BBL

Sen. Bam on the Bangsamoro Basic Law

Binabati at pinasasalamatan natin ang lahat ng nagtaguyod sa peace process,  sa mga principal sponsors, co-sponsors at sa aking mga co-authors sa Kongreso, at lahat ng nagtrabaho para buuin ang Bangsamoro Organic Law.
 
Ang pagpasa ng BBL ay malaking hakbang tungong kapayapaan at  pagpuksa sa tunay nating kalaban, ang kahirapan.
 
Ngayon, kailangan nating magkaisa upang siguraduhin na mapakikinabangan ng mga pamilya sa Bangsamoro region ang batas na ito.
 
Bantayan natin na maabot ng makasaysayang repormang ito ang mga matatayog na hangarin na kapayapaan at kaunlaran para sa mga kapatid nating Bangsamoro.

Sen. Bam lauds cross-party support for BBL, says teamwork can also protect Filipinos from price surge

Senator Bam Aquino lauded colleagues for crossing party lines to approve the Bangsamoro Basic Law (BBL) on third and final reading, adding that this type of teamwork can also alleviate Filipinos from the rise in prices.

“We are happy to see wide support for the BBL. We are hopeful that it will help usher in peace and development to the Bangsamoro region,” said Sen. Bam, who co-sponsored and co-authored the measure.

“Sisikapin pa ng bicam members na pagbutihin ang BBL at siguraduhin na makakatulong ito sa pag-unlad ng Mindanao,” said Sen. Bam, referring to some contentious provisions of the Senate version, which he hopes can be ironed out during the bicameral conference committee.

“With the BBL and even with the free college law, we’ve proven that we can work beyond political lines to pass reforms that will benefit the people. We should do the same to alleviate Filipinos from the rising prices,” added Sen. Bam, referring to his proposal to suspend the TRAIN law.

Sen. Bam filed Senate Bill No. 1798, which seeks to rollback of TRAIN’s excise tax on fuel when average inflation rate surpasses the annual inflation target over a three-month period.

“Nalulunod na sa taas ng presyo ang Pilipino ngunit walang nakahandang salbabida sa TRAIN Law,” said Sen. Bam, who hopes to strengthen safeguards in the law through his proposal.

Sen. Bam: Senate to prioritize BBL, peace in Mindanao over Cha-cha

Senator Bam Aquino is convinced that the Bangsamoro Basic Law (BBL) will hurdle the Senate by March, saying this would help quell violence and terrorism in Mindanao and give the Bangsamoro people a chance to have a peaceful and abundant life.

 “Uunahin na natin ang pagpasa sa BBL. We need this law in order to address urgent and pressing issues in the Bangsamoro region. A number of senators have agreed to pass this by March, even ahead of any Cha-cha,” Sen. Bam said, adding that the Senate could pass the BBL ahead of the House.

“Nagkakasundo rin ang mga lider sa Mindanao na ang pagsasabatas ng BBL ay isang solusyon para maibsan ang karahasan at pag-aaway sa Bangsamoro areas,” added Sen. Bam, one of the six senators who visited war-torn Marawi City recently to hold a consultation and dialogue for the BBL.

Aside from Sen. Bam, Senators Cynthia Villar, JV Ejercito, Migz Zubiri, Sonny Angara and Risa Hontiveros joined the consultation. They also visited ground zero, the main part of the city that was destroyed by firefights and bombings.

Sen. Bam pointed out that the Senate, from the majority to the minority, agrees that the BBL is needed to help stop violence and boost development in the region through autonomy.

“Huwag nating ipantapat ang karahasan sa terorismo. Kapayapaan at kasaganaan ang ating ipantatapat dito sa pamamagitan ng BBL,” said Sen. Bam, referring to the Marawi siege orchestrated by members of the Maute group in May of last year.

Sen. Bam has filed Senate Bill No. 1661 that pushes for the passage of the BBL. Before drafting the said measure, Sen. Bam has consulted several stakeholders, including the Bangsamoro Transition Commission (BBL), to conform to the present needs in the region.

Sen. Bam: Let’s not put BBL in the backburner

While it was not included in the priority reforms during the Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC), the Bangsamoro Basic Law (BBL) should still be pursued as it can help bring peace in Marawi and the whole of Mindanao, according to Sen. Bam Aquino.
 
“Wala man ang BBL sa mga inilatag na prayoridad na panukala, huwag natin ito isantabi. Magsisilbi itong daan upang maabot ang matagal nang inaasam na kapayapaan sa Mindanao,” said Sen. Bam.
 
Sen. Bam is a member of the Senate Special Committee on Marawi City Rehabilitation, which will conduct its initial hearing Tuesday.
 
Recently, the Bangsamoro Transition Commission (BTC) submitted to President Duterte a draft of the revised BBL However, the President did not raise the BBL during the last LEDAC.
 
“I hope we can still push for this reform for our countrymen in the Bangsamoro region,” stressed Sen. Bam, “Let’s pass the best possible version of the BBL and establish peace and prosperity in the region.”
 
The senator also underscored his belief that the BBL can help fight terrorism, rebellion and crime through peace and development and education and jobs.
 
“Sa tulong ng BBL masusugpo natin ang matagal nang problema sa Mindanao, lalo na ang terorismo at rebelyon sa pamamagitan ng kaunlaran, trabaho at edukasyon,” said Sen. Bam.
 
In his first four years as senator, Sen. Bam has pursued jobs, education and livelihood opportunities for Filipinos through the Go Negosyo Act, Universal Access to Quality Tertiary Education Act and Youth Entrepreneurship Act.
 
“Naniniwala tayo na kapag nabigyan ng pagkakataon upang makapag-aral, makapagtrabaho at magnegosyo ang ating mga kababayan, madali tayong makakaahon sa kahirapan at magkakaroon ng magandang kinabukasan,” said Sen. Bam.

Bam Seeks to Strengthen Islamic Banking in PH

Habang wala pa ang BBL, tuloy ang pagtulong natin sa ating mga kapatid na Muslim.
 
A senator has filed a measure to strengthen the country’s Islamic banking system to give Filipino-Muslim entrepreneurs access to financing and other services that are compliant with the principles Shari’ah or Islamic law, while the much debated Bangsamoro Basic Law is still being deliberated.
 
Sen. Bam Aquino’s Senate Bill No. 3150 or the Philippine Islamic Financing Act of 2016 seeks to amend the charter of the Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines, the only Islamic Bank in the country established in 1973.
 
“It seeks to strengthen the Al-Amanah Bank to provide a broader market, while promoting both the establishment of other Islamic banks and engagement in Islamic banking arrangements by conventional banks under the supervision and regulation of the BSP,” Sen. Bam said.
 
At present, Sen. Bam said Muslim banking and finance applies principles based on the Shari’ah Law, where the kind of banking and financing operations is characterized by risk-sharing and equitable distribution of wealth.
 
“Undertaking or financing of anti-social and unethical business, and the setting of interest or a fixed pre-determined rate of return are prohibited,” said Sen. Bam, chairman of the Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship.
 
With this, Islamic banking and finance in the Philippines is limited by three major challenges, such as lack of clear and regulatory framework, lack or scarcity of experts on Islamic banking and finance, and lack or very low investor awareness and acceptance of Islamic banking and finance.
 
These challenges prevent the country from enjoying the vast growth of Islamic banking worldwide, which increases by 21 percent despite the existing global context.
 
“Currently, there are more than 600 Islamic financial institutions operating in more than 75 countries and almost all major multinational banks offer Islamic financial institutions,” Sen. Bam said.
 
Sen. Bam said the measure will help address these challenges and provide Muslim entrepreneurs an environment where they can thrive and prosper through his measure.
 
“Accompanied by other critical inclusive financial reforms and innovations, this bill seeks to ensure the development of MSMEs not only in our major urban centers but also in the poorest and hardest to reach areas,” the senator said.
 
“It also seeks to ensure that every Filipino, regardless of status, identity or religion has access to critical services to enable them to seize economic opportunities and be part of the country’s progress,” he added.
 
The bill amends the charter of the Al-Amanah Bank, providing for the organization and regulation of an expanded Islamic banking system in the Philippines.
 
The proposed measure further mandates government to provide programs for increased consumer awareness and capacity building required by the expanded Islamic banking system.

7 Posibleng Focus Areas sa mga Huling Buwan ng Aquino Administration

Naghahanda na ang bayan sa 2016 na halalan ngunit may oras pa ang administrasyong Aquino na i-push ang pag-unlad ng Pilipinas. Ang kailangan lang ay fortitude at focus. Kaya ‘eto ang 7 na posibleng target areas para sa huling hirit ng Aquino Administration!

1. Pabutihin ang ating public transportation systems. Ramdam na ramdam ng mamamayan hindi lamang ng ng mga taga-Metro Manila, pati na rin sa mga kalapit na probinsya ang mga problema sa pampublikong transportasyon. Maliban sa buhol-buhol na trapik, lalo lang lumalala ang pila at siksikan sa MRT/LRT, jeep, bus, at FX. May oras pang ayusin ang mga ito para mabawasan ang stress ng Pinoy commuters!

mrt

2. Tutukan ang K to 12 implementation. Nalalapit na ang implementasyon ng senior high school sa bansa at may malaking potential ang K to 12 program na iangat ang kakayahan ng ating mga graduates. Hindi ito simpleng reporma kaya kinakailangang tutukan nang mabuti ang roll out nito. Open ang DepEd sa mga suggestions natin at maaari ring maging involved sa inyong local public school. (For concerns and suggestions, email action@deped.gov.ph or call 636-1663/633-1942.)

kto12

3. Patibayin ang ating agricultural sector. Isa sa sa mga sektor na nangangailangan ng tulong ay ang mga magsasakang Filipino. Dapat lang silang tulungan na maging efficient sa paggamit ng mga makabagong technology na makakapagpadami ng ani para matugunan ang demand ng merkado. Kailangang maisama ang mga magsasaka sa sustainable supply chain gaya na lamang ng mga Kalasag farmers na pangunahing supplier ng Jollibee ng sibuyas. Dahil sa programang ito, naging steady ang kanilang produksyon at umunlad ang kanilang mga buhay.

Dito makakatulong ang mga Negosyo Center na itinatayo sa Pilipinas. Makakakuha ng suporta ang mga negosyanteng Pinoy dito, magsasaka man, market vendor, tricycle business owner, o craftsmaker, para mapalago ang kanilang mga pangkabuhayan.

Kalasag Farmers

4. Siguraduhin na patas ang labanan sa pagnenegosyo. Sa era ng ASEAN economic integration, lalong dadami ang papasok na negosyante sa Pilipinas. Ang Philippine Competition Act ay naisabatas na upang siguraduhin na walang pang-aabuso ng dominant position at walang matatapakang micro, small, and medium enterprise (MSMEs). Ngayong mayroon na tayong rule book sa pagnenegosyo, challenge ang makahanap ng mga mahuhusay, matatalino, at tapat ang mapapabilang sa Philippine Competition Commission (PCC) para ma-enforce ang patakaran laban sa anti-competitive acts.

PhilippineCompetitionAct

5. Protektahan ang Filipino consumer. Sa pagdami ng mga negosyo at produkto sa merkado dala ng kumpetisyon, dadami ang puwedeng pagpilian ng ating consumers. Kalidad ang magiging labanan ng mga produktong bukod sa presyo. Subalit, mas exposed rin tayo sa sub-standard products at mga posibleng scams! Kailangang patuloy na bantayan ang karapatan ng mga consumers at i-revisit ang ating Consumer Protection policies.

consumerprotection

6. Tutukan ang pagpasa ng mga mahalagang panukala. May oras pa para maisabatas ang mga landmark bills na pending sa Kongreso. Ready na ang sambayanan na ibahin ang sistema ng pagpili ng mga mamumuno at magkakaraoon na ng pagkakataon ang mga bagong mukha at pangalan sa halalan sa tulong ng Anti-Dynasty Law at SK Reform Bill. Tuluyan na ring dapat isulong ang ilan pa sa mga mahahalagang batas gaya ng FOI bill at Basic Bangsomoro Law.

landmarkbillsof16thcongress

7. Siguraduhin na malinis at maayos ang nalalapit na Eleksyon. Sa final leg ng administrasyon, sana’y dumami pa ang mga Pilipinong makikilahok sa pagboto ng mga karapat dapat na lider ng ating bansa. Kakabit nito ay ang mas maayos na proseso ng pagreregister at ang actual na pagboto sa 2016. Huwag hayaan na mamuno ang mga may pansariling intensyon lamang. Maging bukas ang isip at maging masuri sa lahat ng kakandidato.

Huling hirit na natin ito at marami pa tayong mababago upang sundan ang ‘daang matuwid’! Ilitaw ang diwa ng bayanihan at makiisa sa pagkilos tungo sa pagbabago!

ballotsecrecyfolder

Ano sa tingin ninyo ang kailangang bigyang pansin ng administrasyong Aquino sa mga huling oras nito? Sama-sama nating isulong ang pag-unlad ng Pilipinas! Share ninyo naman ang mga ideya ninyo sa team.bamaquino@senado.ph!

BIDA KA!: Ultimate Responsibility

Subalit mayroon pa rin akong agam-agam sa ilang bahagi ng report dahil pakiramdam ko ay labas na ito sa mga hearing na ginawa namin.

Tulad na lang ng mga naging konklusyon nito sa peace process, sa pagkilos ng peace panel ng pamahalaan at sa Bangsamoro Basic Law.

Sumulat tayo sa komite upang humingi ng paglilinaw sa mga isyu ng report, at kung kakailanganin pa, tayo ay magpapasa ng mga panukala kapag pinag-usapan muli ito sa plenaryo ng Senado.

***

Nakalagay sa ulat na si PNoy ang may “ultimate responsibility” sa nasabing madugong insidente at naniniwala tayo rito.

Ngunit hindi nababanggit sa ulat ng media na matagal nang inako ng Pangulo ang responsibilidad sa nangyari sa Mamasapano sa huli niyang talumpati noong nakaraang buwan.

‘Ika niya: “Ako ang Ama ng Bayan, at 44 sa aking mga anak ang nasawi. Hindi na sila maibabalik; nangyari ang trahedya sa ilalim ng aking panunungkulan; dadalhin ko po hanggang sa huling mga araw ko ang pangyayaring ito.

“Responsibilidad ko po sila, kasama ang buong puwersa ng SAF sa operasyong ito, pati na ang mga nagligtas sa kanila na nalagay rin sa panganib ang buhay.”

Palagay ko, ang mahalaga sa taumbayan ay inako na ng Pangulo ang responsibilidad sa pangyayari at dapat na tayong tumingin sa mas malaking hamon na naghihintay.

Ito ay ang tiyaking hindi na mauulit pa ang madugong insidente sa Mamasapano sa pagsusulong ng usapang pangkapayapaan.

Hindi rin natin dapat kalimutan na bigyan ng hustisya at suporta ang mga naiwan ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) na nagbuwis ng buhay sa pagganap ng kanilang tungkulin.

***

Pabor man tayo sa kapayapaan, aminado tayo na kailangang dumaan ang BBL sa masusing pag-aaral ng mga mambabatas bago ito tuluyang maisabatas.

Tungkulin natin na suriin, himayin at baguhin kung kinakailangan ang mga probisyong nakapaloob sa isang panukala bago ito aprubahan at kabilang dito ang BBL, lalo na ang mga sensitibong isyu ng BBL upang matiyak na ito’y alinsunod sa Saligang Batas.

Sa ganitong paraan, makakalikha tayo ng mas epektibo at mas matibay na batas na talagang magbibigay ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

***

Mahalagang mabigyan ang mga kapatid natin sa Mindanao ng tunay at pangmatagalang kapayapaan dahil ito ang magbubukas sa pinto ng kaunlaran para sa kanila.

Kapag mayroon nang kapayapaan sa Mindanao, maaakit na magtatag ng negosyo o ‘di kaya’y magbuhos ng puhunan ang mga negosyante sa rehiyon.

Sa pamamagitan nito, lalakas na ang takbo ng ekonomiya at mabibigyan na ng trabaho at iba pang kabuhayan ang ating mga kapatid sa Mindanao.

Walang magandang idudulot ang all-out war na isinusulong ng karamihan. Lahat tayo ay talo sa digmaan.

Usapang pangkapayapaan ang tamang daan. Ito ang magdadala sa atin ng totoong kapayapaan at kaunlaran. Sama-sama tayong kumilos upang ito’y maisakatuparan.

Ito ang ating ultimate responsibility.

 

First Published on Abante Online

BIDA KA!: Di na-pick up

Mahaba at mabunga ang na­ging usapan. Tumagal ng mahigit isang oras ang aming pag-uusap sa mahahalagang isyu na bumabalot sa ating mga kabataan.

Sa bandang dulo ng usapan, isang mag-aaral ng Ateneo de Davao ang nagbahagi ng kanyang pananaw at hinaing ukol sa Mamasapano tragedy at sa kapayapaan sa Mindanao.

Hindi napigilan ni Amara na mapaluha habang naglalahad ng kanyang emosyon ukol sa panawagang “all-out war” sa Mindanao na isinusulong ng maraming sektor kasunod ng nangyaring trahedya sa Mamasapano.

Ayon sa kanya, karamihan sa mga taga-Mindanao ay tutol sa all-out war. Marami rin sa kanila ay aktibo sa mga forum at iba’t ibang proyekto na nagsusulong ng kapayapaan sa rehiyon.

Subalit ang ikinasasama ng kanyang loob, hindi man lang nabigyan ng espasyo sa traditional media, gaya ng diyaryo, radyo at telebisyon, ang ginagawa nilang pagsisikap na maisulong ang kapayapaan.

Wala akong nasabi kay Amara kundi sumang-ayon sa kanya.

Noong umagang iyon, bumisita ako sa isang local radio station doon at ang tambad ng anchor sa akin ay kung bakit daw ako tahimik sa isyu ng Mamasapano.

Mga Bida, nabigla ako sa tanong dahil nang mangyari ang trahedya ay agad tayong naglabas ng mga pahayag na sumusuporta sa paghahanap ng katarungan para sa mga namatayan at ang pagpapatuloy ng pagsulong ng kapayapaan sa Mindanao.

Kaso, hindi nagiging mabenta ang ganitong posisyon sa media, kaya ‘di ito na-pick up.

Mukhang mas naging mabenta ang pagtawag ng “all-out war” noong mga nakaraang linggo.

Ngunit, nagtitiwala pa rin ako sa iba’t ibang sektor na huhupa rin ang galit ng taumbayan, manunumbalik ang tiwala sa isa’t isa at hihingi rin ng kapayapaan para sa lahat ng Pilipino.

***

Sa ngayon, dalawa ang hinahanap na posisyon mula sa mga mambabatas. Ito ay kung pabor o tutol sa Bangsamoro Basic Law.

Ang mas popular na pagsagot sa tanong ay simpleng “oo” o “hindi” lamang.

Ngunit, mga Bida, kahit na gusto kong sumagot nang ganoon, ang usapin ng BBL ay hindi ganoon kasimple.

Ang pagtalakay sa BBL ay hindi nangyayari sa mga paaralan na “finished or not finished, pass your paper” tulad ng gustong mangyari ng ilang sektor.

Tungkulin naming mga senador at kongresista na pag-aralan ang mga panukalang ipinapasa sa amin, gaya ng BBL.

Mahalagang mahimay ang bawat probisyon ng BBL upang ito’y maging epektibong batas na totoong makatutugon sa isyu ng kapayapaan at pag-unlad ng Mindanao.

Dapat ding silipin ang ilang mga sensitibong probisyon ng panukala upang malaman kung ito ba’y alinsunod sa ating Saligang Batas.

Kabilang na rito ang pagkakaroon ng Bangsamoro ng sari­ling grupo na mamamahala sa halalan at pag-alis sa saklaw ng Commission on Audit (COA), Office of the Ombudsman, Civil Service Commission (CSC), Commission on Human Rights (CHR), at ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang mga teritoryo.

Kamakailan lang, may ilang miyembro ng indigenous peoples organizations ang dumalaw sa ating tanggapan na humihinging matiyak na kasama ang kanilang karapatan sa mga lupaing masasakop ng Bangsamoro.

Mahalaga na maitulak natin ang mga pagbabago sa BBL na magpapatibay sa batas upang ito’y maging isa sa mga susi sa paghahatid ng kapayapaan sa Mindanao.

Inaanyayahan ko kayo na basahin ang mga panukala ng BBL at samahan kami na siguraduhing matutugunan ang panga­ngailangan ng ating mga Pilipino sa rehiyon at sa buong bansa!

 

First Published on Abante Online

At a crossroads

In the next few weeks, we can expect news reports to revolve around the debates on the amendments on the draft of the Bangsamoro Basic Law and how it has been affected by the tragedy in Mamasapano, Maguindanao.

With the spotlight on the conflict in Mindanao, we are confronted with countless questions and emotions associated with distrust and, ultimately, fear.

Last month, the Senate released its committee report following the investigation on the Mamasapano clash and I am one of the senators who signed the committee report with reservations.

Though I agree with majority of what was written, I disagree with some of the conclusions made regarding the actions of the peace panel, the peace process, and the proposed Bangsamoro Basic Law itself.

There were conclusions about the“excessive” optimism of the peace panel, and the report went as far as calling the Bangsamoro Basic Law a “casualty” of the Mamasapano clash. These statements went beyond the scope of the hearings.

While the peace panel was represented during the Senate investigation, they were not able to present the proposed Bangsamoro Basic Law in depth nor were they able to discuss the peace process in detail.

We wrote the committee asking for clarifications and, if necessary, we will propose amendments once the report reaches the plenary.

These next few months are crucial if we are to achieve justice for our fallen heroes. We must maintain our focus on three things: First, we must capture those that were involved in the summary killing of the SAF 44 and have them stand trial for their crimes.

Second, we must ascertain that the families of the Fallen 44 are cared for and that the donations and benefits awarded to them are properly turned over.

And third, we must work to the best of our abilities to have peace in Mindanao so that tragedies like this will no longer happen again.

Through the course of the Mamasapano hearings, a number of concerns have been raised regarding the proposed Bangsamoro Basic Law. Some of these are with regard to constitutionality and others with regard to resources to be allotted for the proposed Bangsamoro new political entity.

The most pressing concerns, though, are with regard to the MILF itself and their ability to be partners in the peace process.

The crossroads we now face are whether legislators will seek to address these concerns through changes in the Bangsamoro Basic Law or whether these concerns mean the junking of the bill and possibly, the peace process altogether.

Though it may not seem that way now, before Mamasapano, we were closer than we had ever been to ending the decades-long conflict in Mindanao. Can we find our way back amidst the anger, fear, and grief that befell us?

The answer to this pregnant question is not just a “Yes,” but a “We have to.”

To honor those that have fallen in Mamasapano, and the thousands more throughout the decades of armed conflict, we have to.

To protect families from being displaced and torn apart by armed conflict, we have to.

To ensure that Filipinos stop killing each other, we have to.

It is the job of the Senate to debate, deliberate, and refine the proposed Bangsamoro Basic Law and produce the best possible version that addresses the concerns in our peoples’ hearts and minds.

We must learn from the Mamasapano incident and let spring forth a stronger regime of peace instead of letting the tragic event be a catalyst for more violence, war, and terror.

It is “the better angels of our nature,” as Lincoln once said, that will help us decide what path to take.

 

First Published on Manila Bulletin

Bam on CJ Servillon, FOI, BBL Funding

On death of JRU player CJ Servillon

We send our condolences sa kanyang pamilya.

Pero ang laki ng diskusyon na lumabas. Sabi ng mga tao, kapag may mga tournament, handa ba tayo sa mga ganyang klase ng aksidente o ganyang klase ng insidente?

Dapat siguro, ang mga nag-to-tournament handang-handa, mga ambulansiya, first aid, lahat ng kailangang maitulong sa ating players, sana mayroon sila.

Actually, kahit iyong audience. Kahit sino na magkaroon ng kapansanan, kailangang handa na matulungan nila.

Si Senator Angara na head ng Committee on Sports sa Senado ay magsasagawa ng isang imbestigasyon. Nasabi niya na babantayan nila ang mangyayari dito. Tutulungan natin si senator kapag panahon na ng imbestigasyon.

We just want to make sure sa mga tournament, actually kahit sa mga liga. Noong bata kasi ako, sumasama ako sa mga liga-liga.

Dapat talaga ang mga ganyang klaseng tournament, handa talaga sa kahit anong masamang insidente na mangyayari, sa athletes, sa audience, sa coach o sa referee.

On the Filing of House FOI Committee Report

Iyong FOI sa Senado matagal nang naipasa. Pasado na po iyan sa amin last year pa. Wala pong kumontra sa amin sa Senado.

Sa Kongreso, hinihintay natin ang FOI version nila. Kapag sinabi pong napasa na iyong committee report, mahalagang-mahalaga po iyan, kasi ibig pong sabihin niya, iyong pinaka-basic, iyong committee level, nakalampas na po ito.

Ang susunod niyan sa plenary na.  At kung makapasa po iyan sa plenaryo, on its way na po iyan sa pagiging isang batas.

Alam ko po na isa iyan sa mga goals ni Speaker Belmonte na maipasa ang FOI bill before the end of P-Noy’s term, kung hindi po ako nagkakamali.

Magandang pangitain po iyan sa FOI bill. Palagay ko po, ilang buwan lang, maipasa na ang bill.

On Passage of BBL’s P37B Funding

Sa Senado, hindi pa po natin ito nailalabas sa committee. Kaya medyo mahaba-haba pa po ang proseso sa Senado.

Pero ito pong P37 billion na iyan, siyempre maraming magkukuwestiyon kung saan pupunta iyan.

Again ang sabi ko naman palagi, ang perang iyan, hindi naman iyan mapupunta sa armas.

Pupunta iyan sa imprastruktuka, pupunta iyan sa mga eskuwelahan, pupunta iyan sa support services. Iyon ho ang balak.

We just need to make sure na doon nga pupunta ang perang iyan.

Scroll to top