7 Tips Para Maka-Survive sa College
Handa ka na ba sa bagong school year ng mga projects, recitations, group work, mahahabang exam at thesis? Ang sabi ng ilan, ang college life ang pinaka the best. Ito ang pitong tips para maitawid ang kolehiyo at maging memorable itong taong ito!
By: ListAvengers
1. Time and Money Matters. Huwag masyadong magwaldas ng pera. Hindi porke’t pinapabaunan ka ay uubusin na ito sa kung anu-ano lang. Magtipid at mag-ipon para hindi nganga kapag bakasyon. Tuwing lunch ay mag-siomai rice na lang. O ‘di kaya naman ay maglakad papuntang campus, pero siguraduhin lang na hindi ka male-late. Kung medyo hirap naman sa pagbayad ng tuition, puwede ring umextra pa-minsan sa mga part time na trabaho katulad na lang ng student assistant o tutor. Hindi ka lang wise sa eskuwela, wise ka pa sa pera.
2. Know the people in your neighborhood. Magmasid-masid sa paligid at makipagkaibigan sa mga taong madalas mong makahalubilo. Bukod sa classmates mo, kausapin din ang Xerox lady sa inyong building. Mag-hi at ngitian si manong guard sa tuwing papasok ka, kumustahin ang mga nagbebenta sa canteen bago umorder ng pagkain, o kilalanin ang mga nasa admin, registrar at pati sa guidance office. Magandang paraan ito para ma-feel mo na parang second home mo ang university ninyo.
3. Find your clique. Dumikit sa mga tamang tao o grupo. Pumili at humanap ng mga true friends na puwede mong makaramay sa lungkot at saya. Umiwas sa mga taong nanakit, mga gang at mga underground na organisasyon sa campus, at huwag na huwag i-unleash ang iyong bad side sa pagiging bully. Para less pressure, puwede mo rin namang hanapin ang iyong passion, at bumuo ng sarili mong cool crowd. Tandaan lang na maging inclusive o bukas sa lahat. The more friends, the happier!
4. Face your Fears. Makipag-unahang umupo sa unang row sa loob ng mga classroom, plus factor din kung sa harap pa mismo ng teacher ninyo. Medyo nakakatakot ang move na ito pero sabi nga sa kasabihan, face (literal) your fears. Bakit? Kasi magmumukha kang confident at maraming alam sa klase. Madalas din matawag sa recitation ang mga tao sa likuran ng classroom. Tandaan lang na iwasang ma-inlab kay Sir at Ma’am kahit nasisilayan mo sila nang malapitan.
5. Find your sweet spot. Mag-ikot-ikot sa campus at sa mga kalapit na establishments, aralin ang bawat sulok nito. Humanap ng mga lugar na sa tingin mong makakatulong sa iyo na masagot ang pinakamahirap na math problem o mga feelings na bumabagabag sa iyo. Mas mainam kung ang mapili mong tambayan ay few inches away lang sa mga crush ng bayan.
6. Be a Bibo Kid. Sumali sa mga extra curricular activities, mag-volunter sa mga outreach programs o ipakita ang mga talentong matagal mo nang tinatago sa baul. Kung may sapat kang confidence, puwede rin namang tumakbo sa student council. Maraming benepisyo ang pagiging bahagi ng mga student organizations, hindi lang life long friends and experiences ang makukuha mo, gaganda pa ang resume mo kapag nag-apply ka na ng trabaho.
7. Study Hard, Party After. Syempre wala ng mas hihigit pa sa pag-aaral nang mabuti para ma-survive mo (literally) ang college life. Huwag na huwag kalimutang kahit anong mangyari, isa kang estudyante at ang ultimate goal mo ay ang matapos ang degree mo. Huwag mahiyang magsingit nang kaunting oras para sa “good time.” Magsingit ng konting gimik, party, o pag-ibig, alamin mo lang ang iyong tamang limit! Study hard, party after.
Kung mayroon kayong naiisip na lis7ahan at nais maging miyembro ng Listavengers, mag-e-mail sa team.bamaquino@senado.ph!
Recent Comments