Bam Aquino

Sen. Bam: No to secret deals with China, put Filipinos first

Sen. Bam Aquino maintained that the administration should not enter into secret deals with China and ensure that the welfare of Filipinos is prioritized in its agreements with the Chinese government.
 
“Wala po dapat secret deals, dapat malinaw iyan. Pagdating sa teritoryo, pagdating sa ekonomiya, pagdating sa trabaho,” Sen. Bam said in a senatorial forum hosted by CNN Philippines. 
 
“Hindi naman masamang mangarap na sa ating bansa, ang Pilipino ang una at hindi dayuhan,” added Sen. Bam.
 
Sen. Bam lamented the government’s unclear policy when it comes to its relationship and dealings with China, especially when it comes to our territory in the West Philippine Sea and the agreements entered into during the visit of Chinese President Xi Jinping.
 
“Ano sa mga build, build build projects ang natuloy na? Magkano ba yung interest rate ng bawat proyekto? Ilang Chinese workers na ba talaga ang nandito? Lahat iyan, hindi malinaw sa atin,” Sen. Bam pointed out.
 
Sen. Bam added that the country’s economy has not improved since the government decided to pivot to China.
 
“Kasama sa kanilang pangako, gaganda ang ekonomiya natin if we pivot to China. Gumanda nga ba? Hindi naman. Darami raw ang trabaho. Dumami ba? Hindi naman,” Sen. Bam emphasized.
 
Sen. Bam challenged the Senate to take the lead in investigating the government’s dealings with China and look into whether the country will benefit from them.
 
On September 19, 2016, Sen. Bam filed Resolution No. 158 seeking to clarify the country’s foreign policy direction and determine the administration’s position on several issues, including the West Philippine Sea, Benham Rise and other dealings with China.

Sen. Bam speaks about his memories of Ninoy Aquino during the late senator’s birthday

(Sen. Bam’s speech during commemoration of Ninoy Aquino’s birthday in San Manuel, Tarlac)

 

Ang kuwento po ni Ninoy Aquino ay isang kuwento ng pagbabago. Ako po ay ipinanganak noong 1977. Kaunti lang po ang oras ko na nakasama ko si Tito Ninoy. Noong ako ay pinanganak, siya ay nakakulong sa Fort Bonifacio. Yung mga panahong nakasama ko siya at madalian lang kasi bibigyan lang kayo ng kaunting oras para makasama yung mga nakakulong. Ang kuwento sa akin ng aking mga magulang ay kapag dinadala daw ako sa Fort Bonifacio, ang sasabihin ni Tito Ninoy ay: “Paul at Melanie, iwan niyo na si Bam dito para may kasama naman ako!” Sabay iiyak naman ako at sasabihing, “Ayoko po, gusto ko pong umuwi.” Iyan po ang experience ko kay Tito Ninoy.

 

Noong namatay siya noong 1983, ako po yung isa sa mga nagsalita sa entablado, 6 years old pa lang po ako noon. Umikot po kami sa buong Pilipinas noong 1983 kasama ang aking lola. Nagsalita kami sa mga protesta laban sa pagkamatay ni Ninoy Aquino at laban sa Martial Law. Yun po ang simula ko bilang speaker sa entablado. Habang tumatanda, laging binabanggit ng mga tao na kamukhang kamukha ako ng Tito ko. Kahit nung nagpunta ako dito, “Uy si Sen. Bam, kamukhang kamukha ni Ninoy.” Totoo po iyan. Because of that, naging malalim sa akin ang buhay ng aking Tito Ninoy. Inaral ko po ang buhay niya. Masasabi ko na idolo ko siya kahit hindi ko siya nakilala nang matagal.

 

Para sa akin, ang buhay ni Ninoy Aquino ay matingkad. Sadly, hindi ito napag-uusapan sa ating panahon sa eskwelahan at sa media. Ang napag-uusapan lang ang kanyang pagkamatay. Ang hindi napag-uusapan kay Ninoy Aquino ay ang kanyang pagbabago dahil ang kuwento ni Ninoy ay isang kuwento ng pagbabago. Dito po ako nakakarelate. Mahirap makarelate dun sa kanyang pagkamatay kasi wala naman sa atin dito, ay gustong mamatay. Kahit gaano pa kalakas ang ating pagmamahal sa bayan at handa tayong mamatay, palagay ko wala sa atin ang may gustong mamatay ngayon. Nakakarelate ako sa kuwento ng pagbabago. Dahil noong siya ay kinulong, ang tawag sa kanya noon ay “Wonder Boy”, number one Senator, at Presidentiable. Isa pong tradisyonal na politiko si Tito Ninoy noon. Siya ay ambisyoso – may ambisyon na maging presidente.

 

Noong siya ay kinulong ng 7 years at 7 months, may panahon ng solitary confinement din. May panahon na wala siyang makitang pamilya. Talagang naubos po si Ninoy Aquino. Sabi niya, “I started from the beginning.” Noong siya ay nakulong at wala nang makausap, nawala lahat ng suporta, nawala lahat ng media, nawala lahat ng kapangyarihan, doon niya nahanap ang kanyang pagmamahal sa Diyos, at sa kanyang pamilya. At doon niya nahanap muli ang kanyang pagmamahal sa kanyang bayan. Kung makikita po ninyo ang Ninoy Aquino bago siya makulong, at pagkataon niya makulong, may pagbabago talaga. Lumalim ang kanyang pagiging pinuno ng kanyang bansa. Lumalim ang kanyang pagmamahal sa bayan. Kung noon, ang pagmamahal sa bayan lamang ay makakamit sa pagiging Senador o pagiging Presidente, pagkatapos niya makulong, ang kanyang pagmamahal sa bayan ay  nandun na sa pagsasakripisyo at pag-aalay ng kanyang sarili nang buong buo.

 

Ngayon pong birthday ni Ninoy, huwag nating kakalimutan na ang kanyang pagkamatay ay hindi lang dahil nabaril siya. Iyan po ay dahil sa napakalalim niyang pagmamahal sa ating bayan na mas ginusto niyang umuwi kahit na baka makulong at mapanganib ang kanyang buhay kaysa sa manatili sa Amerika na mapayapa naman at ligtas. Ganyan ang pagmamahal niya. Handa niyang harapin ang anumang pagbatikos, pagkakulong, at panganib basta makasama niya tayo dito sa ating bayan. Of course, noong siya ay bumalik noong 1983, siya ay pinatay. Kaya ang kuwento ni Tito Ninoy ay isang kuwento ng pagbabago. Isang kuwento ng paghahanap muli ng totoong mahalaga sa ating buhay – pagmamahal sa pamilya, pagmamahal sa Diyos, at pagmamahal sa ating bayan. Napakalalim na kahit ano ay handa nating ibigay para sa ating mga minamahal.

 

Sana po, ang kabataan natin ay marinig iyan. Kasi kapag tinatanong ko po sila kung sino si Ninoy Aquino, ang sagot po ay nila ay “Yung nasa 500 po!” o kaya naman “Ang tatay po ni Kris!” Hanggang doon na lang. Kaya sana, tayo na nandito ngayon, yung mga senior na buhay na buhay noong 80s, ay ibahagi ang kanyang kuwento. Na kung paanong ang ating mga lingkod-bayan noon ay hindi lang nandiyan upang palakpakan, kundi nandiyan para ialay ang sarili para sa ating bayan. Yun po sana ang ikwento natin sa ating mga apo. Palagay ko, marami sa mga lider ngayon ay takot na takot at hindi makapagsalita. Nakita natin na si Ninoy Aquino ay hindi natakot na makulong at mapanganib ang buhay dahil napakalalim ng kanyang pagmamahal sa Diyos at sa bayan. Iyon sana ang maging paalala natin sa araw na ito.

 

Si Tito Ninoy, palaging nagpaparamdam sa akin. Noong 2012, bago ako tumakbo sa Senado, nakatanggap ako ng isang award na “Ten Outstanding Young Persons of the World” noong December 2012. By that time, naka-file na po tayo pero hindi pa nagsisimula ang kampanya. Ang award ay ibibigay sa Taiwan. Pagdating ko doon, dinala ako ng organizer sa hotel. Noong palapit na ako sa napakalaking hotel na Grand Hotel, ang sabi ko sa organizer, “This looks very familiar.” Ang sabi niya sa akin, “Oh Bam, that’s where your uncle stayed before he went to the Philippines.” Doon po siya nagstay bago lumipad pabalik ng ating bansa. Kaya pala pamilyar sa akin kasi nakikita ko ito sa mga picture. Paglapit ko sa front desk, sabi sa aking noong manager “We know the room of your uncle!”. Alam nila yung room noong August 21 at dumiretso siya sa airport papunta sa Pilipinas. Mayroon daw silang plaque doon sa kuwarto na iyon, baka gusto ko daw puntahan. But there’s a guest in the room so baka hindi ako payagang pumasok. Pero pumunta po ako doon sa kuwarto, kinatok ko at walang sumasagot kaya inisip ko walang tao. Paglingon ko, may lumapit na Koryano at lumapit sa akin “Yes? This is my room.” So inexplain ko na my uncle stayed in this room before he was killed in the airport. “Can I go inside?” Pinayagan niya ako at nakita ko yung desk kung saan siya huling nagsulat, yung kama kung saan siya huling natulog at nag rosaryo, yung balkonahe kung saan na-picturan siya na nakatingin sa malayo kasi alam niya na ang buhay niya ay magbabago pag-uwi niya sa ating bansa.

 

Noong gabi, nagkaroon na po ng awarding sa Ten Outstanding Young Persons of the World. Yung intermission number ay isang Chinese Opera na may Chinese instruments. Ang kanilang tinugtog ay puro Chinese songs. Yung pinakadulo, sinabi ng organizer “For the last song of this Chinese-Taiwanese Orchestra, we are going to share with you a Western Song.” Ang kanta na tinugtog nila ay “Tie a Yellow Ribbon”. Iyon ang tinugtog ng orchestra noong event na iyon. Sa lahat ng kinanta nila, sa lahat ng kanta na pwede nilang tugtugin sa Grand Hotel kung saan nagstay ang tito ko, ang tinugtog nila ay “Tie a Yellow Ribbon”. Sabi ko nga, “Nagpaparamdam yata si Tito Ninoy.”

 

Ngayon po, ang pagpaparamdam niya ay hindi na ganyan ka supernatural. Ang pagpaparamdam niya ay simple lang. Kapag tayo ay nasa Senado, pinaglalaban natin ang kapakanan ng ating mga kababayan. Pinaglalaban natin ang edukasyon, ang mahihirap sa ating bansa na makaranas ng kaunting yaman ng ating bansa, pinaglalaban natin yung mga magsasaka, yung mga mahihirap na nagiging biktima ng karahasan, doon po nagpaparamdam si Tito Ninoy sa akin. Ang sinasabi niya, “Gayahin mo ako – yung katapangan at pagmamahal sa bayan. Huwag kang mawawala sa landas. Gayahin mo ako.” Kaya sa aking opisina, may malaking picture doon. Siya lang ang may malaking picture doon. Araw-araw pinapaalala ko sa aking sarili na kailangan natin ng mga pinuno na nagmamahal sa Diyos, sa ating pamilya, at sa ating bayan. Matapang at hinaharap ang lahat ng kailangang harapin para sa ating mga kababayan at mamamayan. Iyon po ang pagpaparamdam ni Ninoy Aquino sa aking pang araw-araw na buhay. Sana sa inyong pang araw-araw na buhay, maramdaman niyo ang kanyang pagmamahal at pagsakripisyo sa ating bansang Pilpinas.

 

Bilang pagtatapos, gusto ko ishare sa inyo ang isang maikling video mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation. Naisip ko na magandang magtapos gamit ang salita mismo ni Ninoy. Marami po tayong nakita pero ito ay isang 5-minute short video – Ninoy Aquino on his own words. Sa kanya mismong salita, makikita natin ang kanyang pagmamahal sa bayan, sa Diyos, sa pamilya, at sa ating lahat.

 

Maraming salamat po sa inyong lahat!

Sen. Bam to conduct Senate hearing on increasing telco players in PH

The government should keep the market open to more telecommunications companies to give the public a better choice for quality and affordable internet connection, according to Sen. Bam Aquino.
 
“Kailangan natin ng dagdag-kumpetisyon sa ating bayan. Why limit the industry to 3 players? The more, the merrier the consumer,” said Sen. Bam, principal sponsor of the law providing free internet in public places.
 
“Iyong mga bansa gaya ng Singapore na pagkaliit-liit, tatlo hanggang apat ang kanilang telco, tayo dalawa lang,” added Sen. Bam.
 
As chairman of the Committee on Science and Technology, Sen. Bam will conduct a hearing tomorrow, November 20, to look into the possibility of adding more telco players to the mix.
 
“Habang marami ang player at open ang playing field, mas maraming pagpipilian, mas gaganda ang serbisyo, at mas magmumura ang presyo para sa ating mga kababayan. Bakit natin ito pipigilan?” said Sen. Bam.
 
The senator added that the hearing will also investigate other issues about the third player Mislatel, including concerns about national security and accusations of spying against one of its partner China Telecoms.
 
Sen. Bam has been investigating the slow and expensive internet connection in the country since the 16th Congress during his time as chairman of the Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship.
 
Aside from determining necessary legislation to boost internet speed, the hearings also compelled the National Telecommunications Commission (NTC) to come out with guidelines on minimum internet speeds and conducted speed testing in various areas of the Philippines to check compliance of telcos.
 
Sen. Bam also led the ‘Nakaw Load’ hearings in the Senate, allowing for irate customers to push for changes in the telcos’ policies on load deductions.

Sen. Bam: Patibayin ang paghanga sa mga Pilipinong manunulat, ituro ang Panitikan sa kolehiyo

Sen. Bam Aquino questioned the Supreme Court’s decision excluding Panitikan and Filipino as core subjects in college, saying that we should strengthen our Filipino identity and appreciation for our national language.

 “Sa kolehiyo lumalim ang pagmamahal ko sa bayan. Kaya mahalaga na hanggang tertiary level, tuluy-tuloy ang pag-aaral at pagpapalalim sa ating pagiging Pilipino, at malaking bahagi dito ang ating literatura,” said Sen. Bam, principal sponsor of the law granting free education in state universities and colleges.

Sen. Bam shared that it was in his college years that he became more aware of the country’s needs, and he emphasized that Filipino literature can help deepen the youth’s love and appreciation for the struggles, revolutions and victories of fellow Filipinos.

“Kilalanin at ipagmalaki natin ang mga kababayan nating makata’t manunulat na maaaring maging inspirasyon sa ating mga estudyante sa kolehiyo,” said Sen. Bam, vice chairman of the Committee on Education.

Sen. Bam pushed for the passage of Republic Act 10931 or the Universal Access to Quality Tertiary Education Act as principal sponsor during his time as chairman of the Committee on Education.

Currently, Sen. Bam is also pushing for other education-related measures, including Senate Bill No. 1278 or the Trabaho Center in Schools Act.

The measure aims to establish a job placement office in every public high school and SUC in the country, which will provide industry matching, career counseling, and employment facilitation.

Trabaho Centers must also address the skills mismatch and ensure employability of students upon graduation by using feedback from employers to better develop the school’s curriculum and training programs.

Overall, Sen. Bam has 35 laws to his name.

Sen. Bam joins MFIs in celebrating anniversary of significant law, MFI NGOs Act

CEBU CITY – Sen. Bam Aquino joined the microfinance community here to celebrate the third anniversary of the enactment of Republic Act 10693 or the Microfinance NGOs Act, which he spearheaded as principal sponsor in the Senate.

The reform was signed into law on Nov. 3, 2015 and has since saved the sector P479.5 million, allowing MFI NGOs to help more Filipinos in need of low-interest, no-collateral loans.

In his speech during the Ramon Aboitiz Foundation Inc. (RAFI) Microfinance Entrepreneurs Summit, Sen. Bam thanked MFI NGOs for their role in crafting RA 10693 to help them become more effective in providing assistance to millions of Filipinos.

“Talagang maganda ang ating nakakamit kapag tayo’y nagtutulungan. Kaya po natin gumawa ng mga repormang nakakatulong sa ating mga kababayan,” Sen. Bam said.

“Thanks to our law, there are more micro-loans and more training programs from MFI NGOs for Filipino families and micro-entrepreneurs,” said Sen. Bam.

The senator also said that many micro-enterprises and local entrepreneurs inspired him to push for the passage of the law in the Senate, saying RA 10693 provides them the needed assistance and opportunity to succeed.

“Kaunting tulong, kaunting oportunidad at kaya nang iangat ng Pilipino ang kanilang pamilya. Kaunting tulong at matinding pagkayod at umaasenso ang pamilyang Pilipino,” said Sen. Bam.

Before he became a senator, Sen. Bam worked closely with MFI NGOs during his time as social entrepreneur and co-founder of Hapinoy program, which assists sari-sari store owners.

“Noong binigyan namin sila ng training sa negosyo, noong iniugnay natin sila sa MFIs para makakuha ng puhunan, nagawa nilang palaguin ang kanilang munting tindahan, mapaaral ang mga anak, at makalikha ng mas mabuting kinabukasan para sa kanilang pamilya,” said Sen. Bam. 

Republic Act 10693 gives incentives to MFI NGOs to continue helping Filipinos overcome poverty not just through financing but also through financial literacy, livelihood, and entrepreneurship training.

The law also provides MFI NGOs needed support and incentives that includes access to government programs and projects, technical assistance and exemption from taxes.

Sen. Bam’s advocacy for micro, small and medium enterprises inspired him to push for the enactment of several laws, such as the Go Negosyo Act, Youth Entrepreneurship Act, Credit Surety Act and the Personal Property Security Act.

Sen. Bam joins DA in equipping farmers, fishermen with machinery and vehicles

CASIGURAN, Aurora — Sen. Bam Aquino was invited by the Department of Agriculture (DA) to join the turnover of around P40 million worth of machinery, equipment and vehicles to farmers, fishermen and women’s organizations for the improvement of their livelihood.

“Malaki ang maitutulong ng mga kagamitang ito para mapalago ang kabuhayan ng mga magsasaka, mangingisda at kababaihan dito sa Casiguran,” said Sen. Bam, vice chairman of the Committee on Finance.

As vice chairman of the Committee on Finance in the Senate, Sen Aquino included in the 2018 National Budget (General Appropriations Act) P40 million to support livelihood projects for farmers and fisher folks in Casiguran.

Sen. Bam witnessed the turnover of machinery and equipment to their respective organizations in Thursday’s mass awarding together with Mayor Ricardo Bitong, DA Regional Executive Director Roy Abaya, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Regional Director Lilian Garcia and other local officials.

Among those distributed by DA to farmers were two hand tractors with trailers and implements, two rice combine harvesters with heavy duty transport trailers, two floating tillers, two rice/paddy transplanters, four mini-four wheel tractor with heavy duty trailer, five shallow tube wells, one multi-crop thresher and one multi-purpose shredder.

Fishermen, for their part, received one commercial fishing vessel, 14 payaw and one 10-wheeler refrigerated van and two light boats, while livestock raisers and indigenous people received 80 cattles.

Organic farmers and indigenous people received 72 kilos of vermiworms, two units of vermin beds and multiplier farm with 22 goats, 22 sheep and 17 native pigs. The PIGLASCA Women’s Association and Rural Improvement Club received food processing equipment, freezer and refrigerator for food product manufacturing.

Sen. Bam hopes this will boost their livelihood amid the high prices of goods, fuel and farm inputs, such as fertilizer.

“Sa pag-iikot natin, marami tayong narinig na daing mula sa ating magsasaka’t mangingisda tungkol sa mataas na presyo ng fertilizer, na dati’y P800 lang pero ngayon P1,200 na, pati na ng krudo para sa kanilang mga makinarya at bangkang pangisda” said Sen. Bam.

Sen. Bam filed Senate Bill No. 1798 or the Bawas Presyo sa Petrolyo Bill last May to remove taxes on petroleum products amid high prices of goods.

Sen. Bam’s law for free college also eases the financial burden of Filipino families by granting free tuition and miscellaneous fees in public universities and colleges.

Sen. Bam: Pass Bawas Presyo Bill, fix TRAIN Law on top of wage increase

The P25 salary increase for National Capital Region (NCR) cannot stand alone and should be coupled with efforts to lower prices of goods, including the suspension of excise tax on fuel under the Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, according to Sen. Bam Aquino. 
 
“Parehong dagdag kita at bawas presyo ang kailangan ng ating mga kababayan. Bigyan natin ng sapat na ginhawa ang mga Pilipinong nalulunod sa pagtaas ng presyo ng pagkain, bigas at iba pang bilihin,” said Sen. Bam, one of four senators who voted against the ratification of the TRAIN Law. 
 
“Gawing prayoridad na sana ng Kongreso ang pagpasa sa Bawas Presyo Bill para maayos naman kahit kaunti ang TRAIN Law at mabawasan ang pasan ng Pilipino,” added Sen. Bam, who is the only senator to file a measure seeking to amend the TRAIN Law. 
 
Sen. Bam filed Senate Bill 1798 or the Bawas Presyo sa Petrolyo Bill in May 2018 to add a safeguard to the TRAIN Law that allows for the suspension in the collection of excise tax on fuel should the inflation rate surpass the country’s predicted target for three consecutive months. 
 
“Kung ipasa ang Bawas Presyo Bill at tanggalin ang excise tax sa petrolyo sa TRAIN Law, hanggang P87 kada araw ang dagdag sa kita ng ating mga jeepney driver,” said Sen. Bam, adding that this would be enough for PUV drivers to buy two kilos of rice per day for their families. 
 
Sen. Bam also said that reducing the cost of petroleum products would not only affect fare prices but would also have an indirect effect on the prices of food and other goods in the market. 
 
“Magandang regalo ngayong Pasko ang tulong sa pagbababa ng presyo ng bilihin. Kaya itutuloy ko sa Senado ang paninindigan para sa Bawas Presyo Bill upang ayusin ang TRAIN Law,” said Sen. Bam, who continues to stand by his no-vote on the TRAIN Law.

Sen. Bam still eager to help Filipino families after free college law and 30-plus laws passed

TARLAC CITY — Sen. Bam Aquino visited his hometown of Tarlac on Monday, days after filing his certificate of candidacy for a second term in the 2019 elections, to attend the flag ceremony with Tarlac City officials, led by mayor Cristy Angeles.

In his visit, Sen. Bam reiterated that he’s still eager to help his countrymen and serve the country while making his fellow Tarlaqueños proud. 

“Doon po sa Senado isa po sa pinaka-proud moments ko, kapag tinatawag po akong Senator Aquino the Gentleman from Tarlac. Ginaganahan ako magtrabaho para maging proud din po kayo sa amin at sa aming nagagawa sa Senado,” said Sen. Bam, who hails from Concepcion. 

Sen. Bam has passed over thirty laws in his first term in the Senate, including the law granting free tuition and miscellaneous fees in public universities and colleges. With the Universal Access to Quality Tertiary Education Act, students from state universities and colleges in Tarlac will save anywhere from P10,000 to P15,000 every year. 

Sen. Bam is the principal sponsor of the free college law and defended the measure in the Senate. He also worked to upgrade the Tarlac College of Agriculture to the Tarlac Agricultural University, so they may offer even better quality education with improved facilities as a state university. 

Sen. Bam is currently pushing to pass the Bawas Presyo sa Petrolyo Bill to remove the excise tax on fuel products from the TRAIN Law. He hopes this will ease the burden of high prices, especially for jeepney and tricycle drivers. 

“Marami pa rin po akong nakikilalang Pilipino na nangangailangan ng tulong. Kaya gusto ko pang magserbisyo para sa inyo at sa ating bansa,” said Sen. Bam. 

Sen. Bam also lauded the unity and cooperation between local government units (LGUs) in Tarlac, earning it the identity as one of the model provinces in the country. 

He was scheduled to meet with municipal, barangay officials and non-government organizations from the 1stDistrict of Tarlac in a gathering organized by Cong. Charlie Cojuangco.

Beneficiaries of Sen. Bam’s reforms celebrate his filing for Senate candidacy

Over 250 supporters of Sen. Bam Aquino flocked to Intramuros to celebrate his accomplishments and express full support behind his bid for a second term in the 2019 elections.

Among those who expressed backing for Sen. Bam’s candidacy were Vincent Penaflor and Giovani Valdez, who are currently enjoying free tuition and miscellaneous fees in their respective colleges thanks to the law pushed by Sen. Bam as principal sponsor in the Senate

“Ni piso wala na ako ang babayarang tuition fee na aabot dapat sa P13,000 dahil sa batas na libreng kolehiyo ni Sen. Bam. Kaya ngayon ako naman ang tutulong sa kanya na makabalik sa Senado,” said Penaflor, a student of Batangas State University, during a short program while the senator was filing his certificate of candidacy.

“Sa halip na ipambayad ko ang P6,000 sa tuition and miscellaneous, ilalaan ko na lang iyon para sa pang-araw-araw na gastusin sa eskuwelahan at pamilya,” said Valdez, a student of Northern Luzon Philippine State College.

Amid cheers from fellow supporters, others shared their personal stories of how Sen. Bam helped change their lives through his work and over 30 of his laws.

Mary Jane Enciso, a beneficiary of Sen. Bam’s Hapinoy Program from Camarines Sur, said she received free business training in 2009 on how to start her own sari-sari store.

“Sa tulong ni Sen. Bam, dati nakatira lang ako sa paanan ng bundok. Ngayon, mayroon na akong sariling kabuhayan,” said Enciso.

Aside from supporters, Sen. Bam’s family was also in full force, led by his wife Timi and her daughters Rory and Coco. 

After the filing, Sen. Bam thanked his family, friends and supporters who joined him in the beginning of his next chapter as public servant.

Knowing that it will be an uphill climb, Sen. Bam said good fights need to be fought, no matter the risk and high costs.

Sen. Bam, pasok sa Magic 12!

Re-electionist Sen. Bam Aquino made it to the top 12 of the Social Weather Stations (SWS) survey in time for the filing of certificate of candidacy for the 2019 elections.

The September 15-23 SWS survey, commissioned by a certain Alde Pagulayan, deputy secretary general of Lakas-CMD, showed that Sen. Bam is tied for 10th to 12th spots with 22 percent. SWS reportedly used face-to-face interviews of 1,500 adults (18 years old and above) nationwide.

 “Lubos ang pasasalamat natin sa mga patuloy na sumusuporta sa atin. Asahan niyong lubos din ang aking pagtrabaho para tulungan kayo,” said Sen. Bam.

“Laban lang! Basta sama-sama tayo’t nagtutulungan, naniniwala akong marami pa tayong magagawa sa Senado para sa kapwa nating Pilipino,” added Sen. Bam.

Sen. Bam has over 30 laws to his name, including the landmark free college law that provides free education to Filipinos in state universities and colleges, local universities and colleges and TESDA-run technical-vocational institutions.

Sen. Bam’s first law, the Go Negosyo Act, resulted in the establishment of over 900 Negosyo Centers, which cater to the needs of Filipinos who want to start or expand their own business.

 Currently, Sen. Bam is pushing for the passage of the Senate Bill No. 1798 or the Bawas Presyo sa Petrolyo Bill in an effort to lower prices of petroleum products, which in turn would lead to lower prices of food and other goods.

 Filed last May 10, 2018, the Bawas Presyo sa Petrolyo Bill seeks to suspend the collection of excise tax on fuel once inflation rate breaches the annual inflation target over a three-month period.

Scroll to top