Bills by Bam Aquino

BIDA KA!: Mabungang walong buwan

Mga bida, dalawang mahala­gang panukalang batas na dumaan sa ating komite ang nakapasa sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado sa unang walong buwan ng 17th Congress.

Noong Lunes, sabay na ina­prubahan ng Senado sa parehong boto na 18-0 ang “Affordable Higher Education for All Act” na nagbibigay ng libreng tuition sa state colleges at universities (SUCs), at ang Free Internet Access in Public Places Act.

Ang inyong lingkod ang tumayong principal sponsor at co-author ng Senate Bill No. 1304 at Senate Bill No. 1277, na parehong itinuturing na prayoridad na panukala ng administrasyon.

Ang Senate Bill No. 1277 naman ang unang panukalang naipasa ng Senado ngayong 17th Congress mula sa Committee on Science and Technology, na akin ding pinamumunuan.

Masaya tayo’t mabunga ang ating panahon sa mayorya at nakapagpasa tayo ng dalawang malaking panukala bago natin tuluyang yakapin ang papel bilang minorya sa Senado.

***

Nagpapasalamat tayo sa mga indibidwal at mga grupo na nagsama-sama upang suportahan ang  panukalang nagbibigay ng libreng tuition fees sa SUCs at scholarship sa pribadong kolehiyo.

Ang kredito sa pagpasa ng batas sa Senado ay hindi lang para sa iisang tao o iisang tanggapan. Ito’y sama-samang pagsisikap ng mga senador, mga indibidwal at mga organisasyon na kasama natin sa layuning ito.

Una nating nais pasalamatan sina Senator Recto na matagal nang isinusulong ang adbokasiyang ito at Senate President Koko Pimentel sa pagbibigay prayoridad sa panukalang ito.
Malaki rin ang kanyang papel upang mapalakas pa ang pinal na bersiyon ng panukala ng Senado, kasama na ang mga amyenda nina Sens. Richard Gordon, Panfilo Lacson at Risa Hontiveros.

Nais rin nating pasalamatan ang mga kapwa ko may-akda na sina Senador Joel Villanueva, JV Ejercito, Sherwin Gatchalian, Francis Pangilinan, Sonny Angara, Loren Legarda, Leila de Lima, Cynthia Villar at Juan Miguel Zubiri.

 

Isang espesyal na pasasalamat din ang nais kong ipaabot kay Sen. Chiz Escudero sa kanyang pagpayag na ipagpatuloy natin ang pagsusulong ng Senate Bill No. 1304 hanggang sa huli kahit inalis tayo bilang chairman ng Committee on Education.

***

Malaki rin ang naitulong nina Commission on Higher Education (CHED) chairperson Patricia Licuanan, commissioners Minella Alarcon, Alex Brillantes, Prospero de Vera at Ronald Adamat sa pagbuo ng panukala sa kabila ng minsa’y ‘di pagkakaunaawan.

Nagpapasalamat din tayo kay Nikki Tenazas at sa mga kaibigan natin sa Unifast, PIDS, COCOPEA, PAPSCU at PBED sa kanilang tulong sa pagtalakay sa iba’t ibang probisyon ng panukala.

Salamat din kay Dr. Ricardo Rotoras ng Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) sa pagbibigay niya ng mahalagang pananaw mula sa SUCs. Bilang panghuli, nais kong pasalamatan ang ating mga estudyante na ating inspirasyon sa pagsusulong ng panukalang ito.

Batid natin kung gaano kahirap ang kanilang pinagdadaanan at kinalalagyan at alam natin na kailangang-kailangan nila ang batas na ito.

 Ang pagpasa ng panukalang ito ay isang malinaw na mensahe sa bawat Pilipino na prayoridad ng Senado ang edukasyon at nais natin itong palakasin para sa kasalukuyan at susunod pang henerasyon.

Ang pagbuhos ng pondo sa edukasyon ay pinakamalaking puhunan na maaaring gawin ng pamahalaan dahil ito’y para sa kinabukasan ng kabataan na itinutu­ring nating pag-asa ng bayan.

Bam: Measure on free internet in public spaces hurdles Senate

The Senate has approved on third and final reading a measure that will establish free internet in public places and help fast-track the processing of permits for needed infrastructure and equipment to boost connectivity.
 
Via 18-0 vote, the Senate passed Senate Bill No. 1277 or the Free Internet Access in Public Places Act, which aims to provide internet access in all national and local government offices, public schools, public transport terminals, public hospitals and public libraries.
 
“Access to the Internet is also access to more opportunities when it comes to livelihood, education and business. We want quality internet to be available to every Filipino,” said Sen. Bam Aquino, who sponsored and co-authored the measure as chairman of the Committee on Science and Technology.
 
Under the measure, the Department of Information and Communications Technology (DICT) will be mandated to craft a plan and a timeline for the rollout of this program.
 
The measure also authorizes the DICT to cut red tape and streamline the process for the application of permits and certificates for the construction of infrastructure and installation of necessary equipment, in coordination with national government agencies and local government units.
 
In previous committee hearings, Sen. Bam said telecommunications providers have lamented the tedious and slow process in getting the needed permits and certificates for their infrastructure and equipment.
 
“Matapos maisumite ang kumpletong requirements, may pitong araw lang ang isang ahensiya o tanggapan na ilabas ang resulta ng aplikasyon. Kapag sila’y nabigo, maituturing nang aprub ang aplikasyon,” said Sen. Bam.
 
Aside from Sen. Bam, other authors of the measure are Sens. Francis Pangilinan, Manny Pacquiao, Ralph Recto, Joel Villanueva and Cynthia Villar. Co-sponsors were Sens. Grace Poe, Recto and Pangilinan.

BIDA KA!: Tuluy-tuloy pa rin ang serbisyo!

ga Bida, naging madrama ang pagbubukas ng sesyon noong Lunes nang hubaran ang ilang miyembro ng Liberal Party ng mahahalagang posisyon sa Senado.

Tinanggal si Sen. Franklin Drilon bilang Senate President Pro Tempore at pinalitan ni Sen. Ralph Recto.

Ang inyong lingkod naman ay pinalitan ni Sen. Chiz Escudero bilang chairman ng Committee on Education.

Inalis naman sina Sens. Francis Pangilinan at Risa Hontiveros bilang pinuno ng Committee on Agriculture at Health at pinalitan nina Sens. Cynthia Villar at JV Ejercito, ayon sa pagkakasunod.

Ang pagkilos na ito ay nangyari dalawang araw matapos kaming magmartsa sa EDSA at sumali sa pagdiriwang ng ika-31 anibersaryo ng People Power 1 noong Sabado.

***

Sa pangyayaring ito, nasampolan ang mga miyembro ng LP dahil sa aming pagtutol sa ilang polisiya na isinusulong ng pamahalaan, tulad ng death penalty at pagbaba ng age of criminal liability.

Tinamaan din ang partido sa aming pagsasalita ukol karahasan na nangyayari sa ating mga lansangan, isyu ng demokrasya­ at aming pagsuporta kay Senadora Leila De Lima.

Kung ito ang kapalit ng aking pagsasalita tungkol sa ­demokrasya at kalayaan at pagtutol sa karahasang pumapaligid sa ating mga komunidad, malugod ko itong tatanggapin.

***

 

Kung titingnan, maganda ang naging trabaho ng Committee on Education ngayong 17th Congress.

Katunayan, tinatalakay na sa plenaryo ang dalawa sa pinakamahalagang panukala na tinututukan ng komite sa ngayon  ang Free Tuition Fees in SUCs Act at Pagkaing Pinoy Para sa Batang Pinoy.

Wala ring tumutol na senador sa aking pahayag sa sesyon na ang pag-alis sa inyong lingkod ay hindi ukol sa aking trabaho bilang committee chairman.

Tumayo rin si Senadora Grace Poe upang batiin ang maganda nating trabaho bilang pinuno ng education ­committee.

Sa kabila ng nangyari, mananatili pa rin ang ating suporta sa ilang mahahalagang panukala at reporma na ating sinimulan bilang chairman ng Committee on Education.

Nagpapasalamat naman tayo dahil gusto rin ni Sen. Escudero na ipursige ang mga ito, lalo na ang libreng tuition fee sa state colleges at universities at feeding program sa ating mga paaralan.

***

Nagbago man ang ating kalagayan, patuloy pa rin ang ating paglilingkod at pagbabantay sa kapakanan ng taumbayan.

Hindi pa rin mababago ang ating posisyon sa mahahala­gang isyu. Tuloy pa rin ang pagtutol natin sa death penalty at pagpapababa sa edad ng criminal liability.

Nang kami’y sumali sa supermajority noon, isa sa aming mga isinulong ay ang pagiging malaya ng Senado sa pamumulitika at ang kahandaan na isantabi ang partido para sa mahahalagang reporma.

Ngayong wala na kami sa mayorya, umaasa kaming mananatili ang imahe ng Senado bilang institusyon na malaya, hindi nababahiran ng pamumulitika at may sariling pagpapasya sa importanteng isyu ng bansa.

Students back free tuition in SUCs, call it way to better future

“We now have a chance to rise from poverty and have a better future”.

 Thus said Jen Mark Calub, an aviation communication student at the Philippine State College of Aeronautics (PhilSCA), as he welcomed the proposed free tuition in state colleges and universities (SUCs).

 As a student regent, Calub is aware of the situation that financially challenged students undergo, especially when it comes to payment of tuition fee and other school charges.

 “Every enrollment, students asking for more time to pay their tuition fee due to lack of financial capacity is a common sight in our school,” said Calub.

 “The most common reason is the meager salaries of their parents while other students have to work for their tuition fee,” added Calub.

 Calub said PhilSCA students are now optimistic about finishing their college degree through the help of Senate Bill No. 1304 or the “Free Higher Education for All Act”, principally sponsored by Sen. Bam Aquino.

Currently being tackled in the plenary, the measure seeks to provide free tuition fee to all students in SUCs.

 “When we learned about the measure, we now believe that there is still hope for those who want to continue with their education at PhilSCA,” said Calub.

Tristen Jamon, supreme student council president at PhilSCA’s Basa Palmayo Campus, echoed Calub’s view, saying the measure will inspire students to finish their dream degree.

“Ito ang magbibigay sa amin ng pagkakataon upang makamit ang aming mga pangarap at magsisilbing motibasyon upang pagsikapan pang lalo ang aming pag-aaral,” he said.

 A student from the University of the Philippines-Diliman who requested anonymity, said the measure, if passed into law, will help Iskolars ng Bayan like him hurdle financial obstacles that hamper their studies.

 Aside from Sen. Bam, other authors of the measure are Sens. Ralph Recto, Joel Villanueva, Sherwin Gatchalian, Francis Pangilinan, Sonny Angara, Loren Legarda, Leila de Lima, Cynthia Villar, Juan Miguel Zubiri and Richard Gordon.

BIDA KA!: Libreng tuition sa SUCs nasa plenaryo na

Mga bida, noong Martes, nagbigay tayo ng sponsorship speech para sa Senate Bill No. 1304 o ‘Free Higher Education for All Act’.

Kapag ito’y naisabatas, mabi­bigyan ng libreng tuition ang mga estudyante sa lahat ng SUCs sa ­buong bansa.

Nakapaloob sa Senate Bill No. 1304 ang Senate Bill No. 177 na aking iniakda at iba pang mga ka­tulad na panukala na may magkakatulad na layunin para sa ating mga estudyante sa SUCs.

Upang mabigyang diin ang kahalagahan ng panukalang ito, bumuo tayo ng senaryo gamit ang karakter nina Liza, Kathy, Norman at Trisha.

Pagkatapos mag-graduate sa Grade 12, binalak nilang ­pumasok at mag-aral sa isang SUC upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kani-kanilang pamilya.

Pangarap ni Liza na magtrabaho bilang manager sa isang 5-star hotel sa Singapore kapag nakatapos ng pag-aaral.

Plano naman ni Kathy na kumuha ng kursong ­engineering, na sa kanyang tingin ay isang magandang trabaho upang makatulong sa gastusin at maiangat sa kahirapan ang pamilya.

Determinado naman si Norman na makatapos ng kursong may kinalaman sa media upang mapagtapos sa pag-aaral ang bunsong kapatid.

Todo naman ang pag-aaral ni Trisha para matupad ang ­pangarap na maging guro sa isang public school.

Sa ganitong paraan, naniniwala si Trisha na makatutulong para mahubog ang kanilang karakter na magagamit upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan ng bansa.

 

Subalit ang masaklap na katotohanan dito, isa lang sa kanila ang makatatapos ng kolehiyo sa SUC habang ang iba’y magda-dropout, batay na rin sa ulat na nakalap ng ating ­komite habang dinidinig ang panukala.

Sa ganitong sitwasyon, maaaring isa lang sa apat ang magkakaroon ng tsansang gumanda ang buhay habang nakasabit naman sa balag ng alanganin ang kinabukasan ng tatlong iba pa.

Pangunahing dahilan ng kanilang pagtigil sa pag-aaral ay problemang pinansiyal at kahirapan.

***

Ito ang dahilan kaya ipinupursige natin na maisabatas ang Senate Bill No. 1304.

Sa tulong ng panukalang ito, mas mabibigyan ang mas maraming Pilipino na makatuntong sa kolehiyo at makuha ang inaasam na diploma.

Masuwerte naman at marami sa ating mga kapwa senador ang pabor sa pagsasabatas nito upang mabigyan ng libreng ­tuition ang 1,645,566 estudyante na kasalukuyang naka-enroll sa iba’t ibang SUCs.

***

Naniniwala ako na malaki ang maitutulong nito upang mabig­yan ng katuparan ang pangarap nina Liza, Kathy, Norman at ­Trisha, pati na ang milyun-milyong iba pang estudyante sa SUCs.

Sa tulong ng makukuha nilang diploma, mabibigyan sila ng pagkakataong makahanap ng magandang trabahong may malaking kita, na makatutulong para maiahon sa hirap ang kanilang mga mahal sa buhay.

Kaya naman walang tigil ang pagsusulong natin ng mga kailangang reporma sa edukasyon na makatutulong sa pag-asenso ng mga Pilipino.

Bam: CHED ‘out of touch’ on claim SUC students are ‘moneyed, non-poor’

Senator Bam Aquino described as “out of touch” the Commission on Higher Education’s claim that students in state colleges and universities (SUCs) are mostly moneyed and non-poor.

 “Three out of four ng estudyante sa SUC ay nagda-drop-out dahil kulang ang kanilang pambayad. Paano sila naging mayaman,” said Sen. Bam, chairman of the Committee on Education in the 17th Congress.

 Sen. Bam’s reaction came after CHED chairperson Patricia Licuanan said in a television interview that “only moneyed and non-poor students will enjoy the P8.3-billion budget for free tuition fee in SUCs”.

 While he admitted that the country’s “poorest of the poor” are not in college, Sen. Bam said many of the students in SUCs still come from families of minimum-wage earners.

 “Hindi masasabing sila ang poorest of the poor, pero kailangan pa rin nila ng tulong pinansiyal para makatapos ng kolehiyo,” said Sen. Bam.

As chairman of the Committee on Education, Sen. Bam said the institutionalization of free tuition in SUCs will keep students in schools and lead to more college graduates.

 “We want more people to get a degree. Sana sa tulong ng repormang ito, dumami pa ang college graduates sa Pilipinas na makatutulong sa kanilang pamilya sa malapit na hinaharap,” Sen. Bam said in a television interview.

Aquino filed Senate Bill No. 177 or the Free Higher Education for All Act giving free tuition fee to all students in SUCs.

 Aside from Sen. Bam’s bill, several senators have filed similar measures to institutionalize free college education in SUCs beyond the allocation of P8.3 billion in the 2017 budget.

“We’re very positive about it, we’re very hopeful about this bill, and we’re getting a lot of cross-party support. We hope to pass it as soon as possible,” said Sen. Bam.

Aside from free tuition fees in SUCs, Sen. Bam has also filed other education-related bills in the 17th Congress.

 Among them is the Senate Bill No. 1278 or Trabaho Centers in Schools Act, which recently hurdled the committee level and will be discussed in plenary this year.

Sen. Bam also wants to give out of school youth (OSY) in the country access to education through his Senate Bill No. 171 or the Abot Alam Bill, which seeks to institutionalize alternative learning system (ALS).

BIDA KA!: Positibo tayo ngayong 2017 By Bam Aquino

Mga bida, bago ang lahat, nais ko kayong batiin ng isang Manigong Bagong Taon. Sana’y maging maligaya, malusog at masagana tayong lahat sa susunod na labindalawang buwan.

Kung ang iba’y may New Year’s Resolution tuwing nagpapalit ng taon, tayo nama’y may listahan ng mga nais nating gawin para sa ikabubuti ng buhay ng taumbayan ngayong 2017.

Sa gitna ng mga negatibong pangyayari sa bansa at pagkalat ng paninira at mga pekeng balita sa social media, nangako ako na mas magiging positibo ang pananaw ngayong taon.

Imbis na bigyang pansin at pagbuhusan ng pagod at oras ang mga masasamang balita, mas mabuti na ituon na lang ang atensiyon sa paglilingkod sa bayan.

Ngayong 2017, magiging abala ang Senado sa pagtalakay sa mahahalagang panukala, tulad ng pagbabago sa Saligang Batas at death penalty.

Nais ng kasalukuyang administrasyon na magpasok ng amyenda sa 1987 Constitution upang mabago ang sistema ng pamahalaan mula democratic patungong pederalismo.

Tututukan din ng Senado ang pagbusisi sa panukalang ibalik ang death penalty sa bansa.

Lubhang napakabigat nito kaya mahalagang paglaanan ito ng sapat na oras upang mahimay ang mga positibo at negatibong aspeto ng dalawang nabanggit na panukala.

Bilang chairman ng Senate Committee on Education, sisikapin nating makumpleto ang mga reporma sa edukasyon na ating inilatag noong nakaraang taon.

Pag-aaralan din natin ang iba pang mahalagang panukalang may kinalaman sa agham at teknolohiya bilang chairman ng Committee on Science and Technology.

 

***

Una sa listahan ng mga prayoridad natin ay ang panukalang libreng tuition fee sa state colleges at universities (SUCs).

Ngayong taon, nakalaan na sa pambansang pondo ang P8.3 billion para sa libreng tuition fees sa SUCs.

Ngunit layunin ng mga panukalang pinag-aaralan ng ating kumite ay maisabatas na ito upang regular nang makasama sa pambansang budget taun-taon.

Tinitingnan din ng kumite kung paano matutulungan ang ating mga estudyante sa SUCs pagdating sa iba pang gastusin sa pag-aaral, tulad ng miscellaneous fees at iba pang pabigat na bayarin.

Isa pang panukala na ating tututukan ay ang Pagkaing Pinoy Para sa Batang Pinoy Act, na makakatulong tugunan ang kagutuman sa mga estudyante sa pampublikong paaralan at bigyan ng dagdag na kabuhayan ang mga magsasaka’t mangingisda.

Kapag naisabatas, magsasagawa ng epektibong feeding program para sa mga estudyante sa tinatawag na basic education at ang produktong gagamitin dito ay kukunin mula sa lokal na magsasaka at mangingisda upang mabigyan sila ng dagdag na kita.

Maliban dito, nakatakda nang pag-usapan sa plenaryo ang Senate Bill No. 1277 o ang “Free Internet Access in Public Places Act” na layong lagyan ng libreng koneksiyon sa internet ang iba’t ibang pampublikong lugar.

Kabilang dito ang lahat ng national at local government offices, public schools, public transport terminals, public hospitals at public libraries.

Bilang chairman ng Committee on Science and Technology, pina­ngunahan po natin ang pagdinig ng mga nasabing panukala at pagbalangkas sa bersiyon nito na isinumite kamakailan sa plenaryo.

Isusulong din natin ang Abot Alam Bill, na magpapatibay sa alternative learning system upang mabigyan ng pagkakataon ang out-of-school youth (OSY) sa bansa na makapag-aral.

Kahit hindi na natin hawak ang committee on trade, commerce and entrepreneurship, tuloy pa rin ang ating pagtulong sa sektor ng micro, small and medium enterprises sa pamamagitan ng pagsusulong ng Startup Bill.

Mga bida, ito’y ilan lang sa ating mga gaga­wing pagkilos bilang bahagi ng ating layuning pa­lakasin ang edukasyon at pagnenegosyo sa bansa.

BIDA KA!: Libreng internet sa pampublikong lugar

Mga bida, bukod sa Pagkaing Pinoy Para sa Batang Pinoy Act at Trabaho Centers in Schools Act, tumayo rin tayo bilang sponsor ng Senate Bill No. 1277 o ang “Free Internet Access in Public Places Act” bago natapos ang sesyon ng Senado kamakailan.

Ang Senate Bill No. 1277 pinagsama-samang bersiyon ng iba’t ibang panukala, kabilang na ang ating Senate Bill No. 1050, na layong lagyan ng koneksiyon ng internet ang lahat ng pampublikong paaralan upang makatulong sa pag-aaral ng mga estudyante.

Layunin po ng panukalang ito na lagyan ng libreng koneksiyon sa internet ang lahat ng national at local government ­offices, public schools, public transport terminals, public ­hospitals at public libraries.

Bilang chairman ng Committee on Science and Techno­logy, pinangunahan po natin ang pagdinig ng mga nasabing panukala at pagbalangkas sa bersiyon nito na isinumite kamakailan sa plenaryo.

***

Sa mga paunang pagdinig, nabatid na nasa 52.6 percent lang ng mga Pilipino ang may access sa internet service. Napakalayo nito kumpara sa Singapore, na may 81.3 percent at sa Malaysia na may 68 percent.

Hindi katanggap-tanggap ang ganitong sitwasyon dahil napakahalaga ng internet sa buhay ng mga Pilipino.

Maraming umaasa sa internet sa pag-aaral, sa trabaho at sa pakikipag-usap sa mga mahal sa buhay, maging dito man sa Pilipinas o sa ibang bansa.

Mahalaga ang internet sa mga anak para makausap ang kanilang mga ama na nasa ibang bansa para humingi ng payo.

Importante ang internet sa mga call center agent dahil ito ang nag-uugnay sa kanila at kanilang mga kausap sa ibang bansa.

 

Para sa freelancers, ito’y kailangan para makausap ng maayos ang kliyente at mapadala ang hinihinging trabaho.

Para sa negosyanteng Pinoy, ito’y nagagamit sa pagbe­benta ng gamit o paghahanap ng mga bagong supplier.

Para sa maraming walang trabaho, malaking tulong ang ­internet upang sila’y makakita ng trabaho online.

Para sa mga guro at para sa mag-aaral, ang internet ang pinanggagalingan ng research, ng learning materials, at mga bagong modules.

Kaya mahalagang maisabatas ang libreng internet sa mga pampublikong lugar upang mabigyan ang mas maraming ­Pilipino ng access sa internet. Sa ilalim ng panukalang ito, aatasan ang Department of Information and Communications Techno­logy (DICT) na pangasiwaan at palawigin ang plano para sa nasabing programa.

Bibigyan din ng panu­kala ng kapangyarihan ang DICT para mapabilis ang proseso para sa aplikasyon ng permits at certificates para sa pagtatayo ng kailangang imprastruktura at kagami­tan, sa tulong ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at local government units.

Sa paglalagay ng mabilis at de-kalidad na inter­net sa mga pampublikong lugar, mabubuksan ang mas maraming posibilidad para sa pagpapaganda ng ating buhay at pagpapalakas ng relasyon ng pamilya at ­komunidad.

Sa suportang nakuha ng panukala mula sa mga kapwa ko senador, tiwala akong maisasabatas ang panukalang ito sa lalong madaling panahon.

BIDA KA!: Feeding program at Trabaho Centers

Mga bida, bago matapos ang sesyon ng Senado, nag-sponsor tayo ng tatlong panukalang batas sa plenaryo bilang chairman ng Committee on Education at Committee on Science and Technology.

Ang dalawang panukalang batas mula sa Committee on Education ay ang Senate Bill No. 1279 o ang Pagkaing Pinoy Para sa Batang Pinoy Act at ang Senate Bill No. 1278 o Trabaho Centers in Schools Act.

Mula naman sa Committee on Science and Technology katuwang ang Committee on Education ay ang Senate Bill No. 1277 o ang Free Internet Access in Public Places.

Natutuwa naman tayo na marami sa ating mga kapwa senador ang tumayo at nagpahayag ng suporta para sa pagsasabatas ng mga panukalang ito.

Tinawag ko nga ang pangyayaring ito bilang “Christmas miracle” sa isa sa aking manifestation sa plenaryo.

Magkakaiba man ng pananaw ang mga senador sa ilang isyu ngunit handa kaming isantabi ang lahat upang magkaisa at isulong ang anumang panukalang batas para sa kapaka­ nan ng taumbayan.

***

Ang unang panukala na aking inisponsoran ay ang Pagkaing Pinoy Para sa Batang Pinoy Act na layong tugunan ang kagutuman sa mga estudyante sa pampublikong paaralan at bigyan ng dagdag na kabuhayan ang mga magsasaka’t ma­ngingisda.

Sa panukala, magsasagawa ng epektibong feeding program para sa mga estudyante sa tinatawag na basic education na magagawa sa tulong ng lokal na gulayan, magsasaka, ma­ngingisda at ng komunidad.

Kapag naisabatas, aatasan ang Department of Education (DepEd) na tiyaking mabibigyan ng tamang pagkain ang mga estudyante mula Kindergarten hanggang Grade 6.

 

Sa panukala, kukunin ang iilang produktong gagamitin sa feeding program mula sa mga lokal na magsasaka at mangi­ngisda upang mabigyan sila ng dagdag na kita.

Isinusulong din ng panukalang ito ang “Gulayan sa Paaralan” program upang maitaguyod ang gardening sa paaralan at sa mga bahay, na tutulong para matugunan ang pangangaila­ngan ng feeding program.

Dahil ito’y bahagi ng kanyang adbokasiya, tumayo namang co-sponsor ng panukala si Sen. Grace Poe.

***

Nakalusot din sa committee level ang panukalang magtatatag ng job placement centers sa high schools at state colleges and universities (SUCs) at nakatakda na itong talaka­yin sa plenaryo.

Kapag naisabatas, makatutulong ang panukala upang ma­bigyan ng akmang trabaho ang parehong high school at college graduates.

Ang job placement offices sa public schools at SUCs at magsisilbing tulay sa paglikha ng trabaho at tutugon sa talamak na jobs mismatch sa bansa.

Batay sa bagong data mula sa Philippine Statistics Office, ang unemployment rate ng bansa ay nasa 4.7 percent habang may dalawang milyong Pilipino ang walang trabaho. Ang bilang naman ng underemployed na Pinoy ay nasa 7.51 million.

Sa mga numerong ito, kailangan na ng mga hakbang para makalikha ng bagong trabaho at masolusyunan ang jobs mismatch sa bansa.

Itinatakda ng panukala ang pagtatayo ng Trabaho Center sa bawat public high school at SUC na magbibigay ng sumusunod na serbisyo: 1) Industry Matching, 2) Career Coaching, at 3) Employment Facilitation.

Kailangang may database ang Trabaho Center ng employers, contacts at trabaho sa mga komunidad.

Gagamitin ito sa pagbibigay ng payo sa mga estudyante kung ano ang papasuking larangan sa pag-aaral at kung ano ang trabaho na puwede nilang pasukin kapag naka-graduate.

Masosolusyunan naman ng Trabaho Centers ang skills mismatch sa pamamagitan ng pagbibigay ng opinyon sa ginagamit na modules sa pagtuturo at pakikipag-ugnayan sa ­TESDA upang mahasa ang galing ng mga graduates para matiyak ang ­trabaho pagka-graduate.

Sa susunod na taon, itutuloy ang pagtalakay sa dalawang panukala at umasa kayong ipaglalaban ko ito sa plenaryo hanggang maging batas.

BIDA KA!: Sama-sama tayo sa pag-unlad ng edukasyon

Mga bida, napakalaking ta­gum­pay ang natamo ng Senado kama­kailan nang aprubahan nito ang P8.3 bilyong alokasyon sa 2017 budget para sa libreng tuition fee sa state colleges and universities (SUCs).

Orihinal na nakalaan ang nasa­bing pondo sa ibang proyekto suba­lit nasilip ni Sen. Ping Lacson na puwede itong gamitin sa edukasyon.

Kaya naman inilipat ito sa Commission on Higher Education para ipantustos sa libreng tuition fees sa SUCs, sa pagsisikap din ng Committee on Finance ng Senado na pinamumunuan ni Sen. Loren Legarda.

Bilang chairman ng Committee on Education sa Senado, naniniwala tayo na ang nasabing pondo ay isang magandang panimula sa isinusulong nating batas upang maging libre na ang tuition fee sa SUCs, hindi lang sa 2017, ngunit sa ­susunod na mga taon.

***

Ngayong may pondo na para sa libreng tuition fee sa SUCs, kailangan namang kilusin ng Senado ang pagpasa ng nasabing batas.

Ngayong 17th Congress, inihain natin ang Senate Bill No. 177 o ang Free Higher Education for All Act na nagbibigay ng libreng free tuition fee sa lahat ng mga estudyante ng SUCs.

Maliban sa ating panukala, may lima pang katulad na bill ang nakahain sa Senado at kasalukuyang dinidinig sa Committee on Education na ating pinamumunuan.

Kapag naisabatas ito, magiging regular na sa taunang ­budget ang pondo para sa libreng tuition fee sa SUCs.

Dahil sa suportang inaani ng mga panukala sa Senado, umaasa tayong maisasabatas ito sa Pebrero o Marso upang mapakinabangan na pagpasok ng Hunyo ng susunod na taon.

 

***

Malaking isyu ang edukasyon at kailangan nating gawin ang ating bahagi upang maisakatuparan ang mga kailangang reporma para sa kapakanan ng taumbayan.

Nagpapasalamat tayo kina Sen. Legarda at Sen. Lacson sa pagpupursigi na maisama ang P8.3 bilyon sa 2017 budget para sa libreng tuition fee sa SUCs.

Kasama rin natin sa adbokasiyang ito sina Senador Ralph Recto, Win Gatchalian, Chiz Escudero, JV Ejercito at ­Sonny Angara.

Matagal din itong ipinaglaban nina Cong. Sarah Elago ng Kabataan Partylist, si Cong. Ann Hofer sa Kamara at ng ­Commission on Higher Education (CHED).

Ngayon pa lang, nagpapasalamat din tayo sa executive branch na magpapatupad ng libreng tuition fee sa SUC kapag naaprubahan ang 2017 budget.

Huwag nating pulitikahin ang edukasyon. Ang edukasyon ay napakaimportanteng bagay na kailangan nating pagtulu­ngan upang mapalago at mapakinabangan ng nakararami ­tungo sa pag-asenso.

Scroll to top