DZMM

Bam on $81M Scandal: Magkaiba ang Sinasabi nina Wong at ng Philrem

Transcript of Interview on Pasada Sais Trenta

 

Karen Davila: Ano ang future ng pagbabayad sa Bangladesh? Ito muna tayo, Sir, based on your calculation. Iyong puwedeng ibalik ni Kim Wong, puwedeng ibalik ng Pilipino, magkano lang talaga Senator Aquino ang accountability na puwedeng ibalik?

 

Sen. Bam: Actually Karen kung tutuusin may 61 million dollars na pumasok. Iyon ang una nating titignan kung ano ang pwedeng makuha doon sa 61 million. Ang iba pumunta kay Kim Wong, may iba pumunta sa Solaire at ia-analyze natin ang puwede pang ibalik and I think si Mr. Wong said na magbabalik siya ng pera.

Humingi nga ng 30 days para mabuo niya iyong 450 million pesos na nasa kanya pa.

Ang pera na nasa casino, ang tanong diyan, ano diyan ang na encash? Iyon, mahirap ng habulin iyon kasi cash na iyon.

Pero ang nilaro sa kanilang sistema at whether kumita, natalo or anoman, basta nandoon sa loob ng sistema nila, dapat ibalik iyan ng mga casino sa Bangladesh.

 

Karen Davila: Kumbaga ang sinasabi mo, Senator, kasi let’s not be naïve, ayoko naman magsabi na ganito ang Solaire o ang Midas, pero alam mo many casinos all over the world, when the house wins, sabi ko kay Vic dinidistribute na iyan eh. Kasi may agreement na rin iyang mga iyan.

Sen. Bam: Tinanong ko iyan kay Executive Director Abad. Puwede talagang habulin ang pera na yan. Ang sabi niya, pwedeng habulin ang perang iyan through a civil forfeiture case. So ibig sabihin, magpa-file siya ng civil forfeiture, ang tanong, kung ico-confess ba ng mga casino at mga institution ang kasong iyon.

Kasi kapag cinonfess nila ang civil forfeiture case ibig sabihin, they’re claiming its theirs. Diba? Sa amin na ang perang iyan. But kung hindi nila i-coconfess at sabihin nilang, “Sige parang ginagawa ni Kim Wong iyon.”

Hindi po. Ibabalik niya lang kasi he recognized na mali ang pinanggalingan ng perang yan o madumi ang pinanggalingan ng perang iyan para lang ibalik.

That’s why I was telling Executive Director Abad, mag-file na kayo para magkaalaman na.  Kasi lahat nagsasabi na mag-cocooperate po kami, mag-cocooperate kami pero pagbalik kaya ng pera. Hindi iyan totoong cooperation.

Kung madumi ang pinanggagalingan niyan, puwede talaga iyang magpalitan kasi if within our laws, ang kailangan lang ay court order.

Ang tanong, papaabutin ba ng mga casino na 35 years, 30 years ang kasong iyan? Papaabutin pa sa supreme court bago sila mag comply?  Or in good faith dahil alam naman nating galing ito sa ating bansa at nakaw ito, ibalik nalang nila kaagad.

 

Vic: Senator, bakit kailangang makarating sa punto na “hindi, pera namin ito. Knowing na it’s dirty money.” Bakit nila ike-claim na kanila iyon?

 Karen Davila: Kasi casino sila. Iyon iyon eh. Not anything specifically. Tanong ko lang, Senator, iyong junket operator na si Mr. Chao, technically he received the biggest amount, 900 million. And sabi ng abogado niya, tinatally pa raw ni Mr. Chao kung iyon talaga ang binigay sa kanya.

Pero do you remember, Senator, kung magkano ang napanalunan ni Mr. Chao, magkano ang naiwan sa Solaire?

 

Sen. Bam: Wala pa iyon. Pero nangako ang abogado that they will protect the accounting pero last hearing, kanina lang, tinanong ko na rin sila kung ipapabalik ang pera. Kasi kung mayroong na-encash, ibang usapan na iyon. Kasi wala na sa kanila iyon eh diba?

Now secondly, pagbukas natin at ito ang in-account naman po ni AMLC, kung talagang galing sa nakaw iyan, mayroon talagang legal remedy.

Iyong legal remedy diyan ay magbalikan. Hindi imposible iyon. In fact, that’s probably what’s going to happen. Ang tanong lang, pahahabain pa ba natin ang proseso kung from the beginning, in good faith pumayag na tayo. Ibalik nalang natin ang pera.

Nakakahiya. Magkaharap iyong mga resource speakers na siguro may kinalaman dito sa mga taga-Bangladesh. Hindi lang ambassador, nandoon pa ang representative ng AMLC nila, may mga representatives po sila.

Can you imagine Karen? Kung ito ang nangyari sa Pilipinas, can you imagine ang iskandalong nangyayari kung ninakawan tayo ng 81 million dollars?

Kaya ako, the fastest na maibalik natin ang perang iyan, the better for our country.

 

Vic: May tanong dito ah. Hindi ko na sasabihin sa iyo pero galing sa Congressman. Bakit hindi habulin ang mga naglaro? Iyong tao dapat ang hulihin. Si Mr. Chao at iyong mga ibang naglaro.

 

Sen. Bam: I agree. Dapat habulin din. Hindi pa na-poproduce kung sino ang mga taong iyan.

 

Vic: isa pang tanong. Sabi nga ni Sen. Enrile kanina nakikita ko ang body movements ng mga resource speakers, why is it that only Kim Wong ang agresibong magbalik ng pera? What’s happening to Philrem?

Bakit si Kim Wong, kahit iyong utang sa kanyang 450M, utang nga sa kanya iyon, inilabas pa rin niya. How is that?

 

Sen. Bam: Alam mo, Vic, until now sinasabi ng Philrem na wala ng pera na nasa kanila. Ang testimonya nila, wala ng pera sakanila. But again, I will show it out ano? Magkaibang-magkaiba ang kwento ni Kim Wong at ang kwento ng Philrem.

Ang difference nila, 13 million dollars and 200 million pesos. Iyon ang pagkakaiba sa kwento nila. Ang kung totoo nga na na encash nila yan, Karen nandito pa yan sa ating bansa. 13 million dollars and 200 million pesos. In speculation yan kung totoong na encash nila.

And ako kanina, I wanted to point out rin ang inconsistency sa mga kuwento kasi every hearing, paiba-iba ang kuwento.

 

Karen Davila: Actually, Sen. Aquino, I agree with you. Nakakainsulto na nga ito si Deguito at Philrem. Parang grabe ang tolerance ng mga Senador.

Una tama ka, paiba-iba ang kuwento. Pagkatapos niyan ang lakas ng loob gumawa ng ganito, pagkatapos lalabas na kunwari walang nagkakaalaman sa Senado.

Ito sir ang gusto kong tanungin, is it possible in a way, alam mo si Kim Wong maraming bumibilib sa kanya eh. Dahil at least siya ang pakiramdam ng iba, buti pa ito nagsasauli ng pera.

Is it also because, let’s be honest, kasi ang casino, any money you receive today, is not covered under AMLAC so technically hindi mo makasuhan si Kim Wong, is that correct?

 

Sen. Bam: I think if I’m not mistaken kasama na siya, under investigation na siya ah. Kahit itong pagbabalik niya ng pera, hindi ko alam kung mali, kung kakasuhan siya o hindi but kumbaga kapag nasa korte na ito, syempre titingnan ng korte kung sino ba ang nagbalik ng pera? Diba? Siyempre kasama yan sa determination.

Right now, ang line up question ko is ano ang maibabalik natin kaagad? Ang perang dumaan sa Midas, we’re trying to find out kung maibabalik talaga ang pera na iyan.

Ang perang nasa Solaire sabi nila, ang karamihan pumunta doon sa 2 junket operator, pero meron ding nilaro sakanila.

 

Vic: Are we running after the 61 million or just a part of it?

 

Sen. Bam: Dapat lahat. Kasi ito nga ang tanong ko kay AMLC eh. Sabi ni AMLaC basta galing sa money laundering yan, galing sa maduming bagay iyan, ang ending niyan sa korte, civil forfeiture.

Kung ano ang nagamit mo gamit ang perang iyan, magbabalikan. And ako naman, ang tingin ko, if you are a valid and legal institution, bakit mo kikimkimin ang pera na alam mong madumi? Dapat kusa mo nang ibalik yan.

Now, baka sabihin ng mga iba ay wala namang court order. So sabi ko, mag-file na kayo ng civil forfeiture, kasi kaso yan. Pero ang kabilang panig, huwag na nilang i-confess o huwag na nilang i-claim ang perang iyan.

Ibalik na nila kaagad. And there, makikita talaga natin kung sino ang gustong kimkimin ang maduming pera, at sino ang handang magbalik.

 

Karen Davila: Now on another note, ano ang liability or accountability ng isang remittance company katulad ng Philrem? Ipaintindi niyo sa amin, Sir, kaming mga ordinaryong Pilipino, kunwari kami ba ni Vic, pwede ba kaming magtayo na lang ng remittance company tapos may magbibigay sa amin ng 20 million dollars at maghahanap kami ni Vic.  Kami pagpapalit all over, ano po ba ang accountability ng ganoon?  

 

Sen. Bam: Well unang-una, Karen at Vic, talagang mag-uulat ang mga hearing ng mga reporma sa batas kasi marami talagang nagsasabi na ang casino ay hindi under AMLA, pagiging maluwag sa mga remittance company. Iyon talaga ang kailangang baguhin.

 

Karen Davila: Pero actually ang remittance company ay under AMLA no?

 

Sen. Bam: They are a covered institution.

 

Karen Davila: Pero ang isang kumpanya na tulad ng Philrem which is a remittance company, ano ang nakasaad sa batas sir? At a certain amount should they report it?

 

Sen. Bam: Ang alam ko walang ganoong rule.

 

Karen Davila: Ang Philrem, hindi pa inaamin sa Senado kung magkano ang kinita nila sa lahat ng ito. At the very least si Kim Wong alam natin kung magkano ang kinita niya, magkano ang nasa kanya. Itong Philrem, inuuto tayong lahat.

 

Sen. Bam: Ang testimonya nila ay mga 10 million ang kanilang kinita. Although ako, honestly hindi ako naniniwala na ganitong kalaking pera tapos 10 million lang ang kikitain mo.

Now, ako kasi, hangga’t hindi nagtutugma ang testimony ni Kim Wong pati ni Philrem, it clearly shows na mayroong isa diyan na nagsisinungaling.

13 million dollars and 200 million pesos ang pinagkaiba ng kanilang kuwento. Malaki talagang pera iyon.

 

Karen Davila: Alam mo actually, Senator, nakaka-disturb na ang actuation ng Philrem owners specifically iyong Irene Bautista, she’s very casual.

 

Sen. Bam: Ako the fact na every hearing may dumadagdag sa kwento, palagay ko nakita niyo kanina medyo nainis talaga ako. Nainis ako dahil every single time, nag-iiba ang kwento.

Dumadagdag. Ang una, 600 million pesos lang. Iyong pangalawa, naging 680 million.

Iyong pangatlo yata si Wei kansu lang o kasama pala si Kim Wong. Ngayon, may mga transaksyon na hindi pala kasama si Kim Wong, so medyo paiba-iba.

Now, lahat iyan lalabas sa report. Lalabas iyan sa determination namin ng mga nakikinig, lalabas at lalabas ang mga inconsistencies nila.

 

Karen Davila: At hindi lang iyon Sen. Bam. Magkano ang kinita ni Deguito rito? Let’s face it, si Kim Wong nagsasauli ng pera. Si Deguito nagbasa pa ng speech sa Senado kanina na ang drama niya ang ginamit po ako, nagpagamit ako para ma-advance ang career ko pero we are all forgetting iyong testimonya ni Agarato sa bangko na ang lakas ng loob nitong si Deguito na, “Oh magkano retirement mo? Limang milyon ba?”

Nakita niyo sir, ito ay isang babae na in her scope of power, was also bribing people sa range po niya.

 

Sen. Bam: Naniniwala ako na maraming involve dito. At least iyon naniniwala ako doon.

 

Karen Davila: Kanina one of the advances na ginawa ninyo is you made an effort na alamin sa LTO kung totoo ang mga lisensya na sinubmit which I have to say that was quite good entrepreneurial work and in your staff. 

Because ang nangyari ngayon, ang RCBC napa-oo ninyo na dahil nag submit ang LTO na lahat fake, napa-oo ang RCBC that they will open all the fictitious accounts. Tama ba sir?

 

Sen. Bam: Yes. Tama iyon Karen.

 

Karen Davila: Sen. Bam last question po. I’m curious, noong nagbigay ng stop payment order ang Bangladesh government, ang central bank ng Bangladesh ay humingi ng stop payment order.

Was it a US Federal Reserve or iyong Bangladesh ang humingi ng stop payment order?

 

Sen. Bam: Hindi ako sure Karen. On Thursday, masasabi ko po kung sino ang nag decide. I’m just not sure right now.

Transcript of Senator Bam Aquino’s DZMM “Garantisadong Balita” interview with Gerry Baja

Q: Kumusta ho kayo sa Senado? Kumusta ang hearing sa Senado?

A: Maayos naman Gerry. Today actually ang pagbabalik ng Senate. First day ng session namin. Galing lang kami sa two-week break. So mamaya balik na naman tayo sa mga pangyayari sa Senado. Tayo naman, of course, alam mo naman ang focus namin ay trade, commerce and entrepreneurship, iyon ang ating committee.

During the break, nagkaroon tayo ng hearing sa port congestion. Siguro, sa ibang araw puwede rin pag-usapan iyon kasi kakaiba rin ang usapin diyan.

 

Q: Mukhang may epekto ho iyan sa presyo natin ngayong papalapit na ang Christmas season?

 A: Iyon talaga ang binabantayan ng Task Force Pantalan at ng ating komite na itong port congestion natin kapag naresolba na sana at the soonest possible time, hindi makakaapekto sa presyo ng bilihin. Kasi iyon naman talaga ang ayaw ng mga tao, ang tumaas ang presyo ng bilihin.

Nandiyan din ang competition bill na isang napakabigat na bill. Ito iyong anti-monopoly, anti-trust bill at mamaya tatalakayin na naman natin ito. Ito ang isa sa mga priority bills ng Malacanang at priority ng ating komite.

Meron din kaming tinatawag na cabotage bill. Hindi iyan tungkol sa cabbage gaya ng sinasabi ng ilang tao. Ang cabotage bill po ay isang panukala na kumbaga, hindi puwedeng pumunta sa local ports natin iyong mga foreign vessels.

Of course, ginawa po yan dahil sa security concerns pero nakakataas din po ito ng presyo ng bilihin dahil tumataas po ang presyo ng logistics natin. In the end, napakataas po ang pag-ship ng produkto. So again, babalik po ito sa presyo ng bilihin.

Of course, binabantayan din po natin ito. We’re hoping that with some reforms, mapababa po natin ang presyo ng pag-ship ng produktong mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

 

Q: Marami po pala kayong tinututukan diyan Senator Bam. Pero ang marami sa ating kababayan, nakakatawag lagi ng atensiyon diyan sa Senado ay iyong hearing ng sub-committee ng Blue Ribbon?

A: Hindi po ako miyembro ng sub-committee pero puwede po akong dumalo.

 

Q: Pero bakit hindi po kayo dumadalo?

A: Unang-una, ang dami nating ginagawa. Of course, pagdating kasi sa pahayagan at sa media, parang iyon na lang ang ginagawa ng Senado. Pero ang totoo, maraming ginagawa, maraming tayong bills na tinatalakay. Palagay ko ang tatlo nating kasama, sina Senators Koko, Allan at Trillanes, talagang binigyan nila ito ng buong pansin. They put a lot of focus on this, kaya palagay ko sila na lang.

Ang stand ko diyan, kahit anong isyu ng corruption puwedeng imbestigahan iyan ng Senado. Kahit vice president pa iyan, presidente pa iyan, kahit barangay captain iyan, ganon po kalawak ang kapangyarihan ng Blue Ribbon.

Lahat kaming government officials, kung may mga akusasyon sa amin, kailangan naming harapin talaga.

 

Q: Mayroon hong second invitation yata ngayon kay VP Binay para umattend. Kung kayo ang tatanungin, dapat po ba siyang humarap sa imbestigasyon ng Senado?

A: Palagay ko, ang ginagawa niya sinasagot niya ang isyu through his lawyers, sa mga presscon. Palagay ko dapat per point masagot naman niya, kasama na doon lahat.

In fact, kanina na-mention mo, bakit iyong Malampaya wala pa. Ako, kahit iyon kailangang imbestigahan natin. Hindi naman puwedeng mawala ang isyu na iyon.

Iyong issues diyan, simple lang. Kung may mga ganyang klaseng akusasyon to anyone, kahit sino pa iyan, dati o ngayon, kailangang harapin niya.

 

Q: Kayo po ay miyembro ng Liberal Party. Napagbibintangan ho dito sina Senator Cayetano na NP, si Senator Trillanes NP at si Senator Koko PDP, wala hong LP pero ang sinasabi ng Binay camp, ito’y kagagawan ng LP. May nalalaman po ba kayo roon?

A: Hindi po namin napag-usapan ang hearing ni VP Binay. We’re given the respect of our having our own independence. Kung makikita mo naman ang mga moves natin, ang mga panukalang hinahain namin, it’s really more of an individual basis at hindi block voting.

Hindi ko alam kung saan sila nanggagaling pero makikita mo naman, hindi aktibo ang Liberal sa hearing na iyan. Pero kung umabot man iyan sa main committee, gaya ng panahon ng PDAF na buong komite ng Blue Ribbon ang duminig ng issues diyan, handa naman kaming makasama at makilahok sa mga pangyayari.

 

Q: Si Mayor Junjun Binay mukhang dedesisyunan na ho dahil hindi na siya uma-attend ng hearing.  Ano ho ba ang pagkakaalam niyo sa rules ng Senado, puwede bang i-cite for contempt ang isang local chief executive na ayaw umattend ng hearing?

A: Alam mo Gerry, hindi ako sigurado sa exact na panukala. Of course, ang kapangyarihan ng Blue Ribbon Committee napakalawak niyan. I’m sure kung ano man ang i-decide ng sub-committee, baka i-raise pa iyan sa main committee, kung ganon na katindi iyan na may mga contempt charges na or mga subpoenas na ibibigay.

 

Q: Senator Bam, ano ho itong Senate Bill 2122?

 A: Na-file po namin ito noong February 12, 2014. Ito ang tinatawag nating anti-discrimination bill. Sa totoo lang, ang sakop nito ay larger than the LGBT community dahil kasama po dito ang social class, race, religion, ethnicity, civil status, medical condition status at iba pa po.

Basically, ang sinasabi po nito, hindi po puwedeng mag-discriminate based on these issues. For example, mayroong establishment, kunwari hindi ka puwedeng pumasok sa restaurang na ito dahil bading ka o iba ang relihiyon mo, o dahil mukha kang busabos. Bawal po iyon at puwede silang sampahan ng kaso.

Sa totoo lang po, nasa Constitution naman natin iyan na mayroon tayong equal protection at dapat walang discrimination pero wala pong batas na masasabi natin na nagbibigay ng penalties ukol dito.

Noong binuo po namin ang bill na ito, hindi pa po namin nasa isip talaga ang hate crime kasi ito pong isyu ni Jennifer Laude, ito lang po ang nagbigay sa amin ng ideya na maglagay ng hate crime dito.

The bill, as filed, wala pang hate crime na nakalagay. Nakatuon siya sa trabaho at government services. Na kunwari, iba ang relihiyon mo, and you’re denied basic services because of race, religion, ethnicity, LGBT, medical condition status, puwede po kayong magsampa ng kaso against all entities.

 

Q: Sino ang kakasuhan?

A: Iyong offending party. Kung sinuman ang nagdi-discriminate. Sa totoo lang po, iyong ganitong klaseng batas, hindi naman po ito bago pero sa bansa natin, bago po ito. Sa ibang bansa, pangkaraniwan na po iyan na kapag nagdi-discriminate ka, puwede ka talagang parusahan.

Ngayon pong nangyari kay Jennifer Laude na nakita naman natin na karumal-dumal na krimen, isipin niyo po kung gaano ka-grabe iyon, puwede po nating masabi na kung ang krimeng iyon ay ginawa dahil siya ay isang LGBT, puwede pong tumaas ang penalty sa probisyon na balak natin isama.

In other countries gaya po ng Estados Unidos, ang kanilang hate crime legislation, matagal na po iyan, more than one hundred years na. Doon po, kung mayroon kang krimen na ginawa sa isang minoridad, dahil siya ay isang minoridad, matindi po ang isyu ng race sa United States sa tinatawag na African-American or American-Indian. Kung gawin mo ang isang krimen, especially pag violence po ito, binugbog mo o pinatay po. Dahil may kasamang aspeto na ginawa ito sa isang minoridad, tumataas ang penalties.

Iyon po ang gusto naming idagdag dito sa batas na ito although admittedly, wala pa po itong committee hearing. Balak po naming isama po iyon na kung mayroon mang krimen corresponding to violence, assault or even murder, in this case, kapag mayroon pong elemento dahil ikaw ay isang minoridad, puwede pong itaas ang penalties na ibigay sa iyo dito.

 

Q: Pati sa edad sinabi niyo sa trabaho?

A: Iyong edad po, wala pa siya sa version na ito. Pero may ibang laws na currently pinag-uusapan natin, iyong age discrimination, isasama natin iyan pag nag-committee hearing na tayo.

 

Q: Na dapat hindi i-discriminate sa trabaho kahit may edad na?

A: Nang walang rason. Kasi po makikita niyo sa ibang fastfood. Looking for hire, cashier must be 25 and below. Walang rason. Bakit iyong 26, 27 o kahit sabihin mong 50 years old, hindi ba puwedeng magtrabaho iyon.

In a hearing, diniretso na po namin ang DOLE, puwede po ba ito o hindi. Sabi nila, hindi po puwede iyan, gumagawa ka ng discrimination sa edad nang walang rason.

Pero sabi ng DOLE, wala naman kasing batas na nagbibigay ng penalty. Ito po ang batas na magbibigay ng penalty.

Of course, iyong trabaho na pinapasukan po natin, mayroon talagang rason kung bakit kailangang ganun katanda o kabata, iba po iyon.

If there are jobs na wala naman talagang reason kung bakit kailangan 25 years old, 26 years old and below, diskriminasyon na rin po iyon.

 

Q: Malawak po talaga itong panukalang batas ninyo Senator Bam. Masasaklaw na niya lahat ng klase ng diskriminasyon, mapa-trabaho, eskuwela at sa government services. Halo-halo na.

A: Kapag nag-hearing na po tayo dito, we hope na iyong iba’t ibang grupo, na ang feeling nila kulang pa ito, puwede silang lumabas o may mga iba na magsasabing sobra naman iyan, huwag nang isama ang civil status o political inclination, public hearing naman po iyan, puwede naman pong magtalakayan ang iba’t ibang grupo doon.

 

Q: Nabanggit niyo po ang civil status, hindi kaya maging daan ang panukalang batas niyo para magkaroon ng same-sex marriage sa atin?

A: Hindi iyon ang intention ng bill na ito. Mayroon na pong isang indibidwal ang lumapit sa atin at nagsabi na baka maging inroad iyan sa same sex marriage. Ang sabi ko naman sa kanya, alam mo ang same-sex marriage, matinding talakayan iyan that needs a separate discussion altogether. Ang bill na ito ay tungkol sa diskriminasyon at ito ang nararamdaman ng maraming Pilipino sa pang-araw-araw nilang buhay.

 

Q: Ang sabi ng iba, diskriminasyon daw hong maituturing kapag ayaw mong payagan na mabigyan ng kasal ang dalawang nagsasama na pareho ang kasarian. Diskriminasyon ba iyon para sa inyo?

A: Alam mo sa totoo lang, iyan ang isang bagay na kailangan pa talaga ng talakayan sa Senado at sa Kongreso.  Kasi, kung tutuusin ang usapin ng RH, lasted 20 to 30 years. Talagang mabigat ang usapan at noong nagkaroon ng botohan, talagang masabi natin na na-divide ang lipunan.

Any discussion on same-sex marriage will need the right type of debate and discussion in Senate and Congress. Open debate, in the same way na iyong mga  mabibigat naman na isyu sa isang democratic country, kailangan talaga pag-usapan  iyan na open, public at iba’t ibang grupo ang puwedeng mag-share ng saloobin.

Iyong same-sex marriage, sa totoo lang, will need amendments. May ibang nagsasabi na kailangang Konstitusyon din daw. Kailangan talagang pag-aralan pa, even the Family Code will have to change. That needs further discussion.

But itong anti-discrimination bill, palagay ko mabigat na ito, dapat pag-usapan na. Nangyayari na ito sa pang-araw-araw na buhay ng tao.

 

Q: Baka lapitan kayo ng mga miyembro ng LGBT dahil may kinalaman din laban sa diskriminasyon ang inyong panukala.

A: Actually, iyong LGBT community nag-consult naman kami sa kanila on this bill. They are in favor of this bill. In fact, marami ngang nagsasabi na dapat matagal na ito.

In our society, I’d like to think, we’re loving and caring society. Basta’t kapwa Pilipino natin, kapwa human being natin iyan, dapat maayos ang trato natin sa isa’t isa.

 

Q: Salamat po Senator Bam, magandang umaga po. Kami po’y natutuwa sa inyong pagbisita sa studio.

A:  Salamat po Gerry, at sa mga nakikinig sa atin, maraming salamat po.

Alam niyo po, itong bill, isa lang po ito. Of course na-mention ko na po iyong ibang bills natin.

Iyon isa pa pong tinututukan natin, iyong IRR ng Philippine Lemon Law, ngayon po ay binubuo na, at iyong Go Negosyo Law, na isa pong batas na magbibigay tulong sa maliliit nating negosyante.

Kahit po iyon, binubuo na po iyong IRR, pareho po ng Department of Trade and Industry. Binabantayan po natin iyan upang ma-implement at the soonest possible time.

 

Scroll to top