Sen. Bam Aquino’s Sponsorship Speech for Philippine Space Agency
Magandang hapon, Mr. President, majority floor leader at mga kasama sa Senado.
I address you today to sponsor Senate Bill No. 1983 under Committee Report No. 434 entitled An Act Establishing The Philippine Space Development And Utilization Policy And Creating The Philippine Space Agency, And For Other Purposes, otherwise known as the Philippine Space Agency Act.
Have you ever looked out of the window of an airplane during take off?
Habang pataas ng pataas ang eroplano, paliit ng paliit ang mga building, mga bahay, at mga tao.
Habang palayo po kayo ng palayo sa lupa, para bang naiiwan mo na din ang problema ng bayan.
I was reminded of that feeling while reading responses to one of our online polls that asked if our country should invest in a Philippine Space Agency.
Madami po ang nagsabi na kailangan po muna natin ayusin ang ating mga problema sa lupa, bago tayo tumingin sa outer space.
Naiintindihan po natin sila. Marami nga tayong problema na kailangan ayusin ngayon.
Tuwing may bagyo, may matinding pagbaha. Araw-araw, walang katapusan ang trapik. Pataas ng pataas ang presyo ng bilihin at parang hindi po natin matuldukan ang kahirapan sa ating bansa… Bakit tayo gagawa ng isang Space Agency?
Pero natuwa ako sa sagot ng isang Mikael Francisco. Sinagot po niya ito sa ating social media platform. Sabi po niya, “Malaki ang maitutulong ng Space Program sa agrikultura, sa pag-ayos ng traffic, pagpo-forecast ng bagyo, at marami pang iba.”
Doon po sa kanyang sagot, nag-link pa siya sa isang article sa GMA Network na may pamagat: “Why the Philippines Needs a Space Agency”.
Natuwa po akong makakita ng Pilipinong nangangarap ng malaki para sa ating bayan. Natuwa ako na hindi pa nawawalan ng pag-asa ang iilan nating kababayan sa paghahanap ng solusyon sa mga problema ng ating bansa.
Hindi man masosolusyunan ng isang Space Agency ang lahat ng isyu ng Pilipinas, malaki pa rin po ang maiaambag nito sa buhay ng mga Pilipino.
For one, satellites can help improve disaster management – from providing accurate information that allow early warnings and predicting of disasters to reliable and quick communication during relief and recovery operations.
Para sa bansang lagi na lang natatamaan ng mga bagyo at pagbaha, malaking tulong po ang Philippine Space Agency para siguraduhing ligtas ang bawat pamilyang Pilipino.
Space technology also enhances production and profitability of agribusinesses thanks to soil and weather monitoring and assessment.
Ang nakukuha pong data ng isang Space Agency ay makatutulong sa mga magsasaka na planuhin ang timing ng kanilang pagsaka at irigasyon nito para dumami ang kanilang ani.
Para naman sa mga nagmamahal sa kalikasan, gaya nina Sen. Legarda at Villar, makakatulong din po ang Space Agency sa environmental conservation.
It can even improve urban planning, transportation and communication networks para mabigyan ng ginhawa ang mga Pilipinong nawawalan na ng pasensya dahil sa trapik at sa bagal ng internet.
Malayo man ang outer space sa Pilipinas, kung nasa puso naman ng Philippine Space Agency ang pagserbisyo sa ating mga kababayan at pagsuporta sa pag-unlad ng bayan, hinding hindi po ito masasayang.
Mr. President, esteemed colleagues, launching a Philippine Space Agency will give us a new perspective and valuable insights that can help solve some of our country’s biggest problems.
A solid space program can improve disaster management, enhance the lives of Filipino farmers, speed up our internet and telecommunications systems, and help us build more livable cities.
So let’s continue to dream big for our country! And let’s never tire of finding better solutions for our countrymen.
Mga kaibigan, ipasa po natin ang Philippine Space Agency Act!
Recent Comments