TRANSCRIPT: Bam on Leni Robredo, Negosyo Centers
Transcript of Interview in General Santos City, 11 January 2016
Q: Unang una po sa lahat Sen. Bam, kumusta po kayo? Ano po ang mahalagang bagay sa pagpunta ninyo dito sa Socsargen ang tinitingnan ninyo?
Sen. Bam: Opo. Nagbabalik po tayo dito sa General Santos. Kagabi po tayo ang guest speaker sa Hinugyaw Festival ng Koronadal, ito po ang panghuling gabi nila. Nagkaroon po ng napakasayang street dancing, at tayo po ang special guest po doon, at natutuwa po kami at nakabalik kami sa Koronadal gaya po sa General Santos.
Parang dalawang taon na bago tayo makabalik and we’re happy to be back. Kitang kita po napakaraming pagbabago po dito. Napakaraming mga bagong building, mga bagong highway. Napakalawak at nagulat din ako. Just happy to be back dito sa napakagandang Socsargen.
Ngayon po na pasimula na po ang session namin sa Senado, magsisimula na po next week. Mayroon pa po kaming tatlong linggo para itulak ang mahahalagang batas na nakabinbin pa.
In the past 2 ½ years, nakaka 8 laws na din po tayo. Ang una po nating batas ay ang Go Negosyo Law, nagbubuo po ito ng mga negosyo sa iba’t ibang lugar.
Dito po sa General Santos, sa DTI building, mayroon po tayong Negosyo Center dito. Ito po ang negosyo center na may pinakamaraming na-train na maliliit na negosyante. Over 5,000 po dito po sa General Santos kaya po natutuwa naman po kami.
Nasa Koronadal po kami kagabi mayroon na din pong bagong negosyo center po doon. Iyon po ang laman ng Go Negosyo Law po natin.
Q: So marami pong nagkabenepisyo na po?
Sen. Bam: Well sa Koronadal 3 weeks old pa lang siya. December 31 po siya itinayo, pero ang dito po sa GenSan May pa last year. I think over 5,000-6,000 na ang natutulungan.
In the Philipines mayroon na tayong 130 na Negosyo Centers and this is because of the Go Negosyo Law natin.
This year 2016, magkakaroon pa tayo ng dagdag pa. Ang total po by the end of this year 2016, magiging 300 Negosyo Centers na tumutulong po sa mga maliliit nating negosyante.
Q: Sen. Bam, ang balita po namin kayo po ang campaign manager ng LP, at lalong lalo na po kay vice presidential candidate na si Cong. Leni.
Sen. Bam: Opo ako po. Well nag volunteer po ako at naatasan din na maging campaign manager ni Cong. Leni Robredo at natutuwa naman po ako na maging kasama sa kanyang balak na pagtakbo na VP ng ating bansa.
Tingin po namin siya po yung pinaka mainam at pinakamaayos at pinaka-deserving na maging VP po ng ating bansa.
Q: Kasi dito sa GenSan hindi pa masyadong kilala si Cong. Leni Robredo. Anong klaseng congressman po siya or ano po ang background niya?
Sen. Bam: Actually sa totoo po si Cong. Leni, siya po ang pinakabagong national face na lumabas, October lang po siya nagdeklara.
Alam ko din po ang kanyang asawa na si Jesse Robredo malapit po sa mga mayors and governors dito sa Mindanao, in fact sa Koronadal po may Jesse Robredo Avenue na nakapangalan sa kanya.
But more than that, siya po ay isang tao na matagal nang nagtrabaho sa komunidad. Matagal na nagtrabaho kasama ang mahihirap sa ating bansa. Naging isang abugado sa Public Attorney’s Office, libre pong pagbibigay ng mga pagdedepensa sa mga kababayan nating nasasakdal na walang pera.
Sumama po siya sa Saligan, again nagbibigay po ng tulong, tulong ligal na libre sa mga magsasaka, mangingisda, katutubo. Iyon din po ang klase ng kanyang liderato.
Doon po talaga sa mga tao, sa mga komunidad, wala pong pag-aatubiling tumulong sa mga nangangailangan sa ating bayan.
Q: Ano po ang mga plataporma po ni Cong. Leni?
Sen. Bam: Well hindi po lalayo sa kanyang karanasan na pgtulong sa ating mga kababayan. Una po riyan ang economic empowerment po sa mga kababaihan. Siya lang po ang babaeng tumatakbo na VP, so naka-focus po ang economic empowerment pagdating po sa mga kababaihan at pagtulong po na magkaroon ng trabaho at negosyo.
Iyong pangalawa po riyan ay ang paglaban po sa gutom. Kasi ang hunger lalo na sa rural country side natin ay napakatindi pa rin. So ang paglaban po riyan gamit ang ating kultura at gamit po ang tulong sa ating mga kababayan na nasa kanayunan.
Ang pangatlo po pagsisigurado na ang ating kanayunan ay umunlad. Kasi po sa Metro Manila sa totoo lang napaka-congested na. Napansin ko rin dito may traffic na rin po.
Kita naman po natin na malakas ang traffic dahil ang ating development ang naka-concentrate sa mga siyudad. Dapat po ang mga kanayunan natin ay mayroon ding development para po ang mga kababayan natin, hindi na kailangan pumunta pa sa mga siyudad. O di kaya ay mahanap nila ang mga kanilang hinahanap doon sa kanilang nilalagyan.
Ang Naga po in the 19 years na panunungkulan po ni Sec. Jesse, nag-transform po ang Naga, mula sa isang 6th class municipality, naging isang siyudad.
Nakita po roon na hindi na kailangan pumunta ng Maynila upang makakuha pa ng oportunidad. Doon mismo sa Naga, nagawan na nila ng paraan para umunlad ang kanayunan, naging very successful, naging progressive.
At ang mga tao po roon, doon na nila nakita ang kanilang kasaganahan.
That’s another thing na binibigyan po niya ng pansin. Ang mga pagtulong po sa mga provinces natin, cities, municipalities na wala sa Metro Manila na magkaroon ng sapat na tulong upang sila mismo umunlad din.
Alam ninyo po, si PNoy kasama ko rin, hindi naman po kami pipili ng hindi makakatulong sa ating bansa. Kami po napaka-excited po namin sa kampanyang ito.
Naniniwala po kami na siya ang the best and most deserving po na makakuha ng tulong sa ating susunod na eleksyon. I’m very excited to work with Cong. Leni Robredo and Sec. Roxas as well.
Q: May mensahe po ba kayo sa GenSan at sa Mindanao?
Sen Bam: Ako naman po hindi naman ako tatakbo. Campaign Manager.
Kasi ang palaging batikos sa amin ang mga tumatakbo pumupunta lamang sila pag eleksyon. Ako po hindi po ako tumatakbo pero nandito po ako.
Unang una, para masigurado ang mga programang tinutulak namin ang totoo. Ang Negosyo Center po, iyan ang laman ng aking unang batas, iyong Go Negosyo Law.
Sinisigurado po natin na bawat lugar functioning hindi lang po magandang building, kaya po dito sa GenSan, sa DTI siya nakabase.
Sana po puntahan ninyo po kung kailangan ninyo ng trainings, paghahanap ng pondo, mga bilihin sa mga merkado. Pumunta po kayo para ma-avail ninyo po ang services sa negoso centers natin.
Kung hindi po maganda ang experiences ninyo, pakisabi po sa Facebook page kasi mino-monitor po natin. Kung maganda po ang experiences ninyo, sabihin niyo rin po sa amin para mabigyan naman natin ng complement yung mga centers po natin.
Dito po sa Socsargen, nakita po natin na very active ang pagnenegosyo. Ang maliliit na negosyo kailangan natin tulungan upang maging stable, sustainable, at maging mas malaking negosyo.
Iyon naman po ang naging pangako natin 2 ½ years ago at itutuloy po natin yan. So ako po, I just hope na makakabalik po ako ulit at sana sa pagbalik natin mas makita pa natin ang kaularan especially po sa mga small business owners natin.
In the next election sana po piliin natin ang tutulong talaga sa ating mga kababayan especially po nasa ibaba, nasa labas, at nasa laylayan ng lipunan, iyong mga nangangailangan sana po piliin natin mabuti ang ating leader.
Iyong puso po nila nasa mahihirap sa ating bansa. Salamat po.
Recent Comments