China

Sen. Bam’s Privilege Speech on China issues

Magandang araw, Mr. President, esteemed colleagues, majority floor leader! Magandang, magandang  hapon po sa inyong lahat!

To quote a very popular love song, a picture paints a thousand words.

Well, this particular picture inspired a thousand memes and thousands of comments.

Several of our countrymen raised their eyebrows and voiced their confusion and outrage.

Sabi nga ho ni Defense Sec. Lorenzana “Maybe Malacañang thinks that it is correct dahil ginawa nila yun. Do not torture our minds about giving meaning to these very trivial things.”

Well, Mr. President, marami po sa mga kababayan natin, hindi naisip na trivial iyong pagkawala ng ating bandila sa pagdating ni President Xi Jinping.

Hindi naman siguro masamang tanungin kung may violation nga ba o hindi iyong ginawang pagparada sa bandila ng China, na wala po ang ating three stars and a sun.

To be honest, Mr. President, the pivot to China opened a Pandora’s Box of questions regarding the Philippines’ dealings with a powerful and more domineering neighbor.

These, dear friends, are questions and concerns that have already been raised in the past 2 years, even before the 2-day state visit of China’s president.

Hindi rin naman sigurong masamang magtanong tungkol sa sarili nating teritoryo, sa sarili po nating karagatan na mas malawak pa sa kabuuan ng ating lupain at naglalaman ng sang-katutak na isda, langis at iba pang kayamanan – kayamanang pag-aari ng ating taumbayan.

Ngayon napanalo na ng Pilipinas ang kaso laban sa China sa International Tribunal for the Law of the Seas o ITLOS at kinlaro na sa mundo ang ating exclusive economic zone sa West Philippine Sea, anu-ano ang paraan kung paano po mapoprotektahan itong sariling atin?

Just to remind everyone, based on satellite photos obtained by the Philippine Daily Inquirer in February 2018, China appeared to be in the final stages of constructing air and naval bases in seven reefs in the Spratlys Region, including Mischief or Panganiban and Subi or Zamora Reefs, over which the Philippines has exclusive right and jurisdiction as ruled by the UN Tribunal.

Worse, last May 2018, US Intelligence reports revealed that China had installed anti-ship and surface-to-air missiles on these reefs. Again, let me clarify Mr. President, these are missiles installed within our own country – within the Philippines’ jurisdiction.

To this incident, President Duterte was quoted in saying: “In the play of politics, now, I will set aside the arbitral ruling. I will not impose anything on China.”

However, former Foreign Affairs Secretary Peter Cayetano said: “We have to put aside our territorial and sovereign rights claims but not abandon them. The preliminary agreement is based on: let’s cooperate first, and let’s talk about who owns what, and who has jurisdiction, later on.”

Clearly, Mr. President, mayroon talagang paglilinaw na dapat gawin sa ating pakikitungo sa China.

Napakahalaga rin kwestyunin ang legalidad ng militarization ng China sa West Philippine Sea.

Uulitin ko po, mayroon Chinese air and naval bases sa loob ng ating karagatan. Mayroon pong anti-ship at surface-to-air missiles ang China sa loob ng karagatan ng Pilipinas.

Ang isa sa mga tinayuan ng Chinese military base ay ang Mischief o Panganiban Reef na 250 kilometers lang ang layo sa Palawan. Ito’y kasing layo ng Baguio sa dito ngayon sa Senado – a 4-hour drive ang layo.  In fact, kung iisipin natin, 250 kilometers mayroon nang missiles at armas dito.

I will also clarify that Article XVIII, Section 25 of our 1987 Constitution it states that – and I quote – “…foreign military bases, troops, or facilities shall not be allowed in the Philippines except under a treaty duly concurred in by the Senate and, when the Congress so requires, ratified by a majority of the votes cast by the people in a national referendum held for that purpose, and recognized as a treaty by the other contracting State.” – end quote.

That said, is it not prohibited under the Philippine Constitution to consent to the presence of Chinese air and naval bases, now armed with anti-ship and anti-aircraft missiles, unless a treaty is signed with China? Hindi naman siguro masamang usisain ang legalidad ng mga military base na ito.

Ito pong isyu na ito, diretso po sa tingin po namin, ang contradiction sa ating Saligang Batas. Mahalaga po na maklaro agad kung mayroon ngang violation sa ating Constitution ang pagpayag dito sa China air bases sa ating teritoryo.

This leads us to even more painful and personal questions – mga tanong tungkol sa pang-aabuso ng mga mangingisdang Pilipino, sa pananakot sa ating media at mga reporter, at sa pagbibigay ng trabaho sa mga Tsino imbis na mga Pilipino.

Just last November 8, China stopped a Filipino TV crew from conducting interviews in the West Philippine Sea, stating that the Filipino reporters cannot proceed without the permission of China.

Ang sabi ng isang miyembro ng Chinese Coast Guard kay Jun Veneracion ng Reporters’ Notebook: “Without the permission of China, you cannot carry out the interview here.”

Earlier this year, on May 20, a video showed two men boarding the boat of a Filipino fisherman.

Sinabi po ng ating mangingisda: “Wala po silang paalam. Halungkatin nila ‘yun, basta maghalungkat sila, Sir. Kukunin nila ‘yung gusto nila. Ilagay nila sa plastic, magaganda pa ang kunin nila.” I’m assuming that he’s talking about the fish na hinuli ng ating mangingisda.

Sabi pa ni Manong Rony, na isa ring mangingisda: “Sa tingin ko po parang sila rin ang boss dito. Sila po ang nasusunod eh. Wala po kaming magagawa kung sabihin nilang aalis kami. Wala kaming power na ipaglaban ‘yung sarili namin. Batas din nila yung nasusunod dito sa Scarborough.” (Reporter’s Notebook)

Hindi naman po masamang tanungin kung tama ba itong nangyayari sa ating media, kung tama ba ang nangyayari sa ating mangingisda, sa ating mga kababayan sa sarili po nating teritoryo.

Punta rin tayo Build-Build-Build na malaki ang koneksiyon sa China.

Ilang proyekto na ang nabigyan ng go-signal?

Ilan na po ba ang nasimulan na?

Kailan po ba matatapos ang mga ito?

Anong part ng Build-Build-Build program ang uutangin sa China?

Ano ang napagkasunduang terms at interest rate?

Kasama ba sa kontrata na mga Tsino at hindi Pilipino ang magtatrabaho sa mga proyektong ito?

Ilang trabaho ba ang nakalaan talaga sa mga kababayan nating Pilipino?

So far, Mr. President, this is what we do know:

One: In 2016, the President visited China and came home with $24 Billion of Chinese loans and investment pledges for Build Build Build. So far, only 2 bridge projects worth 62.28 million U.S. dollars, and these are grants, and one irrigation project worth 62.09 million U.S. dollars are ongoing.

Second: The government’s Pipeline of Programs and Project for Official Development Assistance as of September 28, 2018 includes 16 projects that will be funded with loans from China amounting to a total of 740.45 Billion Pesos.

Three, Mr. President: Chinese loans are not only “tied” loans or loans with conditions, but they have a higher interest rate roughly anywhere up to 3% than the “untied” loans we are getting from other countries like Japan.

Isang Pandora’s Box po talaga ang nabukas dito po sa ating pagkiling natin sa China.

At mga kaibigan, kailangan talagang maklaro sa ating mga kababayan ang mga sagot sa mga tanong na ito.

Pagdating sa paglaban sa ating teritoryo, pagdating sa paglaban para sa ating mangingisda, pagdating po sa mga proyekto na posible pong pumasok sa ating bansa at narinig na rin natin ng debt trap gaya ng Sri Lanka na kung saan iyong mga bansang nabaon sa utang ay nangangailangan na magbigay o magpaubaya ng kanilang kasarinlan.

Isa pong Pandora’s Box ng mga tanong mga kaibigan, at tingin ko po ang Senado ay may kapangyarihan at mayroong tungkulin na isara ang isyung ito , na sagutin ang mga isyung ito tungkol sa China sa pamamagitan ng paghanap at paghingi ng makatotohanang mga sagot.

The Senate does not only have the power and privilege to search for these answers; we have a duty to shed light on these issues and ensure that the government is in the favor of the Filipino people and not in favor of China in its dealings.

Mr. President, let me share a short history lesson. In September of 1991, Philippine senators made history by ending years of U.S. military presence in the Philippines, even when many believed that the presence of U.S. bases was good for livelihood and for the economy, and, therefore, in the best interest of the Filipino people.

It was a difficult decision then, Mr. President. Sen. Gordon is here, my aunt President Cory Aquino was on the side of retaining the US bases. But the Senate at that time, Mr. President, made a fateful decision.  To this day, that decision is lauded as one that upheld the independence of our country.

Ngayon po, tinatawag tayo muli ang Senado na mamuno at pumanig sa kapwa nating Pilipino. We are again called to take the lead in terms of transparency, sovereignty and national security.

Umaasa po kami na kaya po ng Senado na klaruhin ang mga tanong na ito upang mapanatag naman ang kalooban ng ating mga kababayan na sa ating teritoryo, para sa ating kabuhayan, trabaho, imprastruktura, mga kontrata at mga benepisyo – sigurado po na dapat una ang Pilipino at panalo ang Pilipino dito sa sarili nating bansa at sa anumang pakikitungo sa anumang bansa dito sa ating mundo.

Umaasa ang ating mga kababayan na dito sa Pilipinas, mauuna ang Pilipino.

Let the Senate hopefully, Mr. President, take the lead and shed light on the myriad issues on China for fellow Filipinos, for our country, and, of course, for the future of our children. Maraming salamat po, Mr. President. Thank you.

Sen. Bam: No to secret deals with China, put Filipinos first

Sen. Bam Aquino maintained that the administration should not enter into secret deals with China and ensure that the welfare of Filipinos is prioritized in its agreements with the Chinese government.
 
“Wala po dapat secret deals, dapat malinaw iyan. Pagdating sa teritoryo, pagdating sa ekonomiya, pagdating sa trabaho,” Sen. Bam said in a senatorial forum hosted by CNN Philippines. 
 
“Hindi naman masamang mangarap na sa ating bansa, ang Pilipino ang una at hindi dayuhan,” added Sen. Bam.
 
Sen. Bam lamented the government’s unclear policy when it comes to its relationship and dealings with China, especially when it comes to our territory in the West Philippine Sea and the agreements entered into during the visit of Chinese President Xi Jinping.
 
“Ano sa mga build, build build projects ang natuloy na? Magkano ba yung interest rate ng bawat proyekto? Ilang Chinese workers na ba talaga ang nandito? Lahat iyan, hindi malinaw sa atin,” Sen. Bam pointed out.
 
Sen. Bam added that the country’s economy has not improved since the government decided to pivot to China.
 
“Kasama sa kanilang pangako, gaganda ang ekonomiya natin if we pivot to China. Gumanda nga ba? Hindi naman. Darami raw ang trabaho. Dumami ba? Hindi naman,” Sen. Bam emphasized.
 
Sen. Bam challenged the Senate to take the lead in investigating the government’s dealings with China and look into whether the country will benefit from them.
 
On September 19, 2016, Sen. Bam filed Resolution No. 158 seeking to clarify the country’s foreign policy direction and determine the administration’s position on several issues, including the West Philippine Sea, Benham Rise and other dealings with China.

Kahit sorry man lang, wala – Sen. Bam Aquino on the harassment of Filipino fishermen

If the government won’t issue a diplomatic protest against China for taking away the catch of Filipino fishermen, the least it could do is to demand an apology from its perceived ally, according to Sen. Bam Aquino. 

“Dapat maghain ng pormal na protesta ang pamahalaan laban sa ginawa ng Chinese coast guard sa ating mga mangingisda. Pero kahit sorry, hindi man lang hiningi,” said Sen. Bam. 

Earlier, a television station aired a video where Chinese coast guard personnel were shown taking the catch from Filipino fishermen. 

“Nanakawan, inaapi pa ang ating mga mangingisda. Kampihan naman natin ang ating mga kababayan,” the senator said. 

“Napaka-strikto ng administrasyon pagdating sa ating mamamayan. Ngunit kapag isyu na ng China, napakaluwag sa mga patakaran,” Sen. Bam added. 

If the government will not do anything to address this incident, Sen. Bam said the Chinese coast guard will be emboldened to commit more abuses against the Filipino people. 

“Hindi natin kailangang humingi ng permiso mula sa China dahil teritoryo natin ang kanilang inangkin,” added Sen. Bam. 

Sen. Bam also reiterated his call to the government to assert the country’s victory in the Permanent Court of Arbitration (PCA), which declared that Filipino fishermen have traditional fishing rights to the waters of Scarborough Shoal. 

“Makinig tayo sa panawagan ni Acting Chief Justice Carpio. Sayang lang ang panalo ng Pilipinas sa PCA kung hindi gagamitin para ipaglaban ang atin mga mangingisda,” Sen. Bam said. 

Earlier, Sen. Bam urged the Senate to take the lead in defending the country amid China’s militarization of our seas. 

The senator said that a strong and independent Senate can and should investigate all our dealings with China, especially when the rights and livelihood of our countrymen are at risk.

Sen. Bam: Philippines deserves the best, not just friendly deals

Sen. Bam Aquino will file a resolution urging the Congressional Oversight Committee on the Official Development Assistance to conduct a hearing on government dealings with Chinaand other countries to ensure transparency and guarantee that the Filipino people are getting the best deal.

“The government owes it to the people to secure the best agreement, and not pursue a ‘friendly deal’ that will later burden the Filipino people,” said Sen. Bam.

Sen. Bam made the pronouncement after Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia said the government plans to secure financing from China for its infrastructure projects through loans that charge an interest rate of two to three percent.

Japan, for its part, only charges between 0.25 to 0.75 percent interest rate.

“It’s not about China or Japan. It’s about finding the best option for our people. The government must bear in mind that in the end, it is the Filipino people who will bear the brunt of these loans through our taxes,” Sen. Bam stressed.

Sen. Bam said the government should set aside its friendship with China and prioritize the welfare of the Filipino people.

”Napakabigat ng kapalit ng pagkakaibigang ito dahil Pilipinas ang mababaon sa utang sa mas mabigat na interes na hinihingi ng China. Ito ang dapat isaalang-alang ng ating pamahalaan,” said Sen. Bam.

Sen. Bam on government’s plan to obtain higher interest loans from China

The government owes it to the people to secure the best agreement, and not pursue a “friendly deal” that will later burden the Filipino people.

It’s not about China or Japan. It’s about finding the best option for our people. The government must bear in mind that in the end, it is the Filipino people who will bear the brunt of these loans through our taxes.

Hindi dapat ipagpalit ng pamahalaan ang kapakanan ng taumbayan sa “pagkakaibigan.” 

Napakabigat ng kapalit ng pagkakaibigang ito dahil Pilipinas ang mababaon sa utang sa mas mabigat na interes na hinihingi ng China. Ito ang dapat isaalang-alang ng ating pamahalaan.
 
We have resolved to file a resolution to ensure transparency in all government dealings with China or any other country and ensure that our people are getting the best deal.

Sen. Bam: PH Rise is not for China to name

Benham Rise is clearly Philippine territory and its features are not for China to name.

It is only right that the government counter any further moves to name features of our territory and propose remedies for the two formally named by China through the International Hydrographic Organization.

I hope that the hearing I will chair on February 26 will bring clarity to the issue and help determine next steps.

It is imperative that we protect our territory from any foreign interest.

Dapat nang magkaroon ng matibay at malinaw na plano ang pamahalaan sa Philippine Rise, lalo ngayong unti-unti nang kumikilos ang China para ito’y angkinin.

Huwag nating isuko na parang West Philippine Sea ang napakahalagang yamang ito.

Sen. Bam supports building economic ties with China

Senator Bam Aquino welcomed President Duterte’s decision to engage in economic ties with China, saying the government “must choose only what’s best for our country”, especially in providing jobs and livelihood to Filipinos.

“Kung ano ang pinakamainam at pinakamaganda sa ating bansa, iyon po ang i-explore natin. That is why I’m supportive of the moves to get more investments from China,” Sen. Bam said during a radio interview.

 “I don’t think na ibig sabihin ng pagkuha ng investments sa China ay may aawayin tayo na ibang bansa o ibang rehiyon gaya ng European Union,” the senator stressed.

“Hindi naman ho ibig sabihin na kung kaibigan natin ang China, kaaway natin ang Amerika. Kahit naman po ang Amerika at China ay may trade deals at pakikitungo sa isa’t-isa,” added Sen. Bam.

While Duterte’s push for an independent foreign policy is constitutional, Sen. Bam believes that it should not lead to burning bridges with current allies, led by the United States and EU.

 “We cannot cut ties with them dahil maraming Pilipino ang nakatira at nagtatrabaho doon at marami rin silang mga investment dito,” said Sen. Bam.

Earlier, Sen. Bam filed Senate Resolution No. 158, urging the government to clarify the country’s stand on different foreign policy issue.

 Sen. Bam made the move due to contradicting statements given by President Duterte and other government officials on different foreign policy issues.

Sen. Bam has been working to provide jobs, livelihood and education to more Filipinos as chairman of the Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship in the 16th Congress and head of the Committee on Education in the 17th Congress.

Bam: Include PH delegation to Hague in bilateral talks with China

Bam on the decision of the Permanent Court of Arbitration

Congratulations to the Philippine delegation that worked on our case and all our countrymen who stood by our claim over the West Philippine Sea!

 Hindi madaling makipagtunggali sa bansang mas malaki at mas malakas sa atin, ngunit kailangang maging matapang.

 This decision provides the best chance for the Philippines to have a favorable outcome in any future multilateral or bilateral talks. Alas natin ‘to!

 The international tribunal has backed our claim and it’s clear that China must comply as a member of the community of nations.

 

BIDA KA!: Usapin ng magkakapitbahay

Nabanggit sa akin ng mga naka­tira doon na kapag dinire-­diretso ang dagat ay matutumbok na ang mga istrukturang gina­gawa ng Tsina sa Bajo de Masinloc.
Humigit-kumulang daw na 124 nautical miles o 230 kilometro lang ang layo ng mga itinatayong istruktura ng Tsina mula sa Masinloc. Katumbas lang ito ng biyahe mula Maynila hanggang Pangasinan.

Kapag ginamitan ng pump boat, sa loob lang ng labing-dalawang oras ay mararating na ang nasabing mga istruktura. Apat na oras naman kung speed boat ang gagamitin.
Mga Bida, sa nasabing distansiya, pasok pa ito sa tinatawag na 200 nautical-mile Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Pasok ang mga ito sa ating teritoryo.
***

Ang Bajo de Masinloc ay isa lang sa pitong isla kung saan may ginagawang reclamation at iba pang ginagawa ang Tsina.

Batay sa mga inilabas na surveillance photos ng AFP, makikita ang mabilis na paggawa ng mga Tsino ng isang airstrip na kaya ang maliliit na eroplano.

Ngunit hindi pa malinaw kung kanino nga ba ang mga na­sabing lugar. Hindi lang tayo at ang mga Tsino ang nagsa­sabing atin iyon, kundi iba pang bansa sa Asya.

Tayo ang may pinakamatibay na posisyon dahil sa lapit ng mga islang ito sa ating bansa. Ang totoo, tatlo nga sa mga ito ay nasa loob na ng EEZ ng Pilipinas.

Kaya kung posisyon lang ang pag-uusapan, tayo ang may pinakamalaking karapatan sa mga nasabing teritoryo.

Ngunit walang pakundangan ang Tsina sa pagpapatayo ng mga istruktura kahit hindi pa nareresolba ang mga isyu.

***
Mga Bida, hindi naman natin pipiliin ang makipagdigmaan sa isyung ito. Lalo lang lalaki ang hidwaan at hindi pagkaka­unawaan sa pagitan ng mga bansa.

At palagay ko, pati rin naman ang Tsina, hindi rin nagnanais ng karahasan.

Kinakailangang idaan sa tamang proseso ang pagresolba sa isyung ito, kaya minarapat ng ating pamahalaan na dalhin ang isyu sa mga komunidad ng mga bansa na kinalalagyan natin, na naaayon sa United Nations (UNCLOS) at sa Association of South East Asian Nations (ASEAN).

Mga Bida, ang usaping ito ay hindi lang panlokal, kundi ito ay isang panrehiyon at global na isyu. Kaya nararapat lang na maresolba ito sa mas malawak na pag-uusap kasama ang ibang mga bansa.

Sa panahong ito ng globalisasyon at matitibay na mga relasyon ng mga bansa sa isa’t isa, naniniwala tayo na ma­payapang mareresolba ang usapin sa tulong ng ating mga kaibigan at mga kapitbahay sa rehiyon.

Kaya buo ang ating suporta sa hakbang ng pamahalaan na tahakin ang mapayapaang daan at dalhin ang usaping ito sa UN at sa ASEAN.

 

First Published on Abante Online

Scroll to top