Natutuwa tayo sa pagkilala ng Pangulo na kailangan nating pagandahin ang ating sektor ng telekomunikasyon sa pamamagitan ng kumpetisyon, subalit hindi tayo dapat malimita sa isang bansa lamang.
Kung ang maliit na bansa gaya ng Singapore ay mayroong anim na players sa telco sector, dapat maging ganito rin kasigla ang kumpetisyon sa ating bansa.
Habang isinusulong natin noon ang Philippine Competition Act, nakatagpo tayo ng interes mula sa mga kumpanyang galing Japan at Korea na gustong pumasok sa ating industriya ng telco.
Kahit ang maliliit nating local cable operators ay nais magsamasama upang makipagkumpitensya sa malalaking Telcos.
Gawin nating madali para sa mga kumpanyang ito na makapasok sa merkado at tanggalin na ang red tape upang mapaganda ang serbisyo ng internet at bumaba ang presyo nito para sa mga Pilipino.
Recent Comments