ejk hearing

Bam on testimony of Edgar Matobato

Nakababahala ang mga rebelasyon ni Matobato.

 Nararapat na malaman natin kung totoo o hindi ang mga sinasabi niya at payagan ang Senado na gawin ang kanyang tungkulin.

 Madaling guluhin ang mga bagay-bagay kapag binabahiran ito ng pulitika.

 Bilang Senado na hindi nagpapaimpluwensya kanino man, tungkulin namin sa taumbayan na alamin ang katototahan nang walang kulay pulitika.

Bam confirms PNP crusade on drug personalities within their ranks

Transcript of Sen. Bam’s questions to Gen. Bato dela Rosa, Senate Hearing on extra-judicial killings (EJKs):

 

Sen. Bam: Currently ho, nag-iimbestiga rin kayo among your ranks. Marami ho sa amin rito, nagugulat sa kuwento niya, na iyong pulis mismo ang nagsu-supply sa kanyang mga magulang <ng droga>. Ito po ba’y nakakagulat sa inyo o pangkaraniwang kuwento na ngayon?

 Gen. Dela Rosa: Hindi po, your honor. In fact, marami na tayong pulis na pinagtatanggal sa kanilang assignment. Tinapon natin sa Mindanao dahil nga, through intelligence report, nalaman natin na ganoon ang kanilang involvement sa drugs.

Pero ito ngayon na meron talaga tayong witness, i-prosecute talaga natin ang pulis na ito, itong mga involved na ito.

 Sen. Bam: So kapag involved po diyan sa illegal na gawain, especially sa illegal drugs, ano ang ginagawa ng PNP sa mga pulis? Itatapon lang ba o kakasuhan?

 Gen. Dela Rosa: Kakasuhan, your honor. That’s why sinabi ko po na tinapon para right there and then, nadi-disrupt ang operasyon nila, pending the right evidence to prosecute them.

 Kagaya nito, kung hindi siya lumabas, wala kaming hawak na ebidensiya against these people. Kaya para ma-disrupt iyong drug operations nila sa kanilang AOR, tinatapon namin sa ibang lugar, para hopefully ma-disrupt.

 Pero, hindi humihinto ang IAS natin sa kahahanap ng ebidensiya para sila’y mapapanagot sa kanilang gawain.

 Sen. Bam: Sa inyo po, whether kasama niyo po ngayon sa PNP, wala sa PNP, retirado na o active pa, hindi na aktibo, basta may kinalaman, hahabulin po ninyo?

 Gen. Dela Rosa: Hahabulin po namin.

 Sen. Bam: Ito pong testimony niya, will you consider this in the resolution of the case of her mother? Magiging kasama po ba sa inyong imbestigasyon ang sinasabi niya?

 Gen. Dela Rosa: Yes, your honor.

 

-000-

 

Sen. Bam’s interview after Senate hearing:

 Kailangan talagang linawin iyong police action – ano iyong extra-judicial killing, ano iyong collateral damage?

 Palagay ko, sa kuwento ng mga witnesses, mukhang kailangan pa itong himayin. Bukas, I think si Gen. Dela Rosa, magbibigay ng report niya. Magandang malaman natin ang katotohanan dito.

 

Q: Pero malinaw naman na mukhang hindi kukunsintihin under the leadership of Gen. Bato itong mga sinasabi na vigilante killings?

Sen. Bam: Natuwa naman ako noong sinabi niya na siya mismo iyong mag-iimbestiga sa mga pulis na pinangalanan ng witness. That’s a good sign and hopefully, tomorrow mas mailahad niya ang kanyang mga plano upang mas malinis ang kanyang hanay.

Scroll to top