Mariin nating tinututulan ang paglibing ni dating pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Marami po ang kontra sa hakbang na ito. Kasama na dito ang National Historical Commission, ilan sa mga kapwa ko senador, pati na rin ang ilang mga kaalyado at miyembro ng Gabinete ni Pangulong Duterte.
Higit sa lahat, tutol po ang mga pamilya ng mga biktima ng kalupitan ng Martial Law. Libu-libo ang nakulong, na-torture, at namatay noong panahong iyon. Bilyon bilyon din ang ninakaw sa ating bayan ng pamilyang Marcos.
Kung kaya’t umaasa po ako na sana magbago ang isip ni Pangulong Duterte. Naipakita nya na nakikinig sya sa taumbayan, at hight sa lahat, sa mga nabiktima ng mga abusado, corrupt at mapang-aping mga kawani ng gobyerno.
Hindi po bayani si dating pangulong Marcos kaya’t hindi dapat sya ilibing sa Libingan ng mga Bayani.
Recent Comments