Bam Aquino

NEGOSYO, NOW NA!: Sideline

Mga Kanegosyo, sa hirap ng buhay ngayon, ilan sa ating mga empleyado ay gumagawa ng sideline upang may maipandagdag sa gastos araw-araw.

Mula sa pagtitinda ng pagkain, damit at iba pang produkto, pinapasok na ng mga empleyado bilang pantustos sa araw-araw na pangangailangan ng pamilya. 

Sa aming programang “Status Update”, nakausap ko ang dalawang professional na may mga pinatatakbong sideline na kasabay ng kanilang trabaho.

Una rito si Ryan Tan, isang advertising executive, na sinimulang ang Voila Jars, mga garapon na magkakaroon ng cake sa loob kapag nilagyan ng tubig at inilagay sa microwave sa loob ng isang minuto.

Naging panauhin din naming si Carole Malenab, may-ari ng isang boutique fashion accessories at tindahan ng empanada habang nagtatrabaho sa Senado.

***

Sa kuwentuhan namin ni Ryan, sinimulan niya ang Voila Jars habang nagtatrabaho sa isang advertising company.

Dahil malikot at malikhain ang kanyang isip, gumawa si Ryan ng isang business plan para sa kanyang iniisip na produkto.  Sinabayan niya ito ng pagsangguni sa kanyang tiyahin, na siyang nag-imbento ng viola jars na mayroon nang tatlong flavor: Belgian Fudge, Red Velvet at Chocolate Mud Cake.

Ayon sa kanya, ang kanyang produkto ang pinakamadaling paraan para gumawa ng cake.  Lalagyan lamang ng tubig, ilalagay sa microwave oven at voila! – may cake na!

 Sa bahagi naman ni Carole, nahilig siya sa paggawa ng fashion accessories noong nag-aaral pa siya sa kolehiyo.

 Bilang regalo sa kanyang kaarawan, humingi siya ng isang libong piso sa kanyang mga magulang noon na ginamit niya para simulan ang isang boutique at fashion accessories store.

 Dala ang pera, nagtungo siya sa Quiapo at namili ng mga beaded accessories na kanyang ibinenta sa Los Banos.

 ***

Dahil nga hindi buo ang panahong ibinubuhos sa negosyo, sinabi ni Ryan na hindi mapapalaki nang mabilis, gaya ng inaasahan.

Kapag may free time sa trabaho, imbis na kumain at lumabas ay tinututukan niya ang social media kung saan dumadaan ang order ng kanyang produkto.

Isa rin sa mga naging hamon niya ang paghahanap ng tamang tao na uunahin ang kapakanan ng negosyo, lalo pa’t hindi niya ito nabibigyan ng buong pansin.

Masuwerte naman si Carole dahil katuwang niya ang kanyang pamilya sa pagpapatakbo ng negosyo na matatagpuan sa kanilang lugar sa Los Banos, Laguna.

Ngunit pagdating sa order at iba pang isyu, kay Carole pa rin ang bagsak ng mga transaksiyon, lalo pa’t numero niya ang nakalagay sa contact numbers ng negosyo.

Noong una, nagbibiyahe pa siya sa Bangkok para mamili ng ibebentang damit. Ngunit sa huli, nagpasya siyang kumuha ng mananahi sa kanilang lugar na siyang gagawa ng mga bagong disenyong damit.

*** 

Ang payo ni Ryan sa mga nais mag-sideline ay subukan ito dahil nakatutuwa ito, bukod pa sa puwede itong gawing paraan para makapag-relax sa pressure ng regular na trabaho.

Isa pang advice niya ay gamitin ang libreng resources gaya ng social media na nagpapadali sa pagnenegosyo. Aniya, sa tulong nito, mas madali ang pagnenegosyo.

Kung si Carole naman ang tatanungin, mahalaga na ibigay ang 100 percent sa parehong trabaho at sideline na negosyo.

Aniya, kapag nasa trabaho tayo at mayroon tayong ginagawa, ito muna ang unahin. Kapag oras na para sa sideline, iyon naman ang tutukan

Ang paliwanag niya, delikado na pagsabayin ang dalawang ito dahil siguradong may mapapabayaan. 

Kaya ano pa ang hinihintay ninyo, mga Kanegosyo? Maghanap na ng magandang sideline!

 

Bam Aquino: Traveling Towards a United Asia

Keynote Speech of Bam Aquino on the Opening Ceremonies of he Ship Opening Ceremonies for Southeast Asian Youth Program (SSEAYP)

Diamond Ballroom, Diamond Hotel Manila, 11 November 2015

 

My name is Senator Bam Aquino and SSEAYP changed my life as well! Not because I was a former delegate but because I met my wife through the SSEAYP Program when she was a delegate – a National Capital Region (NCR) Youth Representative on the 31st SSEAYP.

I’m very happy to be here not only because I can say SSEAYP changed my life, but because I am honored to be standing in front of the future leaders of ASEAN and Japan.

 I am very pleased to be here to send you off on an exciting adventure! I am sure that everyone is anxious to get on a ship together, discover new places, and make new friends.

Tens of thousands of years ago, people boarded wooden boats and sailed to the unknown. They would happen upon new shores with strange faces, foreign languages, new spices, treasures to find, and strange customs to witness.

Mountains, oceans, and seas were natural barriers between peoples. But being the curious explorers that we are, we found each other.

We broke through barriers. We overcame mountains with our vehicles and trains; we tamed the savage seas with our ships; and we conquered skies with our planes and rocket ships.

Today, we are more connected than ever. With the Internet, we can meet and interact instantaneously with people from all around the world. Right now, you could be messaging people back home on social media! We can even Google ‘uncontacted’ tribes and learn about how they live in the remotest parts of the Amazon.

Today, indeed, we are more connected than ever. Seeing new faces, learning new languages, and familiarizing ourselves with new customs can be done in the comfort of our own room. Now, more than ever, we can foster multiculturalism and celebrate our diversity.

And still, there are so many areas where we have yet to overcome divisive barriers living within our own minds, our own countries, our own region. Many, unfortunately, still fail to understand one another; many still refuse to embrace our differences.

All over the world, even here in our country, we find areas where conflict is still quite present. There is conflict in many different parts of the world; and in those parts of the world, we find discord, discrimination, and, sometimes, even hatred for one another.

On a macro and a micro scale, we can see discrimination and a failure of many to accept diversity and a failure to respect our differences. 

But where many people fail, dear friends, I am hopeful – and the leaders here in front are hopeful – that you will succeed.

As you spend time with one another and form the bonds of friendship with young men and women around Asia, as you go on adventures together and learn about other parts of the world together, I believe you will open your minds and your hearts, or puso, to the beauty of our differences.

I am hopeful that your exposure to a variety of histories, a variety cultures, and a variety of paradigms and perspectives will allow you to grow, learn, and evolve into the next generation of Asians and global citizens that can steer our world to the path of peace and prosperity for all.

As we usher in a stronger, united Asia, we have this opportunity to honor our varying histories and cultures while building prosperous nations for everyone.

Thanks to the Ship for Southeast Asian Youth Program, you have the opportunity to be part of this progress and be part of this change. Not only do you have the opportunity to be ambassadors of your respective nations, you are privileged of being representatives of the united Asia, the ideal Asia, in each place you visit.

Together, you can paint a remarkable, colorful image of our diverse region growing in harmony and not in discord.

I would like to leave you with a quote to keep in your back pocket or maybe at the back of your minds as you go on this great adventure. It is a quote from Mark Twain, the author who penned The Adventures of Tom Sawyer and the Adventures of Huckleberry Finn.

He said, Travel is fatal to prejudice, bigotry, and narrow-mindedness.”

“Travel is fatal to prejudice, bigotry, and narrow-mindedness.”

And I hope, dear friends, that as you travel together, you will create and co-create that united Asia that we all want for our countries, our nations, ourselves and the future generations ahead of us.

On that note, I wish you well. I wish you safety. And I wish you fun!

 May you return home with souvenirs of unforgettable memories, lasting friendships, awesome #selfies, and life-changing experiences!

Mabuhay kayong lahat! Mabuhay ang SSEAYP! Thank you and good afternoon!

NEGOSYO, NOW NA!: Pinoy Pizza

Mga Kanegosyo, itutuloy natin ang pagkukuwento sa landas na tinahak ni Tess Ngan-Tian mula sa simpleng negosyante hanggang sa pagiging may-ari ng matagumpay na pizza chain na Lots’a Pizza.

Pagkalipas ng sampung taon ng pagpapatakbo ng food stalls para sa mga mag-aaral ng Mendiola sa Maynila, nagpasya ang mag-asawang ituon na lang ang negosyo sa isang uri ng pagkain.

May nakapagsabi kasi sa kanila na hindi puwedeng lahat na lang ay kanilang ibebenta. Dapat makilala sa iisang brand na matatawag nilang kanila.

Mangyayari lang ito kung magbebenta sila ng isang uri ng produktong pagkain na magsisilbing pangunahing tatak ng kanilang kumpanya.

Nagsaliksik ang mag-asawa at doon lumitaw na mas patok at mas mabili ang pizza kumpara sa hamburger sa merkado.

Isa pa, ang pizza ay isang international product. Kahit saang bansa magpunta ay may makikitang pizza.

Ayon sa kanila, mas madali pang lutuin ang pizza dahil maaari itong gawin sa anumang paraan na naisin.

Hindi rin problema kung sino ang bibili dahil swak ito sa anumang uri ng tao, mayaman man o mahirap.

***

Sa dinaluhang food expo sa Hong Kong, doon nakita ni Tess ang booth ng American Institute of Baking na nakabase sa Kansas, USA.

Napukaw ang kanyang interes sa nasabing paaralan, lalo pa’t kasama sa kanilang mga inaalok ay pizza technology course. Kaya noong 1995, nagtungo siya sa Kansas at dalawang linggong nag-aral sa paggawa ng pizza.

Nakuha niya ang karangalan bilang kauna-unahang Pilipinong pumasok sa nasabing paaralan.

Dumalo rin siya sa isang pizza expo in Las Vegas kung saan nakita niya ang iba’t ibang sistema, istilo at teknolohiya sa paggawa ng pizza.

Sa kanyang pag-aaral, napag-alaman niyang hindi pala ganoon kadali at kasimple ang paggawa ng pizza. Nadagdagan ang kanyang kaalaman ukol sa teknikal na aspeto ng paggawa nito.

Pagbalik niya sa Pilipinas, ipinakilala niya ang pizzang tatak-Pilipino. Ang paniniwala niya ay hindi pare-pareho ang panlasa ng bawat nasyonalidad kaya dapat iakma ang pizza sa panlasang Pilipino.

Upang lalo pang makilala ang produkto, tiniyak niya na ito’y makikilala sa pagiging abot-kaya nang hindi nasasakripisyo ang kalidad ng mga sangkap.

Doon na nagsimula ang pagmamahal ng mga Pilipino sa Lots’a Pizza.

***

Nagbukas sila ng sampung sangay noong 1996 at inumpisahan ng mag-asawa ang franchise system noong 2000 upang mabigyan ang iba pang nais magnegosyo ng pagkakataong magkaroon ng kanilang sariling pizza outlet.

Ngayon, mayroon na silang 215 tindahan at mayroon na ito sa Ilocos hanggang Palawan!

Sa una nilang pagpasok sa pagnenegosyo, wala silang pormal na kaalaman at pumatok ito.  

Nang mas malakas na ang kanilang loob, nagsaliksik sila at nag-aral upang magkaroon ng kumpiyansa at kakayahang mas mapalago ang kanilang negosyo.

Kung hindi sa lakas ng loob ng mag-asawa, malamang na hindi natin natikman ang pizza na patok sa panlasang Pinoy.

Kaya huwag tayong matakot sumuong sa pagnenegosyo. Malay natin, ito ang daan tungo sa inaasam nating tagumpay!

NEGOSYO, NOW NA!: Aksidenteng Negosyante

Mga Kanegosyo, hindi ibig sabihin na nakapag-aral na ng kursong pagnenegosyo ay siguradong magtatagumpay.

Mayroon din namang mga nagtagumpay nang walang pormal na pag-aaral o kaalaman sa negosyo. Isa na rito si Tess Ngan-Tian, ang may-ari ng pizza chain na Lots’a Pizza.

Sa aming kuwentuhan ni Tess sa programang “Status Update”, inamin niya na wala silang alam na mag-asawa pagdating sa pagnenegosyo at aksidente lang ang pagkakapasok nila rito.

 Noong pinasok nila ito 30 taon na ang nakararaan, wala pa noong paaralan para sa pagnenegosyo at hindi pa uso ang business consultant na puwedeng hingan ng payo ukol sa pagpapatakbo ng isang pangkabuhayan.

Naging sandata nila ang pagiging malikhain, kusang pagkilos at matinding kagustuhan na magtayo ng negosyo.

***

Nagtatrabaho noon si Tess sa San Beda College Alabang bilang finance director. Kasabay ng kanyang trabaho, siya rin ang humahawak ng libro ng mga Benedictine sa San Beda College sa Mendiola.

 Sa panahong iyon, nangailangan ng pondo ang San Beda para matustusan ang pagpasok ng 25 postulants o mga kandidato sa Benedictine Order.

 Kinailangang maghanap ng San Beda College ng paraan kung paano mapopondohan ang pangangailangan ng 25 binatang nais magpari. Ang pondo nila ay nakalaan lang sa mga karaniwang gastos ng paaralan at kukulangin sila kung sila pa ang magtutustos sa mga ito.

 Kaya naiatang kay Tess ang responsibilidad na maghanap ng pondong gagamitin ng postulants.

*** 

Isang araw, sinundo siya ng kanyang asawa pagkatapos ng isang pagpupulong sa Mendiola ukol sa isyung ito.

Habang naglalakad, napansin ng kanyang mister na may magandang puwesto sa may Mendiola para paglagyan ng food stalls dahil magkakalapit ang mga eskuwelahan sa lugar gaya ng San Beda, Centro Escolar University at La Consolacion.

Sa una, plano ng mag-asawa na mag-sublease ng 12 food carts ngunit napilitan silang patakbuhin ang pito sa mga ito matapos mabigong makahanap ng uupa.

Sa pagpaplano nilang mag-asawa, nagpasya silang tumutok sa negosyong pagkain dahil ito ang pinakapatok sa mga mag-aaral doon. 

Noong una, nagbenta sila ng tanghalian gaya ng tapsilog, burger, siopao pati na sago’t gulaman. 

Nanatili pa roon ang mag-asawa ng walong taon. Sa tagal nila sa lugar na iyon, kumita sila para sa kanilang pamilya, natutunan nila ang pasikut-sikot ng food business, at nakatulong pa sila sa Benedictine Order!

 Dahil nga napunta sa magandang layunin ang bahagi ng kanilang negosyo, tiwala sila na pagpapalain ang mga susunod nilang papasuking kabuhayan.

***

 Mga Kanegosyo, ang dami nating matututunan sa kuwento ng mag-asawa.  Hindi talaga nila unang tinahak ang pagnenegosyo, bagkus ay napasok sila roon dahil sa pangangailangang tumulong. 

Ikalawa, nakadiskarte sila kaagad ng pagkakataon nang makakita sila ng magandang puwesto.  Ika nga natin, location, location, location.  Susi talaga ang magandang lugar para bumenta tayo.

Ikatlo, nang pag-aralan nila kung sino ang bebentahan nila, naisip nila na pagkain ang siyang papatok dahil maraming mag-aaral doon sa Mendiola.  Napakahalagang hulihin ang hahanap-hanapin ng merkado para kumita nang malaki.

Panghuli, ang layuning makatulong sa mga gustong magpari ay maaaring nakatulong din sa kanilang paglago bilang mga negosyante.

 Sana’y natuwa kayo sa kuwento ng mag-asawa.  Ipagpapatuloy natin ang kanilang kuwento sa susunod na linggo para mas marami pa tayong matutunan sa pagnenegosyo!

NEGOSYO, NOW NA!: Matibay na Samahan

Mga Kanegosyo, ipagpapatuloy natin ngayong linggo ang naging talakayan namin ni Jutes Tempo, may-ari ng sikat na Cello’s Donuts.

Sa nakaraan nating kolum, binanggit niya na isa sa malaking hamon na hinarap niya bilang negosyante ay ang tamang pananaw ukol sa tagumpay na nararanasan.  

Hindi ibig sabihin na kumita nang malaki ngayong taon ay wawaldasin na ang pera. Kailangang magtabi para makapaghanda sa anumang puwedeng mangyari sa hinaharap.

Sa pagpapatuloy ng aming usapan, nabanggit niya na pagkatapos nilang pagdaanan ang mga hamon sa Cello’s Donuts, handa na silang magtayo ng isa pang negosyo gamit ang mga natutunan ng ilang taon.

Itinayo nila ang Gino’s Brick Pizza na ipinangalan nilang mag-asawa sa kanilang panganay. 

Sa sariling luto at kakaibang mga flavor tulad ng chocolate pizza, pumatok ito sa mga kumakain at binalik-balikan ang kanilang restawran.

***

Mga Kanegosyo, sa isang lumalaking negosyo, dumadami ang pangangailangang tauhan na siyang magpapatakbo ng negosyo.

Para sa kanya, ang negosyo ay para ring pag-a-asawa at pagkakaibigan, kung saan dapat kunin ang mga taong magaan sa loob makakasama araw-araw.

Kahit pa mapera ang isang tao, kung mabigat naman sa kaloobang pakitunguhan ang kasama, hindi rin tatagal ang samahan sa negosyo.

***

Idiniin niya ito sa aming kuwentuhan dahil noon, hindi nila masyadong napagtuunan nang pansin ito.

Kaya noong kinuwenta na nila ang gastos, nalaman nilang may mga empleyado ang natuksong kumuha mula sa negosyo.

Pansamantala nilang itinigil ang negosyo dahil dito. Muling binalikan ang mga plano at naglatag ng mas epektibong paraan upang matutukan ito.

Pinag-usapan din nilang mag-asawa kung anong uri ng mga kasamahan ang gusto nilang makasama sa negosyo – tapat, masipag at kasamang nangangarap na lumago ang negosyo.

Para sa kanila, ang negosyo ay parang pamilya. Gusto ni Jutes na alam niya ang pangalan ng bawat tauhan at kanilang pinanggalingan.

Kaya araw-araw, sinisikap niyang umikot sa lahat ng kanilang mga branches ng Cello’s Donuts at Gino’s Brick Oven Pizza.

Kausap niya parati ang mga manager, waiter, cook at kahera.  Sinisikap niyang kilalanin ang lahat ng 120 nilang tauhan.

Mahalaga sa kanilang masaya at parang pamilya ang negosyo kaya pinapahalagahan nila ang bawat katrabaho.

 

***

Sana’y marami tayong natutunan sa kuwento ng mag-asawang sina Jutes at Cello.  Nagtagumpay man sila, marami rin silang pinagdaanan sa pagnenegosyo. 

Patuloy silang natututo araw-araw at patuloy nilang inaayos ang pagpapatakbo nito upang magtagumpay hindi lamang silang may-ari, kundi pati na rin ang mga kasama rito!

 

NEGOSYO, NOW NA!: Biglang Yaman

Mga Kanegosyo, nitong nakalipas na dekada, nagpasukan ang mga imported donut sa ating lokal na merkado.

Ngunit bago pa namayagpag ang mga brand na ito, isa sa mga kilalang donut brand ang Cello’s Donuts, na patok sa mga mag-aaral sa may Katipunan at iba pang bahagi ng Quezon City.

Ang nasabing donut shop ay pag-aari ni Jutes Tempo, isang negosyante at college basketball coach.

Sa aming kuwentuhan ni Jutes sa programang “Status Update”, nabanggit niya na ang negosyo ay bunga ng pag-iibigan nilang mag-asawa.
Nang magtapos si Cello, ang kanyang kasintahan noon, mula sa pag-aaral, naisip niyang magbenta ng donut sa mga mag-aaral.  Bilang masugid na mangingibig, umalis si Jutes sa kanyang trabaho at sinamahan si Cello sa negosyo.

Noong 2004 nga, isinilang ang Cello’s Donuts sa panahong pausbong ang mga donut sa bansa.

***

Ayon kay Jutes, para silang kinasihan ng suwerte nang simulan nila ang pagbebenta ng donut.

Naisip nilang gumawa ng iba’t ibang flavor ng donut na may Oreo, M&Ms at iba pang uri ng tsokolate.

Dahil nakapuwesto sa Katipunan ang una nilang branch, agad namang pumatok ang iba’t ibang flavor na ito sa kabataan na mahilig sa matatamis.

Sa pagluluto nila ng donut, nakadagdag pa ng pang-akit sa mga customer ang exhaust mula sa kusina at nakatapat sa kalsada. Amoy na amoy tuloy ng mga dumadaan ang mga bagong lutong donut.

***

Ang kuwento niya, sa kasabay na naranasang tagumpay nilang mag-asawa, hindi rin nawala ang araw-araw na pagsubok at hamon sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo.

Kasama na rito ang mga nasisirang gamit, mga babayarin at minsan, ang panloloko ng masasamang tao.

Ngunit ginamit ng mag-asawa ang mga pagsubok na ito upang mas mapaganda ang kanilang operasyon at mapalago ang negosyo. Makalipas ang isa’t kalahating taon, nabawi na ng mag-asawa ang kanilang puhunan.

***

Mga Kanegosyo, ngunit nang tanungin natin si Jutes sa kung ano ang pinakamalaking pagsubok na kanilang napagdaanan, nagulat tayo sa kanyang sagot.

Sa una, akala nating babanggitin niya ang puhunan, pagkalugi o di kaya’y problema sa mga tauhan.

Subalit, binanggit niya na ang pinakamalaking hamong kanilang hinarap ay ang personal maturity niya bilang isang negosyante.

Nang makatikim nang maagang tagumpay, ginastos nang ginastos ni Jutes ang kanilang kinita. Kung anu-anong personal na luho ang kanyang binili at kung saan-saang lugar sila pumunta.

Naramdaman na lang niya ang epekto nito nang mangailangan na sila ng karagdagang kapital at panggastos sa lumalaking pamilya. Wala na silang madukot mula sa naunang kita ng tindahan.

Doon niya napagtanto na kailangan nang magtabi ng pera mula sa kita ng negosyo upang may mapagkukunan kapag nangangailangan.

Napakagandang payo ito para sa mga nagnenegosyo. Huwag tayong masyadong malunod sa tagumpay.

Ika nga, mga Kanegosyo, think long term. Isipin ang pangmatagalan.

Huwag tayong maging bulagsak sa pera. Kailangang magtabi ng bahagi ng kita upang may madudukot sa biglaang pangangailangan.

Sa pamamagitan nito, mas magiging matibay at matagumpay ang itinayong negosyo!

NEGOSYO, NOW NA!: Tanong ng mga Kanegosyo

Mga Kanegosyo, maraming salamat sa tuloy tuloy na pagpapadala ng mga tanong at paghingi ng abiso tungkol sa pagnenegosyo sa ating e-mail at mga social media sites.

Layunin natin na tunay na matulungan ang mga kapwa Pilipino na makapagsimula ng sariling kabuhayan, mapalago ang maliit na negosyo at matulungan ang ating mga pamilya at komunidad.

Narito ang ilan sa mga tanong na ating natanggap.

***

Kanegosyong Bam,

Magandang araw po sa inyo, mahal na senador na nagtataguyod ng kabataan at iba pang sektor ng lipunan. Ako si Vincent Gonzales, isang OFW dito sa Gitnang Silangan bilang isang turnero.

Katatapos ko lang basahin ang kolum ninyo sa Abante Online at ako’y nagagalak na may paanyaya kayo para sa mga nais magsimula ng negosyo. Matagal na po akong nagbabasa ng kolum ninyo pero ngayon ko lang napagtuunan ng pansin iyong pinaka-ibaba kung saan nakalagay ang contact details ng inyong opisina.

Matagal na namin gustong magtayo ng bigasan sa lugar ng asawa ko sa Tarlac ngunit sapat lang ang sweldo ko sa pangangailangan ng aking mag-ina.  Tinutulungan ko rin po ang nanay at tatay ko dahil pareho na silang matanda na. 69 na po ang tatay ko at mahina na ang baga, at ang nanay ko naman ay 67 na at bulag na ang isang mata.

Laking pasasalamat ko nga po sa mabait kong asawa at nauunawaan niya ang pagtulong ko sa mga magulang ko.

Kaya nais ko po sanang lumapit sa inyo para makahiram ng puhunan para makapagsimula kami ng negosyong bigasan. Umaasa ako na madagdag kami sa listahan ng inyong mga natulungan.

Makakaasa po kayo na pagsusumikapan naming mapalago at maibalik ang katumbas na halaga ng inyong ipapahiram sa amin kasama na ang tubo kung mayroon man.

Maraming salamat po!

Lubos na gumagalang, Vincent.

 

***

Kanegosyong Vincent,

Salamat sa iyong sulat.  Tunay na kahanga-hanga ang inyong sakripisyo riyan sa Gitnang Silangan para sa inyong pamilya at sa ating bayan.

Itinatayo natin ang Negosyo Center sa buong bansa para matugunan ang inyong mga agam-agam sa pagnenegosyo.  Pakisabi sa inyong asawa na bisitahin ito sa 2nd Floor, Anita Building, Zamora St., San Roque, Tarlac City.

Inaasahan natin na handa ang mga business adviser ng DTI roon ang siyang magbibigay ng payo sa inyo sa pagsisimula ng negosyo at maturo kayo sa tamang microfinance institution o lokal na bangko sa Tarlac na puwedeng magpautang sa inyo.

Maliban dito, naka-ugnayan na rin natin si National Food Authority (NFA) administrator Renan Dalisay, na nagsabing pinag-aaralan na nila ang pag-alis ng one-year policy para maging regular rice retailer ng NFA ang isang tindahan.

Sa aming usapan, sinabi niyang maaaring mabigyan agad ng permit ang sinuman na magtinda ng NFA rice kung ang puwesto ay nasa malayo o mahirap na lugar, lalo na sa mga fishing area.

Mas malaki kasi ang matitipid kung doon na bibili sa kanilang mismong lugar ang mga kababayan nating kapus-palad kaysa gumastos pa sa pamasahe patungong palengke.

Good luck sa inyong pangarap na bigasan!

Kanegosyong Bam.

***

Kanegosyong Bam,

Magandang araw po sa inyo! Ako po ay isang seaman at gusto kong makapag-umpisa ng negosyong hollow block-making.  Mayroon po bang CARD-MRI branch sa Misamis Occidental?

Maraming salamat, Sunny.

***

Kanegosyong Sunny,

Magandang araw din sa iyo at sa iyong pamilya!

Ikinalulungkot naming sabihin na sa kasalukuyan, wala pang sangay ang CARD-MRI sa Misamis Occidental.  Sa Dipolog City ang pinakamalapit na sangay at matatagpuan ito sa Katipunan St., Brgy. Miputak, Dipolog City, Zamboanga del Norte.  Maaari silang matawagan sa (065) 908.2211.

Maraming salamt at good luck sa pangarap na negosyong paggawa ng hollow block!

Kanegosyong Bam

 

 

 

BIDA KA!: Bida ang Kabataan sa SK Reform

Mga Bida, noong mga nakaraang buwan, naimbitahan tayo sa Far Eastern University (FEU) upang magsalita ukol sa maiinit na isyu ukol sa kabataan sa kasalukuyan.

Tinalakay natin doon ang ilang mga paksa, gaya ng social enterprise, Ten Accomplished Youth Organization (TAYO) Awards at ang mga panu­kalang reporma sa Sangguniang Kabataan.

Sa huling paksa, napukaw ang ating atensiyon ng daan-daang estudyante dahil marami sa kanila ang nagtanong ukol dito sa ginawang open forum.

Naikuwento ng ilan sa mga nagtanong ang kanilang mapait na karanasan sa pagtakbo sa SK elections.

Ayon sa isang nagtanong, bilang SK chairman sa kanilang lugar, maganda ang kanyang mga naisip na programa para sa kanyang komunidad ngunit hindi siya pinapansin sa kanilang lugar.

Tinalo kasi niya ang anak ng kanilang barangay chairman na mas popular at mas malawak ang makinarya sa kanilang barangay.

Inireklamo naman ng isa ang kawalan ng de-kalidad na proyekto ng SK sa kanilang lugar. Madalas, puro paliga at beauty contest lang ang mga proyektong nakalinya para sa mga kabataan.

Ang isa naman, isinumbong na walang alam sa mga polisiya ukol sa kabataan ang mga naupong SK official sa kanilang barangay. 

***

Mga Bida, magandang balita ang hatid natin sa mga nagnanais ng pagbabago sa sistema ng SK sa bansa, na ating isinusulong bilang chairman ng Senate Committee on Youth.

Noong nakaraang Martes lang, ating pinamunuan ang Bicame­ral Conference ang Sangguniang Kabataan Reform Act.

Kabilang sa mga pagbabagong nakalagay sa nasabing panukala ay may kinalaman sa anti-dynasty.

Sa repormang ito, bawal nang tumakbo sa anumang SK position ang pamilya o kamag-anak ng sinumang public official — mula national, provincial, city/municipality at barangay levels pati na ng appointed — hanggang sa ikalawang antas ng pagi­ging magkamag-anak.

Malaki ang maitutulong nito sa ating pagsisikap na alisin ang SK mula sa tradisyunal na pulitika. Ang hakbang na ito ay magandang simula para sa mas malawak na anti-dynasty bill na umaasa tayong maipapasa sa kasalukuyang administrasyon.

Pinalawak din ng panukala ang edad ng SK patungong 18 hanggang 24 anyos upang magkaroon sila ng pananagutan sa kanilang mga pagkilos.

Dagdag pa rito, titiyakin ng panukala na may alam ang mga uupong SK officials sa kanilang paninilbihan dahil kailangan nilang sumailalim sa mandatory training programs upang magkaroon ng sapat na kaalaman na magagamit sa kanilang tungkulin.

Sa tulong ng mga training programs, matitiyak na may sapat na kaalaman at magiging magandang halimbawa ang ating SK officials sa mga kabataan.

Isinusulong din ng panukala ang pagtatatag ng Local Youth Development Council (LYDC), isang konseho na susuporta sa Sangguniang Kabataan at titiyak sa mas aktibong partisipasyon ng mga kabataan.

Ang LYDC ay bubuo ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang youth organizations sa komunidad gaya ng student councils, simbahan at youth faith groups, youth-serving organizations at community-based youth groups.

Bukod pa rito, mabibigyan ng pagkakataon ang SK officials upang pamahalaan ang kanilang budget at mga programa. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang pamumulitika upang mabigyang diin ang tunay na galing at talino ng kabataan. 

Mas malaki na ang kanilang responsibilidad, dahil sila na ang magiging may pananagutan sa kung ano at paano nila gagamitin ang kaban ng bayan. 

*** 

Mga Bida, inaasahan natin na raratipikahan ng Kongreso at Senado ang panukala. Pagkatapos noon, ipapadala ito sa Malacañang para malagdaan na ng Pangulo at maging pormal ng batas ito.

Mahigit na isang dekada na nating isinusulong ang mga reporma sa SK na nagsimula pa noong naging chairman tayo ng National Youth Commission. 

Kaya nakakataba ng puso ang pagpasang ito at buong galak kong ibinabahagi ang magandang balitang ito sa inyo.  Nawa’y lalo pa nating mapaigting at mapatibay ang pakikisangkot ng ating kabataan para sa ikauunlad ng ating mga komunidad at ng buong bansa!

 

First Published on Abante Online

 

Sen. Bam’s Sponsorship Speech on the No Shortchanging Act

Senate Bill No. 265 under Committee Report No. 265

An Act Requiring Business Establishments to Give Exact Change to Consumers

 Senator Paolo Benigno “Bam” A. Aquino IV
16th Congress, Senate of the Philippines

Sponsorship Speech, October 6, 2015

 

Good afternoon, Mr. President and my distinguished colleagues.  Mga kaibigan, mga kababayan, magandang hapon sa ating lahat!

I am pleased to address you today in support of consumer protection and the continued professionalization of our micro, small and medium enterprises (MSMEs), as I sponsor Senate Bill No. 265, under Committee Report No. 265, entitled An Act Requiring Business Establishments to Give Exact Change to Consumers.

Mr. President and esteemed colleagues, as our economy continues to rise and a mounting number of Filipinos have more purchasing power, weaving decency, integrity, and professionalism into our social fabric becomes increasingly important.

This measure promotes such a culture among our Filipino entrepreneurs by prohibiting the giving of insufficient or no change.

This measure will also require that price tags reflect the exact price, including taxes, and that signs are posted to remind customers to make sure they aren’t shortchanged.

First-time violators shall be fined 500 pesos. The second offense will warrant a three-month suspension of the establishment’s license to operate along with a fine of 15,000 pesos. And a third violation results in the revocation of the establishment’s license to operate and a fine of 25,000 pesos.

In the advent of the ASEAN Integration and our rise to economic power, let us show the world that all Filipinos – from established corporations, medium enterprises and down to our sari-sari stores – can engage in business professionally, honestly, and justly.

 This practice of giving consumers what they are due, down to the last centavo, breeds a culture of precision and fairness that should permeate through all Filipino businesses.

Naniniwala tayo na madadala at mapakikinabangan ng mga negosyanteng Pilipino ang kasanayang ito kapag lumaki at lumago ang kanilang negosyo.

 Inaasahan ko po ang inyong suporta sa pagpasa ng patakarang ito.

 

 Maraming salamat!

 

 

 

101st Negosyo Center opens Today in Concepcion, Tarlac

The number of Negosyo Centers in the country has breached the century mark with the opening of its 101st branch in Concepcion, Tarlac today (Friday, Oct. 2).

“We are very happy to surpass our target of 100 for the year with three months left. With the rate we’re going, we are on track of reaching 120 before 2015 ends,” said Sen. Bam Aquino, chairman of the Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship.

The Concepcion Negosyo Center, located at the ground floor of the Concepcion Municipal Hall, is the second in the province and sixth in Region III, next to Tarlac City, Balanga in Bataan, Olongapo City, Baler and Maria Aurora in Aurora and Malolos in Bulacan.

Sen. Bam, who hails from Concepcion, will attend the inauguration together with Tarlac local officials, led by Gov. Victor Yap, Vice Gov. Enrique “Kit” Conjuangco and Concepcion Mayor Andres Lacson.

Top Department of Trade and Industry (DTI) officials and representatives from private stakeholders, such as the Concepcion Business Club, Philippine Chamber of Commerce and Industry-Tarlac and the Small and Medium Enterprise Development Council (SMEDC) are also expected to attend the event.

Sen. Bam is the main author of Republic Act 10644, or the Go Negosyo Act, which mandates the creation of Negosyo Centers in all provinces, cities and municipalities in the country.

The Negosyo Center will provide access to linkages to bigger markets and financing for businesses, and a unified and simplified business registration process, thus helping ease of doing business and fast-track government processes in putting up a business.

The senator lauded the DTI for making sure that the Go Negosyo Law is being fully implemented for the welfare of micro, small and medium enterprises (MSMEs) in the country.

“I would like to thank the DTI for tirelessly working for the full implementation of the Law and for allowing my office to closely coordinate in the establishment of Negosyo Centers in different parts of the country,” Sen. Bam said.

Scroll to top