bam aquino on port congestion

Transcript of Senator Bam Aquino’s Interview after the Manila Port Congestion Hearing

QUESTION: Ano po ang update sa port congestion hearing?

SEN. AQUINO: Nagrereklamo ang private sector na hindi binubuksan ang port pag weekends, at kung Monday morning. Ngayon nagkakasundo na para ma-decongest talaga ang port natin, kailangan ng extraordinary measures.

The City of Manila is already doing a lot in terms of changing the regulations.

Kailangang papasukin natin ang government agencies ng weekend at Monday mornings para masiguro natin na mas mahaba iyong hours of operation po natin sa port.

 

QUESTION: How about banks, kasi closed iyong banks, isa rin sa itinuturong dahilan?

SEN. AQUINO: Madali namang pakiusapan kahit isa o dalawang branch in that area na magbukas.

Alam ninyo ang isyu na ito, mahalagang mahalaga po ito. Hindi po ito puwedeng palampasin lang. Ang presyo ng bilihin natin, stocks sa merkado, ito po ang nanganganib diyan.

Kailangan ho talaga lahat ng grupo, whether private sector or public sector, nagtutulungan po para maresolba ang isyung ito. Kung hindi magtataas po ang presyo natin at iyon ang ayaw nating mangyari.

 

QUESTION: Ang four weeks, experimental lang ba iyon?

SEN. AQUINO: No. Right now dalawa kasi ang problema. Una kailangan natin ng long-term solution. Dahil kaya po nangyayari ang port congestion, dahil nasa full capacity na siya. Konting aberya lang, nagkakagulo na lahat. So a long-term solution is needed.

Kailangang i-expand natin ang port, palakasin ang Batangas at Subic.

But iyong short-term problem natin, punung-puno na po ang ports natin at kailangan nang madaliin iyong proseso ng pagtanggal ng containers.

So iyong PEZA magbubukas ng area para kunin ang container. Magbubukas po ng Sabado, Linggo at Monday morning para matanggal ang containers doon.

Ang Manila po, nagbukas na po ng mga lanes para mas mabilis ang pagtanggal ng containers.

Sa short-term solution, kailangang magtulungan lahat. Hindi puwedeng Manila lang, national agency lang. Kailangan ang private sector at public sector nagtutulungan para ma-resolve ito at the same time, kailangan ng long-term solution kasi kung hindi, babalik at babalik ang problemang ito.

 

QUESTION: Ano po ba ang tinutukoy ni Mr. Cheung ng “expenses along the way?”

SEN. AQUINO:  Hindi nga nilinaw ni Mr. Cheung kung ano ang ibig niyang sabihin. Pero palagay ko siyempre iyong paglilinis dito sa ating mga sistema, sana linisin natin ang korupsiyon sa Port Area.

 

QUESTION: May deadline kung kailan matatapos ang clearing para ma-normalize ang operation?

SEN. AQUINO: Kahapon po ang deadline.

Sa totoo, the more that this congestion happens, the more na nanganganib po ang ating stocks, iyong ating mga presyo, iyong kapakanan po ng taumbayan.

They need to move fast and hopefully, we’ll have a hearing again in five weeks, may makita po tayong totoong resulta sa ating hearing na talagang na-decongest po ang ating ports.

 

QUESTION: Nakaapekto ba ang truck ban sa port congestion?

SEN. AQUINO: I guess, sabi ni Vice Mayor Isko, siguro naging sindi sila sa doon problema but to be very frank, hindi na ito truck ban problem dahil they changed the regulation.

Sabi nga niya, lahat ng hiningi ng national government, binigay naman nila. In fact, gumagawa na sila ng express trade lanes, mula sa South Luzon papunta sa Port diretso, and they’ll be operating that next Monday.

Manila has already done its share, kung ano ang kaya niyang gawin para maresolba ang isyu.

Right now, it’s really a matter of cooperation between the truckers, the logistics, the owners of the containers, ating private at iba’t ibang ahensiya. Kailangang magtulungan talaga.

 

QUESTION: Iyong process sa pagpapalabas ng containers, will you look into that?

SEN. AQUINO: Yes, in fact may na-mention rin kanina tungkol sa corruption issue. I think na-mention ng isang resource speaker na mga along the way fees na hindi nado-document, kailangan ding tingnan iyon.

If we’re going to fix this problem, ayusin na natin ng lubus-lubusan. Hindi lang pansamantala, let’s go for long-term solutions.

Linisin natin ang problema, let’s make it more efficient. Huwag nating hayaang tumaas ang presyo ng bilihin dahil dito.

Scroll to top