Nakipagpulong si Sen.Bam Aquino sa mga lokal na lider ng Dumaguete City, Negros Oriental at Siquijor upang kunin ang kanilang pulso at pananaw ukol sa isinusulong niyang mga panukalang batas ukol sa malawakang kaunlaran.
Ginawa ni Sen. Aquino ang pulong kasabay ng pasasalamat sa mga taga-Negros Oriental at Siquijor sa suporta kaya siya nanguna sa bilangan sa mga nasabing lugar noong nakaraang halalan.
Ayon kay Sen. Bam, mahalaga na makonsulta ang lahat ng sektor upang mas maging epektibo at makapagbigayng tamang solusyon ang kanyang mga panukalang batas
“Lubos po ang aming pasasalamat para sa inyong suporta at tiwala. Makakaasa po kayong ipaglalaban natin sa Senado ang mga panukalang magdadala ng mas malawak na oportunidad at kaunlaran sa lahat ng sulok ng Pilipinas,” wika ni Sen. Aquino sa pagtitipon ng mga lider ng iba’t ibang komunidad sa Dumaguete City.
Pinangunahan din ni Sen. Bam ang pagdiriwang ng 41st Araw ng Bayan ng Siquijor, kung saan niyaiginiit ang malaking potensiyal ng lalawigan bilang tourism hotspot.
“Ang hamon po sa atin ngayon: Gawing posible ang dating imposible… Kung dati-rati po, hindi natin lubos maisip na ang Pilipinas ay magiging isang ‘breakout nation’ na pinakamabilis ang pag-angat sa buong Southeast Asia, ngayon po ito ay isa nang realidad,” wika ni Sen. Bam.
“Ang hamon ng panahon ay palawakin pa lalo ang kaunlaran upang umabot sa kasuluk-sulukan ng ating bayan,” dagdag pa ng senador.
Recent Comments