7 Things to Do during Cuddle Weather

7 Things to Do during Cuddle Weather (besides Cuddling)

Heto na naman po at nakapila na ang mga bagyo na papasok sa Pilipinas kaya uso na naman ang “cuddle weather!” Sugod sa ulan, lusong sa baha, tengga sa trapik, at tiis sa mahahabang pila ang drama ng karamihan sa panahon na ito pero imbes na mainis, pwedeng i-enjoy ang masarap mong tulog sa gabi mag-isa man o may katabi. Bukod diyan, narito ang mga puwede pang gawin maliban sa pag-cuddle.

By ListAvengers

 

  1. Mag-reminisce. Malamig ang hangin at tahimik ang paligid maliban na lang sa pagpatak ng ulan sa bubong ng bahay. Perfect na timing ito para magpaka-senti. Tumingin ng lumang photo album at magbasa ng nalimutan nang love letters. Puwede mo ring balikan ang sinulat mong New Year’s resolution, i-check kung nagagawa mo pa rin ba ang mga ito. Kung hindi na, at least na-remind ka na pwedeng bumawi pag tumila na ang ulan.

 reminicingintherain

  1. Magrelax. Medyo delikado ang lumabas tuwing umuulan o bumabagyo, kaya naman manatili na lamang sa bahay. Mag-chill sa kama at sofa at manuod ng mga pelikula at TV series. Mag-movie marathon-all-you-want hanggang sa mawala ang stress na matagal ng bumabagabag sa iyo. Kung hindi mo trip manuod, puwede rin namang bawiin ang mga nawala mong tulog. Ang importante, ma-relax ka.

watchingtv

  1. Maging bookworm.Alam mo bang nakakabagal ng brain-aging ang mental stimulation? Posible pa itong makapigil sa Alzheimer’s o Dementia pagtanda! Ngayong tag-ulan, ba’t ‘di magbasa ng libro o mga online articles. I-update ang sarili sa mga nangyayari sa bansa at sa buong mundo! Maraming benepisyo ang pagbabasa sa overall well-being ng tao. Bonus pa ang karagdagang talino!

rainy_books

  1. Magpalipas oras sa kusina. Sinigang, bulalo, kansi, champorado… Iilan lang ito sa mga masarap kainin kapag panahon ng pag-ulan! Ba’t hindi sanayin ang sarili na magluto at magpaturo ng mga family recipe sa iyong nanay o lola. Malay mo, may natural talent ka pala sa kusina. Kung wala, makontento ka na lang sa pagtikim ng mga luto nila.

bulalo

  1. Maglinis at mag-donate.Umuulan nang malakas sa labas. Mabagal ang Internet connection. Palabo-labo ang signal ng TV. Paano pa kaya kung mag-brownout? Galugarin mo na lang ang iyong kuwarto at bahay at mag-ayos ng gamit! Lahat ng hindi na napapansin, bakit hindi na lang i-donate? Siguradong maraming mga librong pambata, laruan, damit, sapatos, pati school supplies na hindi na napakikinabangan. Sayang, i-donate mo na lang!

messyroom

  1. Magplano.Since marami kang oras magmuni-muni, bakit hindi mag-isip ng maliit na negosyong puwedeng pagkakitaan. Uso ang bentahan ng mga raincoat, rain boots, payong, at iba pang waterproof na kagamitan. Maglista ng bucket list at matagal mo ng mga pinapangarap sa buhay. Bukod sa paglilista, iplano mo na rin kung paano magiging makakatotohanan ang mga pangarap na ito.

businessplan

  1. Tumulong sa paghahanda para sa mga delubyo.Lumevel up na tayo ngayon! Sa halip na maghintay ng trahedya, pinaghahandaan na natin ito. Dumarami na ang mga grupong involved sa disaster risk reduction at rehabilitation. Mag-umpisa sa social media at Twitter. I-follow at jumoin sa mga disaster resilience groups at i-share ang mga post. Puwede ka rin lumevel up at mag-volunteer, mag-training, at tumulong! Alalahanin lang din ang sariling kaligtasan bago pa man bumida sa rescue at relief operations!

rescueph

 

 

 

Kung mayroon kayong naiisip na lis7ahan at nais maging miyembro ng Listavengers, mag-e-mail sa team.bamaquino@senado.ph!

 

 

Scroll to top