Transcripts

Transcript of Sen. Bam’s interview after NTC public hearing on minimum internet speed

 

Q: Update po sa public hearing?

 

Sen. Bam: This is actually a public hearing ng National Telecommunications Commission (NTC) regarding the memorandum circular on publishing your minimum internet speed. Diyan sa public hearing, nagkaroon tayo ng iba’t ibang mga mungkahi, iba’t ibang mga suggestions at kuwento mula sa iba’t ibang stakeholders mula sa private sector at cause-oriented groups at pati na sa consumers.

 

Mukhang lumalapit na tayo sa pag-i-issue nito and the NTC committed na within March ilalabas na niya iyong memorandum circular, iyong patakaran kung saan kailangang i-publish ng ISPs or telcos iyong minimum internet speed na nakukuha ng ating mga kababayan.

 

At the end of the day kasi, mahalaga na ang binabayaran natin, nakukuha natin. Mawawala na ang misleading advertisements, at the same time, kung ano talaga iyong ma-e-expect sa pang-araw-araw na gawain, pati na sa ating Internet, sa telepono man or sa ating mga bahay, makukuha talaga ng taumbayan.

 

Right now, ang naging issue dito is yung batayan ng speed. Kasi maraming paraan kung paano pwedeng makuha ang speed sa iyong bahay o sa iyong lugar, ang mahalaga mayroon tayong isang batayan or a main standard. Part of that process was allowing NTC to purchase equipment, both hardware and software, para mayroon tayong official speed talaga ng isang ISP sa isang lugar.

 

Bawat telco, bawat ISP, may kanya-kanya silang mekanismo. Hindi naman tayo nag-a-agree. Ang mahalaga dito, all the stakeholders agreed that the NTC will be the official na tagabilang kung ano ang official speed sa inyong area. It’s now a matter of purchasing the equipment and providing the software, not just for the NTC pero para na rin sa consumers, para tayo rin, gamit ang software na iyon, puwede nating malaman iyong official na speed sa ating area at maibangga natin sa mga kontrata natin sa telco at ISP at malaman natin kung nakukuha natin ang nakasaad sa advertisements.

 

Q: May consumers tayo na can’t express ang reklamo nila…

Sen. Bam: Actually, malakas sila mag-express, especially online. Binabantayan na rin namin yan. The first step is really having this official standard. Kasi he said, she said iyan. Sasabihin ng isa na nakita ko sa isang website mababa, sasabihin naman ng telco, sa aming pag-aaral mataas naman iyan. Kaya ang NTC natin na siyang regulator, hindi makasabi kung ano dahil wala silang equipment at wala silang opisyal na batayan pagdating sa bilis at quality of service. With the equipment that they’re purchasing and this is a good step, hiningi nila ito last year, binigay naman sa budget, ngayon bibilhin na nila, magkakaroon tayo ng totoong standards. In the interest of fairness, an individual can check their speed at ang telco ay puwede nilang makita sa tool na iyan kung ano ang bilis nila sa isang particular area. In that sense, mailalapit natin kung ano ang user experience sa sinasabi ng ISP at telcos na binibigay nilang kalidad.

 

Q: Mensahe ho para sa consumers natin?

 Sen. Bam: We’ve been having this hearings for a number of months already. Tuluy-tuloy ang hearing, maging sa Senado o maging sa NTC. Hindi natin pakakawalan ito hanggang maabot natin ang sitwasyon na satisfied ang mga tao pagdating sa kanilang internet speed, price and access.

 

Mahalaga ito sa mga tao dahil this is the way we communicate with relatives abroad, ito ang paraan kung paano tayo nakakakuha ng trabaho at nakakapagnegosyo. The only way we can move forward if is all sectors are helping each other. Hindi na sapat na we blame each other. We need to built a right internet infrastructure – ano ang kailangang gawin ng gobyerno, ano ang kailangan niyang ilaang pera sa budget natin, ano iyong kailangang gawin ng ating regulators at kung ano ang kailangang gawin ng consumers. Kasi napag-uusapan din iyong responsibilidad ng consumers pagdating sa internet usage.

 

Of course, kung ano iyong kailangan nating makita mula sa ating telcos at ISPs. Ano ang paraan na kailangan nilang ipakita para makita natin na handa sila na ibigay sa taumbayan ang binabayaran ng tao para sa kanilang serbisyo.

 

Transcript: Sen. Bam’s Questions during the Mamasapano Hearing Day 3

Sen. Bam: Chairman Iqbal, na kahit may violation, ipagpapatuloy pa rin ninyo ang peace talks?

Mr. Iqbal: On the part of the MILF, we are committed to peace. For us, there is no other option except the option of peace.

Sen. Bam: Sabi po ninyo, there is no other option but peace, I would like to ask regarding justice, ito rin po ang tanong noong isang araw, at masaya ako na nandito kayo para sagutin ang mga tanong nang diretsahan.

Kahapon po si Gen. Espina gave a very impassioned and emotional plea and the question regarding why his men were treated that way, I think that went to the heart of many Filipinos.

I’m sure nakita ninyo na rin po ang mga video, may reports na rin kayo on the grounds.

Handa rin ba ang MILF na tumulong sa ating government officials na arestuhin, mag-serve ng warrant kapag panahon nang mag-serve ng warrant of arrest at i-turnover ang mga gumawa po ng heinous crimes sa ating mga SAF 44. Handa po ba kayong tumulong?

Mr. Iqbal: Mahirap na tanong yan pero kayang ang usapin dito iyong justice. Kailangang mag-apply iyan sa two sides. Ibig sabihin, ang hustisya hindi lang para sa malakas. Ang pinaka-importanteng hustisya ay iyong para sa mahina.

However, regarding your question, I think we have a mechanism to address that question. It’s in the mechanism of the ceasefire agreement and the ADJA. The MILF, in the beginning, in 1997 up to today, we consider all signed documents as sacred. Even that agreement is signed between Muslims and non-Muslim.

Because it is the same whether you sign an agreement with a Muslim or with a non-Muslim, the sacredness of that agreement is there.

Sen. Bam: First of all, Mr. Iqbal, ang malakas at mahina in this case. Maybe traditionally malakas ang gobyerno at mahina ang kasama natin sa MILF, pero in this case, klarong-klaro po, mas marami po ang ibang forces.

Kung makikita po ninyo, mas maliit ang puwersa ang pumasok sa Mamasapano compared to the forces who were there.

Iyong nakita po natin kahapon, iyong nag-surface na videos at medico-legal, na may pinatay na harap-harapan, iyon po labag din po iyon sa karapatan ng MILF, di po ba?

Mr. Iqbal: Your honor, would you allow me to read a portion of the code of conduct of the Bangsamoro Islamic Armed Forces?

Sen. Bam: Please.

Mr. Iqbal: Its Article 1, Items 4,5,6 and 7. Number four, wounded enemy combatants. Never betray or be treacherous or vindictive.

Do not mutilate, don’t cut or burn palm trees or fruitful trees or home dwellings. Don’t slay sheep, a cow, camel or other animals except for food.

Number five, surrender enemy combatants. Maintain and observe justice at all times and avoid light retaliation. Protect and treat them humanly. That’s in the Quran.

Number six, prisoners of war or captives. Be kind at all times of captives or prisoners of war. Collect and care for wounded combatants. It’s still in the Quran.

Number seven, medical or distinctive signs. Respect personnel and facilities or persons bearing an object mark with signs as Red Cross or Red Crescent, including religious persons, military or civilians bearing white flag used for negotiation, truce or surrender.

You know, your honor, I am tasked by this one.

Sen. Bam: So sinasabi ninyo na iyong nakita ng taumbayan na pagtrato sa SAF 44, iyong pagpatay sa kanila nang harap-harapan at kung paano po sila pinatay, iyong nakita po natin.

Mr. Iqbal: Masakit sa amin iyon ang pagkamatay ng SAF.

Kaya nga ho kailangan ng independent investigation para makita natin.

Sen. Bam: Madam Chairman, I would like to give the last word to Gen. Espina. Yesterday po, mayroon kayong hinaing, brought Gen. Napenas to tears.

Many of us were moved by that statement. At this point, ano pa rin po ang hustisya na hinahanap ng ating kapulisan dito sa nangyari?

Gen. Espina: Katulad po ng nasabi ko noon pa, matagal ko na pong nilagay ang sarili ko doon sa paano humahanap po ng hustisya. Doon ho malalaman ninyo na. 

Katulad noong pamilya, ano ho ba ang gusto nilang mahanap so we’ll have a good perspective  of what really justice are we seeking. Kaya nga ho iyan, malaman ho ang katotohanan.

Kung malaman po ang katotohanan through investigation, dapat po maparusahan ang sinumang may pagkakamali at pumatay. Iyan na ho lahat iyan.

Hindi na ho kasi natin maibabalik ang  nagawan po ng injustice. Buti na lang at nandito si Chairman Iqbal, at least naiparating po natin sa kanila kung ano po ang nangyari sa mga pulis namin.

Maraming salamat po. I hope sama-sama po sana tayo. Apatnapu’t apat po ang ating namatay, sabi niyo sa inyo disiotso. 

We have to be both together here in seeking justice for our people. Iyong sa inyo naman po, sana maging ganoon din.

Excerpts from Sen. Bam Aquino’s Questions during the Senate Mamasapano Hearing

Sen. Bam kay Gen. Lapenas: Lumalabas na mayroon kayong judgment call na ginawa na umabot po sa kung saan tayo ngayon. So General Lapenas, first I would like to clarify na ang ating SAF forces ay best of the best?

Gen. Napenas: It is not 100 percent conclusion, your honor.

Sen. Bam: But you are the elite in the PNP?

Gen. Napenas: As far as the PNP is concerned, that is true your honor.

Sen. Bam: Kasi po may report na nailabas na ang pinadala natin ay mga baguhan, di po totoo iyon?

Gen. Napenas: That is not true your honor, the troops that we sent to Mamasapano, they’re the best of SAF.

Sen. Bam: And they accomplished their mission? Tama po?

Gen. Napenas: Yes your honor.

Sen. Bam: Iyon ating pong misyon, after everything that has happened, ang tingin ninyo po ba it’s a valid mission and a planned out mission?

Gen. Napenas: It’s valid and a very legitimate mission, not only for us but for the Filipino people.

Sen. Bam: Do you still feel that it was a well planned out mission considering na hindi nakapag-coordinate sa ibang ahensiya and what happened?

Gen. Napenas: Yes, your honor.

Sen. Bam: Kayo po ay nagbigay ng isang judgment call na huwag sabihan ang AFP, tama po ba?

Gen. Napenas: Hindi po ako ang nagbigay ng judgment call na ganoon, your honor. Nagbigay sa akin ng statement si Gen. Purisima. Nakalagay doon sa aming operation plan, mayroon po tayo doong coordination table na TOT o time on target.

Sen. Bam: Ito’y po’y nakasulat. Hindi lang po ito verbal?

Gen. Napenas: Yes your honor, nakalagay sa operation plan, nakasulat.

Sen. Bam: Na-submit ninyo na po ba ito sa committee?

Gen. Napenas: We will submit it already. I suppose it was received by the office of Senator Grace Poe.

Sen. Bam: Nakasulat po na iyong AFP, TOT, doon po sa plano. At ibinigay ito sa inyo ni General Purisima?

Gen. Napenas: Siya po ang nag-approve ng plano, noong April pa at noong  November your honor.

Sen. Bam: Throughout all of the operation na ginawa ninyo, TOT ba lahat ang operation niyo o eto lang ang TOT.

Gen. Napenas: Nagsimula lang ito noong November your honor because of what happened noong April na operations na na-compromise ang operation natin dahil ang coordination sa 61B at mechanized brigade ay mayroon po iyon na April 25 na operation.

They were supposed to provide us iyong mechanized. However, nagmo-move on the way iyong tropa namin, suddenly iyong 61B commander tumawag through P/Chief Supt. De Los Reyes who was then in front of him, tumawag sa akin na hindi magbibigay ng mechanized assets, nasa iyo kung i-go mo o hindi.

Nagdecide ako na i-abort iyong mission dahil walang iyong mechanized assets.

Sen. Bam: Kumbaga, nasabi ninyo rin ito kahapon. Noong nakikipag-coordinate kayo sa AFP, hindi natutuloy ang oplan. Noong hindi kayo nag-coordinate, doon ninyo nakuha si Marwan.

Gen. Napenas: That’s true your honor.

Sen. Bam: Ngayon pong nangyari na ang nangyari, do you still stand by that lack of coordination na tama lang po na TOT iyong ating AFP?

Do you still stand by that or ngayon po na nag-uusap na tayo ngayon, may 44 tayong kapatid na namatay, do you feel na dapat nakipag-coordinate na lang kayo sa AFP?

Gen. Napenas: I stand with that your honor because that has been deliberated accordingly during the preparations of the plan and during time that we’re doing mission planning because of so many reasons that if we do coordination prior to the AFP, we will be compromised in the operations again.

Sen. Bam: Iyon po iyong masabi nating first judgment na ngayon po ay pinag-uusapan natin.

Ang pangalawa po ay iyong pagtulong ng AFP. I would like to ask General Pangilinan. Ayun po, pinag-uusapan po natin. P

akiramdam po ng ibang resource speakers natin, hindi po naging sapat ang tulong ng AFP. Pagdating po sa boots on the ground, nakatulong naman po kayo? Tama po?

Gen. Pangilinan: Yes your honor.

Sen. Bam: Ito iyong sinabi niyong I approved 1 and 2 but not No. 3.

Gen. Pangilinan: Actually I did not say I did not approve but rather hold.

Sen. Bam: Pero hindi rin po natuloy ang No. 3?

Gen. Pangilinan: Because there was no request after that.

Sen. Bam: So iyong 1 and 2, definitely po, iyong mga kapatid natin sa Army, tumulong naman sila sa PNP?

Gen. Pangilinan: Yes your honor.

Sen. Bam: In fact, may na-save kayo na 17 from the 84th Seaborne.

Gen. Pangilinan: 17 unharmed and 11 wounded in action, your honor.

Sen. Bam: So iyong tanong na lang, bakit hindi kayo nagpaputok? Bakit hindi po kayo nag-artillery?

Gen. Pangilinan: Nag-artillery po kami noong bandang hapon when we already have a clear picture of what was going on.

Iyong sinasabi po natin na bakit hindi kami nagpaputok ng umaga, its because we did not have a clear picture, enough information that were necessary in order for us to provide artillery fire support.

Sen. Bam: General, that’s your judgment?

Gen. Pangilinan: Doctrinal po iyan, your honor.

Sen. Bam: You’re telling us now, hindi lang iyan isang judgment, sumunod po kayo sa patakaran?

Gen. Pangilinan: Yes your honor, isa pong doktrina na sinusunod namin when we were firing artillery fire support.

 

Sen. Bam: Gen. Guerrero, hiningan po ba kayo ng advice o ng order ni Gen. Pangilinan pagdating sa artillery fire?

Gen. Guerrero: The guidance I gave when I was informed by the OIC of the PNP about the encounter of the PNP-SAF is for Gen. Pangilinan being the division commander on the ground to provide support.

Sen. Bam: Sinabi ninyo provide support, and then Gen. Pangilinan, nag-decide ka na ito ang support na ibibigay ko pero itong isa, dahil wala pang impormasyon, hindi ko muna ibibigay.

Gen. Pangilinan: Yes, your honor.

Sen. Bam: That judgment or decision on your part, hindi po kayo nagsisisi na hindi niyo naibigay ang pangatlong hiling ng SAF forces?

Gen. Pangilinan: I have not, your honor.

Sen. Bam: Gen. Napenas, alam po ba ng SAF forces na walang coordination sa AFP?

Gen. Napenas: Alam po ng mga tao natin, kasama doon sa mission planning iyong mga commanders, kaya alam na alam nila ang coordination sa AFP.

Sen. Bam: Hindi ninyo po ba naisip na pag walang koordinasyon, that the risk will be so high na mahirap tayong ma-extract doon sa lugar? O you considered that doon sa pagpaplano.

Gen. Napenas: Na-consider po your honor but we bank on the statement of P/Dir. Gen. Purisima that he will take care of the coordination kay Gen. Catapang.

Sen. Bam: Did you expect na mayroong coordination through Gen. Purisima o ang expectation po ninyo ay alam lang nila ng TOT?

Gen. Napenas: I cannot answer iyong coordination ni Gen. Purisima kay Gen. Catapang.

Sen. Bam: Gen. Purisima, anong klaseng koordinasyon po ang nagawa niyo kay Gen.Catapang?

Gen. Purisima: Your honor, on Dec. 19, 2014, I facilitated a meeting of Director Napenas, Gen. Guerrero, Gen. Pangilinan for a coordination meeting in Camp Aguinaldo. This is to thresh out the possible operation.

Sen. Bam: Let me ask Gen. Catapang. Iyon koordinasyon po sa Dec. 19, hindi po iyon sapat para sa isang full coordination ng isang operation?

Gen. Catapang: Yes your honor, but there was another meeting on Dec. 23 wherein Gen. Guerrero, Gen. Pangilinan, Gen. Napenas, Gen. Magnaye, 3rd Air Division in Zamboanga to thresh out the tactical coordination needed.

Sen. Bam: Kumbaga po General, in general alam ho natin ang nangyayari, iyong specific di natin alam, for the record.

Gen. Catapang: For the record, yes your honor.

Sen. Bam: So palagay ko po, iyong dalawang judgment ng ating dalawang general dito is really put into question.

I would like to ask Secretary Roxas, at this point po ang taumbayan nakikita nila kung ano talaga ang nangyari. The two judgment, ngayon po magja-judgment naman ang taumbayan.

With regard to the judgment done by our leaders in this operation, kadalasan po pinag-uusapan ang hustisya. Sometimes, pakiramdam ko po, kapag humihingi ng hustisya, ang hinihingi vengeance, paghihiganti.

Kayo, nakausap niyo po iyong mga pamilya, ano ho sa tingin niyo ang magbibigay ng hustisya para mga namatayan nating Fallen 44?

Sec. Roxas: Nagsisimula iyong hustisya, iyong katarungan, sa katotohanan. Nadinig ko iyan mula sa mga biyuda, sa mga naulila, iyong walang silang closure.

Sen. Bam: Ano po ang magbibigay ng closure sa families ng Fallen 44?

Sen. Roxas: Ang malaman po nila ang nangyari dito. Natural sa isang pamilya na hindi nila alam ang detalye ng operasyon. Inaasahan nila na pag na-trouble ang kanilang mister o anak, na ang puwersa ng pamahalaan ay nandiyan na sasagip sa kanila. 

So itong mga katanungan kung bakit hindi natulungan ng artillery, o late na, o kulang. Totoo nga bang hindi nagkaroon ng full coordination.

Sen. Bam Aquino’s Answers during the Press Conference on the Truth Commission Launch

Q: Ano ang magiging scope ng iimbestigahan ng Truth Commission?

 

Bam: I think ngayon kasi ang daming misinformation na umiikot. Marami tayong nakukuhang mga text, mga post sa social media, contradictory, magkakaiba-iba and sometimes downright talagang misinformation.

Ang pinakamahalaga rito sa Truth Commission ay mailabas niya kung ano ba talaga iyong nangyari. What really happened, what really transpired and at the end, also go towards accountabilities. Kung ano ba ang accountabilities ng bawat grupo.

Right now, kung titingnan mo talaga iyong mga information na lumalabas, halu-halo tsaka magkaka-iba-iba.

The purpose of this is to really ferret out the truth and eventually deemed towards accountability. Makuha talaga ang hustisya na hinahanap ng taumbayan.

On the other hand, kung ano talaga ang nangyari doon sa operational matters of this Oplan Wolverine, so to speak, maganda talagang makita natin. We really need to find out the minutest detail what really happened and whose really accountable.

 

Q: With several bodies investigating, there might be confusion in the process and how would you deal with irreconcilable statements?

 

Bam: Unang-una, I’m of the mindset that these parallel bodies that will investigate, they really need to happen because iba’t ibang perspective iyan.

The PNP Board of Inquiry will of course report based on their perspective as policeman. The Senate will conduct its own inquiry and the House, at some point, will also conduct its own inquiry.

In fact, what we produce can be consolidated, can be verified, puwedeng ibangga sa output ng Truth Commission. Hindi naman ibig sabihin na isang Truth Commission, isa lang dapat ang nag-iimbestiga.

Different groups can investigate. Even the media is already investigating. I mean, it’s not a government body pero patuloy rin ang pag-iimbestiga ng media.

Mahalaga na lumalabas lahat ng mga perspektibong ito. Mahalaga na makita natin ang iba’t ibang signs but again this Truth Commission, if legislated, will be the body that is supposed out with finality doon sa fact-finding aspect of what happened.

I can probably imagine that the output of all these bodies will also be entered into the Truth Commission’s work. Kapag naglabas na sila ng fact-finding output o ng kanilang report, ganoon po ang lalamanin ng lahat ng government bodies na nagsagawa rin ng kanilang imbestigasyon.

 

Q: How critical is the result of this Truth Commission to the passage of the Bangsamoro Basic Law?

 

A: I think it’s quite critical. Mahalaga po talaga. I think all of us here are supportive of the Bangsamoro Basic Law.

Wala naman ho sa amin dito ang nag-withdraw ng aming suporta.

Pero ang hinahanap ng taumbayan ngayon hustisya. We need to find justice and the truth with regard to this issue upang pagbalik ng ating talks natin sa BBL, mas mapapalakas pa natin iyong BBL. Mas mapapalakas pa natin iyong kagustuhang magkaroon ng kapayapaan.

I predict that the BBL will probably have to be modified, or changed or amended based on what had happened.

Hindi naman puwede namang mawala na lang ito. I think iyong hangarin na magkaroon ng kapayapaan, hindi rin puwedeng mawala.

Definitely, there will be repercussions and changes in the BBL because of what happened not just because of the report of the Truth Commission.

Palagay ko, mahalaga na i-state natin na ang kapayapaan sa Mindanao, mahalaga po iyan, kailangan pong ipagpatuloy iyan. Kailangang ipagpalaban iyan but not at the expense of anything else.

Hanapin po natin ang hustisya dito sa isyung ito. Iyon naman ang hinahanap ng mga pamilya ng mga namatay na SAF 44.

Iyan din ang hinahanap ng taumbayan. Hanapin natin ang katotohanan.

Let’s hold accountable those who need to be held accountable so that if we resume the talks sa BBL or when we continue the push for peace, mas magiging malakas pa ang pagtulak natin sa kapayapaan.

 

Q: In the meantime, the passage of the BBL will be delayed?

 

A: Na-suspend po ang hearing sa BBL pero marami pong isyu na dapat talakayin doon. Senator Miriam is tackling constitutionality. Sa amin pong opisina, maraming pong naghikayat ng concerns ng indigenous people at kabataan.

A lot of these meetings and hearings can probably continue but the final output natin, talagang maaapektuhan po iyan nitong ating mga pinag-uusapan. Kasi hindi naman po siyan basta-basta ipapasa.

Marami pa pong kailangang gawing pag-aaral, hearings na tuluy-tuloy naman po ang pagsasagawa niyan.

I would suggest that we settle the issue on the SAF 44, iyong justice for SAF 44 as soon as possible so we can really get back to the BBL as soon as possible also.

 

 

Transcript of Sen. Bam Aquino’s Interview at the KOMPRe People’s Conference in San Fernando, Pampanga

On the Fallen 44 and the Bangsamoro Basic Law

Sisikapin naming magkaroon ng hustisya para sa mga kasamahan natin na pinatay. Of course, kasama ako sa sumuporta sa Bangsamoro Basic Law. Ang hangarin natin na magkaroon ng kapayapaan, tuluy-tuloy pa rin naman iyan.

In the meantime na nangyari na ang trahedyang ito, hanapin muna natin iyong hustisya. Tingnan natin kung sino ba iyong kailangang managot dito on both sides.

Sabi ko nga, both sides are accountable. Hanapin natin kung sino ba talaga iyong dapat ma-charge, dapat maaresto. 

Siguraduhin natin na mangyari ang hustisya.

Q: Iyong hearing po ba itutuloy?

A: Tuloy ang hearing. That’s going to be on Wednesday.

Gaya ng maraming Pilipino, gusto po nating malaman kung ano talaga ang nangyari. Sino ang nag-utos, bakit sila napunta sa ganoong klaseng perhuwisyo at bakit nagpatuloy ang bakbakan nang ganoong katagal.

Marami sa atin ang na-shock, nagalit, nagdalamhati dahil sa nangyari.

Ang taumbayan po natin, naghahanap ng hustisya para sa ating mga kapatid na namatay, hahanapin po natin iyan.

Q: Sa hearing, sino po ang ipatatawag?

A: Probably from both sides ang tatawagin. I think ilalabas pa nila ang invitations so we’ll find out.

 I’m hoping na lahat ng taong involved, nandoon talaga para malaman natin kung ano talaga ang nangyari.

Q: Sir, iyong sa pag-surrender ng arms ng MILF?

A: Hindi lang arms at personal effects ang hinahanap ng taumbayan. Ako nga I would even go as far as to say na kailangang i-turnover ang mga taong involved dito

Q: Gaano po ito makakaapekto sa Bangsamoro Basic Law?

A: Malaking epekto ito talaga. I’m sure the bill might be modified, amended or changed dahil sa nangyari.

But hindi ibig sabihin noon, kailangang pigilin natin ang proseso. We need to still push for peace.

At the end of the day, ayaw na nating maulit ito ulit. Kung maghihiganti tayo, kung lulusubin natin ang lugar, it will just create a cycle of violence.

Kailangan ng ating mga kapatid na namatay ay hustisya, hindi paghihiganti.

Q: Gaano po kahalaga ang BBL para ma-attain ang kapayapaan, compared po sa sinasabi ni Mayor Estrada na all-out war?

A: Sa all-out war ni Mayor Erap, di hamak na mas maraming namatay. Hindi lang 44 iyong namatay doon, mas marami pang namatay. Iyon ang ayaw nating mangyari.

I think if we push for the peace measures, ang kalalabasan niyan is hindi na mauulit itong ganitong klase ng massacre o ganitong klaseng trahedya.

Hinahanap ng taumbayan ngayon ang hustisya. Hinahanap niya ang totoong impormasyon sa totoong nangyari. Naririto ang Senado para matulungang makamit iyon.

At the end of the day, huwag sana nating pakawalan ang kapayapaan dahil sa kagustuhan nating magkaroon ng vengeance.

Transcript of Sen. Bam Aquino’s Interview on the Internet, SK and BBL

On the Slow and Expensive Internet

 

Q: Sir how likely iyong pino-propose na one-stop shop?

A: Iyan ang commitment ng NTC na mag-one-stop shop sila dahil lumabas sa ating hearing na ang isang telco ay mangangailangan ng sixteen steps, maybe six to seven national government agencies, pati iyong local government permits napakatagal it takes about six months to get any permit para makapagtayo ng tower (cell site) o ng infrastructure.

Alam natin na kapag dumadami ang infrastructure natin, mas bibilis iyong Internet connection natin.

Tinalakay natin sa hearing ngayon kung paano pabilisin ang proseso, push for ease of doing business at magkaroon ng very real solution to increasing our Internet speed.

On the side of DILG, nag-commit sila na kausapin iyong mga liga, cities, municipalities at provinces para maging standard ang mga fees na sinisingil at mga proseso para makakuha ng permit ang ating mga telcos.

Ang NTC naman, nag-commit sila na simulan iyong proseso ng pagbuo ng isang one-stop shop para lahat ng ahensiyang kinakailangan para magtayo ng towers, sa kanila na lang pupunta at kukunin ang permits na iyon.

Lumalabas na DENR, DOE, DPWH, DOH, all of these agencies ay kailangang puntahan para makapagtayo ng isang Internet facility.

We’re hoping na mapabilis ang proseso and this can be one of the solutions para mapabilis ang Internet speed sa Pilipinas.

Q: Ibig sabihin, magmumura rin ang rate ng Internet?

A: Not necessarily. This hearing was not on the rates.

This was on pagtulak ng infrastructure para magkaroon ng maraming towers at mga facilities para bumilis ang ating internet speed.

Q: May agreement na ba sa minimum speed?

A: That was the subject of our NTC hearing noong November.

The second hearing will be in February kaya hinihikayat natin ang mga kababayan natin to follow live on Twitter.  Nila-live tweet natin ang NTC hearings.

Iyong second hearing nila will be on Feb. 16 at iyong paglabas ng kanilang memo circular will be in March.

Ang maganda po riyan, naging bukas ang NTC na tanggapin ang suggestions ng civil society partners at iba pang netizens upang magkaroon ng totoo at tamang batayan sa Internet speed.

Ang naging contention po ngayon, wala pong opisyal na batayan sa ating Internet speed.

Kapag lumabas po iyon, puwede nang ibangga iyong opisyal na speed na iyon sa nakalagay sa advertisements natin kung naaabot ba ang naka-advertise na bilis sa nakukuha ng consumer.

Q: Ano ba dapat ang bilis?

A: Dapat nakukuha mo ang binabayaran mo. In short, kung five dapat five. Pag sinabing ten dapat 10. Kapag sinabing one, one lang diyan dahil ang assumption ay mura ang binabayaran mo.

Iyong mahalaga, and this is why it becomes a consumer issue kaya sa committee on trade, na iyong binabayaran ng ating mga kababayan ay nakukuha ang katumbas.

Hindi puwedeng mataas ang binabayaran tapos ang nakukuha ay substandard.

 

On the Sangguniang Kabataan Reforms

 

Q: Iyon pong sa SK, may hearing sa Congress mamaya. Kailan po ang naka-schedule na pagdedeliberate dito?

A: Ongoing na po iyan. Iyong SK reform bill nakahain na po iyan sa plenaryo and we’re hoping by March, maipasa na natin ang SK reform bill.

Ang panawagan namin sa Kongreso, at natutuwa naman kaming pumayag sila, ay sabay ang pagpasa at postponement ng SK reform bill.

Kung ipo-postpone lang po natin iyan na walang kasiguruhan kung kailan ang next election at walang nabago sa sistema, hindi po maganda iyan.

Ang main na panawagan namin sa Kongreso, this quarter we pass both the postponement and the SK reform bill, para pagbalik ng SK come 2016 kasabay ng barangay election, nakareporma na ito at bago na ang patakaran niya.

Specifically, gusto naming itaas iyong age ng SK officials mula 15 to 17 na aminado tayong lahat na masyadong bata to 18 to 24.

Magkaroon ng isang anti-dynasty provision na bawal maging SK chairman at mga kagawad ang mga anak ng barangay captain at barangay kagawad. I think malaking reporma ito.

Pangatlo, iyong mandatory training na kailangang dumaan sa tamang training ang lahat ng uupo sa SK para alam talaga nila ang patakaran ng good governance at patakaran ng pag-handle ng budget.

Pang-apat, ang pagsama ng iba pang youth organizations sa municipal council o iyong tinatawag nating local youth development council. Nakita natin na maraming kabataan na nagpa-participate pero hindi bilang SK, pero bilang council leader, bilang volunteer sa NGO o bilang volunteer sa kanilang simbahan.

Iyong structure na iyon ay dapat sumuporta din doon sa SK na bumubuo iyong local youth council na bubuuin ng iba’t ibang youth leaders at volunteers.

Ito ang apat na main reforms natin sa SK na gustong itulak para pagbalik po ng SK natin, hopefully, isa na itong body that we can really be proud of at talagang maaabot ang hangaring makatulong sa kabataan.

On the Basic Bangsomoro Law

 

Q: With recent developments, are you withdrawing support behind BBL? 

A: I think we should still pursue the BBL, in light of all the things that happened. Tatalakayin, kung hindi ako nagkakamali, sa susunod na linggo ang nangyari sa Maguindanao. I think all of us are interested to know kung bakit nangyari iyon, ano ang mga dahilan kung bakit tayo umabot doon.

Coming from that hearing, I’m sure na magkakaroon ng revision or amendments sa BBL. Remember we are still in the process of deliberation.

Iyong porma ng BBL, magbabago pa iyan. I think it’s premature to just say wag na lang.

Kung kailangang amyendahan iyan o baguhin iyan because of what happened, then gawin natin iyon. That’s the process of legislation.

Ang mahirap lang kasi ay papakawalan na natin agad. Hindi siya either or. Hindi ibig sabihin na papakawalan natin ito dahil nangyari ito or the other way around.

Mahalagang imbestigahan natin. We find out what really happened. Managot ang dapat managot.

Ask the difficult questions. At the same time, tingnan natin iyong kalalabasan noon doon sa BBL process natin.

I’m just hoping na huwag tayong magkaroon ng gut reaction na pakawalan agad natin dahil because of what happened. At the same time, alamin natin kung ano ba ang nangyari talaga and of course, iyong mga dapat managot, talagang managot sila.

People died. Ang daming namatay na kapulisan natin. Hindi puwedeng mawala na lang iyon. That has to be investigated, and if there charges that have to be filed, they have to be filed.

 

 

 

Q: How should we address ang demoralization among members ng SAF?

A: That’s why we will have that hearing next week. Hindi katanggap-tanggap na in the midst of peace process na nangyari ang isang bagay na iyon.

We need to find what really happened. At kung may mga taong dapat managot dahil diyan, dapat managot talaga sila.

Q: There were reports that the suspended PNP was behind the operation?

A: I don’t know the inside story kaya tayo mag-iimbestiga para malaman talaga natin.

Q: Sa rules, puwede pa ba siyang mag-command kahit suspended siya?

A: I don’t know the specific rules ng PNP, but ako like all of you, I’m very interested to join the hearing and participate so we can get to the bottom of this.

Q: You’re among those who signed BBL – 

A: Yes. I’m not withdrawing. As I said we should continue the process. Hindi ibig sabihin na ipagpapatuloy ang proseso na we will sweep this under the rug.

We have to contend with what happened in Maguindanao. Napakaraming pamilya ang nawalan ng breadwinners, mga ama.

That has to be settled and we have to find out what really happened. And that can be done through the investigations here.

I predict na because of that, there will be amendments or changes na mangyayari sa BBL. I just think that it’s a gut reaction to let go of the peace process right after this tragedy had happened.

Magandang pag-usapan na muna kung anong nangyari, imbestigahan, charged those who need to be charged. Get to the bottom of things and then see paano mababago ang BBL because of that.

Palagay ko, ang hangarin natin na magkaroon ng kapayapaan, hindi dapat maantala dahil sa nangyaring trahedya.

Q: Ano ang tingin niyo na possible impact if lawmakers decide not to pass the BBL?

A: Iyong goals ng BBL na magkaroon ng peace and development sa Mindanao, hindi matutuloy. This is a landmark legislation, a landmark move of our country.

It has the potential to change the way our country is. I’m hoping na we find out what really, charged those who need to be charged, matulungan natin iyong pamilya ng mga namatayan.

At the same time, see if the BBL needs to be changed or modified because of that and we move from there. Pero sana iyong hangarin na magkaroon ng kapayapaan dahil sa batas, hindi mawala at hindi tayo mawalan ng momentum doon  sa pagtulak nito.

At the same time rin, hindi rin natin dapat madaliin. We cannot also rush an important legislation.

I predict that we will go through the investigations, magkakaroon ng mga amendments pero iyong hangarin natin, dapat ituloy pa rin natin.

Q: Matutuloy po ba ang timeframe niya?

 

A: I doubt that it will be passed by March.

Again, the committees are still hearing it. Hindi ganoon kabilis ang pangyayari, especially sa ganito katindi at kahalagang lehislasyon.

So I’m still hoping we can get it passed this year. Pero sana huwag nating pakawalan o huwag tayong bumitiw ng basta-basta.

Sen. Bam Aquino’s Interview after the inspection of Noche Buena/Media Noche Goods at Welcome Supermarket in Pasay

QUESTION: Ano po ang inyong assessment sa inspection natin?

ANSWER: We checked ang Noche Buena list natin sa SRP. Lahat naman pasok. In some cases, mas mababa pa nga sila. We’re quite happy with the inspection. Pagdating nga sa pasta, compared to last year, malaki nga ang binaba sa presyo.

Of course, everytime bumababa ang presyo, masaya kami ni Usec Dimagiba at lahat ng mga namimili. So far, we’re happy to say that in this check, lahat naman pasok na pasok.

QUESTION: Iyon pong ham, napansin po namin, pabagu-bago po ang presyo?

ANSWER: Pagdating sa meat products, mayroon talagang fluctuations. Pero the ones that we saw earlier, pasok siya sa suggested retail price.

Sen. Bam Aquino’s Interview during the Destruction of Uncertified Christmas Lights at DTI

QUESTION: Ano po ang role ninyo sa activity na ito?

ANSWER: Ako kasi ang Chairman ng (Senate) Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship so we have oversight function sa Department of Trade and Industry (DTI).

Throughout the year, aside from helping our micro and small entrepreneurs, isang lagi rin namin ginagawa ay ang consumer check, of course with Usec. (Victor) Dimagiba and Secretary Greg (Domingo).

This time, ang nakikita natin ay iyong mga substandard Christmas lights. Dinudurog po siya rito, sinisira dahil hindi po ito safe sa ating mga bahay.

Kailangan tingnan po ang tamang sticker at dumaan sa tamang proseso para alam nating safe ang mga ito para sa ating mga bahay.

Ito po, iyong mga nakita nating substandard, walang tamang ICC sticker at kung makikita po ninyo, talagang marupok po ito at hindi talaga tamang gamitin para sa ating mga bahay

Q: Sir sa policy lang, paulit-ulit po kasi iyong problemang ito. Even if every year po ini-inspect po natin. From the policy side, ano po ang puwede nating gawin?

 A: From the policy side, pinag-uusapan namin ni Undersecretary Dimagiba, baka kailangang itaas ang penalties sa mga retailers na nagbebenta.

Last year, nag-check din tayo ng Christmas lights. This has to be a partnership between the public and government.

It won’t fully work kung panay confiscating lang ng DTI. Kailangan ang mamimili maging mapanuri rin sa binibili, tsini-check ang kanilang binibili kung akma sa kanilang mga bahay.

Q:  May proposal po ba kung gaano kataas ang penalties?

A: We’re discussing it now.  In fact, magkakaroon ng amendments sa Consumer Protection Law next year.

 

Transcript of Senator Bam Aquino’s DZMM “Garantisadong Balita” interview with Gerry Baja

Q: Kumusta ho kayo sa Senado? Kumusta ang hearing sa Senado?

A: Maayos naman Gerry. Today actually ang pagbabalik ng Senate. First day ng session namin. Galing lang kami sa two-week break. So mamaya balik na naman tayo sa mga pangyayari sa Senado. Tayo naman, of course, alam mo naman ang focus namin ay trade, commerce and entrepreneurship, iyon ang ating committee.

During the break, nagkaroon tayo ng hearing sa port congestion. Siguro, sa ibang araw puwede rin pag-usapan iyon kasi kakaiba rin ang usapin diyan.

 

Q: Mukhang may epekto ho iyan sa presyo natin ngayong papalapit na ang Christmas season?

 A: Iyon talaga ang binabantayan ng Task Force Pantalan at ng ating komite na itong port congestion natin kapag naresolba na sana at the soonest possible time, hindi makakaapekto sa presyo ng bilihin. Kasi iyon naman talaga ang ayaw ng mga tao, ang tumaas ang presyo ng bilihin.

Nandiyan din ang competition bill na isang napakabigat na bill. Ito iyong anti-monopoly, anti-trust bill at mamaya tatalakayin na naman natin ito. Ito ang isa sa mga priority bills ng Malacanang at priority ng ating komite.

Meron din kaming tinatawag na cabotage bill. Hindi iyan tungkol sa cabbage gaya ng sinasabi ng ilang tao. Ang cabotage bill po ay isang panukala na kumbaga, hindi puwedeng pumunta sa local ports natin iyong mga foreign vessels.

Of course, ginawa po yan dahil sa security concerns pero nakakataas din po ito ng presyo ng bilihin dahil tumataas po ang presyo ng logistics natin. In the end, napakataas po ang pag-ship ng produkto. So again, babalik po ito sa presyo ng bilihin.

Of course, binabantayan din po natin ito. We’re hoping that with some reforms, mapababa po natin ang presyo ng pag-ship ng produktong mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

 

Q: Marami po pala kayong tinututukan diyan Senator Bam. Pero ang marami sa ating kababayan, nakakatawag lagi ng atensiyon diyan sa Senado ay iyong hearing ng sub-committee ng Blue Ribbon?

A: Hindi po ako miyembro ng sub-committee pero puwede po akong dumalo.

 

Q: Pero bakit hindi po kayo dumadalo?

A: Unang-una, ang dami nating ginagawa. Of course, pagdating kasi sa pahayagan at sa media, parang iyon na lang ang ginagawa ng Senado. Pero ang totoo, maraming ginagawa, maraming tayong bills na tinatalakay. Palagay ko ang tatlo nating kasama, sina Senators Koko, Allan at Trillanes, talagang binigyan nila ito ng buong pansin. They put a lot of focus on this, kaya palagay ko sila na lang.

Ang stand ko diyan, kahit anong isyu ng corruption puwedeng imbestigahan iyan ng Senado. Kahit vice president pa iyan, presidente pa iyan, kahit barangay captain iyan, ganon po kalawak ang kapangyarihan ng Blue Ribbon.

Lahat kaming government officials, kung may mga akusasyon sa amin, kailangan naming harapin talaga.

 

Q: Mayroon hong second invitation yata ngayon kay VP Binay para umattend. Kung kayo ang tatanungin, dapat po ba siyang humarap sa imbestigasyon ng Senado?

A: Palagay ko, ang ginagawa niya sinasagot niya ang isyu through his lawyers, sa mga presscon. Palagay ko dapat per point masagot naman niya, kasama na doon lahat.

In fact, kanina na-mention mo, bakit iyong Malampaya wala pa. Ako, kahit iyon kailangang imbestigahan natin. Hindi naman puwedeng mawala ang isyu na iyon.

Iyong issues diyan, simple lang. Kung may mga ganyang klaseng akusasyon to anyone, kahit sino pa iyan, dati o ngayon, kailangang harapin niya.

 

Q: Kayo po ay miyembro ng Liberal Party. Napagbibintangan ho dito sina Senator Cayetano na NP, si Senator Trillanes NP at si Senator Koko PDP, wala hong LP pero ang sinasabi ng Binay camp, ito’y kagagawan ng LP. May nalalaman po ba kayo roon?

A: Hindi po namin napag-usapan ang hearing ni VP Binay. We’re given the respect of our having our own independence. Kung makikita mo naman ang mga moves natin, ang mga panukalang hinahain namin, it’s really more of an individual basis at hindi block voting.

Hindi ko alam kung saan sila nanggagaling pero makikita mo naman, hindi aktibo ang Liberal sa hearing na iyan. Pero kung umabot man iyan sa main committee, gaya ng panahon ng PDAF na buong komite ng Blue Ribbon ang duminig ng issues diyan, handa naman kaming makasama at makilahok sa mga pangyayari.

 

Q: Si Mayor Junjun Binay mukhang dedesisyunan na ho dahil hindi na siya uma-attend ng hearing.  Ano ho ba ang pagkakaalam niyo sa rules ng Senado, puwede bang i-cite for contempt ang isang local chief executive na ayaw umattend ng hearing?

A: Alam mo Gerry, hindi ako sigurado sa exact na panukala. Of course, ang kapangyarihan ng Blue Ribbon Committee napakalawak niyan. I’m sure kung ano man ang i-decide ng sub-committee, baka i-raise pa iyan sa main committee, kung ganon na katindi iyan na may mga contempt charges na or mga subpoenas na ibibigay.

 

Q: Senator Bam, ano ho itong Senate Bill 2122?

 A: Na-file po namin ito noong February 12, 2014. Ito ang tinatawag nating anti-discrimination bill. Sa totoo lang, ang sakop nito ay larger than the LGBT community dahil kasama po dito ang social class, race, religion, ethnicity, civil status, medical condition status at iba pa po.

Basically, ang sinasabi po nito, hindi po puwedeng mag-discriminate based on these issues. For example, mayroong establishment, kunwari hindi ka puwedeng pumasok sa restaurang na ito dahil bading ka o iba ang relihiyon mo, o dahil mukha kang busabos. Bawal po iyon at puwede silang sampahan ng kaso.

Sa totoo lang po, nasa Constitution naman natin iyan na mayroon tayong equal protection at dapat walang discrimination pero wala pong batas na masasabi natin na nagbibigay ng penalties ukol dito.

Noong binuo po namin ang bill na ito, hindi pa po namin nasa isip talaga ang hate crime kasi ito pong isyu ni Jennifer Laude, ito lang po ang nagbigay sa amin ng ideya na maglagay ng hate crime dito.

The bill, as filed, wala pang hate crime na nakalagay. Nakatuon siya sa trabaho at government services. Na kunwari, iba ang relihiyon mo, and you’re denied basic services because of race, religion, ethnicity, LGBT, medical condition status, puwede po kayong magsampa ng kaso against all entities.

 

Q: Sino ang kakasuhan?

A: Iyong offending party. Kung sinuman ang nagdi-discriminate. Sa totoo lang po, iyong ganitong klaseng batas, hindi naman po ito bago pero sa bansa natin, bago po ito. Sa ibang bansa, pangkaraniwan na po iyan na kapag nagdi-discriminate ka, puwede ka talagang parusahan.

Ngayon pong nangyari kay Jennifer Laude na nakita naman natin na karumal-dumal na krimen, isipin niyo po kung gaano ka-grabe iyon, puwede po nating masabi na kung ang krimeng iyon ay ginawa dahil siya ay isang LGBT, puwede pong tumaas ang penalty sa probisyon na balak natin isama.

In other countries gaya po ng Estados Unidos, ang kanilang hate crime legislation, matagal na po iyan, more than one hundred years na. Doon po, kung mayroon kang krimen na ginawa sa isang minoridad, dahil siya ay isang minoridad, matindi po ang isyu ng race sa United States sa tinatawag na African-American or American-Indian. Kung gawin mo ang isang krimen, especially pag violence po ito, binugbog mo o pinatay po. Dahil may kasamang aspeto na ginawa ito sa isang minoridad, tumataas ang penalties.

Iyon po ang gusto naming idagdag dito sa batas na ito although admittedly, wala pa po itong committee hearing. Balak po naming isama po iyon na kung mayroon mang krimen corresponding to violence, assault or even murder, in this case, kapag mayroon pong elemento dahil ikaw ay isang minoridad, puwede pong itaas ang penalties na ibigay sa iyo dito.

 

Q: Pati sa edad sinabi niyo sa trabaho?

A: Iyong edad po, wala pa siya sa version na ito. Pero may ibang laws na currently pinag-uusapan natin, iyong age discrimination, isasama natin iyan pag nag-committee hearing na tayo.

 

Q: Na dapat hindi i-discriminate sa trabaho kahit may edad na?

A: Nang walang rason. Kasi po makikita niyo sa ibang fastfood. Looking for hire, cashier must be 25 and below. Walang rason. Bakit iyong 26, 27 o kahit sabihin mong 50 years old, hindi ba puwedeng magtrabaho iyon.

In a hearing, diniretso na po namin ang DOLE, puwede po ba ito o hindi. Sabi nila, hindi po puwede iyan, gumagawa ka ng discrimination sa edad nang walang rason.

Pero sabi ng DOLE, wala naman kasing batas na nagbibigay ng penalty. Ito po ang batas na magbibigay ng penalty.

Of course, iyong trabaho na pinapasukan po natin, mayroon talagang rason kung bakit kailangang ganun katanda o kabata, iba po iyon.

If there are jobs na wala naman talagang reason kung bakit kailangan 25 years old, 26 years old and below, diskriminasyon na rin po iyon.

 

Q: Malawak po talaga itong panukalang batas ninyo Senator Bam. Masasaklaw na niya lahat ng klase ng diskriminasyon, mapa-trabaho, eskuwela at sa government services. Halo-halo na.

A: Kapag nag-hearing na po tayo dito, we hope na iyong iba’t ibang grupo, na ang feeling nila kulang pa ito, puwede silang lumabas o may mga iba na magsasabing sobra naman iyan, huwag nang isama ang civil status o political inclination, public hearing naman po iyan, puwede naman pong magtalakayan ang iba’t ibang grupo doon.

 

Q: Nabanggit niyo po ang civil status, hindi kaya maging daan ang panukalang batas niyo para magkaroon ng same-sex marriage sa atin?

A: Hindi iyon ang intention ng bill na ito. Mayroon na pong isang indibidwal ang lumapit sa atin at nagsabi na baka maging inroad iyan sa same sex marriage. Ang sabi ko naman sa kanya, alam mo ang same-sex marriage, matinding talakayan iyan that needs a separate discussion altogether. Ang bill na ito ay tungkol sa diskriminasyon at ito ang nararamdaman ng maraming Pilipino sa pang-araw-araw nilang buhay.

 

Q: Ang sabi ng iba, diskriminasyon daw hong maituturing kapag ayaw mong payagan na mabigyan ng kasal ang dalawang nagsasama na pareho ang kasarian. Diskriminasyon ba iyon para sa inyo?

A: Alam mo sa totoo lang, iyan ang isang bagay na kailangan pa talaga ng talakayan sa Senado at sa Kongreso.  Kasi, kung tutuusin ang usapin ng RH, lasted 20 to 30 years. Talagang mabigat ang usapan at noong nagkaroon ng botohan, talagang masabi natin na na-divide ang lipunan.

Any discussion on same-sex marriage will need the right type of debate and discussion in Senate and Congress. Open debate, in the same way na iyong mga  mabibigat naman na isyu sa isang democratic country, kailangan talaga pag-usapan  iyan na open, public at iba’t ibang grupo ang puwedeng mag-share ng saloobin.

Iyong same-sex marriage, sa totoo lang, will need amendments. May ibang nagsasabi na kailangang Konstitusyon din daw. Kailangan talagang pag-aralan pa, even the Family Code will have to change. That needs further discussion.

But itong anti-discrimination bill, palagay ko mabigat na ito, dapat pag-usapan na. Nangyayari na ito sa pang-araw-araw na buhay ng tao.

 

Q: Baka lapitan kayo ng mga miyembro ng LGBT dahil may kinalaman din laban sa diskriminasyon ang inyong panukala.

A: Actually, iyong LGBT community nag-consult naman kami sa kanila on this bill. They are in favor of this bill. In fact, marami ngang nagsasabi na dapat matagal na ito.

In our society, I’d like to think, we’re loving and caring society. Basta’t kapwa Pilipino natin, kapwa human being natin iyan, dapat maayos ang trato natin sa isa’t isa.

 

Q: Salamat po Senator Bam, magandang umaga po. Kami po’y natutuwa sa inyong pagbisita sa studio.

A:  Salamat po Gerry, at sa mga nakikinig sa atin, maraming salamat po.

Alam niyo po, itong bill, isa lang po ito. Of course na-mention ko na po iyong ibang bills natin.

Iyon isa pa pong tinututukan natin, iyong IRR ng Philippine Lemon Law, ngayon po ay binubuo na, at iyong Go Negosyo Law, na isa pong batas na magbibigay tulong sa maliliit nating negosyante.

Kahit po iyon, binubuo na po iyong IRR, pareho po ng Department of Trade and Industry. Binabantayan po natin iyan upang ma-implement at the soonest possible time.

 

Transcript of Sen. Bam Aquino’s Interview after the 2nd Port Congestion Hearing

Iyong problema natin sa port congestion, physically, medyo gumaganda na. Iyong paglabas ng mga containers tumataas na.  In fact, mas mataas na siya bago nagkaroon ng truck ban.

Pero iyong charges, naroon pa rin. Iyong increased charges na iyan ang nagdudulot ng pagtaas ng presyo ng bilihin.

We really have to look at the charges that are being imposed on the different stakeholders.

Iyong isang pinanggagalingan ng charges, mula sa shipping lines, we need to see kung justifiable ba talaga ang charges na iyon o hindi.

Mayroong mga charges na opisyal at mayroon ding unofficial o iyong tinatawag nating under the table. Iyon din, kailangang matigil din para mabalik natin ang sitwasyon iyong bago ang truck ban at ma-prevent natin ang pagtaas ng presyo ng bilihin.

 

Q: Iimbitahan ba ang shipping lines sa next hearing?

A: Yes. Ganito kasi iyan, iyong truckers pag dinadala iyong container, dinadala iyan to a specific container yard. At iyong partnership na iyon ay between the container yard at shipping line.

So walang rason, pagdating ng trucker doon sa container yard, sasabihan siya wala nang space. Ibig sabihin doon, hindi nagkaroon ng pagkakaunawaan ang container yard at shipping line.

Ang trucker naman, pinaalis siya walang space, dumadami ang oras na naha-hire siya, tumataas ang sinisingil niya sa importer. Ang importer naman i-cha-charge iyon sa taumbayan.

Kaninong responsibilidad na mayroong container yard, siyempre sa mga shipping lines iyon.

Ang masakit diyan, iyong shipping lines natin, kapag late binalik ang container, icha-charge ka pa rin.

In short, some of these charges need to be investigated. DTI has volunteered na tipunin ang mga shipping lines. I-analyze ang mga charges na ito at tingnan kung ano ba ang justifiable at iyon ba ang mamimihasa na lang. Nag-iba na ang sitwasyon at kailangan nang ibalik iyon sa dati.

 

Q:  Mas gusto pa nga nilang nade-delay, dahil higher ang charges ng shipping lines.

 A: Hindi lang shipping lines.

Marami pong mga elemento, na may gusto nilang may delay, gusto nila may inefficiency at gusto nilang may congestion kasi nakakapag-charge sila, nakakahingi sila under the table, ang talo diyan ang taumbayan.

Kaya dapat isa-isahin natin ito at tingnan natin ang mga charges na unjustifiable na. Ano ba ang mga proseso na nakakadagdag sa problema, legal processes.

We talked to Customs and BIR today, baka may proseso sila na dapat bawasan na and of course, i-curb natin ang corruption.

Sabi nila noon daw, may pang-tip sila, tagbe-bente pesos, iyong mga ganun daw libu-libo na daw ngayon.

We have to stop that and we can only stop that one is meron tayong monitoring, two mayroon tayong enforcement may nakukulong dahil sa bribes na iyan. At hindi lang siya sa government dahil sa private sector may pangyayari ding ganyan.

Pangatlo, we really need to push for technology dahil ito ang nakikitang solusyon dito. Kung mayroon tayong ticketing system o tracking system, hindi na magkakaroon na nagta-trapik sila, nagsasabay-sabay, nakapila sa port na wala namang negosyong makukuha.

If we have that technology, which these days din a ganun kahirap iyon, and they were following the system, it will help our truckers in terms of their efficiency and at the same time, puwede pang bumaba ang kanilang sinisingil dahil mas efficient sila.

 

Q: Do you agree to the proposal na no-human contact, no-paper policy?

 A: Ganoon po talaga dapat. As soon as possible dapat. In  fairness, kumuanti na nang kumaunti iyon through the years. Ngayon, talagang less and less na ang nakikita mo.

Pero siguro if we can implement that, not just for port operations, but for BIR and Customs, it will help solve corruption.

 

Q: May ilang foreign business groups na nagsabing they will stop business sa Pilipinas kapag di na-solve ang port congestion.

A: Kung mayroon silang mga issue, temporary lang iyan. Kung tutuusin, iyong ekonomiya natin ngayon, we’re the best economy in the ASEAN.

Mahihirapan sila na hindi i-access ang market natin. Maybe pansamantala, they’re having some issues but as fast as we solve this problem, they will be back because this is a huge market.

They need the Philippines to do business well.

 

Q: So hindi dapat balewalain ang threat na iyon?

 A: Siyempre hindi. Lahat ng negosyo dito iyong ang hinihikayat natin. We want more foreign investments in the Philippines, we want more trade to happen. That’s why patuloy itong mga hearing at patuloy ang pagresolba ng isyung ito.

 

Q: Do you think we can manage the influx of goods this Christmas season?

 A:  Since we started this hearing, marami nang improvements. Each step na may bagong improvement, may bago ring na-uncover na problema.

Palagay ko, ang kinakailangan naming gawin, bilang Committee on Trade, is to make sure na ang solusyon natin all the way.

Hindi puwedeng halfway lang. Pakakawalan natin and in a year’s time, ito na naman ang problema.

We have to go all the way.

If you notice na sa hearing natin, we went from short term to medium term to long term. The best way to resolve these issues, gawin natin ang short term sa mabilis na panahon pero huwag pakawalan ang medium at long term solutions kasi iyon ang magdidikta kung mangyayari pa ito uli o we can really move forward and improve our port situation and our economy and make sure na hindi magtaasan ang presyo ng produkto.

 

Scroll to top