free wifi

Transcript: Bam on free Internet in public schools, support for under-appreciated scientists, and encouraging tech startups

Transcript of Sen. Bam Aquino’s interview after Committee on Science and Technology hearing

 

Q: When will the committee discuss Internet issues?

 Sen. Bam: Dalawa ang agency under Science and Technology. You have DOST and you have the new DICT. We’re still looking for the availability of Secretary Salalima. So we will tackle that when he’s available already.

 Marami sa amin ang nag-file na Wi-Fi in public facilities, pati na rin sa eskwelahan. That’s something we want to explore sa Committee on Education. Ang ating public schools at SUCs, may sapat na internet connectivity. Kasi napansin rin namin na kulang talaga iyong connectivity natin sa ating public schools and SUCs.

 

Q: Ano ang nakikita niyong balakid na maipasa ito?

 Sen. Bam: Actually, wala akong nakikitang balakid. Unang-una pangako ng maraming mga politiko. Pangalawa, hinahanap talaga ng mga taumbayan. Ang concern ko is kung kaya nga ba ng ating telcos na bigyan ng connectivity ang ating SUCs.

 We can pass it into law pero kung talagang mahina, kung talagang mabagal, eh, sayang din lang iyan. So we want to get a commitment also na kung gagawin natin ito, sigurado talaga na iyong speed, iyong bilis at access talagang mararamdaman ng taumbayan.

 

Q: Iyong sa Magna Carta (for Scientists), kumusta?

 Sen. Bam: Alam mo, isa ito sa mga bagay-bagay na kailangan ng ating bansa para mag-progress. Iyong ating focus sa science at math, iyong ating tulong sa mga scientists, na magkaroon ng dagdag resources sa research. Ito iyong mga bagay-bagay na kailangan mangyari so we can really move forward.

 Sabi nga ng mga resource speakers natin kanina, kulang talaga iyong support sa mga Filipino scientists. May mga provision na nakakabawas sa puwede nila makuha na suweldo and we want to correct all of this.

 We want to make sure na ang ating Filipino scientists, hindi lang sila makabalik dito, magkaroon ng opportunities dito sa aming bansa, bagkus pati iyong mga nandito hindi na kailangan lumabas ng ating bansa. Itong Magna Carta for Scientists and Science workers, isa ito sa mga bibigyan natin ng pansin in this committee.

 

Q: You spent some time with the Startup Bill. How important is this for you? What’s the potential for this getting passed?

 Sen. Bam: There’s a huge potential also because this is one of my pet bills and we really want to focus on this. At nakita naman natin na full support ang DOST, ang DTI, all of the agencies are fully supportive of this bill. This will hopefully unlock our digital startup community. Maraming startup sa ating bansa, magagaling, very good ideas pero nasasayang dahil nahihirapan magsimula ng negosyo. At nahihirapan sa mga regulasyon. So we want to make it easier for digital startups to start in our country, to sustain themselves eventually get to larger markets.

 Isa ito sa mga gusto naming itulak ngayong 17th Congress and we find a lot of support from the private sector. Of course may Silicon Valley, ang pinakasikat na startup community sa mundo.

 Mayroon din sa Israel which created Viber and Waze. We’d like to think that we have the ingredients to have a very vibrant economically viable innovative startup community. Kailangan na lang ng kaunting tulong.

 And what we want to do, gusto nating tanggalin lahat ng mga balakid sa kanila. We want to make it easier for them and create that community here. And we really feel may potential sa Pilipinas. We can really do that here.

 The startup community’s been here for a number of years already but this is the first time na binibigyan ng pansin ang kanilang concerns at nagsa-suggest ang gobyerno ng solutions na puwede nilang makuha upang mas mapadali ang proseso ng kanilang pagiging startup sa ating bansa.

 

Q: Apart from the financial incentives, ano iyong iba pang ways to help our startups?

 Sen. Bam: Alam mo, marami eh. In fact, iyong financial – isang aspeto lang iyan. Iyong isang mahalaga diyan is Ease of doing business. Pagkakaroon ng paraan na ma-recognize sila, nabibigyan ng tamang benepisyo hindi lang sa pera pati rin sa personnel, pati rin sa office space or co-working spaces.

 So the bill is very comprehensive. It’s more than just financial support. It tries to make it easier for people to start up their businesses. It makes it easier for foreigners to also come here para magsimula dito.

 Kasi nakikita natin na maraming dayuhan na maraming karanasan sa ibang bansa na gustong magtayo ng mga negosyo dito sa startup scene.

 And everytime they come here, whether they are Fil-Ams, or even foreigners mismo na napamahal sa Pilipinas. When they come here bringing their experience, mas lumalago iyong ating ecosystem.

 Lumalago iyong karanasan ng mga startups dito at nagiging mas evolved sila at mas tumataas iyong level nila. We’re hoping we can also make it easier for them to set up here.

 Mahalaga na may support – iyong financial support, ease of doing business at pagkakaroon ng komunidad na sila-sila rin magtulungan na ma-create nila iyong komunidad so we can compete with the rest of the world.

 

Q: Nabanggit niyo po -this innovative startup is not just for Filipinos?

 Sen. Bam: Well, it creates space for foreigners to also set up here or they can join Filipino companies here.

 

Q: But don’t you think iyong competition, malamangan iyong mga Filipino startup?

Sen. Bam: Well, unang-una kasi iyong ganyang mentality – iyan iyong type of mentality na hindi nakaka-progress ang mga communities. If you look at silicon valley, if you look at other startup communities around the world, there’s competition but there’s also a lot of cooperation.

 There’s also a lot of cross-learning. That’s the way that these communities really thrive, eh. Nagkakaroon ng exchange of ideas, technology and personnel. Iyan iyong paraan para talagang ma-develop iyong community. You have to allow that exchange to happen.

 Yes, they’re competing with each other but through that competition, lumalabas iyong totoong galing at nagkakaroon ng cross-learning.

 So, mahalaga iyon. Kung mananatili tayong isolated at insular, hindi talaga tayo mag-po-progress but if we want to be competitive, kailangan handa tayong tumanggap ng tao mula sa iba’t-ibang bansa. Makikipagkumpitensya sa kanila pero also makuha rin ang kaalaman nila.

Scroll to top