Bam Aquino asks questions to Gen. Dela Rosa

Transcript: Sen. Bam Aquino’s questions to PNP chief Bato Dela Rosa

2nd day of Senate Hearing on extra-judicial killings (EJKs)

 

Sen. Bam: Gusto ko lang pong linawin ulit, mayroon na po tayong mga nahuli na mga pushers at addicts  — iyon po ay nasa 11,784. Tama po no? Iyon po iyong presentation natin. And of the 756 po iyong napatay during the course of the operations. Iyong isa pa pong isang pinakita ninyo, iyong mga death under investigation. Ito po’y 1,160. Dito po ako gustong mag-focus. Ito po bang 1,160, hindi po ito lahat drug-related no?

Gen. Dela Rosa: Yes, your honor.

Sen. Bam: Tama ba na ito’y during the course of the war on drugs or kasama dito mga non drug-related?

 Gen. Dela Rosa: Iyong time frame na kino-consider natin your honor, that is the time that we are waging war on drugs. Nakita na sila ay patay but hindi natin na-establish na talagang drug-related sila. Pero mayroon po tayong na-establish na ibang motibo na hindi related sa drugs kundi personal grudge.

Sen. Bam: Ok nakita ko iyon. So ito ba ang lahat ng death from July to August 22?

Gen. Dela Rosa: Yes, your honor.

Sen. Bam: So lahat iyan. Hindi na natin alam — 757 iyong undetermined doon po sa chart ninyo so ito posibleng ibang motibo, crime of passion, kung ano man.

Gen. Dela Rosa: Puwede rin drugs your honor.

Sen. Bam: Puwede rin drugs.

 Gen. Dela Rosa: Iyong undetermined, pa.

 Sen. Bam: Ok, pero iyong sigurado tayo, iyong 273 dahil ito iyong may placard, hog-tied at iba pa. Paano natin na-determine iyong balanse na drug-related ito kung hindi naman sila naka-placard at hindi naman sila nakagapos?

 Gen. Dela Rosa: Iyong mayrong tayong investigation na ginagawa your honor, at na-establish na itong mga taong ito na napatay ay drug pushers.

 Sen. Bam: Gusto ko pong tanungin iyan. Dito po sa 273 deaths na tinatawag po nating drug related, na-investigate po ninyo – iyon po ay 273 drug psuhers?

 Gen. Dela Rosa: Yes, your honor.

 Sen. Bam: At sa inyong investigation wala kayong nahanap na mistaken identity napagkamalan lang o ginamit iyong war on drugs para mapagtakpan ang ibang krimen?

 Gen. Dela Rosa: So far, wala pa your honor. Iyong napabalita sa media na iyong babae, iyong magandang babaeng nakasakay sa jeep na binaril, hindi po iyon drug-related, your honor.

 Sen. Bam: Eh, iyong tungkol po doon sa choir member, na mayroon pong duck tape sa bunganga na dine-deny po ng mga magulang. I think this is Tiamson case. Iyon po, nasama po ba siya sa 273? Kasama siya kasi may placard siya, noh?

 Gen. Dela Rosa: Yes your honor, magkasama.

 Sen. Bam: Iyon po ba ay na-investigate po ninyo na isa nga talaga siyang drug pusher?

 Gen. Dela Rosa: Ongoing, your honor.

 Sen. Bam: So, undetermined?

 Gen. Dela Rosa: Undetermined, pero sinabi na natin na kapag na-classify natin siya na drug-related na-determine na natin na ang motive na drug-related but still, hinahanap pa natin iyong concrete so ongoing pa iyong investigation.

 Sen. Bam: Opo, so iyong tanong ko kanina – sigurado ba tayo na iyong 273 drug-pusher? Sigurado tayo na drug-related pero tatanungin ko po ulit. Sigurado ba tayo na iyong 273 na patay drug pusher nga o hindi?

 Gen. Dela Rosa: When we say drug-related your honor, either pusher siya o user na na-establish doon sa investigation.

 Sen. Bam: So wala ho kayong nakikita sa 273 especially po itong mga kaso na si Ms. Tiamson. Mayroon pa pong isa – iyong scholar dito po sa Metro Manila. Kasi ho iyong kanilang mga magulang at kanilang mga pamilya, dine-deny po na mga drug addict po sila o drug pusher. Sigurado na po ba tayo? Sa tingin po ng PNP lahat po talaga sila drug pusher at drug addict?

 Gen. Dela Rosa: Ongoing pa, you honor ang investigation.

 Sen. Bam: Kaya nga General. So kung ongoing pa siya, hindi pa tayo sigurado na drug pusher sila?

 Gen. Dela Rosa: Yes, your honor.

 Sen. Bam: So ulitin ko po. Itong 273, drug-related po siya pero hindi pa po tayo sigurado kung drug pusher nga po sila?

 Gen. Dela Rosa: Yes your honor. Kasi nakalagay doon eh, may karatula. Iyon lang ang basis natin na ..

 Sen. Bam: Opo, pero General, iyon ba ay enough basis na matawag na pusher kung may karatula iyong tao? Kasi marami ngayong umiikot na baka naman ibang krimen ito, pinagtatakpan lang, ginagamit po iyong war on drugs [at] naglalagay ng placard.

 Gen. Dela Rosa: Mayroon pong investigation na ongoing.

 Sen. Bam: Ito pong 273 na napatay, ini-investigate po natin ang kanilang pagkamatay?

 Gen. Dela Rosa: Yes, your honor.

 Sen. Bam: Sino po ang nag-i-investigate po sa kanila?

 Gen. Dela Rosa: Iyong, depende sa station na nag-co-cover sa area kung saan nangyari, your honor kung may jurisdiction over the case.

 Sen. Bam: Mayroon na po tayong nahanap na suspek. I think yesterday, na-mention po ninyo na may kinasuhan na po kayo. Sinu-sino po iyong mga – you don’t have to name names – but sila po ba ay kasama sa sindikato? Sila po ba’y mga asset ng kapulisan? Sino po ang kinasuhan po ninyo sa mga killings na ito?

 Gen. Dela Rosa: Karamihan your honor ay mga drug pusher din na naging hit man ng mga drug lord. Sila po ang nag-e-eliminate iyong mga kalaban, iyong mga kasamahan nila. Kung hindi nakaremit ng pera doon sa drug lord, ah pinapatay.

 Sen. Bam: Pinapatay po?

 Gen. Dela Rosa: Yes, po.

 Sen. Bam: So mayroon na po tayong nahuli na ganyan po – hitman, kasama ng sindikato, ginagamit ng mga sindikato. Mayroon na po tayong nahuli?

 Gen. Dela Rosa: May isang napatay your honor. Wala pang nahuli pero lahat po sila ay identified.

 Sen. Bam: Iyong kaso po may mga pangalan?

 Gen. Dela Rosa: Yes, your honor. Identified po sila. May kaso na.

 Sen. Bam: So, pag sinabi niyo pong may kaso, naka-file na po iyan sa fiscal?

 Sen. Bam: Ongoing case na po iyan, nasa justice system na po natin?

 Sen. Bam: So lahat po ng mga kasong ito, fino-follow up po ninyo? Ini-investigate po ninyo pareho iyong biktima kung totoo ngang drug pusher o drug addict at ini-investigate po ninyo kung sino ang may kagagawan po nito?

 Gen. Dela Rosa: Yes, your honor.

 Sen. Bam: Kahapon nagkaroon ng, I don’t remember kung sinong senador po iyong nagtanong pero kahapon po sabi niyo, o kung ayaw ninyo, huwag na lang natin itong gawin, parang may nasabi kayong gawin. Sa tingin ba ninyo, itong pag-imbestiga sa mga napatay ng vigilante o napatay ng mga sindikato, ito po ba’y pabigat sa inyo o kasama sa inyong trabaho bilang PNP?

 Gen. Dela Rosa: Kasama po sa trabaho namin iyan, your honor.

 Sen. Bam: Ano pong paningin niyo sa mga ganitong klaseng pagkapatay. Ito po ba’y nakakatulong sa war on drugs o nakakasama ito sa war on drugs natin?

 Gen. Dela Rosa: Nakakasama po iyan, your honor dahil, as I have said, I don’t like, personal e. Kahit hindi ako chief PNP, kahit ako isang sibilyan, ayaw na ayaw ko po iyong extra-judicial killing. I hate to use extra-judicial killing, dahil mayroong contention ang isang senador natin na ayaw niya ang term na iyan but iyong vigilante killing, ayaw ko po iyan your honor.

Ilang beses ko nang hinamon ng barilan iyong mga vigilante na iyan. Kung gusto niyo pumatay ng tao, bakit papatayin niyo ang tao na walang kalaban-laban, ako ang harapin niyo.

 Ilang beses ko nang hinamon ang mga magagaling diyan na pumatay, ako ang harapin niyo, magbarilan tayo. Hinahamon ko iyan sila your honor, ayaw ko iyang ginagawa nila.

 Sen. Bam: With the full force of the PNP, iyong lahat ng makakaya ng PNP, iyong lahat ng inyong kaalaman, intelligence, assets, hinahabol niyo ba ang mga vigilanteng ito or hindi natin hinahabol?

 Gen. Dela Rosa: Hinahabol po your honor kaya ongoing ang ating investigation. Kaya may na-identify tayo dahil sa investigation natin. Ang na-identify natin kasalukuyan nating hinahanap, nagtatago po iyon dahil miyembro ng sindikato.

 Sen. Bam: Kahapon napag-usapan natin iyong mga pulis na nasangkot sa droga. Alam ko po, mabigat po ito sa inyo. Gaano po na-infiltrate ang ating PNP ng mga masasamang elemento na connected sa droga? Malalim po ba ito? Iilan lang po ba ito o marami po ito?

 Gen. Dela Rosa: Kung sa standard ko your honor, on my personal standard, marami na po. Gusto ko zero drug-tolerant your honor. Ayaw ko na kahit isang pulis ko na involved sa droga. Ito’y po’y sobra sa sampu, sobra sa 100, umaabot ng 300, mabigat ito sa akin.

 Sen. Bam: 300 na po ang nasa watchlist niyo, nakita ko po.

 Gen. Dela Rosa: Yes your honor.

 Sen. Bam: Sa kutob niyo, ilan po ba talaga iyan? 500? 400? 1,000? Ilan po ba talaga?

 Gen. Dela Rosa: Honestly your honor, aakyat pa ang number na iyan. Sa naglabasan na information, marami. Ang aming watchlist sa intelligence, nabulaga po kami. Iyong nag-start ang aming war on drugs, nagpasukan ang information na eto pala tumatanggap ito, eto pala nagbebenta pala ito. Dahil nag-cooperate na ang buong bayan.

 Hindi lang government approach ang ating war on drugs. Naging whole of nation approach na dahil lahat ng communities, nagtutulungan lahat, nagbibigay ng information kaya dadami pa iyan your honor.

 Sen. Bam: Ano po ang dapat gawin sa mga pulis na kasangot sa droga?

 Gen.Dela Rosa: If I have my way, your honor, hindi ko na lang sabihin, pero hindi ko talaga ma-imagine na pulis, na nag-swear to serve and protect, tapos ikaw ngayon ang nakapatong sa droga. Hindi ko sabihin dahil masama your honor, pero alam niyo na ang ibig kong sabihin. Gigil na gigil po ako your honor.

 Sen. Bam: Iyong atin pong taumbayan, alam ho nila na may masasamang elemento. Hindi po lahat. Marami hong mabubuting pulis pero marami ring masasamang element. Kapag kinakatok na sila sa bahay, kapag hinihiling silang mag-meeting, hindi na nila alam kung ang kausap ko, masama o mabuti kaya marami pong natatakot. Ano po ang maipapayo niyo sa taumbayan kung sila po, nakita nila ang isang pulis, hindi nila alam kung ito’y kasangkot o ito’y malinis? Ano po ang puwede nilang gawin?

 Gen. Dela Rosa: This I can assure you and the public, na iyong mga pulis na markado na kasama sa sindikato sa droga ay dahan-dahan na pong nawawala sa kanilang assignment. Nilipat na po namin sila at hindi po namin ini-involve sa Oplan Tokhang at Oplan HVT kasi po, habang nakikita sila ng taumbayan, hindi maniniwala ang taumbayan na itong kampanya ng pulis laban sa droga ay seryoso dahil andiyan pa si PO1 at PO2 ganon kaya tinanggal namin.

 Kanya-kanyang diskarte na po bawat region. Mayroong naghaharana para hindi matakot ang tao. Mayroon pong libreng sakay, kanya-kanyang diskarte.

 Sen. Bam: Iyong kahapon po na salaysay ni Mary Rose, may mga napangalanan po siya. Nasaan na po ang mga iyon? Sila po ba’y na-transfer, kinasuhan o naroon pa po sa Antipolo?

 Gen. Dela Rosa: Your honor, honestly, napahiya po ako kahapon dahil sa testimony ni Mary Rose. Right after ng Senate hearing, ako mismo pumunta sa Rizal PPO, hinanap ko ang pulis na involved.

 Sen. Bam: Mayroon bang pulis na ganon ang pangalan?

 Gen. Dela Rosa: Mayroon your honor. Humarap na po sa akin. Pinatanggal ko na sila sa Rizal PPO at pina-assign ko sa Crame para doon i-confine namin at ready to face the IAS anytime for investigation.

 Tinanggalan na po namin ng armas. Huwag po matakot sila Mary Rose. Hindi na po kayo under threat kasi iyong mga pulis na iyan, tinanggal na namin doon.

 Umuwi na po kayo sa inyo. Puwede niyo na tanggalin ang cover sa mukha, please. Andito kami. We’re here to protect you. Huwag kayong mag-alala, iyong mga pulis na iyan, naka-confine nap o.

 Sen. Bam: Gina-guarantee niyo ba ang safety ng witnesses natin, general?

 Gen. Dela Rosa: Pumunta kayo sa akin, patirahin ko kayo sa White House, safe kayo doon.

Scroll to top