Bam Aquino

BIDA KA!: BIR memo at micro business

Mga Bida, isa sa mga ­batas na nagsusulong ng kapakanan ng maliliit­ na negosyante ay ang ­Barangay Micro Business Enterprise (BMBE) Act of 2002.

Sa ilalim ng BMBE Act of 2002, maraming benepisyo ang nakalinya para sa tinatawag na micro entrepreneurs, o iyong mga negosyong may ari-ariang ‘di lalampas sa P3 milyon­ ang halaga, upang matulu­ngan ­silang umasenso.

Kabilang dito ang exemption sa income tax mula sa kita ng ­operasyon ng negosyo. Hindi rin sila saklaw ng Minimum Wage Law at mabibigyan pa ng tulong sa pautang para sa dagdag na ­puhunan.

Pero sa huling tala, kakaunti lang ang bilang ng micro ­enterprises sa bansa ang nakarehistro bilang BMBEs.

Ito’y dahil sa kakulangan ng impormasyon sa lokal na ­antas at sa mahigpit na requirements na hinihingi ng local ­government units at ilang ahensiya ng pamahalaan, lalo na sa aspeto ng pagbubuwis.

***

Ito ang isa sa mga nais nating baguhin nang isulong natin ang pagsasabatas ng Republic Act 10644 o Go Negosyo Act, ang una sa aking 17 batas sa panahon ko bilang chairman ng Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship noong 16th Congress.

Inamyendahan ng RA 10644 ang BMBE Act of 2002 kung saan inilagay ang Negosyo Centers bilang tanging may ­kapangyarihan na mag-isyu ng BMBE certification.

Ngayon, mas madali nang kumuha ng BMBE certification ang mga kababayan nating micro entrepreneurs sa mahigit 470 Negosyo Centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Malaking tulong din ang inilabas na memorandum ng ­Bureau of Internal Revenue (BIR) kamakailan upang mapabilis ang proseso para sa ating micro enterprises.

 

Sa memo ni BIR Commissioner Caesar Dulay, binibigyan ng pahintulot ang mga nasasaklawan ng BMBE na magsumite ng income tax returns (ITR) sa mga Revenue District Offices (RDO) kahit walang buwis na babayaran.

Sa tulong ng bagong panuntunang ito, mas mabilis na para sa micro enterprises na maghain ng ITR sa lahat ng tanggapan ng BIR.

***

Ngayong 17th Congress, tuluy-tuloy pa rin ang pagbabantay natin sa kapakanan ng maliliit na negosyante bilang bahagi ng ating adbokasiya na tulungan ang micro, small and ­medium enterprises (MSMEs) sa bansa.

Kamakailan lang, inihain ko ang Senate Bill No. 169 o ang Small Business Tax Reform Act, na layong patawan ng mas mababang buwis at iba pang benepisyo ang mga maliliit­ na negosyo, maliban pa sa pagpapadali ng proseso sa iba pa nilang pangangailangan para makatayo sa sariling paa at ­tuluyang umasenso.

Sa ilalim ng panukala, lahat ng maliliit na negosyo ay hindi muna pagbabayarin ng income tax sa loob ng unang tatlong taon ng operasyon mula sa petsa ng pagkakatayo. Pagkatapos, sisingilin na sila ng mas mababang buwis sa mga susunod na taon.

Hindi sisingilin ng income tax ang mga maliliit na negosyo­ na kumikita ng mababa sa P300,000 habang sampung ­porsiyentong income tax naman ang kukunin sa kumikita ng P300,000 hanggang P10,000,000.

Kapag naisabatas, magiging simple ang proseso ng bookkeeping at magkakaroon na ng special lane at assistance desk para sa MSEs, maliban pa sa exemption sa tax audit, taunang paghahain ng tax returns at pagbabayad nang hulugan.

Maliban sa pagtulong sa ating micro enterprises, kailangan din nating pabilisin ang proseso sa pagbubuwis ­dahil napag-iiwanan na ang Pilipinas sa aspetong ito.

Sa pag-aaral ng PWC at World Bank, ang Pilipinas ay pang-126 sa 189 ekonomiya pagdating sa tinatawag na Ease of Paying Taxes. Kung gagawing simple ang sistema ng pagbubuwis sa bansa, mas malaki ang tsansa ng ating mga maliliit na negosyo na umasenso.

Ang pag-asensong ito ay magreresulta sa pag-angat ng buhay at dagdag na kabuhayan para sa mas maraming Pilipino.

BIDA KA!: BIR memo at micro business

Mga Bida, isa sa mga ­batas na nagsusulong ng kapakanan ng maliliit­ na negosyante ay ang ­Barangay Micro Business Enterprise (BMBE) Act of 2002.

Sa ilalim ng BMBE Act of 2002, maraming benepisyo ang nakalinya para sa tinatawag na micro entrepreneurs, o iyong mga negosyong may ari-ariang ‘di lalampas sa P3 milyon­ ang halaga, upang matulu­ngan ­silang umasenso.

Kabilang dito ang exemption sa income tax mula sa kita ng ­operasyon ng negosyo. Hindi rin sila saklaw ng Minimum Wage Law at mabibigyan pa ng tulong sa pautang para sa dagdag na ­puhunan.

Pero sa huling tala, kakaunti lang ang bilang ng micro ­enterprises sa bansa ang nakarehistro bilang BMBEs.

Ito’y dahil sa kakulangan ng impormasyon sa lokal na ­antas at sa mahigpit na requirements na hinihingi ng local ­government units at ilang ahensiya ng pamahalaan, lalo na sa aspeto ng pagbubuwis.

***

Ito ang isa sa mga nais nating baguhin nang isulong natin ang pagsasabatas ng Republic Act 10644 o Go Negosyo Act, ang una sa aking 17 batas sa panahon ko bilang chairman ng Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship noong 16th Congress.

Inamyendahan ng RA 10644 ang BMBE Act of 2002 kung saan inilagay ang Negosyo Centers bilang tanging may ­kapangyarihan na mag-isyu ng BMBE certification.

Ngayon, mas madali nang kumuha ng BMBE certification ang mga kababayan nating micro entrepreneurs sa mahigit 470 Negosyo Centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Malaking tulong din ang inilabas na memorandum ng ­Bureau of Internal Revenue (BIR) kamakailan upang mapabilis ang proseso para sa ating micro enterprises.

 

Sa memo ni BIR Commissioner Caesar Dulay, binibigyan ng pahintulot ang mga nasasaklawan ng BMBE na magsumite ng income tax returns (ITR) sa mga Revenue District Offices (RDO) kahit walang buwis na babayaran.

Sa tulong ng bagong panuntunang ito, mas mabilis na para sa micro enterprises na maghain ng ITR sa lahat ng tanggapan ng BIR.

***

Ngayong 17th Congress, tuluy-tuloy pa rin ang pagbabantay natin sa kapakanan ng maliliit na negosyante bilang bahagi ng ating adbokasiya na tulungan ang micro, small and ­medium enterprises (MSMEs) sa bansa.

Kamakailan lang, inihain ko ang Senate Bill No. 169 o ang Small Business Tax Reform Act, na layong patawan ng mas mababang buwis at iba pang benepisyo ang mga maliliit­ na negosyo, maliban pa sa pagpapadali ng proseso sa iba pa nilang pangangailangan para makatayo sa sariling paa at ­tuluyang umasenso.

Sa ilalim ng panukala, lahat ng maliliit na negosyo ay hindi muna pagbabayarin ng income tax sa loob ng unang tatlong taon ng operasyon mula sa petsa ng pagkakatayo. Pagkatapos, sisingilin na sila ng mas mababang buwis sa mga susunod na taon.

Hindi sisingilin ng income tax ang mga maliliit na negosyo­ na kumikita ng mababa sa P300,000 habang sampung ­porsiyentong income tax naman ang kukunin sa kumikita ng P300,000 hanggang P10,000,000.

Kapag naisabatas, magiging simple ang proseso ng bookkeeping at magkakaroon na ng special lane at assistance desk para sa MSEs, maliban pa sa exemption sa tax audit, taunang paghahain ng tax returns at pagbabayad nang hulugan.

Maliban sa pagtulong sa ating micro enterprises, kailangan din nating pabilisin ang proseso sa pagbubuwis ­dahil napag-iiwanan na ang Pilipinas sa aspetong ito.

Sa pag-aaral ng PWC at World Bank, ang Pilipinas ay pang-126 sa 189 ekonomiya pagdating sa tinatawag na Ease of Paying Taxes. Kung gagawing simple ang sistema ng pagbubuwis sa bansa, mas malaki ang tsansa ng ating mga maliliit na negosyo na umasenso.

Ang pag-asensong ito ay magreresulta sa pag-angat ng buhay at dagdag na kabuhayan para sa mas maraming Pilipino.

NEGOSYO, NOW NA!: Pagtatanim ng tubo at Internet shop

Mga kanegosyo, kilala si Pasencia Iglesia o Nanay Pasing bilang masipag at tapat na Barangay Kagawad sa Brgy. Banay-Banay, Bayawan City, Negros Oriental.

Sa Negros Occidental isinilang si Nanay Pasing ngunit lumipat sa Negros Oriental nang nasa ika-apat na baitang na siya sa elementarya.

Doon na rin natapos ni Nanay Pasing ang high school bago niya nakilala ang mister na si Jonnary.

Upang mabuhay ang apat nilang anak, nagnegosyo ang mag-asawa ng baboy at nagtanim ng tubo, na siyang pangunahing pananim ng Negros.

Naging maayos naman ang takbo ng negosyo ng mag-asawa ngunit noong 2007, matinding pagsubok ang tumama sa kanilang pamilya at kabuhayan.

Matinding tagtuyot o El Niño ang tumama noon sa rehiyon, na nakaapekto nang husto sa kanilang tubuhan.

Sinikap nilang isalba ang mga pananim subalit karamihan sa mga ito ay hindi na napakinabangan dahil natuyo sa sobrang init.

Sa una, sinubukan munang manghiram ng mag-asawa sa buyer ng kanilang tubo para maisalba ang kabuhayan.

Makalipas ang isang taon, naibangon ng mag-asawa ang negosyo at nabayaran ang lahat ng kanilang utang.

***

 

Makalipas ang ilang taon, muli na namang nalagay sa alanganin ang tubuhan ni Nanay Pasing nang magkulang ang pambili nila ng abono.

Eksakto naman na kabubukas lang ng CARD sa kanilang lugar at inanyayahan siyang sumali ng kaibigan.

Dahil sa ganda ng patakaran, maliban pa sa iba’t ibang benepisyo gaya ng tulong sa pagpapa-aral sa kanyang mga anak, nahikayat si Nanay Pasing na sumali.

Ginamit ni Nanay Pasing ang nahiram na pera bilang pambili ng abono, na siyang muling nagbigay daan sa pagbangon ng kanilang negosyo.

***

Napansin din ni Nanay Pasing ang problema ng kanyang anak sa pag-aaral dahil walang computer shop sa kanilang lugar.

Kailangan pang dumayo ng kanyang anak sa ibang barangay para makagawa ng assignments sa paaralan.

Naisipan ni Nanay Pasing na magtayo ng Internet shop sa kanilang lugar. Sa tulong ng pautang ng CARD, naumpisahan niya ang maliit na computer shop sa kanilang barangay.

Kamakailan lang, nagdagdag pa si Nanay Pasing ng labinlimang computer sa shop na pinatatakbo ng anak na si Joy.

Sa tulong ng CARD, nagsimula na rin ang pagpapatayo sa isa pang negosyo ng mag-asawa — ang Muscovado Milling, na makatutulong sa pagpapalakas ng kanyang negosyong tubo.

Mula sa pagtatanim ng tubo hanggang sa kanilang Internet shop, naging katuwang ni Nanay Pasing ang CARD sa paglalakbay tungo sa pag-asenso.

***

Itinuturing na pinakamalaking microfinance institution sa bansa, nagpapautang ang CARD-MRI ng puhunan sa mga nais magsimula ng negosyo nang walang kolateral at sa mababang interes.

Mayroon na silang iba’t ibang sangay sa Pilipinas, na makikita sa kanilang website na www.cardmri.com at www.cardbankph.com.

***

Ang Republic Act No. 10644 o Go Negosyo Act ang kauna-unahang batas ko bilang senador noong 16th Congress. Layunin nito na maglagay ng Negosyo Center sa bawat munisipalidad, siyudad at lalawigan sa buong bansa.

Upang malaman ang pinakamalapit na Negosyo Center sa inyong lugar, magtungo sa https://www.bamaquino.com/gonegosyoact/negosyo-center-tracker/.

Bam pushes for learning resource centers for children with special needs

As part of his advocacy to provide quality education to everyone, a senator is pushing for the creation of learning resource centers for Filipino children with special needs to give them a chance to learn regardless of their circumstance.

“Sa edukasyon, importante na mabigyan ng sapat na pagkakataon ang lahat, maging anuman ang kalagayan nila sa buhay, upang matuto at makapag-aral,” said Sen. Bam Aquino, author of Senate Bill 1414, which seeks to make education inclusive and accessible to every Filipino child by establishing a framework for special needs education implementation nationwide.

Sen. Bam said the Department of Education (DepEd) reported an estimated 350,000 students with special needs while Save the Children revealed that only one of three Filipino children with special needs has a chance to go to school.

In addition, Sen. Bam said only one in seven of those children attending school has access to specialized education that caters to their varied needs.

“Sadly, our country’s education system is currently under-equipped to cater to the individual and unique requirements of students with special needs,” said Sen. Bam, adding that parents find it difficult to provide their children the education they need given only a few public schools have SPED centers.

“The SPED program and most of our educators also lack the necessary skills and training to accommodate students with exceptionalities,” explained Sen. Bam.

In accordance with the mandate of our Constitution, Presidential Decree No. 603, and the Magna Carta for Persons with Disability, Sen. Bam said the measure will push for the establishment of inclusive education learning resource centers.

These centers will serve as source of appropriate instructional materials, tools, devices, gadgets, and equipment that educators can use in their classrooms to ensure that students with special needs are properly supported and enabled to learn alongside their peers.

“It is our duty to become their partners in achieving this goal to provide a brighter future for our children and our country,” said Sen. Bam, who was chairman of the Committee on Education in the 17th Congress until February.

As Committee on Education chairman, Sen. Bam pushed for the passage of Senate Bill No. 1304 or the Affordable Higher Education for All as principal sponsor and co-author. The measure was approved by the Senate on third and final reading via an 18-0 vote.

If enacted into law, it will institutionalize free tuition in SUCs all over the country, giving underprivileged students a chance to earn a college degree.

It will also streamline and strengthen all Student Financial Assistance Programs (StuFAP), making it available to students who want to pursue higher education in private institutions, as well as subsidizing other expenses of SUC students.

BIDA KA!: Tatlong sikreto

Mga Bida, kamakailan ay naanyayahan ako bilang guest speaker sa graduation ng dalawang state universities sa Tacloban, Leyte.

Sa aking speech sa graduation ng Eastern Visayas State Univer­sity (EVSU) at Leyte Normal University (LNU), ibinahagi natin ang magandang balita na nakapasa na sa Senado ang Senate Bill No. 1304 o Affordable Higher Education for All.

Sa harap ng mga magtatapos, binigyang diin ko na ang panu­kalang ito ay magbibigay sa lahat ng Pilipino ng pagkakataong makatapos sa kolehiyo at magkaroon ng magandang kinabukasan.

Masaya namang tinanggap ng mga nagtapos pati na ng kanilang mga magulang ang aking ibinalita. Karamihan kasi sa kanila ay may anak o kapatid na hindi pa nakakatapos o ­tutuntong pa lang sa kolehiyo.

Umaasa tayo na sa pagpapatuloy ng sesyon sa Mayo, ­lalabas na rin ang bersiyon ng Kamara upang masimulan na ang bicameral conference committee.

Matapos maratipikahan ang pinal na bersiyon, ito’y dadal­hin na sa Malacañang para sa pirma ng Pangulo. Nais nating ­tiyakin na ito’y maipatutupad pagsapit ng 2017-18 school year.

Kapag naisabatas, magiging libre na ang tuition sa ­lahat ng SUCs at palalakasin nito ang lahat ng Student ­Financial ­Assistance Programs (StuFAP), para makatulong sa mas maraming estudyante na nais magtapos ng kolehiyo sa ­pribadong institusyon.

***

Ibinahagi ko rin sa mga nagtapos ang tatlong mahaha­lagang sikreto bilang pabaon na maaari nilang magamit at ­paghugutan ng aral sa panibagong yugto ng kanilang buhay paglabas nila sa EVSU at LNU.

Sa panahon ngayon, uso ang cellphone, tablet at social ­media na ating ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang tao sa ating buhay.

 

Subalit, madalas nakukuntento na lang tayo na rito na lang nakikita at nakakausap ang ating pamilya, mga kaibigan at iba pang mahal sa buhay.

Ang unang sikreto ay huwag mamuhay sa harapan lang ng screen ng cellphone o tablet at mamuhay nang walang anumang filter.

Mas maganda kung makakausap natin nang harapan at ­hindi sa gadget o online ang mga mahalagang tao sa ating buhay. Huwag nating sayangin ang pagkakataon na maranasan ang mundo nang labas sa cellphone camera at social media.

Tanggalin natin ang mga harang na iyan. Huwag po ­nating hayaan na mayroong balakid sa pagitan natin at sa mahal ­natin sa buhay.

Ikalawang sikreto naman ay ang sikreto sa tagumpay.

Paano tayo magtatagumpay kung nasanay tayo sa ­katwiran na ‘Pwede Na’ Makapasa lang, maka-graduate lang. Puwede na ‘yan!

Ngunit hindi puwede ang ganitong pananaw sa buhay. Kaya po nating pagbutihin at kaya nating pagandahin. Kaya po natin basta’t handa tayong magtrabaho at gawing bahagi ng ating buhay ang tinatawag na excellence.

Sa ganitong paraan, mas malaki ang tsansa nating magtagumpay sa buhay.

Ikatlo ay ang sikreto sa kaligayan. Sabi ng iba, pera, pag-ibig o ‘di kaya’y mga naabot sa buhay ang sikreto ng ­kaligayahan.

Sabi ng isang scientist, hindi pera, pag-ibig o mga narating sa buhay ang pagmumulan ng kaligayahan kundi ang pagiging mabait at pagkalinga sa ating kapwa.

Kapag tayo’y nagpapakita ng kabaitan at pag-­aalaga sa ating mga kasama sa araw-araw, ito ang ­panahon na nagbi­bigay sa atin ng totoong kasiyahan sa ating puso at kaluluwa.

Nakita kong tumu­tungo naman ang mga ­graduate at nakikinig sa aking munting pabaon sa kanila.

Sinabi ko rin na ang mga tumulong sa kani­lang makapagtapos — mula sa mga guro, magulang, at mga ­kaibigan — ay naririyan pa rin at nagnanais ng kanilang tagumpay sa buhay.

Mga Bida, ang mga sikretong ito ay hindi lang para sa mga magtatapos kundi para sa ating lahat upang tayo’y mas maging matagum­pay na Pillipino.

NEGOSYO, NOW NA!: Benepisyo ng rehistradong negosyo

Mga kanegosyo, binuksan ang Negosyo Center sa Cabiao, Nueva Ecija noong ika-21 ng Marso ng nakaraang taon.

Matatagpuan sa munisipyo ng Cabiao, ito ay isa sa 29 na Negosyo Centers na makikita sa Region III o Central Luzon.

Maituturing pang bago ang Negosyo Center sa Cabiao ngunit marami-rami na rin silang natulungang negosyante, lalo na sa aspeto ng pagpaparehistro ng negosyo.

Kabilang na rito si Emidio Collado, na noong pang 2007 sa negosyo ng paggawa ng furniture sa Cabiao su­balit hindi niya ito mapalago dahil sa patagong operasyon.

***

Dahil walang kaukulang papeles ang negosyo, li­mitado lang ang nakukuhang kliyente ni Mang Emidio. Hindi rin siya makasali sa mga trade fair at exhibit kung saan maaari siyang makapasok sa bagong merkado.

Suwerte naman at nakadalo si Mang Emidio sa Design Mission na isinagawa ng aming tanggapan sa Negosyo Center Cabiao noong May 12, 2016.

Sa kanyang pagdalo, nakakuha si Mang Emidio ng mga bagong ideya sa disenyo ng ginagawang kasangkapan.

Mula noon, naging aktibo na siyang kalahok sa iba pang seminar ng Negosyo Center Cabiao.

Noong June 21, 2016, nagpasya si Mang Emidio na pormal nang iparehistro ang negosyo sa tulong ng Negosyo Center.

 

Isang buwan ang nakalipas, lumabas na ang papeles ng negosyo ni Mang Emidio bilang BMBE o Barangay Micro-Business Enterprise. Pagkatapos, agad din siyang nakakuha ng tax identification number (TIN).

Pagkatapos maparehistro ang negosyo, agad naglagay si Mang Emidio ng display area sa harap ng kanyang bahay upang maipakita ang mga ginawa niyang kasangkapan.

***

Matapos naman ang serye ng konsultasyon sa Negosyo Center-Cabiao, noong Sept. 20, 2016 ay lumabas na ang flyer na ginawa ng isang business counselor para sa negosyo ni Mang Emidio.

Ang mga flyer na ito ay ipinamamahagi sa Negosyo Centers sa Cabanatuan City, Cabiao at Gapan City. Inilagay din ang flyer sa FB account ng Negosyo Center-Cabiao upang makita ng mas marami pang tao.

Ayon kay Mang Emidio, lubos ang kanyang pasasalamat sa tulong na ibinigay ng Negosyo Center-Cabiao sa kanyang negosyo.

Mula nang maparehistro niya ang negosyo at sa dagdag pang ayuda ng Negosyo Center-Cabiao, tumaas ang benta ni Mang Emidio at nadagdagan pa ang order para sa ginagawa niyang furniture.

***

Mga kanegosyo, huwag nang magdalawang-isip pang iparehistro ang negosyo dahil malaki ang maitutulong nito tungo sa pag-asenso.

Kung gagawing patago ang operasyon para makatakas sa mga obligasyon at bayarin sa gobyerno, magiging bonsai lang ang negosyo at wala nang pagkakataon pang lumago.

Bukas ang pintuan ng halos 500 Negosyo Center sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa mga nais magparehistro ng negosyo.

***

Ang Republic Act No. 10644 o Go Negosyo Act ang kauna-unahang batas ko bilang senador noong 16th Congress. Layunin nito na maglagay ng Negosyo Center sa bawat munisipalidad, siyudad at lalawigan sa buong bansa.

Upang malaman ang pinakamalapit na Negosyo Center sa inyong lugar, magtungo sa https://www.bamaquino.com/gonegosyoact/negosyo-center-tracker/.

Bam bats for additional benefits for solo parents

As means to help them meet the challenges of raising children on their own, Sen. Bam Aquino has filed a measure that seeks to provide additional benefits for solo parents, including a personal tax exemption of P50,000.

“Nurturing a healthy family takes a lot of time, effort, and resources. For solo parents, the challenge is even greater,” Sen. Bam said in Senate Bill No. 715.

 “Plus, the financial burden as breadwinner makes it even more difficult for solo parents,” added the deputy minority leader.

 The measure seeks to amend Republic Act No. 8972 or the Solo Parents’ Welfare Act of 2000 to add benefits for solo parents and enhance the effectiveness of the law’s implementation by increasing penalties for non-compliance.

 Aside from the personal tax exemption of P50,000, which will allow solo parents to take home a larger portion of their income for their family, solo parents will be awarded a 10 percent discount on clothing for their child and a 15-percent discount on baby’s milk and food up to two years from childbirth.

 Furthermore, a 15-percent discount from medicine and medical supply purchases until 5 years from childbirth as well as a 10-percent discount from tuition fees will also be awarded.

“Let’s ease the burden on solo parents and provide them support,” said Sen. Bam.

 Recently, Sen. Bam was among those who voted for the passage of the measure authored by Sen. Risa Hontiveros, giving working women 120 days maternity leave and 150 days for solo mothers.

Bam: MFI NGOs provide lower-interest, no-collateral loans to poor, micro-businesses

Rather than be burdened by high-interest loans collected by loan sharks and other informal lenders, Sen. Bam Aquino encouraged the public to approach m​icrofinance non-government organizations (​MFI ​NGOs) for lower-interest and no-collateral financing.

“Madali nga ang proseso ng pangungutang sa 5-6 subalit pinapatay naman tayo sa laki ng interes sa kanilang mga pautang,” said Sen. Bam.

 “Upang hindi na tayo mabigatan sa malaking interes, subukan nating lumapit sa mga MFI NGOs sa iba’t ibang bahagi ng bansa na nagbibigay ng pautang sa mas mababang interes at walang kolateral,” added Sen. Bam.

Sen. Bam explained that some micro-business owners were forced to close shop due to the high interest being collected by loan sharks. But businesses flourished after obtaining loans and undergoing training from different MFI NGOs in the country.

 “Huwag sayangin ang kita sa malaking interes na sinisingil ng 5-6,” said Sen. Bam.

 Aside from low-interest loans, MFI NGOs also provide clients with trainings and other business development skills that they can use to grow their livelihood. MFI NGOs also help in community organizing and values formation and offer other services like insurance and education and health-related loans to their regular clients.

Before he was elected as senator, Sen. Bam worked with MFI NGOs as a social entrepreneur.

During his term as chairman of the Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship in the 16th Congress, Sen. Bam sponsored and co-authored Republic Act 10693 or the Microfinance NGOs Act to ensure MFI NGOs continue to operate and serve poor Filipino communities.

 Sen. Bam said the MFI NGOs Act will help eradicate 5-6 by giving Filipinos an alternative means to obtain low-interest, no-collateral loans.

Republic Act 10693 gives incentives to MFI NGOs to continue helping Filipinos overcome poverty not just through financing but also through financial literacy, livelihood, and entrepreneurship training.

The law also provides MFI NGOs needed support and incentives that includes access to government programs and projects, technical assistance and exemption from taxes.

 In addition to the MFI NGOs Act, Sen. Bam will be looking into other measures where government can further support the MFI sector.

 Microfinance NGOs have been operating in the country since 1986. According to latest data, MFI NGO members of the Microfinance Council of the Philippines, Inc. (MCPI) have five million active borrowers.

 For a full list of MFI NGOs in the country, please visit http://www. microfinancecouncil.org/ regular-members/.

Bam: Are police scalawags now above the law?

Instead of promising pardon to scalawag policemen who will be convicted in the performance of their duties in the fight against illegal drugs, President Duterte should let the justice system takes its course and punish those who will be found guilty of abuse and other crimes.

 “With his promise, it seems that there are individuals and groups who are above the law,” said Sen. Bam, referring to Duterte’s commitment to police officers who would be convicted in the performance of their duties.

 “Mas magandang hayaan muna nating umusad ang ating sistemang panghustisya bago ang anumang pangako,” he added.

 It was reported that among those who could receive pardon are 19 police officers involved in the killing of Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa. The police officers were ordered arrested and charged with murder.

 The police officers killed Espinosa inside the Baybay sub-provincial jail last year.  They claimed that the mayor fired at them while they were about to implement a search warrant.

In the Senate hearing, however, a medico-legal officer from the Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) determined that the shots were fired when Mayor Espinosa was lying down. Other details regarding the altercation also raised alarm bells with fellow police who narrated these to the Senators.

 According to its report, the Committee on Public Order, chaired by Sen. Panfilo Lacson said Espinosa’s murder was premeditated and the involved policemen committed abuse of authority.

2017 Commencement Speech of Sen. Bam Aquino: Three Secrets

 

Before anything else, I’d like to thank you for inviting me to your commencement exercise. It is an honor to be speaking to all of you on such a momentous occasion!

This is the culmination of all your hard work as students! So let’s take some time to thank the people who were part of your journey.

Of course, our teachers who took on the challenge of arming our graduates with the skills they need to succeed beyond these walls.

We must not forget our parents and our family – those who worked so hard to afford your education and support you. I’m sure they are filled with pride today.

Let’s give them all a round of applause! Damo nga salamat, teachers, parents, family, friends!

 Ang tagumpay ninyo ngayon, mga graduates, ay tagumpay rin ng inyong mga pamilya!

But of course, we must give the biggest, loudest applause to our graduates! Palakpakan niyo po ang inyong mga sarili! Congratulations!

Today, you are celebrating the hard work and sleepless nights you put into finishing your thesis, the nerves you conquered during every exam, and all the times you pushed yourself to excel and do better!

Beyond the academics, today, you are also celebrating the unforgettable moments you created, the friendships you forged, and the person you’ve grown to be.

It is the sum of all these experiences – good and bad, successes and failures – that prepare you for your new adventure outside Carlos Hilado Memorial State College.

And, truly, dear friends, every Filipino should be given the opportunity to earn a college degree, have a chance at a better job and a better future.

During the course of your education, I’m sure there were times when people in this room were worried about their finances, may mga nahirapan po magbayad ng school fees.

Siguro po may mga kilala rin kayo na hindi nakapagtapos – hindi dahil mababa ang kanilang grades, ngunit dahil nahirapan sila makahanap ng pambayad sa tuition.

 Pero mayroon po akong good news para sa inyo at para sa kanila!

In the Senate, we recently passed on third and final reading the Affordable Higher Education for All Act, which will make tuition fees free in all state universities and colleges – including CHMSC!

Ang mga kaibigan ninyong hindi nakapagtapos ay pwedeng bumalik sa kolehiyo at, tulad ninyo, maka-graduate na rin!

Ang inyong mga kaibigan, mga kapatid at kamag-anak na nag-aaral sa mga SUC, matutulungan na sila, kahit kaunti, dahil sa libreng tuition.

 Siguro iniisip ninyo… Senator Bam, graduate na po kami. Bakit niyo pa ito sinasabi?

Well, dear friends, I have 2 reasons.

One – hindi pa po ito batas. Kailangan pa po ito ipasa sa Kongreso at pirmahan ng Presidente. Kailangan po naming ang inyong suporta upang bantayan ang proseso at siguraduhin na maipapasa ito sa lalong madaling panahon. We need you to help us spread the word.

 Second, I know you will appreciate it. You who have worked so hard to pay for a good education for all 4 years. I know you will appreciate this bill and make sure na maipasa ito para sa inyong mga kaibigan, mga magulang, para sa susunod na batch, susunod na mga henerasyon.

 This is our gift to every Filipino family whose dream is to have a member, at least one person, in their family to earn a college degree.

Pero hindi po ito ang pabaon ko sa inyo ngayon, mga graduates!

My gift to you today, before you venture out into a wild, uncertain, and complicated world, are 3 secrets!

The first secret is the secret to living.

 Sa mga mayroong smart phone, pakilabas ito at ilagay sa camera mode! Itapat sa inyong katabi. Itapat sa noo… sa ilong… sa pisngi…

 Ngayon naman, itabi ang inyong mga phone. Itabi na ‘yan at titigan naman ang inyong katabi.

For five minutes. Stare at your seatmate. Get closer! Lapit pa hanggang sa maamoy mo na ang kanyang hininga… Hanggang sa malaman mo na kung ano kinain niya for lunch.

Ok! 5 mins is up!

How did that feel? Was it uncomfortable? <pause> Alin ang mas nakakailang? Alin ang mas may impact? <pause>

Hindi ba’t mas ramdam mo ang iyong katabi pag walang gadget sa pagitan ninyo? Mas ramdam mo rin ang hiya!

Pero parang mas totoo, parang mas nakilala mo ang kaniyang mukha at pagkibo kapag gamit mo ang iyong dalawang mata.

Friends, life too short to be living behind a screen!

This, dear graduates, is the first secret: Live life with no filters.

If you’re flirting with someone online, lakasan ang loob at makipag-landian in person!

Kung may kaaway ka online, why not have a face-to-face discussion? You might even make a new friend.

In this day of Facebook and Instagram, marami na pong filters sa ating buhay. But these filters should only be in our photos and videos. Filters and preconceptions must not cloud our minds.

We must not allow these filters to waste the experience of knowing each other in real life.

The challenge of this first secret is to experience the world in its fullest, to open our minds beyond a screen, beyond what we think we already know.

Because it is only by living without filters that we truly open up to what the world can offer and what each person can teach us.

That is, to me, the secret to living: to go beyond filters, break down barriers, and genuinely reach out to our fellow men and women.

Tanggalin po natin ang mga harang na iyan at huwag hayaan na hanggang Facebook lang ang pakikitungo natin sa ating mga magulang at sa ating mga kaibigan.

The secret to living is to live life with no filters.

Now, what’s the second secret? Secret number 2 is the secret to winning!

 

“Why are you so good at winning? What did you do?” This question was posed to a very wise man after he won yet another game.

The tall wise man, with his knowing eyes, paused and rubbed his wise old head. Then he answered:

“Excellence is a habit. You are what you repeatedly do.”

Can you guess who this wise man is? It’s none other than… Shaquille O’Neal, legendary basketball player!

After winning so many basketball games, he said the secret to their success was to make excellence a habit!

Truly, habits take up a large part of our day-today and habits lead to success. So how can we expect to succeed if we get used to the mediocre, ang “Pwede Na”?

Makapasa lang – maka-graduate lang. Pwede na ‘yun!

Ang bako-bakong daanan – nadadaanan pa naman. Pwede na ‘yan!

Ang mabagal na internet – nakaka-download pa rin naman. Pwede na!

Pero hindi pwede and pwede na. <slow it down> Kasi pwede pa!

<Speed it up!> Kaya pa nating pagbutihin, pagandahin, pabilisin, palakasin, padamihin… Kaya pa natin basta’t handa tayong magtrabaho at gawing gawiin – gawing habit.

And we do not need to be born very talented or very intelligent to be excellent. What it takes is practice and effort!

A recent psychological study revealed that the key characteristic for success is actually a combination of passion and perseverance This combination is what psychologist Angela Duckworth calls grit.

Grit! It is the ability to keep trying and keep working with heart!

I hope you stay with me for this equation; huling math lesson niyo na ito, promise!

If Talent x Effort = Skill

And Skill x Effort = Achievement

Then with a little Algebra:

Talent x Effort x Effort = Achievement

 

So you see, effort counts twice!

Let’s take it from Shaq, from science and from our basic math! The secret to winning, the secret to success, is to keep working hard to make excellence a habit.

Now we’re down to the last and final secret for all of you. And this, I think, is the most important.

 

The third secret is the secret to happiness!

 

During my days as a social entrepreneur, I was fortunate enough to be part of the World Economic Forum in Switzerland and one of the seminars I attended was entitled “The Secret to Happiness”.

 I was so surprised to see that this seminar was attended by some of the richest, most accomplished leaders around the world… Mga tulad nina Bill Gates, hindi rin pala nila alam ang sikreto!

 The speaker in this seminar was actually a scientist who was there to talk about the research they conducted on the human brain.

She said that in moments when humans are happy, certain chemicals are released in the brain and they were able to measure this.

So what they did was try to look for the moments and memories in our life that make our brain release a lot of these “happy chemicals”!

But before she revealed the secret to happiness, she wanted to know what the crowd of VIPs thought. Baka naman alam na nila ang sagot!

She asked everyone, “Do we feel happiest when we have so much money?”

Even the wealthiest men in the room shook their heads no. A lot of money did not make them happy.

“Do we feel happiest when we’ve accomplished so much? When we have earned so many degrees and won so many awards?”

The room was silent. Hindi pa rin!

Her third question really made us think – Do we feel happiest when we are in love?

Yes ba? Mukang maraming inlove/sawi dito!

The answer is no. The secret to happiness is not love and romance; it’s not money; it’s not accomplishments.

The secret to happiness, dear graduates, is kindness and compassion for others.

According to scientific research, “happy chemicals” are released in our brains during moments when: one, we are most kind and, two, when we are most compassionate.

Are you surprised? When I heard it, I was surprised. It was a big realization for me… and I hope this secret warms your heart as it did mine.

Because in these days when we are asked to be tough, to be cold, and to harden our hearts… Now, more than ever, we need to remember to be kind and compassionate to one another.

We must remember that there is courage and there is true happiness in being kind and compassionate to our fellow Filipinos.

Dearest graduates, now with these three secrets, I hope you can live a life that is rich in experiences and rich in love.

I sincerely wish that all of you find both success and happiness, because those two don’t always go hand-in-hand.

And I fervently pray that you never forget your capacity to make your own life better, make the lives of your loved ones better, and even improve the lives of the people in your community.

Lastly, huwag na huwag niyo pong kalilimutan na kahit graduate na kayo, nandito pa rin kami para suportahan kayo at maging cheerleader niyo!

Your teachers, your friends, your family, your parents will always be here to support you.

Because you need them and they need you. Friends, now more than ever, we need each other.

If we, as a nation, can build bridges instead of walls, build respect instead of hate, build friendship instead of rivalry…

If we can build up instead of tear down, then the Philippines can move out of mediocrity and we can finally live in a kind and compassionate society that cares for one another.

This hope for our country and these secrets you can use in your life beyond these halls, iyan po ang aking pabaon.

Madamo gid nga salamat sa inyo nga tanan! Mag-ulupdanay kita , sa pag-uswag! Sa liwat, Congratulations Graduates!

[Thank you, everyone. And congratulations, once again, to our graduates!]

 

 

Scroll to top