Bam on Marcos burial in Libingan ng mga Bayani, Duterte’s Drug List
SEN. BAM: Unang-una intindihin natin na ang pangalan noong libingan ay Libingan ng mga Bayani kaya siguro iyong mga hindi bayani, talagang hindi karapat-dapat na malibing diyan.
Iyon iyong una kong sasabihin, puwede tayong pumunta sa mga ibang detalye but at the end of the day, simple lang naman. Bayani nga ba si Former President Marcos?
Palagay ko, ang ating kasaysayan, ang ating mga korte, nagsasabi na hindi siya bayani. In fact, during that time, 70,000 ang nakulong dahil sa pulitika, 30,000 ang na-torture, almost 3,000 ang namatay. Malinaw na dark days iyong martial law sa panahon ng ating bayan. Kaya siguro, hindi talaga karapat-dapat.
Now, kung pupunta tayo sa detalye, mayroong dalawang nakalagay doon na exceptions sa mga puwedeng ilibing diyan sa Libingan ng mga Bayani. Iyong una diyan, iyong mga personnel na dishonorably discharged. Masabi nga natin na hindi personnel si former president Marcos, pero ousted siya at talagang dishonorably discharged siya from being president noong 1986.
Pangalawa, iyong convicted of moral turpitude. Hindi nga siya na-convict ng korte pero kung titingnan mo, marami tayong mga batas na nakalagay na mayroon siyang ninakaw na pera sa ating bayan. In fact even the Supreme Court, in one of their decisions, talks about the ill-gotten wealth of the Marcoses. Kaya hindi man eksakto iyong mga exceptions doon sa charter sa Libingan ng mga Bayani, may pagkakaintindi tayo na talagang hindi siya karapat-dapat doon.
Marami sa amin dito ang mga tumututol. Kahit ang mga ka-alyado ni President Duterte, tumututol dito – si Senate President Pimentel, kahit si Sen. Cayetano, ang National Historical Commission of the Philippines, iba’t-ibang member ng kanyang gabinete – marami pong tumututol dito kaya we’re really hoping magbago pa po ang isip ni Pres. Duterte on this issue.
QUESTION: Dahil tinututulan ninyo at marami sa inyong kasama diyan, ano ang susunod na magiging hakbang ninyo? Sinabi ni Sen. Leila De Lima na puwedeng magsampa ng class suit, para mapigilan ang pagpapalibing ni Former President Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Kayo po ba ay sang-ayon dito?
SEN. BAM: Well, palagay ko may mga grupo talagang mag-fi-file ng mga class suit, may mga grupo rin na magsasagawa ng mass action. Of course on social media, medyo lumalaki na rin ang issue.
I think it’s time that we talk about it, pag-usapan, dalhin sa iba’t-ibang mga lugar at mga puwedeng puntahan gaya ng korte.
Pres. Duterte has in the past changed his mind on certain policies like K-12 noong nakausap siya nang maayos. So, I am hoping na magbago pa ang kanyang isip tungkol dito. Isang buwan pa naman ito. At iyong mga tao na tumututol sa paglibing ni Former President Marcos sa Libingan ng mga Bayani, panahon na para sabihin ang ating pagtutol dito.
QUESTION: Ano sa tingin ninyo ang magiging epekto kapag inilibing sa Libingan ng mga Bayani si Former President FM? Kasi alam naman natin, kampanya palang, may nagsasabi, kasama si Pres. Duterte, na parang para raw magkaisa ang bayan, mag move-on na from iyong nakaraan Kayo po? Ano sa tingin ninyo ang magiging epekto nito sa bansa?
SEN. BAM: Well, puwede naman mag move-on. Pero, kailangan iyong tama, tama. Iyong mali, mali. Kapag iyong mali, nagiging tama, palagay ko iyon, hindi ka talaga makaka-move-on doon because you will forever repeat the mistakes of the past.
Kailangan maging malinaw talaga ang panahon na iyon sa ating kasaysayan- that time in our history needs to be very clear to the Filipino people. Even iyong pagturo ng Martial Law sa ating mga eskwelahan. Ngayon na ako ay Chairman on the Committee on Education, titingnan rin natin how martial law is being taught in our schools.
Noong panahon ng kampanya, naging magulo. Nagkaroon ng misinformation campaign tungkol sa martial law. Nagkaroon ng iba’t-ibang panayam tungkol dito. Itong paglibing kay Former President Marcos sa Libingan ng mga Bayani will confuse things even more. Mas magiging confusing iyan para sa ating mga kababayan, especially sa ating mga kabataan.
So ang gusto ho natin, maging malinaw naman tayo. Kung ikaw, naging isang former president, nagnakaw sa ating bansa, maraming napapatay during your term, maraming nakulong na dapat hindi nakulong, you don’t deserve to be in the Libingan ng mga Bayani. Hindi ka karapat-dapat doon.
Sana iyon po, maging malinaw sa ating bayan. Kasi kapag natuloy nga po ito, at nalibing siya diyan, iyon po ay isang araw na ang mali naging tama. So we’re really hoping po na hindi ito matuloy. And like many of us here, we’re hoping that President Duterte will change his mind. Mag-iiba pa po sana ang kanyang pag-iisip tungkol dito.
QUESTION: Nakausap niyo na po ba si dating Pangulo Aquino o ang kanyang kapatid tungkol sa isyung ito?
SEN. BAM: Hindi pa. I haven’t spoken to him about it.
QUESTION: Sabi niyo po, you’re hoping Pres. Duterte changes his mind. If he doesn’t change his mind, mayroon pa bang magagawa para pigilan ang pagpapalibing?
SEN. BAM: Actually, palagay ko – hindi pa ito confirmed – but Sen. De Lima talked about it yesterday at may mga ibang mga grupong nag-iisip na tungkol dito. This might be brought to the courts. Kung tutuusin, malinaw naman ang Charter ng Libingan ng mga Bayani. Kung ikaw, dishonorably discharged o kung ikaw ay nahatulan ng isang kaso na may imoralidad talagang hindi ka karapat-dapat diyan. Palagay ko may mga grupong magdadala nito sa korte din.
QUESTION: Ano ang reaksyon ninyo kaugnay sa panibagong drug list na inilabas ni Pangulong Duterte?
SEN. BAM: Unang-una, sa totoo lang, one part of you, masaya. Finally, kung may mga mayors na involved dito, na-call-out sila. Never in our history has that happened before.
Kaya lang, you also hope that this list, talagang na-vet ng maayos, talagang may intelligence behind it and na iyong kaso sa mga taong ito, ay talagang dapat i-file na.
Kung ito ay naging trial by publicity lang, hindi po iyan maganda, but if they can show na may ebidensya against them at talagang i-file iyan sa tamang proseso, ok rin yan.
But of course iyong mayors, marami rin sa kanila nag-de-deny at gusto nilang linisin ang kanilang pangalan.
Ako, kung talagang involved sila, dapat file-an na kaagad sila ng kaso. Kung talagang malakas ang ebidensya, totoo nga, dapat file-an sila ng kaso at dumaan sila sa tamang proseso.
Now, with regard to the judges, nakita natin na may mga patay na judge sa listahan o may mga judge na hindi pala concerned sa drugs ang kanilang hinahawakan. Sana mas maging maganda pa ang intelligence gathering ng Executive department para next time na maglabas ulit ng listahan, talagang sigurado na lahat iyan.
Recent Comments