7 Tips Para Makakuha ng Kapital Para Sa Pinapangarap Na Negosyo
By ListAvengers
Marami sa ating mga Pilipino ang may pangarap na makapagnegosyo. Kaya lang, mahirap ding makakuha ng kapital para makapag-umpisa. Narito ang ilang tips para makahanap ng puhunan. Negosyo, now na!
1. Mangutang. Lapitan ang inyong mga BFF, kapalan ang mukha at mag promise na babayaran mo siya with interest. Siguraduhin lang na magbayad nang tama sa oras para hindi ma-FO (Friendship Over).
Pwede ring lumapit kina Mama at Papa. Magdrama at magparinig na nais mong magtayo ng negosyong swak na swak pero kulang ang pera sabay buntong-hininga. Siguraduhing naririnig ka nila habang nag momonologue at magbayad para makaulit. Huwag lang masyadong atat na kunin ang mana.
2. Makipagpartner. Para hindi lang ikaw ang papasan ng problema, humanap ng karamay sa negosyo. Kung may mga kamag-anak o malapit na kaibigan na OFW, i-message at i-impress sila sa iyong business proposal. Gumawa ng powerpoint presentation, kumanta, o umiyak para ma-eengganyo silang mag-invest at makipagpartner sa iyo!
3. Mag-ipon. Gutumin ang sarili. Kung apat na beses kumakain sa isang araw, gawin na lang dalawa para may maipon. Mag 3 in 1 na kape na lang imbis na frappucino. Mag-order ng 1 rice imbis na 2. Maglakad mula Taft hanggang Santolan imbis na mag-MRT. Nakaipon ka na, nakapag-diet ka pa. Kung hindi mo naman kaya, ibenta ang mga gamit na hindi mo na napapakinabangan. Nagkapera ka na, nabawasan pa ang kalat sa iyong kwarto. Huwag mo lang ibenta ang atay mo.
4. Makipagsapalaran sa mga pacontest ng barangay. Tamang-tama, Mayo ngayon at patok ang mga amateur singing contests, dance contests at mga pa-liga sa barangay. Kung hindi palarin sa sariling lugar, dumayo sa ibang barangay para more chances of winning. Kung may beauty ka namang pang rampa, pwede ring patulan ang mga Santacruzan at beauty contests, siguraduhin lang na mas malaki ang premyong matatanggap kaysa sa pinambayad sa gown na isusuot.
5.Tumaya sa Lotto. Libre ang mangarap kaya tumaya nang tumaya sa lotto. Malay mo suwertehin ka at lumabas ang numerong inaalagaan mo. Yun nga lang, 1 in 30 million ang chances of winning sa lotto, mas mahirap pa sa chance mong magaka-boyfriend or girlfriend, kaya kailangan ng matinding pasensya at dasal.
6. Mag-Loan. Kung may pang kolateral, maaaring umutang sa bangko. Gawing kolateral ang anumang ari-arian, huwag lang ang ari-arian ng ibang tao, baka ma-asunto.
7. Lumapit sa isang Microfinance Institution. Kung wala ka namang pang kolateral, tamang-tama ang mga microfinance institutions dahil mas mababa ang kanilang interes kaysa sa 5-6. Bisitahin ang www.microfinancecouncil.org, mag-e-mail sa mcpi.ph@gmail.com o tumawag sa (02) 6316184 upang malaman ang pinakamalapit na MCPI sa lugar ninyo. Mahirap nang maligaw kaya maniguro.
Kung mayroon kayong naiisip na lis7ahan at nais maging miyembro ng Listavengers, mag-e-mail sa team.bamaquino@senado.ph!
Recent Comments