BBL

Bam’ s Statement on the 40th Day of the SAF 44

We join the country in remembering the heroism and courage of the Fallen 44 as we commemorate the 40th day of their untimely passing.

Let us not put the sacrifice of the Fallen 44 in vain by ensuring that justice will be served and putting perpetrators behind bars.

While we seek justice and accountability for the victims and their families, we must also work for lasting peace in Mindanao through the Bangsamoro Basic Law.

I call on everyone to join the dialogue as we try to improve the BBL and make it stronger and more effective in providing lasting peace in the region.

Now more than ever, this is the time for us to unite as one people and one nation as we work for healing and lasting peace.

Transcript of Sen. Bam’s Interview in Davao

On Street Children and Juvenile Justice

Q: Sir, salamat po sa panahon. Would you like to share to us, Sir, kung anong ginawa ng Senado, or in your personal capacity, ano ho ang mga nagawa natin para sa mga streetchildren sa bansa?

Sen. Bam: Actually, tuluy-tuloy po ang pagtalakay sa isyu ng streetchildren sa Senado. In fact, iyong last hearing po tungkol diyan, iyong nabalita na noong pagdating ni Pope na may mga nilipon na mga street children tsaka street families.

We had a hearing about that noong nakaraang buwan.

Sa totoo rin lang po, ang isyu po ng street children po natin, nandiyan po iyan sa Committee on children. Hindi po ako ang chairman niyan, tayo po ang chairman ng Committee on Youth.

Kami naman po, we also tackle iyong mga gangsterism, napag-uusapan natin na kung hindi maalagaan ang street children natin, baka umabot sila sa mga gangs.

Tingin ko naman po, at the end of the day, babalik at babalik pa rin po tayo sa economic reasons kung bakit po may street children.

Kung mayroon pong magandang trabaho o negosyo ang kanilang mga magulang, they’ll be less likely to be street children, magkakaroon po sila ng pagkakataon para makapag-eskuwela.

That’s really where they should be.  Kung saan po talaga dapat iyong mga kabataan natin. Hindi ho dapat talaga nasa kalsada. Dapat po nasa eskuwelahan.

Kung mayroon pong mga programa para makakuha ng trabaho ang kanilang mga magulang, magandang negosyo.
In fact, iyong 4Ps program natin, iyong DSWD program, tinatawag po iyang conditional cash transfer, iyong kondisyon po riyan, ang mga anak po ninyo wala dapat sa kalsada, dapat nasa eskuwelahan.

May mga programa naman po tayo, but I guess, pagdating sa implementasyon, kailangan talagang ma-fast track natin na mas maraming trabaho at negosyo iyong ating mga pamilyang Pilipino para less po ang pagkakaroon ng street children sa ating mga lungsod.

Q: Iyon pong mga revision sa juvenile justice law, lalong lalo na sa age, what do you say?

Sen. Bam: Ako, I’m not in favor of that. Alam ko naging mainit na usapin iyan dito. Ngayon po kasi nasa 15 years old iyong age of discernment.

May mga grupong nagbabalak na gawin iyong 12 years old. Pero parang mabigat naman po yata masyado na 12 years old pa lang, bibigyan mo na ng penalties ang isang bata na kaparehas ng penalties ng isang adult.

I think kailangan ho nating ma-implement nang maayos  iyong ating juvenile justice law.

Nakalagay po roon na dapat may mga sentro, mga rehabilitation center para sa mga kabataan natin. Masasabi naman natin na hindi pa gaanong ka-implemented iyon.

Iyong paghihiwalay sa mga bata sa matatanda kapag hinuhuli, hindi naman ito nai-implement sa ibang lugar. Kailangan pong ma-implement iyon nang maayos.

Anyway po, iyong 12 years old to 15 years old, puwedeng tingnan talaga ang krimen ang ginawa. Pero just to bring it down to 12, palagay ko kailangan munang ma-implement ang batas na iyon.

On BBL

Q: May I segue sa hottest na tanong ngayon. Ano ho ang peg ng mga senador natin sa Bangsamoro Basic Law vis a vis sa Board of Inquiry. Mayroon na po ba kayong kopya ng resolusyon?

Sen. Bam: Wala pa po. Tuluy-tuloy pa po ang mga imbestigasyon. Sa amin po sa Senado, natapos na po ang hearing. I think the committee report of the committee on public order, lalabas na po iyon in the next couple of weeks.

Marami pong nag-aabang ngayon doon. Doon sa committee report na iyon, talagang mapagdu-dugtong dugtong iyong mga kuwento at masasabi ho natin kung sino ba ang accountable at ano pa po ang kailangang next steps para makakuha tayo ng hustisya para sa ating kapulisan.

Pagdating naman po sa BBL, tuluy-tuloy naman po iyong pag-uusap tungkol diyan. I think iyong isang misconception ng maraming mga kapwa Pilipino po natin, na all or nothing itong batas na ito.

Kumbaga po, either 100 percent o zero percent. But the truth is, ang proseso po ng pagtalakay nito ay dadaan talaga sa tamang proseso.

So magkakaroon pa po iyan ng amendments, magkakaroon ng mga  pagbabago, papalakasin, lilinawin, ang ibang kataga at salita diyan.

Even the Senate President po natin, sinabi rin niya na kailangang maayos ang constitutionality issues.

Kung mayroong mga bagay-bagay na hindi tumutugma sa ating Constitution, kailangan talaga munang ayusin bago lumabas.

So, I predict ho na mahaba-haba pa po ang prosesong iyan. Kailangan talagang talakayin. In fact, bago pa po nangyari ang trahedya sa Mamasapano, marami na pong IP groups ang lumapit sa amin.

Alam ninyo, adopted po ako ten tribes ng Davao City. Kaya malapit na malapit po ang IPs sa akin. Sabi nila, Senator Bam, siguraduhin mo naman sa BBL, hindi mapeperhuwisyo ang ating indigenous people.

Marami naman po talagang mga pagdadaanan pa. Ang mahalaga po ngayon, kung ang taumbayan nga nakatutok po dito, huwag lang po sanang all or nothing.

Tingnan po muna natin kung ano sa mga probisyon ang dapat ituloy, dapat baguhin, dapat palakasin o di kaya’y dapat tanggalin.

I think that process, kung lahat po ng taumbayan nakatingin po, posible pong mas magandang batas ang ilalabas ng Senado at Kongreso.

Q: I hope the MILF also acknowledges the need na siyempre may mga amendments din naman.

Sen. Bam: I think, at the end of the day, kung dadaan ka sa proseso ng Senado at Kongreso, wala namang lumalabas diyan na as is. Kaya nga kami nandito, kung as is yan, nagka-Senado at Kongreso ka pa.

Kailangan talagang dumaan iyan sa proseso and ngayon nga pong mainit ang usapin, maganda pong mag-voice out ang mga kababayan po natin tungkol dito.

Iyong mommy ko po taga-Davao so iyong Mindanao bloc po ng mga senador, nandiyan po si Senator Pimentel na Cagayan de Oro, si Sen. Guingona ng Bukidnon and I consider myself as part of Davao.

Sabi ko, siyempre dapat taga-Mindanao din ang nagli-lead dito, sa usaping ito. Hindi naman maganda na ang BBL, na ang apektado ay taga-Mindanao, ay mga taga-Metro Manila iyong nag-uusap.

I think, the voice of Mindanao should really come out, hindi lang sa Muslim areas natin kundi sa buong Mindanao talaga. The voice should come out para mas maayos na batas ang BBL.

Q: Would you like to react on those who call for the President to say I’m sorry and even to the extent of resigning.

Sen. Bam: Unang una po, I think within a few days, sinabi naman po ni Presidente Aquino na he is responsible for everything. Sinabi na ho niya iyan. Ako ang responsable dito, ako ang commander in chief.

Baka nakalimutan lang ho nakalimutan lang ng mga taong nagtatawag na he takes accountability na nasabi na ho niya iyan. Sabi nga ho nila, action speaks louder than words.

Makikita naman po natin iyong dami ng oras na talagang binigay niya doon sa ating SAF, doon sa pamilya ng ating fallen policemen. Tingin ko naman po, the sincerity is there.

Doon naman po sa pagtawag ng pag-resign o ouster o coup d’etat, palagay ko naman po hindi iyan ang solusyon para makakuha ng hustisya sa ating kapulisan. Hindi po iyon ang solusyon para makakuha ng kapayapaan.

To be very frank rin, if we’re looking at our country, iyong takbo po ng ekonomiya, ito pong Davao City, booming na booming po talaga, napakaganda po ng takbo. Hindi po talaga makakabuti ang ganoong klaseng instability.

I think ang mahalaga po diyan, iyong ating institutions, kung mature na po tayo na demokrasya, kailagang ipakita na ang institusyon natin, may kakayahang magdulot ng hustisya para sa ating kapulisan.

They should be able to provide the justice, and at the end of the day, iyong iba’t ibang institusyon, nandiyan naman po ang Senado, Kongreso, BOI po ng PNP, tuluy-tuloy naman po iyong aming pagtatrabaho.

We will ensure that there is justice for the SAF 44 and at the same time, magkaroon po tayo ng lasting peace. Hindi po ang pag-resign ng presidente ang solusyon diyan.

On Duterte 2016

Q: You see Mayor Duterte in the horizon in 2016 perhaps. Anong tsansa na may isang Mindanaoan na sasali naman?

Sen. Bam: Alam ninyo, ako pangarap ko talaga na lahat ng tumatakbo para pagka-presidente, lahat ho magagaling. At iyong taumbayan, pipili na lang sila kung ano ang gusto nila.

Usually ho ang eleksyon sa Pilipinas, sino ba dito ang magnanakaw, sino iyong ang hindi magnanakaw.

It talks of mature democracy kung iyong mga tumatakbo iba iba talaga ang maibibigay nila sa ating bayan.

I think si Mayor po, pag andito naman ako sa Davao, lagi naman po kaming nagkikita rin. Iyong mommy ko po, naging teacher iyong nanay niya. Iyong lolo’t lola ko, naging teacher din niya.

If he throws his hat into the ring, I think it will be a welcome addition. At least iyong taumbayan po natin, magkakaroon ng options, magkakaroon ng pagpipilian na magagaling.

Of course, sasabihin ko lang po na kasama po ako sa partido but kung tatakbo po siya, it would be very welcome sa ating bansa.

Q: Any parting word po para sa mga taga-Davao, who’s watching the Senate in action?

Sen. Bam: Kadalasan po, kung babasahin po natin iyong diyaryo, feeling ho natin na ang trabaho ng Senado, puro lang imbestigasyon.

But actually marami naman po kaming tinatalakay. Last year, napasa po natin ang Go Negosyo Act, iyong isang batas na tutulong sa ating maliliit na entrepreneur.

Sabi nga natin kanina, iyong mga street children, kung may mga trabaho at negosyo ang kanilang pamilya, walang street children tayo. So may focus pa rin po tayo pagdating sa economic benefits ng ating bayan.

Napasa rin po naming ang Philippine Lemon Law, ang batas na nagpoprotekta sa mga bumibili ng kotse.

This year, may mga napasa na rin tayo on third reading. Hinihintay na lang po natin ang Congress version.

Iyong Youth Entrepreneurship Bill na magbibigay ng tulong sa mga kabataan na makapag-negosyo, malapit na pong maging batas, pagdasal po natin.

Iyong Competition Bill, iyon ho, anti-monopoly, anti-trust bill. Seventy years in the making na po iyan, napasa po natin iyan sa Senado.

Iyong batas po na magbubukas ng ports natin sa foreign ships, napasa po namin iyan sa Senado.

If that becomes law at magkaroon po ng Congress version, iyong ating Davao port dito, puwede nang puntahan ng foreign ships. Mas magmumura ang ating importing at exporting. Posible pong magmura ang presyo ng ating mga bilihin.

These are important laws, aside from the investigations, lahat po iyan ginagawa po naming para sa taumbayan.

Q: One follow up sir, SK reform?

Sen. Bam: Yes, napasa rin po natin iyan. Alam ninyo po, dahil nga po sa trahedya sa Mamasapano, hindi na po napag-uusapan ang ginagawa ng Senate.

We passed on third reading napasa na po sa Senado, hinihintay na lang po naming ang Congress version.

Iyong SK Reform Bill, tinataas po iyong edad from 15 to 17 to 18 to 24. Naglagay po kami ng anti-dynasty provision sa SK, hindi na po puwede na anak ng barangay captain or anak ng councilor o mayor.

Mandatory training tsaka ang tinatawag nating Local Youth Development Council na tutulong sa SK para magawa ang kanyang trabaho.  Iyon po, composed ng youth leaders mula sa eskuwelahan, simbahan at iba’t ibang community organizations.

Kung maging batas po ito, next time  na magkaroon tayo ng SK, which is 2016, mas magiging epektibo po sila at mas mapoprotektahan sila sa traditional politics.

Transcript: Excerpts from Sen. Bam’s interview with PRIB media

Q: Iyon pong sinasabing nag-o-organize sila ngayon ng People Power?

Sen. Bam:  Of course, karapatan ng bawat Pilipino iyan. Iyan naman ang ipinaglaban natin noong 1986 na magkaroon ng demokrasya ang taumbayan. Lahat naman tayo libre na sabihin ang nasa loob ng ating puso.

In fact, most Filipinos do that now online. So kung iyan talaga ang pakay na magkaroon ng isang rally para i-voice out ang kanilang nasa saloobin, and that’s their right.

At the end of the day, we’re hoping na hindi na tayo magka-coup kasi ang isang coup, that would set us back by so many years. Ang arangkada ngayon  ng ating ekonomiya, sayang naman kung magkaka-kudeta tayo. Mas makakagulo pa.

I think right now, and ito rin iyong nasa isip ko habang nag-hi-hearing kami sa Senado, hanapin natin ang hustisya para sa ating kapatid na kapulisan. Let’s look for justice. Ilabas ang katotohanan, siguraduhin natin ang mga pamilya nila na naaalagaan and of course, iyong mga perpetrators and combatants, hulihin.

At the end of the day, iyon pa rin iyong nasabi ni Gen. Espina, iyong ang nasabi ni Gen. Napenas, na hinahanap nilang hustisya para sa namatay na kapulisan. I think, in the Senate, we’re doing our best to be able to achieve those objectives.

Q: Kailangan pa ba ng dagdag na hearing?

Sen. Bam: That’s up to the chairperson. But I think yung hearings nakakatulong sa taumbayan. Noong unang lumabas ang isyung ito, marami talagang misinformation na lumalabas. Marami ring na-publish at marami ring napag-usapan sa media na after the hearings nalaman nating hindi totoo.

I think the hearings are very helpful in terms of bringing out the truth. Saka ang taumbayan natin nakikita nila kung ano talaga ang nangyari.

Makikita mo naman sa hearing, unfiltered iyan. Kung ano ang nasa isip at nasa puso ng resource speakers, whether from the AFP, from the PNP at mula sa iba’t ibang sangay ng gobyerno, malaya naman silang magsalita at ilabas ang kanilang iniisip.

Q: Sir ano sa tingin niyo ang mga questions na left unanswered?

Sen. Bam: We are undergoing our executive sessions right now. We’re hoping that after the executive session, all of these questions will be answered. We did agree na maglalabas ng statement ang chairperson after all executive sessions are finished at hindi pa tapos.

Q: Bakit ipinatigil sa House ang hearing? Was it intended to save the President from further embarrassment?

 Sen. Bam: To be honest, wala akong impormasyon regarding why the House finished that. That’s their business. Dito naman sa atin, wala pa naman kaming pinag-uusapan na tatapusin basta basta. In fact, we’re in the middle of our hearings right now. Kaya lang at this point, executive session tayo.

Q: Without discussing the specifics of the executive sessions, bakit umabot ng apat na oras si Napenas?

 Sen. Bam: Of course, may mga tanong at marami rin kaming nagtatanong. So I’ll leave it at that.

Q: Even after three hearings, ganun pa rin karami ang tanong?

 Sen. Bam: I don’t really want to discuss kung ano ang nasa loob ng executive session but let’s leave it at that. Maraming tanong, maraming nagtanong. Unlike in the open hearing, doon naman malaya kaming magtanong at magkaroon ng follow-up questions din.

Q: May mga sagot ba sa executive session na puwedeng ibulgar sa public?

 Sen. Bam: Wala pa pero after we finished, pagkatapos ng pangatlong executive session natin today. Kung tapos na talaga ang executive session, the committee will come out with a report kung ano ang mga puwedeng ilabas sa publiko.

Q: After Napenas kahapon sir, all questions nasagot na niya?

 Sen. Bam: All questions para sa kanya.

Q: Kung di puwedeng i-discuss sa iba, kayo-kayo lang nakakaalam na mga senators?

 Sen. Bam: Don’t forget na iyong pinaka-output nito is committee report na magbibigay ng recommendations. At iyong recommendations will go the appropriate agencies, whether ito iyong investigating body o sa korte.

Q: Kailangan na bang magsalita si P-Noy sa kanyang role sa Mamasapano?

 Sen. Bam: Ang pinagtatakhan ko nga, noong last public address niya, inako na niya ang responsibilidad. Sinabi na niya I’m responsible for this, I’m the commander in chief at nasabi na rin niya na iyong output nito, which of course, ang pagkamatay ng mga kasama sa kapulisan, dadalhin na niya iyan hanggang sa mamatay siya.

Everytime na may nagsasabi na hindi niya inaako ang responsibilidad, nagtataka ako dahil doon sa statement niya, inako niya iyong responsibilidad. I’m not sure what else he needs to say. He said it’s his responsibility. He owned up to it already.

Responsibility, accountability. Hindi ko alam kung ano pa ang hinahanap ng mga bumabatikos sa kanya. Inako na niya iyon. Now with regard to legalities or liabilities, that what agencies are for. Kung ano iyong iniimbestigahan nila. But with regard to taking accountability and responsibility, palagay ko he already admitted that. Nasabi na niya iyon sa kanyang public address and that was just few days ago.

Q: Kung kayo, kailangan pa ba ng isang hearing?

 Sen. Bam: I think ang taumbayan natin, may mga impormasyon na kailangan silang marinig mula sa resource speakers, at hindi mula sa amin. Palagay ko, magkakaroon pa kami ng isa pang public hearing but it’s really up to the chairman to decide.

Q: Sir iyong sa BBL, ano po ang gusto niyong amyendahan?

 Sen. Bam: Even before the Mamasapano incident, marami sa aming mga senador, gustong maglagay ng amendments para mas mapaganda iyong batas o mas maging mayaman iyong batas natin.

For example, may mga indigenous peoples group na lumapit sa atin noon, hindi lang sa akin kundi sa marami pang senador, na nagre-request na maglagay ng probisyon safeguarding the rights of indigeous peoples in the Bangsamoro autonomous areas. Balak ko talagang ipasok iyon.

Hopefully, dito sa nangyari sa Mamasapano, I would expect na pag natuloy na ang BBL hearings natin, I’m sure marami sa mga kasama ko, magsa-suggest ng ways to improve or ways to safeguard the Bangsamoro Basic Law in the future.

Q: Iyong executive session, may mga naging part na posibleng makaimpluwensiya sa madali o mas matagal ng suliraning ito?

 Sen. Bam: Hindi lang sa executive session kundi sa buong nangyari. Itong nangyari, kailangang maresolba muna, ano ang nangyari talaga, ano ang katotohanan, sino iyong mga kailangang managot sa nangyaring ito and they have to be brought to justice.

Mahirap i-tackle iyong BBL kung iyong mga bagay na iyan, left hanging pa rin. Hindi pa rin naso-solve.

Because of what happened sa Mamasapano, malaki talaga ang epekto niyan sa BBL. I’m hoping iyong concerns ng taumbayan, iyong concerns ng maraming cause-oriented groups, masagot talaga.

We still need to push for peace pero kung kinakailangang baguhin, i-amend o tingnan ulit ang BBL, kailangan siguro talagang gawing iyon.

Matagal ko na ring panawagan iyon. Iyong mga taong pumatay, iyong mga taong gumawa ng heinous act, gumawa ng summary execution, kailangang madala sila sa hustisya, kailangang dumaan sa tamang proseso.

From there, we go to the BBL na meron na tayong mga puwedeng i-enhance sa BBL o mayroon tayong puwedeng baguhin doon na mas magiging malakas pa iyong batas na iyan at mase-safeguard pa ang pangamba ng maraming tao tungkol diyan.

Q: What happened to the Truth Commission?

 Sen. Bam: The House did not go for it. So di siya matutuloy. At the end of the day, I think we’re able to bring out the truth in our Senate hearings.

It should have been a law. Batas kasi ang bubuo noon. Ang counterparts namin sa Kongreso, hindi na ito itutuloy. They basically said, idaan na lang sa hearing.

The Speaker had suggested just a joint committee hearing instead. But then, hindi rin natuloy iyon, naging separate congressional hearings na lang.

At least, iyong assessment ko, iyong Senate hearings naman natin, nakakapaglabas naman ng katotohan. I’m personally satisfied with the openness of the hearings. Iyong mga tanong diretsahan. Iyong mga sumasagot, nakakasagot naman.

Q: May lumalabas na isyu na tumulong ang US sa planning, strategy and extrication ng sundalo. Hindi ba kailangang i-subject sa investigation ng Senate iyon?

 Sen. Bam: Noong tinanong iyan kay Gen. Napenas, he requested na pag-usapan nila iyan sa executive session. By later today, the committee may have some statement.

Q: Nire-require pa po ba ang MILF leadership sa executive session?

 Sen. Bam: That’s really up to the committee to invite them or not. Ang alam kong naka-schedule today are two other generals.

Q: Ano ang masasabi niyo sa mga pulis na pumasok sa mga pulis na pumasok para hulihin si Marwan?

 Sen. Bam: Matapang talaga sila and they accomplished their mission. I think, iyon ang isang bagay ang nakakalimutan ng maraming tao. Namatay sila doing their service, namatay sila making this world a better place. Nakakalimutan ng maraming tao.

Alam ko other senators felt failure ang nangyari but ako pero personally I commend them. In fact I have a resolution commending hindi lang ang namatay kundi pati na rin iyong mga nabuhay.

Kasi they accomplished their mission. Talagang they risked their lives for the country.

Alam niyo si Marwan, siya ang responsible sa Bali bombings. He is also responsible for hundreds of deaths dito mismo sa Pilipinas. They accomplished their mission. They did a good job.

As we know, iyong nangyari very unfortunate, talagang tragic. May mga namatay at iyong mga taong responsable diyan on both sides kailangang managot.

Q: Isa-suggest niyo ba sa komite na mag-ocular sa pinangyarihan?

 Sen. Bam: Hindi pa po napapag-usapan ang suggestion na iyan. Right now, wala pa namang nagsa-suggest but if the chairperson feels na ang susunod doon, I will go with them. Pero sa ngayon hindi pa napag-uusapan iyan.

Q: At this point, may nakikita kayong grounds o grievances para i-demand ang ouster ng Pangulo?

 Sen. Bam: No. I mean, think about it. Ouster, napakabigat noon. Ouster, that’s an extra-constitutional act. Napakabigat niyan. Kailangan tayong magtiwala na may proseso naman tayong puwedeng mag-resolve ng issues na ito.

I understand, emotions are very high pero at the end of the day, ang hinahanap pa rin natin ay iyong magiging maganda sa ating bansa. I think an ouster, which means a coup, will bring us back so many years.

Siyempre iyong democracy tayo, kung ano ang gustong sabihin ng isang tao, nasa kanya iyon. I may not agree with you pero ipaglalaban ko ang karapatan mo na sabihin ang nasa loob mo. That’s the democracy that we fought for.

Q: So di made-destabilize ang administration?

 Sen. Bam: For destab kasi, kailangan mo ng kapulisan, kailangan mo ng army, kailangan mo ng mass-based support. I’m hoping we can resolve all of our issues through the proper government processes and through proper judicial processes, hindi na kailangan ng extra-constitutional means.

Senate Bill No. 2408: Bangsamoro Basic Law

Providing for the basic law for the Bangsamoro and abolishing the Autonomous Region in Muslim Mindanao, repealing for the purpose Republic Act No. 9054, entitled “An Act to Strengthen and Expand the Organic Act for the Autonomous Region in Muslim Mindanao,” and Republic Act No. 6734, entitled “An Act Providing for an Organic Act for the Autonomous Region in Muslim Mindanao,” and for other purposes.

 

 PDFicon DOWNLOAD SBN 2408

Senate Bill No. 2603: Mamasapano Truth Commission

On January 25, 2015, while on a mission to serve arrest warrants to two suspected terrorists – Malaysian Jemaah Islamiyah leader, Zulkifli bin tilr also known as “Marwan” and Filipino bomb maker, Abdulbasit Usman, forty-four (44) members of the Philippine National Police Special Action Force (PNP SAF) died, With twelve (12) getting injured in Mamasapano, Maguindanao, during an armed conflicct with other armed elements, which allegedly included the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) and the Moro Islamic Liberation Front (MILF).”

The facts and Circumstances remain unclear as to how this unfortunate event occurred.

This bill creates a fact-finding commission, to be called the “Mamasapano Truth Commission,” that will have plenary powers to investigate and report upon this tragedy. This tragedy has far-reaching consequences and implications, which strike at the very heart of the Nation, and may impede the ongoing peace process between the National Government and the MILF. An Independent and Impartial Commission is therefore necessary to enable us to get to the bottom of this tragedy.

Forty-four of our bravest elite police force perished in the grisly encounter, and twelve (12) remain suffering because of their injuries. The creation of this Commission shall be our humble way of honoring our fallen heroes, who served the country with excellence, valor and patriotism. We should not allow their deaths or injuries be in vain.

In view of the foregoing, early passage of this measure is urgently sought.

 

PDFicon  DOWNLOAD SBN 1032

 

 

Sen. Bam Aquino’s Answers during the Press Conference on the Truth Commission Launch

Q: Ano ang magiging scope ng iimbestigahan ng Truth Commission?

 

Bam: I think ngayon kasi ang daming misinformation na umiikot. Marami tayong nakukuhang mga text, mga post sa social media, contradictory, magkakaiba-iba and sometimes downright talagang misinformation.

Ang pinakamahalaga rito sa Truth Commission ay mailabas niya kung ano ba talaga iyong nangyari. What really happened, what really transpired and at the end, also go towards accountabilities. Kung ano ba ang accountabilities ng bawat grupo.

Right now, kung titingnan mo talaga iyong mga information na lumalabas, halu-halo tsaka magkaka-iba-iba.

The purpose of this is to really ferret out the truth and eventually deemed towards accountability. Makuha talaga ang hustisya na hinahanap ng taumbayan.

On the other hand, kung ano talaga ang nangyari doon sa operational matters of this Oplan Wolverine, so to speak, maganda talagang makita natin. We really need to find out the minutest detail what really happened and whose really accountable.

 

Q: With several bodies investigating, there might be confusion in the process and how would you deal with irreconcilable statements?

 

Bam: Unang-una, I’m of the mindset that these parallel bodies that will investigate, they really need to happen because iba’t ibang perspective iyan.

The PNP Board of Inquiry will of course report based on their perspective as policeman. The Senate will conduct its own inquiry and the House, at some point, will also conduct its own inquiry.

In fact, what we produce can be consolidated, can be verified, puwedeng ibangga sa output ng Truth Commission. Hindi naman ibig sabihin na isang Truth Commission, isa lang dapat ang nag-iimbestiga.

Different groups can investigate. Even the media is already investigating. I mean, it’s not a government body pero patuloy rin ang pag-iimbestiga ng media.

Mahalaga na lumalabas lahat ng mga perspektibong ito. Mahalaga na makita natin ang iba’t ibang signs but again this Truth Commission, if legislated, will be the body that is supposed out with finality doon sa fact-finding aspect of what happened.

I can probably imagine that the output of all these bodies will also be entered into the Truth Commission’s work. Kapag naglabas na sila ng fact-finding output o ng kanilang report, ganoon po ang lalamanin ng lahat ng government bodies na nagsagawa rin ng kanilang imbestigasyon.

 

Q: How critical is the result of this Truth Commission to the passage of the Bangsamoro Basic Law?

 

A: I think it’s quite critical. Mahalaga po talaga. I think all of us here are supportive of the Bangsamoro Basic Law.

Wala naman ho sa amin dito ang nag-withdraw ng aming suporta.

Pero ang hinahanap ng taumbayan ngayon hustisya. We need to find justice and the truth with regard to this issue upang pagbalik ng ating talks natin sa BBL, mas mapapalakas pa natin iyong BBL. Mas mapapalakas pa natin iyong kagustuhang magkaroon ng kapayapaan.

I predict that the BBL will probably have to be modified, or changed or amended based on what had happened.

Hindi naman puwede namang mawala na lang ito. I think iyong hangarin na magkaroon ng kapayapaan, hindi rin puwedeng mawala.

Definitely, there will be repercussions and changes in the BBL because of what happened not just because of the report of the Truth Commission.

Palagay ko, mahalaga na i-state natin na ang kapayapaan sa Mindanao, mahalaga po iyan, kailangan pong ipagpatuloy iyan. Kailangang ipagpalaban iyan but not at the expense of anything else.

Hanapin po natin ang hustisya dito sa isyung ito. Iyon naman ang hinahanap ng mga pamilya ng mga namatay na SAF 44.

Iyan din ang hinahanap ng taumbayan. Hanapin natin ang katotohanan.

Let’s hold accountable those who need to be held accountable so that if we resume the talks sa BBL or when we continue the push for peace, mas magiging malakas pa ang pagtulak natin sa kapayapaan.

 

Q: In the meantime, the passage of the BBL will be delayed?

 

A: Na-suspend po ang hearing sa BBL pero marami pong isyu na dapat talakayin doon. Senator Miriam is tackling constitutionality. Sa amin pong opisina, maraming pong naghikayat ng concerns ng indigenous people at kabataan.

A lot of these meetings and hearings can probably continue but the final output natin, talagang maaapektuhan po iyan nitong ating mga pinag-uusapan. Kasi hindi naman po siyan basta-basta ipapasa.

Marami pa pong kailangang gawing pag-aaral, hearings na tuluy-tuloy naman po ang pagsasagawa niyan.

I would suggest that we settle the issue on the SAF 44, iyong justice for SAF 44 as soon as possible so we can really get back to the BBL as soon as possible also.

 

 

Transcript of Sen. Bam Aquino’s Interview on the Internet, SK and BBL

On the Slow and Expensive Internet

 

Q: Sir how likely iyong pino-propose na one-stop shop?

A: Iyan ang commitment ng NTC na mag-one-stop shop sila dahil lumabas sa ating hearing na ang isang telco ay mangangailangan ng sixteen steps, maybe six to seven national government agencies, pati iyong local government permits napakatagal it takes about six months to get any permit para makapagtayo ng tower (cell site) o ng infrastructure.

Alam natin na kapag dumadami ang infrastructure natin, mas bibilis iyong Internet connection natin.

Tinalakay natin sa hearing ngayon kung paano pabilisin ang proseso, push for ease of doing business at magkaroon ng very real solution to increasing our Internet speed.

On the side of DILG, nag-commit sila na kausapin iyong mga liga, cities, municipalities at provinces para maging standard ang mga fees na sinisingil at mga proseso para makakuha ng permit ang ating mga telcos.

Ang NTC naman, nag-commit sila na simulan iyong proseso ng pagbuo ng isang one-stop shop para lahat ng ahensiyang kinakailangan para magtayo ng towers, sa kanila na lang pupunta at kukunin ang permits na iyon.

Lumalabas na DENR, DOE, DPWH, DOH, all of these agencies ay kailangang puntahan para makapagtayo ng isang Internet facility.

We’re hoping na mapabilis ang proseso and this can be one of the solutions para mapabilis ang Internet speed sa Pilipinas.

Q: Ibig sabihin, magmumura rin ang rate ng Internet?

A: Not necessarily. This hearing was not on the rates.

This was on pagtulak ng infrastructure para magkaroon ng maraming towers at mga facilities para bumilis ang ating internet speed.

Q: May agreement na ba sa minimum speed?

A: That was the subject of our NTC hearing noong November.

The second hearing will be in February kaya hinihikayat natin ang mga kababayan natin to follow live on Twitter.  Nila-live tweet natin ang NTC hearings.

Iyong second hearing nila will be on Feb. 16 at iyong paglabas ng kanilang memo circular will be in March.

Ang maganda po riyan, naging bukas ang NTC na tanggapin ang suggestions ng civil society partners at iba pang netizens upang magkaroon ng totoo at tamang batayan sa Internet speed.

Ang naging contention po ngayon, wala pong opisyal na batayan sa ating Internet speed.

Kapag lumabas po iyon, puwede nang ibangga iyong opisyal na speed na iyon sa nakalagay sa advertisements natin kung naaabot ba ang naka-advertise na bilis sa nakukuha ng consumer.

Q: Ano ba dapat ang bilis?

A: Dapat nakukuha mo ang binabayaran mo. In short, kung five dapat five. Pag sinabing ten dapat 10. Kapag sinabing one, one lang diyan dahil ang assumption ay mura ang binabayaran mo.

Iyong mahalaga, and this is why it becomes a consumer issue kaya sa committee on trade, na iyong binabayaran ng ating mga kababayan ay nakukuha ang katumbas.

Hindi puwedeng mataas ang binabayaran tapos ang nakukuha ay substandard.

 

On the Sangguniang Kabataan Reforms

 

Q: Iyon pong sa SK, may hearing sa Congress mamaya. Kailan po ang naka-schedule na pagdedeliberate dito?

A: Ongoing na po iyan. Iyong SK reform bill nakahain na po iyan sa plenaryo and we’re hoping by March, maipasa na natin ang SK reform bill.

Ang panawagan namin sa Kongreso, at natutuwa naman kaming pumayag sila, ay sabay ang pagpasa at postponement ng SK reform bill.

Kung ipo-postpone lang po natin iyan na walang kasiguruhan kung kailan ang next election at walang nabago sa sistema, hindi po maganda iyan.

Ang main na panawagan namin sa Kongreso, this quarter we pass both the postponement and the SK reform bill, para pagbalik ng SK come 2016 kasabay ng barangay election, nakareporma na ito at bago na ang patakaran niya.

Specifically, gusto naming itaas iyong age ng SK officials mula 15 to 17 na aminado tayong lahat na masyadong bata to 18 to 24.

Magkaroon ng isang anti-dynasty provision na bawal maging SK chairman at mga kagawad ang mga anak ng barangay captain at barangay kagawad. I think malaking reporma ito.

Pangatlo, iyong mandatory training na kailangang dumaan sa tamang training ang lahat ng uupo sa SK para alam talaga nila ang patakaran ng good governance at patakaran ng pag-handle ng budget.

Pang-apat, ang pagsama ng iba pang youth organizations sa municipal council o iyong tinatawag nating local youth development council. Nakita natin na maraming kabataan na nagpa-participate pero hindi bilang SK, pero bilang council leader, bilang volunteer sa NGO o bilang volunteer sa kanilang simbahan.

Iyong structure na iyon ay dapat sumuporta din doon sa SK na bumubuo iyong local youth council na bubuuin ng iba’t ibang youth leaders at volunteers.

Ito ang apat na main reforms natin sa SK na gustong itulak para pagbalik po ng SK natin, hopefully, isa na itong body that we can really be proud of at talagang maaabot ang hangaring makatulong sa kabataan.

On the Basic Bangsomoro Law

 

Q: With recent developments, are you withdrawing support behind BBL? 

A: I think we should still pursue the BBL, in light of all the things that happened. Tatalakayin, kung hindi ako nagkakamali, sa susunod na linggo ang nangyari sa Maguindanao. I think all of us are interested to know kung bakit nangyari iyon, ano ang mga dahilan kung bakit tayo umabot doon.

Coming from that hearing, I’m sure na magkakaroon ng revision or amendments sa BBL. Remember we are still in the process of deliberation.

Iyong porma ng BBL, magbabago pa iyan. I think it’s premature to just say wag na lang.

Kung kailangang amyendahan iyan o baguhin iyan because of what happened, then gawin natin iyon. That’s the process of legislation.

Ang mahirap lang kasi ay papakawalan na natin agad. Hindi siya either or. Hindi ibig sabihin na papakawalan natin ito dahil nangyari ito or the other way around.

Mahalagang imbestigahan natin. We find out what really happened. Managot ang dapat managot.

Ask the difficult questions. At the same time, tingnan natin iyong kalalabasan noon doon sa BBL process natin.

I’m just hoping na huwag tayong magkaroon ng gut reaction na pakawalan agad natin dahil because of what happened. At the same time, alamin natin kung ano ba ang nangyari talaga and of course, iyong mga dapat managot, talagang managot sila.

People died. Ang daming namatay na kapulisan natin. Hindi puwedeng mawala na lang iyon. That has to be investigated, and if there charges that have to be filed, they have to be filed.

 

 

 

Q: How should we address ang demoralization among members ng SAF?

A: That’s why we will have that hearing next week. Hindi katanggap-tanggap na in the midst of peace process na nangyari ang isang bagay na iyon.

We need to find what really happened. At kung may mga taong dapat managot dahil diyan, dapat managot talaga sila.

Q: There were reports that the suspended PNP was behind the operation?

A: I don’t know the inside story kaya tayo mag-iimbestiga para malaman talaga natin.

Q: Sa rules, puwede pa ba siyang mag-command kahit suspended siya?

A: I don’t know the specific rules ng PNP, but ako like all of you, I’m very interested to join the hearing and participate so we can get to the bottom of this.

Q: You’re among those who signed BBL – 

A: Yes. I’m not withdrawing. As I said we should continue the process. Hindi ibig sabihin na ipagpapatuloy ang proseso na we will sweep this under the rug.

We have to contend with what happened in Maguindanao. Napakaraming pamilya ang nawalan ng breadwinners, mga ama.

That has to be settled and we have to find out what really happened. And that can be done through the investigations here.

I predict na because of that, there will be amendments or changes na mangyayari sa BBL. I just think that it’s a gut reaction to let go of the peace process right after this tragedy had happened.

Magandang pag-usapan na muna kung anong nangyari, imbestigahan, charged those who need to be charged. Get to the bottom of things and then see paano mababago ang BBL because of that.

Palagay ko, ang hangarin natin na magkaroon ng kapayapaan, hindi dapat maantala dahil sa nangyaring trahedya.

Q: Ano ang tingin niyo na possible impact if lawmakers decide not to pass the BBL?

A: Iyong goals ng BBL na magkaroon ng peace and development sa Mindanao, hindi matutuloy. This is a landmark legislation, a landmark move of our country.

It has the potential to change the way our country is. I’m hoping na we find out what really, charged those who need to be charged, matulungan natin iyong pamilya ng mga namatayan.

At the same time, see if the BBL needs to be changed or modified because of that and we move from there. Pero sana iyong hangarin na magkaroon ng kapayapaan dahil sa batas, hindi mawala at hindi tayo mawalan ng momentum doon  sa pagtulak nito.

At the same time rin, hindi rin natin dapat madaliin. We cannot also rush an important legislation.

I predict that we will go through the investigations, magkakaroon ng mga amendments pero iyong hangarin natin, dapat ituloy pa rin natin.

Q: Matutuloy po ba ang timeframe niya?

 

A: I doubt that it will be passed by March.

Again, the committees are still hearing it. Hindi ganoon kabilis ang pangyayari, especially sa ganito katindi at kahalagang lehislasyon.

So I’m still hoping we can get it passed this year. Pero sana huwag nating pakawalan o huwag tayong bumitiw ng basta-basta.

Bam: BBL Should Be Pro-Poor, Pro-Business

Senator Bam Aquino calls on fellow lawmakers to focus on the provisions that will spur jobs and livelihood of the Bangsamoro Basic Law (BBL) to ensure that the growth it expected to bring to the region will be inclusive to all Mindanaoans.

“The BBL’s economic provisions must be thoroughly scrutinized to make sure that all Mindanaoans will truly benefit from the growth that they’ve been waiting for a long time,” said Sen. Bam, chairman of the Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship.

If enacted into law, the BBL is expected to usher in lasting peace in Mindanao with the creation of a Bangsamoro entity, led by officials of the Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Aside from peace and order, Sen. Bam believes that the BBL will boost economic activity in the region, resulting in more jobs and livelihood for the poor people in the region.

“With the anticipated development in the region’s peace and order, local and foreign investors will see Mindanao as the next best business destination due to its untapped potential, hardowrking and innovative citizenry and vast natural resources,” Sen. Bam said.

Sen. Bam said the influx of investors will lead to fresh jobs and livelihoods in the region, giving Mindanaoans a chance to provide for the needs of their families and get out of poverty.

“The opportunity for every Filipino to earn for themselves and for their families must be realized through the BBL,” Sen. Bam emphasized.

In addition, Sen. Bam said the BBL will hasten agricultural development and modernization and address the looming power supply problem in the region.

Senate President Franklin Drilon earlier announced that it will prioritize the passage of the BBL, on top of other economic-related bills.

Scroll to top