Fallen 44

BIDA KA!: Mike 1 Bingo

Hindi maikaila na naging malungkot nang sinariwa muli natin ang mga huling oras ng Fallen 44, mula sa kanilang pagdating sa lugar hanggang sa huli nilang radio contact.

Ngunit huwag nating kalimutan ang tatlong salita na tumatak at nangibabaw sa pagdinig: “Mike 1 Bingo.”

Ito ang text ng isa sa mga ipinadala ng mga operatiba ng SAF, sinasabing napatay nila ang international terrorist na si Zulkifli bin Hir alias Marwan.

Hudyat ito na mission accomplished ang kanilang lakad. Nabura na nila sa mundo ang isa sa kinakatakutang terorista na siyang may-gawa ng ilang pagpapasabog sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Sa kabila ng sari-saring isyung lumitaw ukol sa pangyayari, huwag sanang mawala sa ating isipan na natapos nila ang kanilang misyon.

Ang kapalit ng pagkawala ng Fallen 44 ay mas tahimik na Pilipinas at ng buong mundo para sa atin at sa ating mga anak.

***

Humarap din sa pagdinig ang kontrobersiyal na si dating Special Action Force (SAF) head Getulio Napeñas, na siyang namuno sa nasabing operasyon.

Sa kanyang testimonya, pinanindigan ni Napeñas na isang “judgment call” ang kanyang desisyon na huwag ipaalam sa pamunuan ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang operasyon.

Ang paliwanag ni Napeñas, sa ilan nilang lakad kasama ang AFP, nakapuslit na si Marwan bago pa man sila dumating sa hideout ng terorista.

Sa pangambang muling hindi mahuhuli si Marwan, nagpasya si Napeñas na hindi muna ipaalam sa AFP ang mga plano at sabihan na lamang sila sa araw ng operasyon o kapag “time-on-target” na.

Sa pasyang ito, nahuli ang tulong ng AFP at naging isa sa mga dahilan kung bakit napakarami at karumal-dumal ang namatay mula sa SAF.

Sabi ng marami, kung nakipag-coordinate lang si Napeñas sa AFP, malamang na hindi umabot sa ganoon ang pangyayari. Natupad nga nila ang misyon ngunit marami namang buhay ang nasawi.

Ngunit mauuwi rin ba sa pagkamatay ni Marwan kung naki­pag-coordinate muli si Napeñas sa AFP at muli itong makakapuslit?

Kasaysayan ang siyang huhusga kay Napeñas kung tama o mali ang kanyang judgment call sa operasyon.

***

Mga Bida, kapansin-pansin naman ang hindi pagdalo ng ilang matataas na opisyal ng MILF, sa pangunguna ni Mohagher Iqbal, ang pinuno ng peace panel.

Kaya ‘di naiwasan ng ilan nating kapwa senador ang magpakita ng inis, lalo pa’t maraming katanungan na dapat nilang sagutin.

Kailangang makiisa ang MILF sa paghahabol natin ng katotohanan at hustisya para sa Fallen 44.

Hindi sapat ang pagbalik ng armas ng Fallen 44.

Bilang pakikiisa sa paghahanap ng katarungan para sa mga nasawi, hinihiling natin sa kanila na isuko nila ang mga pumatay sa SAF 44 at idaan sa tamang proseso ng ating mga batas ng bansa.

Kung tunay silang nakikiisa, hindi nila pahihirapan ang ating mga imbestigasyon at makikipagtulungan silang mabigyang li­naw ang ating mga katanungan sa mga nangyari.

***

Mga Bida, naghain ako ng resolusyon na bigyan ng posthumous Medal of Valor ang Fallen 44 upang kilalanin ang kanilang katapangan, kagitingan at ginawang sakripisyo para sa kapa­yapaan ng ating bansa.

Sa ilalim ng resolusyon, ang mga nabiyuda o ‘di kaya’y iba pang umaasa sa award ay mabibigyan ng habambuhay na monthly pension at puwedeng maging empleyado ng National Government Agencies (NGAs) o Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs).

Nais nating hindi makakalimutan ang ginawa nilang sakripisyo na magsisilbing inspirasyon para sa ating mga kababayan na patuloy na pagsilbihan ang bansa.

***

Nakikiramay tayo sa mga pamilya ng 44 na PNP-SAF na nagbuwis ng buhay para sa kapayapaan. Sa mga gustong tumulong sa kanila, maaaring mag-donate sa DSWD-Landbank Account, “DSWD-Armed Conflict Mamasapano, Maguindanao,” LBP Current Account No. 3122-1026-28 o sa PNP-Landbank Account, “PNP Special Assistance Fund,” LBP Current Account No. 1862-1027-77.

 

First Published on Abante Online

BIDA KA!: Saludo sa #Fallen44

Batay sa ulat, napatay na ng elemento ng SAF si Marwan bago nila nakasagupa ang mga elemento ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sa paghupa ng bakbakan, isang mapait na tanawin ang tumambad sa lahat. Nabuwal ang ating mga bayani na ibinuwis ang kanilang buhay para mapanatiling ligtas ang ating bansa laban sa gaya ni Marwan.

Ang kanilang ginawa ay higit pa sa kabayanihan.

Isinakripisyo nila ang kanilang buhay para sa kaligtasan ng bansa at ng mundo, upang tayo’y mabuhay ng tahimik at malayo sa banta ng terorismo.

Sa Fallen 44, maraming salamat sa inyong sakripisyo, kagitingan at katapangan. Mas ligtas ang Pilipinas sa ginawa niyong kabayanihan.

***

Sa gitna naman ng sisihan at turuan kung sino ang may kasalanan sa sinasabing mis-encounter, huwag sanang maisantabi ang paghahabol sa hustisya para sa ating mga nasa­wing bayani.

Hindi dapat humantong sa wala ang pagkamatay ng ating mga bayani. Dapat managot sa batas ang gumawa nito. Dapat mabigyan ng katarungan ang kanilang pagkamatay para na rin sa kanilang mga naulila.

Kaya panawagan natin sa pamahalaan at MILF, magsagawa ng totohanang imbestigasyon ukol sa pinag-ugatan ng nangyari.

Malaki rin ang gagampanang papel ng MILF upang makamit ang hustisya. Mas mabilis itong maaabot kung kusa nilang isusuko ang mga tauhan na sangkot sa pagpatay.

Makatutulong na sila sa pagbibigay ng hustisya, makikita rin na handa silang makiisa sa hangarin ng pamahalaan na magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

***

Sa nangyaring bakbakan, nalagay sa alanganin ang usapang pangkapayapaan sa panig ng pamahalaan at MILF.

Mukhang maaantala rin ang pagpasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL) na magbibigay-daan sa pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao kasunod ng pag-atras ng suporta ng ilan sa kapwa ko senador.

Huwag tayong magpadalus-dalos at pakawalan na lang ang BBL. Malayo na ang narating ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at MILF para basta na lang isuko.

Hindi dapat maantala ang hangarin nating magkaroon ng kapayapaan dahil sa nangyaring trahedya. Ang BBL ang pinakamalaking tsansa natin para magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

Kapayapaan ng buong bansa ang nasa puso’t isip ng Fallen 44 nang sumuong sila sa Maguindanao noong Linggo ng gabi.

Masasayang lang ang ginawa nilang sakripisyo kung hahayaan nating mauwi sa wala ang BBL. Ito ang susi sa pangmatagalang kapayapaan at pag-unlad ng Mindanao.

***

Nakikiramay tayo sa mga pamilya ng 44 na PNP-SAF na nagbuwis ng buhay para sa kapayapaan. Sa mga gustong tumulong sa kanila, maaaring mag-donate sa DSWD-Landbank Account, “DSWD-Armed Conflict Mamasapano, Maguindanao,” LBP Current Account No. 3122-1026-28 o sa PNP-Landbank Account, “PNP Special Assistance Fund,” LBP Current Account No. 1862-1027-77.

 

First Published on Abante Online

At a crossroads

In the next few weeks, we can expect news reports to revolve around the debates on the amendments on the draft of the Bangsamoro Basic Law and how it has been affected by the tragedy in Mamasapano, Maguindanao.

With the spotlight on the conflict in Mindanao, we are confronted with countless questions and emotions associated with distrust and, ultimately, fear.

Last month, the Senate released its committee report following the investigation on the Mamasapano clash and I am one of the senators who signed the committee report with reservations.

Though I agree with majority of what was written, I disagree with some of the conclusions made regarding the actions of the peace panel, the peace process, and the proposed Bangsamoro Basic Law itself.

There were conclusions about the“excessive” optimism of the peace panel, and the report went as far as calling the Bangsamoro Basic Law a “casualty” of the Mamasapano clash. These statements went beyond the scope of the hearings.

While the peace panel was represented during the Senate investigation, they were not able to present the proposed Bangsamoro Basic Law in depth nor were they able to discuss the peace process in detail.

We wrote the committee asking for clarifications and, if necessary, we will propose amendments once the report reaches the plenary.

These next few months are crucial if we are to achieve justice for our fallen heroes. We must maintain our focus on three things: First, we must capture those that were involved in the summary killing of the SAF 44 and have them stand trial for their crimes.

Second, we must ascertain that the families of the Fallen 44 are cared for and that the donations and benefits awarded to them are properly turned over.

And third, we must work to the best of our abilities to have peace in Mindanao so that tragedies like this will no longer happen again.

Through the course of the Mamasapano hearings, a number of concerns have been raised regarding the proposed Bangsamoro Basic Law. Some of these are with regard to constitutionality and others with regard to resources to be allotted for the proposed Bangsamoro new political entity.

The most pressing concerns, though, are with regard to the MILF itself and their ability to be partners in the peace process.

The crossroads we now face are whether legislators will seek to address these concerns through changes in the Bangsamoro Basic Law or whether these concerns mean the junking of the bill and possibly, the peace process altogether.

Though it may not seem that way now, before Mamasapano, we were closer than we had ever been to ending the decades-long conflict in Mindanao. Can we find our way back amidst the anger, fear, and grief that befell us?

The answer to this pregnant question is not just a “Yes,” but a “We have to.”

To honor those that have fallen in Mamasapano, and the thousands more throughout the decades of armed conflict, we have to.

To protect families from being displaced and torn apart by armed conflict, we have to.

To ensure that Filipinos stop killing each other, we have to.

It is the job of the Senate to debate, deliberate, and refine the proposed Bangsamoro Basic Law and produce the best possible version that addresses the concerns in our peoples’ hearts and minds.

We must learn from the Mamasapano incident and let spring forth a stronger regime of peace instead of letting the tragic event be a catalyst for more violence, war, and terror.

It is “the better angels of our nature,” as Lincoln once said, that will help us decide what path to take.

 

First Published on Manila Bulletin

Excerpts from Sen. Bam Aquino’s Questions during the Senate Mamasapano Hearing

Sen. Bam kay Gen. Lapenas: Lumalabas na mayroon kayong judgment call na ginawa na umabot po sa kung saan tayo ngayon. So General Lapenas, first I would like to clarify na ang ating SAF forces ay best of the best?

Gen. Napenas: It is not 100 percent conclusion, your honor.

Sen. Bam: But you are the elite in the PNP?

Gen. Napenas: As far as the PNP is concerned, that is true your honor.

Sen. Bam: Kasi po may report na nailabas na ang pinadala natin ay mga baguhan, di po totoo iyon?

Gen. Napenas: That is not true your honor, the troops that we sent to Mamasapano, they’re the best of SAF.

Sen. Bam: And they accomplished their mission? Tama po?

Gen. Napenas: Yes your honor.

Sen. Bam: Iyon ating pong misyon, after everything that has happened, ang tingin ninyo po ba it’s a valid mission and a planned out mission?

Gen. Napenas: It’s valid and a very legitimate mission, not only for us but for the Filipino people.

Sen. Bam: Do you still feel that it was a well planned out mission considering na hindi nakapag-coordinate sa ibang ahensiya and what happened?

Gen. Napenas: Yes, your honor.

Sen. Bam: Kayo po ay nagbigay ng isang judgment call na huwag sabihan ang AFP, tama po ba?

Gen. Napenas: Hindi po ako ang nagbigay ng judgment call na ganoon, your honor. Nagbigay sa akin ng statement si Gen. Purisima. Nakalagay doon sa aming operation plan, mayroon po tayo doong coordination table na TOT o time on target.

Sen. Bam: Ito’y po’y nakasulat. Hindi lang po ito verbal?

Gen. Napenas: Yes your honor, nakalagay sa operation plan, nakasulat.

Sen. Bam: Na-submit ninyo na po ba ito sa committee?

Gen. Napenas: We will submit it already. I suppose it was received by the office of Senator Grace Poe.

Sen. Bam: Nakasulat po na iyong AFP, TOT, doon po sa plano. At ibinigay ito sa inyo ni General Purisima?

Gen. Napenas: Siya po ang nag-approve ng plano, noong April pa at noong  November your honor.

Sen. Bam: Throughout all of the operation na ginawa ninyo, TOT ba lahat ang operation niyo o eto lang ang TOT.

Gen. Napenas: Nagsimula lang ito noong November your honor because of what happened noong April na operations na na-compromise ang operation natin dahil ang coordination sa 61B at mechanized brigade ay mayroon po iyon na April 25 na operation.

They were supposed to provide us iyong mechanized. However, nagmo-move on the way iyong tropa namin, suddenly iyong 61B commander tumawag through P/Chief Supt. De Los Reyes who was then in front of him, tumawag sa akin na hindi magbibigay ng mechanized assets, nasa iyo kung i-go mo o hindi.

Nagdecide ako na i-abort iyong mission dahil walang iyong mechanized assets.

Sen. Bam: Kumbaga, nasabi ninyo rin ito kahapon. Noong nakikipag-coordinate kayo sa AFP, hindi natutuloy ang oplan. Noong hindi kayo nag-coordinate, doon ninyo nakuha si Marwan.

Gen. Napenas: That’s true your honor.

Sen. Bam: Ngayon pong nangyari na ang nangyari, do you still stand by that lack of coordination na tama lang po na TOT iyong ating AFP?

Do you still stand by that or ngayon po na nag-uusap na tayo ngayon, may 44 tayong kapatid na namatay, do you feel na dapat nakipag-coordinate na lang kayo sa AFP?

Gen. Napenas: I stand with that your honor because that has been deliberated accordingly during the preparations of the plan and during time that we’re doing mission planning because of so many reasons that if we do coordination prior to the AFP, we will be compromised in the operations again.

Sen. Bam: Iyon po iyong masabi nating first judgment na ngayon po ay pinag-uusapan natin.

Ang pangalawa po ay iyong pagtulong ng AFP. I would like to ask General Pangilinan. Ayun po, pinag-uusapan po natin. P

akiramdam po ng ibang resource speakers natin, hindi po naging sapat ang tulong ng AFP. Pagdating po sa boots on the ground, nakatulong naman po kayo? Tama po?

Gen. Pangilinan: Yes your honor.

Sen. Bam: Ito iyong sinabi niyong I approved 1 and 2 but not No. 3.

Gen. Pangilinan: Actually I did not say I did not approve but rather hold.

Sen. Bam: Pero hindi rin po natuloy ang No. 3?

Gen. Pangilinan: Because there was no request after that.

Sen. Bam: So iyong 1 and 2, definitely po, iyong mga kapatid natin sa Army, tumulong naman sila sa PNP?

Gen. Pangilinan: Yes your honor.

Sen. Bam: In fact, may na-save kayo na 17 from the 84th Seaborne.

Gen. Pangilinan: 17 unharmed and 11 wounded in action, your honor.

Sen. Bam: So iyong tanong na lang, bakit hindi kayo nagpaputok? Bakit hindi po kayo nag-artillery?

Gen. Pangilinan: Nag-artillery po kami noong bandang hapon when we already have a clear picture of what was going on.

Iyong sinasabi po natin na bakit hindi kami nagpaputok ng umaga, its because we did not have a clear picture, enough information that were necessary in order for us to provide artillery fire support.

Sen. Bam: General, that’s your judgment?

Gen. Pangilinan: Doctrinal po iyan, your honor.

Sen. Bam: You’re telling us now, hindi lang iyan isang judgment, sumunod po kayo sa patakaran?

Gen. Pangilinan: Yes your honor, isa pong doktrina na sinusunod namin when we were firing artillery fire support.

 

Sen. Bam: Gen. Guerrero, hiningan po ba kayo ng advice o ng order ni Gen. Pangilinan pagdating sa artillery fire?

Gen. Guerrero: The guidance I gave when I was informed by the OIC of the PNP about the encounter of the PNP-SAF is for Gen. Pangilinan being the division commander on the ground to provide support.

Sen. Bam: Sinabi ninyo provide support, and then Gen. Pangilinan, nag-decide ka na ito ang support na ibibigay ko pero itong isa, dahil wala pang impormasyon, hindi ko muna ibibigay.

Gen. Pangilinan: Yes, your honor.

Sen. Bam: That judgment or decision on your part, hindi po kayo nagsisisi na hindi niyo naibigay ang pangatlong hiling ng SAF forces?

Gen. Pangilinan: I have not, your honor.

Sen. Bam: Gen. Napenas, alam po ba ng SAF forces na walang coordination sa AFP?

Gen. Napenas: Alam po ng mga tao natin, kasama doon sa mission planning iyong mga commanders, kaya alam na alam nila ang coordination sa AFP.

Sen. Bam: Hindi ninyo po ba naisip na pag walang koordinasyon, that the risk will be so high na mahirap tayong ma-extract doon sa lugar? O you considered that doon sa pagpaplano.

Gen. Napenas: Na-consider po your honor but we bank on the statement of P/Dir. Gen. Purisima that he will take care of the coordination kay Gen. Catapang.

Sen. Bam: Did you expect na mayroong coordination through Gen. Purisima o ang expectation po ninyo ay alam lang nila ng TOT?

Gen. Napenas: I cannot answer iyong coordination ni Gen. Purisima kay Gen. Catapang.

Sen. Bam: Gen. Purisima, anong klaseng koordinasyon po ang nagawa niyo kay Gen.Catapang?

Gen. Purisima: Your honor, on Dec. 19, 2014, I facilitated a meeting of Director Napenas, Gen. Guerrero, Gen. Pangilinan for a coordination meeting in Camp Aguinaldo. This is to thresh out the possible operation.

Sen. Bam: Let me ask Gen. Catapang. Iyon koordinasyon po sa Dec. 19, hindi po iyon sapat para sa isang full coordination ng isang operation?

Gen. Catapang: Yes your honor, but there was another meeting on Dec. 23 wherein Gen. Guerrero, Gen. Pangilinan, Gen. Napenas, Gen. Magnaye, 3rd Air Division in Zamboanga to thresh out the tactical coordination needed.

Sen. Bam: Kumbaga po General, in general alam ho natin ang nangyayari, iyong specific di natin alam, for the record.

Gen. Catapang: For the record, yes your honor.

Sen. Bam: So palagay ko po, iyong dalawang judgment ng ating dalawang general dito is really put into question.

I would like to ask Secretary Roxas, at this point po ang taumbayan nakikita nila kung ano talaga ang nangyari. The two judgment, ngayon po magja-judgment naman ang taumbayan.

With regard to the judgment done by our leaders in this operation, kadalasan po pinag-uusapan ang hustisya. Sometimes, pakiramdam ko po, kapag humihingi ng hustisya, ang hinihingi vengeance, paghihiganti.

Kayo, nakausap niyo po iyong mga pamilya, ano ho sa tingin niyo ang magbibigay ng hustisya para mga namatayan nating Fallen 44?

Sec. Roxas: Nagsisimula iyong hustisya, iyong katarungan, sa katotohanan. Nadinig ko iyan mula sa mga biyuda, sa mga naulila, iyong walang silang closure.

Sen. Bam: Ano po ang magbibigay ng closure sa families ng Fallen 44?

Sen. Roxas: Ang malaman po nila ang nangyari dito. Natural sa isang pamilya na hindi nila alam ang detalye ng operasyon. Inaasahan nila na pag na-trouble ang kanilang mister o anak, na ang puwersa ng pamahalaan ay nandiyan na sasagip sa kanila. 

So itong mga katanungan kung bakit hindi natulungan ng artillery, o late na, o kulang. Totoo nga bang hindi nagkaroon ng full coordination.

Bam: Medal of Valor for Fallen 44

A senator has filed a resolution seeking to posthumously award the Medal of Valor to the 44 Special Action Force officers who sacrificed their lives in Mamasapano, Maguindanao, saying they should be commended for their exemplary courage and heroism.

“The 44 officers of the PNP-SAF fought valiantly and sacrificed their lives in the performance of their duty,” Senator Bam Aquino said in his Senate Resolution No. 1156.

Sen. Bam said the bravery of the 44 SAF members led to the killing of international terrorist Zulkipli Bin Hir, alias Abu Marwan, during an operation in Mamasapano, Maguindanao.

“Their lives were in the service to the Filipino people and our nation’s quest for peace,” added Sen. Bam.

However, the SAF team came under intense rebel fire from members of the Moro Islamic Liberation Front (MILF) and the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), resulting in the death of 44 of its members.

According to the senator, Republic Act No. 9049 honors military heroes and affiliates for their supreme self-sacrifice and distinctive acts of heroism and gallantry by awarding the Medal of Valor.

“Their mission was accomplished and that the country became a safer place because of them,” Sen. Bam emphasized.

The Medal of Valor entitles the widower and/or dependents of the awardee to a lifetime monthly gratuity and precedence in employment in National Government Agencies (NGAs) or Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs) among other benefits

“Through this recognition, it is our hope that the nation will never forget what they’ve died for and be an inspiration for our fellow Filipinos to continue serving our country,” Sen. Bam stressed.

Transcript of Sen. Bam Aquino’s Interview at the KOMPRe People’s Conference in San Fernando, Pampanga

On the Fallen 44 and the Bangsamoro Basic Law

Sisikapin naming magkaroon ng hustisya para sa mga kasamahan natin na pinatay. Of course, kasama ako sa sumuporta sa Bangsamoro Basic Law. Ang hangarin natin na magkaroon ng kapayapaan, tuluy-tuloy pa rin naman iyan.

In the meantime na nangyari na ang trahedyang ito, hanapin muna natin iyong hustisya. Tingnan natin kung sino ba iyong kailangang managot dito on both sides.

Sabi ko nga, both sides are accountable. Hanapin natin kung sino ba talaga iyong dapat ma-charge, dapat maaresto. 

Siguraduhin natin na mangyari ang hustisya.

Q: Iyong hearing po ba itutuloy?

A: Tuloy ang hearing. That’s going to be on Wednesday.

Gaya ng maraming Pilipino, gusto po nating malaman kung ano talaga ang nangyari. Sino ang nag-utos, bakit sila napunta sa ganoong klaseng perhuwisyo at bakit nagpatuloy ang bakbakan nang ganoong katagal.

Marami sa atin ang na-shock, nagalit, nagdalamhati dahil sa nangyari.

Ang taumbayan po natin, naghahanap ng hustisya para sa ating mga kapatid na namatay, hahanapin po natin iyan.

Q: Sa hearing, sino po ang ipatatawag?

A: Probably from both sides ang tatawagin. I think ilalabas pa nila ang invitations so we’ll find out.

 I’m hoping na lahat ng taong involved, nandoon talaga para malaman natin kung ano talaga ang nangyari.

Q: Sir, iyong sa pag-surrender ng arms ng MILF?

A: Hindi lang arms at personal effects ang hinahanap ng taumbayan. Ako nga I would even go as far as to say na kailangang i-turnover ang mga taong involved dito

Q: Gaano po ito makakaapekto sa Bangsamoro Basic Law?

A: Malaking epekto ito talaga. I’m sure the bill might be modified, amended or changed dahil sa nangyari.

But hindi ibig sabihin noon, kailangang pigilin natin ang proseso. We need to still push for peace.

At the end of the day, ayaw na nating maulit ito ulit. Kung maghihiganti tayo, kung lulusubin natin ang lugar, it will just create a cycle of violence.

Kailangan ng ating mga kapatid na namatay ay hustisya, hindi paghihiganti.

Q: Gaano po kahalaga ang BBL para ma-attain ang kapayapaan, compared po sa sinasabi ni Mayor Estrada na all-out war?

A: Sa all-out war ni Mayor Erap, di hamak na mas maraming namatay. Hindi lang 44 iyong namatay doon, mas marami pang namatay. Iyon ang ayaw nating mangyari.

I think if we push for the peace measures, ang kalalabasan niyan is hindi na mauulit itong ganitong klase ng massacre o ganitong klaseng trahedya.

Hinahanap ng taumbayan ngayon ang hustisya. Hinahanap niya ang totoong impormasyon sa totoong nangyari. Naririto ang Senado para matulungang makamit iyon.

At the end of the day, huwag sana nating pakawalan ang kapayapaan dahil sa kagustuhan nating magkaroon ng vengeance.

Scroll to top