Cleveland Cavaliers

NBA Finals 2016: 7 Dahilan Bakit Mananalo ang Warriors or Cavaliers

NBA Finals na naman, siguradong exciting ang magaganap na labanan dahil ito ay rematch ng nakaraang finals.

May pambatong team ka na ba? Kung wala pa, eto ang ilan sa mga dahilan kung bakit mag-cha-champion ang…

 

… Cleveland Cavaliers!

 

  1. Kumpleto ang Triple Threat. Noong nakaraang taon, binuhat mag-isa ni LeBron James ang Cavs sa NBA Finals dahil wala sina Kevin Love at Kyrie Irving. Pero ngayon ay injury free na sila at sabay nang makakacontribute sa opensa at depensa.

Cavaliers Big 3

 

 

  1. Triple Shooting.Maliban sa triple threat, poproblemahin din ng Warriors and 3-point shooting average ng Cavs lalo na si J.R. Smith, na kilala bilang 3-point specialist. Sa tulong ni Smith, luluwag ang depensa sa shaded lane at mabibigyan ng pagkakataon sina Love, James at Tristan Thompson na gumawa ng puntos sa loob ng paint.

JR Smith

 

 

 

  1. Center of Attention. Sa height na 6-11, hindi pangkaraniwang sentro si Channing Frye ng Cavs dahil kaya rin nitong tumira sa labas ng arc. Dahil dito, malaking problema para sa Warriors kung paano siya babantayan.

channing fry

 

 

  1. Powerful ang #Hugot. Paniguradong hindi poproblemahin ng Cleveland ang pagrerely sa iba pang players at reserba dahil naririyan sa bench sina Matthew Dellavedova, Richard Jefferson at Iman Shumpert na kilala ding masipag gumawa kapag nasa loob na ng court.

shumpert_dellavedova and jefferson

 

 

  1. Sabik dahil nagbalik. Paniguradong nangingibabaw sa side ng Cavs ang eagerness at will for redemption. Dahil sa rematch na ito, mabibigyan sila ng pagkakaton na kunin ang kampeonato na ipinagkait ng Warriors sa kanila last year. Hindi pa nakakatikim ng kampeonato EVER ang Cavs sa NBA kaya di lang sila gutom, they are starving for the win.

cavs

 

  1. Meron silang “King”. Haters gonna hate pero si Lebron James lang naman ang isa sa mga nangunguna sa attack points. Ang 4-time MVP na pride ng Cleveland ay 24.6 points per game ang average at 7.0 assists. Siguradong matatakot ang sinumang babangga!

lebron james

 

 

  1. Fresh Start. Isa sa mga bago sa Cavs ngayong taon ay ang kanilang coach. Simula ng pumasok si Coach Tyronn Lue, nakita na din ang mas improved ball movement sa laro ng Cleveland. Mukhang mas nageenjoy din sila sa kanilang laro. Bagong coach at bagong strategy para sa dati na nilang kalaban. Isa yan sa mga baon ng Cavs ngayong finals.

tyronn lue 

 

… GOLDEN STATE WARRIORS!

 

  1. Unanimous “MVP”. Paniguradong si Steph Curry ang magdadala ng laro ng Golden State Warriors sa finals.  Matatandaang muntik na silang malaglag sa Western Conference ng makausad sa 3-1 advantage ang OKC. Pero pinatunayan ni Steph ang pagiging MVP, kaya naman dinala nya ang team nya sa 3 straight wins para makabalik sa NBA Finals.

steph curry

 

 

  1. Splash Brothers. Hindi lang si Steph ang standout sa warriors, hindi pwedeng kalimutan ang other half ng lethal na splash brothers na si Klay Thompson. Dahil sa tandem nila, nabura lang naman ng Warriors ang 72-win record ng Chicago Bulls nang tapusin nila ang regular season na may record na 73-9.

klay thompson

 

 

  1. Green Defense. – Mabisa ring sandata ng Warriors ang power forward na si Draymond Green, na muling napasama sa All-Defense first team ng NBA ngayong taon. Alalahanin natin na di lang nakakasalalay sa puntos ang panalo, sa galing ng depensa rin. Pero matinik din si Draymond sa opensa dahil kayod-kabayo ito kapag nasa loob na ng court.

draymond green

 

 

  1. Andre the Giant. Kilala si Andre Iguodala bilang scorer sa kanyang career sa Denver Nuggets at Philadelphia 76ers ngunit nagsakripisyo na maging sixth man nang mapunta sa Warriors. Nagbunga naman ang sakripisyo ni Andre dahil sa malaki niyang papel kapag ipinapasok na siya ni coach Steve Kerr, lalo na sa depensa. Remember, sya ang last Finals MVP!

andre iguodala

 

 

  1. Role players. Maliban kina Curry, Thompson, Iguodala at Green, may iba pang maaasahang players ang Warriors, tulad nina Harrison Barnes, Andrew Bogut, Shaun Livingston at Mareese Speights. Kapag pinagsama sama ang pwersa ng lahat ng role players na ito, hindi malabong mag back to back ang panalo ng Warriors.

 

 

 

bogutbarnes

 

 

  1. Less “Boos”, More “Boost”. Tinapos ng Golden State ang regular season na may league-best 73-9 record para makuha ang top seeding at homecourt advantage sa kabuuan ng playoffs. Dahil sa homecourt sila maglalaro, paniguradong maboboost ang confidence nila at mahihiya ang sinuman sa audience na sisigaw ng “Boo” tuwing makakapuntos.

goldenstatewarriorsfans

 

 

  1. Finals? Been there done that! Nagawa na nila dati kaya malaki ang tyansang magagawa nila uli. Halos sila pa rin ang team at coach na sumabak sa nakaraang NBA Finals na nakasungkit ng kampeonato kaya experienced na sila sa labanang ito.

goldenstatewarriors

 

 

 

NBA Finals 2015 Lis7ahan Special Edition

 

 

NBA Finals na! May pambatong team ka na ba? Kung wala pa, ito ang ilan sa mga tingin namin sagot kung bakit mag-cha-champion ang… 

 

By ListAvengers

 

Cleveland Cavaliers

1. Mayroon silang “King.” – Haters gonna hate pero si Lebron James lang naman ang pinakamagaling na basketball player sa mundo ngayon! Ang 4-time MVP na pride ng Cleveland ay 25.3 points per game ang average at 7.4 assists. Siguradong matatakot ang sinumang babangga!

LebronJames

2. Finals? Been there done that! – Kung championship experience lang ang pag-uusapan, lamang ang Cavs dyan. Mayroong mga players ng Cleveland ang nakatuntong na sa NBA finals. May papalag ba sa kasabihang “Experience is the best teacher?”

 Cleveland Cavaliers

3. Powerful ang #Hugot. – Hindi lang kay King James makaka-asa ang Cleveland, pati sa kanilang mga role players. Anumang oras humugot si Coach Blatt ng manlalaro, siguradong masisiyahan ang ating mga puso.

cavaliers_bench

4. Sabik Dahil Nagbalik. – Umaasa ang Cleveland na ang tinaguriang “prodigal son” ay dadalhin sila sa Promised Land. Kinaya ni Lebron James na bigyan ng kampeonato ang Miami noon kaya ng magbalik siya sa Cavs, sila naman ang sabik na manalo ngayon.

lebronjamesbacktocavalier

5. Na-Slash ang Splash Brothers – Malakas ang ugong na hindi makakalaro si Thompson sa Game 1 ng Finals dahil sa concussion nang ma-tuhod ni Rockets forward Trevor Ariza sa Game 5 ng Western Conference Finals. Mahigpit pa naman ang rules ng NBA, hindi pwedeng ipilit kung hindi pa fit.

klaythompson

6. David Blatt is DB (Destined for Better). – Bago pumasok sa NBA si Blatt, nagchampion ang kanyang mga team sa Europa. Sa una ay inofferan sya bilang assistant coach ng Golden State pero mukhang mas tinadhana sya sa mas magandang pagkakataong magchampion. Napili syang maging head coach ng Cleveland at sa unang sabak pa lang sa NBA, tinawid lang naman niya ang road to finals na parang walang hirap.

davidblatt

7. Gutom sa Panalo.– Hindi pa nakakatikim ng kampeonato EVER ang Cavs sa NBA kaya di lang sila gutom, they are starving for the win. Tandaan, walang sinasanto ang taong gutom.

CavalierTeam

Golden State Warriors

1. Nasa kanila ang present “MVP”. – Paniguradong si Steph Curry ang magdadala ng laro ng Golden State Warriors sa Finals. Ang average niya ay 23.8 points, 7.7 assists at 4.3 rebound per game. Kailangan lang ng dobleng ingat sa pagiging agresibo, baka maulit ang pagkahulog.

Stephen Curry

2. Sagana sa 3 point area. – Ngayong season, tumataginting na 38 percent ang accuracy ng Golden State sa pagdating sa three-point shot. Ito ang magiging mabisa nilang sandata nila laban sa Cavaliers. Malapit, malayo, kapag tinira ang bola, madalas asintado talaga.

klaythompson_3points

3. Di nagwawagi ang nang-iiwan – Naalala nyo pa ba ang “The Decision” ni James noong 2010? Iniwan nya ang Cavs para sumama sa powerhouse squad na Miami Heat. Sariwa pa rin ito sa karamihan ng LeBron haters kaya dasal nila na hindi magkampeon si James sa Cavs.

lebronjames_miami

4. Green Defense. – Mabisa ring sandata ng Warriors ang power forward na si Draymond Green, na napasama sa All-Defense first team ng NBA ngayong taon. Muntik pa siyang tanghalin na Defensive Player of the Year. Alalahanin natin na di lang nakakasalalay sa puntos ang panalo, sa galing ng depensa rin.

Draymond Green

5. Walang “Love” sa Cavs – Malaking kawalan ang 16.5 pts at 9.7 rebounds per game ni Kevin Love para sa Cleveland dahil sa injury. Malamang ay sasamantalahin ng Warriors ang sitwasyong ito.


kevinlove

6. Less “Boos,” More “Boost.” – Tinapos ng Golden State ang regular season na may league-best 67-15 record para makuha ang top seed at homecourt advantage sa kabuuan ng playoffs. Dahil sa homecourt sila maglalaro, paniguradong mabo-boost ang confidence nila at mahihiya ang sinuman sa audience na sisigaw ng “Boo” tuwing makakapuntos.

goldenstate

7. Ring? NoWADE! – Hindi pa nakakakuha ng championship ring si LeBron nang hindi kasama si Dwayne Wade. Maaaring may bagong backcourt partner na si James ngayon, si Kyrie Irving, pero iba pa rin ang James-Wade tandem.

 jamesdwaynetandem

 

 

Kung mayroon kayong naiisip na lis7ahan at nais maging miyembro ng Listavengers, mag-e-mail sa team.bamaquino@senado.ph!

 

 

 

 

 

 

 

 

Scroll to top