaroon ng increased military presence, increased police presence, maging mas istrikto, maging mas harsh.

 Parang iyon na lang lagi ang mga solusyon na ibinibigay sa atin. I think iyong taumbayan, habang naghahanap sila ng lunas sa mga problema, naghahanap din sila ng bagong solusyon mula sa gobyerno.

 

On change in Senate leadership

 

Sen. Bam: To be honest, I have not heard of those. Wala namang usapan o chatter among the senators. So, I guess being in a political atmosphere, highly politically charged ang mga ganyang lumalabas-labas, but I think it’s just a rumor and walang veracity sa kuwentong iyan.

 

On SC decision on appeal on Marcos burial

 

Sen. Bam: I think they’re standing by their decision. Ang sabi ko nga, hindi na talaga legal ang pag-appreciate sa mga nangyari during the Marcos burial issue. Magiging historical na talaga iyan.

 History will judge these times na nilibing natin ang isang diktador sa Libingan ng mga Bayani.

 

 

TRANSCRIPT: Bam on free tuition fee in SUCs

Transcript of “Umagang Kay Ganda” interview

 

Q: Senator, paano po ba ang proseso ng deliberation at paano tayo nakaabot sa ganitong klaseng desisyon in terms of making a law para magbigay ng ganung subsidy sa mga estudyante?

 

Sen. Bam: Dalawang bagay. Unang-una, iyong budget for 2017 iyan iyong katatapos pa lang at may nakalaan na P8.3 billion budget for next year sa ating SUCs para sa libreng tuition ng mga estudyante. That’s for next year.

 Iyan ipinaglaban natin ng ating chairperson ng finance, si Senator Legarda, si Senator Lacson. Ang iba sa amin sumuporta po diyan.

 In fairness, pumayag naman ang Kongreso na ilagay iyan sa ating budget. For next year, okay na po iyan.

Ang gusto po natin, in succeeding years, maging institutional na po ito, na libre talaga ang tuition fee sa ating mga eskuwelahan.

Kaya tinutulak po namin iyong Free Tuition Fee in SUCs Act that we’re hoping to pass by March of next year para by June, nakalaan na rin ang mga detalye kung paano ito i-implement and for the succeeding years na rin.

 

Q: Senator, para lang di magkaroon ng kalituhan. Kunwari ang magulang bitbitin ang anak niya next year, i-enroll sa SUC, pag sinabing libre ang matrikula, wala na talagang babayaran?

 

Sen. Bam: Hindi po kasi ang binabayaran ng ating mga estudyante, mayroong tuition fee, mayroon miscellaneous expense. Kung ang kurso mo may laboratory, may laboratory expense pa ito. Kung engineering ka, mas malaki ang ibabayad mo.

Itong tuition fee is about 30 to 40 percent of the cost ng ating mga estudyante. Kahit paano, malaking tulong pa rin ito pero hindi po totally free.

 Ito po ay isang bagay na tinatrabaho pa natin. Hopefully, in the succeeding years, mas maging mura talaga at maging ganap na libre na ang ating tuition fee.

 For now, ang pinag-uusapan po ay tuition fee na 30 to 40 percent.

 

Q: Magkano ang inilaan ng gobyerno sa bawat estudyante sa taong 2017?

 

Sen. Bam: Roughly its about P8,000. Iyong average kasi natin is somewhere there. May mga ibang SUCs, nasa P6,000 a year. In fact, last week galing tayong Cagayan at Isabela, doon P3,000 per sem lang ang kanilang tuition fee.

 Noong nakaraang buwan naman, galing tayong Negros Occidental, P8,000 iyong kanilang tuition fee per sem. So magkakaiba.

 

Q: Lahat po ba ng estudyante iyan? Kasi halimbawa sa eskuwelahan ni Atom Araullo, ang mga estudyante diyan puro de kotse. Mas marami pa ang kotse ng estudyante kaysa sa teacher.

 

Sen. Bam: Actually, iba talaga rin ang sitwasyon ng UP. Kasi UP, being the premier university, kasama ang UP dito. Kasama siya sa state university and college. Although admittedly, mas malaki porsiyento talaga ng nasa UP ngayon ang masasabing may kaya.

But karamihan, the other 113 SUCs natin, iyong karamihan po diyan, mga kabataang nangangailangan.

Ang inilaan po namin na free tuition fee at iyong binabalak po natin sa batas ay walang diskriminasyon, walang pinipiling bracketing, walang pinipiling kurso.

 Lahat talaga ng pumapasok sa government state university at college, iyon po dapat libre na ang tuition. Iyon ang intention ng ating batas.

 

Q: Halimbawa sa UP, ang per unit sa UP ngayon is P1,500. Pinakamahal sa lahat ng mga SUC pagdating sa tuition. Kaya ko tinatanong na pati ang mapepera… siguro naman, kung nanonood sa atin ang mga kabarkada ko diyan sa Forbes Park na nag-aaral sa UP, baka puwedeng i-waive niyo na kung walang specific na makikinabang dito.

 

Sen. Bam: Alam mo Anthony (Taberna), the truth is kasi iyong UP system, isang school system iyan compared to nakapakaraming SUCs, Cagayan State, Isabela State, Tarlac State, Central Luzon State.

 Kahit kasama ang UP dito, masasabi nating sila talaga ang medyo outlier o medyo kakaiba talaga ang sitwasyon. But iyong karamihan, majority kung hindi man close to 70 to 80 percent, mga kabataang nangangailangan.

 Mahirap kasing gawing standard iyong UP Diliman ang standard mo for SUCs. Iba talaga siya.

 Hopefully by March next year, pasado na ang batas, maging yearly itong budget item na ito and talagang malibre natin itong part.

 Ang sabi lang namin, baka naman ilibre mo iyong tuition fee, iyong miscellaneous dumoble. Kailangan talagang bantayan na hindi tataas ang ibang fees habang nililibre mo ang tuition.

 

Q: Napag-usapan nga namin ni Tunying kahapon. Katulad sa amin sa Bulacan State University, pag nalibre po senator next year, kung saka-sakali ang mga susunod na taon, hindi naman ni-release ang budget, mahihinto sa pag-aaral, dropout.

 

Sen. Bam: Kaya namin gustong isabatas ito. Kasi ang budget mo, is good for one year. Definitely, malaking bagay po itong ginawa ng mga kasamahan natin sa Senate na ipasok ito for next year but gusto natin itong makita na regular and yearly.

Sana po ay maging yearly na with the passage of our bill.

 

Q: Bakit ang pahayag ng ibang senador ay P12,000 ang laan sa ibang estudyante ng SUCs, bakit ang nabanggit niyo ay P8,000. Ano ba talaga?

 

Sen. Bam: Magkakaiba kasi iyong per SUC. In some SUCs, P12,000 ang kanilang per year. Iyong iba nga P6,000 lang. More or less, ma-a-average out iyan. But ang balak talaga niyan, wala ka nang ilalabas para sa tuition fee.

 

Q: Sino ba talaga ang dapat naming pasalamatan natin dito? Pasensiya na, sa ganda ng istorya, nag-aagawan po ang sinu-sino. Sa inyo na po manggaling.

 

Sen. Bam: Panahon ng pagbibigayan. Dapat lahat ng kasama, masabi natin na mabigyan ng tamang praise. To be fair, ito po’y naging Senate initiative, wala po ito sa original budget.

 Naitulak po ito ni Sen. Legarda at Sen. Lacson. Ang iba nating mga kasama po natin na may ganitong adbokasiya, si Sen. Gatchalian, Recto, Angara, Escudero, marami ho.

 In fairness, noong hinarap natin ito sa Kongreso, pumayag din.

Matagal na itong pinaglalaban ni Cong. Sarah ng Kabataan Partylist, si Cong. Hofer.

 Kapag pinirmahan ni President Duterte ito, mayroon ding siyempreng praise para sa kanya dahil naituloy ito.  Si CHED is also behind this.

Huwag na nating pulitikahin ang edukasyon. Ang edukasyon napaka-importanteng bagay, kailangan tayong magtulungan.

 

Q: For the record, ito po kasing P8.3 billion na ito, originally sa ARMM po ito. Tapos ginawa ng ibang congressman, nilagay sa national DPWH. Noong nakita ni Sen. Lacson, pork barrel. Nabisto po ni Sen. Lacson kaya ang P8.3 billion from DPWH napunta po sa SUCs.

 

Sen. Bam: Tama iyan. Just for the record. And hopefully by next year, nagkakasundo naman ulit tayo dito, gawin na nating yearly. Ituloy natin ang batas na iyon.

Scroll to top