(A resolution expressing the sense of the Senate that the crimes of the former President Ferdinand Marcos to the Republic, and the human rights violation committed under his regime, render him unfit to be buried at the Libingan ng mga Bayani)
Earlier we had the gentleman from Sorsogon talk about the Libingan issue as if it is framed by just two families, and to be frank, Mr. President, nahihiya ako kapag sinasabi na ito’y issue lang ng Aquino at Marcos.
Nahihiya ako sa libu-libong namatay, sa libu-libong nawala, sa libu-libong na-torture.
Nahihiya po ako sa pamilya ng Senate President at sa tatay ng ating Senate President.
Nahihiya po ako sa PDP Laban na binuo para labanan ang diktadura.
This is not just an issue of two families.
This is a problem that has plagued thousands of families in our country – families that have been destroyed, families that have been broken apart until today.
Ang epekto po niyan ay nandiyan pa rin hindi lang po sa mga pamilyang biktima ng martial law, kundi sa ating kasaysayan.
Gusto ko lang igiit muli:
Ang isyu po ng Libing ni Former President Marcos sa Libingan ng mga Bayani ay hindi lang isyu ng ilang pamilya. Hindi lang po ito isyu ng mga biktima ng Martial Law, kundi isyu ng ating bayan at ng ating kasaysayan.
At tama lang po na may sabihin tayo tungkol sa isyu na ito.
Maraming salamat po.
Recent Comments