Good afternoon, Mr. President, dear colleagues!
In the past few months, I’ve been meeting many of our students, tricycle drivers, fishermen, market vendors, farmers and seniors to hear their stories and how the government’s policies have affected them over the past months.
Sa pag-iikot ko pong ito, mas lumalim ang aking kaalaman sa mga pinagdadaanan ng ating mga kababayan at mas nakikilala ko po ang mga kababayang nating gusto nating matulungan.
Tulad ni Ate Lucille na nagtitinda ng gulay sa Tanauan City. Pati raw mga suki niya, nagrereklamo na sa mahal ng bilihin. Sabi pa niya: “Minsan, hindi na nabebenta at nabubulok na lang ang paninda naming gulay.”
Tulad po ni Mang Boyong, isang tricycle driver sa Tondo, na pinapaalala sa atin na malaking bagay sa mga tricycle driver tulad niya ang pag-angat ng dalawang piso kada litro ng gasolina.
Ang sabi ni Mang Boyong: “Tumataas ang presyo ng gasolina. Sa paghahanap buhay ko hindi na kami nakakaahon sa kahirapan.”
Tulad ni Lola Diding na isang senior citizen sa Zamboanga City na nagsabing: “Sa tanda kong ito, umuutang pa rin ako. Pero kahit ayaw na ng katawan ko, babangon at babangon pa rin ako para tulungan ang pamilya.
Matinding paghihirap at matindi ring pagsisikap ang dinaranas po ng ating mga kababayan. Lahat po sila, ramdam na ramdam ang matinding pagtaas ng presyo.
—
Mr. President, dear colleagues, in the past few months, I have stood before you to echo these stories and to propose solutions to this painful price crisis so that our countrymen can find some relief from our sky-high inflation.
In the past, I’ve mentioned three actionable solutions:
First, to address the rice crisis by appointing effective leadership in the NFA and maintaining our 15-day buffer stock.
Second, immediately complete the roll-out of mitigating measures under the TRAIN Law, including the unconditional cash transfer program and the pantawid pasada program, and ensure the financial help will cover the needs of poor Filipino families.
Third is to roll-back and suspend TRAIN’s excise tax on petroleum products.
Dear colleagues, even as we were debating the TRAIN Law last year, we were already concerned about the inflationary effects of taxing petroleum and increasing the price of fuel.
The next scheduled increase in the excise tax on petroleum is in January – in 3 months. Under the TRAIN Law, there will be an increase of another 2 pesos per liter for diesel and gasoline, and another 1 peso for kerosene.
My fellow senators were so concerned about the excise tax on fuel and its effect on the prices of goods that the principal sponsor, Sen. Angara, even agreed to include my proposed safeguards to the Department of Finance.
We thank Sen. Angara for graciously including these safeguards, he even called it Aquino Amendment, in the interpellations. And these were included in the final Senate version of the TRAIN Law.
Dalawa po ang safeguards na isinama natin at inasahan nating magsisilbing proteksyon: una – base sa pagtaas ng presyo ng krudo sa world market; at pangalawa – base po sa inflation.
Ito po specifically, ang final version ng panukala dito sa Senate version, and I quote:
“For the period covering 2018 to 2020, the scheduled increase in the excise tax on fuel as imposed in this section shall be suspended when any of the following conditions have been met:
One, the average Dubai Crude Oil Price for the first fifteen days of the month based on Mean of Platts Singapore (MOPS) reaches or exceeds eighty dollars per barrel cost, insurance, and freight (CIF); or
Two, when the inflation rate exceeds the higher end of the annual inflation target range set by the DBCC or the Development Budget and Coordination Committee and the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).”
Pinagbotohan po natin ang mga probisiyong ito. Pasado po ito sa Senado. Wala pong tumutol.
Ngayon, Mr. President, pagkatapos ng pagpupulong ng bicameral conference committee, nag-iba ang mga safeguard na ito. Ito naman po ang final version ng TRAIN Law:
“For the period covering 2018 to 2020, the scheduled increase in the excise tax on fuel as imposed in this section shall be suspended when the average Dubai crude oil price based on Mean Of Platts Singapore or MOPS for three (3) months prior to the scheduled increase of the month reaches or exceeds eighty dollars (USD 80) per barrel.”
Alam ho natin, matagal ko nang sinasabi, nawala ang safeguard based on inflation.
—
At ang nawalang safeguard na ito ang pinagbasihan ng inihain naming Senate Bill Number 1798 o tinatawag nating Bawas Presyo Bill.
Iyan po ang lagi nating binabanggit sa ating kapulungan at hindi pa rin po ako nawawalan ng pag-asa na ipapasa po natin ang panukalang ito sa lalong madaling panahon.
—
Pero ang naisamang safeguard sa final version ng TRAIN Law ay ang safeguard ukol sa presyo ng krudo sa mundo.
Sa probisyong ito ng batas, ititigil po ang dagdag buwis sa petrolyo sa Enero kung umabot o lumampas ang presyo ng krudo sa mundo sa 80 dollars per barrel for three preceding months.
Alam ho natin na January 1 ang buwan ng pagtaas. Three preceding months begins this October.
To be honest, the specific amount of 80 dollars per barrel did not come from this representation, it actually came from the Department of Finance; sila po ang nagtalaga ng presyong iyan.
To be very specific again, noong panahon pong pinagbotohan natin ang TRAIN Law, ang presyo ng krudo sa mundo ay 55 dollars per barrel. Palagay ko hindi inasahan talaga na aabot sa 80 dollars per barrel ang presyo ng krudo sa mundo.
Mr. President, world crude oil price based on MOPS first breached 80 U.S. dollars per barrel last September 27, when it 80.40 U.S. dollars per barrel.
Yesterday, Mr. President, world crude oil price based on MOPS was at 80.80 U.S.D. per barrel.
Some of the oil industry experts that we have consulted with have said that this price is likely to go higher in the next three months, and will only drop sometime next year.
Kung ganito po ang mangyayari, meron pong mandato ang gobyerno na itigil ang pagtaas ng excise tax sa petrolyo ngayong 2019.
Klaro po iyan sa ating batas! Nasa final version po iyan ng TRAIN Law.
Ngunit mga kaibigan, ang hindi po klaro ay ang proseso at pamamaraan ng pagsuspinde nito.
Mr. President, pagdating sa Implementing Rules and Regulations (IRR), hindi napaghandaan ang proseso ng suspensyong ito.
Kung makikita po ang buong probisyon, makikita nating mayroong dalawang provided.
Provided, That the Department of Finance shall perform an annual review of the implementation of the excise tax on fuel and shall, based on projections provided and recommendations of the Development Budget Coordination Committee, as reconciled from the conditions as provided above, recommend the implementation or suspension of the excise tax on fuel: Provided, further, That the recommendation shall be given on a yearly basis.
Meron po tinutukoy na annual review ng Department of Finance at ng DBCC.
Ang tanong, kalian po gagawin ang review na ito? Ano ang batayan ng grupong ito sa kanilang posibleng pagsuspinde sa parating na dagdag na excise tax sa ating mga petroleum products.
Kung ako ang tatanungin, mas gugustuhin ko na automatic dapat ang suspension ng dagdag na excise tax on fuel. Ibig sabihin niyan, pag umabot ng tatlong buwan at lampas sa 80 dollars per barrel ang presyo ng krudo, dapat po automatic suspension na iyan.
Ngunit iyong final version ng TRAIN, mayroong nakalagay na dalawang provided. Provided that there is an annual review, provided that this recommendation shall be given on a yearly basis.
Iyong tanong natin, na sana matulungan tayo ng Senado upang iklaro ito, para sa atin dito sa mga mambabatas, at para sa publiko. Kailan gagawin ang annual review na ito, ano ang basehan ng kanilang recommendation. Ito ba’y simpleng nag-breach na sa 80 dollars per barrel for three months. Alam ko po, nababasa ko sa pahayagan, marami na sa atin dito ang nagsabing kapag umabot na sa 80 dollars per barrel, kapag nag-average out na ng tatlong buwan ang 80 dollars per barrel ng crude oil, kailangan isuspinde ang pagtaas ng buwis ngayong January 1.
Ang hinihiling natin, konting kasiguraduhan, konting kalinawan, pagiging clear kung ano ang patakaran dito sa suspension na nakalagay sa TRAIN Law.
Para sa mga mambabatas, para sa akin, na siya pong nagmungkahi sa mga safeguard na ito, dapat automatic ang pagsuspinde ng pagtaas ng buwis kung lumampas na sa 80 dollars per barrel ang average price for three months ng krudo sa mundo.
Ang mahirap po ay kung umabot tayo ditto sa nakasaad na batayan sa batas pero dahil walang review o dahil walang recommendation ng administrasyon, hindi itutuloy ang pagsuspinde nitong pagtaas ng excise tax na alam naman nating nagpapabigat sa kalagayan ng napakarami nating mga kababayan.
The Senate must call on the DOF to issue clear and actionable guidelines, timelines, rules and regulations on how the suspension can possibly work.
Alam po natin na ang basehan dito, October, November, December na mga buwan ng presyo ng krudo sa mundo. Alam din natin na mayroong annual review, alam nating January 1 ang araw ng pagtaas ng excise tax. Ibig sabihin iyan, in these next three months, habang binabantayan natin ang presyo ng krudo sa mundo, kailangan po matuloy ang annual review, kailangan maging malinaw iyong rekomendasyon ng DOF at ng DBCC dito po sa January 1 increase.
Hindi pa po natin pinag-uusapan kung itong increase na ito, ay kung ma-delay man o ma-suspend, ay babalik ba o hindi.
There’s very, very short time here Mr. President. Napakaikli po ng panahon natin dito. Tatlong buwan na lang po, habang binabantayan ang presyo ng krudo sa mundo, kailangan na nating malaman paano ba gagawin ang annual review na ito at kung ano ba ang maging batayan ng kanilang recommendation for suspension or not.
Mr. President, it is incumbent upon this body to find out how and when this excise tax may be suspended.
There are many questions, dear colleagues, that we need to find clear answers to. We want answers to be clear and on the record.
What we can provide through a proper Senate hearing is clarity. But to be frank, Mr. President, what the Filipino people need is hope.
—
Mr. President, marami sa mga kababayan nating nagsasabi po paano na bukas?
Iyan ang tanong ng marami nating kababayan. Dahil araw-araw na po naghihirap ang mga Pilipino dahil sa pagtaas ng presyo ng pamasahe, bigas, pagkain, kuryente, at iba pang mga bilihin.
Ang tanong po: sa panaginip lang ba natin mabibigyan ng solusyon ang mga problemang ito?
Hanggang panaginip lang po ba ang ginhawang inaasam ng mga pamilyang Pilipino? At pagkagising naman, makikita nila na 60 pesos per liter na ang gasolina.
Hindi naman po sana. Bigyan po natin sila ng pag-asa.
Noon naman, kung ating pong maaalala, panaginip lang din po ang gawing libre ang edukasyon sa kolehiyo.
Ngunit noong tayo’y naging pursigido at noong tayo’y nagtulungan sa Senado, sa Kongreso, sa buong gobyerno, naisabatas po natin at naipatupad ang R.A. 10931 or the Universal Access to Quality Tertiary Education Act.
I will always consider it a great honor to have worked on this law for free college education as its principal sponsor here in the Senate.
But more than an accomplishment, that victory taught me what possibilities are possible when we decide to work together and get things done for our people.
Ang pagpasa po natin sa batas para sa libreng kolehiyo, patunay na kapag nagtutulungan ang mga Pilipino, kapag tayo inuuna ang pagtutulungan at pagkakaisa at hindi pulitika, nananalo po ang sambayanang Pilipino.
Ngayon po, ang hamon sa atin, ito pong suspension ng pagtaas ng buwis ngayong Enero. Pagtulungan po natin ang suspension ng buwis sa petrolyo. Kung hindi man po ipapasa ang Bawas Presyo Bill o isang safeguard dahil sa inflation, siguraduhin naman natin na iyong nasa batas na ay maayos po ang pagpapatupad. At iyon po ang safeguards na mahahanap natin base sa presyo ng krudo sa mundo na nandoon naman sa TRAIN Law ngayon.
Let’s make sure that this safeguard is properly implemented, that this safeguard is properly appreciated. And I hope the Senate, maybe a hearing or maybe the budget process, can clarify paano ba i-implement itong safeguard na ito at paano po ba ito puwedeng magawa para sa ating mga kababayan.
Maraming salamat Mr. President, thank you very much to our colleagues.
Recent Comments