Bam on the Metro Manila Traffic

Transcript: Bam on the Metro Manila Traffic

Transcript of Interview after the Hearing by the Committee on Economic Affairs

 

Q: Sir anong reaction niyo sa di pagsipot ng heads of agencies na ini-expect niyong magpapaliwanag?

 Sen. Bam: Siyempre, we were hoping na nandito sila but naintindihan natin na ito ang first day ng eksperimento sa EDSA. Palagay ko iyong next hearing natin on Sept. 14, mas magiging maganda kasi naririto sila para magpaliwanag at mayroon tayong isang linggo para makita kung iyong mga ginagwang pagbabago sa EDSA ay nagdulot ng paggaan ng trapiko.

 

Q: Anong comment niyo sa call for resignation ni Chairman Tolentino?

 Sen. Bam: It’s the right of any group na sabihin ang kanilang gusto. Maganda sa next hearing, magharap sila at puwedeng i-explain ni Chairman Tolentino kung ano ba ang plano nila for traffic.

Ngayon, nagtutulungan ang MMDA, PNP at si Secretary Almendras bilang traffic czar para ma-solve ang mga problems natin.

Currently, pinag-usapan namin ang long-term solutions pero hinahanap din ng tao ang mga short-term solutions – iyong magbibigay lunas kaagad-agad sa ating traffic problems. Hopefully, sa susunod na hearing, mapag-usapan itong ginagawang eksperimento with the Highway Patrol Group, magdulot ng ninanais nating paggaan ng trapiko.

 

Q: Do you get the logic kung 1,600 lang ang capacity ng EDSA in terms of buses but ang authorized daw ay 3,000-plus.

Sen. Bam: Sa totoo lang, medyo nagulat nga ako sa mungkahi nila na kailangang dagdagan ang dami ng bus sa EDSA. Palagay ko, mas puwedeng pag-usapan pa iyan kasi siyempre ang common understanding natin, dapat bawasan iyan.

Iyong point ni Chairman Ginez na dahil kulang nga ang mga bus, nagsisiksikan ang mga commuters natin kaya bumabagal ang trapiko, kailangan mas intindihin natin iyan.

We’ll definitely see after this week kung ang ganyang klaseng logic ay makatutulong sa ating traffic problems. 

Ang isa lang na masasabi kong maganda, the focus now of the inter-agency group ay kung paano padaliin ang buhay ng commuters natin.

Sabi nga nila, 70 percent ng bumibyahe sa EDSA occupies only 20 percent of the road at ito ang mga bus. Naka-concentrate sila di sa pagtulong sa private cars, kundi pagtulong sa mga kababayan nating sumasakay sa mga bus.

That’s something na inaabangan natin. Hopefully, iyong yellow lanes mas mabilis ang daloy and hopefully, iyong karamihan ng mga taong kailangang gamitin ang EDSA, mas madali po ang buhay dahil sa mga gawaing ginagawa ng inter-agency.  

 

Scroll to top