With the graduation season coming up, a senator called for the strict implementation of the Anti-Age Discrimination in Employment Act to ensure fair treatment and opportunities for everyone.
“Mauuwi lang sa wala ang layunin ng batas na ito kung hindi lang ito maipatutupad nang husto,” said Sen. Bam Aquino, a co-author of the measure in the Senate during the 16th Congress.
“With graduation season coming up, more Filipinos, young and old, will be competing for available jobs. Let’s ensure that there is equal opportunity for all,” added Sen. Bam.
Republic Act 10911 or the Anti-Age Discrimination in Employment Act seeks to promote equality in the workplace by mandating companies –including national and local government, contractors and organizations — to hire workers based on their competence, and not on their age.
The law prohibits printing or publishing any notice of advertisement relating to employment suggesting preferences, limitations, specifications, and discrimination based on age
It also prohibits job applicants to declare their age during the hiring process and other acts such as declining an applicant, providing less compensation and benefits and denying promotions or training opportunities.
Republic Act 10911 also outlaws forced dismissal of older age workers, imposing early retirement and reducing wage of all employees to comply with RA 10911.
According to Sen. Bam, violators will be fined between P50,000 and P500,000, and will be imprisoned from 3 months to two years, at the court’s discretion.
Mr. President, majority floor leader, dear colleagues, magadang hapon.
I stand before this Chamber as the Chairperson of the CA Committee on Education, Culture and Sports to recommend the approval of the confirmation of Secretary Leonor “Liling” Briones of the Department of Education.
Mr. President, just this week, the Senate sent a strong signal to the Filipino people with an 18-0 vote for the passage of the Affordable Higher Education for All Act.
The message? As a country, we prioritize is education. The investment to educate our countrymen and arm them with the knowledge and skills to overcome poverty is the best investment we can make as a country.
So today, Mr. President, it is my distinct privilege to manifest support for an esteemed Filipina who can lead the charge to provide quality education for every Filipino.
Isa po siyang katangi-tanging lingkod bayan na kilala sa pagsulong ng de kalidad na edukasyon kasabay ng mabuti at maayos na pamamahala — she is no other than the incumbent Secretary of the Department of Education, Sec. Leonor Liling Briones.
Mr. President, our nominee has always exhibited excellence.
She graduated Magna Cum Laude in Business Administration major in Accountancy at Silliman University in 1958.
In 1967, she completed her Master’s Degree in Public Administration and was awarded Dean’s Lister for Local Government and Fiscal Administration in the University of the Philippines, Diliman campus.
In 1968, she completed her Diploma course with distinction in Development Administration with a major in Public Enterprises in Leeds University, England.
She also completed specialized studies in governance at Harvard University in 1984 and then again in 2004.
But, distinguished colleagues, Sec. Briones has extended her reach beyond academic excellence. She has also embraced her passion for public service.
She served as the Secretary of the Commission on Audit for 9 years, from 1978 to 1987.
In 1996, she became the Vice President for Finance and Administration of the University of the Philippines System for two years before serving as the Presidential Adviser for Social Development.
Then, in 2001, Sec. Briones served as the country’s Treasurer. And as we are all aware for the past months, she lent her expertise, talents, and skills as the incumbent Secretary of the Department of Education.
Mr. President, kaakibat ng kanyang paglingkod sa bayan ang kanyang pagmamahal sa edukasyon.
As a technocrat in public administration, she maintained her involvement in the academe.
For forty years, she served as a professor and a faculty member at the graduate level of her alma mater – the UP National College of Public Administration and Governance, which we all know as NCPAG.
And in March 2013, the board of Regents of the same University conferred to her the honorary title Professor Emeritus.
Not one to be confined – whether as a member of the academe or as a government official – Sec. Briones was also the Lead Convenor of Social Watch Philippines where she led a civil society campaign to increase the budget for social services, especially for education.
Mr. President, her service in various capacities, not to mention her consultancy engagements across sectors, has merited her numerous awards – perhaps too many to mention this afternoon.
What is evident is that Sec. Briones has made a lifelong commitment to exceptional public service. And we are fortunate to have her serve as a leader in our country’s pursuit of excellence in education.
Honored colleagues, based on the accomplishments alone, it is clear that Sec. Briones is qualified for this job.
And based on my personal experience working with her over the past 8 months, I can say that she truly is champion for education – one who can make our hopes and dreams for every Filipino student a reality.
And with that, Mr. President, dear colleagues, it is my distinct honor to endorse Sec. Leonor Liling Briones for the position, Secretary of the Department of Education.
Maraming salamat po, Mr. President!
Mga bida, dalawang mahalagang panukalang batas na dumaan sa ating komite ang nakapasa sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado sa unang walong buwan ng 17th Congress.
Noong Lunes, sabay na inaprubahan ng Senado sa parehong boto na 18-0 ang “Affordable Higher Education for All Act” na nagbibigay ng libreng tuition sa state colleges at universities (SUCs), at ang Free Internet Access in Public Places Act.
Ang inyong lingkod ang tumayong principal sponsor at co-author ng Senate Bill No. 1304 at Senate Bill No. 1277, na parehong itinuturing na prayoridad na panukala ng administrasyon.
Ang Senate Bill No. 1277 naman ang unang panukalang naipasa ng Senado ngayong 17th Congress mula sa Committee on Science and Technology, na akin ding pinamumunuan.
Masaya tayo’t mabunga ang ating panahon sa mayorya at nakapagpasa tayo ng dalawang malaking panukala bago natin tuluyang yakapin ang papel bilang minorya sa Senado.
***
Nagpapasalamat tayo sa mga indibidwal at mga grupo na nagsama-sama upang suportahan ang panukalang nagbibigay ng libreng tuition fees sa SUCs at scholarship sa pribadong kolehiyo.
Ang kredito sa pagpasa ng batas sa Senado ay hindi lang para sa iisang tao o iisang tanggapan. Ito’y sama-samang pagsisikap ng mga senador, mga indibidwal at mga organisasyon na kasama natin sa layuning ito.
Una nating nais pasalamatan sina Senator Recto na matagal nang isinusulong ang adbokasiyang ito at Senate President Koko Pimentel sa pagbibigay prayoridad sa panukalang ito.
Malaki rin ang kanyang papel upang mapalakas pa ang pinal na bersiyon ng panukala ng Senado, kasama na ang mga amyenda nina Sens. Richard Gordon, Panfilo Lacson at Risa Hontiveros.
Nais rin nating pasalamatan ang mga kapwa ko may-akda na sina Senador Joel Villanueva, JV Ejercito, Sherwin Gatchalian, Francis Pangilinan, Sonny Angara, Loren Legarda, Leila de Lima, Cynthia Villar at Juan Miguel Zubiri.
Isang espesyal na pasasalamat din ang nais kong ipaabot kay Sen. Chiz Escudero sa kanyang pagpayag na ipagpatuloy natin ang pagsusulong ng Senate Bill No. 1304 hanggang sa huli kahit inalis tayo bilang chairman ng Committee on Education.
***
Malaki rin ang naitulong nina Commission on Higher Education (CHED) chairperson Patricia Licuanan, commissioners Minella Alarcon, Alex Brillantes, Prospero de Vera at Ronald Adamat sa pagbuo ng panukala sa kabila ng minsa’y ‘di pagkakaunaawan.
Nagpapasalamat din tayo kay Nikki Tenazas at sa mga kaibigan natin sa Unifast, PIDS, COCOPEA, PAPSCU at PBED sa kanilang tulong sa pagtalakay sa iba’t ibang probisyon ng panukala.
Salamat din kay Dr. Ricardo Rotoras ng Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) sa pagbibigay niya ng mahalagang pananaw mula sa SUCs. Bilang panghuli, nais kong pasalamatan ang ating mga estudyante na ating inspirasyon sa pagsusulong ng panukalang ito.
Batid natin kung gaano kahirap ang kanilang pinagdadaanan at kinalalagyan at alam natin na kailangang-kailangan nila ang batas na ito.
Ang pagpasa ng panukalang ito ay isang malinaw na mensahe sa bawat Pilipino na prayoridad ng Senado ang edukasyon at nais natin itong palakasin para sa kasalukuyan at susunod pang henerasyon.
Ang pagbuhos ng pondo sa edukasyon ay pinakamalaking puhunan na maaaring gawin ng pamahalaan dahil ito’y para sa kinabukasan ng kabataan na itinuturing nating pag-asa ng bayan.
The passage of the Affordable Higher Education for All Act via 18-0 vote is a clear message to Filipinos that education is an utmost priority in the Senate, Sen. Bam Aquino emphasized.
“The Senate sent a strong signal to the Filipino people with an 18-0 vote for the passage of the Affordable Higher Education for All Act,” Sen. Bam said in his endorsement speech for the appointment of Education Secretary Leonor Magtolis Briones.
“Our priority is education. We are investing in educating our countrymen and arming them with the knowledge and skills to build a better future for their family,” Sen. Bam told members of the Commission on Appointments.
In his earlier manifestation after the measure’s approval, Sen. Bam stressed that the Affordable Higher Education for All Act is the best investment that the country can undertake for the future of the students and the next generation.
Sen. Bam also thanked students, saying their everyday plight inspired lawmakers to pass the measure, which will provide free tuition fee in state colleges and universities and strengthen the government’s scholarship programs in private higher educational institutions.
“Alam natin ang pinagdadaanan ng mga estudyante, kung gaano kahirap ang kinalalagyan at kung gaano nila kailangan ang batas na ito,” said Sen. Bam, who acted as principal sponsor and co-author of Senate Bill No. 1304.
The senator defended the measure during interpellation before he was removed as chairman of the Committee on Education and replaced by Sen. Chiz Escudero.
During his manifestation, Sen. Bam thanked Sen. Escudero for allowing him to finish work on the measure until its passage.
The senator also lauded the Senate’s concerted effort, thanking fellow senators who helped develop and strengthen the measure during interpellation and period of amendments.
“Nothing that passes through the Senate can be attributed to one person alone, one office alone which is why this team effort from across the aisle must be recognized,” said Sen. Bam.
Sen. Bam also acknowledged concerned government agencies and private stakeholders for their contribution in tackling the different provisions of the measure.
Mga kanegosyo, bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong Marso, itutuloy natin ang pagtalakay sa mga kuwento ng tagumpay ng kababaihan sa pagnenegosyo.
Tuwing napag-uusapan ang isyu ng kababaihan, isa sa mga tinututukan ay ang women empowerment o pagbibigay-lakas sa kanila upang maging produktibong miyembro ng lipunan.
Ito ang pangunahing dahilan kaya binuhay ni Josephine Vallecer ang Roxas Women’s Association of Zamboanga del Norte.
***
Naniniwala si Aling Josephine na makatutulong ang asosasyon upang mabigyan ng kabuhayan ang mga kapwa babae sa Roxas para sa matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.
Ipinanukala ni Aling Josephine na tumutok ang asosasyon sa meat processing at paggawa ng kurtina bilang paraan upang magkaroon ng kabuhayan.
Ito ang napili ni Aling Josephine dahil agad silang makakakuha ng materyales sa paggawa ng kurtina at sangkap na kailangan sa produktong karne.
Sa una, nagdalawang-isip ang mga miyembro ng asosasyon sa plano ni Aling Josephine dahil wala silang kaalaman ukol sa meat processing at paggawa ng kurtina.
Maliban pa rito, isa pa sa kanilang alalahanin ay ang kawalan ng sapat na kagamitan para maisakatuparan ang plano, lalo na sa meat processing na isang kumplikadong proseso.
***
Upang masolusyunan ang problemang ito at masimulan agad ang plano ng asosasyon, lumapit si Aling Josephine sa Negosyo Center sa Zamboanga del Norte.
Sa tulong ng Negosyo Center, nailapit sila sa Shared Service Facilities (SSF) ng Department of Trade and Industry (DTI) kung saan naroroon ang kailangang gamit sa meat processing at paggawa ng kurtina.
Kabilang sa kagamitang ito ay meat grinder, refrigerator, generator, freezer at high-speed sewing machines.
***
Bukod pa rito, binigyan din sila ng Negosyo Center ng kailangang training para sa 30 miyembro ng asosasyon ukol sa meat processing at paggawa ng kurtina.
***
Tinuruan sila ng paggawa ng processed meat products, tulad ng embutido, ham, tocino, longganisa at skinless sausage. Natuto rin ang kababaihan ng Roxas kung paano gumawa ng iba’t ibang disenyo ng kurtina.
Sa opisyal na paglulunsad ng Negosyo Center sa Roxas, kabilang sa mga itinampok ay ang kanilang produktong karne at kurtina.
Gamit ang nakuhang kaalaman sa training na ibinigay ng Negosyo Center, sa una ay kaunti lang ang kanilang ginawang mga produkto upang masubok ang pagtanggap ng mamimili sa merkado.
Naging maganda naman ang tanggap ng mamimili kaya nadagdagan nang nadagdagan ang kanilang ginagawang produkto.
Unti-unti na ring nakilala ang kanilang mga produkto sa kalapit na mga lugar, sa tulong na rin ng Negosyo Center at mga local government units.
Sa tulong ng bago nilang kabuhayan, nagkaroon ng dagdag na panggastos ang mga miyembro ng asosasyon para sa pangangailangan ng pamilya.
Ngayong tuluy-tuloy ang asenso ng asosasyon, sunod na target naman nila ang supermarkets, restaurants at resorts.
***
Tuluy-tuloy rin ang pagsuporta ng Negosyo Center sa mga kababaihan na gustong mag-negosyo upang magkaroon ng dagdag na ikabubuhay para sa kanilang pamilya.
***
Ang Republic Act No. 10644 o Go Negosyo Act ang kauna-unahang batas ko bilang senador noong 16th Congress.
Layunin nito na maglagay ng Negosyo Center sa bawat munisipalidad, siyudad at lalawigan sa buong bansa.
Upang malaman ang pinakamalapit na Negosyo Center sa inyong lugar, magtungo sa https://www.bamaquino.com/gonegosyoact/negosyo-center-tracker/.
In just eight months, Sen. Bam Aquino worked for the successful passage of two major reforms in the Senate.
On Monday, the Senate passed on third and final reading Senate Bill No. 1304 or the ” Affordable Higher Education for All Act “, which provides free tuition in state colleges and universities (SUCs), and Senate Bill No. 1277 or the Free Internet Access in Public Places Act.
“Our eight months in the supermajority were very productive. I’m happy we passed two very important bills before embracing our new role as minority,” said Sen. Bam, now the deputy minority leader.
Recently removed as chair of the Committee on Education, Sen. Bam is the sponsor and co-author of the Affordable Higher Education for All Act and defended the bill during the period of interpellations.
Legislative measures to mandate free tuition in SUCs have been sitting in the legislative mill for at least 6 years.
Sen. Bam also sponsored the Free Internet Access in Public Places Act, which is seen to complement the government’s approved national broadband plan to help improve Internet access across the country.
“Now that we’re in the minority, our role will change. Pero hindi kami kokontra para lang kumontra. We won’t just oppose policies that will be good for the country, we will propose improvements and look for better solutions,” said Sen. Bam.
Sen. Bam opposes the revival of the death penalty and lowering the age of criminal liability from 15 to 9 years old.
Mga Bida, isang panibagong yugto sa isyu ng Davao Death Squad (DDS) ang nabuksan noong Lunes sa pagharap ni retired policeman Arthur Lascañas sa Senado.
Bilang pagbawi sa nauna niyang testimonya sa Senado, sinabi ni Lascañas na totoo ang DDS.
a halos dalawang dekada niya sa grupo, inamin niyang nakapatay siya ng humigit-kumulang 200 katao.
Sa umpisa, ang DDS ay nagsilbing tagapaglinis ng lansangan sa anumang uri ng kriminalidad, gaya ng holdapan at pagtutulak ng ilegal na droga.
Nang tumagal, sinabi ni Lascañas na nagbago ang papel ng DDS at nagsilbi nang personal na hitman, na target ay mga kalaban sa pulitika at personal na kaalitan ng kanilang mga boss.
Sa totoo lang, mas maraming mga tanong ang lumabas sa kumpisal ni Lascañas. Totoo bang kasangkot ang mga nabanggit na mga pulis at opisyal sa kanyang testimonya? Sinu-sino ang higit sa 200 tao na kanyang diumanong pinatay? Meron bang katotohanan na ginawa nilang mass grave ang tinatawag na Laud quarry?
Sa aking pananaw, maraming paraan upang malaman kung totoo nga ang mga sinabi ni Lascañas.
Sumang-ayon sa aking suhestiyon ang Philippine National Police (PNP) na silipin kung tugma sa kanilang record ang mga naikuwentong pagpatay ni Lascañas.
Pati ang Commission on Human Rights (CHR) ay nagbabalak na muling imbestigahan ang isyu ng DDS at bisitahin ang sinasabing libingan ng mga biktima sa Laud quarry kung saan sinabi ni Lascañas na may 200 patay na tao silang inilibing doon.
Importanteng malaman natin ang buong katotohanan sa akusasyon ni Lascañas.
***
Napansin ko na habang paulit-ulit na sinasabi ni Lascañas ang bilang ng kanyang mga napatay, wala kang makitang bakas ng pagsisisi sa kanyang mukha.
Paliwanag ni Lascañas, karamihan sa kanyang napatay ay mga kriminal, tulad ng snatcher, drug dealer at holdaper, maliban sa mga kaso na kanyang binanggit sa unang bahagi ng testimonya.
Wala nang aresto o pagdala sa presinto. Basta sa tingin nila salot ka sa lipunan, patay ka na.
Marami sa mga kababayan natin ang may ganito na ring pananaw. Hindi na kailangang dumaan sa proseso na nakasaad sa batas. Mas mainam na lang na patayin ang mga tinaguriang “less than human”.
Dahil sa takot, sa hirap ng buhay o pagiging biktima sa mga krimen, umabot na sa ganito ang pakiramdam ng marami nating kababayan.
***
Ang tanong mga Bida — ang pagpatay at pag-shortcut sa ating sistemang panghustisya lang ba ang solusyon sa problema natin sa droga at sa krimen?
Kung totoo ang testimonya ni Lascañas, ang pagkakaroon ng sikretong grupo na huma-hunting sa mga kriminal ay magkakaroon talaga ng collateral damage o mga tao na damay sa mga patayan.
At lumalabas din na mahirap tanggihan ang temptasyon na pagkakakitaan ang ganitong klase ng kapangyarihan na kayo ay “above the law”.
Napag-usapan na rin natin noon na mayroong mga drug-free communities na walang patayan na nangyari.
Ang ginawa ng mga grupo roon ay ang pagtiyak na buung-buo ang partisipasyon ng Simbahan, mga barangay, socio-civic organizations, mga komunidad at mga kapitbahayan.
Hindi nabibigyan ng tamang pansin ang mga solusyong ito sa droga at krimen na walang anumang patayan na nangyayari.
Mabigat ang mga implikasyon ng testimonya ni Lascañas at marami pang tanong ang kailangang sagutin.
Pero ang pinakatanong sa taumbayan ay ito — tama ba na pagpatay sa kapwa Pilipino ang gamiting solusyon kontra krimen?
Hindi pa tapos ang laban!
A senator commended the 54 lawmakers who voted against the revival of the death penalty even as he assured that the proposal will go through the proverbial eye of the needle in the Senate.
“Kahanga-hanga ang kanilang katapangan at matibay na paninindigan laban sa death penalty,” said Sen. Bam Aquino, the deputy minority leader.
“Nabigo man sila, hindi pa tapos ang laban dahil inaasahan nating dadaan ang panukala sa butas ng karayom sa Senado,” the senator said.
The proposal to restore death penalty hurdled the House on third and final reading Tuesday after getting 217 affirmative votes from lawmakers.
Earlier, Sen. Bam urged the Senate to allow the proper legislative process to run its course on the proposal.
“Kailangang dumaan sa tamang debate at tamang proseso ang panukala at dapat mapakinggan ang lahat ng panig sa isyu,” the senator said, adding that the new minority will actively participate in the discussion.
With just six members, Sen. Bam said the minority vote is not sufficient but he expressed confidence that fellow senators will cross party lines and follow the dictate of their conscience on the matter.
“The minority votes clearly aren’t enough but I’m hoping there will be enough senators to vote this measure down. This should be a conscience vote and not done because of political affiliations,” Sen. Bam stressed.
Recent Comments