Sen. Bam kay Gen. Lapenas: Lumalabas na mayroon kayong judgment call na ginawa na umabot po sa kung saan tayo ngayon. So General Lapenas, first I would like to clarify na ang ating SAF forces ay best of the best?
Gen. Napenas: It is not 100 percent conclusion, your honor.
Sen. Bam: But you are the elite in the PNP?
Gen. Napenas: As far as the PNP is concerned, that is true your honor.
Sen. Bam: Kasi po may report na nailabas na ang pinadala natin ay mga baguhan, di po totoo iyon?
Gen. Napenas: That is not true your honor, the troops that we sent to Mamasapano, they’re the best of SAF.
Sen. Bam: And they accomplished their mission? Tama po?
Gen. Napenas: Yes your honor.
Sen. Bam: Iyon ating pong misyon, after everything that has happened, ang tingin ninyo po ba it’s a valid mission and a planned out mission?
Gen. Napenas: It’s valid and a very legitimate mission, not only for us but for the Filipino people.
Sen. Bam: Do you still feel that it was a well planned out mission considering na hindi nakapag-coordinate sa ibang ahensiya and what happened?
Gen. Napenas: Yes, your honor.
Sen. Bam: Kayo po ay nagbigay ng isang judgment call na huwag sabihan ang AFP, tama po ba?
Gen. Napenas: Hindi po ako ang nagbigay ng judgment call na ganoon, your honor. Nagbigay sa akin ng statement si Gen. Purisima. Nakalagay doon sa aming operation plan, mayroon po tayo doong coordination table na TOT o time on target.
Sen. Bam: Ito’y po’y nakasulat. Hindi lang po ito verbal?
Gen. Napenas: Yes your honor, nakalagay sa operation plan, nakasulat.
Sen. Bam: Na-submit ninyo na po ba ito sa committee?
Gen. Napenas: We will submit it already. I suppose it was received by the office of Senator Grace Poe.
Sen. Bam: Nakasulat po na iyong AFP, TOT, doon po sa plano. At ibinigay ito sa inyo ni General Purisima?
Gen. Napenas: Siya po ang nag-approve ng plano, noong April pa at noong November your honor.
Sen. Bam: Throughout all of the operation na ginawa ninyo, TOT ba lahat ang operation niyo o eto lang ang TOT.
Gen. Napenas: Nagsimula lang ito noong November your honor because of what happened noong April na operations na na-compromise ang operation natin dahil ang coordination sa 61B at mechanized brigade ay mayroon po iyon na April 25 na operation.
They were supposed to provide us iyong mechanized. However, nagmo-move on the way iyong tropa namin, suddenly iyong 61B commander tumawag through P/Chief Supt. De Los Reyes who was then in front of him, tumawag sa akin na hindi magbibigay ng mechanized assets, nasa iyo kung i-go mo o hindi.
Nagdecide ako na i-abort iyong mission dahil walang iyong mechanized assets.
Sen. Bam: Kumbaga, nasabi ninyo rin ito kahapon. Noong nakikipag-coordinate kayo sa AFP, hindi natutuloy ang oplan. Noong hindi kayo nag-coordinate, doon ninyo nakuha si Marwan.
Gen. Napenas: That’s true your honor.
Sen. Bam: Ngayon pong nangyari na ang nangyari, do you still stand by that lack of coordination na tama lang po na TOT iyong ating AFP?
Do you still stand by that or ngayon po na nag-uusap na tayo ngayon, may 44 tayong kapatid na namatay, do you feel na dapat nakipag-coordinate na lang kayo sa AFP?
Gen. Napenas: I stand with that your honor because that has been deliberated accordingly during the preparations of the plan and during time that we’re doing mission planning because of so many reasons that if we do coordination prior to the AFP, we will be compromised in the operations again.
Sen. Bam: Iyon po iyong masabi nating first judgment na ngayon po ay pinag-uusapan natin.
Ang pangalawa po ay iyong pagtulong ng AFP. I would like to ask General Pangilinan. Ayun po, pinag-uusapan po natin. P
akiramdam po ng ibang resource speakers natin, hindi po naging sapat ang tulong ng AFP. Pagdating po sa boots on the ground, nakatulong naman po kayo? Tama po?
Gen. Pangilinan: Yes your honor.
Sen. Bam: Ito iyong sinabi niyong I approved 1 and 2 but not No. 3.
Gen. Pangilinan: Actually I did not say I did not approve but rather hold.
Sen. Bam: Pero hindi rin po natuloy ang No. 3?
Gen. Pangilinan: Because there was no request after that.
Sen. Bam: So iyong 1 and 2, definitely po, iyong mga kapatid natin sa Army, tumulong naman sila sa PNP?
Gen. Pangilinan: Yes your honor.
Sen. Bam: In fact, may na-save kayo na 17 from the 84th Seaborne.
Gen. Pangilinan: 17 unharmed and 11 wounded in action, your honor.
Sen. Bam: So iyong tanong na lang, bakit hindi kayo nagpaputok? Bakit hindi po kayo nag-artillery?
Gen. Pangilinan: Nag-artillery po kami noong bandang hapon when we already have a clear picture of what was going on.
Iyong sinasabi po natin na bakit hindi kami nagpaputok ng umaga, its because we did not have a clear picture, enough information that were necessary in order for us to provide artillery fire support.
Sen. Bam: General, that’s your judgment?
Gen. Pangilinan: Doctrinal po iyan, your honor.
Sen. Bam: You’re telling us now, hindi lang iyan isang judgment, sumunod po kayo sa patakaran?
Gen. Pangilinan: Yes your honor, isa pong doktrina na sinusunod namin when we were firing artillery fire support.
Sen. Bam: Gen. Guerrero, hiningan po ba kayo ng advice o ng order ni Gen. Pangilinan pagdating sa artillery fire?
Gen. Guerrero: The guidance I gave when I was informed by the OIC of the PNP about the encounter of the PNP-SAF is for Gen. Pangilinan being the division commander on the ground to provide support.
Sen. Bam: Sinabi ninyo provide support, and then Gen. Pangilinan, nag-decide ka na ito ang support na ibibigay ko pero itong isa, dahil wala pang impormasyon, hindi ko muna ibibigay.
Gen. Pangilinan: Yes, your honor.
Sen. Bam: That judgment or decision on your part, hindi po kayo nagsisisi na hindi niyo naibigay ang pangatlong hiling ng SAF forces?
Gen. Pangilinan: I have not, your honor.
Sen. Bam: Gen. Napenas, alam po ba ng SAF forces na walang coordination sa AFP?
Gen. Napenas: Alam po ng mga tao natin, kasama doon sa mission planning iyong mga commanders, kaya alam na alam nila ang coordination sa AFP.
Sen. Bam: Hindi ninyo po ba naisip na pag walang koordinasyon, that the risk will be so high na mahirap tayong ma-extract doon sa lugar? O you considered that doon sa pagpaplano.
Gen. Napenas: Na-consider po your honor but we bank on the statement of P/Dir. Gen. Purisima that he will take care of the coordination kay Gen. Catapang.
Sen. Bam: Did you expect na mayroong coordination through Gen. Purisima o ang expectation po ninyo ay alam lang nila ng TOT?
Gen. Napenas: I cannot answer iyong coordination ni Gen. Purisima kay Gen. Catapang.
Sen. Bam: Gen. Purisima, anong klaseng koordinasyon po ang nagawa niyo kay Gen.Catapang?
Gen. Purisima: Your honor, on Dec. 19, 2014, I facilitated a meeting of Director Napenas, Gen. Guerrero, Gen. Pangilinan for a coordination meeting in Camp Aguinaldo. This is to thresh out the possible operation.
Sen. Bam: Let me ask Gen. Catapang. Iyon koordinasyon po sa Dec. 19, hindi po iyon sapat para sa isang full coordination ng isang operation?
Gen. Catapang: Yes your honor, but there was another meeting on Dec. 23 wherein Gen. Guerrero, Gen. Pangilinan, Gen. Napenas, Gen. Magnaye, 3rd Air Division in Zamboanga to thresh out the tactical coordination needed.
Sen. Bam: Kumbaga po General, in general alam ho natin ang nangyayari, iyong specific di natin alam, for the record.
Gen. Catapang: For the record, yes your honor.
Sen. Bam: So palagay ko po, iyong dalawang judgment ng ating dalawang general dito is really put into question.
I would like to ask Secretary Roxas, at this point po ang taumbayan nakikita nila kung ano talaga ang nangyari. The two judgment, ngayon po magja-judgment naman ang taumbayan.
With regard to the judgment done by our leaders in this operation, kadalasan po pinag-uusapan ang hustisya. Sometimes, pakiramdam ko po, kapag humihingi ng hustisya, ang hinihingi vengeance, paghihiganti.
Kayo, nakausap niyo po iyong mga pamilya, ano ho sa tingin niyo ang magbibigay ng hustisya para mga namatayan nating Fallen 44?
Sec. Roxas: Nagsisimula iyong hustisya, iyong katarungan, sa katotohanan. Nadinig ko iyan mula sa mga biyuda, sa mga naulila, iyong walang silang closure.
Sen. Bam: Ano po ang magbibigay ng closure sa families ng Fallen 44?
Sen. Roxas: Ang malaman po nila ang nangyari dito. Natural sa isang pamilya na hindi nila alam ang detalye ng operasyon. Inaasahan nila na pag na-trouble ang kanilang mister o anak, na ang puwersa ng pamahalaan ay nandiyan na sasagip sa kanila.
So itong mga katanungan kung bakit hindi natulungan ng artillery, o late na, o kulang. Totoo nga bang hindi nagkaroon ng full coordination.
Recent Comments