filipino entrepreneurs

Senate passes measure to improve access to financing for small business

The measure that will give micro, small and medium enterprises (MSMEs) better access to financing was approved by the Senate on third and final reading, according to its principal author, Sen. Bam Aquino.

Sen. Bam Senate Bill No. 1459 or the Personal Property Security Act hurdled the Senate on third and final reading via an overwhelming 21-0 vote. The House has already passed its version on 3rd and final reading.

“Makakatulong ito sa mga maliliit na negosyo na nahihirapan makakuha ng mga loan sa bangko. Suportahan natin ang paglago ng maliliit na negosyo na kabhuayan ng mga pamilyang Pilipino,” said Sen. Bam.

If passed into law, Sen. Bam said MSMEs will be allowed to use other properties, such as inventory and equipment, as collateral for loans. Usually, Sen. Bam said banks and other financial institutions prefer immovable assets like land.

“Sa panukalang ito, mas madali at mas ligtas para sa mga bangko ang magpautang sa mga maliliit na negosyo,” Sen. Bam pointed out, adding that banks are more likely to offer loans to our small businesses, thus helping them grow.

According to Sen. Bam, a former social entrepreneur, a successful business is a way out of poverty for many Filipinos.

“Ang pagpasa sa Personal Property Security Act ay pagsuporta sa mga maliliit na negosyo at pamilyang Pilipino,” Sen. Bam stressed.

Sen. Bam explained that assets of MSMEs are mostly personal in nature, including equipment, inventory, livestock, motor vehicles and receivables, which makes it difficult for them to meet bank requirements to get loan approvals.

With this measure, MSMEs can use these personal properties and assets as collateral in acquiring loans from banks and other financial institutions.

During the technical working group (TWG) conducted by the Committee on Banks, different financial associations and concerned government agencies have supported the passage of the measure.

Sen. Bam said the proposal can provide a win-win situation for both MSMEs and banks with a healthier loan environment.

Countries like China, Vietnam and Mexico have passed a similar measure and helped more than one million entrepreneurs and unlocked value amounting to $4 billion.

As an advocate of small business development, Sen. Bam passed several laws to support the sector, including the Go Negosyo Act, Youth Entrepreneurship Act, Philippine Competition Act, Foreign Ships Co-Loading, Microfinance NGOs Act and the Credit Surety Fund Cooperative Act.

Negosyo, Now Na!: Mga kuwento ng tagumpay

Mga Kanegosyo, nais nating ibalita sa inyo na tuloy-tuloy ang pagbubukas ng mga Negosyo Center sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.  

Batay sa ating batas na Go Negosyo Act, magtatayo ang Department of Trade and Industry (DTI) ng mga Negosyo Center sa bawat lalawigan, lungsod at munisipalidad na siyang tutulong sa maliliit na negosyante na lumago at magtagumpay.

Kamakailan lang, nagtungo ang inyong lingkod sa Legazpi City sa lalawigan ng Albay para buksan ang dalawang Negosyo Center doon.

Sa huling bilang, mga Kanegosyo, mayroon ng 90 Negosyo Center sa buong bansa. Inaasahan natin na bago matapos ang taon ay papalo na ito sa 140, higit sa naunang target na 100 para sa 2015.

Nais nating mapag-iibayo pa ang pagtulong sa mga kababayan nating nais magsimula ng sari­ling negosyo o ‘di kaya’y magpalawak ng merkado.

*** 

Mga Kanegosyo, marami na tayong natatanggap na kuwentong mga natulungan na nais nating ibahagi ngayon.

Patuloy pa ring dinadagsa ng mga negosyan­te kauna-unahan­g Negosyo Center sa Pilipinas na makikita sa Cagayan de Oro.

Sa huling bilang, aabot na sa 1,000 kliyente ang kanilang napagsilbihan nang ito’y buksan noong Nobyembre.

Sa Mandurriao, Iloilo, nabigyan naman ng malaking tulong ang dating overseas Filipino worker (OFW) na si Myrna Rojo.

Matapos ang ilang taong pagtatrabaho bilang baker sa Brunei, nagpasya siyang umuwi sa Pilipinas noong 2014 at magsimula ng kanyang negosyo.

Upang makakuha ng tamang paggabay, lumapit siya sa Negosyo Center noong Pebrero 2015, dumalo sa isang seminar sa pagnenegosyo at sumailalim sa isang consultancy session para sa business plan noong Marso.

Dumalo rin siya ng seminar ukol sa food safety, tamang proseso ng manufacturing, labelling at financing.

Pagkatapos ng mga ito, nabuo niya ang kanyang business plan at kamakailan ay binuksan na niya ang kanyang pa­ngarap na negosyo!

***

Sa pagnanais na magkaroon ng sariling tindahan ng bibingka, lumapit naman si Ramil Jaro ng Balasan, Iloilo sa Negosyo Center upang humi­ngi ng abiso kung paano makakapagsimula.

Bilang paunang payo, pinadalo muna siya sa financing forum para sa maliliit na negosyo noong Hunyo 2015 at sumailalim sa pag-aaral ukol sa labe­ling ng processed foods.

Pagkatapos mai-apply ang business name, trademark at logo ng RJ Balasan Bibingka, nakakuha na siya ng pautang na P50,000 mula sa CARD Bank, na isa sa microfinancing institution.

Ngayon, patuloy ang paglakas ng tindahan ni Ramil sa Balasan.

*** 

Mga Kanegosyo, ilan lang ito sa mga kuwento ng tagumpay sa tulong ng ating Negosyo Center.

Sa mga nais magnegosyo, huwag nang magdala­wang-isip pa. Magtungo na sa pinakamalapit na Negosyo Center sa inyong lugar para maumpisahan na ang pa­ngarap na sariling negosyo.

Malay ninyo, ang kuwento ninyo ating susunod na itatampok para maging inspirasyon sa iba pang Pilipino!

 

First Published on Abante Online

 

 

Scroll to top