Excerpts from the Interview of Sen. Bam Aquino during the Manila Port Inspection
Q: Sir, ano po ang assessment at findings ninyo sa Port Inspection?
A: So far, iyong problema ng physical congestion na-resolve na kasi itong areas na pupuntahan natin, a few months ago, may daloy na ang daan.
Kaya lang ang tanong ko, bakit marami pa ring nagko-complain? Marami pa ring nagsasabi na hindi ganoon kabilis ang paglabas pasok ng produkto sa ports natin.
In the next hearing, we’re going to tackle this. Previously, kahit si Secretary Almendras, na-mention na rin niya na may mga corruption issues tayo dito. May mga grupo, mga nilalang na pilit na nag-e-extort sa mga truckers natin, kaya hindi ganon kabilis ang pasok ng mga goods natin.
So in short, we’re trying to tackle this problem one step at a time. At least iyong physical congestion, nakikita natin malapit na iyong solusyon diyan o nangyayari na iyong different solutions. Nagkakaroon na ng technology.
Iyong pagtanggal ng truck ban nakapag-ease ng traffic natin at iyong daloy ng produkto. Mayroon pa ring natitirang problema na kailangang tugunan.
One I think at the minimum, we need to be able to resolve iyong mga corruption issues at the ports. Makita natin na walang extra charges o mga fake charges na binibigay mga negosyante natin. Mahalagang bagay iyon.
Pangalawa, pag-usapan ang long-term solutions. For example, the connector roads. Iyong paglatag ng bagong rail facilities natin. I think this also needs to be discussed para makita natin na ang solusyon natin sa port congestion ay hindi pangmabilisan kundi pangmatalagan.
Q: Nabanggit po ba sa inyo ni Secretary Almendras kung saan nanggagaling ang corruption, sinong tao o sinong organization?
A: Sa October 16, we’ll have a second hearing, Ilalantad din namin iyong iba’t ibang reports na nakukuha namin.
Iyong mga charges kasi dito plus P2,000, P3,000, P4,000 per container per trip.
This is an added cost na at the end of the day, makakadagdag sa presyo ng bilihin so we need to make sure that even if mga ganitong bagay matanggal din natin.
Ang nangyari kasi diyan, noong nagka-port congestion tayo, may mga tao talagang kumita. Sabi nila, gusto ninyong mabilis na malabas ang container ninyo, magbayad ka.
We’re still trying to get to the bottom kung anong grupo at kung sino ang may kinalaman dito. Parang mga vulture ito na noong makaamoy ng problema, pinagkakitaan. They took advantage of the problem.
Ngayon, as we can see, wala na talagang physical congestion, mas cleared na ang roads natin pero mayroon pa ring ganitong practice.
We need to get to the bottom of this at kung may kailangang reforms na gawin, we need to be able to make sure na hindi ito nakakadagdag sa mga problema natin.
Ito ang tinatawag nating under the table fees. Ito iyong mga illegal na fees na dinadagdagan ang charges natin. Siyempre illegal yan, nakakabagal iyan ng flow ng ating goods and services.
So we’re hoping na apart from the physical congestion problem na nakita naman natin kanina na okay na, itong mga problema na nakakabagal ng paggalaw ng ating goods, ito siguro ang isa pang bagay na dapat nating tingnan.
On October 16, nag-invite kami ng ibang resource speakers, mga truckers, mga negosyante at doon nila ikukuwento iyong mga extra fees na sinisingil sa kanila at kung sino ang mga naniningil sa kanila.
Q. Sir sasabihin ba talaga ng nasa likod ng katiwalian?
A: May mga pinakita rin kanina, so hopefully we will be able to uncover this. Even in the last hearing namin, may tinatawag na along the way fees. One of the businessmen mentioned na maraming along the way fees na nangyayari so kahit ito gusto nating mahimay, malaman talaga kung saan nanggagaling, saan napupunta.
Q: Ilan bang klaseng along the way fees? Kunwari bawat stop…
A: Mas magandang galing sa kanya ang sagot. Hindi ko masasabi at hindi rin nila nasabi kung ilan.
Q: Magkano inaabot ang all the way fees?
A: Per container libu-libo. Ayaw ko pong bigyan ng range. Anyway doon na lang sa next hearing para sa kanila talaga galing.
Ang balak ni Secretary Almendras na bring the importers to the ports and show them na walang rason para magbayad pa sa kung sino para mag-unahan sa paglabas.
Kanina nakita ninyo napakaayos ng daloy. In fact, they could even say maluwag, although Tuesday is a light day.
But still, there’s no reason for that. For the importers, dapat huwag rin silang magbayad cause wala ring rason na magbayad.
Recent Comments